Linggo, Disyembre 27, 2009

Humanap ka ng PANGET!

UNANG YUGTO


“Oo, ako si Mr. Suave…ohhhh…grabe!”

Nagising ako sa malakas na alarm ng cellphone ko. As usual, umaga na naman. Simula na naman ng isang mahabang araw para sa akin. Bumangon ako at pinatay ang kanina pa sumisigaw na cellphone. Nag-inat ng sandali at tumuloy sa banyo. Eto na naman, makikita ko na naman ang isang nilalang na isinumpa yata ng panahon. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. “ang gwapo ko talaga!” at kumindat pa ako na para bang totoo ang sinasabi ko. E ano kung makapal ang labi ko? So what kung parang kamatis ang ilong ko? ano ngayon kung hindi ko matanggal ang mga taghiyawat sa mukha ko? ano ngayon kung hindi ako biniyayaan ng magandang itsura? Ano ngayon kung nasunog ng araw ang kulay ko? Basta ang mahalaga,….Basta ang mahalaga….

Ano nga ba? Bakit ba kasi ang panget ko?! Bakit?! BAKIIIIIIITTTTT????!!!!

TOK! TOK! TOK!

“Kuya? Ikaw ba ang nandyan?” narinig ko mula sa labas ng banyo. Si Alex, ang anim na taong bunso ko ng kapatid.

“Bakit?” tanong ko.

“Ihing-ihi na ako kuya.”

Binuksan ko ang pinto ng banyo at pinapasok siya. Humarap sya sa bowl at nagmamadaling ibinaba ang shorts at umihi habang ako naman ay naghilamos at nagmumog.

“Kuya, bakit tumitigas ang bird?” tanong ni Alex. Hay naku, eto na naman ang batang hindi nauubusan ng tanong.

“Eh kasi, giniginaw sya.” Sagot ko naman.

“Bakit sya giniginaw?”

“Eh kasi, malamig.”

“Bakit lumalamig? May giant aircon ba sa heaven?”

“Siguro.” Narinig ko pang nagtatanong ang kapatid ko pero lumabas na ako at nagtuloy sa kusina. Kinuha ko ang itlog sa ref para prituhin at humarap na ako sa kalan. Magsasaing na rin ako para sa baon ng aking dalawang kapatid.
Sya nga pala, ako si Antonio. Anton for short. Matangkad, maganda ang hubog ng katawan, sabi nila, maganda daw ang ugali ko, medyo matalino din ng konti at higit sa lahat……gwapo! Pero ako lang ang nakakaalam nun. Ako na ang nagsisilbing nanay at tatay ng dalawa kong kapatid na sina Arluwin, siyam na taong gulang at ang makulit na si Alex. Namatay kasi ang nanay ko ilang taon na rin ang nakalilipas dahil sa sakit. Nagkasakit sya sa puso mula nung iniwan kami ng aming tatay at sumama sa ibang babae. Akalain mo, kamukha ko daw ang tatay ko pero dalawa ang asawa nya. Hanep! Nung mamatay si Inay, dinala ko ang aking mga kapatid kay itay dahil kahit papaano ay responsibilidad niya ito. Ako naman ay namuhay ng mag-isa. Nag-aral ng high school habang nagtatrabaho at bumibisita minsan sa aking mga kapatid o minsan naman ay sinusundo ko sila at dito kami sa bahay buong maghapon. Buti na lang at nakapagpundar na ng mga gamit si inay bago ito namayapa. Ako na lang ang nag-rent dito sa bahay ng mabait na si Aling Delma.

Bakit ngayon ay dito na nakatira ang mga kapatid ko? Well, ganito yun. Nung nakatapos ako ng high school, niyaya ko sila dito sa bahay para i-celebrate ang aking pagtatapos. Yun ang pinakamahabang oras na magkasama kaming makakapatid. Tapos biglang nasabi ni Alex na “Kuya, ayaw ko nang bumalik dun” sinang-ayunan naman iyon ni Arluwin. Syempre inisip kong nimi-miss nila ako kaya ganun, pero itinanong ko pa rin kung bakit at nagulat ako sa aking natuklasan. Ipinakita sa akin ng dalawa kong kapatid ang mga pasa sa likod ng kanilang hita. Parang tumigil ang tibok ng puso ko ng makita ko ang mga iyon. Napakabata pa nila para sapitin iyon. Apat na taon pa lang si Alex at si Arluwin naman ay anim. Sabi nila, lagi daw silang pinapalo ng kanilang madrasta kahit na yung kapatid nilang hilaw ang may kasalanan. Minsan daw ay hindi sila pinakakain buong maghapon at nakakatikim lang sila ng pagkain nang dumating si itay mula sa trabaho. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa aking narinig. Sabi ko, “Bakit hindi nyo sinumbong kay itay?” pero sabi nila, Binantaan daw sila ng bruha na kapag nagsumbong sila ay mas grabe ang matitikman nila. Biglang umakyat ang dugo ko sa aking ulo at dali-dali ko silang hinila palabas. “Tara, susugurin yung hayup na iyon!” sigaw ko.

Gabi noon, pagbaba namin sa tricycle ay nagmamdali akong tumakbo sa may pinto at malakas kong kinatok iyon.

BLAG! BLAG! BLAG!

“Hayop ka! Buksan mo ang pinto!” sigaw ko.

Dumungaw sa bintana si itay at nagtungo sa pinto at binuksan iyon. “O, Anton, anong problema?” tanong ni itay.

“Asan ang bruha mong asawa?” galit na galit talaga ako nung oras na iyon.

Biglang lumabas ang impaktang babaeng iyon, “Bakit, anong problema mo?”
“Hayop ka! Anong pinaggagawa ko sa mga kapatid ko?”

“Anton, ano bang ibig sabihin nito?” nagtatakang tanong ni itay.

Pinatalikod ko ang aking mga kapatid at ipinakita ang mga pasa nila. Nakita kong nagulat si itay. “Tingnan nyo ang kahayupan ng asawa nyo! Tingnan nyo!!!”

Tumingin si itay sa kanyang asawa na tila nagtatanong. Pero ngumiti lang ito at sinabing, “Masyadong kasi silang makukulit ”

“Hayop ka!” sumugod ako at -

PAK!

Sinampal ko ang babeng iyon.

“Aba! Arnulfo, hahayaan mo lang akong sampalin lang ako ng demonyo mong anak? Hindi na ako ginalang, pamamahay ko pa ito.” sabi nito kay itay.

Naguluhan si itay, tila hindi alam ang gagawin.

“Anton tama na.” sabi niya.

“Siya ang patigilin nyo!” sagot ko naman. At muli kong ibinaling ang tingin ko sa babaeng iyon. “Ano? Sila lang ang kaya mong saktan? Ha?” sabi ko sa babae.

“Anton tama na sabi!” medyo mataas ang boses ni itay pero hindi ko pinansin iyon dahil sa sobrang galit ko. muli akong sumugod at magsasalita pa sana ako ng biglang-

“Tama na sabi!”

PAK!

Isang malakas na suntok ang dumapo sa pisngi ko. galing kay itay. Tila umikot ang buong mundo ko. Pero kahit na masakit iyon ay naging manhid ako. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang tumulo ang luha ko. Manhid ang katawan ko sa suntok na iyon pero sapul naman ang sakit sa aking dibdib. Tumalikod ako at hinawakan ko ang mga kamay ng aking kapatid at tuloy-tuloy na kaming umalis.

Back to the real world. Eto kaming magkakapatid, magkakasama. At least hindi na ako mag-aalala sa kanila. Janitor ako ngayon sa isang malaking office. Medyo sapat naman ang kinikita ko para sa amin. May pera pa akong naiipon dahil plano kong pumasok ng kolehiyo sa susunod na taon. Dalawang taon na rin akong hindi nag-aaral.

Nauunang umalis ng bahay si Arluwin. Maaga kasi ang pasok nito. Si Alex naman ay prep kaya’t inihahatid ko sya sa school at tuloy na rin ang pagpasok ko. Alas dose pa lang ay umuuwi na si Alex kaya’t dinadamihan ko na ang pagluluto sa umaga para may datnan siyang pagkain pag-uwi niya. Tapos ay pumupunta siya kay Aling Delma at doon muna siya habang wala pa ang ate nya na alas-kwatro naman ng hapon umuuwi. Mabuti na lamang at mabait ang may ari ng bahay at siya pa ang nag-alok na doon muna si Alex habang wala ako. Gabi na akong dumadating at dala ko ang aming hapunan. Ito ang araw-araw na routine sa aking buhay.

Pero hindi lang dyan umiikot ang aking mundo. Eto na ang kwento ng aking lovelife. Meron nga ba?






























IKALAWANG YUGTO


Sabi ni Choppy ng grupong Porkchop, “Pangit man daw at hamak sa paningin…..nakabubuntis rin! hehehe”

Pero walang kinalaman yan dito sa karugtong ng story ko.

Lunes. Unang araw sa opisina. As usual, maaga akong pumasok para maglinis ng opisina. Inuna ko ang hallway. Maya-maya na yung loob ng office. Umagang-umaga pa lang ay tagaktak na ang pawis ko. Pero oks lang, sanay na ako. Eto na ako ngayon sa loob ng office. Huminga ako ng malalim at nilanghap ang amoy niyon. Aaahhh! Ewan ko ba pero parang ang sarap amuyin niyon. Sinimulan ko nang mag-vaccuum sa carpeted na sahig at iniayos ang bawat table na naroroon. At katulad ng lagi kong ginagawa, last kong nililinis ang table sa bandang sulok na medyo malapit sa aircon. Iyon ang table ni Hazel. Napangiti pa ako habang inililigpit ang mga papel doon. Maya-maya lang ay isa-isa nang nagpapasukan ang mga empleyado. At tulad ng inaasahan ko, at talagang plano ko araw-araw, dadatnan ako ni Hazel na naglilinis ng kanyang table. Sapat na iyon para masilayan ko ang kanyang kagandahan. Sapat nang marinig ko ang pagbati nya ng magandang umaga para buong maghapon na magpaulit-ulit sa isipan ko ang malambing niyang tinig.

“Anton!” tinig mula sa likuran ko. kilala ko iyon. Si Vivian. Ang masungit na ka-officemate ni Hazel. Nilingon ko agad iyon. “Paki-shred naman nitong mga ito” sabi niya at itinuro ang sandamakmak na papel sa tabi niya.

Nilapitan ko agad para wala na syang masabi. Dinala ko iyon sa may shreder pero hindi ko muna ginalaw dahil gusto ko munang silayan ang aking crush. Sino ba naman kasing lalaki ang hindi magkakagusto sa super ganda at super seksing si Hazel. Pabalik na ako sa kanyang table ng makita ko yung vaccuum cleaner na nakaharang sa kabilang daan. Syempre, para maiwasan na mapagalitan, kinuha ko iyon at inilagay sa tamang lalagyan. Muli kong nilakad ang daan patungo sa desk ni Hazel at nang papalapit na ako ay nakita ko syang nakaupo na doon at may kausap sa phone. Bad trip! Hindi kumpleto ang araw ko. Nakakainis talaga! Bumalik ako sa shreder at idinispatsa ang mga papel. Masama talaga ang loob ko.

“Good morning Anton!” bigla kong narinig sa bandang likuran ko. Kilala ko yun. Biglang bumilis ang tibok ng aking dibdib. Humarap ako sa kanya. Tama ako. Si Hazel nga iyon.

Ngumiti ako, “Good morning ma’am! Ano pong kailangan nila?” ang ganda talaga nya! Parang isang anghel. Pero hindi ako nagpapahalatang gusto ko sya. Kaswal lang ang usapan namin.
“Pa-shred naman nito.” at iniabot sa akin ang mga papel. Naku, mahahawakan ko ang kamay nya. Unti-unti nyang iniaabot iyon at excited naman akong tanggapin iyon. Ayan na… malapit na… pero nang mahawakan ko ang kabilang dulo ng mga papel ay binitiwan niya iyon. Sayang!

“Thanks.” Malambing niyang sabi.

“No problem. Ang totoo nyan, balak ko na nga sanang kunin ‘to kanina pa, kaso hindi ko alam kung gagamitin nyo pa.” sabi ko. Parang ayaw ko pa syang paalisin sa harap ko.

“Ok lang” ngumiti ulit sya at tumalikod na. Para akong natulala habang tinitingnan siyang naglalakad. Kumpleto na ang araw ko. Kung pwede lang sanang mapasa akin ang anghel na iyon…haaayy!

PAK!

Isang mahinang tapik ang naramdaman ko sa balikat ko. “Baka matunaw yan.” Sabi pa niya. Kinabahan ako. Kilala ko ang boses na iyon. Si Edwin. Ang isang mayabang na ka-opisina ni Hazel. Isa rin sa mga pumoporma sa aking irog. “Mabuti pa’y magtrabaho ka na kesa patayo-tayo ka lang dyan.” Dugtong pa niya. Ewan ko ba kung bakit parang laging galit sa akin ang lalaking ito. Insecure siguro kasi mas mabait sa akin si Hazel.

“S-Sorry sir” yun lang ang nasabi ko at bumalik na ako sa pagtatrabaho. Syempre, pa-smile smile ako dahil kumpleto na ulit ang araw ko.

LUNCH BREAK.

Dun lang sa may cafeteria sa ibaba kumakain ang mga empleyado rito. Kadalasan ay sumasabay ako sa kanila dahil 12pm din naman ang breaktime ko. Dun lang ako sa sulok kumakain dahil ang totoo, nahihiya ako sa kanila. Ewan ko kung bakit pero yun ang nararamdaman ko eh. Pero kapag may baon akong pagkain, dun ako sa stock room nanananghalian. Nakakahiya naman kasing kumain dun sa cafeteria nang wala man lang akong order. Halos mabali ang leeg ko sa kakalingon kung nasaan na si Hazel para man lang masabayan ko sa pagbaba. At ayun! Paparating na siya. Mauuna lang ako ng konti para hindi halatang hinihintay ko sya. Babagalan ko na lang ang lakad ko para makasabay ko sya. Papalabas na ako ng office ng biglang-

“Anton!” nilingon ko ang pinagmumulan ng tinig na iyon at nakita ko si Edwin na kumakaway sa akin. Nilapitan ko agad ito.

“Yes sir?” tanong ko.

“Paki-arrange naman nito, kailangan ko yan before 1pm ngayon.” Sabi niya at iniabot niya ang mga papel sa akin bago siya tuluyang umalis.

“Opo.” Yun lang ang naisagot ko. Nakakainis naman! Ang hirap naman kasi ng pinagbibigyan eh. Hindi ko naman trabaho ‘to. Nakiusap lang sya sa akin noon na tulungan ko sya. Naawa naman ako kaya sumunod ako. Eto ngayon, umaabuso na ang loko. At may time limit pa. hmp!

“Oy, Anton! Hindi ka pa ba kakain? Lunch time na ah!” tinig mula sa likuran ko. Si Betty yun. Ang bestfriend ni Hazel. Ito ang pinaka-close ko sa lahat ng tao rito. Napakabait kasi niya at talagang down to earth. Walang pakialam kahit gaano kababa ang level ng kausap niya.

Lumingon ako sa kanya, “Mamaya na ako, may ipinapagawa pa si Edwin eh.”

“Hay naku, ang lalaking ‘yon talaga. Tsk! tsk! tsk!” sabi niya, “Ba’t naman ikaw ang gumagawa nyan? Trabaho nya yan ah!” dugtong pa nito.

“Hayaan mo na, minsan lang naman eh.”

Biglang dumating si Hazel “Tara na!” sabi nito kay Betty. “Ikaw Anton?” bumaling siya sa akin. Parang nataranta ako. Hindi ako nakasagot agad.

“Hay naku, ang bruhong Edwin na iyon, eto’t pinagawa kay Anton yung trabaho nya.” Salo ni Betty.

“Talaga? Sobra naman ang lalaking yun. Iwanan mo nga yan, hayaan mong sya ang gumawa nyan.” parang tatalon ang puso ko sa sinabing iyon ni Hazel. Concern siya sa akin.

“Ok lang po ma’am, saglit lang naman ‘to eh.” Finally, nakasagot din ako.

“Sigurado ka?”

Tumango ako. Pero sa totoo lang. parang sasabog ang dibdib ko.

“Tara na sis!” sabi niya kay Betty.

“Mauna na kami Ton,” paalam ni Betty at tumango rin ako sa kanya. Sinundan ko pa ng tingin ang dalawa at nagulat pa ako ng bahagya nang makita ko sa may pintuan si Edwin. Ang lokong yun, hinihintay pala si Hazel. Tiningnan pa ako ng nakakalokong tingin at nag-ngiting aso pa bago isara ang pinto. Nang-asar pa ang loko.

Bigla kong naisip… hindi kaya sinadya nya iyon? Hindi kaya naiinsicure sa akin ang sira ulong yun? Tama kaya ang hinala ko? Ganun nga siguro, pwes, hindi ako papayag na lapastanganin ng kung sino-sino lang. Kahit ganito lang ako, hindi dapat ako inaapi. Tingnan lang natin.

12:45 na ako kumain, medyo konti na lang ang tao sa cafeteria. Nilibot ko ng tingin ang paligid at wala na rin doon sina Hazel. Siguradong naroon na ito sa CR at nagpapagandang muli. Hindi na ako sa gilid pumwesto tutal ay konti nga lang ang tao. Umorder ako ng isang pinakbet at isang kanin at inilabas ko na rin ang “Angels & Demons”. Libro ni Dan Brown na malapit ko nang matapos. Fan talaga ako ni Dan Brown. As a matter of fact, ito na lang ang book nya na hindi ko pa nababasa. Saglit ko lang tinapos ang pagkain ko at muling bumalik sa pagbabasa.

“Oo, ako si Mr. Suave…ohhhh…grabe!”

Nagulat ako sa sigaw na iyon ng aking cellphone. Parang ang bilis naman, parang kaka-set ko lang nito kanina tapos 1:30 na agad. Tumayo ako at nag-ayos ng sarili. Babalik na ako sa office at titingnan ko kung tama ang magiging expectation ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at unti-unting sinilip ang kinaroroonan ni Edwin. Napangiti ako ng makita ko ang boss nya na nakatayo sa harapan niya. Hahaha! Pinapagalitan ang loko. Paano kasi, hindi ko inayos yung mga pinapaayos nya sa akin. Dahan-dahan akong lumakad at sinadya ko pang dumaan sa harap niya. Alam kong hindi ako ituturo ni Edwin dahil sya rin ang pagagalitan kapag nalaman na sa akin iya ipinagawa iyon. Tumingin siya ng masama sa akin nang makita niya ako. Kunwari naman ay hindi ko sya nakita, pero ang totoo, nagdidiwang ang loob ko. Nang mapadaan ako sa table ni Betty ay kumindat sya sa akin na sinagot ko naman ng isang pilyong ngiti.


















IKATLONG YUGTO


Abalang-abala ako sa pagshe-shred ng mga papers ng biglang lumapit sa akin si Edwin. Tapos na ang mahabang sermon sa kanya ng boss nya. Seryoso ang mukha nito at may bitbit na papel.

“Nice work Anton!” sabi niya. “Eto, i-shred mo!” at padabog na inilapag sa harapan ko ang mga papel. “May araw ka rin” muli niyang sinabi at tumalikod na ito. Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa sa nakikita ko, basta ang alam ko, wala akong ginagawang masama. Ang ginawa ko ay para sa ikabubuti niya. Para naman mawala yung katamaran niya.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagtatrabaho ko hanggang sa hindi ko namalayan na 5:30pm na pala. Oras na para mag-uwian ang ilan sa opisina. Ang iba naman ay nag-o-overtime ng hanggang 6pm. At ako naman, obligadong umuwi ng late dahil lilinisin ko pa ang buong opisina para bukas ay konti na lang ang ayusin ko.

Iilan na lamang ang natitirang empleyado kaya’t sinimulan ko nang magtrabaho para naman maaga rin akong makauwi. Una kong kinolekta ang mga basura sa kanya-kanyang table. At nung malapit na ako sa bandang dulo ay nagulat ako sa aking nakita. Si Hazel! Sa unang pagkakataon ay nakita ko syang nag-overtime. Tiningnan ko ang paligid. Tatlong tao na lang ang natitira. Pero halos lahat sila ay nagliligpit na ng gamit. Ang ibig sabihin ay aalis na lang sila. Muli kong sinilip si Hazel. Nakita kong abala pa ito at nagta-type sa kanyang pc. Tiningnan ko ang trash can sa ibaba ng aking mesa at ang swerte ko naman dahil nakita kong maraming laman iyon. Dahan-dahan kong nilapitan si Hazel. Tamang-tama dahil may katuwiran akong lumapit sa kanya ngayon.

“Anton,” nagulat ako sa pagtawag nya ng makalapit ako.

“Yes ma’am?” magalang kong sagot.

“Ikaw ang nagsasara ng office right?” tumango ako. “What time mo isasara ‘to?”

“Ma’am, kapag wala na pong tao dito.”

“Ah, ok! pwede ba akong mag-extend until 6:30? May tatapusin lang ako. Hindi kasi ako papasok bukas eh. Ok lang?”

Medyo nalungkot ako sa sinabi niyang iyon pero parang natuwa na rin ako dahil may pagkakataon akong sabayan sya. “Ok lang po ma’am.”
“Thank you.”

“Kukunin ko lang po yung basura.”

“Ok.”

Isinalin ko ang laman ng trash can na iyon sa malaking garbage bag na bitbit ko at muli kong ibinalik iyon. “Salamat po ma’am.” At akmang aalis na ako.

“Anton,”

“Yes ma’am?”

“Tigilan mo na nga yang kaka-ma’am mo sa akin. Hindi ako ang amo mo at napakabata ko pa para galangin mo ng ganyan.” sabi niya. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. tuwang tuwa talaga ako.

“Yes ma’am. Este, Hazel.”

“Ok.” nakangiti sya pero sa monitor ng pc nakatingin. Pero sapat na iyon para masilayan kong muli ang mala-anghel niyang ngiti.

Tumalikod na ako at talagang abot tenga ang ngiti ko. Parang gusto kong tumalon sa sobrang tuwa. Tiningnan ko ang mga mesa. Wala nang tao. ang ibig sabihin, masosolo ko na sya. Patuloy ang paglalakad ko sa gitna habang lumilipad ang isip ko.
Nakikita ko sa imahinasyon ko.

“Anton, sabay ba tayong umuwi.” Nakangiti sya sa akin.

“Anton, hawakan mo naman ang kamay ko.” nagmamakaawa sya habang naghihintay kami ng jeep.

“Salamat sa paghatid mo sa akin Baby.” Malambing ang tinig nyang iyon at unti-unti niya akong hahalikan. Papalapit ng papalapit ang kanyang labi sa aking mukha ng biglang

BLAG!

Nabangga ako. At hindi sa pader kundi sa isang tao. Hindi ko pala nasilip ang kabilang dulo ng office. Naroon pa pala si Edwin.

“Ano ba? Hindi tinitingnan ang dinadaanan eh!” galit niyang sabi.

“S-sorry sir!” sabi ko naman habang nakikita kong pinapagpag niya ang kanyang balikat. Akala mo ay isa akong taong putik sa reaksyon ng mukha niya. Tumalikod na ako sa kanya.

“Hoy!” sabi niya at muli akong humarap sa kanya.

“Anong oras daw uuwi si Hazel?” tanong niya. Naku naman! At may balak pa akong unahan. Tsk! tsk! tsk! naiinis na talaga ako sa lalaking ito. “Hoy! Anong oras daw?” muli niyang tanong.

“Hindi ko po alam sir.” Pagsisinungaling ko. “Alas sais po yata.”

“Ganun ba?” tiningnan niya ang wristwatch nya. Tiningnan ko rin ang sa akin. 5:45 pa lang. “Sige, aalis din ako ng alas sais.” Sabi niya. Sabi ko na nga ba at eepal pa ang loko! Buti na lang at mali ang sinabi ko. hehehe.

Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng mga basura hanggang sa makita kong lumabas si Edwin sa pinto. Tiningnan ko ang relo ko. 6pm na. hehehe. Muli kong sinilip si Hazel. Naroon pa siya. 30 minutes pa bago sya lumabas. Tapos na ang gawain ko. wala na akong ibang gagawin kundi ang maghintay sa aking mahal. Umupo ako sa gilid at kinuha ko ang cellphone ko. Tinext ko si Aling Delma at kinumusta ang aking mga kapatid. Mabilis naman itong nag-reply at oks lang naman daw ang aking mga utol. Muli kong tiningnan ang relo ko. 5 minutes pa lang ang nakalilipas. Naiinip na ako. kinuha ko ang libro ko na laging nasa bulsa ko at binuklat ko iyon. Sinimulan kong basahin at nawili na naman ako.

“Mahilig ka palang magbasa?” nagulat ako sa tinig na iyon. Halos mabitawan ko ang librong hawak ko.

“Ha? Ah. Yes ma’am. Este, Hazel.”

Tiningnan niya ang libro sa kamay ko. “Wow! Dan Brown! Favorite ko rin yan.”

“Talaga? Ako rin po. Nabasa ko na rin po lahat ng books nya. Ito na lang ang hindi pa.” pagmamayabang ko.

“Hindi nga?” parang di pa sya makapaniwala. “Deception Point ang binabasa ko ngayon. Maganda ba yun?”

“Opo. Maganda po talaga. Lahat naman ng sinulat nya, nagustuhan ko eh.”

“Ako rin. Kwento mo nga sa akin para may idea ako. pero wag mo ikwento lahat ha?” nakangiti niyang sabi. “Pauwi na nga pala ako. Ikaw?”

“Ho? Kayo lang po ang hinihintay ko.”
“Ganun ba? Sorry ha? Anyway, sabay na lang tayo.”

Para akong nanalo sa lotto nang sabihin niya iyon sa akin. “Ok po!” nagmamadali akong nag-ayos ng sarili at sumunod sa kanya papalabas ng office. Pagkatapos ay hinintay pa nya talaga akong mai-lock ang pinto. Jackpot talaga!!!

Sabay na kaming naglalakad sa may hallway hanggang sa labas mismo ng building habang niyayabangan ko sya tungkol sa libro ni Dan Brown. Tuwang-tuwa ako hindi lang dahil kasama ko sya kundi dahil meron akong nakaka-share tungkol sa idol kong manunulat. Pagliko namin sa tapat ng parking lot kung saan dadaan papunta sa waiting shed, isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa amin. Si Edwin. Masama ang tingin nito sa akin. Papalapit na kami sa kanya.

“Hey Edwin, nandito ka pa pala?” bungad ni Hazel.

“Ha? O-Oo. Nag-overtime ako hanggang alas sais.” At diniinan pa niya ang pagsabi ng sais. “Tapos, nakakwentuhan ko yung guard kaya inabot din ako ng ganitong oras. Nandito ka pa pala?” pa-inosenteng tanong nya. Bulok naman ang style nya. Hmp! Ang yabang talaga nitong kumag na ito. “Kung gusto mo, sabay na lang tayong umuwi. Hatid na kita. May kotse ako” at muli niyang diniinan ang salitang kotse.

“Ok lang talaga?” nakangiting sabi ni Hazel. Parang gusto kong dukutin ang mata ni Edwin sa sobrang inis ko. Tiningnan pa ako ng nakakalokong tingin.

“Ok lang, tutal wala naman akong lakad ngayon. Saka sa may Silang ka di ba? Dun din naman ang way ko.” pagmamayabang ni Edwin. Tila nanliliit ako sa usapan nila.

Tumingin sa akin si Hazel, “Anton-”

“Ok lang po! Go ahead.” Pinutol ko na ang sasabihin niya. Alam ko na naman iyon eh. Iiwan nya ako.

“Anton, sumabay ka na lang sa amin.” Sabi ni Hazel. Nagulat ako dun ah! “Ok lang ba Edwin? Tutal doon din naman ang way nya eh.” Katwiran pa ni Hazel. Nabanggit ko kasi kanina na sa may Buho ako nakatira. Halos malapit lang sa inuuwian ni Hazel.

“Ha? O-ok lang naman, walang problema.” Nahalata kong pilit siyang ngumiti at tumingin pa sa akin.

“Well then, let’s go!”

IKA-APAT NA YUGTO


Tila pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha ni Edwin habang nagmamaneho syang pauwi. Paano naman kasi, magkatabi kami ni Hazel sa bandang likuran ng kotse nya at panay ang tawa ni Hazel sa mga joke ko kahit na korni. Napapansin kong panay ang sulyap niya sa rearview mirror at seryoso ang kanyang mukha. Lalo ko namang ginagalingan ang pagpapatawa ko kay Hazel at talagang para akong lumulipad sa langit nung araw na iyon. Hinihiling ko lang na sana’y wag nang matapos ang oras na iyon.

Ilang minuto lang ay natatanaw na namin ang Silang kung saan unang bababa si Hazel. Masama ang tingin sa akin ni Edwin kaya’t naisip kong sasabay na ako kay Hazel sa pagbaba. Sasakay na lang ako ng jeep pauwi mula sa lugar na iyon. Masama kasi ang kutob ko. Parang may gustong gawin si Edwin kapag naiwan kaming dalawa sa kotse nya.

“O pano guys, goodnight na lang at thanks sa ride” nakangiting sabi ni Hazel ng itigil ni Edwin ang kotse sa kanto ng Silang.

“Sure kang ayaw mo nang ihatid kita sa looban?” tanong ni Edwin.

“Hindi na. thanks na lang ulit. Malapit lang naman ang sa amin. Ayun lang oh!” sabay turo niya sa may gate na kulay pula.

“Am…bababa na rin ako.” sabi ko naman.

Tumingin sa akin si Edwin “di ba sa Buho ka pa?”

“Oo nga” sang-ayon ni Hazel.

“Ha? A- e- bibili pa pala ako ng hapunan namin doon” at itinuro ko ang isang talipapa sa kabilang kanto. Hindi ako nagsisinungaling. Bibili talaga ako ng hapunan namin.

“Ah, ok!” sabi ni Hazel. “Marami ngang dumadayo dyan kasi mura daw ang bilihin.” Dugtong pa niya.

“Sige po sir, salamat po sa hitch.” Nakangiti kong sabi kay Edwin. Ngumiti sya sa akin dahil alam nyang nakatingin si Hazel sa kanya. Pero nung tumalikod si Hazel ay biglang naging seryoso ang mukha niya. Umalis na ako at humarurot na siya.

“O pano, una na ako” sabi ni Hazel.

“Sige po, kita na lang ulit bukas.”

“Ha? Hindi ako papasok bukas eh.”

“Ay oo nga pala. Sige po. Kita na lang sa susunod na bukas.”

Ngumiti siya sa akin at tumalikod na. Gusto ko pa sana siyang sabayan pauwi pero baka hindi na siya pumayag. Tumuloy na rin ako sa aking pupuntahan. Malungkot ako dahil wala bukas ang aking mahal. Parang nakakatamad pumasok.

PAGDATING KO sa tapat ng aming bahay, nakita kong bukas ang lahat ng ilaw hanggang kusina. Nagtaka ako dahil gabi-gabi naman ay nadadatnan ko lang ang aking mga kapatid sa kwarto at nag-aaral. Minsan naman ay sa sala at nanonood ng TV. Pero hindi naman sabay na binubuksan ang mga ilaw. Pati sa kusina. Bahagya akong kinabahan at mabilis kong nilakad ang papunta sa amin. Pagbukas ko ng pinto, wala ang aking mga kapatid sa sala pero bukas ang TV. Mabilis kong tinungo ang kwarto dahil kinakabahan na talaga ako.

Pagbukas ko ng pinto kwarto, biglang gumaan ang pakiramdam ko nang makita kong naroon sila at nagsusulat sa isang maliit na study table.

“Kuya!” nakangiting bati ni Alex sa akin at patakbo akong nilapitan at yumakap sa akin. Kinalong ko naman siya at lumapit ako kay Arluwin.

“Pasalubong ko?” tanong ni Alex. Ito ang gabi-gabi niyang sinasabi sa akin.
Ibinigay ko ang plastic bag na dala ko. “O, ikaw na ang maghanap dyan. Ulam natin yan saka pasalubong ko.” Laumapit ako kay Arluwin at hinalikan ko sa pisngi. “Hmp! Ang baho naman ng dalagang ‘to!”

“Kuya naman eh!” sabi niya.

Bigla kong naalala ang mga ilaw. “Bakit nga pala binuksan nyo ang lahat ng ilaw? Di ba sabi ko-”

“Hindi po kami ang nagbukas nyan” pinutol ni Arluwin ang pagsasalita.

“Ha? Sino?” takang tanong ko.

“Dumating ka na pala.” Tila nakuryente ako sa tinig na iyon mula sa aking likuran. Dahan-dahan ko itong ni lingon at tama ang aking hinala. Si itay. Naroon at nakatayo sa pinto ng kwarto “Nagluto na ako ng hapunan.” Dugtong niya.

Para akong natulala. “A-Anong ginagawa niyo rito?” tanong ko.

Tumingin siya sa aking mga kapatid at muling tumingin sa akin bago ito tumalikod at lumakad patungo sa sala. Nakuha ko naman ang ibig sabihin ng aking ama. Ayaw nyang iparinig sa aking mga kapatid ang nais niyang sabihin.

“Dyan lang muna kayo ha? Titikman ko yung niluto ni itay." Sabi ko. tumango naman sila at muling itinuloy ang pagsusulat.

Pagdating ko sa sala ay naroon si itay at nakaupo sa mahabang sofa. Naka-off na ang TV. Umupo ako sa isahang sofa sa may gilid ngunit hindi ako tumitingin sa kanya.

“Anak-”

“Bakit nakuha nyo pang magpakita rito?” pinutol ko ang sasabihin nya.

Katahimikan.

“Hiwalay na kami ni Ivy.” Bungad niya. “Akala ko noon, tama ang desisyon kong iwanan kayo dahil sa kaunting ginhawang naibigay niya. Pero sa bawat araw na kasama ko sya, pakiramdam ko ay sinusunog ang katawan ko sa impyerno. Guilty ako sa mga nagawa ko sa inyo. Lalong lalo na sa inay mo. Noon ko pa gustong bumalik pero, hindi ko alam kung paano. Alam kong kinasusukalman na ako ng buo kong pamilya.” Seryoso nyang sabi.

“Ipaliwanag mo yan kay inay at sa mga kapatid ko!” matigas ko ng sabi.

“Anton, patawarin mo na ako. Pupunan ko ang lahat ng mga naging pagkukulang ko. Pangako! Pag-aaralin ulit kita. Patatapusin ko ang mga kapatid mo. Malaki naman ang kinikita ko.” paliwanag pa niya.

Saglit akong nag-isip. “Bumalik ka dito kapag napatawad ka na ni Inay.” Tumayo ako at nagtungo sa kwarto. Iniwan ko siyang nakatungo. Alam ko, umiiyak sya pero hindi niya napawi ang sakit sa dibdib ko.

“Kain na tayo!” sabi ko sa dalawa kong kapatid. Tumayo naman agad sila at sabay na lumabas ng kwarto. Nang dumaan sa aking harapan si Alex ay kinalong ko sya habang papunta sa hapag kainan.

Nakaupo na sa harap ng mesa sina Arluwin at Alex habang inihahanda ko ang binili kong lutong ulam. Nagsandok na rin ako ng kanin at inayos ang mga plato.

“Hindi natin uulamin yung luto ni itay?” tanong ni Alex.

Umupo na ako, “Hindi masarap eh” sagot ko. “Eto na lang, di ba paborito mo to?”
“Wow! Lechon paksiw!” tuwang tuwa si Alex.

“Kuya-” si Arluwin. “Hindi ba sasabay si itay sa atin?” tanong niya.

Tinignan ko si itay at muli akong tumingin sa aking kapatid. “Hindi. Busog na daw sya.”

“Saan sya kumain?” si Alex.

“Hindi ko alam.”

“Bakit hindi nya tayo hinintay?”

“Hindi ko alam”

“Bakit hindi mo alam?”

“E hindi ko nga alam. Kumain ka dyan pwede?” medyo tumaas ng kaunti ang boses ko. natahimik si Alex at itinuloy ang pagkain.

“Bakit ka nagagalit?” muli niyang tanong.

Naawa naman ako sa kanya. “Hindi ako nagagalit, ang sabi ko lang, kumain ka na para lumaki ka kaagad.” Paliwanag ko.

“Para maging doktor?” muli niyang tanong. Tumango ako.

Matapos kumain ay pinag-half bath ko na ang dalawa kong kapatid habang ako naman ay nagligpit ng aming pinagkainan. Hinuhugasan ko ang mga plato nang biglang narinig ko mula sa likuran ko si itay.

“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Ang galit sa loob mo. Pero kahit gaano mo ako itakwil, kahit gaano mo ako kasuklaman, nandito pa rin ako at paulit-ulit na hihingi ng tawad sa iyo - sa inyo. Kung kailangang lumuhod ako, gagawin ko.” sabi niya pero parang wala akong naririnig. Ewan ko ba. Galit lang siguro talaga ako.

Pagkatapos kong maghugas ng plato ay pumunta na rin ako sa kwarto at tumabi sa aking mga kapatid. Hindi ko na alam kung ano ang ginawa ni itay basta pumikit na ako hanggang sa makatulog na nga ng tuluyan.






IKA-LIMANG YUGTO


“Oo, ako si Mr. Suave…ohhhh…grabe!”

Pakiramdam ko’y katutulog ko pa lang pero bakit ang bilis yata mag-ingay ng alarm ko? tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko baka kasi mali lang ako ng pag-set. 5:00am na daw, syet, tama nga. Gusto ko pang matulog pero hindi pwede, kailangan ko pang maghanda ng almusal at pananghalian ng aking kapatid.

Bumangon ako at nagtungo sa banyo para maghilamos. Saglit ko lang ginawa iyon at nagtungo na ako sa kusina. Bigla kong naalala si itay. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Tiningnan ko ang sala. Wala sya doon. Sumilip ako sa kusina pero wala talagang tao. Umalis na sya. Ang bilis nyang sumuko. Hindi lang talaga sincere ang paghingi nya ng tawad kaya ganun.

Nagtuloy na ako sa kusina. Nang mapadaan ako sa mesa, napansin ko ang mga plato doon at may nakatakip na plato rin. Medyo curious ako kaya dahan-dahan kong inangat iyon para malaman kung ano ang laman. Medyo nabigla ako sa aking nakita. Pritong hotdog at pritong manok. Medyo mainit-init pa. Hindi na ako nagtaka kung sino ang may kagagawan nun. Si itay, for sure. Napangiti ako ng bahagya. Medyo nabawasan ang trabaho ko. Tumuloy na ako sa kusina para magsaing sana pero nakita kong bagong saing lang ang nasa kaldero. Katabi naman niyon ay ang adobong baboy na niluto ni itay kagabi. Mainit pa iyon. Kahit papaano’y natuwa ako sa aking nakita. Hindi rin naman pala masama kung narito si itay. Pero ewan ko ba kung bakit hindi mawala sa isip ko ang sama ng loob sa kanya. Masyado lang kayang mataas ang pride ko? Hindi ko talaga alam. Bumalik ako sa sala at naupo sa sofa. Masyado pa kasing maaga para magbihis. Wala akong magawa. Muling bumalik sa akin ang usapan namin ni itay kagabi. Kung totoong sincere sya, dapat ay hindi sya umalis.

Nagulat ako at halos mapatayo ng biglang bumukas ang pinto. Ilang saglit lang ay hinigop nang papasok si itay.

“Gising ka na pala,” nakangiting sabi niya. Hindi pa rin ako sumasagot. “Bumili ako ng pandesal sa kanto. Eto, kumain na kayo habang mainit pa.”

Hindi ko alam ang ire-react ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Parang masaya na ewan. Tumayo ako at nagpunta sa kwarto. Masyado pang maaga kaya nahiga ulit ako sa kama. Ipinikit ko ang aking mata at hindi ko namalayang nakatulog pala ulit ako.

“Kuya, gumising ka na daw sabi ni itay!” nagulat ako sa tinig na iyon ni Arluwin. Iminulat ko ang aking mata at napabangon bigla ng makita kong medyo maliwanag na. Tiningnan ko ang oras. Alas-sais na. Hindi ko na tiningnan ang aking kapatid. Patakbo kong tinungo ang banyo. Male-late na si Arluwin. Kailangan ko pang pakainin at pabihisin. Teka, ano bang uunahin ko? Lumabas ulit ako ng banyo at saka ko lang napansin na bihis na pala ang aking kapatid. Nagtaka ako.

“Sinong nagbihis sayo?” tanong ko.

Ngumiti sya, “Ako lang po!”

“Kumain ka na ba?”

“Opo.”

“Nasaan si Alex?”

“Nandun binibihisan ni itay. Katatapos lang namin kumain.”

Bigla akong kumalma. Hindi pala sila male-late. Ako na lang pala ang magbibihis at kakain. Bigla kong naalala si inay. Ganito kami noon nung nabubuhay pa sya. Paggising ko ay kakain na lang at magbibihis. Haaayy!

Bumalik ako sa banyo at naligo. Saglit lang iyon at tumuloy na rin akong magbihis. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto. Medyo nagugutom na ako. Pagdaan ko sa sala ay nakita ko si Alex na sinusuklayan ni itay.

“Kumain ka na Anton,” sabi ni itay nang hindi tumitingin sa akin. Tumuloy ako sa mesa at sinimulan ko nang kumain. “Nandyan na rin yung baon mo.” Muling sabi ni itay. Tiningnan ko ang mesa at nakita ko ang aking baunan. May laman na ito. Natuwa naman ako at itinuloy ko na ang pagkain.

Maya-maya lang ay nariyan na ang service ni Arluwin. Humalik siya sa aking pisngi at umalis na. Nakita kong inabutan ito ni itay ng pera bago tuluyang lumabas. Natapos na rin akong kumain at iniligpit ko na ang aking pinagkainan bago magsipilyo.

“Kuya, bilisan mo, baka ma-late ako!” sigaw ni Alex mula sa sala.

“Opo! Nandyan na po!” Akalain mo yun, apurado si bunso.

Minadali ko tuloy ang pagsisipilyo ko at kinuha ko na rin ang baunan ko at nilagay ko sa bag.

“Tara na!” sabi ko at inabot ko ang kanyang kamay.

“Anton!” tinawag ako ni itay. Nilingon ko sya at nakita kong papalapit sa akin.
“May pera ka pa ba?” nakita ko ng dinukot niya ang kanyang wallet.

“Meron pa.” sagot ko pero hindi sya tumigil. Dinukot niya ang dalawang tig-isang libo at iniabot sa akin. “Wag na. Meron pa akong pera. Sumesweldo naman ako eh.” matigas kong sabi.

“Anton please.” hindi niya inaalis sa harapan ko ang pera.

“Kunin mo na kasi kuya. Sige ka, ako ang kukuha nyan.” Sabi ni Alex.

“Ok lang. May pera pa talaga ako.” at tumalikod na ako. Pero tumigil ako saglit.

“Dalhin nyo na dito yung gamit nyo. Kayo na yung gumamit ng isang kwarto.” Sabi ko pero hindi ako lumilingon sa kanya. Ewan ko kung anong reaksyon nya dahil tuloy-tuloy ako sa paglalakad.

Pagkahatid ko kay Alex ay nakasakay agad ako ng jeep. Biglang pumasok sa isip ko si Hazel. Parang bigla akong tinamad pumasok. Hindi kasi siya papasok ngayon. Pagdaan sa Silang, halos magkauntog-untog ako at mabali ang leeg para lang makita ang bahay ni Hazel. Umaasa akong dudungaw siya roon. Kahapon ko lang kasi nalaman na taga-roon pala si Hazel. Kahapon ko lang din naman kasi siya nakausap ng ganun katagal. Wala rin naman akong nakakausap ng tungkol sa kanya.

Pagdating ko sa office, Parang nanlalambot ako habang nililinis ang mga mesa doon. Lalo na nang magawi ang tingin ko sa mesa ni Hazel. Hindi pa nagsisimula ang pasukan ay nami-miss ko na agad siya. Maya-maya lang ay nagdatingan na ang mga empleyado pero patuloy pa rin ako sa paglilinis.

“Good morning Anton!” narinig ko sa may likuran. Si Betty.

Lumingon ako sa kanya “Good morning din!” nakangiti kong sabi.

“Parang wala ka ata sa mood? May sakit ka?” tanong niya.

“H-Ha? Ako? wala naman po!” nagulat ako dun ah! Halata palang matamlay ako?!

Tuloy-tuloy na si Betty sa paglalakad hanggang sa marating nito ang kanyang desk. Bigla namang sumama ang tyan ko. Parang may kumukulo sa loob. Pakiramdam ko'y lalaglag na ito kaya’t nagmamadali akong naglakad papunta sa banyo. ‘Aba! Masama ata ang loob ni itay.’ Sa isip ko. Yung luto lang kasi ni itay ang kinain ko sa araw na ito. Pero hindi naman siguro, baka nalamigan lang ang sikmura ko.

Nasa loob na ako ng cubicle nang marinig kong may pumasok sa cr. Nag-uusap ang mga ito. alam ko kung sino sino ang mga iyon. Kilalang kilala ko ang mga boses na iyon. Sina Edwin at ang isa pa nyang mayabang na kaibigan. Si Romer.

“Tapos walang nangyari?.” Tatawa-tawang tanong ni Romer kay Edwin. “C’mon man! Hinintay mo hanggang 6:30 ng gabi tapos, ni hindi mo man lang nai-date? Ang hina mo talaga!” dugtong pa niya.

“Bad trip kasi yung unggoy na yun eh!” tila inis na tinig ni Edwin. “Akalain mo, biglang umepal. Aba! Gusto din yatang dumiskarte kaya Hazel.”

“At natatakot ka naman?”

“Natatakot? Ako?” sagot ni Edwin at tumawa pa ng bahagya. “Ikumpara mo nga yung itsura nung janitor na yun sa itsura ko.”

“E bat parang insecure ka?”

“At bakit naman ako mai-insecure? Sa tingin mo ba, magugustuhan ni Hazel yung unggoy na yun? E ni hindi mo nga alam kung tao ba talaga yun. Parang alanganing unggoy o alanganing aso!” Nasaktan ako sa sinabi niyang iyon. Sabagay totoo naman, may itsura nga si Edwin at ako naman ay panget.

“Alam mo pare, dapat patunayan mo yan eh. Ikaw din, anong malay mo kung kinukulam na nung janitor na iyon si Hazel. Baka bukas makalawa, mabalitaan na lang natin na … sila na!”

“Pare, kahit anong kulam ang gawin nung unggoy na yun, hinding-hindi sya magugustuhan ni Hazel noh?” mayabang na salita ni Edwin.

“Anong malay natin? E mukha nga syang mangkukulam!”

At sabay na tumawa ng malakas ang dalawa.












IKA-ANIM NA YUGTO


Nang makasiguro akong wala na sila ay saka na ako lumabas ng cube. Kanina pa talaga ako tapos kaso ayaw ko lang muna lumabas dahil naroon pa ang dalawang kumag. Inayos ko ang aking sarili at matapos ay tingnan ko ang mukha ko sa salamin. Tinitigan ko ang bawat anggulo ng itsura ko. Tama nga sila. Panget nga ako. Pero… ano ngayon? Yan lang ba ang tinitingnan ng mga babae sa isang tao? ‘Yan lang ba ang mahalaga? Bigla akong nanlambot… sa panahon ngayon, siguro, “oo nga”. Kung hindi man ako gwapo, sana, mayaman man lang. haaaayyy…

Paglabas ko sa CR ay nagtuloy ako sa stock room para kunin ang duster. Plano kong linisin ang mga agiw sa bintana. Nilalakad ko na ang gitna ng office ng tawagin ako ni Betty.

“Psst! Halika dali!” kumaway pa sya sa akin at lumapit naman ako. “Ano, pupunta ka ba sa Saturday?”

Nagtaka ako sa tanong niyang iyon. “Pupunta? Saan?”

“Ha? Hindi mo alam?”

“Hindi. Ano ba yun?”

“Hay naku,” bumuntong hininga sya. “Hindi mo na alam na birthday ni Hazel sa Saturday?”

Nagulat talaga ako sa balita nyang iyon. “Sa Sabado?” halos mapasigaw ako. “Hindi ko alam yun ah!”

“Pwes alam mo na.” sabi nya. “At iniimbitahan niya ang lahat dito sa office. Don’t tell me, hindi ka sinabihan? Katatawag nya lang eh.”

“Ha? S-sinabihan nga ako. Binibiro lang kita. hehehe” natatawa kong sagot. Pero ang totoo’y parang kinurot ang puso ko sa sinabing iyon ni Betty. Lahat ay sinabihan, pwera lang ako. Meaning, hindi ako invited. Ouch! “O, pano, kita na lang tayo sa Saturday.” Kumindat pa ako sa kanya bago tumalikod at tuluyan nang lumakad patungo sa stock room.

"Ikaw talaga, puro ka kalokohan!" nakangiti niyang sabi. "Sige kita-kits na lang!"

Pagpasok ko sa room ay hindi ko muna kinuha yung duster. Nag-isip pa ako ng matagal. Ewan ko ba kung ano ‘tong nararamdaman ko pero, parang gusto kong umiyak. Iniisip ko lang, masyado naman mababaw ang dahilan. Hindi lang inimbita sa birthday, iiyak na? haaayy!.. napabuntong-hininga ako. Ganun lang siguro talaga kapag pangit ka na, wala ka pang maipagmamalaki. Lagi kang iiwanan. Walang gustong makisama sayo. Sino nga naman ang maglalakas-loob na sabayan ka sa harap ng maraming tao kung ganyan ang estado nila sa buhay tapos ikaw, janitor lang.

Lumabas na ako ng stock room at nagtuloy sa loob ng office. Sinimulan kong linisin ang bintana sa gawing dulo para hindi makasagabal sa mga dumaang employee. Kinuskos kong maigi iyon. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Kuskos ng kuskos hanggang sa mapansin kong isa-isang nagtatayuan ang mga tao sa office. Tiningnan ko ang relo ko…lunch time na pala. Tiningnan ko ang natrabaho ko. Wow! Ang linis! Halos matatapos na rin pala ako ng hindi ko namamalayan.

Inilapag ko muna ang mga gamit ko dahil lalabas ako ng office. Paglakad ko sa may kanto ng cube ay nakabangga ko si Romer. Kasama niya si Edwin.

“Ano ba? Ayaw naman tumangin sa daanan eh!” halos pasigaw niyang sabi.

“S-sorry sir,” mahinahon kong sagot at pinauna ko na sila.

Biglang humarap muli si Edwin. “Oo nga pala Anton, imbitado ka sa birthday ni Hazel?”

Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ako makasagot. Kung sasabihin ko ng ‘Oo’ tapos malalaman nyang hindi, lalo akong hahamakin nun. Kung sasabihin ko namang ‘hindi’, alam ko na ang susunod na sasabihin nya. Hindi na lang ako sumagot.

“Hoy! Ano ba, tinatanong kita.” Muli niyang sabi pero hindi pa rin ako sumagot. “Siguro, hindi ano?” natatawa niyang sabi. “Sayang naman-” at tumalikod siya sa akin, “Walang magliligpit na mga kalat doon.” At sabay silang tumawa ni Romer habang papalayo sa akin.

Gusto ko sana silang suntukin at pagulungin sa sahig. Aba! Kung tutuusin, mas maganda ang katawan ko sa kanila. 5’11” ang height ko at meron akong mga pandesal na abs. Di tulad nila, tisoy nga, puro baby fats naman. At sa tantya ko, nasa 5’7” lang yung mga yun. Walang wala sa katawan ko. Wag lang talagang titingnan ang mukha. Kaso, kung sasaktan ko sila, tiyak, ako rin ang talo. Oks lang kung matanggal lang ako sa trabaho, kaya ko namang maghanap ng iba. Kaso lang, kung matatanggal ako, mapapalayo naman ako sa aking iniirog. Kaya, hindi ko na lang sila papatulan.

Hindi naging maganda ang buong araw ko kaya ibinuhos kong lahat ng sama ng loob sa paglilinis. Pag-uwi ko, hindi na ako dumaan sa tindahan ng ulam. Alam ko namang may makakain na pagdating ko. Medyo masarap din pala pag ganoon, kahit papaano’y nababawasan ang pagod sa buong maghapon.
Pagpasok ko ng bahay ay walang tao sa sala pero bukas ang mga ilaw. Alam kong nasa kwarto sila kaya dumiretso na muna ako sa kusina para tingnan kung ano ang makakain at laking gulat ko nang makitang nakataob ang mga kaldero. Sinilip ko ang mesa. Malinis din ito at walang nakalagay. Anak ng pating naman. Umalis ata si itay. Tumuloy na lang ako sa kwarto para ilapag ang bag ko at magbihis muna bago bumili ng makakain. Pagbukas ko na pinto ay naroon ang dalawa kong kapatid.

“Yehey! Nandyan na si kuya!” tuwang-tuwang sabi ni Alex. Napansin kong nakabihis ng panlakad ang dalawa.

“Saan kayo pupunta? Bat ganyan ang suot nyo?” tanong ko kay Arluwin.

“Kakain daw tayo sa labas, sabi ni itay.” Sagot naman niya. Medyo natuwa ako dahil matagal-tagal na rin kaming hindi nakakalabas ng mga kapatid ko. Kasi naman, medyo kapos na rin ako sa budget.

Mula sa banyo ay lumabas si itay. “O, nandyan ka na pala. Tara! Sa labas na lang tayo kumain. Sinadya kong hindi magluto.” Sabi niya sa akin.

“Anong okasyon?” tanong ko.

Ngumiti sya sa akin. “Tinawagan ako kanina ng manager ko.” sabi niya “Bukas na bukas daw ay pipirmahan ko na ang promotion papers ko. Hindi na ako supervisor. Consultant na ako!” patuloy niya.

Ngumiti rin ako. “Congrats!”

“O ano, tara na?”

“Teka, magbibihis pa ako.”

“Wag na kuya, nagugutom na ako eh!” sabi ni Alex.

Nag-isip ako, “Sige na nga!” sabi ko “Pero teka-” napatigil sila. “Parang may nakalimutan yata kayo” at itinuro ko sa kanila ang aking pisngi. Nakuha naman agad nila iyon at sabay silang humalik sa akin.

Sa Chowking na lang kami kumain. Ito kasi ang pinakamalapit sa amin. Gutom na gutom na daw kasi ang dalawa ko ng kapatid, ganun din naman ako. Kitang-kita ko ang pananabik nila habang umoorder. Halos lahat ng menu doon ay inorder ni Alex. Pero syempre, pinapili ko lang sya ng pinaka-gusto nya. Gumaan na rin ang pakiramdam ko. Bagamat medyo ilang pa ako kay itay ay masaya na rin ako sa nagyayari.
“Nga pala Anton,” sabi ni itay habang nagsisimula na kaming kumain. Napatingin ako sa kanya na tila nagtatanong. “Titigil ka na sa pagtatrabaho. Mag-aaral ka na ulit. Tamang-tama, magsisimula na yung semester sa susunod na buwan.” Dugtong niya.

Napaisip ako bigla. Parang masaya yun pero parang ayaw ko. Ewan ko. Naguguluhan ako.

“Anton?” si itay.

Ngumiti ako “O-ok lang po sa akin. Pero-” saglit akong tumigil. “Pwede naman akong mag-aral habang nagtatrabaho.” Sabi ko.

Natawa si itay. “Manang-mana ka talaga sa akin pagdating sa kasipagan.” Pagmamayabang niya. “Pero, hindi mo na kailangang gawin yun anak. Kayang-kaya kong tustusan ang mga pangangailangan nyong magkakapatid” paliwanag niya. “Kaya, bukas na bukas din ay mag-file ka na ng resignation.”





























IKA-PITONG YUGTO


“Bukas na bukas din ay mag-file ka na ng resignation”

Paulit-ulit na nag-echo sa tenga ko ang sinabing iyon ni itay. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang gusto ko pero ayaw ko. Ang gulo talaga.

“Anton? May problema ba?”

Nahalata yata ni itay na natulala ako. “Ha? Wala naman po. Hindi lang ako makapaniwala. Parang dream come true!” nakangiti ko ng sabi.

“Good! Next week, regular na ulit ang pasok ko. Nag-leave lang kasi ako ng one week para maasikaso ko kayo. Ayusin mo na ang resignation mo ha?”

Tumango ako.

“Itay, bilhan mo naman ako ng laruan! Yung remote control na car.” Si Alex.

Napangiti si itay. “Oo bah! Sige, pagkatapos mo dyan, pupunta tayo sa SM. Tutal, maaga pa naman.”

“Yehey!”

“At ikaw naman, prinsesa?” tanong niya kay Arluwin. “Anong gusto mong ipabili?”

Nag-isip si Arluwin. “Damit na lang po.”

“Ayaw mo ng laruan?”

Umiling siya. “Para lang sa bata ‘yon.”

“Tay,” sumabat ako, “dalaga na daw yan. Hindi na bata.”

Napangiti si itay. “Ganun ba? Aba, matanda na pala talaga ako.”

Tumingin ako kay Arluwin. “Make-up, gusto mo?”

Ngumiti siya. “Sige! Gusto ko yun.”

Kinurot ko sya sa pisngi. “Hindi pa pwede. Baka magmukha kang hostess”

“Ano po yung hostess?” tanong ni Alex.

Nagkatinginan kami ni itay at sabay na napatawa.

MAG-AALAS OTSO nang pumasok kami sa SM. Hindi gaanong matao dahil ordinaryong araw lang ngayon. Kapag weekends lang usually napupuno ang SM. May pailan-ilan ding naroon at nakatambay lang. Kailan ba naman nawalan ng tao sa mall na ito?

Tumuloy muna kami sa Toy Kingdom dahil kanina pa atat na atat si Alex na bumili ng toys nya. Patakbo niyang pinasok iyon na parang walang kasama. Nung makita ang mga Zoids at dali-dali niyang kinuha ang mga iyon.

“Ito na lang tay. Ayoko na ng remote control.” Sabi niya. Muli’y tumakbo syang papalayo, at nang mapadaan siya sa mga toy car, tumigil siya at nag-isip. Tiningnan niya ang hawak na zoids at tiningnan rin niya ang nakadisplay na kotse. Tila nalilito kung alin sa dalawa ang pipiliin.

Naintindihan naman iyon ni itay. Lumapit siya kay Alex. “Kunin mo na pareho. Pili ka na kung anong color ang gusto mo.” Nakangiti nyang sabi.

“Talaga po?” tanong niya at tumango naman si itay. “Yehey!!!”

Matapos makapili ni Alex ay nagtungo kami sa Department Store. It’s Arluwin’s turn. Nagpunta kaagad si Arluwin sa teen’s section at namili ng mga skinny jeans.

“Oy, walang kakasya sayo dyan!” sabi ko sa kanya habang tinitingnan niya ang mga naka-dispay doon. “Pang teenager yan. 9 years old ka pa lang.”

Tiningnan ako ng masama ng aking kapatid. “E pag meron?” sabi nya.

“Yes, sir, ano pong hanap nila?” sabi ng sales lady sa aming likuran.

“May size po ba kayo para sa ganitong edad?” tanong ko at itinuro ko si Arluwin.

Ngumiti siya. “Meron po. Dito po tayo.” Lumakad ang babae at sumunod ang kapatid ko. Tumingin pa sya sa akin at inilabas ang dila. ‘beh’ sabi nya.

“Anton!” tawag ng aking itay. Lumapit ako sa kanya. “Ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo. May pupuntahan lang ako. Isasama ko na si Alex.”

Tumango ako. Hindi ko na inalam pa kung saan pupunta. Baka bibili lang ng para sa sarili niya. Bago umalis ay inabutan ako ng dalawang libo. Kung kulang daw, ay sabihin lang sa kanya. Kinuha rin niya ang number ng cellphone ko para kung sakaling hindi kami magkita ay tatawag na lang siya.

Halos kalahating oras din bago makapili ng damit si Arluwin. Inip na inip na ako. Lahat yata ng damit ay sinukat niya. Parang gusto ko nang matulog sa kinatatayuan ko. Kaya para malibang, naglakad-lakad ako at tumingin-tingin ng mga damit. Pero sa kasamaang palad, puro pambabae ang nandoon. Kung lalayo naman ako, baka hindi ako makita ni Arluwin. No choice kundi tingnan ang mga damit doon. Habang binubuklat ko ang mga damit doon ay patingin-tingin naman ako sa aking kapatid. Baka kasi matakot yun pag nalamang wala na ako sa kinatatayuan ko. Tiningnan ko syang muli at nakita kong ibinalik niya ang isang damit sa sales lady at muling kumuha ng isa pa. haaayyy!!!

Paglingon ko sa kabilang side, biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko sa aking nakita. Si Hazel! Kinusot ko ang aking mga mata. Baka kasi guni-guni lang iyon. Muli kong tiningnan at talagang sya nga iyon. Kasama niya ang isang medyo may edad na babae. Baka nanay niya iyon. Namimili rin siya ng damit. Bigla akong napangiti. Akala ko ay hindi kumpleto ang araw ko ngayon dahil hindi ko sya nakita maghapon. Pero ngayon, buo na ang araw ko. Medyo kinikilig pa ako habang pinagmamasdan siya. Simple lang ang proma nya. Isang simpleng red blouse at naka-skinny jeans din tulad ng hinahanap ng kapatid ko. napatulala ako habang tinitignan sya. Ngunit bigla kong naalala ang birthday nya. Biglang sumama ang loob ko. Naawa ako sa aking sarili. Eto sya ngayon sa aking harapan pero bakit parang hindi ko makuhang magalit sa kanya.

“Kuya!” nagulat ako sa kalabit na iyon ni Arluwin. “Bayaran mo na ‘to” at ibinigay sa akin ang mga napili niya.

“Tara!” at nagtungo ako sa cashier. Bago ako umalis ay sinulyapan ko muna si Hazel. ‘ang ganda talaga!’ sa isip ko.

Pangatlo ako sa linya nung marating namin ang cashier. “Kuya, naiihi na ako.” bulong ni Arluwin.

“Ha? Teka, babayaran ko muna to.”

“Bilisan mo.”

“Pangatlo pa tayo eh. Gusto mo, mamaya na natin bayaran. Balikan na lang natin.”

“Ayaw. Kaya ko pa naman pigilan eh!”

“Sigurado ka?”

“Opo.”

Matapos ang dalawang nasa unahan ko ay mabilis ko nang binayaran ang mga damit na nakuha namin. Pagkakuha ko ng sukli ay nagmamdali kaming lumabas ng department store ng biglang-

“Anton?” mahinang pagtawag mula sa aking likuran. Nilingon ko iyon at nakita kong nakangiti si Hazel sa akin. Naunang tumalbog ang puso ko kaysa sa mga hakbang ko. Nakita ko syang papalapit sa akin.

Ngumiti ako. “Hi!” sabi ko.

“Hi! Kamusta ang office?”

“Ganu pa rin. Ikaw kamusta ka na?” sabi ko. ‘miss na miss na kita’ sa isip ko.

“Eto, busy. Hirap talagang mag-prepare ng mga handa.”

Bigla akong kinalabit ng kapatid ko. “Kuya, sasabog na.” at bigla ko ring naalala ang sitwasyon ni Arluwin.

“Oo nga pala.” Tumingin akong muli kay Hazel. “Excuse muna. Medyo nagmamadali kami. Kasi ano eh-”

“Ok lang. parang alam ko na yata.” Nakangiti nyang sabi. Tumingin siya kay Arluwin. “Ang cute mo naman.” Sabi niya. “Sorry sa istorbo ha?”

“Ok lang po. Alis na po kami.” Sagot ng aking kapatid.

“Sige Hazel, mauna na kami.”

“Ok.”

Tumalikod na ako. ‘Sayang! Kung kailan naman-’ sa isip ko habang naglalakad papalayo.

“Anton!” muling pagtawag ni Hazel. Gustong-gusto ko talagang maririnig ang boses nya habang tinatawag nya ang pangalan ko. saglit akong tumigil at lumingon. “Nasabi ba sayo ni Edwin yung invitation ko sayo?”

Nagulat ako. Invited pala ako! at kay Edwin niya pinasasabi. ‘Ang hayop na yun!’ sa isip ko. “Ha? Ah, Oo. Sinabi nya sa akin. Thanks nga pala.”

“Ok. pupunta ka ha?”

“Sure! Ako pa!” tumalikod na muli ako at nagmamadaling lumakad papunta sa restroom. Parang hindi ko nakikita ang buong daan. Pati ang kapatid ko ay parang wala sa aking paningin. Pakiramdam ko’y itinatangay ako ng isang malamig na hangin. Pataas sa kalawakan. Ang saya-saya ko. Invited pala ako! invited ako! invited ako! parang gusto kong magtatalon sa tuwa.

Ilang saglit pa’y nakatayo ako sa tapat ng phone booth bitbit ang pinamili namin ni Arluwin. Hinihintay ko sya habang nasa CR. Bigla akong naka-receive ng text.

‘Asan n kau? D2 n kmi s my pin2’ text ni itay. Malapit-lapit na iyon sa kintatayuan ko kaya nilinga-linga ko sila at nakita ko kaagad si Alex. Kumaway ako at tumakbong papalapit sa akin ang aking kapatid habang nakatayo lang si itay doon. Sakto namang lumabas na rin si Arluwin kaya’t sinalubong ko na si Alex at sabay-sabay na kaming nagtungo kay itay.

“O, para sayo yan.” Sabi ni itay ng makarating kami sa kanya. Nagulat ako. Hindi ko inaasahan iyon. Isang gitara. Bigla ko ng naalala yung mga oras na tinuturuan niya ako. Nakita nya daw kasi ang potensyal ko sa pagkanta kaya gusto niyang maging singer ako. Buti na lang at nakahiligan ko rin ang pagtugtog kaya’t mabilis akong natuto.

“Ha? Salamat po. Nag-abala pa kayo.” Sabi ko habang inaabot iyon.

“Maliit na bagay lang yan Anton.” Nakangiti nyang sabi.
























IKA-WALONG YUGTO


Unang gabi na kasama kong muli si itay sa bahay. Napakasaya ng pakiramdam. Naisip ko, sana nandito si inay. Sana kasama namin syang nagsasaya, kumakain, at naglalaro. Gusto ko pa ring sisihin si itay dahil kung hindi sa kanya, buhay pa sana si inay. Pero, ganun lang siguro talaga ang buhay. Kailangang tanggapin ang lahat ng pagsubok tapos ay mag-move on. Plano siguro talaga ni Lord na gawin iyon para matauhan si itay. Tutal naman, alam kong masaya si inay ngayon kung saan man sya naroroon. Nakaupo ako sa maliit na silya na nakatapat sa bintana. Hindi pa ako inaantok. Kinuha ko ang aking gitara at kinalabit iyon. Bahagya kong pinihit ang “tuning key” para itono iyon. Tiningnan ko ang aking mga kapatid. Mahimbing na ang tulog nila. Napagod kasi sila. Hindi naman siguro sila mabubulabog kung kakanta ako.

Naalala ko pa, nung high school ako, maraming nagsasabing maganda raw ang boses ko. Marami akong napapahanga sa aking pagkanta. May ilang beses na rin akong nanalo sa singing contest dito sa aming baranggay. Si inay ang aking number one fan. Proud na proud sya sa akin.

Muling bumalik sa aking alaala ang aking minamahal. Ipinikit ko ang aking mga mata. Kitang-kita ko ang mukha ni Hazel. Nakangiti sa akin. Tinipa ko ang kwerdas at sinimulan kong tumugtog. Plucking. Isang senting kanta.

Umaga na naman. Ginising ako ng tunog ng alarm clock. Pero ngayon, hindi na ako tinatamad bumangon. Ang totoo’y excited ako ngayon. Masayang masaya. Bumangon ako at napansin kong wala na ang aking mga kapatid sa aking tabi. Nagtuloy ako sa banyo bago pumunta sa kusina. Naroon na ang aking mga kapatid at kumakain ng almusal kasabay ni itay.

“Kain ka na Anton.” Sabi ni itay, tatayo pa sana ito “Teka, ikukuha kita ng-”

“Ako na po!” pinutol ko ang sinabi niya at tumuloy ako sa kusina para kumuha ng plato, tapos at umupo ako sa tabi ni Alex.

“O, wag mong kalimutan yung resignation mo ha?” paalala ni itay.

‘Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan.’ Naisip ko. “Opo itay.” Malungkot kong sabi.

“One month notice kasi yun eh. Kung mag-file ka ngayon, ang effectivity nun ay next month pa.” paliwanag nya. Medyo natuwa ako dun. One month notification nga pala kapag nag-reresign. “Tamang tama sa enrollment next month.” Dugtong pa ni itay.

“Opo!”

Katulad ng daily routine, naunang umalis si Arluwin at ako na ang naghatid kay Alex. Mamaya pa kasing alas nwebe magre-report si itay sa trabaho. Pagdating ko sa opisina, katulad ng dati, wala pang tao. Hindi ko alam kung bakit pero, sobrang ganado talaga akong maglinis ngayon. Pasipol-sipol pa ako at halos lahat ng sulok ay sinaid ko ang dumi. Maya-maya lang ay isa-isang nagdatingan ang mga empleyado.

“Good morining Anton!” bati ni Betty.

“Good morning din po.” Sagot ko naman.

“Blooming ka ata ngayon.” Nakangiting sabi niya.

“Ha? Ganun ba? Hindi ko napansin.” Tila nahihiya ko ng sabi at tumuloy na si Betty sa desk nya.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Hinihintay ko kasi ang love of my life na dumating. Pero nadismaya ako ng makita kong hindi sya ang pumasok. Muli akong naghintay. Tiningnan ko ang oras. 8:20 na. Nag-alala ako dahil baka hindi na naman pumasok si Hazel. Muling bumukas ang pinto at umasa na naman akong sya na iyon, pero mas lalo akong nadismaya ng makita ko kung sino ang pumasok. Si Edwin. Nakangiti ito at tila may kausap. Biglang nalaglag ang puso ko ng makita ko ang kausap nito. si Hazel. ‘Sabay silang pumasok?’ sa isip ko. ‘Anak ng-’

Papalapit sila sa direksyon ko. Bigla akong napalingon sa table. Nasa tapat pala ako ng table ni Edwin. Paparating na sila. Nataranta ako. Baka kasi mahalatang inaabangan ko si Hazel. Buti na lang at hawak ko ang walis at kunwari’y nagwawalis ako doon.

“Good morning Anton!” malambing na tinig ni Hazel ng lumapit sila sa akin.

Tumingin ako sa kanila at pinilit ko ng ngumiti. “Good morning din po” sagot ko.

“Pare!” si Edwin, itinaas niya ang kamay at iniharap ang palad sa akin. Nakuha ako ang ibig niyang sabihin. Inihampas ko ang palad ko sa palad nya. ‘Apir daw..plastik!’. “Nadaanan ko si Hazel kanina habang nag-aabang ng sasakyan eh, kaya pinasakay ko na.” pagmamayabang nito.

‘e ano ngayon?’ sa isip ko. “Mabuti naman kung ganon.” Nakangiti kong sabi. Ang plastik ko rin.

“Ano pare, sabay na lang tayong magpunta kila Hazel sa Sabado?” tanong ni Edwin sa akin.
“Ha? H-hindi na. Nakakahiya naman, isang sakay lang naman ako eh.” Naiinis na talaga ako pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

“Sure ka ha? Basta don’t forget ha? Yung sinabi ko sayo. 3pm yun”

“Sige na guys, kita na lang Saturday.” Sabi ni Hazel. “And Edwin-” saglit na tumigil “Thanks sa ride!” bago tumalikod at nagtungo sa kanyang table. Naiwan kami ni Edwin. Tumingin si Edwin sa akin na tila nang-aasar at tumuloy na rin sa kanyang desk.

Naiwan ako sa aking kinatatayuan at bigla kong naalala ang aking resignation. Nagpunta ako sa desk ni Betty.

“Betty, busy ka? pwede bang makaistorbo?” nahihiya kong tanong.

“Am…. Depende ano ba yun?” sagot niya.

“Ano kasi-” nag-aalangan kong sabi. “Makikigamit sana ako ng pc mamayang lunch. Ok lang?”

“Bakit, anong gagawin mo?”

Tumingin ako sa paligid at bahagyang lumapit. “Gagawa ako ng resignation letter.” Bulong ko sa kanya.

“Magre-resign ka?” halos pasigaw niyang sabi.

“Ssshh…wag kang maingay. Secret lang, ayokong may makaalam.”

“Sorry. Nagulat lang ako. Bakit naman biglaan yata?” takang tanong niya.

“Pag-aaralin kasi ako ni itay next sem.”

“Ahh…ok! bakit naman mamaya pang lunch? Edi ngayon na!”

“Nakakahiya eh, baka busy ka.”

“Asus naman Anton. Sige na, magfa-file na muna ako ng mga documents habang ginagamit mo ‘to.” Tumayo siya at naupo sa isang bakanteng upuan sa lkuran habang ako naman ay pumalit sa kinauupuan niya. Sinimulan ko ang pagta-type sa MS Word.

“Grabe, ang bilis mo palang mag-type!” tila may paghangang sabi ni Betty.

“Hindi naman masyado. May computer subject lang kami nung high school.” Pa-humble kong sagot.
“Pero kakaiba kasi-”

“Janitor lang ako?” ako na ang nagtuloy sa sasabihin niya.

“H-hindi naman sa ganun pero, tingnan mo yung ibang empeyado dito. Araw-araw nang nakaharap sa pc, ang babagal pa rin mag-type!” bawi niya.

“Ayan tapos na!” sabi ko. “Paki-review naman kung ok ba yung grammar ko. hehehe”

Tiningnan niya ang monitor. “Aba Anton, s’an mo naman pinulot yang mga english mo. Ang galing ah!”

“Hehehe…kay Dan Brown.” Tila nahihiya kong sabi. “Print ko na ba? Tama lang yung font? Oks din kaya yung format? Yung header?” tanong ko sa tila tulalang si Betty. “Hello? May tao ba dito?”

“Ah ok. s-sige, print mo na.” sagot niya. Pinindot ko ang Ctrl+P at tumayo na ako papunta sa printer. “Paki-exit na lang po ha? Pupunta na ako sa HR. Thanks ulit.”

“No poroblem.”

Nang makuha ko ang kopya ay saglit ko ng chineck iyon bago ibinigay sa aming Admin. Tulad ng reaksyon ni Betty, nagulat din sila. Pero nung sabihin ko ang dahilan, natuwa rin sila para sa akin. Sinabi pang dun din daw ako mag-apply ng trabaho kapag nakatapos na ako. Medyo natuwa ako sa ideyang iyon. Pwede nga akong mag-apply as regular employee dun.

Kahit papaano’y masaya ang naging maghapon ko. Naging maayos ang pagre-resign ko at ganun din naman sa aking trabaho. Kahit medyo nabadtrip ako kaninang umaga kay Edwin ay hindi dahilan iyon para masira ang araw ko. Sino ba sya para ibagsak ako? No way!

Tinext ko si itay na mahuhuli ako ng uwi dahil balak kong bumili ng regalo para kay Hazel. Naintindihan nya raw kaya’t tumuloy na ako sa SM. Halos isang oras din akong nagpaikot-ikot doon. Marami akong nakikitang pwedeng iregalo pero hindi ko alam kung tama ba talaga iyon. Ito ang pinakamahirap na desisyong ginagawa ko. Ang pumili ng regalo.

Ilang saleslady na rin ang tinanong ko at yung karamihan ang sinunod ko. Isang huggable teddy bear daw. Medyo may kamahalan pero ayos lang. May ipon pa naman ako para sana sa pag-aaral ko kaya iyon ang binili ko. Bago ako umuwi, bumili muna ako ng chocolates para pasalubong sa aking mga kapatid dahil tiyak na hoholdapin ako nun pagdating ko.

IKA-SIYAM NA YUGTO


SABADO.

Hindi ko alam kung bakit ang aga kong nagising ngayon. Excited lang siguro. Ito na ang araw na hinihintay ko. Ang kaarawan ng aking iniirog. Tinanggal ko ang paa ni Alex na nakadantay sa aking hita at dahan-dahan akong bumangon para hindi magising ang dalawa kong kapatid. Tapos ay pinagmasdan ko ang teddy bear na ireregalo ko kay labsiduds ko. Smile mode pa ako. Tapos ay chineck ko ang ang naka-hanger kong damit na isusuot mamaya. Para akong isang detective na naghahanap ng ebidensya. Baka kasi may kaunting gusot pa iyon, sayang lang ang pagpupuyat ko kagabi sa kakaplantsa nito.

Nagtuloy ako sa banyo at naghilamos. Tapos ay nagpunta ako sa kusina para tingnan kung ano ang almusal. Walang makakain kaya binuksan ko ang ref at tiningnan kung anong pwedeng almusal. Inilabas ko ang hotdog at niluto iyon. Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay para bumili ng pandesal.

Matapos kumain ay kinuha ko ang mga labahin at dinala iyon sa banyo. Sinimulan ko ng maaga ang paglalaba para maaga rin akong matapos. Mga ilang sandali pa ay lumabas na si itay mula sa kwarto.

“O, ang aga mo yata! Sabado ngayon ah!” bati niya.

“May lakad po kasi ako mamaya. Bertdey po ng kasamahan ko sa trabaho.” Sagot ko naman at tumango siya bago nagtungo sa kusina.

Natapos na ako ng paglalaba ay hindi pa rin gising ang dalawa kong kapatid. Tiningnan ko ang oras. Alas nwebe pa lang. Ang bagal naman ng oras! Nakakainip ding maghintay. Kinuha ko ang aking gitara at naupo ako sa sala. Kinalabit ko iyon habang naghihintay ng alas tres.

Mag-aalas diyes na ng magising sina Alex at Arluwin. Si itay na ang nag-asikaso sa kanila. Pinakain niya ito at pinaligo bago bihisan. Matapos ay nanood sila ng vcd. Syempre, pinaalis nila ako sa sala kaya doon ako nagpunta sa kwarto.

Matapos ang tila sampung taong paghihintay, sa wakas, alas dos na ng hapon. Nagtungo na ako sa banyo para maligo at halos ilang minuto ako nagbabad doon. Pati na yata kaluluwa ko ay kinuskos ko ng bimpo. Syempre, baka mamaya, biglang lumapit sa akin si Hazel, dyahe naman kung maamoy niya akong parang isang taong grasa. Tapos ay isinuot ko na ang black fitted shirt ko at baston na maong. Ragged lang ang suot ko. Pinarisan ko lang ng Black Chuck Taylor na low cut para hindi naman masyadong pormal. Tapos ay pinasadahan ko ng gel ang aking buhok. Hindi ko na sinuklay, hinayaan ko na lang na magulo at magtirikan yung iba.

2:45pm. Nagpaalam ako sa aking mga kapatid pati narin kay itay. Bitbit ang teddy bear na pangregalo, nagmamadali akong lumabas para maghintay ng sasakyan. Hindi naman kasi masyadong malayo ang bahay nila Hazel. Mga 5-10 minutes lang yun mula sa amin. Ilang saglit lang ay nakasakay na agad ako sa jeep. Lumilipad ang isip ko.

“Thanks Anton! Buti naman at nakarating ka. Kanina pa kita hinihintay. Hindi kumpleto ang birthday ko kung wala ka.” At bigla nya akong hahalikan sa labi.
“Halika at ipapakilala kita sa magiging biyenan mo!” at hahawakan niya ang aking kamay patungo sa loob ng bahay.

“Aba! Eto pala ang magiging manugang ko!” nakangiti ang mommy ni Hazel. “Ka-gwapong bata naman!”

“Aba, anak, dapat ay bigyan nyo kami ng maraming apo ha?” sabi naman ng tatay ni Hazel.

“Naku dad, talagang yan ang plano namin ni Anton. Ang gumawa ng gumawa ng maraming anak!” bigla’y titingin sa akin si Hazel. “Di ba baby?” at yayapos siya sa akin.

“Syempre babe, I’ll give you anything.” Sagot ko naman. Tapos biglang dadating si Edwin at si Romer.

“Pare, alam mo, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang ikaw ang pipiliin ni Hazel.” Si Edwin. “Bilib na talaga ako sa’yo.”

“Oo nga pare, nagkamali kami. Pasensya ka na ha?” Si Romer.

“Oks lang yun mga tol. Wala sa kin yun.” Sagot ko naman.

“Basta pag nagkaanak kayo, kami ang ninong ha?”

“Si baby ko na lang ang tanungin nyo tungkol dyan.” At hahalik ako sa pisngi ni Hazel.

“Sure!” sagot ni Hazel. “So, ngayon pa lang, kumpare ko na kayong dalawa. I think we’re about to have a baby na eh!”

“Talaga? Congrats!”

Biglang bumalik ang diwa ko sa katotohanan. Saka ko napansin ang kaharap ko sa jeep. Isang matandang babae. Pagtingin ko sa kanya ay ngumiti siya sa akin. Nakita nya sigurong nakangiti ako habang nakatulala. Iniwas ko ang aking tingin at tumigin ako sa labas nang bigla kong napansin. Lampas na pala ako!

“Para!” malakas kong sigaw. Halos talunin ko ang pagbaba sa jeep. Tiningnan ko ang oras. 3:10 na. Malayu-layo na rin ang nalampas ko. Tinignan ko ang kaliwang side ko kung may paparating na sasakyan. Nang makita kong clear na ay patakbo akong tumawid ng biglang-

SKKKKEEEEERRCCCHHHHH!!!!

BLAG!

Isang malakas na tunog ng preno ng sasakyan kasunod ang tunog ng pagkabangga. Hindi ko alam kung anong nangyari basta’t nakita ko na lang ang sarili kong nahiga sa gilid ng kalsada. Sinubukan kong tumayo ngunit biglang kumirot ang kanan kong hita. Namilipit ako sa sakit.

“Are you alright man?” tinig ng isang lalaki na nakatayo sa tabi ko. Hindi ako nakasagot. Masakit ang hita ko. “Here, let me help you.” At inalalayan niya akong tumayo. Nilibot ko ang tingin ko at hinanap ko ang teddy bear na dala ko. Nakita ko ito na medyo malayo sa pwesto ko. Nakita rin nung lalaki ang tinitingnan ko. Binitiwan niya ako at patakbo niyang kinuha ang teddy bear at iniabot sa akin. “I’m really sorry man. C’mon, I’ll take you to the hospital.” At muli niya akong inalalayan.

“Wag na! ok lang ako!” sabi ko at inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. Sinubukan kong ihakbang ang aking paa ngunit muntik na akong matumba dahil masakit talaga iyon. Buti na lang at nasalo ako ng lalaki.

“You really need a doctor. C’mon I’ll take you.” Hindi na ako nakatanggi dahil talagang masakit ang hita ko. Sa tulong niya ay nakasakay ako sa kotse. Dun ako nakaupo sa tabi niya at pinaandar na niya ang kanyang sasakyan.

“I’m really really sorry man, I didn’t see you coming.” Mahinahon niyang sabi. Ang totoo’y ako naman talaga ang may kasalanan. Hindi ko na-check yung kabilang side ng kalsada kung may paparating na sasakyan bago ako tumakbo. Nagmamadali kasi ako. Marami pa syang sinasabi pero hindi ko na inintindi. Na kay Hazel ang isip ko. Hindi maaaring hindi ako makapunta doon. Gagawin ko ang lahat para maka-attend.

“Hey man! I said I’m Jeric. Jeric Perkins” Sabi niya at tinapik niya ang balikat ko. “I said I’m sorry. Aren’t you gonna say anything? I’m worried man!” patuloy niya.
“Ok lang ako. masakit lang ng konti. Basta saglit lang tayo sa ospital dahil may importante akong lakad, ok?” sarkastikong sagot ko.

“As you wish. I’m really sorry. Don’t worry, I’ll pay for all my damage. Ok?”

Ngayon ko lang napansin ang aking kaharap. Tisoy ito. Laking America siguro kaya panay ang english. Muli kong sinulyapan at bigla akong nainggit sa itsura nito. ‘Sana ay ganito ako ka-gwapo.’ Para kasi itong artista. Halos kasing taas ko rin ito at matipuno din ang katawan. Nakakainggit talaga. Pero ang pinakamaganda sa kanya ay ang ugali. Alam naman niyang ako ang may kasalanan ay humble pa rin ito. Kung sa iba lang, tiyak nasisigawan na ako dahil sa katangahan ko.

“Anyway, what’s your name man?” parang slang pa ang pagkakasabi nya.

“Anton.” Sagot.

“Hi,” sabi niya. “As I was saying, I’m really sorry for-”

“It’s ok!” sabi ko.

Saglit siyang tumigil. “I’m new here in town. I just came last Wednesday from Europe.”

Kaya pala inglisero. Balik-bayan pala. Tumango-tango lang ako sa sinasabi niya.

Ilang saglit pa ay naroon na kami sa emergency room. Sinuri ako ng doktor na kausap ni Jeric habang naroon lang siya sa tabi na akala mo ay siya ang kamag-anak ko dahil nag-aalala siya. Maya-maya lang ay kinausap na ako ng doktor.

“Mr. Antonio Legaspi” panimula niya. “It’s a good news.” Nakangiti niyang sabi. “Mabuti na lang at medyo mabagal ang takbo ng sasakyan ni Mr. Perkins at daplis lang ang tama mo sa may hita. The impact just cause a minor swollen bruise. But you’ll get better after a few days. You just need to rest. As of now, binigyan na kita ng pain reliever para hindi mo maramdaman ang pananakit ng muscles mo.”

Iginalaw-galaw ko ang binti ko at nawala nga ng kaunti ang sakit. “Thanks doc.” Nakangiti kong sabi. Tumayo ako at lumakad ng pabalik-balik upang matiyak kung wala na talagang sakit. Wala na nga. “So, ok na po ako? pwede na akong umalis?”

“No. I’ll take you home. I’ll just arrange the bill.” Pigil sa akin ni Jeric.

“Wag na. ok lang ako.” at tumalikod ako sa kanya.

“Wait Anton!” tumigil ako sa tawag niyang iyon. Humarap ako sa kanya.

“Im sorry.” At iniabot sa akin ang makapal na bulto ng pera.

“Naku, wag na. Ok na talaga ako.”

“Please. Accept this-”

“No thanks. Your apology has been accepted. That’s all.” Napa-english din tuloy ako.

“Are you sure?” Tumango ako. Tumalikod akong muli at tuluyan nang umalis bitbit ang regalo ko kay Hazel. Tuloy pa rin ako sa kanila.

Madali akong nakasakay ng jeep at ilang minuto lang ay kumakatok na ako sa gate nila Hazel. Bagamat kinakabahan ay naglakas-loob na rin ako. Hindi ko naman ikamamatay kung hindi ako papasukin.

“Uy Anton!” nakangiting bati sa akin ni Betty. Sya ang nagbukas ng gate. “Bat ngayon ka lang?” sabi niya habang sinasabayan ko sya sa paglalakad.

“M-may ginawa kasi ako sa bahay eh.” Katuwiran ko.

Marami nang tao sa loob. Medyo may kalakihan din pala ang bahay nila Hazel. Napansin ko rin ang mga suot ng mga bisita nya. Puro disente ang mga ito at mga pormal. Nahiya ako ng konti.

“Doon tayo!” sabi ni Betty at itinuro ang pinto papunta sa likod-bahay. Patuloy kami sa paglalakad hanggang makalabas kami.

Napanganga ako sa aking nakita. Isang bonggang bday celebration pala iyon. Parang isang debut party. Siguro ay bumawi sya sa amin dahil noong nakaraang taon na debut nya ay sa probinsya sya nag-celebrate kaya walang nakaputang officemates nya. May stage sa bandang dulo at may naka-arrange ng drums at mga gitara. May invited sigurong banda. Tuloy tuloy kami ni Betty hanggang sa marating namin ang isang malaking round table. Naroon halos lahat ng ka-officemate ni Hazel pati na rin sina Edwin at Romer. Kunwari ay hindi ko sila nakikita. Dedma ko lang sila at tumabi ako kay Betty.

“Gusto mo nang kumain? Tara samahan kita dun.” Tanong sa akin ni Betty. Buffet style kasi at isang mahabang table ang kinalalagyan ng mga pagkain. May mga waiters pa doon.

“Mamaya-maya na lang. Pahinga muna ako ng konti.” Sagot ko.
Ngumiti siya sa akin, “Ok. basta sabihin mo lang kung nagugutom ka na ha? Sasamahan kita.” Tumango naman ako.

“S-si Hazel?”

“Nandun sa kwarto nya. May emergency call kasi kanina eh. Lalabas na din-” natigil ang pagsasalita ni Betty ng makitang lumabas si Hazel. “Speaking of the angel.” Sabi niya.

Papalapit sa table namin si Hazel. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako mapalagay sa kinauupuan ko. Parang nahihiya ako. Ewan ko. Kung alam ko lang na formal pala ang dapat isuot eh, dapat nag-formal na lang ako.

“Hi!” bati niya sa mga ka-officemates nya. “Sorry ha? Emergency lang. Anyway, kumpleto na ba kayo?” nilibot niya ng tingin ang mga nakaupo doon at natigil sa akin ang kanyang mata. “Hey Anton! Nandyan ka na pala.” Nakangiti niyang sabi. Lumapit siya sa akin at tumayo naman ako.

“H-happy birthday.” Sabi ko at iniabot ko ang regalo ko.

“Wow! Thank you. Nag-abala ka pa talaga.”

Kahit hindi makati ang ulo ko ay napakamot ako. “Ok lang. hehehe”

“Kumain ka na ba? Betty-”

“Maya-maya na daw.” Pinutol ni Bety ang pagsasalita ni hazel.

“Ah Oo. Maya maya na lang.”

“Ngayon na. Gusto mo, sabayan pa kita?”

Parang tumalon ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Sasabayan daw ako? baliw na ba sya? Hindi ko alam ang isasagot ko. I’m sure, nagbibiro lang sya.

“Hoy ano, tara?” sabi niyang muli.

Tumingin ako kay Betty at tumango siya sa akin ng nakangiti. “Ok tara!” sabi ko.

“Guys, excuse muna ha?” sabi niya sa lahat at nauna na siyang naglakad. Sumunod na rin ako sa kanya. Napalingon ako kay Edwin at nakita kong masama ang tingin niya sa akin. Ginantihan ko naman siya ng tila nang-aasar na ngiti.


IKA-SAMPUNG YUGTO


“Eto oh!” sabi ni Hazel habang iniaabot niya ang plato sa akin. Naroon na kasi kami sa harap ng table. “Eat all you can.” Dugtong pa niya at ngumiti ito.

“Hazel-” tila nag-aalangang sabi ko “Salamat ha? Hindi ko in-expect na ganito ka-hospitable ang gagawin mo. I really appreciate it!”

“Sus! Ikaw naman…” sagot niya. “Ako nga ang dapat magpasalamat sa’yo eh!” may kaunti pang paglalambing ang boses niya. Lalo akong naiinlab.

“Bakit naman?”

“Dun sa special participation mo sa stage mamaya.”

“Ha?”

“Uuuy.. kunwari hindi alam.” Panunukso pa nya. “Nag-alala nga ako kasi akala ko, hindi ka dadating. Akala ko natakot ka na.” dugtong nito. “Kaya ngayong nandito ka na, dapat special treatment diba?” patuloy niya.

“Ah y-yun ba? Wala yon.” Sabi ko naman kahit ang totoo’y hindi ko alam ang sinasabi ni Hazel. Bigla akong kinabahan.

“Ano nga pala ang kakantahin mo?” tanong ni Hazel. “Highly recommended ka pa ni Edwin. I’m sure magaling ka talaga!”

Biglang akong nagkaroon ng ideya. ‘Ang hayop na Edwin. Gusto pa akong ipahiya.’ Sa isip ko.

“Hoy! Natulala ka na dyan.” Sabi ni Hazel at bahagya pa akong hinawakan sa braso. Syeett… ang lambot ng kamay nya. Feeling close ha? “O sige, surprise me na lang.” nakangiti niyang sabi.

Matapos makakuha ng pagkain ay bumalik na kami sa table at sinimulan na naming kumain. Maya’t maya ang lingon ni Edwin at Romer sa akin. Marahil ay naiinggit ito dahil magkasabay kaming kumakain ni Hazel. Pinasadahan ko pa ng mga korning jokes at nagtatawanan naman sina Betty at ang aking mahal.

“Anton, ano naman ang masterpiece mo?” nakangiting sabi ni Betty. Matapos ang napakahabang pagtawa. Ngumiti lang ako.

“Ayaw sabihin. Surprise ata.” Si Hazel ang sumagot sa tanong na iyon.
“M-may gitara ba kayo?” tanong ko. Ang totoo’y hindi naman talaga ako kinakabahan. Mabuti na lang at nakapag-ensayo ako ng ilang araw.

“Kumpleto po…electric, acoustic… name it.. we got it!” sagot ni Hazel.

“Aba! At acoustic pa talaga ha? Aabangan ko talaga yan.” Tila excited na sabi ni Betty.

“Well guys, maiwan ko muna kayo ha? Entertain ko muna yung ibang guests.”

Tumango ako. Hindi kasi ako makasagot kasi, saktong may laman ang bibig ko.

“Sure friend. Akong bahala kay Anton. Baka kasi tumakas ito eh!” biro ni Betty.

Maya-maya lang ay nagsimula na ang programa. Parang isang totoong party dahil may MC pa talaga at nakatutuwa ang host na bading kahit puro kabastusan ang lumalabas sa bibig. Sinimulan ang program ng mga pagbati mula sa magulang at kamag-anak ng dalaga. Tapos ay tumugtog ang banda na pinangungunahan ng binatilyong kapatid ni Hazel. Natuwa pa ako ng kaunti dahil halos magkakapareha kami ng style ng pananamit ng kapatid ni Hazel. Ibig sabihin, pang teenager ang attire ko. hehehe. Pagkatapos nila ay nagkaroon ng kaunting comedy act ang host na bading. Medyo may katagalan iyon at talaga namang enjoy na enjoy ang mga bisita. Maya-maya lang ay nagbulung-bulungan ang mga tao. Ang ibang mag kadalagahan ay nagtitilian habang nakatingin sa pinto. Napatingin din ako at nakita kong papasok ang isang pamilyar na mukha. Alam kong nakita ko na sya pero hindi ko alam kung saan.

“Nandyan na sya!” tila excited na sabi ni Betty at panay ang hampas sa aking braso.

“Sino?” takang tanong ko.

“Si Jimmy Bondoc!” kinikilig niyang sagot.

“Sabi ko na nga ba’t parang kilala ko sya.” Sabi ko. “Bakit naman nandito yan?”

“Sabi ni Hazel, malayong kamag-anak daw nila yan.” Si Betty. “Nataon naman na close pala yung nanay niya at yung mommy ni Hazel kaya napakiusapan na magpe-perform ngayon.” Paliwanag niya.

“Magpe-perform sya?” gulat kong tanong at tumango si Betty kahit hindi nakatingin sa akin. Nandun kay Jimmy Bondoc.

“Dumating na po ang ating special guest.” Sabi ng host sa stage. “Mamaya po ay maririnig natin ang kanyang solo performance.” Lalong nagtilian ang mga kababaihan. “Pero bago iyan, pakinggan po muna natin ang song ng isa sa pinaka-close friend ni Hazel sa office-” saglit na binitin ang pagsasalita at binasa ang papel na nasa kamay. “Pasalubungan po natin ng masigabong palakpakan…si Mr. Antonio Legaspi!” biglang natahimik ang mga kababaihan at may mangilan-ngilan lang na pumalakpak.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ko ang pangalan ko. Akala ko kanina ay hindi ako kakabahan dahil nakapag-ensayo naman ako. Pero ngayon, ang tangi ko lang naririnig ay ang malakas na kabog ng dibdib ko. Siguro dahil naiisip kong magpeperform si Jimmy Bondoc mamaya. Ewan ko lang. Basta! Bahala na!

Tumayo ako sa aking kinauupuan at naglakad papunta sa stage.

“Idol! Galingan mo!” narinig kong sabi ni Edwin kasunod ang malakas na tawanan nila ni Romer nang mapadaan ako sa kanilang harapan. Nilingon ko sila at nakita ko pa silang nag-apir at lalong nilakasan ang pagtawa. Pagdating ko sa stage, sinalubong ako ng bading.

“Wow! Macho papa!” sabi nito at nagtawanan ang mga tao. Inalis niya sa tapat ng bibig ang mic, “Ready na ba yung blank CD mo?” bulong niya sa akin.

Umiling ako. “Maggigitara lang po ako.” kabado kong sabi.

Muling ginamit ng bading ang mic. “Wow! Friends. Isang live acoustic song ang ihahandog ni Mr. Antonio. Palakpakan naman dyan!” sabi niya. Sa pagkakataong ito ay medyo marami-rami na rin ang pumalakpak. Siguro bilang paggalang sa akin.

Iniabot sa akin ang gitara at itinuro sa akin ang upuan sa gitna ng stage. Umupo ako doon at inayos ang aking sarili.

“Si Jimmy na!” sigaw ng isang bading na audience at nagtawanan ang ilan. Hindi ko pinansin iyon.

Ngumiti ako sa lahat. “Magandang hapon po sa inyo. This song is dedicated to the birthday girl. Ms. Hazel…Happy birthday-” napatingin ako sa kinatatayuan ni Hazel at nakita ko siyang nakangiti. Lumakas ang loob kong ituloy ang aking gagawin. “Sana ay magustuhan mo.”

“Idol!” narinig kong isinigaw ni Edwin kasunod ang malakas na pagtawa nito.

“Thank you!” kumaway ako sa kanya at nagtawanan ang mga tao.

Kinalabit ko ang gitara. Plucking. Biglang tumahimik ang paligid. Naghihintay ng aking pagkanta.

“Di mo man maamin…
Ikaw ay mahalaga sa akin….”

Patuloy ako sa pagkanta at lalong nagpapalakas ng loob ko ang katahimikan. Pakiramdam ko’y nag-eenjoy ang mga nakikinig sa akin. Unti-unting nawawala ang aking kaba.

“Ako’y alipin mo kahit hindi batid…
Aaminin kong minsan ako’y manhid…
Sana ay iyong naririnig…sayong yakap ako’y nasasabik…”

Tapos na ang aking pagkanta ay tahimik pa rin ang paligid. “Thank you po!” sabi ko. Bigla akong nagulat sa malakas na palakpakan. Tiningnan ko ang paligid at halos lahat ay nakangiti.

“Isa pa! Isa pa!” narinig kong hiyaw sa ibaba. Ewan ko kung totoo ang naririnig ko pero parang natutuwa naman ako sa reaksyon ng mga tao.

“Isa pa!” isa pang sigaw mula sa kabila. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Nakita ko rin si Hazel na nakangiti habang pumapalakpak. Lumapit ang bading sa akin at umakbay ito.

“May nag-rerequest pa ng isa pang kanta. Pagbibigyan mo ba?” tanong ng bading at naghiyawan ang mga tao. tiningnan ko sila at tumango ako.

“Ok friends! Once again. Mr. Antonio Legaspi.” Sa pagkakataong ito’y malakas na palakpak na ang aking narirnig kasama ang malalakas na hiyawan. Lalong lumakas ang aking loob. Nilingon ko sina Romer at Edwin at nakita kong nakasimangot ito. “Hi fans!” biro ko sa kanila at nagtinginan ang tao sa dalawa at tumawa ang mga ito.

Muli kong sinimulan ang pagkanta ko at muling tumahimik ang mga tao. ‘More than words’ ang isinunod kong kanta. At pagkatapos niyon ay masaya akong bumaba ng stage habang naghihiyawan ang mga tao. Dumaan ako sa harapan nila Edwin at kumindat ako sa kanila. Halata ang pagkainis ng mga ito. Tuloy-tuloy ako at naupo sa tabi ni Betty na titig na titig sa akin at tila tulala.

“Ok lang ang performance ko? Hindi ba nakakahiya?” tanong ko sa kanya.

“Very very good Anton!” tuwang-tuwa niyang sabi. Maya maya lang ay nakita kong papalapit sa amin si Hazel.

“Ang galing mo pala talaga Anton!” nakangiti niyang sabi. Para akong idinuyan sa alapaap sa sinabi niyang iyon. Alam kong hindi joke yun dahil dama ko ang sinseridad niya habang nagsasalita sya.

Napakamot ako. “Hehehe…wala yun… tsamba lang.”

“O, etong sayo.” Sabi ni Betty at iniabot sa akin ang isang bote ng beer.

“Thanks” sabi ko at tinungga ko kaagad iyon.

“Hazel!” tawag ng may edad na babae. Sabay sabay kaming napalingon doon at nakita namin ang hawak na cellphone. May tumatawag kay Hazel.

“Excuse muna guys ha? May tawag.” Tumango kami at umalis na si Hazel.

“And now…” tila kinikilig na sabi ng host sa stage. “Ang ating pinakahihintay…ang gwapong gwapo at isa sa pinakamahusay na solo performer sa pilipinas…..walang iba kundi… si…..Mr. Jimmy Bondoc!” at naghiyawan ang mga tao. Karamihan ay mga kababaihan. Nakita kong nakangiting umaakyat sa stage si Jimmy at pakaway-kaway pa ito. Umupo ito sa tapat ng naka-set na keyboard at pinindot-pindot iyon. Lumapit ang bading na host at ininterview ng saglit.

“Ok! Ladies and gentlemen… here he is-“ biglang napatigil ang bading at tumingin sa ibaba. Nakita niyang kumakaway si Hazel. Yumuko siya at may ibinulong ang dalaga. Napangiti ang bading. Bigla’y umakyat ng stage si Hazel.

“Wow! Mga kaibigan, good news!” sabi ng bading. “You do the honor.” At ibinigay ng bading kay Hazel ang mic.
“Aaamm… magandang hapon…magandang gabi po sa inyong lahat. Maraming maraming salamat po sa pagbibigay nyo ng time para umattend ngayon-“ tila kabado niyang sabi. “Gusto ko lang pong ipakilala sa inyong lahat-” binitin pa ng bahagya. “Si Mr. Jeric Perkins-” at itinuro ang lalaking nasa pinto. “Ang aking boyfriend!” nakangiti niyang sabi. Naghiyawan ang mga tao. Lumapit sa stage si Jeric at tuluyan nang umakyat. Sinalubong naman ito ng kasintahan at nagpalakpakan ang mga tao.

Hindi ko malaman kung ano ang aking nararamdaman. Parang tumigil sa pagtibok ang aking puso. Parang gusto kong maglaho nung oras na iyon. Parang merong nagsasabi sa sulok ng isip kong ‘umiyak ka Anton’ pero pinipigilan kong lahat ito. Si Jeric Perkins. Ang lalaking nakabundol sa akin….ang boyfriend ni Hazel.

“Kiss! Kiss! Kiss!” hiyawan ng mga tao. Nakita kong tila nagkakahiyaan ang dalawa. ‘wag mong gagawin yan Hazel! Wag!’ sa isip ko. Ngunit huli na. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagdampi ng kanilang mga labi sa harap ng maraming tao. Pakiramdam ko’y bumagsak ang buong mundo sa balikat ko. Lalo namang naghiyawan ang lahat.

“Ok! so, start na po ang song ni Mr. Jimmy Bondoc. Sana po ay mag-stay muna ang couples dito sa stage.” At sumenyas ang bading sa ibaba. Nakuha naman ito ng dalawang lalaki at nag-abot ng dalawang upuan. Umupo ang dalawa ng magkatabi.

“Ang sweet naman! Nakakainggit!” tatawa-tawang sabi ni Jimmy. “Well, bago ko po simulan ang song ko-” sabi pa niya. “Gusto ko po sanang malaman nyo na…. lubos po akong humanga sa performer kanina. Si-“ tumignin ito sa bading na nasa gilid ng stage. “Antonio Legaspi” at nagpalakpakan ang mga tao. “Kaya po, ire-request ko sanang maka-duet sya ngayon dito sa stage.” Nagpalakpakan ang mga tao.
































IKA-LABING ISANG YUGTO


Nagulat talaga ako sa sinabing iyon ni Jimmy. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o dapat na mainis. Biglang bumilis ang tibok ng aking dibdib. Nilibot ko ng tingin ang paligid at lalo akong kinabahan ng makita kong lahat sila ay nakatingin sa akin.
Dahan-dahan akong tumayo sa aking kinauupuan at tila napakabigat ng aking mga paa habang humahakbang patungo sa stage. Nakakabinging hiyawan ang nasa paligid ko. Pero ang ikinakakaba ko talaga ay ang paglapit ko sa entablado. Naroon si Hazel. Ang aking mahal. Ang buhay ko na pag-aari na pala ng iba. Masakit. Sobrang sakit. Wala ang isip ko sa katawan ko. hindi ko namalayang nasa itaas na pala ako ng stage.

“Hey bro! I knew it! it is really you!” nakangiting bati sa akin ni Jeric at iniabot niya ang kanyang kamay sa akin. Kinamayan ko naman siya at ngumiti ako.

“Magkakilala kayo?” takang tanong ni Hazel.

“It’s along story honey!” sagot ni Jeric. Parang feedback ng microphone ang dating sa akin niyon. Nakakabingi.

Tumuloy ako kay Jimmy Bondoc at kinamayan ko siya. Ngumiti siya sa akin at tumingin sa audience. “Palakpakan po natin ulit si Antonio!” sabi pa niya.

“Anton na lang.” bulong ko sa kanya. Tapos ay nagtungo na ako sa upuan na nakalaan para sa akin. Iniabot ng isang lalaki ang gitara sa akin. Tumayo si Jimmy at lumapit sa akin.

“Alam mo ba yung song na Let me be the one?” bulong niya at tumango naman ako. Madalas kong kinakanta iyon kapag naglilibang ako kasama ng gitara. Sa song hits ko lang nakuha ang chords niyon at sa tingin ko naman ay tama ang tipa nito. Bumalik si Jimmy sa kinauupuan niya sa harap ng keyboards.

“This song is dedicated to the birthday girl herself… Ms. Hazel!” sabi niya at nagtilian ang mga kababaihan ng simulan ni Jimmy ang intro ng kanta. Isang mahina at malumanay na pagtipa ng keyboards.

“Somebody told me you were leavin’..I didn’t know..” simula niya.
“Somebody told me you’re unhappy, But it doesn’t show..
Somebody told me that you don’t want me no more…
So you’re walkin’ out the door…”

Sumenyas siya sa akin at nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Sinimulan ko ang pagkanta.

“Nobody told me you’ve been cryin’…. Every night
Nobody told me you’d been dyin’…But didn’t want to fight
Nobody told me that you fell out of love from me
So I’m settin’ you free.”

Naramdaman kong tila babagsak ang luha ko. Tila nadadala ako sa malungkot na awit. Pilit kong pinipigilan ang pagluha sa aking mga mata. Sana ay matapos na agad ang kanta para makaalis na ako dito. Para akong nalulusaw ng mga oras na iyon. Samantalang ang mga nanonood ay enjoy ng enjoy sa aming ginagawa kaya’t tuloy lang kami sa pagkanta. Mas lalo pang nadagdagan ang kalungkutan ko ng maramdaman kong gumagalaw ang aking nasa likuran. Naghiyawan lalo ang mga tao. Ewan ko ba kung bakit pa ako lumingon kila Hazel. Nakita ko tuloy silang nagsasayaw. Magkadikit ang mga katawan at tila dinadamang maigi ang himig. Parang hindi ko na kaya. Hindi na ako makapagsalita kaya’t hinayaan kong si Jimmy na lang mag-isa ang kumanta. Itinuloy ko lang ang paggigitara.

Sa wakas. Matapos ang tila tatlong taong pagkanta ay natapos din ito. Babagsak na talaga ang luha ko. Nakakainis! Kung bakit ba naman kasi ako ipinanganak na mababaw ang luha. Nandyan na. Paparating na. Bigla akong tumayo at inilapag ko ang gitarang hawak ko. Sumaludo ako kay Jimmy at mabilis akong lumakad pababa ng stage. Alam kong maraming nagtaka pero hindi ko na sila pinansin. Gusto kong maglaho na parang bula. Ngayon din. Kung pwede lang sana. Alam kong sa akin nakatingin ang karamihan pero wala akong pakialam. Patakbo akong pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko ang isang pintong sarado doon at binuksan ko iyon. Mabuti na lang. Banyo iyon. Ini-lock ko kaagad iyon tapos ay humarap ako sa salamin. Tinitigan ko ang aking sarili hanggang sa tuluyan nang pumatak ang aking luha. Doon ko ibinuhos ang sakit na aking nadarama. Napatigil pa ako sandali ng may narinig ako sa labas.

“Kaya pala nagmamadali. Natatae na pala.” Biro ng host na bading. Kasunod niyon ang malakas na tawanan.

Dapat ay matatawa ako pero parang walang dating iyon sa akin. Masakit ang aking dibdib. Ang babaeng kaisa-isa kong minahal sa buong buhay ko. Ngayo’y sa panaginip ko na lang talaga makakapiling. Patuloy ang pagpatak ng aking luha habang sinisisi ko ang imaheng nakikita ko sa salamin. Bakit kasi ganito pa ang itsura ko? bakit ang pangit ko? Kung gwapo lang ako, edi sana, malakas ang loob kong pumorma.

Medyo matagal akong namalagi sa banyo. Pero naisip kong baka maraming naghihintay at susunod na gagamit niyon kaya’t inayos ko ang aking sarili. Naghilamos ako at pinilit kong baguhin ang aking itsura. Kahit paano nama’y nabago ko naman. Nakangiti akong lumabas upang itago ang kalungkutan ko. nakayuko akong nagpunta sa pwesto ni Betty. Pagdating doon ay bigla akong sumalampak ng upo. Tinungga ko ang beer na nakita ko kahit hindi ko alam kung kanino iyon.

“Hello?” tila nagtataka si Betty. Hindi ako tumingin sa kanya. Nag-aalangan ako. “Anton?” muli niyang sabi.

Saglit ko syang tiningnan at muli akong yumuko. Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa baba at itinaas niya ang aking mukha. “Umiyak ka?” tanong niya.

“A-ako? h-hindi ah! Bakit naman?” tanggi ko.

“Bat’ namumugto yang mata mo?”

“Hay naku,” sabi ko ng nakangiti. “Naghilamos ako dun kasi parang makati ang mukha ko, tapos ginamit ko yung imported na sabon na nakita ko dun. Tapos nahilam ako.” paliwanag ko. Ewan ko kung naniwala sya pero mabuti naman at tumahimik din sya. Tiningnan ko ang stage. Wala na sila Hazel doon pero nandoon pa rin si Jimmy at nagkukwento sa mga audience nya. Nilibot ko ng tingin ang dalawa at nakita ko sila sa may tabi ng stage. Kausap nila ang may edad na babae. Mommy siguro ni Hazel. Ang saya-saya nila. Sa bandang harapan naman ng table ko, nag-uusap sina Romer at Edwin. Hindi ko naririnig pero alam kong tungkol ito kay Hazel. Nakita kong malungkot si Edwin. Alam ko, nararamdaman nya rin ang nararamdaman ko.

“Betty-” sabi ko. “Mauna na ako.” sabi ko.

“Ang aga naman yata.” Pagtataka niya.

“A-ano kasi. Ire-review ko nga pala si Alex ngayon. Exam kasi nila.” Katuwiran ko.

“Sabado pa naman ngayon ah! May bukas pa.” sabi niya.

‘Oo nga pala. Linggo pa lang bukas.’ Sa isip ko. “Hindi, may lakad kasi kami bukas. Ipapasyal ko sila.” Muli kong sabi.

Tiningnan ako ni Betty ng seryoso. “Ok ka lang ba talaga?”

Ngumiti ako. “Oo naman. Bakit ba?’

“Wala. Parang ang weird mo eh!”

“Ha?”

“Wala. Sige, kung hindi ka na talaga magpapapigil. Go! Ayun si Hazel oh!” at inginuso ang kinaroroonan nila. “Magpaalam ka dun.”

“Hindi na siguro. Nakakahiya namang abalahin ko sila. Pakisabi na lang sa kanya mamaya.” Sabi ko at tumayo na ako.

“Anton!” tinig mula sa likuran ko. Nilingon ko ito. si Edwin. Tumigil ako sandali. Papalapit siya sa akin.

“Saan ang punta mo?” tila galit ang tinig niya. Halata sa mukha niyang medyo lasing ito. Simula pa kasi nung dumating ako ay nakita ko nang nag-iinom ito.

“Pauwi na ako eh. Sige mauna na ako.” at tumalikod akong muli.

“Sandali lang!” pigil niya. Napatingin ako kay Betty at nakita kong nagtaka siya.

“Bakit?”

Nagbigay siya ng nakaaasar na ngiti. “Dapat mamaya ka na umuwi.” Tumingin siya kay Romer.

“Bakit naman?”

“Walang magliligpit dito eh! Kailangan ng janitor. Hahaha!” sabi niya.

“Ano ba Edwin, wag ka ngan ganyan.” saway ni Betty.

“Aba! Ipinagtatanggol mo ang unggoy na ‘to? Bakit? Totoo naman ah! Janitor lang sya. Nagpapanggap na magaling! Nagpapanggap na sosyal.”

Iba ang dating sa akin ng salitang iyon ni Edwin parang biglang umakyat ang dugo ko sa ulo at tila uminit ang tenga ko.

“Tama na Edwin!” matigas na boses ni Betty. Tahimik lang ako.

“Aba! At talagang kina-career mo ang pagiging abogado mo ha?” nakangiting sabi ni Edwin. “Kaya lumalaki ang ulo ng unggoy na yan eh!”

PAK!

Ayun na! hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bigla ko syang sinuntok sa mukha. Tumumba siya sa kabilang mesa at nagulo iyon. Naghiyawan ang mga nakaupo doon. Nakita kong papalapit si Romer sa akin. Akmang susuntok siya pero nasalag ko ang kanyang braso. Bigla ko syang sinuntok sa may tagiliran at napayuko siya. Sinundan ko pa ng isa pang suntok sa mukha at nakita kong tumumba rin siya. Nagkakagulo na ang mga naroon.

“Tama na yan Anton!” awat ni Betty.

Tumayo si Edwin at muling lumapit sa akin. “Gago ka! Ang yabang mo!” at muli’y nakita kong susuntukin niya ako. Pero inunahan ko na sya. Muli ko syang sinuntok sa mukha at sinundan ko pa ng isa pa sa bandang tiyan. Napayuko siya. Tapos ay sinipa ko siya. Muli siyang tumumba at sa isa pang mesa siya bumagsak.

“Anton tama na sabi eh!” narinig kong sigaw ni Betty at humarang siya sa harapan ko. Tila bigla akong nahimasmasan. Nakita kong nakatingin ang lahat sa amin. Bigla akong napahiya. Sa di kalayuan ay nakita kong papalapit sina Hazel sa aming direksyon. ‘Shit! Anong gagawin ko? hindi ko sinasadya’ sa isip ko.

“I’m sorry!” mahinang sabi ko kay Betty at bigla akong tumalikod. Tapos ay mabilis kong nilakad ang daan palabas ng bahay na iyon.



























IKA-LABINDALAWANG YUGTO


Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa maluwag na pampasaherong jeep. Pauwi na ako at ramdam ko pa rin ang panginginig ng buo kong katawan sa sobrang galit. Nakikita ko kahit saan ang mukha ng dalawang kumag na iyon. Nakakaasar talaga. Pero biglang pumasok sa isip ko ang pangyayari. Ang kaguluhang nagawa ko. Nakita ko ang takot ng mga bisita ni Hazel. Kinabahan ako. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Kung noon, nagdadalawang isip akong mag-resign, ngayon, naiisip ko, sana ay effective this day na yung resignation ko.

Pagdating ko sa bahay, hindi ko ipinahalata ang sakit sa aking dibdib. Tila isang ordinaryong Anton lang ang dumating. Nakalimutan kong bumili ng pasalubong kay Alex kaya nangako na lang akong dodoblehin ko sa susunod. Mabuti na lang at pumayag ito. Tapos na silang maghapunan ng dumating ako. Hindi na ako kumain dahil busog pa ako. O di kaya’y wala lang talaga akong gana. Umupo na lang ako sa tabi ng aking mga kapatid na nanonood ng tv sa sala. Tumitig din ako sa pinanonood nila kahit wala naman akong interes sa palabas.

Parang tinaon pa talaga ng tadhana, bigla akong naka-relate sa palabas. Teleserye ito. “Captain Barbel.” Ang eksena pa ay yung Nasasaktan si Kit dahil iba ang gusto ni Teng. Ano ba naman yan? Pati ba naman sa tv? Tumayo ako at pumasok sa kwarto. Nakita ko ang gitara ko na nakasabit sa dingding. Kinuha ko iyon at umupo ako sa kama. Kinalabit ko at pinatugtog. Biglang bumalik sa aking alaala ang nangyari kanina. Ang masayang mukha ni Hazel habang nasa stage at kasama ang balik-bayan niyang boyfriend. Hindi ko napansin na tumutulo pala ang luha ko.

“Babae ano?” nagulat ako sa tinig na iyon ni itay. Nasa pinto siya at hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon. Papalapit siya sa akin. Pilit ko namang pinapahid ang luha ko.

Pinilit ko ring ngumiti. “H-hindi po itay.”

“Anton, papunta ka pa lang, pabalik na ako” sabi niya at tumabi siya sa akin. Tinapik niya ako sa balikat. “Normal lang talaga yan. Hindi mo dapat ikahiya yan. Lahat tayo ay dumadaan sa ganyan…. sabihin mo, babae nga ano?” dugtong pa niya.

Medyo napakalma ako ng kaunti. Bumuntong-hininga ako at tumango. “Busted ka?” tanong niya.

“Hindi ko pa po sya nililigawan.”
“Ayun naman pala eh! Wala ka pang ginagawang hakbang, nagkakaganyan ka na.”

Saglit akong natigilan, “bakit kasi ang pangit ko eh!”

Hindi ako nagbibiro pero natawa si itay sa sinabi kong iyon. “Anton-” mahinahon niyang sabi. “Huwag mong isisi sa itsura mo ang kalagayan mo ngayon.” Sabi niya. Napakunot ang noo ko. Parang weird sa pandinig ko yun. “Tingnan mo ako. gwapo ba ako?” nakangiti niyang tanong. Hindi ako makasagot. “Wag mo nang sagutin, alam ko na ang totoo. Hindi nga ako gwapo.” Natahimik ako sa sinabing iyon ni itay. Kung tutuusin, tama nga sya.

Umayos siya ng pag-upo. “Anak, ganito ang itsura ko pero tingnan mo ang inay mo. Pangit ba sya?” tanong ni itay. Napatingin ako sa picture ni inay na nakasabit sa dingding namin. Maganda talaga sya, morena at maamo ang kanyang mukha. “Ang ganda ng nanay mo di ba?” Nakangiti niyang sabi. “Sa tingin mo, paano ko sya napaibig? Ginamit ko ba ang itsura ko? hindi rin naman ako mayaman di ba? Pero naging tapat siya sa akin at ako lang ang inibig niya.” Tahimik lang akong nakikinig at ina-analyze ko ang sinasabi niya. “Anton, anong naririnig mong sinasabi ng tao kapag magkasama ang isang pangit at isang maganda?”

Saglit akong nag-isip. “Love is blind.”

Ngumit si itay at tumango. “Bulag daw ang pag-ibig diba?” tumango ako. “Pero alam mo-” dugtong niya. “ang mga nagsasabi lang nun, ay yung mga naiinggit.”

“Naiinggit?”

“Oo. Dahil ang totoo…. Hindi bulag ang pag-ibig.”

“E ano pala?”

“Ang pag-ibig ang may pinakamalinaw na paningin. Nakikita nito ang kagandahan sa puso ng isang tao. Nakikita nito ang buong katauhan ng isang nilalang na hindi nakikita ng mga mata.” Paliwanag niya.

“Anong gusto ninyong iparating?”

“Puso sa puso ang labanan Anton. Hindi itsura…..Hindi kayamanan.” Sagot niya. “Subukan mong lumabas ng bahay at tingnan mo lahat ng mga kapitbahay natin. Mga ordinaryong tao lang din sila. Pare-pareho lang tayo. Tingnan mo yung mga mag-asawa dyan. Nakakita ka ba ng parehong gwapo at maganda? Meron siguro pero bihira lang diba? …kaya wag mong sasabihin na mabibigo ka dahil sa itsura…..Nabigo ka dahil hindi sapat ang nakikita ng puso ng isang tao sa iyo.”

Tila nagkaroon ako ng lakas ng loob sa sinabing iyon ni itay. Tama lahat ng kanyang sinabi. Sapul na sapul. Napaisip talaga ako doon. “A-anong dapat kong gawin?” nag-aalangan kong tanong.

“Ipakita mo ang totoong ikaw. Ipakita mong you deseve to be loved. Show her how important she is…. At kung gaano mo sya kamahal…patunayan mo yun.”

Aba! At nag-english pa talaga si itay ha? Pero kalmado na ako ngayon. “Pero ‘tay-” sabi ko. “Meron na syang boyfriend eh!”

Natigilan si itay at napaisip. “Mahal mo sya?”

“Wala akong ibang minahal kundi sya lang.”

Bumuntong-hininga si itay. “Napakasama ko namang ama kung sasabihin ko sa’yong agawin mo sya.”

“May magagawa pa ba ako?”

Muli niyang tinapik ang aking balikat. “Sa ngayon, tumingin-tingin ka muna sa paligid. Hindi lang iisa ang babae. Milyon-milyon sila. Imposibleng wala ni isa man lang dun ang para sa iyon.”

“Ibig sabihin, kakalimutan ko na sya?”

Tumango siya. “You better move on, anak. Not unless kung makikita mong break na sila. Dun ka na pwedeng umeksena.” Tumayo na siya at lumabas ng kwarto habang ako naman ay naiwang nag-iisip.

LUNES.

Hindi ko alam kung papasok na ako o hindi. Parang nahihiya ako sa nagawa ko nung Sabado. Hindi ko yata kayang humarap sa mga tao sa opisina. Lalong nanliit ang tingin ko sa aking sarili. Pero, bahala na. Papasok pa rin ako. Pero di tulad noon na excited akong pumasok dahil kay Hazel. Ngayon, papasok na lang ako dahil kailangan.

Naglalakad ako mula sa bahay papunta sa kanto kasabay si Alex. Tinitingan ko ang paligid ko at iniisip ang sinabi ni itay nung isang gabi. Nangingiti pa ako dahil tama talaga si itay. Nakita ko sila Aling Myrna na sobrang taba na nakaupo sa labas ng bahay. Naroon rin ang asawa niyang sobra naman sa kapayatan. Sa bandang kabila naman ay naroon sina Mang Florante. Tinitingnan ko siyang maigi at ikinumpara ang sarili ko sa kanya. Di hamak na mas gwapo naman ako sa kanya. Pero ang asawa niya, si Aling Shirley, medyo may itsura naman at halata ang kagandahan nito nung kadalagahan pa niya. Ang malupit pa, si Aling Shirley ang nagtatrabaho at si Mang Florante naman ay tambay lang sa kanila. ‘Love is NOT blind’ sabi ko sa isip ko.
Tulad ng dati, maaga akong nakarating sa opisina. Inihanda ko na ang aking sarili sa mga sasabihin sa akin ng tao. Alam kong sesermunan nila ako. Sasabihin pa nilang hindi ko pala kayang uminom. O kaya naman ay isa akong basagulero. Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin basta gagawin ko lang ang trabaho ko. nai-set ko na sa isip ko na huwag ko na lang silang pansinin. Pero ang iniisip ko ngayon, ‘Ano kaya ang reaksyon ni Edwin at Romer kapag nagkita kami?’ sigurado akong hindi nila ako sasaktan dahil nasa loob kami ng opisina. Kilala ko ang dalawang iyon. Puro salita lang. Pero kahit papaano ay iiwas na rin ako. Baka kasi mapikon na naman ako at kung ano pang magawa ko.

Maya-maya lang ay nagdadatingan na ang mga empleyado. Kahit naihanda ko na ang sarili ko ay kinakabahan pa rin ako. Hindi ako makatingin sa kahit na sino.

“Good morning Anton!” nagulat ako sa tinig na iyon mula sa aking likuran. Si Betty. Nilingon ko sya at ngumiti ako na tila nag-aalangan. “O, bakit matamlay ka ata ngayon?”

“Wala naman” sagot ko.

“Still thinking about what happened last Saturday?” hindi ako nakasagot sa tanong niyang iyon. “C’mon Anton. Kalimutan mo na yun. Ok na. tapos na.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Mabuti na lang at umalis ka. Ipinaliwanag ko kay Hazel na sina Edwin talaga ang nauna. At umalis ka na lang para hindi na lumaki pa ang gulo. Marami rin namang nakasaksi at tumestigo.”

“Anong nangyari kila Edwin?”

“Ayun, katakot-takot na sorry ang ginawa. Hiyang-hiya sa lahat ng mga tao dun. Then after that, wala na, parang walang nangyari.”

“Anong sabi ni Hazel?”

“Wala. Nagulat lang sya sa nangyari pero naintindihan naman niya. Lasing na kasi sila Edwin.”

“Ah, ganun ba?”

“O paano, work na ako ha? Wag mo nang isipin yun.” tumalikod na siya sa akin at lumakad papalayo, pero saglit na tumigil at bumalik sa kinatatayuan ko.
“Tungkol kay Edwin at Romer….. Good work!” bulong niya at muli siyang umalis upang magtungo sa kanyang desk.

Naiwan akong nakatunganga. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko. Hindi naman pala ganun kasama ang nangyari. Nagtungo na ako sa shredding machine at inayos ko ang mga papel doon. Maya maya lang, mula sa gilid ng aking paningin, parang naaninag ko si Hazel na pumasok sa pinto. Nilingon ko iyon upang makatiyak. Tama ang hinala ko, si Hazel nga. Wala na akong narinig nung mga oras na iyon kundi ang malakas na kabog ng aking dibdib. Tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo. Lalo siyang gumanda sa aking paningin. Lalong kabigha-bighani ang kanyang dating. Syet, paano ko maiiwasan to, kung araw-araw ay lalong tumitindi ang paghanga ko sa kanya? ‘Tama na Anton…Tama na’ bulong ko sa sarili ko. Tiningnan ko siya hanggang sa makapasok siya sa cubicle nya.

Pumunta ako sa stock room at kinuha ko ang panlinis ng CR. Doon na lang muna ako para makaiwas sa kanilang lahat. Pagpasok ko sa banyo, sinimulan ko na agad ang paglilinis doon. Maya-maya lang ay narinig kong nag-uusap ang dalawang kalalakihan at papasok ito sa loob ng CR. Kilala ko ang mga boses na iyon. Sina Edwin at Romer.
























IKA-LABINTATLONG YUGTO


Tumalikod ako sa pinto ng marinig ko ang tinig na iyon. Kunwari ay nililinis ko ang urinal bowl. Nang makapasok sila ay bigla silang napatigil sa pag-uusap. Tumahimik ang paligid. Tiningnan ko sa bandang gilid ang mop na nakasandal. In case na unahan nila ako, iyon agad ang susunggaban ko bilang pang depensa sa kanila. Pinakikiramdaman ko ng mabuti ang ikinikilos nila ngunit tila wala silang kakibo-kibo.

Maya-maya lang ay naramdaman ko ang yabag ng mga paa. Papalapit ito sa akin. Dahan-dahan. Tinatantya ko ang layo ng mga ingay na iyon. Nang malapit na ito sa akin ay humakbang ako patagilid at hinawakan ko ang mop. Bigla’y naramdaman ko ang isang kamay na ipinatong sa aking balikat. Hindi pa rin ako kumikibo. Hihintayin kong mauna silang sumugod. Gaganti na lamang ako. Hinila ako ng kamay na iyon at pilit na pinaharap sa kanila.

“Anton,” tinig ni Edwin. Humarap ako sa kanya ngunit hindi ko pa rin binibitiwan ang mop. Ibinaba niya ang kanyang kamay na nakahawak sa balikat ko. “I need to talk to you.” Sabi niya. Nakita kong malungkot ang mga mata nya. Naroon pa rin sa kanyang mukha ang bakas ng aking kamao. May pasa siya sa bandang itaas ng pisngi.

“Tungkol saan naman?” matigas ko ng sabi.

“About what happened last Saturday.” Sagot niya. “Anton-” huminga siya ng malalim. “I’m sorry.”

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko inaakalang ang isang katulad niya ay hihingi ng despensa. Pero hindi ako kaagad nagtiwala. Malamang ay style nya lang iyon para makakuha ng simpatya. “Ok lang yun. Kalimutan mo na lang yun.” Sagot ko.

“Thanks.” Ngumiti siya at tumalikod. Tapos ay lumakad nang palabas ng banyo. Sumunod na rin si Romer at tumango pa ito sa akin bago lumabas.

Naiwan akong nag-iisip. Ang hirap paniwalaan ng pangyayari. Pero kahit papaano ay nabawasan ang aking kahihiyan. Medyo gumaan na rin ang loob ko.

Iniligpit ko ang mga gamit na panlinis at ibinalik ko iyon sa stock room. Nakalimutan ko nga palang itanong kay Betty kung ano ang reaksyon ni Hazel tungkol sa akin. Pupuntahan ko na muna siya bago ko ituloy ang pagshe-shred. Pagpasok kong muli sa loob ay nakita kong nakikipag-usap si Hazel kay Betty. Napurnada ang plano kong kausapin siya kaya’t lumakad na lang ako patungo sa shreder.
“Anton!” narinig kong pagtawag ni Betty. Kinabahan akong bigla. Lumingon ako at nakita ko syang kumaway sa akin. Naroon din si Hazel at nakatingin sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila.

“A-ano po yun?” tanong ko.

“O ayan na!” sabi ni Betty kay Hazel. Tila nagulat naman si Hazel dun.

“Ah, eh… Anton-” sabi niya sa akin nang makalapit ako sa kanya. “Paano nga pala kayo nagkakilala ni Jeric?” nakangiti niyang tanong. “Sabi kasi niya, mas mabuti pang ikaw na mismo ang magkwento sa akin. Ayaw niyang sabihin eh.”

Narinig ko na naman ang pangalang iyon. Jeric. Bigla akong nanlambot. Ewan ko kung bakit. Wala namang ginawang masama sa akin yung lalaking iyon pero parang ayaw ko nang marinig pa ang pangalang iyon.

“Anton?”

“Ha? Ah… eh… ano kasi-” nag-aalangan kong sabi. Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan. Nakakahiya kasi ang katangahan ko. “Nung papunta na ako sa inyo-” sinimulan ko ang aking kwento. Ikinuwento ko sa kanilang dalawa ang lahat ng pangyayari mula nung pag-alis ko ng bahay hanggang sa makarating ako sa bahay nila Hazel.

“Ahhh…ganun pala.” Nakangiting sabi ni Betty matapos ang may kahabaan ko ring istorya. “Ano naman ang sabi ni Jeric tungkol kay Anton?” tanong niya kay Hazel.

Ngumiti ang aking mahal, “Sabi nya, ang weird daw ni Anton.” Sagot ni Hazel. “Pero mabait daw.”

Parang lumaki ang ulo ko sa sinabing iyon ni Hazel. Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko.

“Uy nagba-blush!” biro ni Betty sa akin. Hindi ko naman alam ang ire-react ko sa sinabi niyang iyon.

“Well, back to work muna ako.” tumalikod si Hazel at nagtungo na sa kanyang desk.

“Anton, may gagawin ka mamaya? I mean, after working hour?” tanong ni Betty sa akin.

Ngumiti ako. “Wala naman. Bakit?”

“Pwede mo ba akong samahan mamaya?”
“Saan?”

“Bibili kasi ako ng tv para sa room ko. Wala kasing magbubuhat. Pwede ka?” Nakangiti niyang sabi.

“No problem. Basta ikaw!”

“Wow! Thanks. Tawagin na lang kita mamaya. Anong oras ba ang labas mo?”

“6:30 siguro. Depende. Hangga’t maubos ang tao sa office.”
“Ah ok. Babalikan na lang kita rito tapos dinner muna tayo, para naman may lakas kang magbuhat.” Sabi niya. “Don’t worry, treat ko yung dinner.”

“Aba dapat lang noh?” nakangiti kong sagot at tumalikod na ako. Lumakad ako patungo sa shredding machine.


ALA-SAIS NG HAPON.

Tapos ko nang linisin ang mga kalat para sa araw na iyon. Chineck ko na rin lahat ng mga desk kung may natitira pang tao. Wala na. Nag-alisan na sila kanina pang alas singko y media. Isinara ko na ang pinto at ini-lock iyon. Lumabas na ako ng office at nilinga-linga ang paligid. Hinahanap ko si Betty. Naghihintay daw kasi siya sa labas ayon sa text na na-receive ko.

“Anton!” nilingon ko ang pinagmumulan ng tinig na iyon. Nasa likuran ko si Betty at papalapit siya sa akin. “Tara na?” tanong niya nang makarating sa kinaroroonan ko.

“Sure!” sagot ko naman at lumakad na kami papunta sa sakayan ng jeep. Dun na lang daw kami sa SM para doon na rin magdi-dinner. Maya-maya lang ay sakay na kami ng jeep papunta roon.

Doon muna kami tumuloy sa foodcourt. Sa sizzling plate kami nagpunta. Grilled squid ang inorder ko samantalang chicken liver naman ang sa kanya. Konting kwentuhan lang, pareho kasi kaming gutom. Isang mabilisang pagsubo at pagnguya. Maya-maya lang ay taob na ang mga plato namin. Nagpahinga muna kami sandali sa aming kinauupuan. Walang kwentuhan. Palinga-linga lang kami sa paligid. Parang hindi kami magkakilala. Noon ko napagmasdan ng matagal si Betty. Maamo pala ang mukha nito. Hindi lang siya masyadong nag-aayos ng buhok at laging suot ang kanyang salamin na nagpapatanda sa kanyang itsura. Makinis din ang maputi niyang balat. Hindi rin naman nagkakalayo ang edad namin. At higit sa lahat. Friendly talaga siya. Hindi siya pumipili ng kakaibiganin.

“Hoy! Bat ganyan ka makatingin?” nagulat ako sa kanya. Hindi ko namalayang nakatitig pala ako sa mukha niya. “May gusto ka sa akin noh?” biro niya.

“Excuse me?” sagot ko naman. “Ikaw? Never!” seryoso kong sagot. Totoo naman kasi. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Di tulad ni Hazel.

“Sira! Joke lang noh?” nakangiting bawi niya. “Tara na nga!” tumayo siya at lumakad. Sumunod naman ako sa kanya na parang bodyguard.

Maya-maya lang ay parang mali ang pupuntahan niya. Nilampasan niya ang appliance center. Sumakay siya sa escalator na parang walang kasama.

“Hoy! Saan ka pupunta? Eto ang Abensons oh!” sigaw ko sa kanya sa pag-aakalang hindi niya ito napansin.

Lumingon siya sa akin, “Alam ko. Basta sumunod ka na lang.” sabi niya.

Sumakay din ako sa escalator at sinundan ko sya. Tapos ay sumakay ulit siya sa isa pa hanggang sa makarating kami sa –

Arcades.

Patakbo siyang nagpunta roon at bumili agad siya ng token.

“Anong gagawin natin dito?” tanong ko sa kanya ng makalapit ako.

“Ano sa palagay mo? Tara!” at parang bata siyang tumakbo patungo sa slumdank. Sumunod din naman ako. Hindi ko inaakalang may pagka-childish din pala ang Manang na ito. Umupo ako sa tabi niya. Isinuksok niya ang tokken at sinimulan ang paglalaro habang ako naman ay nakatunganga sa kanya.

“Akala ko ba, bibili tayo ng tv?”

“Sinabi ko bang hindi?” sagot niya kahit hindi siya tumitingin sa akin.

“E ano pang ginagawa natin dito?”

“Nagmamadali ka ba? Iwanan mo na lang ako.”

“Talaga?”

“Kung nagmamadali ka.”

“Ok.” tumayo ako at tumalikod. Lumakad akong papalayo. Ang totoo, hindi talaga ako aalis. Gusto ko lang malaman ang reaksyon nya. Nakakailang hakbang na ako ay hindi ko naririnig na sumusunod siya. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang-

“Hoy Anton! Bumalik ka nga dito! Ang corny mo ha?” narinig kong papalapit ang tinig na iyon.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. “Akala ko kasi, bibili tayo ng TV. Yun pala, magre-rent lang tayo.”

“Alam mo, ang corny mo. Saglit lang naman tayo eh! Lika, uubusin ko lang itong token ko.” hinawakan niya ako sa braso at hinilang pabalik sa kinaroroonan namin kanin. “Tingnan mo sila oh! Ang saya-saya nila.” Itinuro niya ang nadaanan naming magkasintahan na nag-shu-shoot ng bola.

“Sila yun. Hindi naman tayo-”

“Mag-jowa?” tanong niya. “Hindi naman kailangang maging mag-on para mag-enjoy noh?” sabi niya. Sabagay, tama naman sya.

Hindi pa rin siya bumibitaw sa aking braso habang naglalakad kami. Nakatalikod siyang naglalakad at bahagyang nakaharap sa akin nang biglang-

BLAG!

Bumangga siya sa isang malaking lalaki. Bigla siyang napatigil. Hindi ko rin napansin iyon kayat napasubsob ako sa kanya. Napadampi ang aking labi sa bandang noo niya at napayakap sya sa akin. Napakabilis ng pangyayari. Biglang naramdaman ko ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib.

“S-sorry miss” sabi ng lalaking nakabangga ni Betty at tumuloy na ito sa paglakad.

Nagtama ang mga mata namin ni Betty. Nakita kong parang nalilito sya at nag-aalangan. Sabay naming inayos ang aming sarili at walang sali-salitang nagpatuloy si Betty sa kanyang pupuntahan. Sumunod na lang ako sa kanya. Umupo siya sa harap ng arcade at inihulog ang token. Nakatingin ako sa kanya habang naglalaro. Nakatitig siya sa monitor. Pero nagtataka ako kung bakit hindi man lamang gumagalaw ang kanyang mga kamay. Tulala si Betty.

“Hoy! Anong nangyayari sayo?” nagulat sya sa tanong kong iyon. Parang nagising sa mahimbing na pagkakatulog.

Ngumiti siya sa akin. “Tara na!” tumayo siya at naglakad papalabas. Sunod na naman ako.

“Oy, yung token mo?” tanong ko nang mapansin ko ng hindi niya nilaro ang isang game.

“Hayaan mo na yan.” Sabi niya at nagtuloy siya sa paglakad.




































IKA-LABING APAT NG YUGTO


Pagpasok namin sa Abensons, magkasabay na kaming nagtuloy sa tv section. Binati kami ng salesman doon at ipinakita ang mga promo nila. Habang nakikipag-usap si Betty sa binatilyo ay naglakad-lakad ako at tumitingin-tingin ng iba pang mga model. Sabi kasi ni Betty, kahit hindi daw branded. Tutal naman ay sya lang ang gagamit nun, at sa maliit na kwarto lang. Sa bandang dulo ay nakita ko ang mga mumurahing telebisyon. Nagmamadali akong bumalik sa kinaroroonan ni Betty na ngayon ay mag-isa na lang na tumitingin sa mga tv.

“Dito Betty, ang mumura!” sabi at excited ko siyang hinila. Wala sa isip kong hawakan ang kanyang kamay. Napansin ko na lamang na magkahawak kami ng maramdaman kong malamig iyon. Tahimik lang naman si Betty. “Eto oh!” sabi ko ng makarating kami. Hindi ko nakuhang bumitaw sa kanyang kamay.

“M-magaganda nga at mura!” tila nag-aalangan niyang sabi. Lumapit siya sa isang display doon at nakabitaw ako sa kanya.

“Ano, yan na lang?” tanong ko.

“Sa tingin mo?”

“Ikaw ang gagamit eh.”

“Ok na siguro to.”

“Edi kunin na natin.” Tinawag ko ang salesman at itinuro ko iyon. Malugod naman kaming inentertain ng binatilyo.

Ilang saglit pa ay bitbit ko na ang tv. Magaan lang naman iyon kasi, 14 inches lang ang kinuha nya. Pang personal use lang daw. Bahagyang nauuna sa akin si Betty.

Tumigil siya saglit at tumingin sa akin. “Magsi-CR muna ako ha?” nakangiti siya. Tumango naman ako. Ibinaba ko muna ang bitbit ko at nilibot ko ng tingin ang paligid. Hindi gaanong marami ang tao ngayon, mangilan-ngilan lang ang nakita kong naglalakad. Napagawi ang tingin ko sa mga magkakapareha na sweet na sweet na namamasyal. May mga magkahawak ang kamay at meron namang magkaakbay. Parang nakakainggit tingnan. Muling naglaro ang imagination ko. Si Hazel at ako, magkahawak na naglalakad sa mall na ito.

“Dito tayo babe!” tinuturo sa akin ni Hazel ang carrousel.

“Baby naman, hindi na tayo pwede dyan.” Sagot ko naman.
“Akong bahala.” Tapos ay humalik sa aking labi si Hazel….haaaaayyyy!!!!

Pagdating sa carrousel, nakasakay kami sa iisang kabayo habang ang mga tao ay nakangiting pinanonood ang dalawang mag-sing irog.

Naputol ang pag-iimagine ko ng makita ko sa di kalayuan ang pamilyar na mukha. Hindi ako sigurado kung sya man iyon pero malakas ang kutob ko. Hindi ko inalis ang aking paningin sa lalaking iyon. Si Jeric. Nakatayo sa stall ng lingerie at tila may hinihintay. Alam ko na kung sino iyon. Im sure narito lang sa paligid si Hazel. Masasaktan lang ako kapag nakita ko silang dalawa kaya’t umiwas ako ng tingin.

Hindi ko alam kung bakit, pero talagang may bumubulong sa akin na sulyap-sulyapan ko ang kinatatayuan ni Jeric. Ganun nga ang ginawa ko. Hindi ako nagpahalatang tinitingnan ko sya, mabuti na lang at hindi nagagawi ang kanyang paningin sa kinatatayuan ko. Hindi niya ako napapansin. Maya-maya lang ay may nginitian siya sa loob ng lingerie stall at papalabas ang isang babae. ‘ayan na si Hazel’ sa isip ko. Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib. Kahit masakit ay parang excited pa rin akong makita ang aking iniirog.

Papalapit ang babae kay Jeric pero parang malayo sa itsura ni Hazel. Kahit gaano kalayo at kahit nakatalikod ito ay sigurado akong hindi si Hazel ang babaeng iyon. Kakaiba ang nararamdaman ko. Parang naiihi o kinakabahan na hindi ko maintindihan. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko ng makita kong umakbay si Jeric sa babaeng iyon at tumuloy sila sa paglalakad. Nagtatawanan pa ang dalawa. Dahil sa curiosity, hindi ko inalis ang tingin ko sa kanila. Baka naman kasi, hindi talaga si Jeric iyon o baka naman, kamag-anak ni Jeric ang babaeng iyon.

Lumiko sila at nawala sa paningin ko. Tiningnan ko ang CR at biglang nainip kay Betty. Gusto kong sundan si Jeric pero paano? Bitbitin ko ang tv? Hindi pwede. Bigla akong nagkaroon ng pag-asa ng makita kong iniluwa ng pinto ng CR si Betty. Nagtama ang aming paningin. Ngumiti siya sa akin. Kapansin-pansin ang bagong ayos ng buhok nito at may bahagyang foundation at manipis na lipstick. Ngumiti rin ako at itinuro ko ang tv na nakalapag sa sahig tapos ay sumenyas ako ng ‘sandali lang’. Tumango naman siya kaya’t patakbo akong nagtungo sa kinaroroonan kanina ni Jeric. Pagliko ko sa pinuntahan nila, nalungkot ako ng malaman kong wala na sila roon. Pero hindi ako sumuko. Patuloy akong naglakad at isa-isa kong tiningnan ang mga nadadaanan kong stall. Para akong isang detektib na sumusunod sa isang suspect.

Sumilip ako sa stall ng mga teddy bear at presto! Nakita ko sila. Bahagya akong nagtago pero hindi naman ako nagpahalata. Kitang-kita ko ang ka-sweet-an nilang dalawa. Hindi ko man naririnig ang usapan nila ay alam kong nagbibiruan sila. Ngayon ko natiyak. Si Jeric nga iyon. Mas lalo akong kinabahan. Ewan ko pero parang masaya akong nakikita si Jeric na may kasamang iba. Pero ang tuwang iyon ay may kahalong galit lalo na kapag naiisip kong niloloko lang ng lalaking ito ang babaeng lubos na nagtiwala sa kanya.

Muli akong sumilip at nabigla ako sa aking nakita. Tiyempong tiyempo. Nakita kong iniabot ni Jeric sa babaeng iyon ang isang malaking teddy bear at tuwang-tuwa naman ito at bigla niyang hinalikan sa labi si Jeric. Ngayon, kumpirmado na. Imposibleng kamag-anak o kaibigan lang iyon ni Jeric. Nakatitiyak akong may relasyon sila ng babaeng iyon. Gusto ko siyang sugurin at gulpihin ng mga oras na iyon. Niloloko lang niya ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng lubos na nagtiwala sa kanya. Gusto ko syang lapitan pero naisip kong wala akong karapatan. Tumalikod na lang ako at lumakad pabalik sa kinatatayuan ni Betty.

“Sa’n ka galing?” Nakangiting tanong sa akin ni Betty.

“Wala, tumingin lang ako ng mga t-shirts dun” pagsisinungaling ko.

“Bakit hindi ka bumili?”

“Hindi ko type yung mga designs eh.” Kinuha ko ang nakalapag na tv. “Tara na!”

Ilang saglit pa ay nakasakay na kami sa jeep patungo sa bahay nila Betty.

“Anton, salamat ha?” bulong niya sa akin. Magkatabi kami sa jeep.

“Anong salamat? May bayad yan noh?” biro ko sa kanya.

“Sige, anong gusto mo?”

“Joke lang.”

“Hindi nga. Ano, treat ulit kita?”

“Huwag na. Nagbibiro lang ako.”

“Fine! Basta sabihin mo lang kung may kailangan ka ha? Wag kang mahiyang lumapit sa akin.”

“Sure!”

Ilang minuto lang ang biyahe namin. Hindi naman pala malayo ang tirahan ni Betty doon.

“Dito mo na ilapag yan tapos maupo ka muna at magtitimpla ako ng juice.” Sabi niya pagpasok namin sa bahay na iyon. Maliit lang iyon. Isang maliit na apartment. Umupo ako sa sofa.

“Ikaw lang mag-isa dito?” tanong ko sa kanya habang kinukuha niya ang pitsel sa ref.

“Hindi. Dalawa kami ng kapatid ko. Kaso umuwi sya sa amin eh, next week pa ang balik niya.”

“So nagre-rent lang kayo dito?”

“Oo. Pansamantala. Kaya nga bumili ako ng tv para may mapaglibangan naman ako. Boring kasi pag walang pasok.”

“Edi umuwi ka sa inyo kapag day off.”

“Hello? Davao po iyon.”

Ngumiti ako, “Ay ganun? Sorry, tao lang.”

Lumapit sya sa akin bitbit ang pitsel at isang baso. “O, uminom ka muna bago mo i-try yang tv.” Kinuha ko ang baso at sinalinan niya ng juice iyon.

“Saan mo ba gustong ilagay to?”

“Dyan oh!” at itinuro niya ang maliit na mesa sa harapan ko. “May antena na dun, naka-ready na. Iniwan kasi nung dating nakatira dito yung antena nila.”

“Good.” Tumayo ako at kinuha ang kahon ng tv. Binuksan ko iyon at inilabas ang laman niyon. Inalis ko sa plastic at mga styrofoam at ipinatong ko sa mesa. Hindi ko na kailangan pang basahin ang manual dahil pamilyar na ako doon.

“Hindi na ba kailangang ire-channel yan?” tanong ni Betty.

“Hindi na daw. Teka, malalaman natin.” Ikinabit ko ang antena sa bandang likod at isinaksak ko ang plug at ini-on ang tv. Inilagay ko sa channel 2 at gumana naman agad iyon. “Ok na naman pala eh. Malinaw pa oh!”

“Wow! Buti naman. Salamat ha?”

Umupo ako sa tabi niya at kinuha ko ang remote sa may kahon. Iniabot ko iyon sa kanya. “Ayan, maglibang ka na.”

“Salamat ulit.”

Saglit kaming nanood ng tv hanggang sa maalala kong gabi na nga pala. Tiningnan ko ang orasan, 9:05pm na.

Tumayo ako, “O paano, alis na ako. gabi na eh.”

“Teka naman. Maaga pa kaya. Strict ba ang parents mo?” biro niya.

“May ipapagawa ka pa ba?”

Nag-isip siya, “Wala na.” sagot niya. “Teka-” tumayo siya at nagtungo sa ref binuksan iyon at kinuha ang dalawang bote ng red horse beer. “Shot muna tayo.”

Nagulat ako, “Umiinom ka pala?”

“Hindi masyado.”

“E bat may stock kang beer dyan?”

“Hehe… hindi sa akin ‘to.. sa boyfriend ni ate. Hindi nila naubos eh. Alangan namang itapon ko.” binuksan niya iyon at lumapit sya sa akin. “O, ubusin mo yan ha?” iniabot niya ang bote sa akin.

Kinuha ko naman iyon. “Ok, pero wag magpakalasing ha? May pasok pa tayo bukas.”

“Malalasing ba naman tayo sa ilang bote?”

“Ilan ba yung nandun?”

“Anim.”

“Anim? Ang dami naman. Tama na ito, sa susunod na lang yung iba.”

“Ibig mong sabihin, pupunta ka pa dito?”

Napaisip ako. “Pwede.”

“Sige. Next time naman yung iba.”

Muli kaming nanood ng tv habang nagkukwentuhan. Kung anu ano na ang pinag-uusapan namin. Nagtatawanan pa kami sa korning palabas. Hanggang sa hindi na namin namalayan na naubos na namin ang anim na bote ng beer. Iba na rin ang pakiramdam ko. Parang namamanhid ang mukha ko pero matino pa ang isip ko. Alam ko pa ang nangyayari sa paligid ko. Tiningnan ko si Betty at halatang lasing na ito. Namumula ang kanyang pisngi.
Tinignan ko ang oras. 10:30 na. “O pano, uwi na talaga ako.” sabi ko at tumayo ako. Muntik pa akong matumba dahil parang gumagalaw ang paligid ko.

“Hahaha..lasing ka na.” sabi niya. “Sige, kita na lang tayo bukas.” Tumayo din siya.

“Saan ang banyo?” tanong ko. Pakiramdam ko kasi ay punung-puno ang pantog ko.

“Dun” itinuro niya ang isang pinto. Nagpunta ako doon at pinakawalan ang likido sa aking pantog. Pagkatapos ay bumalik ako sa kinatatayuan ni Betty.

“O sige, alis na ako.” lumakad ako patungo sa pinto. Sumunod siya sa akin.

“Anton-” sabi niya. Humarap ako sa kanya. “Salamat ha?” nakangiti niyang sabi. Tumingin ako sa kanyang mga mata. Mapungay iyon.

“Ok lang. basta ikaw” sabi ko.

Nabigla ako ng bigla niya akong hinalikan sa labi. Iyon ang pinakaunang halik na natikman ko sa buong buhay ko. Ganoon pala iyon. Malambot sa labi. Dala siguro ng tama ng beer, kaya parang nag-enjoy ako. Ipinikit ko ang aking mga mata at nakita ko sa aking isipan si Hazel. Nasa aking harapan at nakikipaghalikan sa akin. Malambot ang kanyang mga labi.

Naramdaman kong nagiging kakaiba ang halik na iyon. Gumagalaw galaw iyon sa pakaliwa at pakanan. Nagdikit ang aming mga katawan at ramdam ko ang bilis ng tibok ng dibdib ni Betty. Wala akong nagawa kundi ang lumaban habang nasa isip si Hazel.
















IKA-LABINLIMANG YUGTO


Nang maghiwalay ang aming labi ay yumakap siya sa akin. Nakapikit pa rin ako at yumakap din sa kanya.

“I love you Anton.” Bulong ni Betty.

“I love you too……….Hazel.”

Naramdaman ko ang pagkabigla ng babae sa aking harapan. Mabilis niyang inilayo ang kanyang katawan sa akin. Napamulat akong bigla. Ang kaninang mukha ni Hazel na nakikita ko ay biglang nagbago. Si Betty ang kaharap ko ngayon. Biglang bumalik ang aking isip sa kasalukuyan. Saka ko naalalang si Betty pala ang aking kasama.

“Anong sabi mo?” matigas ang tinig niyang tanong sa akin. Para akong nakuryente. Hindi ko mahanap sa isipan ko ang sasabihin ko.

“Ha? A…eh..” yan lang ang lumabas sa bibig ko.

“Pakiulit nga Anton!” mataas na ang tinig niya sabay layo sa akin. Tumalikod siya at nagtungo sa mesa. Nagsalin ng tubig sa baso at ininom iyon. Sumunod ako sa kanya.

“I’m sorry Betty. Hindi ko-”

“Don’t worry Anton, now I know.” Sabi niya. Mabilis ang kanyang paghinga na parang nanggaling sa isang mahabang pagtakbo.

“Betty-”

“Don’t try to explain! I don’t need your reason!” mataas ang tinig niya. “Bakit Anton? Dahil ba ganito ang itsura ko? dahil ba mas maganda si Hazel?” unti-unting tumutulo ang luha ni Betty. Halata ang kalasingan sa itsura nito. “Bakit?”

“Betty…walang kinalaman ang itsura mo at ni Hazel.” Kalmado kong sabi. “Tingan mo nga ako…. Ano ba ang itsura ko? gwapo ba ako? hindi naman di ba?” paliwanag ko. “Hindi lang talaga natin matuturuan ang puso. Emosyon yan. Kahit dayain mo ang sarili mo, nandyan pa rin yan.”

Saglit siyang nag-isp “Kahit kaunti ba, hindi mo ako minahal?” seryoso niyang tanong.

“Oo minahal kita.” Madiin kong sagot. “Pero bilang isang kaibigan lang.” Nagtama ang aming paningin. Medyo masama ang tingin niya sa akin.

Katahimikan.

“Wala akong planong saktan ka Betty”. Ako na ang bumasag ng katahimikang iyon. “Ayoko lang maging plastik. Ayokong umasa ka.” Nakatingin si Betty sa sahig pero alam kong wala doon ang kanyang isipan. Hindi ko rin alam kung nakikinig ba siya sa akin. “I’m sorry….hindi dapat ganito. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko pang sabihin ito.” wala pa ring imik si Betty.

“Betty?”

Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang mukha at tumingin sa akin at nagpakawala ng pilit na ngiti. “Ako ang dapat humingi ng sorry Anton, masyado yata akong nabigla. Buwisit na alak yan. Nalasing yata ako ah!” at isang mahinang pagtawa.

“Ok ka lang?”

Ngumiti siyang muli. “Ok lang ako, ano ka ba? Kung ano man yung nangyari ngayon, kalimutan mo na. Lasing lang tayo.”

Kahit itago niya sa pagngiti ay ramdam ko ang kalungkutan niya. Nakikita ko iyon sa kanyang mga mata. “O pano, aalis na ako.” sabi ko.

“Sige, ingat ka na lang.”

Tumalikod ako at tinungo ko ang pinto na nakabukas. Lumingon ako saglit at kumaway sa kanya. Tumango naman siya at tumuloy na ako sa aking paglalakad.

Habang naghihintay ng sasakyan pauwi ay bumabalik sa aking alaala ang nangyari kanina. Ang halik ni Hazel mula sa mga labi ni Betty. Ganoon pala ang pakiramdam ng isang halik. Parang naiwan ang kalambutan ng kanyang labi at tila ramdam ko pa ang kanyang hininga sa aking mukha. Ngunit bigla kong naisip si Betty. Bigla ko ring naisip ang sitwasyon ko. Si Betty at ako ay magkatulad ng kapalaran sa pag-ibig. Nagmahal ng lubos ngunit hindi naman minahal ng taong nagpapatibok ng aming mga puso. Ngayo’y alam ko na kung ano ang damdamin ni Hazel sa akin. Tama si itay. Hindi ang itsura ang dahilan. Ito’y dahil sa tunay na nararamdaman. Bigla akong naawa kay Betty at tila nahiya na rin sa kanya. Pero sa tingin ko naman ay tama ang aking ginawa. Maigi pang habang maaga ay alam na niya kung ano ang lagay namin sa isa’t isa.

Tulog na ang lahat pagdating ko. Nagbihis lang ako at nagsipilyo bago humiga sa tabi ng aking kapatid.

Kinabukasan, tulad ng araw-araw na ritwal, maaga akong pumasok para maglinis ng opisina. Hindi naman talaga ako manginginom kaya siguro iba ang pakiramdam ko ngayon. Pero kahit parang nahihilo pa ako at masakit ng kaunti ang aking ulo dahil sa nainom ko kagabi, pumasok pa rin ako. Nagulat pa nga ako dahil parang ang bilis ko yatang natapos ang paglilinis. Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isipan ko ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay Betty. Ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nagkita kami? O baka naman hindi sya papasok ngayon.

Maya maya lang ay isa isa nang nagpasukan ang mga empleyado. Kinakabahan ako. Paano kaya ang gagawin ko? Panay ang tingin ko sa bawat pagbukas ng pinto. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano haharapin si Betty.

Ilang saglit pa’y muling bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. Kilala ko kaagad iyon. Syempre, sya ang nagmamay-ari ng puso ko simula pa lang nung unang araw na makita ko sya. Si Hazel. Ipinagpatuloy ko ang paglilinis hanggang sa marining kong papalapit sa kinaroroonan ko ang mga yabag.

“Good morning Anton!” masayang bati ni Hazel mula sa likuran ko. Humarap ako sa kanya.

“Good morning po!” nakangiting sagot ko naman. Iyon lang at tumuloy na siya sa paglalakad habang ako naman ay humahabol ng tingin sa kanya. Parang nalulusaw ang aking buong katawan. Sayang at may nagmamay-ari na sa kanyang puso. Bigla kong naalala ang senaryo sa mall kahapon. Si Jeric. Ang manlolokong iyon. Oo nga pala. Ano kaya? Sasabihin ko kaya sa kanya? Hindi na muna siguro. Baka isipin pa niyang sinisiraan ko ang nobyo niya.

Mag-aalas otso na ay wala pa rin si Betty. Sa pagkakaalam ko, hindi pa siya nale-late simula pa noong unang pasok ko dito. Pero ngayon, wala pa siya. Hindi yata siya papasok. Bakit kaya? Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Teka, nag-aalala ba ako?

Habang nag-iisip ay kinuha ko ang isang malaking trash bag na puno ng mga punit punit na papel at ibinuhol ang dulo niyon. Itatapon ko na lang muna ito sa labas. Maingat kong binuhat iyon at tumuloy ako sa pinto. Saglit ko pang sinilip ang table ni Betty at nagbakasakaling nalingat lang ako at hindi ko napansin ang pagpasok niya. Sinuri ko ng mabuti pero, wala talaga sya. Nagpatuloy na lang ako sa paglabas ng opisina. Sa sobrang laki ng trash bag ay halos hindi ko makita ang dinadaan ko. Kaya naman maingat at dahan dahan lang ako sa pagbaba ng hagdan. Pero medyo maliit lang ang space ng hagdan. Halos isang dipa lang ang lapad niyon at kasya lamang ang dalawa o tatlong tao doon kaya naman halos sakop ko na ang buong lugar at kung sakaling may makakasalubong ako ay tiyak na mahihirapan ako. Peek hours pa naman ngayon, siguradong sunod sunod na ang taong papasok sa opisina. Mga kliyente.

Tama nga ang hinala ko. Sa di kalayuan ay naririnig kong may paparating. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lumingon ako sa likuran, medyo malayo na ako kung babalik pa ako. Papalapit na ang mga tunog na iyon ng takong ng sapatos. Nagmamadali iyon. Hanggang sa matanaw ko na ang mga binting niyon. Tiningnan ko ng bahagya. Isang babae. Naka fitting pa naman.

“Pasensya na po.” Sabi ko habang ibinababa ko ang bitbit ko upang magkaroon ng space para sa kanya. Hindi naman ako pinansin ng babaeng iyon at tuloy-tuloy sya sa paglalakad ng mabilis. Nilingon ko pa sya ng bahagya at nakita kong maganda ang hubog ng katawan nito dahil sa suot niyang brown fitted skirt at blouse. Muli kong binuhat ang trash bag at sa wakas ay naitapon ko rin.

Nag-iisip pa rin ako habang umaakyat papunta sa opisina. Nag-aalala talaga ako kay Betty. Baka sa sobrang sama ng loob ay dinagdagan pa nito ang iniinom niya at baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Nagtuloy ako sa stock room at kinuha ang panglinis ng banyo. Ito ang susunod kong gagawin. Nang makuha ko na ang mga gamit ay pumasok na ako sa loob ng opisina at nilakad ko ang daan patungo sa CR. Napalingon ako sa pwesto ni Betty at nakita kong naroon si Edwin. Kahit nakatalikod ito sa akin ay alam kong may kausap siya. Nandun na kaya si Betty? Dumating ba sya ng hindi ko namamalayan? Na-curious ako kaya’t inilapag ko ang bitbit ko at nagtungo ako sa lugar na iyon. Kunwari ay iche-check ko ang trash can doon. Dahan-dahan akong lumapit kahit na nag-aalangan ako.

“Hey buddy! Musta?” bati sa akin ni Edwin ng makita akong papalapit sa kanya. Masaya ang mukha nito. Tumango naman ako.

“Hindi ko yata naitapon ang mga basura dyan.” Sabi ko habang patuloy na naglalakad. Unti-unti kong nakikita ang nasa harapan ni Edwin. Isang babae. Nakaupo sa upuan ni Betty. Naka-cross legs pa ito at unang una kong napansin ang makinis na binti niyon. Natatakapan kasi ng katawan ni Edwin ang bandang itaas ng katawan nung babaeng iyon. Shit! Bulong ko sa sarili ko. Nag-resign agad si Betty? Napalitan na agad siya? Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa makita ko ang babaeng iyon. Sumulyap lang ako saglit at hindi ko tinagalan ang pagtingin dahil baka kung ano pa ang isipin niya. Mas maganda sya kay Betty. Mas maganda ang porma. Sexy at sopistikadang tingnan. Pero dedma ko lang sya at nagtuloy ako sa trash can. Buti na lang at may laman iyon kaya’t may katunayan ang alibi ko.

“Mamaya mo na kunin yan Anton, kaunti pa lang naman.” Sabi ng babae. Nagulat ako at napatayong bigla. Kilala ko ang boses na iyon.

Bigla akong tumingin sa kanya. “B-Betty?”

“O, bakit pa kang nakakita ng multo? Ikaw ha? Ang suplado mo. Hindi mo ako pinansin kanina sa may hagdan.” Sagot niya.

“Ha? A-ako? nag-sorry nga ako eh. Hindi mo ako pinansin.” Sabi ko habang kinokontrol ko ang sarili ko sa aking pagkabigla.

Ngumiti siya. “Oo nga pala. Sorry ha? Late na kasi ako eh”

“Ang sabihin mo, hindi ka nakilala ni Anton. Di ba pare?” tumingin sa akin si Edwin. “Grabe naman kasi ang make-over mo. Kakaiba talaga. Hindi ko akalaing ganyan ka pala kaganda.”

“Hay naku Edwin, kanina ka pa nambobola ha?” pataray na sabi ni Betty. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Nawala ang malaking salamin niya at naayos ang buhaghag na buhok niya. Sa tingin ko rin ay binawasan niya ang kanyang kilay at naglagay siya ng kaunting make-up.

“Hindi naman kita binobola. Di ba Anton?” tumango ako.

“Hey Betty!” si Hazel. Papalapit siya sa amin. “Wow! Is that really you? Ang ganda mo lalo!” gulat na sabi niya. “Kaya pala tumawag ka sa akin ng dis oras ng gabi at nagtanong ng beauty tips ha?” nakangiting sabi ni Hazel. Halata ang bahagyang pagkapahiya ni Betty at umiwas siya ng tingin.

“Ha? Ah… eh.. nag-try lang. hinalungkat ko yung mga gamit ng kapatid ko. Grabe nga. Ang tagal kong inayos to.” bawi ni Betty.

“Excuse po muna.” Sabi ko at umalis na ako. kinuha ko ang mga gamit at nagtuloy na ako sa banyo.

Pagpasok ko, bigla akong napaisip ng malalim. Si Betty. Naging kakaiba ito. Ang ganda niya. Ang sexy. Bagamat mas maganda pa rin si Hazel ay talagang malaki ang pinagbago ni Betty.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Hinawakan ko ang mukha ko. Tiningnan bawat anggulo at sinuring maigi. May pag-asa pa kaya ako?





IKA-LABING ANIM NA YUGTO


Ilang araw rin ang lumipas at naging normal ang takbo ng paligid ko. Lahat ay naging tahimik. Sa sobrang tahimik ay tila hindi na magkakakilala ang mga tao. Naiilang na rin akong makipag-usap kay Betty dahil lagi siyang nakasimangot kapag nagkakatinginan kami. Masaya na rin akong patingin-tingin sa aking minamahal na si Hazel. Napapansin ko ring panay ang lapit ni Edwin kay Betty at halatang gustong manligaw pero hindi naman ako nakatitiyak. Nakaupo ako sa may shredder ng may tumawag sa akin.

“Anton, pare!” tinig ni Edwin at alam kong papalapit siya sa akin. Saglit akong tumigil at lumingon sa kanya at muling ibinaling ang tingin sa aking ginagawa. Naramdaman kong umakbay siya sa akin. “Pare naman, galit ka pa rin ba hanggang ngayon?”

Tumingin ako sa kanya habang inaalis niya ang kanyang kamay. “Sinabi ko na naman sayo, kalimutan na natin yun di ba?” sabi ko.

“Ang suplado mo kasi eh. Pasensya ka na talaga.” Saglit siyang natahimik. “Nagawa ko lang naman yun kasi akala ko, karibal kita kay Hazel. Kaya asar ako sayo. Pero since, hindi ko na gusto si Hazel, iyong-iyo na sya.” Tila pagmamalaking sabi niya.

“Ang bilis mo naman magbago. Dahil ba alam mong may boyfriend na sya?”

“Hindi.” Sabi niya. “Well… isa na rin yun sa dahilan.”

“At ano naman ang iba pang dahilan?”

“Simple lang…. may nakita na akong iba na pwedeng ipalit sa kanya. At siguradong walang sabit.”

“Talaga? Sino naman?”

Bahagya siyang lumapit at bumulong. “Si Betty.” Tapos ay tinapik niya ako sa balikat at tumalikod. Lumakad na siyang pabalik sa kanyang mesa.

Tila ba lumuwag ang pakiramdam ko sa sinabi niyang iyon. Mabuti na lang at ganoon ang nangyari. Wala na akong kaagaw kay Hazel. At may manliligaw na rin kay Betty. Mabuti iyon para makalimutan nya ako.

Lunch break.

Kahit wala akong baon ay doon pa rin ako sa may stock room kumain. Marami kasing tao sa cafeteria at halos walang maupuan. May training kasi sa kabilang opisina at ang mga trainees ay doon na kumain. Bumili na lang ako ng makakain at saka nagtungo sa stock room tutal ay malinis naman iyon at may space para mapwestuhan ko. Nakahanda na ang aking kakainin ng biglang-

Tok! Tok! Tok!

Napalingon ako sa pintuan dahil sa mahinang katok na iyon. “Bukas yan!” sabi ko at nagtataka kung sino ang naroon. Dahan-dahang bumukas ang pinto at nagulat ako sa taong pumasok.

“Anton?” si Romer. Nakangiti sya sa akin.

“O, Romer. May kailangan ka?”

“B-baka pwedeng makisabay sayo dito. Masikip dun sa cafeteria eh!”

Bahagya akong nagulat, “Ha? O-ok lang. tara!” yaya ko sa kanya. Inayos ko ang pwesto ko at pinaupo siya sa harapan ko. Sa sahig lang kasi kami kakain. Naglatag lang ako ng mga dyaryo doon.

“Salamat ha?” nakangiti siya ngunit halata ko ang lungkot sa kanyang mata.

“Wala yun. Si Edwin nga pala?” kaswal kong tanong.

Tila nagulat sya sa tanong kong iyon. “Ha? Ah…n-nandun sa cafeteria. Kasabay ni Betty.”

“Ah ok, ba’t hindi ka na lang sumabay sa kanila?” tumingin siya sa akin. “N-nagtaka lang ako, wala akong ibig sabihin.” Bigla ko ng nasabi. Parang kakaiba kasi ang tingin niya. Baka isipin niyang hindi ko gustong makisabay sa kanya.

“Wala na akong pakialam sa gagong yun!” matigas sa sabi ni Romer na ikinagulat ko.

“Bakit naman? Nagkatampuhan kayo?” tanong ko sabay subo ng pagkain.

Saglit na katahimikan.

“Ang hayup na yun!” ibinaba niya ang kutsara at may dinukot sa bulsa. Inilabas ang kanyang panyo. “Matapos kong makiayon sa kanya.” Halata kong pilit niyang pinipigilan ang kanyang luha. “Matapos akong magpakatanga sa kanya. Ganito lang ang igaganti nya sa akin!” at tuluyan na ngang pumatak ang luha sa kanyang pisngi. Mabilis naman niya itong pinunasan ng panyo.

“H-hindi kita maintindihan. Ano bang pinag-awayan nyo?”

“Nanliligaw sya kay Betty ngayon!” galit niyang sabi.

“At gusto mo rin si Betty?”

Tumahimik siya. “H-hindi!” mahinang sagot niya. “S-si Edwin ang mahal ko!”

Pakiramdam ko’y nabagsakan ako ng mga gamit na nasa loob ng stock room sa narinig kong iyon. Muntik na akong mabilaukan sa pagkabigla.

“You mean-”

“Yes, I’m g-gay!” putol niya sa sasabihin ko. Hindi pa rin ako makapaniwala.
“Ginawa ko ang lahat ng gusto nya. Sinamahan ko sa lahat ng mga lakad. Nagpakagaga! Nagpakatanga! Naging utusan! Kapag may kailangan, ako ang lalapitan tapos-” saglit na tumigil. “Tapos ito lang ang igaganti niya sa akin!” tuluyan na siyang humagulgol.

“T-teka, di ba nanligaw din sya kay Hazel? Bakit, ok lang sayo yun?”

“Dahil ang sabi niya, hindi naman nya talaga mahal si Hazel. Susubukan lang daw nya kung may appeal pa sya.” Malungkot niyang sabi. “Ako namang tanga, tinulungan ko din sya. Kasi mahal ko sya.”

“At paano mo naman nasabing seryoso sya kay Betty?”

“Paano naman, sa tuwing magkasama kami, puro na lang Bety! Betty! Betty! Tapos ipinamumukha pa sa akin na gagawin daw nya lahat kahit ikamatay niya para lang mapasa-kanya si Betty.” Muli siyang napaiyak. “Masakit, Anton! Masakit!”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para mapakalma siya. Nakatingin lang ako sa kanya.

“Pasensya ka na ha? Wala lang akong masabihan ng sama ng loob” sabi niya.

“Wala yun. Ikaw naman,” sagot ko naman “Teka….alam ba ni Edwin na-” hindi ko na tinapos ang sasabihin ko. hindi ko alam kung itutuloy ko ba.

“Hindi niya alam. Kapag nalaman niya, baka lalo siyang lumayo sa akin. Masaya na naman akong lagi kaming magkasama. Kaya lang…..nag-iba na ngayon” saglit siyang tumigil. “Kumain na tayo!” dugtong niya.

Itinuloy namin ang aming pagkain ng tahimik at wala nang kasunod pa sa usapang iyon.

“Ok lang naman sa akin na manligaw sya eh.” Bigla na lamang niyang sinabi matapos ang mahabang minutong katahimikan. “Tanggap ko naman na hindi nya ako magugustuhan….hindi ko lang alam kung bakit ganito kasakit ang nararamdaman ko”

“Paano mo naman natiyak na hindi sya magkakagusto sa iyo? Nasubukan mo na ba?”

Tumingin siya sa akin. “Anton wag ka naman ganyan….pinapaasa mo pa ako nyan eh!”

“Dahil meron naman talagang pag-asa!” matigas kong sabi.

“Wala na! anong magugustuhan nya sa akin kung pareho kaming-”

“Basta may pag-asa ka pa!” sabi kong muli. “Tingnan mo ako… anong itsura ko? panget di ba? Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil alam kong darating din ang tamang araw para sa akin.”

Kahit hindi nya sabihin ay napansin kong bahagya siyang napangiti. Sana ay napalakas ko ang loob niya.

“Aaminin ko na sa kanya?”

Napaisip ako sa tanong na iyon “Sa ngayon, huwag na muna. Maghintay ka ng tamang pagkakataon.”

“Anong gagawin ko? Nasasaktan ako kapag kinukwento niya si Betty.”

“Sa ngayon, magpaka-plastik ka na muna. Pretend it’s ok! hindi magtatagal, masasanay ka rin. Then kapag napatunayan mo nang kaya mo na… saka mo na ipagtapat.”

Katahimikan.

“Anton,” mahina niyang sabi. Tumingin ako sa kanya na tila nagtatanong. “Salamat ha?”

“Salamat saan?”

“Basta….dito”

“Wala yun!”

“Saka, sana….walang makakaalam nito ha?”
“Sure!” nakangiti kong sabi. “Basta sa ngayon, i-enjoy mo na lang muna ang mga oras na makakasama mo sya. Trust me, gagaan ang loob mo.”

“Salamat ulit.” Sabi niya at akmang ililigpit niya ang mga kalat namin.

“Wag na, ako na ang bahala dyan. Sige na,” ngumiti siya sa akin at nagtuloy na sa pinto at lumabas.

Matapos kong maglinis sa pinagkainan namin ay muli akong umupo at inilabas ko ang paborito kong aklat at sinimulan kong basahin iyon. Tutal naman ay may 30 minutes pa ako. Binuklat ko kung saan ako natigil sa pagbabasa at sinimulan kong daanan ng paningin ang pahina niyon. Ngunit kahit anong pag-concentrate ko ay hindi ko naiintindihan ang binabasa ko. Paulit-ulit kasing bumabalik sa isipan ko ang sinabi ni Romer. Hanggang ngayon ay parang nahihirapan akong paniwalaan. Naalala ko ang senaryo sa party ni Hazel. Kaya pala parang hindi siya marunong makipag-away. Nakikiayon lang pala siya kay Edwin. Mabuti na lamang at hindi ako sinabunutan. Natatawa pa ako habang nakatingin sa libro.

“Oo, ako si Mr. Suave…ohhhh…grabe!”

Nagulat ako sa sigaw na iyon ng aking cellphone. Ang bilis naman ng oras kapag lunch break. Tumayo ako at inayos ko ang sarili ko. Itinago kong muli ang aking libro at lumabas na ako para magpunta sa shredder.
Pagpasok ko ay nagtuloy na ako sa kinaroroonan ng shredding machine. Napadaan ako sa may table ni Betty at nakita ko si Edwin doon. Halos buong araw na yata ay nakatambay ito sa mesang iyon. Ewan ko lang kung nakakapagtrabaho pa ba ito. Kunwari ay may bitbit na papel para kung sakaling mapadaan ang boss niya ay makitang tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan.

“Anton!” tinig ni Edwin. Nilingon ko siya at nakita kong kinawayan nya ako. Gusto niyang lumapit ako sa kanila kaya’t ganun na nga ang ginawa ko. Nang papalapit na ako, doon ko lang napansin na naroon din pala si Romer. At nakangiti ito sa akin. Parang walang nangyari kanina.

“Ano pong problema?” tanong ko habang papalapit.

“Wala naman, eto kasing si Betty, niyayaya kong lumabas” napatingin ako kay Romer. Mukhang ok naman sya. “Kaso, ayaw ng kaming dalawa lang. Gusto nya, grupo daw. Gusto mong sumama sa amin?”

“Saan naman?” napasulyap ako kay Betty. Walang reaksyon ang mukha nito habang nakaharap sa pc nya.

“Beach. Tutal, summer naman eh.”
“Sino sino naman ang kasama?”

“Tayo tayo lang… ako….si Betty…ikaw….. at ang aking buddy…” umakbay ito kay Romer habang nakatingin sa akin. Nakita ko namang biglang namula ang mga pisngi ni Romer. Pilit lang niya itong itinatago kay Edwin. “At yayain na rin natin si Hazel.”

“Kailan naman ang plano?”

“Sa Sabado.”

“Ngayong Sabado na?” tumango si Edwin. “S-sige, teka….pumayag na ba si Betty?” At sabay sabay kaming tumingin kay Betty.

Hindi ko alam kung bakit biglang namula ang kanyang pisngi. Tila nagulat siya.

“Ano Babes, oks lang sa’yo?”

Tumingin si Betty kay Edwin, “Babes ka dyan! Tigilan mo nga ako Edwin ha?”

“Biro lang ito naman oh! Ano, payag ka ba?”

“Sige, basta kasama si Hazel ha?”

“Ok! akong bahala!”





















IKA-LABING PITONG YUGTO


Sabado ng umaga. Excited akong lumabas ng bahay. Tulog pa ang aking mga kapatid at si itay. Kanina pa ako gising. Ngayon kasi ang kauna-unahang beach outing ko na kasama ang mga kaibigan. Kagabi pa lang ay inihanda ko na ang mga dadalhin ko. Sa sobrang excitement ko ay hindi halos ako nakatulog.

Habang tinatahak ko ang daan papunta sa opisina, (doon daw kasi ang meeting place para hindi magkalituhan) lumilipad ang isip ko.

“Habol pa baby!” nakangiting sabi sa akin ni Hazel habang ako naman ay hingal kabayo na sa kakahabol. “Mahina ka na…. matanda ka na talaga” pang-aasar pa nya.

“Mahina pala ha?” at lalo kong bibilisan ang paghabol at syempre aabutan ko sya tapos yayakapin ko siya sa bewang habang nakatalikod sa akin. Haharap siya at sabay kaming gugulong sa buhanginan. “I love you baby!” bulong niya sa akin.

“I love you too!” sagot ko naman at saka ko sya sisiilin ng halik.

“Para!” nagulat ako sa sigaw ng aking katabi. Tiningnan ko ang paligid at nakita kong malapit na rin pala akong bumaba. Sinulyapan ko ang orasan at ang sabi’y alas syete na daw. Alam kong ako ang kauna-unahang makakarating doon. Medyo maaga ako ng trenta minutos, ang usapan kasi’y alas syete y medya para maaga ring makarating sa may Postema. Ang beach na napagkasunduan namin, o sabihin na nating, ipinilit ni Hazel. Ewan ko ba kung bakit iyon ang ipinipilit niyang puntahan namin sa dinami-dami ng resort sa Cavite. Mamaya na lang daw niya sasabihin sa amin. At kami naman, kaysa hindi siya sumama ay naki-ayon na rin kami.

Pagdating ko sa lugar na iyon, nagulat ako dahil halos lahat sila ay naroon na. Sabay-sabay silang napatingin sa akin na para bang isa akong artista.

Ngumiti ako sa kanila “Ang aaga nyo ah!”

Nagkibit-balikat si Edwin. “May pagka-excited ng konti.”

Nilibot ko ang paligid. Nakita ko si Betty sa may sulok at tila naiinip. Naka-shorts lang sya at bahagya pa akong nagulat dahil ngayon ko lang nakita ang kakinisan ng kanyang balat. Pero parang balewala lang sa akin ang aking nakikita. Muli akong tumingin sa paligid. Wala pa si Hazel.

“Si Hazel na lang ang hinihintay?” kaswal kong tanong.

“Hindi lang sya.” Sagot ni Romer. “Pati yung inarkila nating sasakyan.”

“Ganun ba? Baka naman hindi sasama si Hazel?” tanong kong muli.

“Sasama daw. Nagtext na sa akin. Maaga pa naman di ba?” sabi ni Betty habang papalapit sa amin. Seryoso ang mukha nito.

“Paano kung hindi sumama si Hazel?” tila nakakalokong tanong ni Edwin.

“Edi hindi.” Sagot ko naman.

“Hi Guys!” sabay-sabay kaming napalingon sa tinig na iyon ni Hazel. Halos malaglag ang panga ko at tumulo ang laway sa isang Diyosang papalapit sa amin. Syet! mapapamura ako sa kakinisan niya. Nakasuot kasi siya ng maiksing shorts at sleeveless blouse naman ang pang-itaas. Parang umiilaw ang kanyang katawan habang nasisinagan ng araw. “Am I late?” nakangiting tanong niya.

“Speaking of an Angel!” si Romer.

“Wala pa yung van na ni-rent natin eh!” sabi ni Betty at nag-beso beso ang dalawa. Nakakainggit. Sana ay ganun din sya sa akin.

“Hi Anton! Sexy mo ah!” pabirong sabi ni Hazel. Nagulat ako sa sinabi niyan iyon. Seryoso ba sya? Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Hindi naman. Ikaw ang super sexy!” bigla ko na lang naisagot. Napatingin sa akin si Betty at nagtama ang aming mga mata pagkatapos ay siya rin ang umiwas ng tingin. Tila paulit-ulit kong naririnig ang tinig ni Hazel na nagsasabing sexy daw ako. Kahit alam kong hindi totoo iyon ay kakaiba ang dating sa aking pandinig. Tiningnan ko ang aking kasuotan. Simpleng sando lang at summer shorts. Anong kaibahan? Napatingin ako kina Romer at Edwin na naka-sando rin. Kakaiba nga naman ako. Kahit ako ay humahanga sa bukol-bukol na muscles ko at ang flat kong tyan si tulad ng sa kanila na puro baby fats.

BEEP! BEEP!

Natigil ang pag-iisip ko sa businang iyon ng dumating na van. Ang aming ni-rent na service. Para kaming mga bata na ngayon lang nakasakay sa van at excited sa aming pupuntahan. Tinulungan kong mag-akyat ng mga gamit sina Edwin habang nauna nang sumakay sina Hazel at Betty. Sa bandang unahan sila naupo at inilagay naman namin sa bandang likuran ang mga gamit. Doon naman kaming tatlong lalaki sa bandang gitna. Magkatabi sina Edwin at Romer habang ako naman ay nasa bandang gilid. Napagitnaan namin ni Edwin si Romer.

May kahabaan din ang biyahe namin at hindi namin namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako at nilibot ko ng tingin ang paligid. Napasin kong halos lahat pala kami ay nakatulog. Masyado kasing maaga ang biyahe namin. Tapos, sabado pa ngayon kaya sanay kaming gumising ng tanghali na. Napalingon ako sa aking katabi at nakita ko si Romer na gising na gising. Hindi ako nagpahalatang gising. Kunwari ay natutulog din ako. Nakita kong isinandal niya ang ulo ni Romer sa kanyang balikat at hinawakan niya ang kamay nito. Holding hands sila na tila bagong magkasintahan bago tuluyang pumikit si Romer.

“Nandito na po tayo!” malakas na tinig ni Mang Abner, ang driver ng van. Sabay-sabay kaming gumising at nilibot ng tingin ang paligid. Tanaw namin sa bintana ang karagatan. Hindi pa masyadong mainit ang sinag ng araw. Tiningnan ko ang oras, alas otso y medya. Isang oras din ang biyahe namin. “Yung entrance fee daw po!” muling sabi ng driver.

Dumukot si Edwin sa bulsa at iniabot ang pera. Siya kasi ang nangakong sasagot sa entrance at pagkain. Bilang pa-impress kay Betty. Matapos maiabot ang bayad ay tumuloy na kami sa loob at pumili ng magandang pwesto para sa cottage. Maganda ang resort na iyon. Malinis.

Ilang saglit pa ay abala na kaming lahat sa pag-aayos ng table at paghahanda ng mga iihawin. Ako na ang nag-volunteer na gagawa ng lahat ng iyon at sinabi ko rin na simulan na nila ang pagtatampisaw.

“Talaga?! Salamat bro!” nakangiting sabi ni Edwin sa akin. Tumango lang ako. Ang totoo, gusto ko rin naman iyon. Matagal ko na ring hindi nagagawa ang pag-iihaw. Parang excited nga ako.

“You mean, iiwan natin si Anton dito?” tila may pag-aalalang tanong ni Hazel. Kilig naman ako.

“Ok lang Haze, tatawagin ko na lang kayo pag luto na.” sagot ko.

“Hindi ka sasamang maligo?” tanong ni Betty. Walang reaksyon sa mukha niya.

Umiling lang ako. “Mamaya na ako. maaga pa naman eh!” sabi ko. “Teka, hindi ba kayo mag-aalmusal man lang?”

“Hindi pa naman ako gutom. Kayo?” si Edwin.

“Ako rin.” Halos sabay-sabay nilang sabi.
“Sure yan ha? Edi maligo na tayo!” si Romer.

“Teka, yan na ba ang ipanliligo nyo?” tanong ni Edwin.

“Sus! Alam ko na kung anong hinihintay mo.” Nakangiting sabi ni Hazel. “Akala mo siguro mag-two-two piece si Betty ano?” dugtong pa niya.

“Bakit naman hindi?” sarkastikong tanong ni Betty sabay hubad sa kanyang sando at shorts. Halos matulala si Edwin sa nakita. Maging ako ay nabigla. Hindi ko inaasahan iyon. Napakinis ng kutis ni Betty.

“Wow! Naman friend. may itinatago ka pala!” gulat na sabi ni Hazel. Biglang napatingin si Betty sa akin na tila may gustong sabihin pero hindi ko alam. Tila nagmamayabang.

“Hanep! Super duper sexy ka pala!” halos magkanda-bulol si Edwin. “I-ikaw hazel?”

“Sorry, hindi ako prepared.” Sagot ni Hazel at hinubad rin ang kanyang sando at short. Muntik na akong mahimatay nang tumambad sa aking harapan ang makinis na katawan ni Hazel. Kahit parang shorts ang pang-ibaba niya ay hubog na hubog ang ka-sexy-han niya, pareho silang sexy ni Betty pero hindi mukhang babastusin. Kahit ganoon ang suot nila ay tila mga sopistikadang dalaga pa rin ang mga ito.

“Ok, ano pang hinihintay natin? Let’s go!” at sabay na tumakbo papunta sa tubig sina Romer at Edwin. Sumunod naman ang dalawang dalaga sa kanila. Nakita kong lumingon pa saglit si Betty sa kinatatayuan ko.

Hindi gaanong matao ang resort. Marahil ay masyado pang maaga. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko habang pasulyap-sulyap sa kanila. Maya-maya lang ay nagdadatingan na ang mga tao. May mga foreigners pa.

Unti-unting napupuno ang kaninang mga bakanteng cottage. Marami na ring palakad-lakad na mga naka-two-piece. Marami na ring naggagalang mga vendors. Mga souvenir items at pati mga ice cream at ice drops. Tiningnan ko ang mga natitirang iihawin at napansin kong matatapos na pala ako. Kinawayan ko ang mga naliligo upang yayaing kumain. Nakita kong umahon si Betty at papalapit sa kinatatayuan ko.

“Iwanan mo na muna yan” sabi niya habang papalapit sa akin.

“Ayaw nyo pang kumain?”

“Mamaya maya na daw. Nag-eenjoy pa sila. Sabi nila, sunduin ka daw. Ako na ang nag-volunteer.”
“Sigurado kayo ha?” Tumango siya “Sige, susunod na ako, magpapalit lang ako ng shorts.”

“Hintayin na kita.”

“Ok lang ako. Sige na.”

“Wag ka na lang kasi magpalit. Ok na naman yan eh!”

Saglit akong nag-isip. “Sige na nga. Sige, ililigpit ko lang ito. Susunod na ako.”

“Iniiwasan mo ba ako? Bakit ayaw mong sabayan kita?” medyo mataas na tinig ni Betty. Nagulat ako, hindi ko inaasahan iyon.

“Hindi naman sa ganun Betty, may gagawin pa kasi ako, baka mainip ka lang.”

“Sinabi nang ok lang eh!”

“Fine! Maigi pa, tulungan mo na lang ako at itigil mo na yang kakahinala mo ok?”

Biglang naging kalmado ang mukha ni Betty. “Ano bang gagawin?” mahinahon niyang tanong.

“Tanggalan mo na ng baga yang grill at ako na ang bahala sa iba.”

Sumunod naman siya at tinuloy ko na rin ang aking ginagawa.

Katahimikan.

“Galit ka ba sa akin Anton?” tanong ni Betty.

“Ako? bakit naman?”

“Dun sa nangyari sa-”

“Betty-” pinutol ko ang sasabihin niya, “Kalimutan na natin yon ok? lasing lang tayo nun. Ikaw kasi, ipinaubos mo yung beer ng utol mo.” Pabiro kong sabi.

Ngumiti siya. “Nakakatuwa ano? Biruin mo, dahil sa alak na yun, nabuking ako.”

“Nabuking?” tanong ko. “Na ano?”

Tumingin sa akin si Betty, seryoso ang mukha nito. “Alam mo, hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan ka o tanga ka talaga!” muling tumaas ang tinig ni Betty. “Dyan ka na nga!” at tila nagdadabog na umalis si Betty.

“Betty sandali lang.” sabi ko habang tumatakbo papunta sa kanya. Hindi siya kumikibo. “Betty, sorry na.”

Tumigil siya saglit. “Sorry saan?”

“Nagtatampo ka eh… kung ano man ang dahilan nyan, sorry.”

Tumingin sya sa mga mata ko. “Hindi sincere!” sabi niya.

“Sorry! Peksman. Sorry talaga.” Nakangiti kong sabi.

“Sure?” tumango ako. “Kiss mo nga ako?!”

Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ako nakakilos. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko.

“Oh, bat natulala ka dyan? Joke lang yun noh?” muling tumalikod si Betty at naglakad patungo sa tubig. Saglit akong natulala bago tuluyang sumunod na rin sa kanya.

“Ba’t ang tagal nyo yata?” tanong ni Edwin ng makarating kami sa kinaroroonan nila.

“Eto kasing si Anton! Ang dami pang cheche bureche!”

“Alangan naman kasing iwanan nating nakatiwangwang yung pwesto natin. Nakakahiya.”

“Sya, tama na yan at baka magsabunutan pa kayo.” Awat ni Romer.

Lumapit si Edwin sa akin at umakbay tapos ay hinila akong palayo sa kanila. “Brod naman, baka naman kinakatalo mo pa ako kay Betty. Ibalato mo na sa akin yan” bulong ni Edwin sa akin.

“Pare naman, aagawan ba naman kita? Ang kay Juan ay kay Juan at ang kay Pedro ay kay Pedro.”

“Siguraduhin mo lang yan pare ha?”

“Wag kang mag-alala. Iyong-iyo sya.”

“Hoy! Ano bang pinagkakaabalahan nyo dyan? Share nyo naman!” sigaw ni Betty sa amin. Sabay kaming humarap sa kanila nang nakangiti.

“Chine-check ko lang kung tama ba ang pagkaluto ng inihaw” palusot ni Edwin.

“At kailangang kayo lang dalawa ang mag-usap?” si Hazel.

“O-Oo, bad words kasi eh! Alam mo na…. usapang lalake.” Palusot ko rin.






































IKA-LABING WALONG YUGTO


“Anton!” napalingon ako sa tawag na iyon ni Hazel. Paglingon ko ay biglang nagtalsikan ang mga tubig sa mukha ko. Hinampas ni Hazel ang tubig.

“Aba! Eto naman ang sa’yo!” bilang ganti, hinampas ko rin ang tubig patungo sa kinaroroonan ni Hazel.

Nakisali na rin si Edwin at si Betty naman ang target nya. Gumanti rin si Betty at si Romer hanggang sa lahat kami ay kanya-kanyang target na ang ginawa.

Matapos ang ilang minutong pagtatampisaw sa tubig ay nagyaya nang kumain si Betty. Nagugutom na raw kasi siya dahil sa pagod sa paglalaro. Sumang-ayon naman ang lahat at maya-maya lang ay naroon na kami sa cottage.

“Wow! Amoy pa lang, nakakabusog na!” parang batang sabi ni Edwin nang buksan namin ang mga pagkain.

Si Betty na ang kumuha ng mga plato at isa-isang iniabot sa amin, at isa-isa kaming dumampot ng pagkain. Hindi ko halos malaman kung ano ang uunahin sa pork barbecue, nilasing na hipon, inihaw na tulingan at beef caldereta na ipinaluto daw ni Edwin sa katulong nila.

“Sino ba ang unang bibitayin?” pabirong tanong ni Romer nang makita ang maraming pagkain sa mesa.

“Yung hindi daw kakain.” Nakangiting sagot ni Betty.

Matapos kong kumuha ng pagkain ay naupo ako sa may bandang dulo ng mahabang upuan na nasa tabi ng mesa. Apat na mahahabang upuan iyon at nasa harapan ko sina Romer at Edwin. Sa may bandang kanan naman si Betty at sa kaliwa si Hazel na kapwa abala pa sa pamimili ng kung anong putahe ang uunahin.

“Dito na ako uupo. Ok lang?” bahagya akong nagulat sa tining na iyon ni Hazel. Hindi ko napansin na papalapit siya sa akin dahil abala ako sa pagsubo. Biglang bumilis ang kabog ng aking dibdib pero pilit kong itinago ang lubos na kasiyahan.

“Oo naman!” sagot ko. “Gusto mo, subuan pa kita.” Pabiro kong sabi. Naging palabiro na rin kasi si Hazel kaya’t ginagantihan ko na rin ng mga ganoong biro dahil tanggap naman niya iyon.

“Sige nga?!” natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko inaasahan iyon. Napatingin ako kay Edwin.

“O ano ka ngayon?” pang-aasar nito sa akin. “Mahina ka pala eh!” Nilibot ko ng tingin ang paligid at nakita ko si Betty na hindi alam ang ire-react.

“Ano, hindi mo pala kaya eh!” muling hamon ni Hazel.

“Subo lang pala eh!” pagmamayabang ko. Humiwa ako ng maliit na piraso ng pork at isinama ko sa tumpok ng kanin at inilagay ko iyon sa kutsara. “Eto oh!” iniangat ko ang kutsara at itinapat sa bibig ni Hazel. “Oh ano?”

Tila nagulat si Hazel at siya naman ang tumingin sa paligid. Nakangiti ang lahat sa amin kaya’t naki-ride on na lang si Hazel. Ibinuka niya ang kanyang bibig at tinanggap ang pagkaing iyon. Itago ko man sa lahat ay halatang-halata ang panginginig ng aking kamay. Dinig ko rin ang mabilis na kabog ng aking dibdib. Lalo pang nagpa-nerbiyos sa akin ang malakas na hiyawan nina Romer at Edwin.

“Ayan ha? Nanginginig pa!” iyon lang ang nasabi ko at napatingin ako kay Hazel. Napakaganda talaga niya. Hindi ko inaakalang magagawa ko sa kanya iyon. parang kagabi lamang ay ito ang laman ng aking imahinasyon. Kahit biruan lamang ay napakalaking bagay na niyon para sa akin.

“Edwin, hindi mo ba ako susubuan?” sarkastikong tanong ni Betty na halatang nang-agaw ng eksena. Napatingin ako sa kanya at nakita kong umismid ito sa akin.

“Sure baby!” tila natatarantang sumandok ng isang kutsarang pagkain si Edwin at nagkandarapang lumapit kay Betty. Tapos ay isinubo niya sa dalaga iyon.

“Wow ang sweet naman!” si Hazel.

“Woohoo!” pumapalakpak pa ako habang tuwang-tuwang pinagmamasdan ang dalawa.

Ngunit imbes na matuwa ay tila nagalit sa akin si Betty ng hindi ko alam ang dahilan. Wala namang reaksyon si Romer sa pangyayari.

“You want more baby?” tanong ni Edwin na nag-enjoy sa ginawa.

“Mamaya naman!” seryosong sagot ni Betty.

Ipinagpatuloy namin ang aming pagkain nang tila hindi magkakakilala. Pare-pareho kasi kaming gutom kaya’t parang mga pulubing tila ngayon lang nakakita ng pagkain. Mataas na ang sikat ng araw ngunit presko pa rin ang ihip ng hangin.

“Oo nga pala Hazel,” si Edwin. “Bakit nga pala dito mo naisip na mag-outing?”

“Wala…trip ko lang…masama ba?” pabirong sagot ni Hazel.

“Ang labo naman nito oh!” si Romer.

“Mabuti pa, upakan na natin ito para naman magkalabasan ng sama ng loob.” inilabas ni Edwin mula sa bag na pula ang isang bote.

“Ano naman yan?” tanong ko.

“Tequilla! Ano, game kayo?”

Nagkatinginan kaming lahat. “Go ako!” sabi ko.

“Parang new adventure yan! Sige!” sabi ni Hazel “Ikaw Betty?”

“Tutal, hindi naman tayo magda-drive,magiging KJ ba ako?”

“Alright!!!!” pasigaw na sabi ni Edwin.

Katanghaliang tapat, matapos ang aming masarap na pananghalian, sinimulang paikutin ni Edwin ang plastik na baso na naglalaman ng tequilla. Ilang shots pa ay pare-pareho na kaming namumula.

“Alam mo Edwin,” si Hazel. “Sa dinami-dami ng pagkaing dala mo, parang may nakalimutan ka pa rin!”

Napakunot-noo si Edwin. “Ano naman yun?”

“Chips!”

“Oo nga pala, bat walang finger foods?” tanong ni Betty.

Tumayo ako, “Ako na ang bahala. Anong gusto nyo?”

“V-Cut ang sa akin.” Si Hazel.

“Ikaw?” tanong ko kay Betty.

“Chippy na blue”

“Kayo naman?”
“Kahit ano na lang tol. Baka wala pa dyan yung ipapabili ko eh!” sagot ni Edwin.

“Kung may chocnut, pakibili na rin ako” si Romer.

“Ok!” tumalikod na ako sa kanila at lumakad patungo sa tindahan sa di kalayuan.

Marami na pala talagang tao nung mga oras na iyon. Ngayon ko lang nakita nang lubusan. May nagkakantahan, picture-an at may mga naghahabulan. Narating ko kaagad ang tindahan at tiningnan ko mga pagpipilian. Buti na lang at naroon ang Chippy blue at V-cut pati na rin Chocnut.

“Pakidagdagan nyo na rin po ng Taquittos na black, Piattos saka Nova.” Sabi ko sa Tindera. Isa-isang dinampot ng matanda ang mga binili ko at inilagay sa plastic bag. Iniabot niya sa akin at ibinigay ko naman ang bayad ko. Medyo may katagalan pa dahil nahirapan yata si Manang bilangin kung magkano lahat ang naorder ko. Itinuon ko saglit ang aking paningin sa dagat. Ang gandang tingnan.

“Eto na ang sukli mo.” Sabi ng matanda at nilingon ko sya. Binilang ko sandali habang tumatalikod sa kanya. Bigla’y may nasagi akong tao. “Sorry po!” sabi ko sabay angat ng mukha ko. Nagulat ako dahil ang taong iyon ay si Betty.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. “Baka kung anong isipin ni Edwin ha?”

“Ano naman ang pakialam ni Edwin sa akin?” sarkastikong sagot niya. “Parang ayaw ko ng Chippy eh. Pipili na lang ako ng iba.” Sagot niya.

“Eto oh, sari-sari na ang binili ko. ano bang gusto mo?” tanong ko.

Tiningnan niya lahat ng binili ko, “Gusto ko, Pringles na green”

Tumingin ako sa kanya, “Sure na yan?” tumango siya. Tumalikod ako sa kanya at humarap sa tindera. “Manang, may pringles po kayong green?”

“Meron.”

“Isa nga po.” Tumalikod ang tindera at kinuha ang isang pringles, iniabot iyon sa akin at iniabot ko naman ang bayad ko.

“Oh” iniabot ko sa kanya iyon, “Tara na” sabi ko sa kanya at nauna akong lumakad.

“Hindi ko gusto yung ginawa mo kanina.” Sabi niya. Tumigil ako at humarap sa kanya.
“Ang alin?” tanong ko at inisip ko ang mga nagawa ko pero hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

Tumingin siya sa mga mata ko. “May pasubo-subo ka pang nalalaman.”
Biglang bumalik sa aking alaala ang pagsubo ko kay Hazel kanina. Ngumiti ako “Ano naman ang masama dun? Nagkakabiruan lang naman kami ah!”

“Eh sa ayaw ko nga nun, eh!”

“Bakit naman?”

“Basta, wag mo nang uulitin yun kung hindi, ito ang isusubo ko sayo.” Sabay inilapit sa mukha ko ang hawak na pringles.

Saglit akong tumigil. Tiningnan ko ang mukha niya na tila nagsusuri. “Nagseselos ka ba?” nakangiti kong tanong.

Bigla siyang nataranta at hinanap ang sasabihin. “Aba, ang kapal ng mukha mo ah! Excuse me! Napakaliit na bagay nun para pagselosan. At bakit naman ako magseselos?” tanong niya. “Ang sa akin lang, hindi magandang tingnan kasi may boyfriend na yung tao. Kung ikaw kaya ang boyfriend nya at ganun din ang gawin ng ibang lalaki sa kanya, ok lang sayo?” paliwanag pa niya.

Kahit may katuwiran sya ay hindi ako kumbinsido sa sagot niya. Nagkibit-balikat lang ako at tumalikod sa kanya bago tuluyang lumakad pabalik sa cottage.

“Hoy!” sabi niya sabay batok sa akin ng hawak niyang pringles.

“Aray! Masakit yun ha?” muli akong humarap sa kanya. “Ano bang problema mo?”

“Hindi ka pa sumasagot sa tanong ko.”

“Ha? A-anong tanong?”

“Uulitin mo pa yun o hindi na?”

Saglit akong nag-isip. Tumingin ako sa kanya. “Hindi na po!” pinisil ko ang ilong niya at tumalikod na ako.

Ilang sandali na lang ay naroon na ako sa cottage kasunod si Betty. Napansin kong medyo masama ang tingin ni Edwin sa akin. Iniabot ko sa kanya ang plastik at bumulong ako sa kanya.

“Kung ano man ang iniisip mo, nagkakamali ka.” Sabi ko.
Ngumiti siya sa akin “W-wala naman akong iniisip ah! Ikaw talaga.”

“Mabuti na yung maliwanag.”

“Mabuti pa siguro, mag-swimming ulit tayo!” sabi ni Hazel.

“I think that’s a great idea.” Si Edwin.

“Teka, ayaw nyo nang uminom?” tanong ni Romer.

“Mamaya na yan. Makakapaghintay naman yan eh!” sagot ni Edwin. “Tara na!”



































IKA-LABING SIYAM NA YUGTO


Matagal-tagal din kaming nagbabad sa dagat. Para kaming mga batang enjoy na enjoy sa paglalaro sa tubig. Palitan ng kung anu-anong jokes, tawanan, at walang humpay na paglangoy. Buti na lamang at marunong akong lumangoy kung hindi ay magmumukha akong kawawa dahil lahat sila ay magagaling dito. Isa daw kasi sa unit nila nung college ay swimming, di tulad ko na hindi pa nakakatuntong ng college. Nang pare-pareho kaming mapagod ay nakayayaan nang umahon muna at magpahinga. Kanya kanya kaming takbuhan patungo sa cottage dahil mainit ang buhangin at pare-pareho kaming walang dalang tsinelas.

“Ang sarap magtampisaw noh?” sabi ni Edwin sa kabila ng paghabol ng hininga.

“Bakit ba ngayon lang natin naisipan to?” si Romer. “Kung hindi pa dahil kay-” itinigil niya ang sasabihin at tumingin siya kay Betty.

“Alas kwatro na pala!” binago ko ang usapan dahil nakita kong hindi nila gusto ang patutunguhan ng usapang iyon. “Merienda naman tayo!”

“Sige, tapos, ubusin na natin ‘to.” Iniangat ni Edwin ang plastic bottle na may lamang tequilla.

“Teka, anong oras ba natin tatawagan si Mang Abner?” tanong ni Betty.

“Anytime daw pwede syang bumalik dito para sunduin tayo.” Sagot ni Edwin.

“Ano bang merienda? Rice ulit?” si Hazel.

“Meron pa…..chips.” Sagot ko naman.

“Bili na lang tayo dun.” Si Edwin.

“Wag na. Papakin na lang natin ‘tong mga ulam.”

“Mabuti pa nga.” Si Betty.

Muli kaming nagkainan at muling pinaikot ni Edwin ang tequilla habang patuloy ang kanyang kwentong sampung beses na yata niyang inulit. Ilang sandali pa’y pare-pareho na kaming naging alipin ng espiritu ng alak.

“Hazel-” si Edwin. Halata na ang tama nito ngunit matino pa rin naman. “Siguro ngayon, sasabihin mo na sa amin kung bakit ito ang napili mong lugar.”

“Oo nga!” sang-ayon ni Romer.

“Uuuyy… sasabihin na yan!” panunudyo ni Betty.

“Ano ba?” nakangiti si Hazel. “Tigilan nyo nga ako.”

“Sige na naman…” si Edwin.

“O sige, ibang tanong na lang.” sabi ni Betty. “Bakit nga pala hindi mo kasama si Jeric?”

Parang sinampal ako sa narinig kong iyon. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Bigla akong nalunod sa katotohanan. Na ang aking iniibig ay mayroon na nga palang ibang mahal. Tumingin si Betty sa akin na tila ba nang-aasar. Parang nag-enjoy sya sa tanong na iyon at nasisiyahan siya sa aking reaksyon.

Isa-isa kaming tiningnan ni Hazel. Tila na-corner sya sa tanong na iyon. “Next question please?!”

“Uuuuyyyy!! LQ ano?” pang-aasar ni Edwin. Biglang namula ang pisngi ni Hazel.

“Bilisan mo naman ang tagay!” sagot ni Hazel.

“Aba! Ok ‘to! Sige, eto oh!” iniabot ni Edwin ang baso. Kinuha naman ito ng dalaga.

“Isa pa!” nagkatinginan ang lahat. Nagulat sa inasal ni Hazel. Walang nagaw si Edwin kundi iabot ang isa pang tagay.

“Tama na yan fren, ano ba kasing nangyari?” pag-aalala ni Betty. Alam niyang may problema ang kaibigan.

Katahimikan.

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Naaawa ako sa itsura ni Hazel. Alam kong nasasaktan sya. Alam kong may problema silang dalawa. Kahit mahal ko si Hazel ay ayaw ko namang makitang ginaganito sya ni Jeric.

“Mga lalaki talaga!” mataas ang tinig ni Hazel. “Nagtiwala akong maigi sa kanya. Ibinigay kong lahat lahat sa kanya. Minahal ko sya ng lubos tapos ganito lang ang gagawin nya sa akin?” nangingilid ang luha ni Hazel. Nalunod na siya sa espiritu ng alak. Marahil ay hindi na niya alam ang kanyang sinasabi. Wala ni isa sa amin ang makapagsalita.

“Edwin, mabuti pa, tawagan mo na si Mang Abner. Uuwi na tayo.” Sabi ni Betty.

“Hindi! Bakit tayo uuwi? Kailangan nating magpakasaya!” pigil ni Hazel. “Mag-eemote ako dahil sa walanghiyang lalaki? NO WAY!” dugtong pa niya.

Tiningnan ni Betty si Edwin at sumenyas na tawagan na ang driver. Nakuha naman agad ito ng binata. Tumayo siya at kinuha ang cellphone sa bag. Bahagya siyang lumayo at nag-dial. Ilang sandali pa’y muli siyang bumalik.

“Ano bang nangyari?” tanong ni Romer.

“Ang hayup na yun. Ang lakas ng loob makipag-break. Uunahin daw nya ang career nya! LECHENG CAREER YAN!” sagot ni Hazel. Alam ko ang dahilan kung bakit nagawa iyon ni Jeric. Ako ang piping saksi sa kalokohan niya pero hindi ko na kailangan pang ipaalam iyon kahit na kanino. Tama na ang malaman kong wala na sila ni Jeric. Dapat ay matuwa ako dahil may pagkakataon na ako kay Hazel pero sa nakikita ko ay naaawa ako sa kanya. Ayaw ko siyang makita na umiiyak.

“Ano na? Tagay pa!” muling sabi ni Hazel.

“T-tama na muna Hazel. Pahinga muna tayo” mahinahong sagot ni Edwin.

“Basta, tagay pa!”

“U-ubos na eh!” pagsisinungaling niya.

Katahimikan.

Matagal na naging ganoon ang sitwasyon. Walang imikan. Sinimulan ko nang magligpit ng mga gamit. Tinulungan naman ako nila Romer at Edwin habang yakap naman ni Betty si Hazel na umiiyak pa rin.

Maya-maya lang ay dumating na si Mang Abner. Isa-isa naming inilagay ang mga gamit sa van at pagkatapos sy sumakay na kami.

“Betty, ayaw ko munang umuwi. Samahan nyo muna ako.” pagmamakaawa ni Hazel.

Saglit na nag-isip si Betty, “Sige, doon muna tayo sa bahay, tutal ako lang naman ang nandun ngayon.” Sabi niya.
“Anton,” narinig kong tinawag ako ni Hazel. “Sumama ka ha?” nagtaka ako sa sinabi niyang iyon.

“Ok, walang problema. Mas mabuti kung lahat na lang tayo.” Suhestiyon ko.

“Ok lang ba sa inyo?” tanong niya kina Edwin at Romer.

“W-wala namang problema. Sige, dun na lang tayo magpalipas ng gabi.” sagot ni Edwin. “Mang Abner, dun po tayo kila Betty. Ituturo ko po ang daan.” Tumango naman ang driver.

Maya-maya lang ay naroon na kami sa bahay ni Betty. Pinauwi na namin si Mang Abner. Magco-commute na lang kami bukas.Nakaupo kaming tatlo nina Betty at Hazel sa sofa. Sina Edwin at Romer naman ay nasa plastic na upuan na nakaharap sa amin. Napapagitnaan namin ang maliit na center table.

“Wala ba tayong maiinom dito?” Nagkatinginan kaming lahat sa tanong na iyon ni Hazel. “C’mon guys! You have to cheer me up! Ako ang may problema dito, hindi kayo….tutal nandito lang naman tayo sa loob ng bahay eh!” Dugtong niya.

“Ok, sige” sabi ni Betty. “Bibili na lang tayo.”

“Ako na.” sabi ni Edwin. “Saan ba ang tindahan?”

“Dyan lang sa kanto.”

“Ok,” tumayo si Edwin.

“Ako na lang.” sabi ko naman.

“It’s ok Anton. Ako na.”

Nagkibit-balikat na lang ako. Tumayo rin si Romer. “Sasama na ako!” at sumunod sa paalis na si Edwin.

“So, break na pala kayo ni Jeric?” mahinahong tanong ni Betty.

“Oo, hindi na daw niya maasikaso ang relasyon namin dahil magiging busy daw sya.” Sagot ni Hazel. Kalmado na sya ngayon.

“Sobra naman yun. Ang babaw.”

“Sobrang babaw talaga!”

“Nakakagulat din naman ano? Parang kailan lang-” sabi ko. pero hindi ko na itinuloy. Parang kakaiba kasi ang dating.

“So what’s your plan?” si Betty.

“Plan? Kailangan ba yun? Im free!!!” nakangiti na si Hazel. Hindi ko alam kung totoo iyon o itinatago lang niya ang nararamdaman niya.

“Teka magsasaing lang ako. Dito na tayong lahat maghapunan.” Tumayo si Betty.

“Tulungan na kita. Magluluto pa ba ng ulam?” tumayo ako at sumunod kay Betty.

“Hindi na siguro. Marami pa tayong natira. Initin na lang natin.”

“Ok, teka kukunin ko lang yung mga ulam.” Kinuha ko ang mga lalagyan na nakalapag sa sulok at inilagay ko sa mesa. “Asan ang mga kaldero?” tanong ko kay Betty na nakaharap sa lababo at hinuhugasan ang bigas.

“Nandyan sa ilalim buksan mo yan.” Itinuro niya ang maliit na pinto. Kinuha ko ang kaldero doon at lumapit ako kay Betty.

“Hugasan ko na muna.” Sabi ko habang nakatalikod si Betty sa akin.

“Sige, teka, matatapos na ako. Ako na ang maghuhugas.” sagot niya.

“Hindi, ako na. ok lang.” Sagot ko at saglit ko sya hinintay.

Isinalang na niya sa kalan ang kaldero at ako naman ay humarap na sa lababo para hugasan ang kaldero.

“Ako na sabi eh.” Pigil niya sa akin at hinawakan niya ang kaldero.

“Ok lang. ako na.” nakangiti kong sabi.

“Anton, wag makulit. Ako na.” nakangiti na rin siya at muli nyang hinawakan ang kaldero ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay ang kamay ko ang nahawakan niya.

Kapwa kami nabigla. Nakita kong namula ang kanyang pisngi at napatingin siya sa akin. Nagtama ang aming mata. Tila may magnet na nagdudugtong sa aming paningin. Hindi ko maipaliwanag. Unti-unting naglalapit ang aming mga mukha. Kapwa kami napapikit. Papalapit ng papalapit.

Bigla kong naalala si Hazel. “Ako na.” sabi ko at biglang napamulat at napabitaw siya.

“Ok, kung talagang mapilit ka eh!”

Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa habang si Betty naman ay bumalik na sa kinauupuan niya. Katabi ni Hazel.

“Eto na!” nakangiting sabi ni Edwin pagpasok ng bahay bitbit ang kalahating case ng Red Horse Grande. Kasunod niya si Romer.

“Wow! great!” nakangiting sabi ni Hazel.

“Mukhang ok ka na agad ah!” si Edwin.

“Hmp! hindi dapat pinag-aaksayahan ng luha ang walang kwentang lalaki.”

“Good! Start na ba natin?” si Edwin.

“Kumain muna kaya tayo?” tanong ni Betty.

“I think it’s better.” Sagot ni Romer.

“Hintayin nyo munang maluto ang kanin.” Sagot ko habang nasa kusina.






















IKA-DALAWAMPUNG YUGTO


Sabay-sabay kaming kumain sa hapag-kainan. Muling bumalik ang saya ng kwentuhan dahil tila wala nang problema si Hazel. Matapos kumain ay muli kaming bumalik sa may sala habang nagliligpit naman ang dalawang babae.

“Simulan na natin ‘tol!” sabi ni Edwin habang binibuksan ang mga bote. Isinalin niya iyon sa pitsel.

“Masyado ka namang atat! Hintayin na natin sila.” Sagot ko naman.

“Sige, palamigin na muna natin to.” Sabi niya. “Oo nga pala, balita ko, nag-file ka daw ng resignation. Kailan nga ulit yung effectivity nun?” tila binuhusan ako ng malamig natubig sa tanong na iyon ni Edwin. Parang tumigil ang aking mundo. Saka ko naalala. One week na lang pala ako sa company.

“Ha? Ah eh….” Hindi ko malaman ang isasagot ko.

“Nagbago ang isip mo?” tanong ni Romer.

“H-hindi na. tuloy na talaga.”

“Ano ba yan? Kung kailan naman, nagiging close ka na sa amin.” malungkot na sabi ni Romer.

“Kailangan kong mag-aral eh….di bale, pag natapos ako, mag-aaply agad ako sa office nyo.” Sabi ko. “Sana tanggapin ako” dugtong ko.

“Wag kang mag-alala bro, ako mismo ang magre-recommend sayo!” sabi ni Edwin.

“Hoy, anong recommend-recommend yang naririnig ko ha?” sabi ni Betty habang papalapit sa amin. Umupo siya sa tabi ko. Nasa gitna kami ng sofa. Napatingin ako kay Edwin. Parang ok lang naman sa kanya. Sumunod naman si Hazel at saglit na tumigil at naghanap ng mauupuan. Bahagya akong umurong at nagkaroon ng space sa gitna namin ni Betty. Nagtaka pa siya at saglit na napatingin sa akin.

Umupo si Hazel sa ginta namin ni Betty.

“Ok, let’s get ready to rumble!” nakangiting sabi ni Edwin. Nilagyan niya ng beer ang isang baso at ipinakita sa amin bago niya ininom. Tapos ay muli niyang nilagyan iyon at iniabot kay Romer.

“Ok lang ba sa inyong maki-share sa iisang baso?” tanong ko kila Betty at Hazel. Sosyal kasi ang tingin ko sa kanila at baka hindi nila gusto ang mga ganung klaseng inuman.

“Sus naman! Bakit, may rabbies ba kayo?” pabirong sabi ni Hazel.

“Wala naman, nagtatanong lang.” parang napahiyang sagot ko.

“Ano nga pala yung narinig kong recommend kanina?” si Betty.

“Sus! Ang tsismosa mo naman! Wala yun!” sagot ni Romer. “Di ba magre-resign na nga itong si Anton?”

Nabigla si Hazel. “Magre-resign ka? Bakit naman?” tanong niya.

“Mag-aaral kasi ako sa susunod na pasukan.” Sagot ko naman.

“Ahh… good for you! Tapos mag-apply ka dun sa office. Im sure. Tatanggapin ka nila.”

“Yun na nga ang sinasabi namin. Kami na mismo ang magre-recommend sa kanya.” Singit ni Edwin. “O, pano, pagtatagalin mo na lang ba sa kamay mo yang baso?” dugtong niya.

“Oo nga pala, sorry!” sabi ko at ininom ko ang beer na iniabot ni Edwin.
Tuloy-tuloy lang ang kwentuhan namin. Patuloy din ang pag-ikot ng baso ng beer sa amin. Nararamdaman kong parang kumakapal na ang aking pisngi at tila ba gumagalaw ang buo kong paligid pero nasa katinuan pa rin ang isip ko. Tiningnan ko sila. Kitang-kita ang kalasingan sa kanila. Si Edwin ay bulol na sa paulit-ulit niyang kwento. Si Romer naman ay tahimik lang at pumipikit-pikit na. Abala namang nag-uusap ang dalawang dalaga na kapwa bulol na rin at halatang halata ang tama ng beer.

“Walang hiya talaga sya!” bigla na lang isinigaw ni Hazel. Nagulat kaming lahat. “Isinusumpa ko sya! Hayup sya!” biglang humagulgol si Hazel.

Niyakap siya ni Betty. “Hayaan mo na yun, walang kwentang lalaki”

“Ano bhang ayaw niyah sha akin?” mataas pa rin ang boses niya. “Mah..sha..ma bah akong babae? Panget bah ako?” bigla siya tumingin sa akin. “Pangit ba ako Anton?”

“H-hindi Hazel.” Nagulat ako sa biglang pagharap niya sa akin. Katabi ko kasi siya at halos magdikit ang aming mga mukha. Nalanghap ko ang amoy alak niyang hininga.

“Shige nga…,kung hindi ako panget-” sabi niya “Halikan mo nga ako!”

Lahat kami ay nagulat sa sinabing iyon ni Hazel. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Nakangiti sina Edwin at Romer ngunit tila nagdidilim ang mukha ni Betty. halata ang pagkainis niya.

“Hazel-” sabi ko. “Lasing ka lang ok? Bukas na natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan!”

“Anung la..sheng… hindih akoh..lasheng.!” sagot niya. “Anoh?..halikan moh nah akoh!” sabi niya at lalo niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Bumilis ang tibok ng aking puso. Ito na ang pagkakataon upang magawa ko ang matagal ko nang pinapangarap. Pero hindi ko kayang gawin iyon. Ayokong samantalahin ang kanyang kalasingan.

“Tama na Hazel. Please.” Tanggi ko. “Maganda ka, pero hindi sapat ang isang halik para patunayan yun. Alam nating lahat yun diba?” tanong ko sa lahat at nagtanguan naman sila. Nakita ko pang napangiti si Betty.

“Tama si Anton” sabi ni Edwin. “Kahit naman sino ang tanungin, maganda ka talaga.”

Yumuko si Hazel at tuluyan nang humagulgol. “Hayup sya! Hayup sya!” Paulit-ulit niyang sinasabi. Awang-awa ako sa kanya ngunit wala naman akong magawa para pakalmahin sya. Muli siyang niyakap ni Betty. Muli rin naming ipinagpatuloy ang inuman ngunit sa pagkakataong ito’y hindi na kasali si Hazel.

Hindi ko na namin namalayan ang paglipas ng gabi. Bigla akong napamulat dahil parang punumpuno ang aking pantog. Tiningnan ko sila. Nakatulog na pala kaming lahat. Sina Hazel at Betty at nakasandal sa sofa. Ako naman ay nakatungo at nakatukod sa gilid ng sofa. Sina Edwin at Romer ay magkatabi sa sahig. Towel lang ang ginawa nilang banig. Bahagya pa akong napangiti sa itsura nila. Nakayakap si Romer sa bandang dibdib ni Edwin.

Bumangon ako at nagtungo sa banyo para umihi. Parang umiikot ang paligid ko. Tiningnan ko ang oras. Alas kwatro ng umaga. Pagkatapos ay muli akong bumalik sa kinauupuan ko dahil parang mabigat ang mga mata ko at gusto ko pang matulog. Pero nakita kong nakasubsob na doon si Hazel kaya’t wala na akong mapwestuhan. Nakita ko ring parang nahihirapan si Betty sa kanyang ayos. Nakapatong kasi ang mga paa ni Hazel sa kanya.

Kinuha ko ang towel ko at inilatag ko sa sahig..Tapos ay dahan-dahan kong binuhat si Betty at inihiga sa may sahig. Pahalang sa may bandang paanan nina Edwin. Inayos ko rin ang pagkakahiga ni Hazel sa sofa. Nang matapos ako ay hindi ko malaman kung saan ako hihiga. Medyo nahihilo pa ako kaya’t kailangan ko pang magpahinga. Tanging sa may tabi lamang ni Betty ang space pero nag-aalangan naman akong tumabi sa kanya.

“Betty… betty…” mahinahon ko syang ginising.

“B-bakit?” pupungas pungas niyang sabi.

“Pahiga dito ha?” itinuro ko ang space sa tabi niya. “Wala akong mahigaan eh!”

“Bahala ka.” At muli siyang pumikit.

Humiga akong patagilid sa tabi niya. Nakatalikod ako sa kanya. Tapos ay hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil hilong-hilo talaga ako.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa may mata ko. Tingnan ko ang paligid. Maliwanag na. Nagulat ako nang mapansin kong nakayakap sa aking dibdib ang mga braso ni Betty, at ang kanyang mga hita ay nakadantay sa akin. Nakahiga ako sa sahig at nakatagilid siyang paharap sa akin. Tiningnan ko ang oras. Alas nwebe na ng umaga. Sinilip ko sila at lahat sila ay natutulog pa rin. Dahan-dahan kong inaalis ang kamay ni Betty na nakayakap sa akin.

Nang naialis ko na ang kamay niya ay bigla siyang nagising. Nagtama ang aming paningin. Ngumiti siya at muli akong niyakap. Mas mahigpit ngayon kaysa sa yakap niya kanina. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko kaya’t hinayaan ko na lang sya at muli akong natulog.

Nagising na naman ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa bandang paanan ko. “Hoy! Hoy! Pare!” naririnig kong tinig. Nagising din si Betty. Sabay kaming napabalikwas at mabilis na bumangon. Nagkatinginan kami at bahagya siyang napahiya. Tuluyang bumangon si Betty at nagtuloy sa banyo. Nakatayo sa harapan ko si Edwin at hinahampas ng bote ang binti ko. Ito ang dahilan ng paggising ko. Muli kong tiningnan ang oras. Alas dose y media na. Bumangon ako at iniligpit ang hinigaan ko.

“Putsa pare, sinusulot mo yata ako eh!” bulong ni Edwin sa akin.

“Ha? Hindi ah! Ano ka ba?”

“Para kayong mag-asawa habang natutulog ah!”

“Hindi ko sinasadya. Tulog nga eh!”

“Bakit dyan ka humiga?”

“Saan pala? Sa ibabaw ni Hazel? Tingnan mo nga, wala nang space.” Katwiran ko. “Sana nakipagpalit ka ng pwesto sa akin.” Natahimik siya sa sinabi kong iyon.

“Guys! Ready na ang brunch!” tining ni Romer mula sa kusina.

“Wow! anong nakain mo’t nagpre-pare ka nang food?” nakangiting sabi ni Betty paglabas niya ng banyo.

“Wala pa nga akong kinakain kaya naisipan kong magprepare.”

“Ano bang makakain?”

“Bumili lang ako ng itlog, saka hotdog sa tindahan. Isinangag ko rin yung tira nating kanin kagabi. Ang dami pa eh!”

“Teka, gigisingin ko si Hazel.”

Papunta na kami ni Edwin sa kusina nang makasalubong namin si Hazel. “Good Morning Edwin!” nakangiting bati niya dahil bahagyang nauna si Edwin sa akin.

“Good afternoon!” sagot naman ni Edwin.

“Ay oo nga pala!” bawi niya. Tapos ay kami naman ang nagkasalubong. Nagtama ang aming mga kamay. Saglit kaming natigilan at ngumiti siya sa akin. Gumanti naman ako ng ngiti at tumuloy na ako sa kusina.



















IKA-DALAWAMPU’T ISANG YUGTO


“Nakahanda ka na ba Anak?” tanong ni itay sa akin habang kumakain kami ng hapunan. Linggo noon at sabay-sabay kaming kumain.

“Saan po?” tanong ko.

“Sa darating na pasukan.” Biglang akong natulala. Naisip ko ang lungkot at hirap na iwanan ang opisinang aking pinasukan ng halos dalawang taon.

“Ha? O-opo” sagot ko.

“Mag-i-school ka na rin kuya?” tanong sa akin ni Alex. Tumango ako. “E dapat teacher ka na kasi ang tanda mo na.”

Nagkatinginan kami ni itay at kapwa napangiti.

“Sumama ka sa akin bukas. Wag ka na munang pumasok.” Sabi ni itay.

“Saan po?”

“Basta.”

Alas otso ng gabi, nakaupo ako sa kama at kinakalabit ang gitara habang sila naman ay nanonood ng tv sa sala. Muling bumabalik ang alaala kahapon. Ang masayang pangyayari sa beach. At ang inuman kila Betty. Kahit alas dos na ako ng hapon nakauwi ay tila maaga pa iyon dahil nag-enjoy ako ng lubos. Ngunit bigla akong nalungkot ng maisip ko si Hazel. Ang mga luhang nakita ko kagabi, at ang galit na inilabas niya.

Paminsan-minsan din naman ay sumasagi sa isip ko si Betty. Ang unang halik na natikman ko sa buong buhay ko at malamang ay una nya ring halik iyon dahil wala naman akong nabalitaang naging boyfriend nya. Naalala ko rin kung paano sya magselos kahit na wala naman kaming relasyon. Bahagya lang akong nangingiti.
Inilapag ko ang gitara at nagtungo ako sa banyo para magsipilyo. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama at muling nag-isip. Hindi nga pala ako papasok bukas. Parang nakakalungkot na araw iyon. Saan kaya kami pupunta ni itay? Ipinikit ko ang aking mga mata.

“Anton anak! gising na.” napamulat ako sa tinig na iyon ni itay. Saglit akong nag-inat at tiningnan ko ang oras. Alas-otso medya na ng umaga. Hindi ko namalayan ang buong magdamag. Marahil ay pagod pa ako sa nangyari nung Sabado.
Tiningnan ko ang aking mga kapatid ngunit wala na sila sa tabi ko. Naalala kong maaga pala ang pasok nila. Bumangon ako at nagtungo sa banyo para maligo.

“Saan ba tayo pupunta ‘tay?” tanong ko kay itay matapos kong magbihis.

“Mag-almusal ka muna. Mamaya pa namang alas dyes ang appointment natin.”

“Appointment? Saan?”

“Kay Dra. Tinio”

“Doktora? May sakit kayo tay?”

Napangiti siya. “Hindi ako….. Ikaw……. Dermatologist yun.”

Napaisip ako. “Magpapa-derma ako?” tumango si itay. Nabigla ako sa plano niya. Nagtungo na lang ako sa mesa at sinimula na ng almusal.

Kinse minutos bago mag-alas nwebe ay nakaupo na kami ni itay sa malambot na upuan sa clinic ni Dra. Tinio. Maganda ang loob nito. Madarama mo ang kalikasan dahil sa mga halaman na dekorasyon sa paligid. May cute na fountain din sa may sulok at ang sarap pakinggan ng lagaslas ng tubig niyon kasabay ang senting awitin na tumutugtog na sinamahan ng dim light sa buong paligid.

Maya-maya lang ay lumabas na ang isang may edad na babe at binati niya kami. Ipinakilala ako ni itay sa kanya. Sya pala ang doktora. Tiningnan niya ang aking mukha at inilapit pang maigi ang kanyang mukha para suriing mabuti.

“Hindi naman pala masama eh!” nakangiti nyang sabi. “Konting purify lang at peel tapos lalagyan natin ng toner na ime-maintain mo… ilang araw lang, makinis na yan.” Dugtong pa niya. “Halika na iho!” niyaya niya ako sa loob.

Matapos akong paghilamusin gamit ang kulay pink na sabon, pinahiga ako sa malambot na higaan at inayos niya ang mga gamit na para bang magpapabunot ako ng ngipin. May kung anong ipinahid sa aking mukha tapos ay biglang dumating ang kalbaryo ng buhay ko. Halos mapasigaw ako sa sakit habang tinatanggal ang mga pimples sa mukha ko. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking katawan. Napakasakit talaga.

Halos isang oras na kinalikot ng doktora ang mukha ko kaya naman tuwang-tuwa ako nang sabihin niyang tapos na ang lahat habang pinupunasan ng bulak na may halong gamot ang mukha ko.
“Ayan! Ilang araw lang, mas gwapo ka na!” tila nang-uutong sabi ng doktora. Bumangon ako at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nagulat ako sa naging itsura ko. Parang kagagaling ko lang sa sakit na bulutong. Maraming tuldok sa mukha ko at namumula pa ito.

“Dok, sigurado kayong inayos nyo ang mukha ko? parang lalo nyong sinira eh! Ito ba ang uso ngayon?” tanong ko.

Natawa ang doktora “Hahaha…hindi mo pa makikita ang result nyan. After 2 to 3 days pa.”

Ang totoo, alam ko naman talaga. Nagbibiro lang ako. lumabas na ako at sinalubong agad ako ni itay.

“Wow! ang gwapo na ah!” sabi niya.

“Wow! ang bola na ah!” sagot ko naman.

Binayaran na niya ang doktora at nagpaalam na kami. Pinababalik pa ako after one week para daw sa second session. Pagkatapos ay nagtungo kami sa mall at bumili ng mga damit ko at sapatos. Nagpagupit din ako ng kakaibang hairdo ngayon. Hindi tulad ng laging makapal at tila alambreng style ng buhok. Manipis na ngayon at naka-spike pa ang sa harapan.

Martes.

Sa ikalawang araw ng pasukan sa office ay muli akong tumawag sa opisina para ipaalam na hindi ako makakapasok ngayong araw. Kung kahapon ay nagpa-derma ako, ngayon naman ay mag-eenroll ako sa school. Inabot kasi kami ni itay ng gabi sa pamimili kaya’t hindi na ako nakapagpa-enroll. Miss na miss ko na si Hazel. Gusto ko na syang makita ngayon.

Wala naman akong naging problema sa pagpapa-enroll. Mabilis akong nakatapos at maaga rin naman akong nakauwi. Buong maghapon na akong tumambay sa bahay. Binalak ko pang pumunta sa opisina para sana mangumusta pero nagbago ang aking isip. Wala naman akong ibang gagawin doon at bukas naman ay papasok na rin ako. Hanggang Biyernes na lang ako sa office na iyon at hanggang ngayon ay nag-eemote pa rin ako. Parang hindi ko kayang iwanan si Hazel. Nag-enjoy na rin ako sa company nila Edwin, Romer at Betty.

Miyerkules.

Nauna akong gumising kaysa sa tunog ng alarm ko. Excited akong pumasok sa opisina. Atat na akong makita ang aking mahal na si Hazel. Bumangon ako at nagtungo sa banyo. Saglit kong tiningnan ang aking sarili at bahagya pa akong nagulat. Hinipo ko ang aking pisngi. Ang dating tadtad ng taghiyawat ay parang kuminis ng bahagya. Malaki ang pagkakaiba ng mukha ko. Pakiramdam ko ay isa akong artista.

Maaga akong dumating sa opisina, pero nagtaka ako dahil naka-bukas na iyon. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng isang di ko kilalang lalaki. Hawak niya ang mga gamit na panlinis.

“Good morning sir!” bati niya sa akin.

“Bago ka dito?” tanong ko.

“Opo. Ako po si Gary. Nung Lunes po ako nagsimula.”

“A-ako si Anton. Yung janitor na magre-resign.”

“Ah ganun ba? Akala ko naman ay empleyado ka dito.” Sabi niya. “O, simulan mo nang maglinis.” Sarkastikong sabi niya at iniabot sa akin ang walis. Medyo may kahambugan ang lalaking ito pero hindi ko na lang iyon pinansin tutal naman ay tatlong araw na lang kaming magsasama. Inilagay ko ang bag na bitbit ko sa stock room at kinuha ko ang panlinis ng banyo. Pagpasok kong muli sa opisina ay nakita kong nakaharap sa computer ni Ms. Vivian si Gary. Nakapwesto iyon sa malapit sa pinto. Masungit pa naman ang babaeng iyon at sya ang pinakamaagang dumating sa opisina.

“Hoy! Bawal yang ginagawa mo.” Sabi ko sa kanya ngunit tumingin lang siya sa akin at muling ibinaling sa pc ang mukha. Lumapit ako sa kanya at laking gulat ko nang makita ko ang tinitingnan niya sa pc. Isang Porno!

“Magiging bawal lang ito kung may makakaalam.” Nang-aasar na sabi niya sa akin habang patuloy ang pagsu-surf.

Hindi ako makakapayag sa ginagawa niyang iyon. Nilapitan ko sya at pinilit na itayo. “Tama na yan!” pasigaw kong sabi.

“Anon bang problema mo? Naiinggit ka ba?” matigas niyang sabi.

Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi niya at pwersahan ko siyang itinayo at itinulak papalayo. Bigla siyang na-out of balance at natumba sa may sahig. Dali-dali akong umupo sa upuan at hinarap ang pc para i-shutdown iyon.

“What is the meaning of this?”

Kapwa kami nagulat sa tinig na iyon ng isang babae. Ang mataray na si Miss Vivian. Napatingin siya sa kanyang pc at huling-huli niya ako sa aktong ginagalaw ang pc niya. Saglit akong natigilan at napatingin kay Gary na nakaupo sa sahig. Kita ko ang takot sa kanyang mukha. Bahagyang lumapit si Miss Vivian sa kinauupuan ko.

“My God Anton!” galit niyang sabi habang nakatingin sa monitor.

“M-magpapaliwanag po ako.” Nataranta kong sabi. Muli kong tiningnan si Gary at nakita kong tumayo siya at lumabas.

“And what would you say? It was an accident? Huling-huli ka sa akto Anton. No need to explain.”

Wala na akong nasabi. Hinarap ko ang pc at inalis ko ang mga nakabukas na site bago tuluyang dinampot ang mga gamit na panglinis at nagmamadali akong nagtungo sa banyo. Asar na asar ako pero tiniis ko muna ang galit. Hinayaan kong humupa ang inis sa aking dibdib. Mabuti na lamang at hindi rin nagpapakita si Gary sa akin kung hindi ay masasaktan ko talaga sya. Tiyak na makakarating iyon sa nakatataas. Kung tutuusin, wala na dapat akong ikatakot dahil aalis na naman ako. Ang iniiwasan ko lang ay ang kahihiyan kapag nalaman ito ng nila Hazel. Kailangan kong linisin ang pangalan ko. Pero paano? Huling-huli ako sa akto. Kung itatanggi ko iyon at sasabihin ang totoong nangyari, paniniwalaan kaya ako? Kailangang umamin din si Gary. Kapag tumanggi siya, lalo lang akong madidiin.

Ipinagpatuloy ko na lang ang paglillinis habang nag-iisip ng paraan. Nang matapos ako ang banyo, binalak kong kunin ang mga trash bins sa bawat desks. Tiyak kong hindi pa iyon nalilinis ni Gary. Kahit nagdadalawang isip ay lumabas pa rin ako. Kailangan ko ng harapin kung ano man ang nagawa ko.
Abala ang lahat paglabas ko kaya tuloy tuloy lang ako. Lumabas muna ako para isoli ang mga gamit na panlinis ng banyo sa stock room. Inaasahan kong naroon si Gary pero hindi ko sya nakita. Wala rin sya sa loob ng office. Imposible naming nasa CR sya dahil kagagaling ko lang doon. Marahil ay nasa cafeteria.

Paglabas kong muli sa stock room ay nagtuloy ako sa pwesto ni Edwin para kunin ang mga basura nya. Ngumiti lang siya sa akin dahil kitang kita ko ang dami ng kanyang ginagawa. Ginantihan ko rin siya ng ngiti. Sana ay hindi pa niya nababalitaan ang nangyari kanina.

“Anton!”

Nagulat ako sa tinig na iyon. Si Miss Vivian. Lumingon ako at nakita kong seryoso ang kanyang mukha.

“Pumunta ka daw sa Admin.” Sabi niya. Tumango ako at inilapag ko ang bitbit ko.

IKA-DALAWAMPU’T DALAWANG YUGTO


Hindi ko malaman ang magiging reaksyon ko habang papalapit sa Administration Department. Pero dahil sa kumpyansa akong walang akong nagawang kasalanan, taas noo akong nagtungo roon. Malayu-layo pa lang ay natanaw ko na si Gary na nakaupo sa harapan ng mesa ng Admin Manager. Tila seryoso ang kanilang usapan ni Mrs. Oribe. Papalapit ako ng mapatingin sa akin ang manager.

“Maupo ka Anton.” Seryosong sabi niya. Napatingin ako kay Gary bago tuluyang umupo. Nakita kong tila namutla siya.

Tumingin siya kay Gary at muling tumingin sa akin. “Siguro naman ay alam mo na kung bakit kita ipinatawag Anton.” Sabi niya. Tumango ako . “Alam nyo naman sigurong mahigpit na ipinagbabawal ang pag-view ng kung anu-anong sites na walang kinalaman sa trabaho diba?” muli akong tumango. “At hindi rin kayo allowed na gumamit ng kahit na anong kagamitan na walang pahintulot ng nakatataas o nang nagmamay-ari nito, right?” tango lang ako ng tango sa mga sinasabi ni Mrs. Oribe. “Ngayon, nakarating sa akin ang isang complain mula sa isang staff na may lumabag ng kautusang iyon.”

Bigla akong kinabahan sa sinabing iyon ni Mrs. Oribe. Kahit alam kong wala akong kasalanan, kakaiba pa rin ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Tila naririnig ko iyon.

“Gary,” tumingin siya sa bagong janitor. “Nakita mo bang may gumamit ng pc ng isang staff dito?”

Tumango siya habang nakatungo. Tila may itinatago.

“At kilala mo kung sino iyon?” muli siyang tumango. “Pwede mo bang sabihin sa akin?”

Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mukha at humarap sa manager. “S-Si Anton po.” Mahinang sabi niya.

Tila nag-akyatan sa aking ulo ang aking dugo. Biglang uminit ang aking tenga sa sinabi niyang iyon pero napigilan ko ang aking sarili.

“Anong masasabi mo dun Anton?” tanong ni Mrs. Oribe.

“Hindi po totoo yun.” Mariin kong pagtanggi at muli akong tumingin sa kanya.

“May I hear you explanation?”
“Siya po ang gumawa nun.. inaawat ko lang po sya.”

“E sino bang nahuli sa akto?” tanong ni Gary sa akin. Bahagya akong natigilan.

“Im back Ma’am, pasensya na po.” Tinig ni Ma’am Vivian mula sa likuran. Lalo akong kinabahan. Talagang maididiin na ata ako.

“Have a sit.” Sabi ng manager at sumunod naman si Miss Vivian.

“Parehong tumatanggi ang dalawang ito tungkol sa issue na sinasabi mo. Ibig sabihin, ikaw ang tanging makapagbibigay ng sagot dito.” Tila ako binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niyang iyon. Para bang tumigil sa pag-ikot ang aking mundo. Tahimik si Miss Vivian. “Ngayon Miss Vivian, can you tell me, kung sinong nagsisinungaling?”

Saglit na tumingin sa akin si Miss Vivian. Lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso. Parang kakapusin ang aking hininga. Tapos ay tumingin siya kay Gary.

“Ang totoo po nyan ma’am,” panimula niya. “Si Anton po ang nadatnan kong gumagamit ng pc ko.” Napapikit ako sa sinabi niyang iyon. Wala na akong ibang narinig kundi ang malakas na kabog ng aking dibdib. Dumilat ako at nakita ko si Gary na pangisi-ngisi.

“Is that true Anton?” tanong sa akin ng manager ngunit wala na akong nasabi. Tumungo na lang ako.

“Totoo po yun. Si Anton nga po.” Nakangiting sabi ni Gary. Tila gusto kong paduguin ang bibig ni Gary sa sinabi niyang iyon, pero nagtimpi lang ako at pinipigilan ko ang aking sarili.

“So that means he’s guilty?” tanong ni Mrs. Oribe kay Miss Vivian.

“Si Anton nga po ang nadatnan ko-” muling sabi niya. “Pero hindi ko po sinasabing siya nga ang guilty.”

Nagulat ako sa idinugtong ni Miss Vivian. Napatingin ako sa kanya. Tiningnan ko rin si Gary at nakita kong nagulat din siya.

“What do you mean?”

“Bago ako pumasok sa pinto ay narinig kong sumigaw si Anton na, ‘Bawal yang ginagawa mo’. Na-curious ako kaya pinakinggan ko muna at narining ko ngang nagtatalo ang dalawa.” Bigla akong nabuhayan sa sinabi niyang iyon. Nakita kong namumutla si Gary.

“At ano pa ang narinig mo?” tanong ni Mrs. Oribe.

“Sigurado po ako sa mga boses na naririnig ko. Inaawat ni Anton itong taong ito at ayaw naman po niyang magpaawat hanggang sa makarinig ako ng kalabog. Sa takot ko kung ano ang nangyari ay mabilis akong pumasok at nadatnan kong nakaupo si Anton sa harap ng pc ko.” Tila nagliwanag ang buong paligid ko sa paliwanag ni Mrs. Oribe. Si Gary naman ay biglang namutla.

“So meaning, si Gary ang nagsisinungaling?” tumango si Miss Vivian. Tumingin si Mrs. Oribe kay Gary. “You can explain, Gary. Is it true?” hindi na nakasagot pa si Gary. “I repeat. Totoo ba iyon, Mr. Gary?” mataas na ang tinig ni Mrs. Oribe.

“S-sorry po. Hindi na po mauulit.”

Tila nabunutan ng tinik ang aking dibdib sa mahinang sagot na iyon ni Gary. Biglang lumuwag ang aking paghinga at tila muling nabuhay ang aking kamalayan. Ang mabilis na tibok ng aking puso ay nangangahulugan na ng lubos na kasiyahan.

“So, inaamin mong ikaw ang may kagagawan ng lahat?” tanong ni Mrs. Oribe. Isang mabagal na pagtango ang isinagot ni Gary at muli itong tumungo.

“Kung gayon, maaari ka nang umuwi. Ito na ang last day mo sa kumpanyang ito.”

“Ho?!” halos napasigaw si Gary sa pagkabigla. “”Pero, di po ba ay may first warning muna bago written explanation?”

Tiningnan ni Mrs. Oribe si Gary. Seryoso ang mukha nito. “Kung babasehan natin ang law dito sa company, may punto ka. Pero gagamitin ko na ang posisyon ko para hindi ka na muling makatuntong pa sa opisinang ito. Hindi namin kailangan ang taong katulad mo….. Kung inamin mo na lang sana ay medyo gagaan pa ang kaso mo. Pero, dahil sa kalokohan mong yan, …… Im sorry……Get out!”

Dahan-dahang tumayo si Gary, kasunod ang mabilis na pag-alis nito. Hindi sya makatingin sa kahit na sino. Hiyang-hiya ito sa kanyang nagawa.

“Anton,” si Mrs. Oribe. “Hindi na ba talaga mababago ang desisyon mong pag-alis dito?” tumingin ako sa manager. Seryoso ang mukha nito. “Pwede kong taasan ang sahod mo kung yun ang gusto mo.” Bigla akong napaisip sa sinabi niyang iyon. “Pwede ko ring taasan ang posisyon mo at kumuha ng papalit sa pwesto mo.”

Tumingin ako sa paligid. Nakangiti sa akin si Miss Vivian. Tumango siya sa akin na tila ba inuutusan akong tanggapin ang offer ng manager.

“Ma’am,” mahina kong sabi. “S-salamat po sa appreciation nyo sa mga nagawa ko sa opisinang ito…pero-” huminga ako ng malalim. “Hindi ko na po babawiin ang desisyon ko. Buo na po ang pasya kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Pasensya na po.”

Nagpakawala ng matamis na ngiti ang manager. “Well then, good luck na lang Anton.” Tumayo siya at iniabot ang kamay sa akin. Tumayo din ako nakipagkamay sa manager at kay Ms. Vivian, tapos ay tumalikod na ako upang ipagpatuloy ang aking gagawin.

“Oy!” napalingon ako sa tinig na iyon mula sa cubicle ni Romer. Nakita kong nakatingin siya sa akin. Ngumiti rin ako at lumapit sa kanya.

“Yes Romer.” Sabi ko.

Tumingin siya sa akin at saglit na nag-isip. “Anton? Ikaw ba yan?”

Ngumiti ako “Bakit, may iba ka pang kilalang ganito ang itsura?”

“Wala nga eh…” tumayo siya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

“Hanep! Anong ginawa mo?” nakangiti niyang sabi ”Teka..” hinila niya ang braso ko at nagmamadali siyang naglakad. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

“Edwin…” sabi niya ng makarating kami sa pwesto niya. “Tingnan mo… eto yata yung bagong janitor natin.”

Nilingon kami ni Edwin. Tumingin siya sa akin. “A-anton?” tila nagtatakang sabi niya.

“Korek!” si Romer ang sumagot.

“Putsa, ang gwapo ata natin ah! Magkano naman ang nagastos mo?” pabirong tanong ni Edwin.

Ngumiti ako “Hindi ako….. si itay. Para daw hindi ako hamak-hamakin ng magiging classmates ko sa school… atat na rin syang may ipakilala akong girlfriend sa kanya eh.”

“Kaya ka dinala kay Vicky Belo?” si Romer.

Tumawa ako “Hindi naman dun… maliit lang ang budget eh.”

“Pero in fariness… magaling sya.”

“Oo nga,.. punta nga rin ako dun minsan… baka may pag-asa pa ang itsura ko.” Singit ni Edwin.

“Bakit naman?... hindi ka naman pangit ah! Di ba Romer?” sabi ko.

“Oo nga.”

“Teka, tatapusin ko muna yung ginagawa ko.” Sabi ko at umalis na ako sa pwesto nila.

“Anton!” napatigil ako at lumingon sa likuran at nakita kong humahabol si Romer. Tumigil ako sandali.

“Bakit?”

“May sasabihin lang ako saglit. Pero…” nakuha ko naman ang gusto niyang iparating. Isang komplikadong topic ang gusto niyang sabihin.

“Tara!” niyaya ko siya sa stock room at sabay kaming pumasok doon.

“O anong problema?” tanong ko sa kanya nang makapasok na kami sa loob.
Saglit siyang tumigil. “Aaminin ko na.”

“Ang alin?”

“Sasabihin ko na kay Edwin ang totoo… ang tunay na ako.”

“Ano?”

“Oo. Handa na ako sa kung ano man ang sasabihin niya sa akin”

Napa-isip ako. “Pag-isipan mo munang mabuti ang gagawin mo.”

“Matagal ko nang pinag-isipan. Bahala na kung ano ang magiging reaksyon niya… alam kong magugulat siya at kamumuhian niya ako pero… tatanggapin kong lahat iyon. Ayoko nang magkunwari.” Seryosong sabi ni Romer.

“O sige, kung talagang buo na ang desisyon mo, goodluck na lang…. Sana maging positive ang resulta.”

Lunch Time.

Katulad ng lagi kong ginagawa, inaayos ko ang stock room para doon ako kumain. Bumili muna ako ng pagkain sa cafeteria dahil hindi ako nakapagbaon ngayon. Pasipol sipol pa ako habang nag-aayos ng aking pwesto dahil parang masaya ang aking pakiramdam.

TOK! TOK! TOK!

Nilingon ko ang pinto. Nagtaka ako kung sino ang pupunta sa stock room ng ganitong oras.

“Bukas yan.” Sabi ko.

Dahan-dahang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Edwin. “Anton?”

“Oy, Edwin, anong problema?” sagot ko.

“Wala naman. Pinapasundo ka nila Hazel. Sumabay ka daw sa amin dun sa cafeteria.”

“A ganun ba? Next time na lang siguro. Naka-prepare na ako eh.” Itinuro ko ang sahig na binanigan ko ng mga lumang dyaryo. Naroon na rin ang aking pagkain.

“Oo nga ano. Sige, bukas na lang ulit.”

Lumabas na siya ng room at ako naman ay umupo na sa aking pwesto. Medyo maluwag na ngayon ang pwesto ko dahil nilinis ko ito ng mabuti. Inilagay ko ang mga gamit sa gilid at ginawa kong kaaya-aya ang lugar kung saan ako nananghalian. Preparation na rin iyon para sa papalit sa akin. Sinimulan ko na ang aking pagkain dahil gutom na gutom na rin ako.

TOK! TOK! TOK!

Muli na naman akong naistorbo sa katok na iyon.

“Pasok!” sabi ko sabay subo ng pagkain.

“Hi Anton!” bati ni Edwin. Tuloy-tuloy siyang pumasok bitbit ang kanyang pagkain na nasa tray. Nagulat ako doon.

Pero mas nagulat pa ako sa mga sumunod na nangyari. Isa-isang pumasok sina Romer, Hazel at Betty. Halos mailuwa ko ang naisubo kong pagkain. Nataranta ako nang makita kong pumapasok sila sa loob ng stock room.

“Ayaw mo kaming sabayan ha? Pwes, kami ang sasabay sa iyo.” Sabi ni Romer.
“Oo nga. Ang suplado mo na eh!” tila nagtatampong sabi ni Hazel. Napatingin siya sa akin at bahagyang natigilan. Sinuri ang aking mukha. “Oh my God! Anton, is that you?” nagtatakang tanong niya. Sabay sabay silang nagtinginan sa akin at para naman akong napahiya.




































IKADALAWAMPU’T TATLONG YUGTO


“Alam mo, no offense ha? Yung pimples mo lang pala ang nagpapabago ng itsura mo eh!” sabi ni Hazel habang nagsisimula na kaming kumain. Nakaupo kami sa sahig na nilatagan ko ng dyaryo. Mabuti na lamang at nalinis kong mabuti ito. Naging maluwag at kaaya-aya ang loob ng stock room.

“Ibig mong sabihin, panget si Anton noon?” pabirong tanong ni Edwin.

“Hindi naman sa ganon,” depensa ni Hazel. “Ang ibig kong sabihin, MAS naging gwapo sya sa itsura nya ngayon. Tingnan mo oh! Ang kinis ng mukha nya. Bigla tuloy lumabas yung katangusan ng ilong nya.” Dugtong pa niya. Para naman akong lumilipad sa kalangitan sa sinasabi niyang iyon. Napakasarap sa tenga lalo pa’t nagmumula iyon sa aking pinakamamahal na si Hazel.

“Change topic na nga lang.” Sabi ko. “Musta na ang mga lovelife?” nakangiti kong tanong sabay subo ng aking pagkain. Nakatingin ako sa ulam ko at akmang kukurot sa piraso ng karne nang bigla kong naramdamang tumahimik pala ang paligid. Isa-isa kong tiningnan ang aking mga kaibigan. Kapwa seryoso ang mga mukha nila. Saka ko naalala na pare-pareho pala kaming bigo pagdating sa salitang iyon… ang pag-ibig.

Si Romer na bigo kay Edwin… si Edwin na umaasa sa kamay ni Betty…. Si Betty na nagtapat ng pag-ibig sa akin… ako naman na umaasa sa sa matamis na “oo” ni Hazel… at si Hazel…. Na kakagaling lang sa isang malupit na relasyon… kaming magkakaibigan na nagsasalo salo at nakikidalamhati sa isa’t isa ay magkakaharap ngayon. Marahil ito ang pinakamatibay na factor ng aming pagsasama.

“Hoy! Ba’t parang may dumaang anghel?” binasag ko ang katahimikang iyon. Sabay-sabay naman silang tila nagising sa malalim na pagkakahimbing. “Wag na nga lang lovelife ang pag-usapan.” Sabi ko.

“Ikaw naman kasi Anton, ang dami-daming pwedeng itanong, yan pa ang naisipan mo.” Sabi ni Romer.

“Oo nga. Alam mo namang-”

“Ssshhh…” pinigil ko ang sasabihin ni Edwin at pinandilatan ko sya. Sabay-sabay kaming nagtawanan.

Nagpatuloy kami sa pagkain at muling natahimik.

“Hoy, bakit ang tahimik mo dyan?” sabi ko sa aking katabi na kanina ko pa hindi naririnig ang boses. Si Betty. Bahagya ko pang tinapik ng aking siko.

“Oo nga frend, kanina ka pa walang imik ah!” si Hazel. “May problema ba?”

“Ha? .. wala naman… ”

“Ows?”

“Ok lang talaga ako.” At nagpakawala ng isang matabang na ngiti.

Nagkibit-balikat si Hazel. “edi ok kung ok.”

“Anton, kailan nga pala yung last day mo? Wala bang celebration?” tanong ni Romer.

“Oo nga! Inuman ulit tayo.” Dugtong naman ni Edwin.

“Hoy, kayo ha? Nagiging lasenggo na kayo.” Saway ni Hazel.

“Sus, celebration nga eh!....walang kwenta ang celebration kapag walang inuman noh?” si Romer.

“Kailan nga ba Anton?”

“Ito na yung last week ko sa office. Sa Friday ang last day ko.” Sagot ko.

Natahimik ang lahat.

“Meaning, iiwan mo na talaga kami?” si Romer.

“Anong iiwan? Bakit, mamamatay na ba ako?” biro ko. “Syempre dadalawin ko pa rin kayo at sasama pa rin ako sa gimik nyo.”

“Talaga?” sa kauna-unahang pagkakataon ay sumali sa usapan si Betty.

“Oo naman!” sagot ko sa kanya. “Alam nyo-” saglit akong tumigil. “Wala akong nakitang kaibigan na katulad nyo… sa buong buhay ko… kaya… hindi ko kayo kalilimutan.”

Tinapik ni Edwin ang aking balikat. “Ganun talaga pare- ikaw din, hindi ka rin namin kalilimutan.”

Tumayo si Romer na nakaupo sa tapat ko at naglakad patungo sa likuran ko. Ibinaba niya ang mga kamay niya sa balikat ko. Pumatong iyon sa kamay ni Edwin at pinisil-pisil iyon. “Basta, pag nakatapos ka na, balikan mo kami dito ha?”

“Sure!”

“Wala na akong ka-share sa libro ni Dan Brown.” Malungkot ba sabi ni Hazel.

“Ang drama naman natin” pabirong sabi ni Betty at nagpakawala siya ng matamis na ngiti. Sabay-sabay naman kaming nagtawanan. Muling bumalik si Romer sa kinauupuan niya at kumindat pa ito sa akin bago tuluyang umupo.

“Oo, ako si Mr. Suave! Oohhh grabe!!!”

Nagulat kami sa tunog na iyon ng aking cellphone.

“Uy, may caller!” biro ni Edwin.

“Alarm po iyon. Ala una na po!” sagot ko naman.

“Ha? Naku, nawili tayo sa kwentuhan… tara iligpit na natin to.” Sabi ni Betty sabay dampot sa tray.

“Wag na… ako nang bahala.” Sabi ko naman at pinigilan ko ang paghawak ni Betty sa tray. Hindi ko napansin na napahawak ako sa kanyang braso. Ramdam ko ang kakinisan ng kanyang kutis.

Natigilan siya at napatingin sa akin. “A-Anton…” bulong niya.

Natigilan ako. “Ok lang… ako nang bahala… trabaho ko yan.”

“Talaga? Salamat Anton ha?” sabi ni Hazel. “Pasensya ka na… nalibang kasi eh..”

“Walang problema… nag-enjoy naman ako.”

“O sige, mauna na kami Anton at baka hinahanap na kami sa pwesto namin.” Paalam ni Edwin at tumango ako sa kanya. Sumunod na rin si Romer at si Hazel. Tapos ay nagtungo na rin si Betty sa may pinto habang ako naman ay nagsimula nang magligpit.

“Anton,” si Betty. Hindi pa pala siya nakakalabas ng pinto. Tininginan ko sya.

“Bakit?” sabi ko habang tumatayo.

Lumapit siya sa kinaroroonan ko.

“Mami-miss kita.” At bigla’y niyakap niya ako.

Hindi ko alam kung naaawa ako sa kanya at nadadala ako sa kalungkutan niya dahil parang pakiramdam ko’y bumabagal ang tibok ng aking puso. Ramdam ko ang sinseridad sa pagkakayakap ni Betty. Sa unang pagkakataon ay gumanti ako ng yakap sa kanya…. Mahigpit….

Ilang Segundo rin kami sa ganoong posisyon nang unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo. Nagtapat ang aming mukha. Nagtama ang aming paningin. Sa pagkakataong ito’y tila malambing ang tingin niya sa akin. Kakaiba ang dating sa akin ng tingin niyang iyon. Ipinikit niya ang kanyang mata at unti-unting inilapit ang kanyang labi sa aking labi. Bigla akong nalito. Hindi dapat mangyari ito pero hindi ko alam kung anong pwersa ang humihigop sa akin upang ilapit ko ang aking labi sa kanya…. Unti-unting naglapat ang aming mga labi… nadama ko ang kalambutan niyon habang ako’y nakapikit. Saglit na pagdami lamang iyon.

“I love you Anton!” bulong niya sa akin matapos ang isang malambing na halik. Nalito ako kung ano ang ire-react ko. Hindi ako tumigin sa kanya. Si Hazel ang mahal ko…. Si Hazel!

Tila naghihintay ng kasagutan si Betty habang nakayakap pa rin sa akin. Hindi ako makapagsalita. Ayokong magsinungaling sa kanya. Tila nakukuha ni Betty ang nais kong iparating dahil unti-unting lumuluwag ang kanyang pagkakayakap hanggang sa tuluyan na siyang bumitiw. Tumalikod siya at mabilis na lumabas ng pinto. Naiwan akong nakatulala at hindi maipaliwanag ang pangyayari.

Hindi ko namalayan na natapos na pala akong maglinis ng stock room. Naguguluhan kasi ako at sa mabilis na pangyayari. Muli kong tiningnan ang aking ginawa. Lumilipad kasi ang aking isip habang ginagawa ko yun. Maayos naman ang lahat. Nang masiguro kong tapos na ako ay lumabas ako ng stock room. Pupunta ako sa loob ng office.

Nang nasa pinto na ako ng opisina ay nagdadalawang-isip ako kung bubuksan ko ba iyon o hindi na lang ako papasok. Hindi ko kasi alam kung paano ko pa haharapiin si Betty. Nahihiya ako sa kanya. Pero nang pumasok sa isip ko si Hazel ay bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob at ng magandang dahilan para pumasok ako sa loob.

Unti-unti kong binuksan ang pinto. Sana ay walang titingin sa akin habang pumapasok ako. Sana ay abala ang lahat. Ewan ko kung bakit ito ang nasa isipan ko. Guilty lang siguro sa pangyayari.

“Anton!”

Halos mapatalon ako sa tinig na iyon ng pumasok ako sa loob. Si Romer. Papalapit sa kinaroroonan ko. Nakangiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya.

“Kanina pa kita hinihintay. Ba’t ang tagal mo?” tanong niya.

“Nilinis ko kasing maigi yung stock room eh. Bakit, anong problema?”

Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. “Hindi ko kasi alam kung paano ako magtatapat kay Edwin eh. Kinakabahan ako.” Bulong niya habang lumilinga-linga siya sa paligid.

“Ganun ba?” tumango siya. Nag-isip ako saglit. “yayain mo syang lumabas.”

“Haller? Ano naman ang idadahilan ko? Mas lalo naman akong nahalata nun.”

“Aaminin mo na rin naman eh…sabihin mo may importante kang sasabihin.”

Nag-isip siya. “Hindi siguro. I think it’s not a good idea.”

Kapwa kami natahimik.

“Ok, ganito na lang…” binasag ko ang katahimikan. “Yayayain ko kayong dalawang mag-bar. Then, mauuna akong umalis at iiwanan ko kayo. Tapos, ayun na…. Ikaw na ang bahala.” Paliwanag ko.

Ngumiti si Romer. “Good! Thanks bro!” sabi niya. “Mami-miss talaga kita…..aasahan ko yan ha?” kumindat pa sa akin bago tumalikod.

Ngumiti ako at nilibot ko ng tingin ang paligid. Nakita ako ang cubicle ni Edwin. Tamang pagkakataon para yayain ko sya para mamaya.

“Tol!” bati ko kay Edwin nang marating ko ang pwesto nya.

“Uy pare, anong balita?”

“Free ka mamaya?”

“Ha? Bakit?”

“Niyaya ko si Romer na lumabas. Inom tayo sa Stages mamaya.”

“Talaga? Sure! Game na game ako!”

“Hoy! Hoy! Hoy! Anong inuman yang naririnig ko ha?” sabay kaming napalingon ni Edwin sa tinig na iyon ni Hazel. Papalapit siya sa amin. Nagulat pa ako dahil kasama niya si Betty.
“Ha? Ah..eh…” hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Nagyayaya si Anton ng inuman eh…despedida ata.” Si Edwin.

“E bat kayo lang? Paano naman kami?” tanong ni Hazel.

Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Kapwa naghihintay ng aking kasagutan ang lahat.

“Ah.. eh… for the boys muna. hehehe” kahit hindi makati ang ulo ko ay napakamot ako.

“Ah ganun? At san naman kayo pupunta? Sa patay-sindi?” tila galit na tanong ni Betty.

“Bakit parang nagseselos ka Betty baby?” tanong ni Edwin. Biglang namutla si Betty. Hindi malaman ang isasagot. “Don’t worry. Hindi ako titingin sa kahit na sinong lalaki.”

Biglang nagbago ang itsura ni Betty. Tila nabunutan ng tinik sa dibdib. “Ako magseselos? Bakit naman? Ang sa akin lang naman, bakit kayo-kayo na lang ang lalabas ngayon?”

“Syempre, lalabas din tayo…. Tayong tatlo lang. Si Hazel.. ikaw… at ako!” sabi ko.

“Unfair yun… dapat kahit saan magpunta, magkakasama tayo.” Si Hazel.

“Oo nga Anton.. sama-sama tayo!” si Edwin.

‘Patay kang bata ka’ sa isip ko. “H-ha? S-sige… sumama na rin kayo.” At ngumiti pa ako ng sapilitan.

“Napipilitan ka lang ata eh.” Sabi ni Hazel.

“H-hindi… ok lang… totoo… ”

“Well then, see you guys tonight!” at sabay na umalis ang dalawa at nagtungo sa CR.

‘anak ng pitong tupa naman oh!’ sa isip ko. Umalis na rin ako at nagpunta sa cubicle ni Romer.

“Hey bro! Musta? Ok na ba?” nakangiting tanong ni Romer nang Makita nya akong papalapit.

“O-ok na… pumayag si Edwin.”

“Talaga? Good! Salamat!”

“Kaya lang…”

“Kaya lang, ano?”

“Kasama sina Hazel at Betty.”

“Anooo???” gulat na sambit ni Romer. Nagkibit-balikat lang ako. “Paano na yan?”

Saglit akong nag-isip. “A-akong bahala. Yayain ko na lang sila pagkatapos kumain.”

“Paano kung hindi pumayag?”

“Basta akong bahala.”

Tila nagdadalawang isip na tumigin si Romer. “Siguraduhin mo bro ha? Kinakabahan pa naman ako.”

“Basta, akong bahala.” Tumalikod na ako at nagtungo sa shredder para ipagpatuloy ang trabaho ko. Ang totoo ay hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.




















IKA-DALAMPU’T APAT NA YUGTO


“Ano bang nakain mo’t biglaan yata ang pagyayaya mong mag-celebrate pare?” tanong ni Edwin habang minamaneho ang kanyang kotse. Nasa tabi niya si Romer at kami namang tatlo nina Hazel at Betty ay nasa likuran. Nasa may tabing bintana ako at katabi ko si Betty.

“Wala naman. Nalulungkot kasi ako kapag naiisip kong paalis na ako.” Katuwiran ko.

“Sino ba yung pinakamami-miss mo sa aming apat?” tanong ni Romer.

Kakaiba ang dating sa akin ng tanong na iyon. Hindi ako nakasagot agad. “Lahat kayo.” Sabi ko. “pantay-pantay lang.” Dugtong ko pa.

“Naks! Showbiz na showbiz ang sagot ah!” sabi ni Betty. “If I know.”

“Huh? Ano yun?”

“Oo nga…. Parang wala kaming alam ah!” dugtong ni Edwin. Tila alam ko na ang paroroonan ng usapang ito.

“Guys, walang ganyanan ha? Parang gusto nyo akong igisa ngayon ah!”

“Uuy, nagba-blush si Anton!” si Romer.

“Guys, hindi yata ako maka-relate.” Si Hazel.

“Talaga lang ha?” si Romer.

“Ano ba talaga yun?” tanong ni Hazel.

“Ay naku! Manhid!” sagot ni Romer.

Parang sasabog na ang dibdib ko sa kahihiyan. Para akong isang ice cream na ibinilad sa araw. Parang gusto ko nang tumalon palabas ng kotse.

“A…eh… ano bang gusto nyong inumin this time?” binago ko ang usapan para matigil na ang pang-aasar nila Edwin. Pinakiramdaman ko rin ang katabi kong si Betty. Bigla siyang nanahimik.

“Uuy, binabago ang usapan… bat hindi pa kasi aminin eh!” lalong nang-asar si Romer.

“Romer ha?” saway ko sa kanya. Bigla naman syang tumigil.

“Guys, nandito na tayo. Stages here we come!!” sabi ni Edwin habang inaayos ang pag-park ng sasakyan.

Ilang saglit pa ay nakaupo na kami sa isang round table. Mamaya pa daw 9pm ang live band kaya dinner na muna ang inorder namin. Isasabay na namin sa pagtugtog ng banda ang pag-iinom para mas feel ang lasingan.

“Hanggang anong oras tayo dito?” tanong ko sa lahat.

“Ano ba yan? Kadarating lang natin, uwian na agad ang pag-uusapan.” Reklamo ni Edwin.

Tila napahiya ako ng konti. Oo nga naman, may punto rin si Edwin. “Nililinaw ko lang po kasi, may pasok pa tayo bukas.” Pangangatwiran ko.

“10pm is enough, I think.” Sagot ni Hazel.

“Ang aga naman! Pwede naman until 12 tayo di ba?”

“Anytime ako.” Sagot ko.

“Tama na yung 10..” si Betty.

“A, basta… mamaya na natin pag-usapan yan.” Sabi ni Romer.

“Ayan na ang pagkain natin!” tila isang batang sabi ni Edwin nang makitang papalapit ang waiter bitbit ang isang tray ng pagkain. Natahimik ang lahat habang tinitingnan ang binatilyo na inilalapag isa-isa ang mga pagkain.

Tumingin ako kay Romer, halatang kinakabahan siya at hindi mapalagay. Napatingin siya sa akin.

“Guys, excuse lang, CR lang muna.” Sabi ko at tumayo ako. Sinenyasan ko si Romer na sumunod sa akin bago tuluyang lumakad. Nang marating ko ang banyo ay saglit akong naghintay.

“Anton, kinakabahan ako” sabi ng paparating na si Romer.

“Alam ko.”

“Paano ko ba sasabihin?”

“Bakit hindi mo na lang kaya sabihin sa lahat?”

Tumingin siya sa akin. Seryoso. “Are you out of your mind?....hindi ko nga masabi sa isang tao, sa kanilang lahat pa?”

“E bakit mo nakuhang sabihin sa akin ‘to?”

Saglit siyang natahimik. “Because I trust you!”

“And you don’t trust them?”

“Hindi naman sa ganun Anton pero…” natigilan si Romer. Tila hinahanap ang susunod na sasabihin. “You’re different.”

“Ano naman ang kaibahan ko sa kanila.”

“Ewan ko….. basta at ease ako sa pagsasabi ko sayo!”

Saglit akong nag-isip. Hindi ko na kailangan pang pahabain ang usapan.

“Okay, ganito na lang… right after ng dinner, oorder tayo ng one pitcher ng beer. Then, kapag naubos na natin, yayayain ko na sina Hazel at Betty na umuwi. At-” saglit kong pinutol ang sasabihin ko. “If you don’t mind….Ako na ang magsasabi kila Hazel at Betty.”

Tumingin siya sa akin na tila nagtatanong. “Paano mo gagawin yun? Baka naman maging masama ako sa paningin nila”

Umiling ako. “Akong bahala. Naging masama ka ba sa paningin ko?”

“Ok. I will trust you on this. Thanks Anton!”

Sabay na kaming bumalik sa table at sinaluhan ang mga kaibigan sa masayang dinner.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula nang tumugtog ang banda. Sinimulan na rin naming inumin ang inorder naming beer kasabay ng biruan at tawanan. Napansin ko pa ring hindi mapalagay si Romer at kitang-kita ang hilaw na ngiti sa kanyang mukha sa tuwing magbibitiw ako ng joke.

Tiningnan ko ang oras. Mag-aalas diyes na. Iniangat ko ang pitsel upang malaman kung marami pa ng laman ito. Magaan ito. Hudyat na wala nang laman. Naubos na namin ang isang pitsel na beer.

“Ubos na! Order pa tayo?” tanong ni Edwin na namumungay na ang mata. May tama na ito.

“Tama na! May pasok pa bukas.” Sagot ko naman.
“O cmon! Sige na, isang isa na lang.”

“Kayo girls?” tanong ko kila Hazel at Betty.

Sabay silang umiling. “I think we should call it a day. Tama si Anton, may pasok pa bukas.” Sabi ni Hazel.

“Oo nga. Ulitin na lang natin to.” Nakangiting sabi ni Betty.

“Ang KJ naman ng mga ‘to.” Reklamo ni Edwin.

Tiningnan ko sila. “Kung gusto nyo, ganito na lang.” Sabi ko. “Umorder pa tayo ng isa pang pitcher pero ihahatid ko muna ang dalawang babaeng ito at babalik ako.

Nagtinginan ang lahat.

“Bakit ikaw pa ang maghahatid? Ako na lang.” Sabi ni Edwin.

“Oy, mister! Usapang matino ha? Iiwanan mo ang kotse mo dito. Hindi ako papayag na mag-drive ka ok?” sabi ko kay Edwin.

“Oo nga. Tama si Anton.” Sabi ni Betty.

“Edi magta-taxi na lang kami. Dito ka na lang Anton.” Si Hazel.

“Wag na. Saglit lang naman ako. Saka magwi-withdraw pa ako. Kulang ata ang pera ko.” Katuwiran ko.

“Ako na ang bahala sa kulang dadagdagan ko.” Si Edwin.

Umiling ako. “It’s my treat.”

Katahimikan.

“So ano na?” si Betty ang bumasag ng katahimikang iyon.

“Ok.” Sabi ni Edwin. “Ihatid mo na sila, pero make sure na babalik ka ha?”

“Syempre naman.”

Tinawag ni Edwin ang waiter at umorder ng isa pang round habang kami nina Hazel at Betty ay tumayo na at naghanda sa pag-alis.

“O pano, see you tomorrow na lang ha?” si Hazel.

“Bye, Edwin, bye Romer.” Si Betty.

“Sige ‘tol. Wait for me. Walang tulugan ‘to!”

Tumango si Edwin. “Ingatan mo yang mga yan ha?”

“Walang problema.” Sagot ko.

Tumayo si Romer at hinila ako palayo sa kanila. “Salamat Anton,” bulong niya.

“Make sure na pagbalik ko eh, nasabi mo na kay Edwin yung gusto mong sabihin ha?” sagot ko.

“It’s ok. Wag ka nang bumalik. Ako na ang bahala sa lahat.”

“Sigurado ka?”

“Oo. Ako na ang bahala.”

“Ok.”

Muli kaming bumalik sa kanila at nagpaalam na kaming tatlo. Naiwan sina Romer at Edwin.

“Babalik ka pare ha?” paalala ni Edwin.

“No problem!” tumalikod na rin ako sa kanila at sumunod sa papaalis na sina Hazel at Betty.

“So plano nyo talagang magpuyat ngayon?” tanong ni Betty habang naghihintay kami ng taxi.

“Actually, it’s Romer’s plan.” Sagot ko.

“Si Romer?” halos sabay nilang naitanong.

“Well, there something you have to know about him.” Kapwa sila nagtaka. “At ikukwento ko sa inyo on our way home. Sino ang una kong ihahatid?”

Nagtinginan sila. “Si Hazel na muna.” Sagot ni Betty. Tumingin ako kay Hazel at tumango naman ito.

“Okay.” Sabi ko sabay kaway sa paparating na taxi.

Habang nasa daan ay ikinuwento ko ang lahat tungkol kay Romer. Katulad din ng ini-expect ko, nagulat ang dalawa. Pero pansamantala lang iyon dahil naintindihan nila kaagad ang kalagayan ni Romer. Naawa pa sila sa binata at gusto nilang bumalik sa bar para palakasin ang loob nito pero pinigilan ko sila at sinabing hayaan na lang syang dumiskarte ng sa kanya.

Ilang saglit pa’y naroon na kami sa tapat ng bahay ni Hazel. Pinakiusapan naming ang driver na maghintay habang inihahatid ko si Hazel sa bahay nila. Naiwan na rin si Betty sa loob ng taxi.

“Thanks Anton!” nakangiting sabi ni Hazel.

“Wala yun.”

“So, hindi ka papasok bukas?”

Nagkibit balikat ako. “Pwedeng oo, pwedeng hindi” sagot ko.

“Mami-miss kita- Mami-miss ka namin.” At bigla’y yumakap siya sa akin. Napatingin ako sa kinaroroonan ng taxi at nakita kong nakatingin sa amin si Betty.

“Hazel, there something more that I would like to tell you.” Sabi ko sa kanya nang magkahiwalay ang aming katawan.

“What is it?”

Ito na kaya ang tamang pagkakataon para aminin ko ang nararamdaman ko sa kanya? Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib. Tila nanlalambot ang aking mga tuhod. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

“Anton?” tanong ni Hazel.

Tumingin ako kay Hazel. Sasabihin ko na talaga… ito na ang tamang pagkakataon. ‘Mahal kita Hazel’ sa isip ko.

“Hazel-”

BEEP! BEEP!

Malakas na busina ng taxi na sinakyan namin. Sabay kaming napalingon ni Hazel.

“O pano, kita na lang ulit tayo.” sabi ko sabay ngiti at tumalikod na ako sa kanya.

"Teka Anton, ano yung sasabihin mo?" habol ni Hazel. Lumingon ako at ngumiti sa kanya.
IKA-DALAWAMPU’T LIMANG YUGTO


“Hoy! Pumasok ka bukas ha? Hindi pa tayo tapos.” Pahabol ni Hazel sa akin habang papunta ako sa taxi.

Nakasimangot si Betty pagsakay ko sa taxi. Doon na rin ako umupo sa tabi nya. Tiningnan ko sya ngunit walang ekspresyon ang kanyang mukha at nakatitig lang sya sa harapan. Sa may windshield ng sasakyan.

“May kasama ba ako dito?” tanong ko. Saglit syang tumingin sa akin. Seryoso ang mukha niya at muling tumingin sa harapan.

Katahimikan.

Nagsawa ako sa kakahintay sa kanyang salita kaya’t sumandal na lang ako at idinikit ko ang aking ulo sa may bintana sabay pikit ng mata.

Ilang sandali pa, “Hoy!” narinig kong sabi ni Betty. Hindi ko sya pinansin. Nakapikit pa rin ako. “Anton!” ngayon ay may kasama nang hampas sa aking balikat ang pagtawag niyang iyon.

“Ano ba? Bakit?”

“Bakit ka dyan! Tutulugan mo lang pala ako?!”

“Hello?! Kinakausap kita, hindi mo naman ako pinapansin.”

“E paano nakakainis ka!”

“Ha? Bakit, anong ginawa ko?”

“Kunwari ka pa! Nakita ko kayo ni Hazel noh?”

“And?”

“Nagyakapan kayo!”

Nalito ako ng kaunti pero alam ko na kung bakit. “So?” muli kong tanong ngunit tila natutuwa ako sa sitwasyon naming iyon. Parang syang bata.

“Anong so?” sabay kurot sa aking tagiliran. “Ang landi mo eh!”

“Ano ba? Nakikiliti ako.” Nakangiti kong sabi at gumanti rin ako. Kiniliti ko sya sa may tagiliran.
“Tama na Anton!” nakangiting sabi niya. “Tama na!” ngunit para akong bingi at patuloy lang sa aking ginagawa hanggang sa mapahiga siya sa upuan. “Anton! Please.” Pagmamakaawa niya habang lumalakas ang pagtawa. Patuloy pa rin ako sa aking ginagawa.

“Boss, sa bahay nyo na po ituloy yan. Saan po tayo banda dito?” biglang sabi ng driver. Kapwa kami natigilan at mabilis na inayos ang aming sarili. Nagkatinginan pa kami at ngumiti. Tumingin ako sa labas. Naroon na pala kami sa baranggay nila Betty.

“Dun sa pangalawang kanto.” Sagot ko sa driver.

Maya-maya lang ay bumaba na kami ni Betty.

“Ma, pahintay po ulit.” Sabi ko sa driver.

“Wag na po Manong, ok na po!” sabi ni Betty sa driver.

Tumingin ako kay Betty “Ano ka ba? Mahirap maghintay ng taxi dito.” Sabi ko.

“Dun ka na lang sa amin matulog.”

“Ano?” gulat kong tanong. “Hindi pwede may pasok pa bukas.”

“Edi madaling araw ka umalis.”

“I’m sorry Betty, hindi talaga pwede.”

“Ok fine!” seryosong sabi niya sabay talikod sa akin at naglakad patungo sa pinto ng bahay.

“Manong sandali lang ha?” sabi ko sa driver. Tumango naman ito at sinundan ko na si Betty.

Nang makarating sa tapat ng pinto si Betty ay humarap siya sa akin. Hindi pa niya binubuksan ang pinto. “O, bat sumunod ka pa? Di ba uuwi ka na?” seryosong tanong niya.

Nagkibit-balikat ako at tumalikod.

“Hoy Anton!” tumigil ako ng marinig ko ang tinig niyang iyon.

Muli akong humarap sa kanya. “Ano yun?” tanong ko habang papalapit kay Betty.

Saglit siyang natigilan at tila hinanap ang sasabihin. “L-last day mo na sa Friday diba?”

“Yap! Bakit?”

Bumuntong hininga si Betty. Biglang naging malungkot ang ekspresyon. “Mami-miss mo ba ako?”

Ngumiti ako. “Oo naman! Bakit naman hindi? Mami-miss kita. Kayong lahat!”

Katahimikan.

“May problema ba?” ako na ang bumasag sa katahimikang iyon. Hindi pa rin siya umiimik. “Betty?”

Tumingin siya sa akin. “Anton, G-Gaano mo kamahal si Hazel?” tila nag-aalinlangan niyang tanong.

Nagulat ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko mahagilap ang isasagot ko sa kanya.

“Alam mo na naman siguro yun diba?” sagot ko.

“I need a specific answer, Anton! Gaano mo kamahal si Hazel?” mataas ang kanyang tinig.

“Mahal ko sya.” Mahinang sagot ko.

Nagbigay siya ng isang malungkot na tingin sa akin, “Ako Anton,….wala ka bang nararamdaman para sa akin?”

“Betty-” wala na akong maisunod na sasabihin. Para akong isang computer na biglang nag-hang.

“This is the last time na tatanungin kita Anton,… don’t worry,”

“Ok, Betty… mahal kita bilang kaibigan.”

“Bullshit!” pasigaw na sabi niya. Napalingon ako sa paligid dahil baka nakakabulahaw na kami. Tahimik naman ito kaya’t hindi na ako nag-alala.

“Ano bang problema Betty?”

“Ikaw! Ikaw ang problema! Plastik ka!”

“Plastik?”
“Oo! Alam kong may nararamdaman ka sa akin. Magpakatotoo ka naman! You’re so unfair!”

“Anong ibig mong sabihin?”

Saglit siyang natigilan. Naghanap ng maisasagot. “Kaninang lunch! When we kissed…..I felt it! Mahal mo ako Anton!”

Natulala ako. Muling nagbalik ang pangyayari kaninang tanghali. Matapos ang lunch namin sa stock room. Ang halik na iyon na lubos ko ring ipinagtataka. Kakaiba ang dating sa akin niyon. Ramdam na ramdam ko ang lambot ng kanyang labi at ang lambing na ipinahihiwatig nito. Ngunit biglang dumaan sa aking isipan si Hazel. Ang napakagandang mukha nito na tila ba idinuduyan ako sa hangin kapag nakita ko siyang nakangiti sa akin. At ang malambing na tinig niya na tila musika sa tuwing tatawagin niya ang aking pangalan. Alam ko, mahal ko si Hazel.

“Tell me, you don’t love me and I won’t ask you again.” Natigil ang aking pag-iisip sa tinig na iyon ni Betty. “Hinding-hindi na kita kukulitin…..hindi na rin ako magpapakita sayo….KAHIT KAILAN!” dugtong pa niya.

“Betty, wag ka namang ganyan…. You’re still my friend… ayokong masira ang pagkakaibigan natin dahil dito.” Mahinahon kong sagot. “I love you…. As a friend… but you are special!”

“Ok, fine! Goodbye Anton!”

“Betty-”

Tinapos na niya ang pag-uusap namin. Mabilis niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng bahay. Matapos ay padabog niyang isinara iyon. Nang marinig kong ini-lock niya ito ay umalis na rin ako at sumakay ng taxi.

Tahimik ang paligid ng umuwi ako sa bahay. Nagbihis lang ako ng pantulog at nagsipilyo bago humiga sa kama. Hindi pa rin maalis sa akin ang pangyayari ngayong buong maghapon. Paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang halik ni Betty kaninang tanghali. Parang may excitement na nabubuo sa aking dibdib. Napapangiti akong mag-isa hanggang sa makatulog ako. Pero kapag nakikita ko sa aking imahinasyon ang mukha ni Hazel, lalo akong nae-excite.

“Kuya! Kuya!” nagising ako sa tinig na iyon ni Alex. “Hindi ka raw ba papasok?”

Nagulat ako. Bigla akong bumalikwas. Tingnan ko ang oras. Pasado alas siyete na. Nagtaka ako kung bakit hindi nag-alarm ang cellphone ko. Ngunit bigla kong naisip, hindi ko pala nai-set kagabi. Dali-dali akong naligo. Hindi na ako nag-almusal dahil lalo lang akong male-late. Nagmamadali akong lumabas ng bahay.

“Anton!” narinig kong tawag ni itay ng makalabas ako. Lumingon ako sa kanya. “Hindi ka mag-aalmusal?” tanong niya.

“Hindi na po ‘tay, male-late na po ako!”

“E ano naman ngayon, last day mo na naman bukas ah!”

Bigla akong napaisip. ‘Oo nga naman’ sa isip ko. Pero hindi ko talaga alam kung bakit kailangan kong magmadali. Gusto ko nang makita si Hazel? Siguro nga. “Doon na lang po ako mag-aalmusal. May aasikasuhin pa ako eh. Sige po, alis na po ako.”

“Ikaw ang bahala.”

Mag-aalas otso na nang marating ko ang opisina. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit sa stock room at mabilis kong nilinis ang paligid. Isa-isa nang nagdadatingan ang mga empleyado. Hindi pa ko nangangalahati sa ginagawa ko. Uunahin ko na lang ang banyo. Mamaya na lang dito. Palakad-lakad kasi ang mga tao, hindi ko malilinis iyon ng maayos.

Nang matapos kong linisin ang CR ay lumabas na ako. Alas otso y medya na. Alam kong naroon na ang lahat. Nagtungo ako sa hallway upang i-check kung nakapasok ba sina Romer at Edwin. Excited na rin akong malaman ang nangyari sa kanila.

Dahan-dahan pa akong nagtungo sa upuan ni Romer pero wala rin naman akong natagpuan doon. Naka-off ang monitor ng pc nya. Ibig sabihin, hindi talaga sya nakapasok. Sunod ay nagpunta ako sa pwesto ni Edwin. Ganoon din… wala sya. Bumuntong hininga ako. Tawagan ko kaya?

Dinukot ko sa bulsa ko ang cellphone at akmang ida-dial ko nang bigla kong napansin na naka-off ito. Ini-on ko ito at saka ko na lang nalaman na low batt pala.

Nagtungo ako kay Betty. Pakikiusapan kong tawagan at balitaan sila pero laking gulat ko nang malaman kong wala si Betty sa upuan nya. Naka-off din ang monitor. Biglang bumalik sa isipan ko ang sinabi niya sa akin kagabi na hindi na siya magpapakita sa akin. Parang gusto ko tuloy sisihin ang sarili ko dahil ako ang nagyaya sa kanilang mag-inuman.

Isa na lang ang pag-asa ko… si Hazel.

Dali-dali akong nagtungo sa table ni Hazel at laking tuwa ko nang makita siya roon.

“Good morning Hazel!” nakangiting bati ko sa kanya.

“O, Anton, ba’t nandito ka?” gulat na tanong niya.

“Bakit? Hindi naman ako nagpuyat kagabi ah!”

“No! what I mean is… hindi ka nagpunta sa ospital?”

Biglang nagtayuan ang balahibo ko nang sa aking narinig. Bumilis ang tibok ng aking dibdib. “S-sinong nasa ospital?”

Tiningnan ako ni Hazel na tila nagtatanong. “You mean… hindi mo alam?”

“Ang alin?”

“Naaksidente si Romer kagabi. Nandun sya ngayon sa ospital. Malala daw ang lagay.”

“Ano???!!” para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig kong iyon. Mas lalong bumilis ang kabog sa aking dibdib. “A-Anong nangyari?”

“Tumawag sa akin si Edwin kagabi, ayaw naman sabihin ang nangyari, ang sabi lang, nasagasaan daw. Sabi nya, tatawagan ka na lang daw pero….. weird!”

Muli kong dinukot ang cellphone ko. “Kagabi pa siguro drained ang cellphone ko.”

“Ahhh.. kaya pala… ”

“So, nandun din si Betty?”

“Si Betty? Hindi ko alam… pero.. wala yata. Puntahan na lang natin mamayang hapon. Dalawin natin si Romer.”

“Sige.” Tumalikod na ako kay Hazel. Lumilipad ang aking isipan habang naglalakad patungong stock room. Ano kaya ang nangyari sa kanila kagabi? Bakit kakaiba ang kutob ko? Nasaan kaya si Betty? Alam nya kaya ang nangyari? Marahil ay naroon siya sa tabi ni Romer ngayon at inaasikaso niya ito.

Pagdating ko sa stock room ay dali-dali kong kinuha ang spare na charger ko at isinaksak agad iyon. Naghintay lang ako ng ilang minuto at idinial ko kaagad ang number ni Edwin.

“H-hello Anton!” sabi sa kabilang linya. Si Edwin. Malungkot ang tinig nito.

“Kamusta? Anong nangyari?” sabi ko.

“Mahabang kwento. Nandito ako ngayon sa Dela salle hospital. Hit and run. Pero nahuli naman yung nakabangga. Malala ang lagay ni Romer. Tinatawagan kita kagabi pero naka-off ang cellphone mo eh.”

“Pasensya ka na, na-low batt cell ko. Sinong kasama mo dyan?”

“Wala. Ako lang mag-isa, kaaalis lang ng magulang ni Romer.”

“Hindi nagpunta dyan si Betty?”

“Ha? Alam na ba nya? Tinatawagan ko rin sya kagabi, naka-off din ang cellphone nya.”

“Ano?!...s-sige.. pupunta kami ni Hazel dyan mamaya.”

“Ok. Salamat ‘tol… kailangan talaga kitang makausap pero hindi ito ang tamang oras… hihintayin kita mamaya.”

“Ok, sige, bye!”

“bye.”

















IKA-DALAWAMPU’T ANIM NA YUGTO


Buong maghapon kong iniisip ang mga pangyayari. Wala akong kaide-ideya sa mga naganap. Anong nangyari kay Romer? Bakit sya naaksidente? Paano nalaman ni Edwin na naaksidente si Romer? Isa pang nagpapagulo ng aking isip ay kung nasaan na si Betty. Kanina ko pa rin tinatawagan ang cellphone nya pero napudpod na ang daliri ko sa kaka-dial pero hanggang ngayon ay naka-off pa rin ang cellphone nya. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay kulang ang aking araw na wala si Betty. Nami-miss ko sya. Nasaan na kaya sya? Totoo kayang hindi na sya magpapakita? O di kaya’y naaksidente rin ito? Baka kinidnap ng mga Abu Sayaff? Naku, wag naman sana…. Wala sanang nangyaring masama sa kanya.

“Hoy Anton!” bigla akong nagulat sa tinig na iyon ni Hazel.

“H-Ha?”

“Ano ka ba? Tulala ka ah!” sabi niya. “Tinatanong kita kung anong oras tayo pupunta sa ospital.” Dugtong pa niya.

“Ha? Ganun ba? Sorry ha? N-nag-aalala lang ako kay Romer.”

Biglang nalungkot ang mukha ni Hazel. “Ako nga rin, sobrang nag-alala talaga ako kagabi.”

“Ano kayang nangyari sa kanya?”

“Ang sabi ni Edwin, hit and run daw. Pero nahuli din naman yung nakabangga.”

“Bakit naman sya nabangga? Lasing ba sila?”

Nagkibit-balikat si Hazel. “Malay ko. Hindi naman nya tinuloy yung kwento nya.” Walang reaksyon sa mukha ni Hazel. “Anong oras ba tayo pupunta?”

Saglit akong nag-isip. “Mga…” tiningnan ko ang orasan. “6:30 siguro. Tatapusin ko muna lahat ng trabaho bago ako aalis. Oks lang ba sayo?”

“Ok, no problem. Marami pa naman akong gagawin eh… kinuha ko na rin yung ilang documents sa table ni Betty. Ako na lang ang tatapos.”

“Sige, 6:30 na lang.” Sabi ko at tumalikod na sya sa akin.

Habang papalayo ay tinititigan ko si Hazel. Napakaganda talaga ng kanyang katawan. Ngunit ang ipinagtataka ko’y hindi ko lubos ba ramdam ang kilig sa ngayon. Marahil ay marami lang akong naiisip kaya walang dating sa akin ang kaseksihan ni Hazel.

Ipinagpatuloy ko ang aking sinimulan at minadali ko ang lahat upang makapagpahinga ako at nagplano akong kausapin si Hazel. Pagkakataon ko na ito para masarili ko sya. Tutal, maya-maya lang ay isa isa nang mag-aalisan ang mga tao sa paligid.

‘Ano ba iyang nasa isip mo Anton?’ tanong ko sa sarili ko. ‘malubha ang lagay ng isang kaibigan mo at hindi mo pa matagpuan ang isa pa… tapos kung ano ano ang iniisip mo?’

Hindi ko talaga alam kung kalokohan ba ang iniisip ko o nagkaroon lang ako ng lakas ng loob ngayon dahil alam kong maiiwan kaming dalawa ni Hazel. Kaming dalawa lang. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Panahon na! Bukas ay huling araw ko na sa opisinang ito. Sa susunod na araw ay ibang pakikipagsapalaran na naman ang aking haharapin.

Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan ni Hazel. Nanginginig ang aking mga tuhod. Malayo pa lamang ay naririnig ko na ang kanyng boses. May kausap siya sa phone. Saglit akong tumigil at nanatili sa kinatatayuan ko kung saan hindi ako nakikita ni Hazel. Tiningnan ko ang paligid at tiniyak na walang nakakakita sa akin.

“Pwede ba, tigilan mo na ako?” tinig ni Hazel. “Tama na! Nasaktan na ako!” tila alam ko na kung sino ang kausap niya sa telepono. Ang kanyang dating kasintahan.

“I’m inlove with somebody else ok?” mataas ang tinig ni Hazel. Biglang bumilis ang kabog ng aking dibdib sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o matutuwa. Masasaktan dahil may ibang mahal si Hazel. Pero bahagya namang natuwa dahil iniisip kong ako ang lalaking kanyang minamahal. Baka may gusto na rin sa akin si Hazel.

“Pwes, magdusa ka!” pasigaw niyang sabi sabay bagsak ng phone. Saglit na tumahimik.

Dahan-dahan akong lumapit kay Hazel.

“A-anton, kanina ka pa?” tanong niya.

“Ha? H-hindi. Napadaan lang ako. Ngayon lang.”

“Aalis na ba tayo?” tanong niya. Tiningnan ko ang oras. 6:15 na.
Saglit akong nag-isip. “Umm.. pwede na siguro. Mag-ready ka na at isosoli ko lang lahat ng mga gamit. Magpapalit na rin ako ng damit.”

“Ok.”

Habang nasa stock room ay paulit-ulit na bumabalik sa aking isip ang narinig ko kanina. Napapangiti ako dahil parang natitiyak kong ako nga yung tinutukoy ni Hazel.

TOK! TOK! TOK!

“Anton, tara na!” tinig ni Hazel mula sa labas.

“Nandyan na!” sigaw ko at minadali ko ang pag-aayos ng aking sarili. Tiningnan ko ang aking imahe sa harap ng salamin at ngayon ko lang napansin na parang nagbago nga ang itsura ko. Matapos kong tiyakin na ayos na ako ay binuksan ko ang pinto. Bumungad sa akin ang kagandahan ni Hazel. Napatingin siya sa akin. Nagtama ang aming paningin. Kakaiba ang aking naramdaman. Bumilis ang tibok ng aking puso. Maraming bagay ang naglaro sa aking isipan. Walang ibang tao sa opisina kundi kami lamang dalawa. Tila nahihigop ako sa ganda ng kanyang mukha. Hindi pa rin naalis ang malagkit na tingin niya sa akin. Unti-unti niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Papalapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Lalong lumalakas ang kabog ng aking dibdib. Nanginginig ang aking tuhod. Ilang dangkal na lamang ay magdidikit na ang aming mga labi. Ang matagal ko nang pinananabikang mangyari. Ramdam ko na ang kanyang hininga. Papalapit na ng papalapit.

TOK! TOK! TOK!

“Anton! Ano ba?”

Biglang bumalik sa katotohanan ang paligid. Nakaharap ako sa salamin at ini-imagine ang kagandahan ni Hazel. Dali-dali kong binuksan ang pinto at tinungo si Hazel.

“S-sorry ha? N-niligpit ko pa kasi yung mga gamit.”

“May magagawa pa ba ako?”

PANAY ang tingin ko kay Hazel habang nasa jeep. Bagamat hindi kami magkatabi ay parang mas satisfied ako sa ganoong sitwasyon dahil sa pwesto namin, kitang kita ko ang kagandahan niya. Magkaharap kasi kami. Napapansin ko ring panay ang tingin ng iba pang kalalakihan kay Hazel. Nakababa kami ng jeep ng halos hindi ko inaalis ang aking tingin sa kanya.

“Ano ka ba, panay ang tingin mo. Nako-conscious tuloy ako.”
“Ha? Sorry ha? I didn’t mean to-”

“Ok lang.” Hindi na niya pinatapos ang pagsasalita ko. “Bakit mo ba ako tinitingnan?”

Nagulat ako sa tanong niyang iyon. “H-Ha? W-wala. Wala naman. Masama ba?”

“Hindi naman. Pero syempre may dahilan ang isang tao kung bakit kakaiba ang tingin niya.”

“Ako, wala naman”

Tiningnan niya ako na parang hindi naniniwala.

“Ok, nagagandahan ako sayo. Yun lang.”

“Maganda ba talaga ako?” tanong niya. Tumango ako. Nagtama ang aming paningin. Saglit kaming tumigil sa paglalakad. Naroon kami sa may eskinita at walang masyadong tao doon.

“Hindi lang maganda…..napakaganda….para kang Diyosa.” Hindi ko alam kung bakit ko nasabi sa kanya iyon pero halata ko ang pamumula ng kanyang pisngi. ‘ano bang nangyayari sa’yo Anton? Adik ka ah!’ sa isip ko.

Hindi na naghiwalay ang aming paningin. Kapwa kami na-magnet ng sa isa’t isa. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Parang gustong sumabog. Lalo na nang maramdaman kong unti-unting naglalapit ang aming mukha. Napapikit ako. ‘Kung panaginip lang ‘to, ayaw ko nang magising.’ Sa isip ko.

Bigla’y naramdaman kong naglapat ang aming mga labi. Damang-dama ko ang lambot niyon. Wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na kabog ng aking dibdib.

Saglit na pagdampi lamang iyon ngunit pakiramdam ko ay napakatagal. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay muling nagtama ang aming paningin. Nakangiti si Hazel. Gumanti din ako ng ngiti.

Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Betty. Ang excitement na nadama ko sa halik ni Betty ay kakaiba. Pakiramdam ko ay may kulang sa halik ni Hazel. Matagal ko nang pinanabikan ang halik na ito ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay parang kakaiba ang halik ni Betty. Parang mas exciting.

Magkahawak-kamay kaming naglakad. Pakiramdam ko ay mag-syota kami. Bumili kami ng mga prutas bago tumuloy sa ospital. Habang papalapit ay pabilis ng pabilis ang aming hakbang. Kapwa kami sabik na masagot ang mga katanungang naglalaro sa aming isipan. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Romer na nakahiga sa kama habang si Edwin naman ay nakaupo sa tabi nito. Nakatungo ito na at tila natutulog. Napansin kong hawak ni Edwin ang kamay ni Romer. Marahan kaming naglakad ni Hazel papalapit sa kanila.

Biglang napabalikwas si Edwin. At humarap sa amin. “K-kanina pa kayo?” tanong niya.

“Kadarating lang namin.” Sagot ko habang inaabot ko ang prutas sa kanya.

“Ano bang nangyari?”

Natigilan si Edwin. Tumingin sa akin tapos ay tumingin kay Hazel. Bumuntung-hininga siya. “I don’t know how to start this….but since kayo lang ang pwede kong mapagsabihan nito, siguro dapat ko na lang tanggapin.”

Nagkatinginan kami ni Hazel.

“S-si Betty nga pala, bat hindi nyo kasama?”

“Hindi ko nga alam kung ano na ang nangyari dun. Bigla na lang nawala. Hindi rin makontak.”

“Bakit? Sino bang huling kasama niya?”

“Ako.” Sagot ko. “Pero ok naman sya nung ihatid ko.”

“Baka naman may emergency lang sa bahay nila.”

“Kung emergency, dapat tumawag na yun.” Si Edwin.

“Teka, mamaya na muna yan, ano nga ang nangyari kagabi?” pinutol ni Hazel ang usapan namin.

Sumeryoso ang mukha niya. “Tara, doon tayo.” Niyaya nya kami sa may sofa at naupo kaming lahat doon. “Bago ko ikwento sa inyo, hinihiling ko lang na… sana, wag nyong isipin na masama akong tao.”

“Sobra ka naman… syempre hindi.” Si Hazel.

Katahimikan.

“K-Kagabi, pag-alis nyo-” simula niya. “Nagdagdag pa kami ng beer. Tapos, kwentuhan habang hinihintay ka namin” tumingin siya sa akin. “Tapos, nung sinabi niyang hindi ka na daw babalik, niyaya ko na syang umuwi. Pero sabi niya, may sasabihin pa daw sya. Tapos, tinanong ko kung ano, ang sabi niya, importante daw. Dahil sa lakas ng tugtugan sa loob, dun na kami sa labas nag-usap. Habang naghihintay ng taxi. Tapos-”

Saglit na katahimikan. Muli siyang tumingin sa amin.

“Tapos ano?” tila sabik na tanon ni Hazel.

Biglang nalungkot ang mukha ni Edwin. Muli siyang nagbugtong-hininga. “Tapos sinabi niyang-” tumignin siya sa akin. “He is a gay!”

Nagkatinginan kami ni Hazel.

“At matagal mo na daw alam yun, Anton.” Seryosong sabi ni Edwin.

“Tapos, anong nangyari?” tanong ko.

“Nung una, hindi ako naniwala. O ayaw ko lang talagang paniwalaan. Ayaw ko lang sigurong tanggapin. Sabi ko pa… tol, wag kang magbiro ng ganyan. Hindi nakakatawa… pero seryoso naman ang mukha nya kaya medyo nag-aalangan na ako. Tapos-“ saglit siyang tumigil. “Tapos sinabi niyang mahal nya raw ako noon pa. Matagal na daw. Lahat daw ng pinagsamahan namin ay isang treasure para sa kanya. Syempre nagulat ako…. Natulala… hindi ko alam ang aking gagawin. “Tapos-” Biglang tumulo ang luha sa pisngi ni Edwin. “Hinalikan niya ako! Tapos paulit-ulit niyang sinabing mahal nya ako.”

Kapwa kami nagulat ni Hazel.

“Sa sobrang gulat ko-“ patuloy ni Edwin. “Naitulak ko sya ng malakas. Sakto namang may paparating na sasakyan kaya-” hindi na naituloy ni Edwin ang pagsasalita niya dahil humagulgol na ito. Yumakap siya kay Hazel at ipinagpatuloy ang pag-iyak. “Kasalanan ko..huhuhu.. kasalanan ko!!!” patuloy sa pag-iyak si Edwin.

“Ssshh… it’s not your fault Edwin, it’s an accident.” Niyakap ni Hazel si Edwin.

Tumagal ng ilang minuto ang ganoong sitwasyon hanggang sa kumalma ang pakiramdam ni Edwin. Dama naming lahat ang lungkot sa aming mga dibdib. Tiningnan ko si Romer. Hindi ito kumikilos.

Umalis sa pagkakayakap si Edwin at tumignin sa aming dalawa ni Hazel. “Pero alam nyo kung anong mas malala?”

Nagtaka kami ni Hazel. Hindi namin alam ang gustong sabihin ni Edwin.

“Nung hinalikan nya ako-” patuloy ni Edwin. “Kakaiba ang dating sa akin. Parang-” huminga siya ng malalim. “Parang gusto ko. Parang masarap… ewan ko ba”

Lihim akong natuwa. Tiningnan ko si Hazel at tiyak kong ganoon din ang kanyang naramdaman.

“Tapos nung ipinasok na siya dito, mula sa operating room, doon ko nalaman na-” tumayo siya at lumapit kay Romer. Hinawakan niya ang kamay nito. “Mahal ko pala sya. No matter who he is! No matter what you say about us.”

Tumayo ako at lumapit kay Edwin. “We are proud of you both.”

“Tama si Anton. Masaya kami para sa inyong dalawa.” Sabi ni Hazel habang papalapit sa amin.

“Salamat.” Ngumiti si Edwin. “Alam mo Anton, ngayon ako naniniwala na, hindi mo malalaman na mahal mo ang isang tao hanggat nandyan sya sa tabi mo. Nung akala kong mawawala sya sa akin, panay ang dasal ko at hiling na wag sya ilayo sa akin.” Hindi ko na naintindihan pa ang mga sumunod na sinabi ni Edwin. Lumayo ang aking isipan. Tinamaan ako sa sinabi ni Edwin. Tama sya. Hindi ko malalaman na mahal ko ang isang tao hanggat narito sa aking tabi.

Bigla kong naisip si Betty. Ngayong wala sya sa tabi ko, bakit ganito ang pangungulila ko? Bakit lubos-lubos ang pag-aalala ko? Tiningnan ko si Hazel at tiniyak ang nararamdaman ko sa kanya. Ipinikit ko ang aking mata at pinakinggan ang sasabihin ng aking puso. Muling nanumbalik sa aking alaala ang kanilang mga halik.... ang mga labi ni Betty, laban sa mga labi ni Hazel. Muli kong naalala ang huling halik namin ni Betty. Sa loob ng stock room matapos naming mananghalian kasama ang buong barkada. Kakaiba ang pakiramdam ko noon. Tila damang-dama ko ang lambing na hatid ng malambot na labi ni Betty. Naguguluhan lang ako sa pakiramdam ko noon dahil siguro alam kong gusto nya ako at ayaw ko sigurong isipin na pinagsasamantalahan ko ang pakiramdam niyang iyon.

Si Betty.

Si Hazel.

Idinilat ko ang aking mata at tiningnan si Hazel. Napakaganda niya… sexy… pero iyon lang siguro ang talagang hinagangaan ko sa kanya… ang kanyang kagandahan. Ang halik na nadama ko sa kanya ay kulang sa pagmamahal.

Ngayon, nakatitiyak akong….. MAHAL KO SI BETTY!!! Hinding hindi ako maaring magkamali. Si Betty ang mahal ko!

Tila nanumbalik sa kasalukuyan ang aking isip at muli kong narinig ang mga sinasabi ni Edwin.

“Mahal ko si Romer.” Sabi niya sabay hawak sa kamay ng nakahigang si Romer.

Biglang kumilos ang kamay ni Romer. Sabay-sabay kaming napatingin dito. Iginalaw din nito ang kanyang ulo. Marahan lamang at tila pilit niyang iminumulat ang mga mata.

“Romer?” nakangiting sabi ni Edwin. “Wag mo munang pilitin. Magpahinga ka muna. Mahal kita Romer. Mahal na mahal.” Bulong ni Edwin sabay halik sa labi nito.

Lumapit ako kay Edwin at hinawakan ko sya sa balikat. “Edwin, I’m really happy for you… sorry pero…I have to go…babalik na lang ulit ako rito.”

“S-san ka pupunta?” nag-aalalang tanong ni Hazel.

“Hahanapin ko si Betty.”

“Sasama ako!” sabi ni Hazel.

Saglit akong natigilan at napaisip. Huminga ako ng malalim. “Wag na. Samahan mo na lang si Edwin.”

“P-pero Anton-”

Saglit akong tumigil at humarap ako kay Hazel. “Hazel, napakatagal kong itinago ang paghanga ko sa’yo.” Bahagyang napangiti si Hazel. “At dahil sa paghangang iyon, hindi ko napansin ang pagmamahal ko sa isang tao na matagal na palang nakatago.”

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Hazel.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ko si Edwin at Hazel. “Tulad ng sinabi ni Edwin, hindi mo malalaman na mahal mo ang isang tao hanggat hindi ito nawawala sa tabi mo.” Paliwanag ko.

“And?”

“At ngayon ko na-realize na – mahal ko si Betty.”

Kapwa nabigla sina Edwin at Hazel.

“I’m sorry. I have to go.” Tumalikod ako at lumakad papalayo.
“Ingat ka tol!” Pahabol ni Edwin.

Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon ni Hazel. Tanging si Betty na lamang ang nasa isip ko ngayon.

Isa lang ang lugar na nasa isipan ko. Ang apartment ni Betty. Kung wala man siya doon, sigurado akong naroon ang kanyang kapatid at alam nito kung nasaan si Betty. Pumara kaagad ako ng taxi at tinungo ang lugar na iyon.

Tahimik ang paligid nang marating ko ang apartment. Sarado ang bintana at ang pinto. Tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo. Nawalan na ako ng pag-asa. Nakatayo ako sa harapan ng bahay at nangingilid na ang aking luha. Hindi ko pala kayang mawala sa aking tabi si Betty. Sinisisi ko ang aking sarili dahil pinakawalan ko pa ang pagkakataong iyon.

“Tao po! Tao po!” kahit nawalan na ako ng pag-asa ay sinubukan ko pa ring kumatok. Kung wala mang tao doon, maaring marinig ako ng kapitbahay at maaring alam nila kung nasaan ang mga tao roon.

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso ng makarinig ako ng kaluskos mula sa loob ng bahay. Naroon si Betty!

Ilang saglit pa’y nakarining ako ng mga yabag na papalapit sa pinto. Tapos ay bumukas iyon at iniluwa ang isang babaeng mas may edad kaysa kay Betty. Alam kong iyon ang kanyang kapatid dahil kahawig niya ito. Pupungas-pungas ito at halatang kagagaling lang sa pagkatulog.

“S-sino pong kailangan nila?” tanong nito.

“Pasensya na po. Nandyan po ba si Betty?” magalang kong tanong.

“Ahh… wala sya dito eh. Umalis sya kaninang madaling araw. Nagmamdali nga eh.”

“Ganun po ba? San naman sya pupunta?”

“Hindi nya sinabi eh. Sabi nya, kung may maghanap daw sa kanya, sabihin lang na wag nang mag-aksaya ng panahong hanapin sya.” Saglit na tumigil ang babae. “Sino po sila?”

“A-ako si Anton. Kaibigan nya.”

Saglit na nag-isip ang babae. Biglang nagbago ang itsura nito. Ngumiti ito sa akin. “Ah, ikaw pala si Anton? Halika pasok ka, may ipinabibigay sya sa iyo.”

Lihim akong natuwa. Hindi iinaasahan iyon. Sumunod ako sa babae at pumasok sa bahay.

“Pasensya ka na ha? Maaga talaga akong natutulog. Maaga pa kasi akong gigising bukas eh. Maupo ka muna” Sabi nito at tumuloy sa cabinet.

“Ok lang. Ako nga dapat ang humingi ng dispensa dahil sa istorbo.” Sabi at umupo ako sa sofa.

Maya-maya ay lumapit ito sa akin bitbit ang isang sobre. “Eto, sabi niya, ibigay ko daw ito sa iyo kung sakaling pupunta ka dito.”
Biglang nalungkot ang aking pakiramdam. Alam ko na ang nilalaman ng sulat na iyon. Ang kanyang pamamaalam at alam kong sisisihin niya ako sa sulat na iyon. Inabot ko ang sobre.

“Pano, hindi na rin ako magtatagal. Aalis na rin ako. Pasensya na ulit sa istorbo ha?”

“Ok lang yun.”


Malungkot akong umuwi sa bahay. Sinalubong agad ako ng aking mga kapatid.

“Pasalubong ko kuya?” sabi ni Alex.

“Ha? Naku sorry, sarado na kasi yung tindahan eh. Bukas na lang ulit ha?”

“Ay ang daya naman.”

“Sorry na nga eh.” Dumukot ako sa bulsa at inabutan ko sya ng pera. “O eto, magpasama ka na lang kay ate, bumili kayo sa tindahan.” Ngumiti siya at kinuha ang pera sabay takbo sa katabing tindahan. Nagtuloy ako sa kwarto.

“Hindi ka kakain?” tanong ni itay na nasa mesa.

“Busog po ako.” Matamlay kong sagot at nagtuloy ako sa kwarto. Alam kong naiintindihan ako ni itay.

Humiga ako sa kama at kinuha ko ang sobre na nasa bulsa ko. Tiningnan ko iyon. Hindi ko planong buksan iyon dahil ayoko nang masaktan pa. Inihagis ko lang iyon sa bedside table at ipinikit ko na ang aking mata. Muling nagbalik sa akin ang matatamis na alaala namin ni Betty. Lahat-lahat ng aming nakaraan. Hanggang hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.


Iminulat ko ang aking mata. Tiningnan ko ang sobre sa mesa. Pinagmasdan kong mabuti. Tila na-curious ako kung ano ang nilalaman niyon. Bumangon ako at kinuha ko iyon tapos ay umupo ako sa gilid ng kama. Maingat ang kilos ko upang hindi ko maistorbo ang aking mga kapatid na natutulog. Ito na ang huling araw ko sa opisina. Napakalungkot na pagpapaalam.

Huminga ako ng malalim habang unti-unti kong binubuksan ang sobre. Alam kong masasakatan lang ako pero gusto kong mabasa ang huling mga mensahe ni Betty.

Sinimulan ko ang pagbabasa ng sulat at tama nga ang aking hinala. Ito ang nilalaman ng sulat:

Mahal kong Anton,

Alam mo kung gagano kita kamahal. Sayang lang at hindi mo nasuklian ang nararamdaman ko sa iyo. Wag kang mag-alala. Hindi kita masisisi kung talagang wala kang pagtingin sa akin. Hindi siguro tayo ang para sa isa’t isa. Sana ay maging maligaya ka sa pipiliin mong pag-ibig. Magtagumpay ka sana sa iyong hangarin.

Tama ang hinala ko. Ito nga ang nilalaman ng kanyang sulat. Hindi ko na sana itutuloy pa ang pagbabasa ngunit mayroong bumubulong sa akin na tapusin ko na ang may kahabaang sulat na iyon. At bigla’y natuwa ako sa mga sumunod kong nabasa. Narito ang mga sumusunod:

Masakit para sa akin ang lumayo at iwanan kayo. Minsan lang ako nagkaroon ng kaibigang tila mga kapatid ang turing sa akin. At dahil sa kalungkutang ito, naisip kong magpakalayu-layo. Wag mo na sanang itanong sa aking kapatid kung saan ako pupunta dahil hindi niya alam na pupunta ako sa lugar kung saan ako ipinanganak. Pagsakay ko ng taxi patungo sa terminal sa Alabang, sasakay ako bus na patungo sa Batangas City at doon ko na lang ibubuhos ang sakit na aking nararamdaman. Pagbaba ko sa terminal ng Batangas ay dadalhin ko ang lungkot na iyon at sasakay ako ng jeep patungo sa napakalaking simbahan kung saan ako bininyagan. Tapos ay maglalakad ako sa may park habang iniisip ko ang ating mga nakaraan. Sa kabilang kalye ay naroon ang paradahan ng tricycle at doon ko na ako maghahanap ng kapayapaan ng aking kalooban. Hindi ko na sasabihin sa tricyle driver ang saktong lugar na bababaan ko dahil kilala naman doon ang aking tiyuhin na kapitan ng baranggay na iyon. Doon ko na lamang ipapahinga ang aking nasasaktang damdamin. Paalam Anton.

Nagmamahal,
Betty
Halos mapatalon ako sa sobrang tuwa ng mabasa ko ang kabuuan ng sulat ni Betty. Nagmamadali kong inayos ang aking sarili at nanginging pa ang buo kong katawan sa kasabikan kay Betty.

Ilang saglit pa ay maayos na ako at halos patakbo akong lumabas ng bahay bitbit ang sulat ni Betty. Iisa lang ang nasa isipan ko. Si Betty…..Ang aking mahal na si Betty.

Halos hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na bumababa sa tricycle kung saan nakatira ang kapitan ng baranggay doon. Hindi naman mahirap tuntunin dahil maayos ang pagkakalarawan ni Betty sa lugar.

Sa di kalayuan ay natanaw ko na agad ang isang dalaga na nagsasampay ng mga damit sa labas ng isang malaking bahay. Tiyak na tiyak akong si Betty iyon. Hindi ako nagkakamali. Halos patakbo kong nilapitan ang babaeng iyon at nagtago ako sa likod ng nakasamapay na kumot. Mabilis ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Tila sasabog ang buo kong katawan sa sobrang panginginig. Inabangan ko si Betty sa may dulo ng sampayan. Ilang saglit pa’y naroon na siya sa tapat ng kinatatayuan ko. Bigla kong hinawi ang kumot at nakita ko ang pagkabigla ni Betty. Napakaganda talaga niya. Tila natulala siya sa pangyayari.

“A-Anton?” nalilitong sabi niya. Hindi siya makapaniwala.

“Ako nga.” Nakangiti kong sabi. “Surprised?” dugtong ko pa.

“Papaano mong-”

“Ssshhh… no need to explain.” Sabi ko sabay lapit ng aking hintuturo sa kanyang labi. “Betty…” saglit akong tumigil at tiningnan kong mabuti ang maganda niyang mukha. “I love you!” bulong ko sa kanya at unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kanya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ganoon rin ang aking ginawa. Papalapit ng papalapit ang aming mga labi ng bigla nya akong itinulak.

“Teka, anong gagawin mo? Hahalikan mo ako?” tanong ni Betty. Nagulat ako at ako naman ang natulala ngayon.

“B-bakit?” tanong ko.

“Anong bakit ka dyan? Hahalikan mo ako? Bakit? Boyfriend ba kita?”

“Ano?”

Tumalikod siya sa akin at lumakad papunta sa bahay. Nang makarating sa pinto ay muli siyang humarap sa akin. “Ligawan mo muna ako.” Tapos ay nagpakawala siya ng matamis na ngiti at tumuloy na siya sa loob. Kahit hindi makati ang aking ulo ay napakamot ako. Sinundan ko siya sa loob ng bahay. Nakaupo siya sa sofa sa malaking sala nila. Tumabi ako sa kanya.

“Paano ba manligaw? First time ko eh.”

“Aba ikaw ang bahala. Diskarte mo yan.”

Hinawakan ko ang kanyang kamay at humarap siya sa akin. “Betty-” sabi ko. “Sorry sa pagiging tanga ko at pagiging bulag ko. Hindi ko alam na ikaw pala ang tinitibok ng puso ko. Mahal na mahal kita Betty. Sagutin mo na ako. Please?”

Ngumiti siya sa akin at hinampas niya ng buong lambing ang aking noo. “Adik!” sabi niya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at mabilis ko siyang hinalikan. Sa pagkakataong ito’y nagtagumpay ako. Napakasarap ng halik na iyon. Damang-dama ko ang kalambutan at lambing ng kanyang labi.

“Ano, sinasagot mo na ba ako?” tanong ko sa kanya ng maghiwalay ang aming labi.

“Busted ka! Hahaha!” sagot niya at bigla’y hinila niya ako at muling hinalikan.


-END-

















EPILOGUE

Ilang taon ang lumipas at naging masaya ang aming pagsasama ni Betty. Bawat araw ay naging kapana-panabik sa amin. Nag-aral ako ng kolehiyo habang siya ay nagtatrabaho pa rin sa opisina kung saan kami nagkakilala.

Ngayong tapos na ako sa Civil Engineering course, maraming offer ang pinagpipilian ko mula sa iba’t ibang construction company. Iba na talaga kapag Summa cum laude. Pero bago iyon, narito ako ngayon sa tapat ng simbahan at hinihintay ko ang aking bride. Ang pinakamamahal kong si Betty. Narito sa aking tabi si Hazel at ang boyfriend nyang si Jeric na naging faithful sa nakalipas na mga taon. Narito rin sina Romer at Edwin na umuwi ng pinas para umattend ng kasal ko. Three years na kasi silang nakatira sa California. Nagpakasal sila doon kung saan legal ang same sex marriage. Narito rin si itay na bakas na bakas ang lubos na kaligayahan kasama ang aking mga kapatid na sina Alex, ang aking bestman… at si Arluwin.. isa sa mga bridesmaid.

O pano, eto na ang aking bride… salamat sa pagbibigay ng oras sa istorya ko… muli po, ako si Antonio Legaspi, nagpapaalam na sa inyo…. Salamat pong muli….

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento