Linggo, Disyembre 27, 2009

Soneta

PANIMULA

Sa isang abandonadong bahay, sa Homecity Subdivision, nakahelera ang apat na binatilyo. Kapwa nakapiring ang kanilang mga mata at nakagapos ang mga kamay. Nakaharap sila sa maruming pader na tanging mga underwear lang ang suot.

PAK! PAK! PAK! PAK!

Tig-iisang hagupit sa likuran ng kanilang mga hita ang bumasag sa katahimikan ng gabi. Napasigaw sila sa sakit. Ang isa’y halos napaluhod sa sakit na naramdaman ngunit pinilit niyang huwag bumagsak dahil sa oras na mangyari iyon ay doble ang matitikman niyang hagupit.

“Ano ang pinakamatatag na kapatiran?” sigaw ni Luther habang nakaharap sa apat na kalalakihang iyon.

Sabay sabay namang sumagot ang mga iyon “GAMMA NEO RHO!!!”

“Hindi ko marinig!” si Luther muli.

“GAMMA NEO RHO!!!” mas malakas na ang mga tinig na iyon.

PAK! PAK! PAK! PAK!

Muling lumatay sa kanilang mga hita ang paddle na hawak ng binata.

TUTUUUTTT!!! TUTUUUUTTT!!!

Natigil ang lahat ng biglang tumunog ang cellphone ni Luther. Dinukot niya iyon sa kanyang bulsa. “Hello?” sabi niya…”Ok.......O sige…….bye!” binitiwan niya ang hawak na paddle at tinawag si Keno at binulungan. “Kalagan nyo na ang mga iyan at dalhin sa kwarto. Alam nyo na ang gagawin nyo.” Tumango tango lamang si Keno. “Aalis na ako. ‘Kita na lang tayo bukas” at tuluyan nang iniwan ni Luther ang mga bagong kasapi sa kanilang grupo. Naiwan sina Keno at ang mga dating miyembro. Kinalagan nila ang apat na binatilyo at isa-isang binuhusan ng tubig. Hinagisan ng towel at kanya kanyang punas sa katawan.

“Magpatuyo na kayo at pumasok sa kwarto para sa huling level ng initiation nyo.” Sabi ni Keno. Nanlalambot man ang mga iyon ay wala silang magawa kundi sundin ang utos ng kanilang lider. Iika-ikang pumasok ang mga iyon sa kwarto at binalot ng takot sa pag-iisip ng kung anong huling gagawin sa kanila. Ang isa ay gusto nang sumuko. Buti na lang at nakumbinsi siya ng isa pang kasama na ituloy ang nasimulan na. nakaupo silang lahat sa sahig na nilatagan ng banig, hubo’t hubad, nang biglang pumasok si Keno bitbit ang paddle na ginamit ni Luther kanina. Nanlaki ang mga mata ng mga binatilyo.

“Handa na ba kayo sa huling pagsubok?”

“OPO!” halos sabay sabay nilang sagot. Malakas ang kabog ng kanilang mga dibdib. Pilit na inihahanda ang sarili sa huling pagsubok na iyon. Sa huling sakit na ibibigay ni Keno.

“Humiga kayo ng nakahilera at ipikit nyo ang mga mata nyo. Kapag nakita ko kayong dumilat, alam nyo na ang gagawin ko sa inyo” utos ni Keno at sinunod naman iyon ng mga binata. Humiga sila ng nakahilera at ipinikit ang mga mata. Kapwa takot na takot sa susunod na mangyayari.

Ilang saglit pa ay naramdaman ng mga binatang may kung anong gumagalaw sa kanilang private parts. Kakaiba iyon. Tila masarap sa pakiramdam.

“Pwede na kayong dumilat” muling utos ni Keno at sabay sabay na dumilat ang mga iyon. Nagulat sila sa kanilang nakita. Tig-iisang babae sa kanilang harapan. Nakasuot ng mga seksing damit. Bagamat mukhang may edad na ang mga ito ay hindi naman halata dahil sa kapal ng kanilang make-up. Nakasubo ang mga bibig nito sa kanilang mga ari. Hindi makapaniwala ang apat na binatilyo. Hindi maitago ang ngiti sa kanilang mga mukha.

“Congrats! Miyembro na kayo ng Gamma Neo Rho” nakangiting sabi ni Keno.

“Pagkatapos nyo dyan, si Emil na ang bahalang ituro sa inyo ang lahat tungkol sa ating kapatiran. At si Jun naman ang bahala sa paglalagay ng simbulo sa inyong katawan.” At tuluyan nang lumabas ng kwarto si Keno at isinara niya ang pinto.
















CHAPTER 1


TOK! TOK! TOK!

“Ren, iha! Ren anak…” ginising si Jeri ng marahang katok ng kanyang inay sa kanyang kwarto. Pupungas-pungas niyang tiningnan ang orasan sa mesitang katabi ng kama nya. Alas otso kinse pa lang, bakit ang aga yatang manggising ng kanyang inay? Wala namang pasok ngayon ah! Parang lasing na tinungo ni Jeri ang pinto at binuksan iyon.

“May bisita ka anak, nandun sa sala” sabi ng kanyang inay.
Tila nagulat si Jeri, “Sino naman yun? Ang aga aga naman” at naghikab ito sa harap ng ina. “Inaantok pa ako eh!”

“Abogado. Gusto ka raw kausapin.”

Lalong ikinagulat ni Jeri ang balitang iyon ng kanyang ina. “Abogado? Anong problema? Teka, sige, susunod na ako.” Tila natarantang sagot ng dalaga. muli niyang sinara ang pinto at dali-dali siyang nagtungo sa banyo upang maghilamos at magsipilyo. Minadali rin niya ang pagpapalit ng kanyang pantulog at saglit na sinuklay ang buhok bago tuluyang lumabas ng munting kwarto. Nadatnan niyang kausap ni Aling Virgie ang kanyang bisita. Napatingin ito sa kanya.

“Narito na pala sya.” Nakangiting sabi ng kanyang inay. “Maiwan ko muna kayo at maipagtimpla ko tuloy kayo ng kape.” At tumayo ito at nagtungo sa kusina. Tumayo rin ang kanyang bisita.

“Good morning Ms. Jearaine Corpuz! I’m Atty. Matt Legaspi. And I’m here to give you good news!” nakangiting bati ng kanyang bisita at iniabot ang kamay sa dalaga.

Nakipagkamay naman ang dalaga at ngumiti sa abogado. “Good morning din po! Maupo po kayo!” halos sabay na naupo ang dalawa. “Ano po bang balita yun?”
Kinuha ng abogado ang bitbit na attaché case at inilapag iyon sa kanyang hita. Binuksan niya at kinuha ang ilang piraso ng papel at muling isinara iyon. Iniabot niya sa dalaga ang papeles na iyon.

“Ano po ito?” curious na tanong ni Jeri.

“Yan ang mga katibayan ng pag-transfer mo sa St. Ruiz University”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga “St. Ruiz?” tiningnan niya ang mga papeles.

“Pero hindi namin kaya ang tuition dun!”

Umayos ng upo ang abogado, “Wala kang dapat na bayaran. It’s fully paid! It’s all in that papers” at ngumiti ito sa dalaga.

“Ano ‘to? Charity? Sino naman ang may pakana nito? Wala naman akong sinalihang raffle ah!” hindi pa rin siya makapaniwala.

Dumating si Aling Vergie bitbit ang isang tray na may dalawang tasang kape at tinapay. “Mag-almusal na muna kayo.”

“Thanks.” Sabi ng abogado pagkaabot ng kape at muling humarap sa dalaga. “All I need is for you to sign the agreement Ms. Corpuz.”

Tiningnan niya ang nakangiting inay “Totoo ba ito inay? Papayag ba ako?”

“Nasa sa iyo yun iha. Di ba’t yan ang pangarap mo? Ang makapagtapos sa isang kilalang eskwelahan?”

“Pero sino nga ang may kagagawan nito? at ano ang kapalit?” nabago ang reaksyon ni Aling Vergie. Tama ang kanyang anak. Baka may kapalit nga iyon.

“Well, Ayon sa agreement, all you have to do is make sure na makakapasa ka. Yun lang!”

Umupo na rin si Aling Vergie sa tabi ng anak. “Sino po ba ang nagmagandang loob na nagbigay nito?”

“Mr. Manuel Suarez. Yun lang po ang impormasyong ipaalam ko sa inyo dahil mahigpit po niyang bilin na huwag magbabanggit ng tungkol sa kanya. I’m sorry.”

“May kilala ba kayong ganun nay?” usisa ng dalaga.
Umiling ang kanyang inay. “Wala akong natatandaang Suarez.” Tumingin ito sa
abogado. “Sigurado po ba kayong ang anak ko ang tinutukoy sa kasulatang iyan? Baka naman kapangalan nya lang.”

“Authenticated po lahat ng mga papel na iyan at lahat ng impormasyon ay tumutukoy sa inyong anak.”

Katahimikan.

“Attorney…” si Jeri ang bumasag ng katahimikang iyon. “Pwede po bang balikan nyo na lang ito at sa pag-iisipan ko muna?”

“It’s up to you iha. But I’m sure… you won’t regret it. bihira lang ang taong nabibigyan ng ganyang pagkakataon.” Sagot nito at tuluyang tumayo. “Well, I should be going by now. Babalik ba lang siguro ako after….” Tumingin ito sa dalaga na tila nagtatanong.

“One week” sagot ni Jeri.

“One week? Ganun katagal mong pag-iisipan yan?” gulat na tanong ng abogado.

“Inuulit ko Ms. Corpuz. This is a blessing. You should be thankful for that. Babalik ako bukas para hingin ang desisyon nyo. Either you take it or leave it.” muling ngumiti ang abogado. “Alis na po ako…. And...” tumingin sa dalaga. “see you tomorrow!” at tuluyan nang lumakad palabas ng pinto.

“Salamat po attorney!” pahabol ni Aling Vergie.

Parang natulala si Jeri at malalim ang iniisip. Naguguluhan siya sa nangyayari. Titig na titig siya sa papel na hawak niya ngunit tila wala doon ang kanyang isip.







CHAPTER 2

“Talaga?!” halos pasigaw na sabi ni Kathy. Ang bestfriend ni Jeri. Nasa kabilang linya sya ng cellphone. Tinawagan sya ni Jeri matapos ang pag-uusap nila ng kanyang ina. nagkasundo silang tanggapin ang alok ng abogado. Mag-aaral siya sa isang sikat na eskwelahan sa kanilang lugar.

“Oo Kath. Pagkakataon na rin kasi yon para sa akin.” Malungkot na tinig ni Jeri.

“So iiwan mo na pala kami”

“Grabe ka naman…hindi pa ako mamamatay noh?”

“Oo nga. Pero iiwan mo kami. Ang daya mo naman.” Tila nagtatampong ang boses ni Kathy.

“Sa campus lang naman eh. Syempre magkikita pa rin tayo. Hindi naman ako 24/7 dun noh?”

“Basta mami-miss kita.”

“Kath? Umiiyak ka?” usisa ni Jeri nang makarinig ng bahagyang paghikbi sa kabilang linya.

“Ikaw kasi eh!”

“Wag ka ngang ganyan. hindi pa ako mamamatay noh? Heller!!!”

“Mami-miss ko yung mga poems mo. Wala na akong tagagawa ng tula”

“Bakit, pag nag-transfer ba, hindi na pwedeng gumawa ng tula?”
Saglit na katahimikan.

“Isang sample nga ulit. On the spot.” Si Kath.

“Hindi ka naman demanding noh?”

“Please?”

“Sige na nga. Tungkol saan?”

“Isang mabait at seksing prinsesa na iiwan ng pangit at bruhang kaibigan nya.”

“Hahaha.. hindi kaya ako nakaka-relate jan?”

“Dali na..”

“Ok…” saglit na nag-isip si Jeri.

“Kalungkutan ang iiwan, sa isang prinsesang seksi.
Mula sa bruhang kaibigan, Na kasamang parati.
Kasabay ng paglubog, Nitong haring araw
Kanilang damdami’y Lalamunin ng panglaw. ”


“Wow! Iba ka talaga bes, ibang iba!”

“Sensya na wala pa ako sa mood”

“Wala ka pa sa mood nyan ha?” saglit na natigilan. “Basta mag-iingat ka dun ha? Tatanga-tanga ka pa naman!” at sinabayan ng bahagyang pagtawa.

Natawa rin ng kaunti si Jeri. “Sya, tama na yan. I’m sure, parang nilukot na papel na naman yang mukha mo.“

“Sabagay, tama rin yang desisyon mo… at masosolo ko na rin si Alex. hahaha”

“Hoy Bruha ka! Syempre sya pa rin yung crush ko noh?”

“Pero malayo ka na.. so, akin na sya!”

“O sige na. kita na lang tayo bukas sa campus. Aayusin ko muna lahat bago ako umalis”

“Wala ka nang ibang sasabihin?”

“Marami pa. kaso ayaw ng cellphone ko. ubos na daw load nya! Hahaha!!”

“Sige na nga. Bye!”

“Ok! Bye!”


MAAGANG umalis si Jeri kinabukasan. Katakot-takot na pamamaalam ang ginawa niya. Kahit kasisimula pa lang ng pasukan ay naging malapit na si Jeri sa kanyang mga classmates. Huli na niyang pinuntahan ang registrar’s office para iayos ang mga papeles niya sa school na iyon.
Isang matamis na ngiti ang isinalubong sa kanya ni Mrs. De la Peña. “Paano yan, edi tatalikuran mo na talaga itong school namin?”
Nagtaka si Jeri sa narinig. “Ano pong ibig nyong sabihin?” kunot noo niyang itinanong.

“Wag kang mag-alala. Ok na yung lahat ng papers mo para sa pag-transfer mo….ikaw ha? Nagpadala ka pa ng abogado.”
Lalong naguluhan ang dalaga “Abogado? Si Atty. Legaspi?”

“May iba pa ba?” at muli itong ngumiti sa kanya “Balikan mo na lang after lunch. Masyado mo kasi kaming binigla nung isang araw. Tapos wala pang pasok kahapon, kulang yung time para mag-prepare.”
Halos napanganga siya sa narinig. “Nung isang araw pa nagpunta si Atty.?” Sa isip niya, ‘Ang walanghiyang ‘yon…no choice na pala ako’ muli siyang bumaling sa kausap “S-sige po, mauna na po ako. Babalikan ko na lang po iyan mamaya.”

“Sige iha, goodluck!”

Mag-aalas-onse na ng makauwi si Jeri. Nadatnan niyang nakaupo sa salas si Atty. Legaspi. Ngumiti ito sa kanya.

Sumalampak siyang paupo sa sofa na nakaharap sa lalaki “Grabe naman! No choice na pala ako eh! Tapos na daw lahat ng papers ko, paano pa ako makakatanggi” tila inis na sinabi ng dalaga.

“Pasensya ka na iha, yan ang utos ni Mr. Suarez. Huwag ko daw ipaalam sa iyo na inayos ko na lahat.” Bahagyang umayos ng upo. “Pa’no, kukunin ko na yung papers?”

“At ano pa ang gusto nyong isagot ko?” tumayo ang dalaga at pumasok sa kwarto. Ilang saglit lang ay muli siyang iniluwa ng pintong iyon. Bitbit niya ang mga papel at muling umupo sa sofa. Iniabot ang papel sa Atty. “Pirmado nang lahat yan. Pero kailangan ko pa rin ng paliwanag.”

“Sure! I’ll be happy to explain it. ano bang gusto mong unahin ko?” tanong ng Atty.

“Sino, Ano, Kailan, Paano….basta lahat!” sagot ng dalaga.

Saglit na napaisip ang abogado, “Naiintindihan ko ang lagay mo iha, pero I assure you. This is 100% legal at hindi ito makakasama sa iyo. Alam kong hindi ka dapat nagtitiwala sa isang stranger na katulad ko pero… eto lang ang masasabi ko… I have my name, I have my reputation and I don’t want to ruin it. you can even check my office. Or my website. Believe me, this is for your own good!”

“Attorney, hindi naman po sa hindi ako nagtitiwala. Ang ibig ko pong sabihin ay….” Saglit na natigil nang dumating si Aling Vergie. “I want an explanation. Anong gagawin ko? Basta na lang ba ako papasok dun? Anong mga consequences?”

“Ayon dito, kailangan mo lang maipasa lahat ng mga grades mo. In case na bumagsak ka, titigil ka na sa pag-aaral or lilipat ka sa dating school mo.” Sabi ng abogado. “Start ka na bukas.” At akmang tatayo ito. “Paano, aalis na ako,” iniabot ang kamay sa dalaga. “Congratulations and Goodluck iha!”
Kinamayan ito ng dalaga at ngumiti. “Hindi ko po alam kung anong isasagot ko”
Kinamayan din ng abogado si Aling Vergie, “Alis na po ako!” at tuluyan ng nagtungo sa pinto, muli itong humarap sa kanila. “If you still have a question, just call me, naibigay ko na sa mother mo yung calling card ko.” at tuluyan na itong lumabas.






CHAPTER 3

Martes ng umaga, kumakabog ang dibdib na nilalakad ni Jeri ang hallway patungo sa unang klase nya. Inagahan niya ang pagpasok upang malibot ang buong campus. Pero ngayong malapit nang magsimula ang unang klase nya ay tila hindi niya alam ang gagawin.

“Welcome sa St. Ruiz University!” tinig ng isang lalaki mula sa kanyang likuran. Nagulat pa sya ng bahagya at nilingon kung sino iyon. Isang pamilyar na mukha ang bumulaga sa kanya. Isang lalaking may manipis na pangangatawan ngunit disente ang itsura at may kaakit-akit na mukha. Nakangiti ito sa kanya.
Tila gulat niyang nasabi, “Ikaw yung…”

“Ako nga. Naaalala mo pa pala ako.” Putol ng lalaki sa sasabihin nya. Lumapit ito sa kanya, “I’m Derwyn. Derwyn Molino” at iniabot nito ang kamay sa dalaga.

“Kanina pa kita tinitingnan, nahihiya lang akong lumapit sa’yo”

Kinamayan naman ito ni Jeri. “Im Jea….”

“Jearaine Corpus right?”

“So kilala mo pa rin pala ako? Ilang taon na rin yun ah!”

“Of course! Malilimutan ko ba yung grand prize winner ng Poetry making competition?”

“That was three years ago. Nene pa ako. hahaha,”

“Pero tulad ng sinabi ko sa iyo noon, ako parin ang number one fan mo!”

“Naku! Bolero ka pa rin. Oo nga pala… dito ka rin pala nag-aaral?”

“Yap! At papunta na nga ako sa first subject ko. English 101. Youre a transferee right?”

“Opo! At classmate pala kita! ”

“Talaga? What a coincidence. Tara na.”

Naging normal ang unang araw ni Jeri sa eskwela. Welcome sya ng lahat ng kanyang mga kaklase.

Lunch time. Sabay na lumabas sina Jeri at Derwyn. Niyaya kasi siya ng binata na doon na sila kumain sa karinderyang paborito nya. Bukod sa masarap ang mga pagkain roon ay murang mura pa. naglalakad sila sa tabing kalye nang may boses na umagaw ng kanilang atensyon.

“Psst! Payatot!” tinig mula sa bandang likuran nila. Ngunit hindi nila iyon pinansin.

“Hoy! Kayong dalawa” biglang tumigil sa paglalakad si Jeri ngunit hinila siya ni Derwyn at muli silang tumuloy.

“Hoy! Mga bingi ba kayo?” mulang tawag sa kanila.
“Huwag mo nang pansinin yang mga yan.” Bulong ni Derwyn sa dalaga. Ngunit biglang may humablot sa braso ni Jeri dahilan upang tuluyang siyang tumigil. Sabay silang humarap sa likuran at tumambad ang anyo ng isang lalaki. Mataas ng kaunti kay Derwyn at maganda ang porma ng katawan. Halata sa suot nito ang karangyaan. Kahit simpleng body fitted black shirt lang ito ay kita ang maliit na “Guess” na tatak bandang dibdib.

“Bagong istudyante ‘to no?” tanong ng lalaki.

“Ano naman ang pakialam mo?” sagot ni Jeri.

“Aba, matapang.” Muling hinawakan ng lalaki ang braso ng dalaga. “Hoy! Kikilalanin mo kung sinong tatarayan mo ha?”

“Ano ba? Nasasaktan ako, bitiwan mo ako!” bigla niyang inialis ang kamay ng binata sa kanyang braso. “Hoy! Hindi ako natatakot sa iyo kahit na sino ka man, ok?” hinila niya sa braso si Derwyn. “Tara na nga!” at mabilis silang lumakad papalayo at naiwang nakatayo ang lalaki.

“Sino ba ‘yung mayabang na yun?” iritang tanong ni Jeri habang hinihintay nila ang order nilang pagkain. Doon sila sa may sulok na mesa pumwesto.

“Si Luther ‘yun. Sya yung lider ng frat na Gamma Neo Rho. Sikat na sikat yan dito. Ewan ko ba! Ang sama ng ugali pero, habulin pa rin ng mga babae. Wag mo nang pansinin yun. Hindi ka naman aanuhin nun kung wala kang atraso sa kanya.”

“Anong hindi? E binastos na nga tayo!”

“Natural na sa kanya yun!”

“Anong natural? Hindi pwede sa akin yung ganun! Makakarating ito sa mga prof.”

“At akala mo, papakinggan ka nila?” naglabas ng nakaiinsultong ngiti ang binata.

“Ang tatay nya ang may ari ng school na ito.”

“Ano?” gulat na sabi ni Jeri. “Kaya naman pala mayabang.”

“Pero wag kang mag-alala, wala pa namang napapabalitang nagulpi nya eh!”

“Walang napabalita o walang nagsusumbong?”

Katahimikan.

Maya-maya lang ay inilapag na ng isang may edad na babae ang kanilang pagkain sa mesa. Sinigang na baboy ang ulam ni Jeri at Adobong manok naman ang kay Derwyn.

“O ayan! Mabuti pa’y ikain mo na lang yang sama ng loob mo.” Sabi ni Derwyn.

“Mabuti pa nga. Kanina pa ako nagugutom eh!” habang isa isang inilalapit sa sarili ang mga order nya. “Matanong ko nga lang pala” saglit na tumingin sa lalaki.

“Paano mo nga pala nalaman na bago lang ako sa school kanina. Ang ganda pa ng greet mo sa akin. WELCOME SA St. Ruiz University!!! BONGGA!!!”

“Ah yun ba? Simple lang. Nagbabayad ako ng pahabol sa tuition ko last Wednesday, then, narinig kong pinag-uusapan nung isang lalaki at nung cashier yung tungkol sa bagong ita-transfer. At nung marinig kong ikaw yun, syempre, naki-tsismis ako.” Sinabayan iyon ng ngiti ni Derwyn. Lumabas ang dimple nito at lalong nagpakisig sa kanyang kagwapuhan.

“Tsismoso ka pala. Hahaha”

“Hindi naman masyado. Hindi ko kasi makalimutan yung name mo simula nung hangaan ko yung sonnet na ginawa mo.”
Itinapat ni Jeri ang kamay sa kausap at ibinuka ang mga daliri. “Charing!” sabi niya.

“Hahaha… im not joking. Nandito pa nga sa kin yung kopya eh” binitawan ni Derwyn ang kutsara at may kung anong dinukot sa bag. Inilabas ang isang piraso ng papel at iniabot iyon sa dalaga.

“Is this for real?” nagulat na tanong ni Jeri. Binuksan niya iyon at binasa.

In times when grey clouds covered your path.
And blindness cause you to walk in the dark,
I’ll hold your hand, we’ll walk together
I’ll guide you the way, and leave you never.

I’ll be your sunshine, when trapped in shadow,
Put the colors in your faded rainbow.
If your gloomy world, were flooded with tears,
And the thought in mind, that help disappears

Must remember, I’m always beside you
With my open arms, I’ll make you strong.
I will not stop giving, my hands to you.

Do not be afraid, just spread your wings
I’ll lend you my shoulder, for you to lean.
I’ll take you higher, with the love I bring.

-Jearaine-

“Shocks! I can’t believe it!” sambit ni Jeri habang nakatitig pa rin sa papel.

“Nakalimutan ko na ‘to ah! Itinago mo pa talaga?”

“I told you…I’m a fan” nakangiting sabi ni Derwyn at sumipsip sa straw ng kanyang juice.

“I don’t know what to say! As in… grabe talaga! Hindi pa ako celebrity, may fan na agad! Ano naman ang nagustuhan mo dito?”

“Ha?” tila nagulat na tanong ng binata “Anong klaseng tanong yan? Syempre lahat!” umayos ng upo at tumitig sa dalaga. “Una, kung paano mo ginawa ang sonetang ito.”
“Like?”

“Ano ka ba? Bihira lang ang may talent na ganyan. Naalala ko yung sonnet ni Francis Petrarch. Yung ginawa nya tungkol sa pagkamatay ng asawa nya.” Kinuha niya ang juice at muling sinipsip. muling inilapag iyon. “Ang hirap kayang gumawa ng sonnet. 14 liner poem tapos kailangan pang 10 syllables bawat lines. And kung paano mo ibigay yung meaning. Parang sinasabi mong….sige lumangoy ka lang dyan at nandito lang ang lifeguard mo…..ganun!”
Napangiti si Jeri at humanga sa paliwanag ng kausap. “Talaga lang ha?”

“Kaya nga idol kita eh!”

“Pero masyadong simple yan. Bata pa kaya ako nyan.. imagine, 2nd year high school! hahaha”

“Yun na nga eh! Kaya alam kong maganda ang magiging future mo!”

“Oo na! kumagat na ako sa pambobola mo!”















CHAPTER 4

Alas sais na ng hapon nakauwi si Jeri. Alas singko kasi ang tapos ng huling klase nya. Wala pa si Aling Vergie kaya sya na ang nagluto ng hapunan. Alam niyang mamaya pa ang dating niyon dahil malayo ang pinuntahan niya ng kliyente nya. Ahente kasi ito ng mga subdivision. Kahit papaano’y maayos din naman ang kita nito at yun ang gamit nila sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Sinabi na niya sa kanyang ina na magta-trabaho siya habang nag-aaral ngunit tumutol ito sa disesyong iyon. Ang sustento ng ama ang ginagamit niya sa school. May ibang asawa kasi ito ngunit kahit ganoon ang sitwasyon ay nakukuha pa nitong magpadala ng pera sa kanila kada buwan.

Habang nakasalang ang pritong manok ay binuksan niya ang TV at naupo siya sa sofa. Muling bumalik sa kanyang alaala ang palaisipan sa kanyang buhay. Si Mr. Manuel Suarez. ‘Sino kaya sya?’ Bakit ako pa ang naisip nyang tulungan? Hindi birong halaga ang nagastos nito sa kanya. Paano kung sa bandang huli ay hihingi ito ng pabor na hindi niya kayang ibigay?

TUTUT! TUTUT!!

Tumunog ang kanyang cellphone. Isang text message iyon. Dali dali niyang kinuha sa mesa iyon at binasa,

GUD PM! I HOPE U DID VERY WELL AT UR FIRST DAY! I TRUST YOU! YOU CAN DO IT! – MR. SUAREZ

Nataranta siya sa kanyang nabasa. Dali-dali niyang tinawagan ang number na iyon pero naka-off na ito. ilang ulit niyang pinindot ang keypad ngunit wala talaga. Muli niyang binasa ang message at ni-reply niya iyon.

‘Tnx 4 everything! I want 2 talk to u personally Pls?.’ muli niyang binasa bago i-send. ‘message sent’

Halos magdamag na inaabangan ni Jeri ang reply mula kay Mr. Suarez. Paulit-ulit rin niyang dina-dial ang number nito ngunit bigo siya. Nagulat na lamang siya ng tumunog ang alarm clock nya. Alas sais na. muli niyang sinilip ang cellphone ngunit wala pa ring resulta. Naggawa siya ng panibagong message.

‘Napuyat 2loy ako sa kakahintay ng reply mo’

Mahilo-hilo siyang bumangon. Halos dalawang oras lamang ang tulog niya. Mabilis siyang gumayak at makalipas ang mahigit kalahating oras ay handa na siya sa pagpasok. Hindi na siya nag-almusal. Tutal, maaga pa naman, pwede na syang bumili na lang ng tinapay sa cafeteria.

Paglabas ng bahay, muling tumunog ang cellphone nya. Isa na namang text iyon.
‘IM SORRY, KUNG NAPUYAT KITA. AT SORRY DAHIL HINDI PA ITO ANG TAMANG PANAHON PARA MAGKITA TAYO. DON’T WORRY, TIME WILL COME, AKO MISMO ANG MAGPAPAKILALA SA IYO.’

Matapos basahin ay umalis na sya patungong school at hindi na nya ni-reply pa ito dahil alam nyang hindi rin ito sasagot.

Pagbaba nya sa jeep, nagmamadali siyang lumakad papunta sa cafeteria. Tutal maaga pa naman, pwede pa syang mag-almusal doon. Nang mapadaan siya sa tapat ng flag pole ay may tinig na nagmula sa bandang kanan nya.

“Newbie!”

Hindi pamilyar ang boses na iyon kaya’t hindi niya ito pinansin at mas lalo niyang binilisan ang paglalakad. Alam niyang sumusunod ito sa kanya kaya’t nakiramdam siya sa susunod na mangyayari. Kaunti pa lang ang estudyanteng pumapasok kaya’t walang gaanong tao sa paligid. Nang biglang may humawak sa kanyang balikat.

“Sandali lang!” sabi niyon. At biglang umikot ang dalaga kasabay ng paghampas ng bag nito sa lalaki. Tinamaan iyon sa mukha. “Aray! Ano ba?” muling sabi niyon at hinawakan ang mukha. Tiningnan iyon ni Jeri ngunit hindi iyon pamilyar sa kanya.

“Anong kailangan mo sa akin?” tanong niya sa lalaki.

“Ang taray mo ah! Kabago-bago mo eh.” Sabi nito habang hawak pa rin ang pisngi.

“Ano bang kailangan mo?” galit na tanong ng dalaga.

“Simple lang. gusto kong sumali ka sa frat namin.”

“Frat?”

“Bingi ka ba? Oo. Gamma Neho Rho. Para naman wala nang makakagalaw pa sa iyo.”



“Sorry… ke kasali ako sa frat o hindi,…walang makakagalaw sa akin ok?” inilagay pa nito ang kamay sa bewang. “At ang mga sumasali sa frat na yan ay yung mga duwag lang na hindi kayang tumayo sa sariling paa. You people are crazy! At sabihin mo sa lider mo… na ako, si Jeri Corpuz ay walang kinatatakutan kahit sino man sa inyo. Sabihin mo yan sa amo mong duwag!” tumalikod ang dalaga at lumakad papalayo.

Pagpasok pa lang sa pinto ng cafeteria ay nakita na agad ni Jeri si Derwyn na nakaupo sa pang dalawahang mesa. Humihigop ito ng kape. Nilapitan agad niya ito. sinalubong siya ng ngiti ng binata. Muling lumitaw ang kaakit-akit na dimples nito.

“Aba! Akala ko ako na ang unang student dito…nandito pala ang gatekeeper!” nakangiting bungad ni Jeri.

“Ang aga mo naman idol! Anong meron?” sabi ng binata.

“Ako pa ngayon ang maaga? Bat nandito ka na? ang alam ko, kung sino yung malalapit na bahay, sila yung nale-late eh!”

“Ha? Wala na akong makain sa boarding haus eh! Kaya dito na lang ako mag-aalmusal.”

”Naku, yun din ang sadya ko dito. Mag-aalmusal. Tinamad akong kumain sa amin eh. Kaya naisip kong dito na lang. sandali lang bibili lang muna ako ng makakain.” Tumayo si Jeri at nagpunta sa mga nakadisplay na pagkain doon.
Ilang sandali pa ay bumalik muli ang dalaga sa mesa. Umupo ito sa harapan ni Derwyn na tila nakatulala. Hinampas niya ang mesa, “Hoy! tulog ka pa ata” sabi niya. Nagulat ang binata at tila nagising mula sa pagkakatulog. “Anong iniisip mo?”

“W-wala naman.” Tanggi ng binata. “A-anong inorder mo?”
Itinaas ng dalaga ang ensaymadang binili niya. “eto lang ang mukhang masarap eh” sabi niya. Sa kabilang kamay ay hot chocolate. “Matanong ko nga pala.” Aniya habang tinatanggal ang plastik ng pagkain nya. “Di ba, ahead ka ng 2 years sa akin? Senior division ka nga noon ryt? Habang ako naman e, sophomore.” Tumango lang ang lalaki “Bakit classmate kita ngayon?”
Umayos ng upo si Derwyn. “Mahabang storya” panimula niya. Malungkot ang mukha nito.

“Better start your story telling now.” Nakangiting sabi ng dalaga.

Saglit na tumingin ang binata, “Ganito kasi yun.” Tumigil sandali. “I stopped and switch course.”

“And then?” tanong muli ni Jeri.

“Yun na yun! I stopped and switch course, anong hindi mo naintindihan?” nakangiti si Derwyn.

“Wow! Ang labo naman! Ang haba haba haba. Oorder pa sana ako ng isang pitsel na hot chocolate” at pabirong ibinato ang hawak na plastic. “Ano bang course mo before at bakit mo inayawan?”

“Hay naku! Hot seat ba ‘to?” nakangiti pa rin ang binata. “Last question na yan ha? Ang kasunod, may bayad na.”

“Ang kapal mo naman! Nagpapalipas oras lang ako noh?”

“Sige na nga. Since idol kita, I will answer all your questions. Ano nga ulit yun?”

“Wag na napahiya na ako” kunwari’y nagtatampo ang dalaga.

“Idol naman joke lang yun. Sige, sasagutin ko na.”

“You’re not paying attention eh! Ganito na lang. babaguhin ko na lang ang tanong.” Saglit na nag-isip ang dalaga. “Saang province ka ba?”

Tumingin si Darwyn sa mga mata ni Jeri. “Cebu.”

“Cebu? Ang layo naman!”

“Pero matagal na akong hindi nakakauwi dun. I’m living with my Aunt Merly sa Pasig.”

“At sya ang nagpapaaral sa’yo?”

“Nope! Working student ako. Waiter ako sa Kirsten’s bar. Three blocks from here.”

“Talaga?” tumango ang lalaki. At tumingin sa kanyang relo.

“Time is up! I think we better go.” At tumayo na ang binata. Sinundan din naman iyon ni Jeri.





















CHAPTER 5

“Jeri!” tawag ng isang classmate ng dalaga. Lunch time yun. Kasama ni Jeri si Derwyn at papunta sila sa paboritong kainan.

“O, bakit?” usisa ng dalaga.

“Naku, inaabangan ka ni Luther dun sa labas. Kung sinu-sino ang tinatanong kung kilala ba si Jeri Corpuz.” Sagot ng lalaki at tumalikod na ito papalayo. Nagkatinginan sila Derwyn at Jeri.

“Mabuti pa siguro, sa iba na lang tayo kumain.” Si Derwyn.

“Natatakot ka? Akala ko ba, wala pang ginulpi yan?”

“Hindi naman sa natatakot ako, iiwas lang tayo sa gulo.”

“Gulo? Bakit naman magkakagulo? May atraso ba ako sa kanya?”
Saglit na katahimikan.

“Pwes, kung gulo ang hanap nya, gulo din ang makikita nya!” matigas ang tinig na iyon ni Jeri. “Tara!“ at lumakad itong papunta sa labas.

“Jeri-” naputol ang sasabihin ni Derwyn nang hawakan ni Jeri ang braso nya at hinila. Wala nang nagawa ang binata. ‘Bahala na’

Sa di kalayuan ay nakita niya agad si Luther. Mabilis niyang pinuntahan ang binata.

“Hoy mama! Sino nga ulit ang hinahanap mo?” matigas pa rin ang tinig ni Jeri. Kaharap na niya si Luther at ang tatlo pang kasama nito.
Matalim syang tiningnan ni Luther. “Ano bang pakialam mo? Bakit, kilala mo ba ang hambog na si Jeri Corpuz?”

“At sino naman ang may sabing hambog yun?”

“Aba! Sabihan ba naman akong duwag?” sandaling tumigil. “Subukan nya lang magpakita ngayon at nang magkaalaman kung sinong duwag.”muling tumingin sa mata ng dalaga, “Teka,” tumingin si Luther kay Derwyn, “Ikaw ba si Jeri?” muling tumingin sa dalaga, “itong syota mo bang payatot si Jeri? Ha?” at akmang susuntukin si Derwyn. Nagulat naman si Derwyn sa gagawin ni Luther.

“Tanga!” sigaw ni Jeri. Biglang napahinto at tila natulala si Luther. “Hindi ka lang duwag! Tanga ka pa!” saglit na tumigil at tumingin si Jeri kay Luther. “Ako si Jeri!” saglit na tumigil. “Jearaine Corpuz!” halos pasigaw na tinig ng dalaga. Tila binuhusan ng malamig na tubig si Luther. Halos hindi makapaniwala sa narinig.

“I-ikaw si Jeri?” naguguluhang tanong nito.

“Oo bakit? May reklamo?”

Dali-daling dinukot ni Luther ang cellphone sa bulsa at dinial. “Hello,…Keno? Hayup ka! Hindi mo naman sinabing babae pala si Jeri!.....gago!......” at galit na ibinalik ang cell sa bulsa.

“O, ano duwag, may gusto kang gawin?” hamon ni Jeri.

“Hindi ako pumapatol sa babae.” Matigas ang tinig ni Luther.

“Talaga lang ha? Ang duwag na si Luther, na malakas lang ang loob dahil maimpluwensya, ay hindi daw pumapatol sa babae. hahaha” tila nang-aasar na tinig ni Jeri.

“Tumigil ka na at baka ikaw pa ang kauna-unahang patulan ko!” si Luther.

Hinawakan ni Derwyn sa braso si Jeri at hinila. “Tara na, tama na yan.”

Tinanggal ng dalaga ang pagkakahawak ni Derwyn. “Teka lang!” muling humarap kay Luther. “Bakit, totoo naman di ba?” saglit na tumigil “Kung ikaw ba eh, hampas lupang katulad din namin at walang matatakbuhan kung nasa trouble, sa tingin mo kaya, ganyan ka katapang ngayon?”

“Tama na sabi!” mas matigas na ang tinig ni Luther. Napipikon na siya.

“Jeri, ano ba?” si Derwyn.

“Matapang ka dahil kilala ka. At marami kang kaibigan dahil maraming gustong makinabang sa impluwensya mo. Sa tingin mo ba, kapag napahamak ka, nandyan pa rin yang mga alagad mo? At ano ang natututunan mo sa school na ito? mag cutting classes? Tutal, wala namang pumipigil sa iyo! Kaya wala nang laman ang utak mo. At ang hindi ko lang alam ay kung bakit hinahayaan ka ng mga magulang mo na magkaganyan. Mga walang kwentang magulang!”

“Tama na sabi!”

PAK!

Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Jeri mula kay Luther. Halos matumba siya sa lakas niyon. Kitang kita iyon ni Derwyn at biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at nanginig sa galit.

“Tarantado ka!” nagpakawala ng isang suntok si Derwyn. Tumama iyon sa pisngi ni Luther. Muling aamba si Derwyn ngunit inawat ito ng mga kasama ni Luther. Akmang susuntok ang isang kasama ni Luther.

“Tama na yan!” Sigaw ni Luther. Napatingin si ito kay Jeri. Hawak ng dalaga ang pisngi at nagulat sa pangyayari. Hindi malaman kung awa o galit ang nararamdaman niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasampal siya ng isang babae. Tumingin siya sa paligid. Maraming mga istudyante ang nakasaksi sa pangyayari. Nahihiya siya sa kanyang nagawa. Mabilis siyang tumalikod at nagmamadaling lumakad papalayo. Sumunod naman sa kanya ang mga kasama at naiwan sina Jeri at Derwyn.


“Sinabi ko kasing tama na eh, sige ka pa rin ng sige. Ayan tuloy” si Derwyn, habang nasa harap sila ng mesa sa paborito nilang kainan. Magkaharap sila ngunit tila walang naririnig ang dalaga. Malayo ang tingin nito. “Ok ka lang ba?” at hinawakan nito ang baba ni Jeri at ipinaling ang mukha upang tingnan ang pisngi. Mamula-mula pa iyon dahil sa pagkakasampal ni Luther. Tumango lang ang dalaga. “Sa susunod na gawin nya ulit sayo yan, hindi lang suntok ang aabutin nya sa akin. Wala akong pakialam kung mas malaki sya sa akin.”
Katahimikan.

“Derwyn,” si Jeri, at tumingin ito sa binata, “Salamat ha? Hindi mo ako iniwan.”

“Wala yun! Basta wag mo nang uulitin ang pangungulit mo ha?” may kaunting ngiti sa mukha ng binata.

“Walanghiya sya. Gaganti ako!”

“Jeri, kalimutan na lang natin yun.”

“Hindi ako papayag ng ganun! Gagawa ako ng paraan para makaganti!” matigas ang tinig ng dalaga.

“At ano naman ang gagawin mo?”
Tumingin sa may labas ng bintana ang dalaga, “Bahala na.”










CHAPTER 6


“Ginawa nya sa iyo yun?” gulat na tanong ni Kathy sa kaibigan. nasa loob sila ng bahay nila Kathy. Naisipan kasing dumaan ni Jeri sa kaibigan dahil wala siyang ibang pagkukwentuhan sa pangyayari maliban kay Derwyn. Hindi niya balak ipaalam sa ina ang pangyayari dahil tiyak na mag-aalala ito. “Sa harap pa ng maraming tao?” dugtong pa rin ni Kathy. “Syet, naman bes, napakahayup naman nung lalaking yun!”

“Sinabi mo pa!” dugtong ni Jeri sabay lagok sa juice na inihanda ng kaibigan.

“Nag-iisip nga ako kung paano makakaganti sa hayup na yun!”

“Kakausapin ko si Kuya! Member ng frat yun! Ipapamukha ko sa lalaking yun ang tunay na lakas ni Jeri and friends!”

“Wag na bes, hindi sa ganoong paraan ang balak ko.”

“At ano naman ang plano mo?”

“Sa ngayon, wala pa.”

“Basta, kung wala kang maisip na plano, ako na ang bahala kay Kuya ha?”


GABI na nang makauwi si Jeri. Nadatnan niyang nanonood ng TV ang kanyang ina. Hindi naman ito nag-alala sa anak dahil nag-text ito kanina at nagpaalam na male-late siya ng uwi. Nagmano lang ito sa ina at tumuloy na sa kwarto. Nag-half bath lang at nahiga na. Gusto nyang matulog ng maaga bilang pagbawi sa puyat nya kagabi sa kakahintay ng text ni Mr. Suarez. Ipinikit niya ang kanyang mata at inimagine ang mga posibleng anyo ni Mr. Suarez. Isang matandang lalaking uugod-ugod na. binibilang na lamang ang nalalabing oras sa mundo kaya’t ipinamahagi na lamang ang yaman nito. ‘Pwede’. Inisip din niyang isang di gaanong katandaan at sinusubaybayan siya dahil gusto siyang pakasalan pagka-graduate nya. ‘huwag naman sana’. Inisip din niyang isang gwapo at mayamang prince charming. Kamukha ni Brandon Routh at naghihintay sa isle. ‘Parang fairy tale naman’. Bigla na lang pumasok sa isip niya ang isang gwapo, may magandang height, maganda ang pangangatawan, kaya lang… mayabang! Si Luther! ‘Ang hayup na yun!’ biglang nag-iba ang mood niya. Ang kaninang curious ay napalitan ng galit. Ang paghahangad na makaganti sa kauna-unahang lalaking nakasampal sa kanyang pisngi.

‘Erase! Erase! Erase!’ bulong niya sa sarili. Ayaw na muna nyang isipin ito. gusto niyang makapagpahinga ng maaga. Gusto na niyang matulog. Ipinikit niya ang kanyang mata pero nakikita pa rin iya ang eksena kaninang tanghali. Parang nararamdaman pa rin niya ang sakit sa kanyang pisngi. Ngunit ang mas masakit ay ang pagkakapahiya niya sa maraming tao. binago nya ang posisyon ng pagkakahiga. Tumagilid siya at dinantayan ang katabing unan. Muling pumikit. Matagal. Muli na namang umiba ng posisyon, pero nakikita pa rin niya ang mukha ni Luther. Ang buong eksena kanina. Nararamdaman pa rin niya ang galit sa kanyang dibdib. Mabuti na lamang at nariyan si Derwyn. Tama, si Derwyn. Ang kanyang hero. Simple lang ang pangangatawan ngunit buo ang loob na suntukin si Luther para ipagtanggol ang nasampal na kaibigan. kahit alam ng lahat na “no match” siya kapag nakipag-one on one dito. Mabuti na lamang at nandoon ang kanyang tagapagligtas.

Iminulat niya ang kanyang mata at tiningnan ang orasan sa ibabaw ng mesita. Mag-aalas dose na pero hindi pa rin sya dinadalaw ng antok. ‘Lagot na naman ako’ bulong nya sa sarili. Bumangon siya at kinuha sa hunos ng mesita ang maliit na notebook. At katulad ng kanyang ginagawa sa tuwing hindi siya dinadalaw ng antok, at sa tuwing emosyonal ang kanyang araw, muli siyang susulat. Isang tula.
‘Tungkol saan naman?’ tanong niya sa sarili. Saglit na nag-isip at bigla’y napangiti. ‘Alam ko na!’

MAAGANG NAGISING si Jeri kahit ala-una y medya na nung huli niyang tingnan ang orasan bago sya matulog. Nakangiti niyang ginagayak ang kanyang gamit. Inilagay nya rin ang notebook na halos puno na ng mga tula ang pahina nito. Kinain na rin niya ang almusal na inihanda ni Aling Vergie para sa kanya. Minadali na rin ang pagsisipilyo at nagmamadaling umalis ng bahay.

Unang subject. Halos mabali ang leeg ni Jeri sa palitang pagtingin sa may pinto at sa blackboard. Hindi na rin niya masyadong naintindihan ang itinuturo ng prof dahil parang balisa siya. Hindi kasi pumasok si Derwyn. Pero umaasa pa rin ang dalaga na maya maya lang ay bubulaga ito mula sa pinto. Baka late lang sya. Pero halos matatapos na ang klase ay wala pa rin kahit anino man lang ng kaibigan. Nag-alala ang dalaga. ‘Baka pinagulpi ito ni Luther.’ Hanggang sa dumating ang lunch break ay hindi talaga dumating ang binata kaya’t mag-isang nagtungo si Jeri sa Pilita’s restaurant. Doon siya naupo sa paboritong pwesto nila ni Derwyn. Umorder siya ng sinigang na bangus at kanin. Kinuha niya ang notebook at isa isang binasa ang mga tulang nagawa niya noon habang naghihintay ng pagkain.

“’Musta na idol?” isang pamilyar na tinig mula sa kanyang likuran. Alam na alam ni Jeri kung sino iyon. Mabilis niyang nilingon nakita niya ang nakangiting kaibigan. Si Derwyn.

“Aba! Nabuhay ka ‘ata? Anong nangyari sayo?” sabi niya habang pinagmamasdan ang binatang humihila ng upuan sa kanyang harapan. Tuluyan na itong naupo.

Kumaway ito sa isang waitress at muling humarap kay Jeri. “Napuyat ako kagabi eh! Daming costumer sa bar. Hindi kami pinayagang umuwi ng maaga ni boss.” Paliwanag nito.

“Ganun? Akala ko naman kung napaano ka na?” saglit na tumigil. “E paano pala kung gabi-gabi kayong maraming costumer? Kakalimutan mo na ang pag-aaral?”

Ngumiti ang binata. “Hindi po inay!”

Napangiti rin ang dalaga. “Hindi nga, paano kung ganun nga?”

“Ngayon lang po iyon. Promise!” at itinaas pa ang kanang kamay na tila nanunumpa.

“Ay! Oo nga pala,” si Jeri. “Meron nga pala akong ginawang tula kagabi, patingnan nga kung oks sa panlasa mo.” At iniabot ng dalaga ang notebook na hawak.

Isa-isang tiningnan ni Derwyn ang mga pahina nito, “Wow! Ang dami! Gawa mo lahat ‘to?” gulat na sabi ng binata. Tumango lang si Jeri. “Ang galing!”

“Yung last lang ang tingnan mo. Yan yung latest. Kagabi ko lang ginawa.”

“Lupit mo talaga idol!”

“Yung last na po.”

Binuklat ni Derwyn ang huling pahina na may sulat. Bahagyang tinitigan ang tulang iyon. Isang english poem. Hangang hanga ito kahit na hindi niya gaanong maintindihan ang ibig sabihin nito.
Nakakunot ang noo ng binata.

“O ano na?” tanong ni Jeri.

“M-maganda yung rhyme, saka yung wordings, pero… tungkol saan ‘to? Hindi ko yata maarok!” nakangiting sabi ni Derwyn.

Ngumiti ang dalaga. “hulaan mo!” at saktong dumating ang order niya. Hindi pa rin tinitigilan ni Derwyn ang pagbasa sa tulang iyon. Hinayaan niyang maunang kumain ang dalaga. kunsabagay, wala pa naman ang order nya.

“Pwedeng hiramin ko muna ‘to?” tanong ng binata.

“Ay! Sorry! Hindi pwede eh! That’s my treasure!”

“Ganun ba?” kinuha ng binata ang kanyang notebook at pen. “Edi kokpyahin ko na lang. Damot!” at bahagya pang umismid iyon. At sinimulan ang pagsusulat.

Matapos kopyahin ay ibinalik nito ang notebook sa dalaga at muling binasa ang tula.

“Ang weird naman nito!” nakakunot pa rin ang noo ni Derwyn.

“Homework mo yan!” nakangiting sabi ni Jeri.

Binasa ng malakas ni Derwyn iyon.

“My stored fantasies renderd to bliss,
With grandeur that, I almost kissed
A hand of impuissance as I held
but heart of steel as I fell.

I’ll nail it in my memory
With solemn heart, I thanked thee
Hard as stone, I adore
Sense you conquered, more and more

I’ll take it as I walk my path.
Without a curve here in my shaft
I’ll hide behind your blazing shadow
In times when I embraced by sorrow.”


Muling tiningnan ng binata si Jeri, “Paki-expalin naman oh! Please?”

“Beh!” at tila nang-aasar na tiningnan niya si Derwyn. Siya namang dating ng pagkain ng binata.

“Kain muna ako, baka maintindihan ko ito kapag may laman na ang tyan ko!” si Derwyn habang inilalapag ang kinopyang tula.



MADILIM AT TAHIMIK ANG GABI. Malalim ang iniisip ni Derwyn. Nakangiti ito. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang alaala ang pangyayari kanina. Kitang-kita niya ang pag-aalala ni Jeri. Ang totoo’y sinadya niyang hindi pumasok sa umaga. Nais niyang malaman ang magiging reaksyon ng dalaga. At hindi lang iyon. Pati ang tula. Bilang tagahanga ng poetry, hindi lingid sa kanyang kaalaman ang inihahayag ng tulang iyon. Kinabisado niya ang bawat linyang iyon. Ang bawat salitang patukoy sa kanya. Kunwari’y hindi niya naiintindihan iyon. Baka kasi mapahiya ang dalaga kapag inamin niya ang totoo. Ang Gusto niya’y si Jeri mismo ang magsabi sa kanya noon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nakita niya ang mukha ng babeng kanyang minamahal. Si Jeri. Nakangiti ito sa kanya at unti-unting inilalapit ang mukha nito hanggang sa magdampi ang kanilang mga labi.



CHAPTER 7

Naging normal ang buong linggo ni Jeri. Maganda ang resulta ng kanyang pag-aaral. Maayos ang naging samahan nila ni Derwyn. Ang kanyang matalik na kaibigan. At higit sa lahat, ang pagkawala ni Luther sa kanyang paningin. Isang linggo rin itong hindi nagparamdam simula nung panyayari na namagitan sa kanilang dalawa. Hanggang ngayon, ang galit na kanyang nararamdaman ay hindi pa rin nawawala. Pati ang paghahangad niyang makaganti. Hindi pa rin naaalis sa kanyang alaala ang pagkakasampal sa kanya sa harap ng maraming tao.

HALOS MADILIM na ang paligid. Naglalakad si Jeri patungo sa waiting shed. Pauwi na sya. Doon na sila naghiwalay ni Derwyn sa may gate. Mabilis ang paglalakad ng dalaga ng biglang may humarang sa kanyang daan. Gulat niyang tiningnan ito. si Luther. Napahinto siya sa paglalakad at biglang lumakas ang tibok ng kanyang dibdib. Kahit isipin niyang huwag matakot ay hindi niya magawa. Tumingin siya sa bandang likuran. Sana ay naroon pa si Derwyn. Ngunit wala na ito. kaunti na lang rin ang mga estudyanteng naglalabasan. Muli niyang tiningnan si Luther. Lalo siyang natakot ng makitang nakatago ang isang kamay nito sa likuran. Maaring may hawak hawak itong patalim. Hindi malaman ni Jeri ang gagawin. Bigla’y tumalikod siya sa binata at mabilis na lumakad.

“Sandali lang!” habol ng binata ngunit patuloy pa rin ang paglakad ni Jeri. Lalo namang binilisan ni Luther ang paghabol hanggang sa maabutan niya ito. hinawakan niya sa braso at hinilang paikot sa kanya. Sa isang iglap ay magkaharap na sila. Nanginginig ang tuhod ni Jeri sa takot. Saglit na katahimikan.

“Jeri-” halos hindi malaman ni Luther ang sasabihin. Malungkot ang mukha nito. “I-I’m sorry” at mula sa likuran ay inilabas ni Luther ang isang bulaklak at iniabot iyon sa dalaga. hinintay na tanggapin iyon.

Hindi inaasahan ng dalaga ang pangyayari kaya’t natulala ito. hindi niya alam ang kanyang gagawin. Nakikita niya ang sinseridad ni Luther. Nakatitig ito sa kanyang mukha at naiilang naman siyang tumingin sa lalaki. Muling nanumbalik ang pangyayari nung nakaraan. Ang pagkakasampal ng binata sa kanya. Muling bumalik ang galit sa kanyang dibdib. Kinuha niya ang bulaklak at malakas na isinampal ito sa mukha ni Luther at tuluyang lumakad patungo sa waiting shed. Hindi na nakakilos si Luther at naiwan itong nakatayo.

Samantala, sa di kalayuan, isang lalaki ang nagmamasid sa pangyayaring iyon. Kitang-kita niya lahat ng kaganapan. Nang makitang sumakay na sa jeep ang dalaga ay tumalikod na rin ito at umalis. Nabawasan na ang pag-aalala ni Mr. Suarez.

TULOY-TULOY si Jeri sa kwarto. Hindi pa man nagbibihis ay bigla na lamang siyang humiga at ibinalik sa alaala niya ang nangyari kanina. Si Luther. Ang lalaking kinamumuhian niya, ang lalaking siga sa campus nila, ang lalaking kauna-unahang sumampal sa kanya, ang lalaking maraming tagahanga sa kabila ng pagiging barumbado. Ngayo’y itinitiklop ang tuhod sa kanyang harapan. Tila isang tupa na nagmamakaawa sa kanya. Naguguluhan siya. Ramdam niya ang katotohanan sa ikinilos nito. kitang kita niya sa mga mata nito ang katotohanan. Pero hindi pa rin naaalis sa kanya ang kahihiyang ibinigay nito sa kanya.

TUUUTUUT TUUTUUUT!

Napabalikwas siya sa tunog ng kanyang cellphone. Dali-dali siyang bumangon at kinuha sa bag ang cell. Nagmamadali niyang binasa ang text. Tama ang hinala niya. Si Mr. Suarez.

‘IF U HAVE A PROBLEM WITH THAT GUY, PLEASE LET ME KNOW’

Nagtaka si Jeri. ‘Si Luther ba ang tinutukoy niya? Paano naman nya nalaman iyon? Sinusubaybayan ba sya nito?’ napaupo siya sa gilid ng kama habang paulit-ulit na binabasa ang message na iyon.

Biglang nag-ring ang kanyang cellphone at halos mabitiwan niya iyon dahil sa sobrang gulat. Tiningnan niya ang screen at tumatak ang isang hindi pamilyar na number. Dali-dali niyang sinagot iyon. “Hello?” ngunit walang sumasagot sa kabilang linya. “Hello Mr. Suarez?” ngunit wala pa rin.

Boses ng isang lalaki ang kanyang narinig, “Hello, Jeri, si Luther ‘to!” sa kabilang linya.

“L-Luther? P-paano mo nakuha yung number ko?”

“Hindi na mahalaga iyon. Gusto ko lang sanang humingi ng sorry. Please wag ka nang magalit sa akin. Nabigla lang talaga ako! Hindi ako sanay nang sinisigawan ng kahit na sino.” Tuloy-tuloy ngunit mahinahong paliwanag ni Luther. Hindi halos malaman ni Jeri ang sasabihin.

Biglang nakabawi ng lakas ng loob ang dalaga. “Kung inaakala mong makukuha mo ako sa paganyan-ganyan, pwes, nagkakamali ka!”

“Jeri please! Sinusubukan ko nang magbago. Tama lahat ng sinabi mo. Bigyan mo naman ako ng isa pang pagkaka-.”

TUUUTTT

Naputol na ang paliwanag na iyon ng binata dahil kinansel na ni Jeri ang tawag na iyon. Muli syang humiga sa kama at paulit-ulit na binasa ang text ni Mr. Suarez. Pilit niyang hinahanap sa isipan ang mga nakaharap nya kanina. Napakaraming prospect. Imposibleng mahulaan niya kung sino sa kanila. Isa kaya sa mga prof? vendor? Classmate? Haaay! Bakit naman kasi napaka-mysterious ng Mr. Suarez na yan. Pati ang lalaking nanggugulo sa kanyang buhay. Si Luther, teka. ‘Paano nga pala nalaman ni Luther ang number ko?’ tanong niya sa sarili. Hindi kaya sya si Mr. Suarez? Mayaman sya. At anak ng may-ari ng campus. O kaya nama, ang tatay ni Luther? Baka ako ang napili niya para sa anak niya? Shit! Wag naman sana’ Pero, imposible naman yun! Bawi niya. Pinindot niya ang ‘reply’ at nagtext.

‘Don’t worry, I can handle it myself.’ Send. At binitiwan niya ang cellphone.

Muling naglakbay ang isip ng dalaga. ipinikit niya ang kanyang mga mata at hinayaan niyang lumapat ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang katawan. Gusto niyang mag-relax. Dinama niya ang katahimikan ng gabi. Paulit-ulit na sumasagi sa kanyang isip ang desisyon na ginawa niya noon. Kung hindi lang siguro niya tinanggap ang alok na mag-aral siya sa mamahaling eskwelahang iyon, sana’y masaya siya ngayon kapiling ang mga dating kaibigan.

TUTUT! TUTUT!

Nagulat si Jeri sa tunog na iyon. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone at tiningnan ang message doon.

‘OK! JUST DON’T FORGET TO TEXT ME IF YOU’RE IN TROUBLE.’

Hindi na binalak ni Jeri na sagutin pa iyon. Binitawan na niya ang cellphone at lumapag iyon sa kanyang tabi, malapit sa unan. Bumangon siya at nagpalit ng damit na pantulog.





CHAPTER 8

Alas syete ng umaga. Nakaupo si Derwyn sa cafeteria. Palinga-linga ito, at panay ang tingin sa orasan. Paubos na ang iniinom niyang kape ay wala pa rin ang kanyang hinihintay. Si Jeri. Kagabi lang ay laman ng isip niya ang dalaga. Ang kaaya-ayang ngiti nito at ang mga matang malambing kung tumingin kahit na galit. Sa isip niya, marahil ay ito na ang tamang panahon upang aminin sa dalaga ang kanyang nararamdaman. Ngunit hindi pa siya aasa sa anumang isasagot nito. alam niyang mabibigla ang dalaga ngunit tanggap iyon ni Derwyn. Mas mahirap kasi kung itatago na lamang niya ito. Inip at kaba ang nararamdaman niya.

Hinigop niya ang huling laman ng tasa ng biglang natanaw niyang papasok si Jeri. Halos mailuwa niya ang kape sa kanyang bibig lalo na ng makita niyang nakanigti itong papalapit sa kanya.

“Musta na u?” bati sa kanya ng dalaga habang umuupo ito sa tapat niya.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng hiya sa dalaga. ibinaba niya ang tasa at ngumiti kay Jeri. “A-idol” saglit na tumigil. “Mabuti naman me” at nagbigay ng ngiti “parang text ah!” dugtong niya.

“Hahaha. Oo nga eh. Anong breakfast mo?” malambing ang tinig ng dalaga.

“Ha? Breakfast? Coffee lang saka buns” natatarantang sagot ng binata.

“Derwyn, Is there something wrong?” tila nag-aalalang tanong ni Jeri.

“Ha? W-wala naman. Bakit mo naman naitanong yan?”

“You look pale, I know, may problem ka. Tell me now.”

“Wala. Im ok. Wala naman problema.”

“Sure?” tila hindi kumbinsidong tanong ng dalaga ngunit sinagot naman ito ng binata ng tango bilang pag-sang ayon. “Teka, titingin lang ako ng makakain ko” sabay tayo ng dalaga at nagtungo sa mga naka-display na pagkain. Sinundan ng tingin iyon ni Derwyn.

Ilang saglit pa’y bumalik si Jeri sa table bitbit ang hot chocolate at chicken empanada. Napansin niya na tila hindi mapakali si Derwyn.

“Sigurado kang wala kang problema?” si Jeri.

Hindi malaman ng binata kung paano sisimulan ang sasabihin nya. ‘Bahala na’ sa isip nito. “A-Actually, meron talaga akong gustong sabihin sa’yo” panimula ni Derwyn.

“Malaking problema ba yan?” usisa ng dalaga.

Umiling si Derwin. “G-Ganito kasi yun eh” saglit na natigilan. Hindi malaman kung anong pakiramdam ang dumapo sa kanya ngayon. Mabilis ang pintig ng kanyang dibdib at nanlalamig ang kanyang pakiramdam. Tila may humahalukay sa kanyang tiyan kasabay ng panginginig ng kanyang tuhod. “J-Jearaine-”

“Wow! Real name ko pa talaga ha?” nakangiting putol ng dalaga. “Mukhang seryoso yan ah! Ano ba yun?”

“K-Kasi ano eh-”

TUUUTT TTUUTT

Naputol ang sasabihin ni Derwyn nang mag-ring ang cellphone ni Jeri. Itinapat ng dalaga ang palad kay Derwyn bilang senyales na ‘sandali lang’ habang dinudukot ng isang kamay ang cellphone sa bag. Nakuha naman ng binata ang ibig sabihin niyon at tumango ito sa dalaga.

“Hello?......ikaw na naman?.........pwede ba?........bye!” sabi ni Jeri at tila inis na ibinalik sa bag ang cellphone. “Ang hayup na ‘yon! At may gana pang tumawag!”

“Sino yun?”

“Si Luther.” Sagot ng dalaga at kumagat ng emapanada. “Alam mo ba,” patuloy niya, “inabangan ako nyan kahapon dun sa may sakayan!“

“Ha? Anong ginawa sa’yo? Sinaktan ka ba?” pag-aalala ni Derwyn.

Saglit na humigop ng hot chocolate si Jeri, “Hindi naman” habang ibinababa ang tasa. “Nagso-sorry. Tapos, nagbigay pa ng bulaklak!”

“Bulaklak? Bakit naman daw?”

“Ewan ko ba sa taong yun!” saglit na tumigil. “Isinampal ko nga sa mukha nya yung bulaklak” at napangiti pa ito ng tila nagmamalaki. “At hindi lang ‘yon.” Saglit na tumigil. “tumawag pa sa akin kagabi at nangakong magbabago na daw. Hahaha” hagikhik ng dalaga. “nakakatawa diba?” tumango lang si Derwyn ngunit hindi ito natawa. “hindi ko lang malaman kung paano nya nakuha ang number ko eh!” kumunot ang noo ng dalaga. “Sa tingin mo, paano kaya?”

Sumeryosong muli ang mukha ni Derwyn. “Anong klaseng tanong naman yan? Nakalimutan mo na bang anak sya ng may-ari ng school na ‘to?” tanong ni Derwyn.

“So?”

“Edi pwede syang maghalungkat ng mga files natin sa faculty kung kailang nya gusto.” Saglit na tumigil. “O kaya naman ay utusan nya kahit na sino ang nandun para usisain ang files mo.”

Tila napunan ang tanong ng dalaga. “Oo nga pala noh? Ang tanga ko naman.” Nakangiti ito at biglang napatingin sa wristwatch nya. “Ay! Mag-e eight na. tara na.” at nagmamadali itong tumayo at sumunod na rin si Derwyn na tila nanghihinayang sa pagkakataon.

FILIPINO ang subject bago ang lunch break nila. Dito nagkakasundong maigi sina Derwyn at Jeri. Pareho kasi silang mahilig sa tula na sya namang topic nila ngayon. Sa ibang mga classmates naman, ito ang pangalawa sa pinakanakakaantok na subject kasunod ng Calcullus. Mas lalo pang ginawang kaantok-antok ni Mr. Agustin ang pagtuturo dahil sa bagal ng kanyang pagsasalita at minsa’y walang sense na paliwanag. Kaya naman kapwa pinili nina Derwyn at Jeri na maupo sa unahan para lalo silang ganahan.

“Class, bago natin simulan ang ating aralin,” bungad ni Mr. Agustin. “buong pagmamalaki kong ipinakikilala sa inyo” excited niyang sabi. “Ang bago nyong classmate”saglit na tumigil, “Si Mr. Eleutherio Montano” nagbulung-bulungan ang mga estudyante at halos sabay-sabay na tumingin sa likuran ngunit walang bagong mukha doon.

“Eleutherio? Parang pangalan ng ninuno ko! Nyahahaha!!!” sigaw ni Francis na pinakaloko sa klase at nakitawa na rin ang halos lahat ng estudyante maliban kina Derwyn at Jeri.

“Tahimik!” saway ng professor. At maya-maya lang ay tila hinigop ng pinto papasok ang isang gwapong lalaki. Maganda ang pangangatawan at matapang ang mukha. Si Luther. Nang makita ito ng mga estudyante ay biglang tumahimik ang mga ito. biglang nanginig ang buong katawan ni Francis ng malaman na si Eleutherio ay si Luther. Ang siga sa buong campus. Galit na tiningnan ni Luther si Francis na ngayo’y hindi mapalagay sa kinauupuan. Sa may bandang likuran naupo si Luther.

Sabay na napatingin sina Derwyn at Jeri sa bagong dating na kaklase at nang makita ito’y tila natulala ang dalawa. Bigla namang bumawi ng lakas ng loob si Jeri.

“Eleutherio? Pangalan din ng lolo ko yan! Hahaha” malakas na tinig ni Jeri habang nakatingin kay Luther na ngayon ay nakayuko at tila nahihiya. Nilibot niya ng tingin ang buong klase na ngayo’y tahimik lang at walang nakikitawa sa pang-aasar niya. “O, ba’t natahimik kayo? Nakakatuwa naman talaga diba? Hahahaha”

“Jearaine Corpuz!” matigas na tinig ni Mr. Agustin dahilan upang tumigil ang dalaga sa pagtawa. “Tulad ng sinabi ko-” nakangiti pa rin ang dalaga at muling tiningnan ng masama ng prof. “Tulad ng sinabi ko, sya ang bagong classmate nyo. Nag-switch sya ng course at nangakong ipapasa ang lahat ng subjects. O di ba, bongga?” at nagpalakpakan ang mga estudyante maliban kay Jeri.

“Balik tayo sa ating aralin, ang Panitikan.” muling naging seryoso ang mukha ng propesor. Nagmukhang siopao na inilubog sa dinuguan. “Napag-usapan na natin ang mga uri ng tula di ba?” tanong niya at nagsagutan naman ang mga estudyante. “Anu-ano nga ulit yun Derwyn?” at tumingin ito sa binata. Tumayo agad si Derwyn.

“Liriko o pandamadaming tula, Naratibo, Padula o drama, Pampagkataon at Tulang may aral” makisig na sagot nito. at kumindat pa kay Jeri bago tuluyang umupo.

“Magaling!” nakangiting sabi ng propesor. “Ngayon naman, dadako tayo sa uri ng Liriko o pandamdamaing tula.” Tumingin sa lahat “unahin natin ang soneta.” Inip na inip na ang mga estudyante. “Ganito ang gagawin natin. Igu-grupo ko kayo ng tig-dadalawa at gagawa kayo ng sarili nyong soneta.” Tila dismayado ang mga estudyante.

“Pero prof, hindi pa nga namin alam kung ano ang soneta.” Reklamo ng isa.

“Yun ang kailangan ninyong tuklasin!” matigas na tinig ng propesor. “Bueno, sisimulan ko na. tutal, labing isang lalaki at labing isang babae kayo, gagawin kong partners ang isang lalaki at isang babae. Unang-una, sina Francis at Roxanne”

“uuuuyyy!!” napuno ng hiyawan ang buong klasrum. Alam kasi ng lahat na crush niFrancis si Roxanne.

“Kasunod, sina Jeri at Luther” tahimik ang lahat. Tila binuhusan ng malamig na tubig si Jeri. Kahit na gustong-gusto niya ang lesson ay tila gusto nyang umatras ngayon. Hindi na niya narinig pa ang mga sumunod na pares dahil binalot siya ng pag-iisip ng tungkol sa mangyayari.

Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ang pagtatapos ng Filipino subject. Tulala pa rin si Jeri habang papalabas ng school. Nawala na sa paningin nila si Luther. Dumiretso muna sila sa library upang isoli ang hiniram ni Jeri nung makalawa. Nang lumabas sila ng gate ay nasalubong nila si Francis na hawak-hawak ang namumulang pisngi kasunod si Luther.

“Anong nangyari sayo?” tanong ni Jeri.

Tumingin sa likuran si Francis at nagkatinginan sila ni Luther. “Ha? W-wala, nadulas ako dun sa labas.” At nagmamadaling lumakad ito papasok. Sigurado si jeri na Luther ang may kagagawan niyon. Tiyak na inabangan nito si Francis sa labas dahil sa pang-aasar nito kanina. Dumaan sila sa harapan ni Luther. Gusto sanang magsalita ng binata ngunit lalong binilisan ng dalawa ang paglalakad at hindi na humabol pa si Luther.














CHAPTER 9

“Nakakainis talaga! Bakit naman kasi sya pa?” inis na sabi ni Jeri kay Derwyn habang naghihintay sila ng order nila.

“Wala naman yatang masama dun Jeri,” sagot naman ni Derwyn. “Tao syang humaharap sa’yo, kaya ituring mo na rin syang tao”

“Tao? after nung ginawa nya sa akin?!”

“O C’mon Jeri, try to forget about the past! Saka dapat tiningnan mo rin yung side nya.” Saglit na tumigil. “Bakit nya nagawa ‘yon? Dahil natorete sya sa kakadaldal mo right?”

“So ako ngayon ang may kasalanan?” iritang tanong ng dalaga.

“Nope. That’s not what I mean.” Dumating ang order nila at inayos sa kanilang harapan. “Ang ibig kong sabihin ay baka maiksi lang talaga ang pasensya nya. Marami akong kilalang ganyan. Why don’t you give him a chance?”

Napaisip si Jeri. Maaring may point nga si Derwyn dun. Bakit hindi nga kaya niya subukan? Sinimulan nila ang pagkain. “Oo nga pala Derwyn, di ba may sasabihin ka dapat sa akin kanina?” tanong ni Jeri sabay subo ng kanin.

“Ha? Ahh,, oo nga pala. Ano na nga ulit yun? Nakalimutan ko na eh” at muling nagpakawala ng ngiti.

“Grabe! Ilang taon ka na ba at nagiging ulyanin ka na?” at bahagyang tumawa ang dalaga.

Katahimikan.

“Ahm, Jeri-” binasag ni Derwyn ang katahimikang iyon. “Sabado na bukas, may gagawin ka?” tanong ng binata.

“Bukas? ammm” kunwari’y nag-isip si Jeri. “Meron. Tutulungan kong maglaba si inay. Bakit?”

“So, hindi kita pwedeng istorbohin para samahan akong kumain sa labas?” malumanay na tanong ng binata.

Tumingin si Jeri sa mukha ni Derwyn at tila inuusisa kung seryoso. “Are you asking me for a date?” tanong niya.

Nagulat si Derwyn at bahagyang napahiya sa dalaga “H-Ha. Ah..e… Let’s try different environment. Lagi na lang kasing dito tayo kumakain.” Bawi nito.

“Ok! Wala namang problema sa akin yun. Basta sagot mo ha?” tila naghahamon ang tingin nito. “Anong oras ba ‘yan at nang makapagpatahi ako ng gown ko?” sabay tawa ng bahagya.

“Ikaw. Kung anong oras ka available. Maglalaba ka pa kamo.”

“Ok, 3pm?”

“Ok, paano kita susunduin?”

“Wag na. pupunta nalang ako dito sa campus.”

“Are you sure?” paniniguro ng lalaki at sinagot lamang ni Jeri ng isang tango at tumuloy na sa pagkain.



ALAS SIYETE Y MEDIA ng gabi. Dinatnan ni Aling Vergie si Jeri na naglalaba. Nagtaka ito sa inasal ng anak.

“Ren? Anong nangyari sa’yo anak?” tila nag-aalalang sabi nito at hinipo sa leeg na tila pinakikiramdaman kung may sakit ang anak. “Ikaw ba talaga yan?”

Ngumiti ang dalaga. “Inay naman, minsan lang po ‘to noh?”

“Naku anak, kung nilalagnat ka, wag na wag kang uminom ng gamot para hindi ka gumaling.” Nakangiting ring sagot ng kanyang inay.

“Hay naku ‘nay, mabuti pa’y kumain na kayo, nakapagluto na rin ako ng hapunan”

Hinawakan ni Aling Vergie ang dibdib “Ha? Naku hihimatayin yata ako. Ano bang nakain mo ha? Baka gusto mong plantsahin na rin ang mga damit natin?”

’Wag na kayong magtaka jan. basta magbihis na kayo at kumain.”

“Hindi mo ba ako sasabayan?” si Aling Vergie habang papasok sa kanyang kwarto.

“Tapos na po ako.” Pahabol na tinig ni Jeri.


Mabilis na natapos ni Jeri ang paglalaba at ngayo’y nasa loob na sya ng kwarto. Nakatayo siya sa harap ng bukas na aparador at tinititigan ang mga damit na naka-hanger doon. Parang isang detective na naghahanap ng ebidensya sa crime scene. Kumuha ng isang blouse at itinapat sa dibdib. Tiningnan ang kanyang itsura sa salamin at muling sinipat ang bawat anggulo niyon.

“Ahem!” tinig mula sa kanyang likuran “mukhang may date ata ang dalaga ko. kaya pala ang sipag sipag ngayon.” si Aling Vergie habang papalapit kay Jeri. “baka mabasag na ang salamin ha?” nakangiti ito.

“Hindi po date yun nay. Kakain lang po kami ng kaibigan ko” depensa ni Jeri.

Umupo sa gilid ng kama si Aling Vergie. “Marami kayo?”

“Kaming dalawa lang po”

“Babae ba sya?” at umiling ang dalaga sa tanong na iyon ni Aling Vergie. “O, e anong tawag mo dun?”

Tumingin si Jeri sa kanyang inay. “Inay, kaibigan ko lang po si Derwyn. Hindi po sya nanliligaw sa akin.” At umupo rin siya sa tabi ng kanyang inay.

“Alam mo anak, ganyang-ganyan din ako noong unang date namin ng itay mo. Pilit kong itinatanggi sa lola mo na date ang pupuntahan ko dahil napakahigpit niya sa akin.” at humawak pa sa balikat ng anak. “Pero sa panahon mo, hindi naman kita hinihigpitan. Malaki ang tiwala ko sa’yo. Nagtataka nga ako sa’yo dahil sa ganda mong iyan, hindi ka pa rin nagkaka-boyfriend”

“Pero hindi talaga siya nanliligaw sa akin. Sya po yung bestfriend ko sa school.”

“Sya sige. Bestfriend na kung bestfriend, basta dapat magandang maganda ka sa date mo ng bestfriend mo para hindi sya ma-turn off sa’yo” tila nanunuksong tinig ni Aling Vergie.

Muling tumayo si Jeri at itinapat sa dibdib ang isa pang blouse habang hawak naman sa kabila ang isa pa. “Alin ang maganda dito nay?”


Sa loob ng mahigit isang oras na paghahanap ay nakapili rin sa wakas ng isusuot si Jeri. Inihiwalay niya ito sa iba pang mga damit. At muling tinitigan ng biglang…

TUTUT! TUTUT

Nag-ring ang kanyang cellphone at dali dali niyang kinuha iyon. Number ni Luther. “Hello?”

“Hi Jeri!” sa kabilang linya.

“Yes Luther. Ano na naman ang problema?”

“Ha? Ah… magtatanong lang sana ako tungkol dun sa pinapagawa ni Mr. Agustin. Ikaw ang partner ko di ba? Wala kasi akong alam dun eh.”

Saglit na nag-isip ang dalaga, “For our grades sake, sige, anong gusto mong itanong?” natuwa si Luther sa sagot na iyon.

“Pwede bang magkita tayo bukas? Masyado yatang informal kung sa phone tayo mag-uusap.”

“Bukas? Sorry ha? May lakad ako eh!”

“Sa Sunday?”

“Dun na lang sa School ok? I’m not available this weekend eh.”

“Ok. Salamat”

“Ok. Bye.”

Bagamat bigo si Luther, masaya na rin siya dahil biglang nag-iba ang pagtrato ni Jeri sa kanya. Maaring ito na ang unang hakbang upang tuluyan nang mapalapit ang loob ng dalaga sa kanya.


NAKATAYO SI DERWYN sa harap ng saradong gate ng school. 5 minutes before 3pm na noon at makailang ulit niyang binabalik balikan ng tingin ang wristwatch niya na akala mo’y bibilis ito sa tuwing titingnan niya. Muli niyang nilingon ang waiting shed ng makitang may tumigil na jeep doon. Halos lumaki ang mga mata niya nang makitang bumaba doon si Jeri at nakangiting naglakad patungo sa kanya. Naka red body fitted na sleeveless ito na pinarisan ng dark blue skinny jeans. Litaw na litaw ang kaseksihan nito. hindi makapaniwala si Derwyn sa kanyang nakikita. Napakaganda ni Jeri.

“Hi! Kanina ka pa?” bungad ng dalaga.

“Hindi naman. Kararating ko lang din.” Sagot ni Derwyn. “Hanep! Mukhang tao ka rin pala minsan” pang-aasar ng binata.

Tumawa si Jeri. “Ano, edi tulo ang laway mo ngayon? Hahaha!”

“Umaambisyon ka naman.”

“Ano na? san na tayo?” tanong ni Jeri.

“Basta, sumama ka na lang sa akin, at akong bahala sa’yo!” at sakto namang paparating ang isang jeep kaya pinara agad ito ni Derwyn.

SHANGRILA PLAZA MALL. Dito dinala ni Derwyn si Jeri. Tumuloy sila sa Tokyo Tokyo Restautrant para kumain. Nagustuhan agad ni Jeri ang ambiance ng outside seating doon. Red weaved ang seats. Tahimik at romantic. Iniwan muna ni Derwyn si Jeri sa upuan at sya na ang umorder ng makakain nila. Pinagmasdan niya ang paligid at hinagaan niya iyon. May katagalan din bago bumalik si Derwyn bitbit ang inorder na pagkain. California Maki, Beef Misono, at tuna sashimi na pinarisan ng red iced tea.

“Grabe! Ang dami naman nyan! Bibitayin na ba ako?” sabi ng dalaga ng makita ang mga pagkaing iyon na iniaayos ni Derwyn sa kanyang harapan.

“Special food para sa special feast!” nakangiting sabi ni Derwyn. “At ang maganda pa rito ay yung rice all you can. Ubusin natin ang kanin nila.”

“Derwyn, ang mahal nito. sana dun na lang tayo sa mas cheaper restaurant”

“Ba’t ka ba nagrereklamo? Hindi naman kita sinisingil ah! Kumain ka na lang ng kumain. Minsan lang to!”

“Ikaw ang bahala.” At dinampot ni Jeri ang chopstick. “Bakit parang kabisadong-kabisado mo dito? Dito mo ba dinadala ang mga gf mo?”

Bahagyang natawa ang binata, “Never pa akong nagka-girlfriend. Ewan ko, torpe siguro ako. Lagi lang kami dito kumakain ni Aunt Merly kapag nanghihingi ako ng tulong sa kanya. Financially.”

“Ahh..”

“Sinagot ko na ang pagkain, ikaw naman ang magsabi kung saang place tayo susunod na pupunta. Nood tayo ng sine? Stroll stroll lang? or what? Don’t worry, I’ll carry all the expenses” kumindat pa si Derwyn.

Nag-isip si Jeri. Walang lumabas na tinig dito kaya’t patuloy na lang ang pagkain nila. Maya-maya ay biglang nagsalita ito. “I know one place na gusto kong puntahan natin.” At tiningnan siya ni Derwyn na tila nagtatanong. Tumingin siya sa binata at ngumiti. “Manila Zoo.”

Kumumot ang noo ng binata. “Manila Zoo? Sigurado ka?”

Tumango si Jeri. “Ayaw mo yata, ako lang.”

“No. it’s ok! Matagal na rin akong hindi nakakapunta dun. 15 years na siguro. Hahaha! Ok! Go!”


KATULAD NG PLANO, tumuloy sila sa Manila Zoo matapos kumain. Tuloy-tuloy si Jeri sa may kulungan ng elepante at bahagyang tumigil. Minasdang mabuti ang elepante na naglalakad-lakad doon.

“Hoy! Natulala ka na dyan. Ngayon mo lang ba nakita yan?” sabi ni Derwyn.

“Ang tanda na nya noh?” sagot ni Jeri at hindi inalis ang pagkakatingin sa elepante. Malungkot ang mukha ng dalaga.

“O, ano naman ang problema dun? Bat affected ka masyado?” pabirong tanong ng binata.

Nagkibit-balikat si Jeri “Wala lang” sabi nito. “Alam mo, nung medyo bata pa yan,” itinuro ni Jeri ang elepante, “dito sa kinatatayuan ko, unang una akong nagkaroon ng picture with my father. Masayang masaya kami noon.” Lalong naging malungkot ang mukha nito. “Akala ko, magtatagal ang kasiyahang iyon.”

Tila napahiya si Derwyn, “A-Im sorry.”

“Ok lang yun.” Bahagyang ngumiti ang dalaga. “Kaya dito kita niyaya, para alalahanin ko yung past ko. Ang korni ko noh? hahaha”

“No comment” si Derwyn.

“Halika, sakay tayo sa boat!” at parang batang tumakbo si Jeri.

“Teka, hintayin mo ako!” habol ni Derwyn.

“Humabol ka kung kaya mo. Beh!” at inilabas pa ang dila ni Jeri at nang-aasar.

“Ah ganun! Sige, humanda ka pag naabutan kita.” At binilisan nito ang pagtakbo.

Patuloy sa pagtakbo si Jeri na tila enjoy na enjoy sa ginagawa. Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang maging ganito. Panandaliang nawala ang stress sa school. Dinaanan niya ang mga ibon at naaliw siya doon. Nang biglang may humablot sa kanyang braso.

“Huli ka! Hahaha” sabi ni Derwyn.

“Hahaha! Ang daya mo naman! Pasalamat ka sa mga ibon na yan, kung hindi ko lang sila tiningnan, I’m sure, hindi ka aabot!” sagot ng dalaga.

Tumingin si Derwyn sa mga ibon. “Thank you berdie berdie!” hindi pa rin naaalis ni Derwyn ang kamay nito sa braso ng dalaga.

Kapwa sila nakangiti at nakatingin sa nagliliparang mga ibon. Ilang saglit pa ay nagtama ang kanilang paningin. Mata sa mata, at bigla’y sabay silang napatingin sa braso ni Jeri na hawak-hawak pa rin ni Derwyn. Nagulat ang binata at biglang binitiwan iyon.

“Tara na sa bangka!” sabi ni Derwyn at lumakad na ito papalayo na sinundan naman ni Jeri.
































CHAPTER 10

Kahit araw ng Sabado ay hindi masyadong matao sa zoo kaya naman hindi na kinailangan pang pumila nila Derwyn sa bangkaan. Ilang saglit lang ay kapwa na nakaupo ang dalawa doon. Nasa magkabilang side sila ng bangka at magkaharap. Bahagya silang itinulak ng crew doon at simula na ang kanilang paglalayag. Bago sila nagtungo roon ay bumili muna si Derwyn nang Lala fish cracker at dalawang coke in can. Si Jeri ang may hawak noon dahil si Derwyn ang nakatoka sa sagwan.

“Marunong ka ba talaga nyan?” tanong ni Jeri.

“Ako pa!” pagmamayabang na sagot ni Derwyn at tuluy-tuloy ang pagsasagwan nito. “maya-maya lang, nasa Europe na tayo! hahaha”

“Ay ayoko dun! Gusto ko sa Hongkong! Magshopping tayo dun.”

“Ok boss! Hongkong, here we come!”

Binuksan ni Jeri ang snacks nila at ipinatong sa upuan na nasa ginta nilang dalawa. Dumukot siya ng isang piraso doon at isinubo.

“Ang sarap pala nito” sabi niya.

“Ang daya! Nagsosolo.” Panunundyo ni Derwyn.

“Kaya ko nga nilagay dyan sa gitna para share tayo eh!”

“E paano ko naman makakain yan? Ikaw kaya ang magsagwan?”

“E ano ang gusto mo, subuan kita?”

“Pwede?” tanong ng binata “Hindi ka ba naaawa sa isang pulubing tagasagwan?” tila nagmamakaawang sabi nito ngunit bahagyang nakangiti.

“Hmp! Ang arte mo!” dahan-dahang tumayo si Jeri at kinuha ang fish cracker. Umupo siya sa gitnang upuan. Ngayo’y magkalapit na ang dalawa. Dumukot siya ng isang piraso doon. “O. nganga!” at itinutok sa bibig ni Derwyn ang cracker.

Ngumanga naman ang binata at sinalo ang isinubo ni Jeri. “Masarap nga noh?” sabi niya habang nginunguya iyon. “Isa pa nga!”

“Aba! Abusado!”

“Sige na, ikaw din, hindi kita dadalhin sa Hongkong!”

Muling dumukot ng isa pa si Jeri at akmang isusubo iyon sa binata ng biglang

BLAG!

Isang bangka ang bumangga sa kanilang harapan. Napaluhod si Jeri at tumama ang tuhod nito sa matigas na kahoy.

“Aray!” sabi nito habang bumabangon at muling umupo sa gitnang upuan.

Inilapag ni Derwyn ang sagwan at dali-daling inalalayan si Jeri. “Ok ka lang?”

Tumango ang dalaga. “ang sakit nun ah!”

“Kuya sorry po!” tinig mula sa bangka na nasa kanilang harapan. Sabay na nilingon nila Jeri iyon. Dalawang batang lalaki ang sakay niyon. Tantiya nila’y isang 12 years old at isang 8 years old. “Hindi po kasi kami marunong” dugtong ng nakatatandang lalaki.
“Bakit ba kasi hindi kayo nagpasama sa magulang nyo?” tanong ni Jeri.

“Si Kuya lang po ang kasama namin, nandun po sila sa isa pang bangka kasama ang girlfriend nya” at itinuro ang isang bangka na medyo malayo sa kanila.

“Okay lang yun. Sige na, pag-aralan nyong mabuti ang pamamangka ha?” nakangiting sabi ni Derwyn.

“Nagagalit po yata yung girlfriend nyo eh” sabi ng mas batang lalaki.

“Ha? Hinde. Ok lang yan! Di ba babes?” at kumindat ito sa dalaga. gumanti ng tila nagtatanong na tingin ngunit nakangiti si Jeri. “Sige na,” at itinulak ni Derwyn papalayo ang bangka. Muling bumalik sa pwesto ang binata at kinuha ang sagwan. “Ok ka lang ba babes?” tila pang-aasar nito.

“Ang kapal mo! Babes ka dyan! Baka maniwala yun!” kunwari’y galit na sagot ni Jeri.

“Hahaha! Joke lang yun noh?”

“Dapat lang.”

Muling nagsagwan si Derwyn “Nag-stop over lang tayo. Ngayon, ituloy na natin ang pagpunta sa Hongkong” at sumulong ang bangka.

Ilang minuto rin silang nagpaikot-ikot doon. At sa mga minutong lumipas, nag-iisip si Derwyn kung paano kukuha ng tamang tiyempo para sabihin ang nararamdaman sa dalaga. Hanggang sa mapansin ni Derwyn ang pananahimik nito

“Natahimik ka yata?!” punan ito.

“Ha? Wala, may naalala lang ako.”

“Problema?”

“Hindi naman. Nami-miss ko lang si itay.” Saglit na tumigil. “he’s been a good father.” Nagbugtong-hininga ito “Naaalala ko pa noong bata ako. Madalas niya akong ipinapasyal dito at namamangka rin kami. Ang saya-saya ko noon. Natatandaan ko pa, lagi akong may hawak na kulay red na lobo kapag nag-iikot kami dito sa zoo. Ayaw ko ng ibang kulay, basta red lang” Nakangiti si Jeri at nakatingin sa tubig. “Isang beses nga, lumipad yung bitbit kong lobo, tapos, umiyak ako. Kaya pinuntahan ulit namin ni itay yung nagtitinda ng lobo para bumili ng isa pa. Kaso lang, wala nang red, kabibili lang daw nung isang bata. Ayaw ko naman ng ibang kulay” napahagikhik ito. “Ang kulit ko noh?” at tumingin kay Derwyn na seryosong nakikinig. “Tapos, ang ginawa niya, bumili siya ng dalawang lobo tapos, hinananp nya yung batang bumili ng pulang lobo. Tapos nung nakita namin, nakiusap siya sa nanay nung bata na pagpalitin yung pulang lobo nila sa dalawang lobo namin.”

“Buti naman at pumayag yung bata na makipagpalit.” Sabi ni Derwyn.
“Hindi rin!” at ngumiting muli si Jeri. “Kaya ang ginawa ni itay, pinalipad nya yung dalawang lobo at dinala ako sa Harrison Mall at doon kami naghanap ng pulang lobo. Buti na lang at nakakita kami. Hahaha.”

“Spoiled brat ka pala.”

“Hindi naman masyado.” Muling tumahimik. “Sayang,” muling sabi niya. “iniwan nya kami at ipinagpalit sa iba.” Muling nalungkot ang dalaga “Kaya tuloy takot ako sa isang relasyon. Baka kasi makakuha din ako ng katulad ng kay itay.“ Biglang kinabahan si Derwyn sa sinabing iyon ni Jeri. Malamang ay hindi pa ito ang panahon para aminin niya sa dalaga ang nararamdaman.

“Hindi naman siguro. Huwag mo naman lahatin ang mga lalaki. Marami dyang matino.” Depensa ni Derwyn.

“Haaay,,, kung meron man, sana, matino ang makita ko”

‘Meron nga! Nandito lang sa harapan mo’ sabi sa sarili ni Derwyn.

Tumingin si Jeri sa wristwatch nya. “Mabuti pa siguro, bumalik na tayo. Magpa-picture naman tayo dun sa may snake.”

“Ok boss!” at mabilis na nagsagwan si Derwyn pabalik. Ilang saglit pa’y narating na sila doon at inalalayan ng crew ang paghinto nila. Naunang bumaba bumaba si Derwyn upang maalalayan niya ang dalaga sa kanyang pagbaba habang pinipigilan ng crew sa paggalaw ang bangka. Iniabot ni Derwyn ang kanyang kamay at humawak naman doon si Jeri bago humakbang patungo sa ground nag biglang

“Ay!”

Napasigaw ang dalaga ng madulas ang isang paa nito. Bigla kasing gumalaw ang bangka. Mabilis naman siyang hinila ni Derwyn upang hindi mahulog sa tubig. Ngunit napalakas ang paghila nito kaya’t napasubsob si Jeri sa binata at napayakap siya rito. Mabuti na lamang at napasandal si Derwyn sa posteng nakatayo doon kaya’t hindi sila natumba. Kapwa sila nabigla sa pangyayari at nanatili sa ganoong posisyon. Bumilis ang tibok ng puso ni Derwyn at napatingin ito sa dalaga. Nagtama ang kanilang paningin.

“Ok ka lang?” tanong ng binata.

Biglang bumitiw ang dalaga at inayos ang sarili, “O-Ok lang ako. Salamat.” hindi niya napansin ang pamumula ng kanyang mga pisngi. “tara na dun!” at itinuro ang kinaroroonan ng kindergarten zoo. Katapat kasi noon ang pwesto ng yellow anaconda kung saan maaaring magpa-picture sa nasabing ahas.

“Ok! Mauna ka na. magsi-CR muna ako. I’ll meet you there.” Sagot ng binata.

“Sige. See you!” at naghiwalay na ang dalawa.

Madaling narating ni Jeri ang lugar na iyon at naaliw siya sa mga batang nagpapa-picture sa anaconda. Pinanood niya ang isang batang babae na kalong ng kanyang ama na takot na takot. Naalala niya ang kanyang kabataan. Ganito rin siya noon. Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin si Derwyn. Palinga-linga siya at tila nag-aalala kung saan na nagpunta ito. ‘wala pa naman syang cellphone’ bulong niya sa sarili.

“Pa-picture kayo ma’am?” tinig mula sa kanyang likuran. Ang lalaking may hawak ng anaconda. Lumingon si Jeri doon.

“Mamaya na. May hinihintay pa ako.” Nakangiting sabi niya. Tumango ang lalaki at tumalikod. Napatingin si Jeri sa mga pictures na naka-display doon at isa-isa niyang pinagmasdan habang naghihintay kay Derwyn.

“Pa-picture na tayo!” tinig mula sa likuran. Kilala niya ang tinig na iyon. Si Derwyn.

Mabilis siyang lumingon, “Sa’n ka ba ga-”

Naputol ang kanyang pagsasalita ng makita si Derwyn na may bitbit na pulang lobo. Nakangiti ito sa kanya. Hindi makapaniwala si Jeri. Kinuha ng binata ang kamay niya at ibinuhol doon ang dulo ng tali ng lobo.

“Ayan. Para hindi makalipad. Ayokong makita kang umiiyak eh.” Sabi nito. Hindi na nakapagsalita pa si Jeri habang inaalalayan siya ni Derwyn patungo sa pwesto nang anaconda. Sinenyasan ng binata ang mga crew doon at mabilis naman silang umaksyon. Ipinatong nito sa balikat nilang dalawa ang anaconda. “Ngumiti ka naman.” Bulong ni Derwyn at tila nagising sa pagkakahimbing si Jeri. Ngumiti ito bago nag-flash ang camera.

Ilang minuto lang ang kanilang paghihintay at iniabot na ang picture nila. Maganda ang kinalabasan nito. kapwa sila nakangiti at kuhang-kuha rin ang pulang lobo. Dalawang kopya iyon. Tig-isa silang dalawa.

“O pano, dinner na tayo?” tanong ni Derwyn. Medyo madilim na ang paligid.

“Ang dami mo atang cash ngayon ah!” sagot ni Jeri.

“Ilang linggo kong pinag-ipunan to noh?” nakangiting sagot ni Derwyn. “Wag ka nang magreklamo. Tara na!”

“Ba’t ka ba nagmamadali?”

“Sabi nila, kapag hindi daw nakuha sa santong dasalan, daanin daw sa santong paspasan.” Pabirong sagot ng binata. “hindi ko na kayang dahan-dahanin ang gutom ko eh!”

“Ganun?” nakangiting sagot ni Jeri.

Sa may Harrison Plaza na lang sila nagpunta para maghapunan. Pagkatapos ay nag-taxi na lamang sila pauwi. Sa may school din sila bumaba. Ayaw na rin kasi magpahatid ni Jeri kahit anong pilit ng binata.

Pagdating sa bahay ni Jeri ay wala pa ang kanyang inay. Tuluy-tuloy siya sa kwarto at tinanggal ang pagkakatali ng lobo sa kanyang kamay at hinayaang lumipad iyon at bumangga sa kisame. Humiga siya sa kama at pinagmasdan niya ang lobo ng nakangiti. Inilagay niya sa mesita ang ang picture sa zoo at muling humiga. Ngayon lamang niya naramdaman ang pagod. Ipinikit niya ang kanyang mata at binalik-balikan sa kanyang alaala ang nangyari kanina hanggang sa dumako ang kanyang isip sa kanyang itay. Ang pagtimbang niya sa naghalong galit at pangungulila dito. Ang kaligayahan sa piling nito at ang kalungkutan ng iwanan sila ng kanyang ina.

Huminga siya ng malalim ngunit biglang may tumakip sa kanyang bibig. Iminulat niya ang kanyang mata ngunit madilim ang paligid. Wala siyang makita. Nagpupumiglas siya ngunit wala siyang magawa. Masyadong malakas at madiin ang pagkakahawak sa kanyang mga braso. Pakiramdam niya ay nakadagan ito sa kanya. Habol niya ang hininga. Pilit siyang sumisigaw ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Maya-maya lamang ay nasasanay na sa dilim ang kanyang mata. Naaaninag niya ang aura ng dalawang lalaki. Tama ang hinala niya. Ang isa ay nakadagan sa kanya at hawak ang magkabilang kamay niya. May kalakihan ang pangangatawan nito ngunit hindi niya maaninag ang mukha. Ang isang lalaki naman ay nakatakip sa kanyang bibig at nakupo sa bandang gilid niya.

“Ssshhh.. wag kang maingay! kapag hindi daw nakuha sa santong dasalan, daanin daw sa santong paspasan.” sabi ng lalaking nagtatakip ng kanyang bibig. kilala niya ang tinig na iyon. Hinding-hindi siya maaaring magkamali. Si Derwyn!





CHAPTER 11


Nanlaban siya. Pilit niyang inaalis ang mga kamay ng lalaki sa ibabaw niya ngunit wala siyang magawa. Masyadong malakas ang lalaking iyon. Unti-unting nagliliwanag ang paligid. Ngayo’y kitang kita niya ang dalawa ng lalaki. Tama siya, si Derwyn nga ang nagtatakip ng kanyang bibig. Ang mas ikinagulat niya ay nang makita ang lalaking nakadagan sa kanya. Walang iba kundi si Luther! Patuloy ang pagpupumiglas niya hanggang sa manikip ang kanyang dibdib. Nahihirapan na siyang huminga.

Tumawa si Luther ng malakas, “Hahaha! Wala ka nang magagawa, Ren! Ren!”

“Ren! Ren!” ang tinig ni Luther ay unti-unting nagbago. Naging tinig ng isang babae. Biglang napamulat si Jeri at nakita sa kanyang harapan ang kanyang inay. Mabilis siyang bumangon at yumakap dito. “Binabangungot ka. Mabuti na lang at dumating ako” dugtong pa nito. At tuluyan nang humagulgol ang dalaga.


LINGGO NG UMAGA. Nakaupo si Jeri sa kanyang kama at pinagmamasdan ang picture nila Derwyn sa zoo. Kagagaling lang nila ng kanyang inay sa simbahan. Kanina pa nakabihis ang kanyang inay ngunit siya ay nanatili lamang sa kanyang ayos. Bigla niyang naalala ang project na gagawin nila ng partner niyang si Luther. Ang soneta. Hindi pa kasi niya tiyak kung handa na ba siyang tanggapin ang binata matapos ng nangyari sa kanila. Nalilito pa rin siya. Ngunit ayaw naman niyang ibagsak ang isang subject dahil lang sa lalaking iyon kaya wala syang magagawa kundi ang magtyaga. Muli niyang kinuha ang poem notebook niya at nag-isip kung tungkol saan ang gagawing tula.

TUUUTT TTTUUUUTT!

Dali-daling kinuha ni Jeri ang cellphone at tiningnan kung sino iyon. Si Luther. “Yes Luther!”

“Hello Jeri, baka naman pwede tayong magkita ngayon, importante lang talaga, please?” pagmamakaawa ni Luther sa kabilang linya. “Susunduin kita dyan sa inyo.”

Saglit na nag-isip ang dalaga. “Aba! As if naman na alam mo kung saan ako nakatira!” mataray na sagot ni Jeri. “Sige nga! Puntahan mo nga ako dito ngayon?!” hamon nito.

“Sasama ka sa akin kapag nakarating ako dyan?” tila excited na tanong ni Luther.

“Oo ba! Basta within 10 minutes lang. hahaha!”

“Sige!”

BEEP! BEEP! BEEP! BEEP!

Muling nagsalita ni Luther. “Hoy! Hindi mo ba naririnig yung busina ko? dumungaw ka nga sa bintana.”

Nagulat si Jeri. ‘Mali sana ang iniisip nya’ dali-dali syang dumungaw sa bintana at tila binuhusan ng malamig na tubig ng makitang kumakaway sa kanya si Luther. Nakangiti ito.

“Ang daya mo! Bakit hindi mo sinabing nandyan ka pala?”

Tumawa ang binata. “Wala pang 10 minutes. Ano, lumabas ka na dyan!”

Kinansel na niya ang tawag na iyon. ‘Ang walanghiyang iyon, naisahan ako!’ sabi niya sa sarili. Mabilis siyang bumaba. Nang malapit na sya sa pinto ay napansin siya ng kanyang ina na nagluluto sa kusina.

“San ang punta mo iha?” tanong nito.

TOK! TOK! TOK!

Hindi pa man nakakasagot si Jeri ay narinig nila ang katok na iyon. Binuksan ni Jeri ang pinto.

“Good morning Jeri!” bati ni Luther ng mabuksan nito ang pinto. “Good morning po ma’am” bati naman nito kay Aling Vergie.

“May bisita ka pala Ren, bakit hindi mo sinabi? Mabuti na lamang at kauumpisa ko pa lang magluto. Teka’t dadamihan ko na rin.”

“Ha? N-Nay, huwag na po! H-hindi po sya magtatagal.” At tumingin itong tila galit kay Luther.

Ngiti lang ang isinagot ni Luther. “Ah, medyo magtatagal po yata ako kasi, may gagawin po kaming project ni Jeri. Classmate nya po ako. Ako nga po pala si Luther.” Hindi malaman ni Jeri ang isasagot sa oras na iyon. Walang alam ang kanyang ina sa pangyayari.

“Ah ganun ba iho?” nakangiting sagot ni Aling Vergie. “Aba’y papasukin mo naman yang bisita mo,” sabi niya kay Jeri. “Tuloy ka iho. Teka’t itutuloy ko lang ang pagluluto ko.” At muling bumalik sa kusina.

“Salamat po.” Hindi pa man siya pinapapasok ni Jeri ay kusa na itong pumasok at tuloy-tuloy sa sofa. Kumindat pa ito kay Jeri nang dumaan ito sa harap niya. Wala nang nagawa pa ang dalaga kundi sumunod sa binata.

“Bihis ka na ah! Alam mong darating ako?” pilyong tanong ni Luther.

“Ang kapal ng mukha mo! Kagagaling ko lang sa simbahan noh?” iritang sagot ng dalaga. “Ano ba talagang sadya mo rito?” halos pasigaw iyon.

“Wag mo naman akong sigawan, nakakahiya kay sa nanay mo.”

Tumingin sa kusina si Jeri, “Ano bang kailangan mo?” mahina ang tinig na iyon.

“Huwag kang mag-alala. Yung project talaga ang sadya ko. Ano ba yung Sonete?”

“SONETA! S-O-N-E-T-A!”

“Yun na nga! Ano ba talaga yun?”

Tumingin si Jeri sa mukha ni Luther. Waring tinitingnan kung seryoso ang binata. “Ok.” Panimula niya “Ang soneta ay isang uri ng tulang liriko na may 14 na taludtod at may malalim na ipinahihiwatig at-” natigil ang salita ng dalaga ng makitang palinga-linga si Luther. “hindi ka naman nakikinig eh!”

“H-ha? Nakikinig ako!”

“Sige nga, ulitin mo nga yung sinabi ko?”

“Basta nakikinig ako.” Matigas na sabi ng binata. “Basta tula yun na may 14 na taludtod, at malalim na ibig sabihin, tapos?”

Hindi man nakangiti ay natutuwa ang dalaga sa inasal ni Luther, hindi ganoon ang inaasahan niya sa lalaki. Nakikinig nga ito. “Ano na?” muling tanong ni Luther. “Alam mo Jeri, siguro, kung gagawa tayo ng tula, mas maganda kung sa mas magandang view.”

“At ano naman ang alam mo sa paggawa ng tula?”

“Wala. Pero parang painting lang yata yan eh! Magagawa mo kapag nasa mood ka at medyo malalim ang ibig sabihin. Yung parang ilalabas mo yung nasa sa loob mo!” paliwanag nito.

“Am…. Siguro nga.”

“So, lalabas tayo?”

“No way!” matigas na sabi ng dalaga. Biglang lumabas mula sa kusina si Aling Vergie. Tumayo si Luther at lumapit sa kanya.

“Ma’am, ipagpapaalam ko po sana si Jeri, mas mabuti po yata kung sa mas magandang view namin gagawin yung project namin. Tula po kasi iyon. Pwede rin po kayong sumama kung hindi kayo busy.” Sabi niya.

Tumingin si Aling Vergie sa anak na ngayo’y nakayuko. “Jeri?” tanong niya sa anak. Hindi kumibo si Jeri. “kunsabagay, wala din naman kaming gagawin ngayon,”

“Nay?” si Jeri.

“Wag kang mag-alala. Pinapayagan kita.” Nakangiti si Aling Vergie at muling tumingin kay Luther. “Magtitiwala ako sa’yo ngayon, pero wag mo sanang abusuhin ha?” tanong nito.

“Mas mabuti pa po sigurong sumama na lang kayo sa amin.” Si Luther.

“Ha? At ano naman ang gagawin ko dun?”

“Sight seeing lang po!”

“Saan ba?”

“Sa Piknik Groove po. Sa Tagaytay.” Sagot ni Luther. “Kung gusto nyo po, dun na lang natin kainin yang niluto nyo.”

Nag-isip si Aling Vergie. “Kung hindi dyahe sa inyong dalawa, sige sasama ako.”

“Talaga po? Yes!” at napasuntok pa sa hangin si Luther. “O Jeri, ano pang hinihintay mo dyan, halika’t mag-impake tayo habang nagbibihis si Aling-”

“Vergie” dugtong ni Aling Vergie sa nagtatanong na mukha ni Luther.

“Tutal bihis ka na naman eh.” Dugtong muli ni Luther.
“Oo nga naman iha, sige na’t maiwan ko muna kayo at nang makapagbihis na.” si Aling Vergie.

Asar na lumapit si Jeri patungong kusina. Nang mapadaan siya sa harap ni Luther ay palihim niyang siniko ito sa bandang tiyan bago padabog na nagtungo sa kusina. Tinawanan lang siya ni Luther at sumunod na rin ang binata sa kanya.

“Ako na lang dito. Wag ka nang mag-abala pa.” nakasimangot na sabi ni Jeri.

“Galit ka pa rin ba? Sorry na please?” sabi ni Luther “Gusto mo, lumuhod pa ako sa’yo?” at biglang lumuhod nga ang binata.

“Ano ka ba? Ang korni mo ha? Tumayo ka nga dyan!”

Tumayo si Luther. “Bati na tayo?” tanong niya ngunit hindi sumasagot si Jeri.


SAKAY NG WHITE HONDA CRV, tahimik lamang ang mag-ina sa back seat habang cool na cool na nagda-drive si Luther. May kalayuan din kasi iyon, malamang ay aabutin ng dalawa hanggang tatlong oras ang kanilang biyahe. Pasulyap-sulyap si Luther sa dalaga sa Rearview mirror nito at sa tuwing mapapalingon dito si Jeri ay kikindat si Luther sa kanya at sisimangutan naman niya ito.

“Ikaw din ba yung kasama ni Ren kahapon iho?“ basag bi Aling Vergie sa katahimikan.

“Nay naman!” si Jeri.

“Ah, opo ako nga po!” sagot naman ng binata. pinandilatan naman ni Jeri si Luther nang magtama ang kanilang paningin sa salamin.

“A-Ano ba ang makikita natin dun?” iniba ni Jeri ang usapan.

“Ibig mong sabihin, hindi ka pa nakakarating dun?” tatawa-tawang tanong ni Jeri.

“E ano naman sayo?”

“Wala naman, nagtatanong lang po!” sagot ni Luther. “basta maganda ang view doon. Romantic!”

“Naku dapat pala ay hindi na ako sumama at baka makasira pa ako sa romance.” Nakangiting sabi ni Aling Vergie.

“Nay naman, project po ang pupuntahan natin dun. At hindi kung ano lang!”

“Oo nga po Aling Vergie.” Dugtong naman ni Luther.

Maya-maya lang ay narating na nila iyon. Isang cottage ang inarkila ni Luther doon sa may bandang ibaba kung saan tanaw na tanaw ang Taal Volcano. Hangang-hanga si Jeri sa ganda ng tanawing iyon. Abalang iniayos ng mag-ina ang dalang pagkain. Dumaan na rin sila kanina ng mga chichirya sa may 7-11 sa kanto ng Olivarez.

“Naku, ako na dyan Ren. Simulan nyo na kung ano man yung gagawin nyo at tatawagin ko na lang kayo kapag kakain na.” si Aling Vergie.

“Teka at kukunin ko sa kotse yung notebook at pen.” Saglit na umalis ang binata at pagbalik ay napakaraming bitbit na painting materials.

“O, akala ko ba, tula ang gagawin natin? E bat pintura yang bitbit mo?”

“Wala lang. Tara dun, maganda ang view doon.” At itinuro ng nguso ni Luther ang view sa di kalayuan habang tuloy-tuloy siya sa paglalakad. Sumunod naman si Jeri sa kanya.

Nang makakita ng magandang pwesto ay agad niyang isinet-up ang canvas at palette pati mga pintura nito. iniabot na rin niya ang notebook at pen kay Jeri na nakaupo sa damuhan.

“N-nagpe-paint ka pala?” alangang tanong ni Jeri.

Tumabi ang binata sa kanya “Minsan, kapag hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mundo.”

“Ang arte mo ha? Ano naman ang ibig sabihin nun?”

Ngumiti ang binata, “Kapag masama ang loob ko, kapag problemado at walang matatakbuhan, ipinipinta ko ang sitwasyon ko.”

“Nagkakaproblema ka? Sa yaman mong yan?”

“At ano naman ang tingin mo sa akin?” tanong ng binata, “Financially, walang problema. Pero yung taong nagbibigay ng pera,.. yun ang malaking problema.”

“Your dad? Ano naman problema mo dun?”

“Ha ha ha” hilaw na tawa ni Luther. “Anong problema sa kanya?” seryoso na ito. “Lahat!” at tumingin ito sa malayo “Hindi ko alam kung nag-e-exist ako sa paningin nya. Hindi nga niya alam na nagpipinta ako eh! Puro na lang business, business, business! Minsan nga, gumagawa na lang ako ng kalokohan para lang mapansin nya!” muling tumingin kay Jeri, “Teka, bakit ko ba sinasabi ‘to sa’yo?” at tumayo ito at humarap sa canvas na natatakpan ng putting tela. Tila napaisip si Jeri sa sinabing iyon ng binata. Naramdaman niya ang sinseridad sa bawat salita nito. Tumayo siya at sumunod kay Luther.

“Ano naman yang ipininta mo?” si Jeri habang papalapit kay Luther.

“Ha? Wala, hindi pa tapos.”

“Patingin nga!”

“Naku wag na! maupo ka na lang ulit dun.”

“Sige na. kapag hindi mo ipinakita yan, hindi kita babatiin”

“So, kapag nakita mo ito, ibig sabihin, bati na tayo?”

Tumango ang dalaga.

“Promise?”

“Promise!”

“Cross your heart?”

“Ang arte mo talaga!”

“Naniniguro lang.” at hinawakan ng binata ang telang nakatakip sa canvas. “Teka, wag mong pipintasan ha? Beginner lang ako.”

“No problem!”

“O sige, dito ka” at itinapat si Jeri sa harap ng canvas bago muling hawakan ang tela “One,…two…..walang pintasan ha?....three!” at mabilis na iniangat ang telang iyon. Bumulaga kay Jeri ang isang obra maestra. Nanlaki ang kanyang mata nang makita iyon. Ang larawan ng sarili niyang mukha. Tila buhay na buhay ang larawang iyon na parang isang propesyonal na pintor ang gumawa.

“A-ako to ah!” halos hindi makapaniwalang sabi ni Jeri.

Ngumit si Luther. “Medyo! Two weeks ko nang ginagawa kaso hanggang ngayon, hindi pa tapos.” Tumingin si Luther kay Jeri. “O ano, bati na tayo?”





CHAPTER 12

“Ikaw talaga ang may gawa nito?” muling tanong ng dalaga.

“Teka, sagutin mo muna ang tanong ko. Bati na ba tayo?”

“Amm….pwede na rin!”

“Talaga! Yahoo!!!” tumakbo pababa si Luther at tumuntong sa silya “BATI NA KAMIIII!” sigaw nito.

“Hoy ano ka ba? Bumaba ka nga dyan!”

Tumakbong palapit si Luther kay Jeri “Walang bawian ha?”

“Teka, ang sabi ko lang naman, ‘pwede’ ah!”

“Basta yun na din yun!”

“Ren, halika na kayo at handa na ang pagkain.” Tawag ni Aling Vergie sa dalawa.

“Nandyan na po ‘nay!” at sabay silang nagtungo sa kanilang cottage.

“Wow! Amoy pa lang, nakakabusog na!” sabi ni Luther habang tinatanggap ang plato na iniabot ni Aling Vergie.

“Naku, bolahin ba daw pati si Inay!” pang-aasar niJeri.

“Mukha ba akong nagbibiro?” si Luther muli.

“Oo!” sabay na sabi nina Jeri at Aling Vergie. “Kamusta naman ang tula nyo? Tapos na ba?” dugtong ni Aling Vergie.

Nagkatinginan si Luther at Jeri at kapwa ngumiti. “Nay, hindi naman ganun kadali yun eh!” si Jeri habang nginunguya ang pritong manok na isinubo niya. “Hindi naman tayo nagmamadali diba?”

“Kinumusta ko lang kasi parang gusto kong basahin kung may ibubuga ba sa panlasa ko.” nakangiting sagot ng matanda.


MATAPOS KUMAIN ay bumalik sa dating pwesto sina Jeri at Luther habang si Aling Vergie naman ay nag-ikot ikot sa park. Iniwan na nila ang mga gamit sa cottage tutal ay tanaw naman ng dalawa iyon.

“O ano na? tungkol saan ang gagawin nating soneta?” tanong ni Jeri habang nakaupo sa damuhan. Si Luther naman ay nakatayo sa harap ng kanyang obra maestra at muling sinisimulan iyon.

Tumingin sa kanya ang binata. “Ikaw na ang magsimula para may idea ako sa mga susunod pa.”

“Tungkol nga saan ang gusto mo?” at lumapit ang dalaga kay Luther at muling tiningnan ang larawang ipinipinta ng binata. “Bakit naman mukha ko ang nilagay mo dyan? Akala ko ba, nagpipinta ka kapag masama ang loob mo at namomroblema ka.” Tanong nito.

Nagbuntong-hininga si Luther. “Problemado nga.” At tumingin ito sa dalaga. “Naalala mo yung nangyari noon?” itinuro nito ang pisngi at nakuha naman ni Jeri ang ibig sabihin ng binata. “Hindi ko talaga alam ang gagawin ko noon, first time kong nagawa iyon sa buong buhay ko. Gusto kong mag-sorry pero, dyahe naman sa tropa. Baka sabihin nila, tumitiklop ako sa babae.”

“Pride ha?”
“P-Parang ganun na nga. Tapos ayun, hindi na naalis ang mukha mo sa isip ko. kaya nagpunta ako dito. Dito mismo sa kinatatayuan ko, ginawa ang obra maestrang ito. Ibibigay ko sana ito sayo bilang sign ng apology ko.”

“Ganun? Edi hindi mo na ibibigay sa akin yan? Kasi nga-”

“Kasi nga ano?” dugtong ni Luther sa naputol na sasabihin ni Jeri. “Kasi bati na tayo?” parang batang excited sa bagong laruan na nasabi ni Luther.

“Gusto mo, tungkol sa apology yung soneta natin?” binago ni Jeri ang usapan.

“Lagi na lang. Bakit binago mo na naman ang usapan?”

“Ako ang naunang nagtanong ok?”

“Ang daya mo talaga! Sige na nga,pagbibigyan kita.” Nakangiting sabi ni Luther. “Tungkol sa love na lang. para romantic talaga.”

“Asus! Marunong ka ba namang mainlab?” pang-aasar ni Jeri.

“Ewan ko, hindi ko pa na-try. Basta yun na yun! Paano ba uumpisahan?”

Nag-isip ang dalaga. “Sige, ano yung unang gusto mong sabihin sa kanya? Dun sa babaeng gusto mo?”

Tumingin si Luther kay Jeri at nag-isip. “Una pa lang kitang nakita, iba na ang naramdaman ko sa’yo.”

“Hahaha” si Jeri.

“Bakit?” takang tanong ng binata.

“Wala.” Nakangiti pa rin ito. “Ang korni mo eh!”

“’Yun ang gusto kong sabihin eh!” muling hinarap ang canvas. “Ikaw na nga lang” tila nagtatampong sabi ni Luther.

“Oo na sige, yun na nga.” At akmang susulat sa notebook si Jeri. “Alam ko na, itatago natin yung meaning.”

“Ha? Paano?”

“Ganito.” At tumingin siya sa binata. “Halimabawa, una palang kitang nakita, iba na ang naramdaman ko sa’yo.” Saglit na tumigil. “Pwede nating gawing” nag-isip siya “teka lang ha?”
At nagsulat sa notebook habang ipinagpapatuloy ni Luther ang pagpipinta. “O eto, basahin mo.” Iniabot ni Jeri ang notebook matapos na ilang saglit.

Kinuha ng binata ang notebook at binasa.

“Iminulat ng sinag ng araw,
Mga matang binalot ng lungkot
Napawi ang galit at ang poot
Nang sa’yong ngiti, ako’y nasilaw.”

Tumigin si Luther sa dalaga. “Ganito ba dapat talaga?”

“Ang alin?”

“Di ba, mostly, magkaka-rhyme ang hulihan ng tula?”

Ngumiti si Jeri. ”Akala ko ba, wala kang alam sa tula?”

“Wala akong alam sa paggawa ng tula. Pero marami na akong nababasa.”

“Rhyme ba ang problema?” muling kinuha ni Jeri ang notebook. “Sa soneta kasi, dapat may pattern. Magiging magka-rhyme ang 1st at 4th tapos yung 2nd at 3rd.”

“Ganun ba yon? Sorry ha? Paano naman nagkaroon ng araw? Explain mo naman ang ibig sabihin nito.”

Huminga ng malalim si Jeri. “Basta! Intindihin mo na lang.” bigla’y pumasok sa isip ni Jeri si Derwyn. Kung si Derwyn lang sana ang bumabasa nito, tiyak na maipaliliwanag niya ito kaagad.

“So, ito na yung tula natin?”

“Hindi pa. dapat 14 lines yan. Ano pang gusto mong sabihin sa girl?”

Nag-isip ang binata. “Pero nasaktan kita nung una tayong magtagpo.” Sabi nito habang ipinagpapatuloy ang pagpipinta.

“Ok!” sagot ni Jeri na ngayo’y nakaupong muli sa damuhan. Muli siyang nag-isip at nagsulat. Maya-maya’y bumalik ito sa binata at iniabot ang notebook. Binasang muli ni Luther ang nakasulat doon.

“Ngunit pighati ang aking dulot
Ang puso mo’y aking nasugatan
Di ko man nais na ika’y saktan
Puso’y nag-alab, at nakalimot”

Umiling-iling ang binata. “Ewan, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito.”

“Ano na naman yun?”

“Ang iiksi eh.” Sabi ng binata. “Hindi ba pwedeng habaan yun line?”
“Hello! Bilangin mo kaya yung syllables?”

Muling binasa ng binata iyon at parang batang nagbibilang sa daliri habang binabasa iyon. “Sampung syllables lahat? Ang galing naman. Ganun ba talaga yun? Ang hirap yata nyan.”

“Madali lang yan. O ano na ang susunod. Uunahan na kita ha? Yung last two stanzas, tag-three lines lang ha? Tapos yun first at last lines ang magka-rhyme ok?”

Kahit naguguluhan at binata ay tumango lang ito. “Sige, eto ang next.” Muling tumingin sa dalaga. “At ngayong magkasama na tayo, hindi na kita paiiyakin ulit.” Nagtama ang paningin nila. Mata sa mata. Hindi malaman ni Jeri ang magiging reaksyon. Ngayon lamang niya napansin na ang sonetang ginagawa nila ay tungkol sa kanilang dalawa. Tila nailang ang dalaga. “Ano na? hindi mo na kaya?” tanong ni Luther.

“Ha? A..eh.. sige. Teka lang. nag-iisip pa eh!” bawi ng dalaga at muling tumingin sa Taal volcano ngunit tila lumalampas ang paningin nito. Tila nasira ang kanyang konsentrasyon. Walang pumapasok sa kanyang isip. “Mabuti pa siguro, tama na muna ito. sumakit yata ang ulo ko.” sabi niya kay Luther. “Sa School na lang natin tapusin.”

“Ayan! Kasi naman, pinupwersang mag-isip eh! Sige, tama na muna yan. Mag-relax muna tayo. Nasan na ba si Aling Vergie? Samahan nating maglibot-libot. Teka at ililigpit ko na muna ito.”

Matapos mailigpit ang mga gamit ni Luther ay pinagtulungan din nila Jeri ang pag-aayos ng mga pagkain at ibinalik sa sasakyan. Ang mga snacks lang ang binitbit nila at sabay nilang hinanap ang ina. hindi naman sila nahirapang hanapin iyon dahil may kaliitan lang naman ang Piknik Groove. Niyaya ni Luther ang dalawa ng mag-horseback riding matapos magpicture taking sa magagandang view gamit ang cellphone ni Luther.

Madilim na nang sila ay umalis. Kitang-kita sa mata ng mag-ina maging kay Luther, na nag-enjoy ang mga ito. Nang makarating sa bahay ay nagkape saglit si Luther dahil na rin sa pagpupumilit ni Aling Vergie sa binata, bago ito umalis.

“Mabait si Luther ha? Boto ako sa kanya” nakangiting sabi ni Aling Vergie habang nagliligpit ng mga ginamit nila sa Tagaytay.

“Nay naman, kaibigan ko lang yun. Saka-” hindi naituloy ng dalaga ang sasabihin.

“Biruin mo, kahit mayaman sya, normal lang ang pakiktungo niya sa atin. Ano bang trabaho ng magulang nun?”

Tumingin si Jeri sa inay “ang alam ko lang, tatay nya yung may-ari ng school na pinapasukan ko.”

“Ha?” gulat na sabi ni ? Aling Vergie. “Talaga? Ang hirap naman paniwalaan. Masayado yata syang mabait. Imposibleng walang balak manligaw nun.”

Natahimik na lang ang dalaga. Ayaw na niyang makipagtalo pa sa ina.















CHAPTER 13

Lunes. Tulad ng dati, maagang pumasok si Jeri at nadatnan niya si Derwyn sa usual table. Sinalubong siya ng ngiti nito.

“Hi Idol!” bati nito.

“Hi, Derwyn! Musta na u?”

“Okay naman me. Ikaw?”

“Ok lang naman. Alam mo, may ikukwento ako sayo.” Inilapag ng dalaga ang bag sa may upuan. “Teka lang, kukuha lang ako ng pagkain ko.” at umalis ito sandali. Maya maya lang ay bumalik ito sa upuan.

“O, ano na yung ikukwento mo?” tanong ni Derwyn.

“About Luther.” Excited si Jeri.

“What about him?”

“Bati na kami.”

“What?”

“Oo. Nagpunta sya sa bahay kahapon at… ayun, niyaya nya si Inay sa Tagaytay. Syempre, kasama din ako. Tapos, nag-sorry sya sa akin,blah blah blah, tapos, ok na kami. Mabait naman pala sya eh!” Nakangiti ang dalaga ngunit nawala ang ngiti nito ng makitang tila seryoso ang mukha ni Derwyn. “Bat nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya at bati na kami ngayon?”

“H-Ha? M-masaya naman. Ako nga itong nagsabi sayo na magbati na kayo diba?” si Derwyn.

“Parang malungkot ka eh. Is there something wrong?”

“Wala naman.” Sabi ni Derwyn. “Napuyat lang ako kagabi. Daming tao sa bar.”

“Dapat pala, hindi ka na muna pumasok. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Dapat until 11pm ka lang lagi.” Pag-aalala ni Jeri. Napangiti naman si Derwyn. “ano, kaya mo ba?” tanong niya at tumango naman ang binata. “Sure ka ha? Tara na sa room.”

FILIPINO. Nasa harap si Mr. Agustin at nagche-check ng class card.

“Kamusta na ang mga soneta nyo?” tanong nito.

Nagtinginan ang mga estudyante. “Kailan po yung submission nun, sir?” tanong ni Rose.

“Sa Friday. Gusto ko, ire-recite nyo ng partner nyo yun dito sa harapan.” Tumayo ito at lumakad sa bandang ginta patungo sa pinto. Muling tumalikod at humarap sa may pisara nasa tabi siya ng upuan ni Luther. “Mas prefer ko yung tungkol sa love para romantic.” Tila kinikilig sa sabi ng propesor at napahawak pa ito sa balikat ni Luther at pumisil yon. “Kung meron nang nakatapos ngayon, pwede nyo nang i-submit yung copy sa akin.” Muling lumakad patungo sa harapan. “Mr. Montano, kamusta naman kayo ng partner mo?” tanong nito kay Luther.

“Wala naman pong problema. Mabait naman po sya sa akin” nakangiting sabi nito.

“Uuuuyyy!!! Bagong loveteam?” si Mai.

“Uuuuuyyy!!!” sabay sabay na sabi ng buong klase. Nanlamig ang pakiramdam ni Derwyn habang namumula naman ang pisngi ni Jeri at ngayo’y nakayuko ito.

“Paano naman si Derwyn? Love triangle?” sigaw ni Francis. At sabay sabay na nagtawanan ang buong klase. Lalong naliliit ang pakiramdam ni Derwyn. Tila binuhusan ng malamig na tubig.

“Tama na yan!” pigil ni Mr. Agustin. “Basta, gusto ko, tapusin nyo until Friday ha? Mahaba-habang time din yun, siguro naman wala nang male-late nun? Nagkakaintindihan ba tayo?” tanong nito.

“Yes ma’am!” si Francis. At muling nagtawanan ang buong klase.

“Okay. Dimiss tayo ng maaga ngayon para magamit nyo sa paggawa ng soneta yung natitirang time nyo. Ok?”

Tuwang-tuwa ang mga studyante at sabay-sabay silang tumayo. Lumapit si Luther kay Jeri.

“Jeri, pwede na nating tapusin ngayon?” tanong nito at tumingin kay Derwyn na nasa tabi ni Jeri.

“Ha? Ah eh.. after lunch na lang siguro. Kakain na muna kami.” Sagot nito.

“Pwedeng makisabay na lang sa inyo?”

“Ha?” Nagulat si Jeri at tumingin ito kay Derwyn na nagtatanong.

“O-Ok lang naman sa akin.” Si Derwyn.

“Oh, yun naman pala eh. Tara na!” si Luther. Biglang lumapit si Rose.

“Derwyn, kailan ba natin sisimulan yung sa atin?” tanong ni Rose kay Derwyn.

“Pagkatapos siguro kumain” sagot ng binata. “Kung gusto mo, sumabay ka na lang din sa amin.” Nakangiti na ngayon si Derwyn.

“Hindi ba nakakahiya?”
“Ba’t ka naman mahihiya?” tanong ni Jeri. “Tara na! sabay-sabay na lang tayo.”

Sa dating pwesto umupo ang apat. Magkatapat sina Jeri at Derwyn samantalang magkatapat naman sina Luther at Rose sa kwadradong mesa. Matapos umorder ng kanya-kanyang pagkain, tila nagpapakiramdaman ang lahat kung sino ang mauunang magsalita.

“Amm, ok pala kung mas marami tayo ano Derwyn?” bungad ni Jeri at tumango naman si Derwyn na tila naiilang.

Tumingin si Rose kay Jeri, “Nasimulan nyo na ba yung soneta nyo?“

“Oo, nasimulan na namin, malapit na ngang matapos eh,” sagot ng dalaga.

“Yung sa inyo ba, nasimulan nyo na?” si Luther.

“Hindi pa nga eh.” Sagot ni Rose, “Ang hirap kasing hanapin ‘tong lalaking ‘to” at itinuro ni Rose sa pamamagitan ng nguso si Derwyn.

“Ikaw nga ang hinahanap ko eh. Saan ka ba tumatambay?” ganting tanong ni Derwyn.

“Pakalat-kalat lang”

Katahimikan.

“Jeri, after this, pwedeng-” nag-aalangan si Luther at tiningnan siya ng dalaga na tila nagtatanong. “Dun tayo sa ground? Dun sa ilalaim ng puno, presko dun.” Tumingin siya kina Derwyn at Rose, “Ok lang sa inyo guys? Hiramin ko muna si Jeri, para mas madaling mag-concentrate sa soneta?”

“Oo naman! Oks lang sa amin yun” si Derwyn. “Rose, dun kaya tayo sa library? Tahimik din naman dun.”

Nag-isip si Rose “Edi dun din tayo sa ground. Dun sa kabilang puno, para hindi tayo nagkakalayo” nakangiting sabi ng dalaga.

“Oo nga naman, at least magkikita-kita pa rin tayo.” Si Jeri.

“Ok! Sige ganun na lang ang set-up” sabi ni Luther.

Maya-maya lang ay dumating na ang order nilang pagkain. Masayang kumain ang lahat habang nagku-kwentuhan ng kung anu-anong mga bagay. Matapos kumain ay sinagot ni Luther ang gastos. Treat nya raw para sa first time nilang magsabay kumain at hindi na siya natanggihan ng lahat. Sabay-sabay na rin silang nagtungo sa ground at pumuwesto sa lilim ng puno doon. Halos magkatapat lang ang dalawang punong iyon at tanaw nila ang isa’t-isa. Marami-rami rin ang puno roon at halos lahat ng iyon ay puno ng mga estudyanteng nagre-review.

“May idea ka na ba kung tungkol saan ang gagawin natin?” tanong ni Rose kay Derwyn matapos nilang maiayos ang sarili.

“Wala pa eh, pero alam mo na ang description ng sonnet right?” sagot ni Derwyn at tumango naman si Rose.

“Tungkol daw sa love ang gagawin natin, meaning, it’s either happiness or pain. Ano sa tingin mo ang-“ naputol ang sinasabi ni Rose nang mapansing tila balisa si Derwyn. Panay ang tingin nito sa kabilang puno. tiningnan ni Rose ang pinagmamasdan ni Derwyn at nakita niya sina Luther at Jeri na nagtatawanan. “Derwyn? Ok ka lang?” at tumango ang binata. Walang ekspresyon ang mukha nito.

Katahimikan.

“You like her, right?” binasag ni Rose ang katahimikang iyon. Saglit na tumingin sa kanya si Derwyn at muling ibinaling ang tingin kina Jeri at Luther. “Why don’t you tell her?” dugtong ni Rose.

“Ano nga pala yung magandang topic ng sonnet?” tanong ni Derwyn.

“Derwyn-”

“Yun ang sadya natin dito diba?”

“Ok.” Sagot ni Rose “Bakit hindi mo ilagay sa sonnet yung nararamdaman mo ngayon?”

Dali-daling dinukot ni Derwyn ang bag at kinuha ang isang notebook at pen. Sinulatan niya iyon.

“Anong ginagawa mo?” si Rose.

“Soneta.” At ipinagpatuloy niya ang pagsusulat.

Walang nagawa si Rose kundi ang panoorin si Derwyn habang nagsusulat. Matagal-tagal din siyang nakatingin sa binata at tulad ng paghangang nararamdaman niya noong una pa lamang niyang makita ito, ganoon pa rin iyon hanggang ngayon. Nakatitig siya sa maamong mukha ng binata at tila naaawa rito. Nakaka-relate siya sa nararamdaman nito dahil tulad ni Derwyn, umaasa rin ang dalaga na mapansin siya nito.

Sa kabilang banda, hindi pa nasisimulan nina Jeri at Luther ang kanilang gagawin. Maraming tanong kasi si Luther sa dalaga.

“Plano mo sigurong mag-host sa The Buzz ano?” nakangiting tanong ni Jeri kay Luther.

“Sige na, sagutin mo na lang.” sagot ng binata. “Ulitin ko ha? Naranasan mo na bang magkaroon ng boyfriend? Game!”

Nag-isip si Jeri. “Umm… Oo!”

“Talaga? Kailan?”

“Nung grade one ako. hahaha”

“Seryoso naman!”

“Seryoso nga ako” saglit na tumigil ang dalaga. “classmate ko sya nung grade one at very close kami kasi, kapitbahay ko sya. Tapos, kapag may umaaway sa akin, ipinagtatanggol nya ako. Basta I feel very special kapag nandyan sya.“

“Ang aga mo palang lumandi. hahaha”

“E ano naman ngayon?”

“So, yun lang? Wala nang iba?” at umiling ang dalaga. “Ibig sabihin, hindi mo boyfriend si Derwyn?”

“No! he’s just a friend of mine. Very very close friend.”

“At ipinagtanggol ka rin niya nung may umaway sa’yo. Tulad nung boyfriend mo nung grade one ka di ba?” tanong ni Luther. “Paano kung ligawan ka nya?”

“Alam mo Luther…” seryosong sabi ni Jeri. “mas mabuti pa siguro-” tumingin siya sa binata “ituloy na lang natin itong ginagawa natin noh? Puro ka chismis, kalalaki mong tao. hahaha”

“Ay! Ang KJ. Sige na nga. Ano na bang last?”


Nakatitig pa rin si Rose kay Derwyn, “Pwede ba akong maki-share sa ginagawa mo? It’s not an individual project” sabi niya.

Tumingin sa kanya si Derwyn na tila napahiya. Tumayo ito at iniabot sa kanya ang notebook, “ipagpatuloy mo na lang, isang stanza na lang ang kulang. 3 lines na lang.” at tuloy-tuloy na umalis. Naiwang nagtataka si Rose. Pagkaabot ng notebook ay binasa niya ang nilalaman niyon.

“Ngiti mo’y aking pinagmamasdan,
Nakabibinging tibok ng dibdib
Ang susi sa pusong nakapinid
Ay lumuluha at nasasaktan.

Paralisado kong labi’y sawi
Di masabi ang laman ng isip
Natatanaw hanggang panaginip
Damdaming aking ikinukubli.

Ikaw ang kulay ng aking buhay
Mundo ko’y umiikot lang sa’yo
Handog sa’yong pag-ibig ay tunay.”






















CHAPTER 14


MARTES. Katulad ng dati, maagang dumating si Jeri. Dumiretso siya sa cafeteria at nilibot ng tingin ang bawat pwesto doon. Inaasahang naroon si Derwyn ngunit wala ito. ‘Baka late lang sya ngayon.’ Sa isip niya. Bumili muna siya ng makakain bago umupo sa may gawing sulok. Habang iniinom ang hot chocolate ay paulit-ulit niyang binabasa ang soneta na ginawa nila ni Luther kahapon. Natapos na rin kasi nila ito at handa nang ibigay kay Mr. Agustin. Bawat linya nito ay naging makabuluhan sa dalaga. Hindi man diretsong sinasabi ni Luther ay nakatitiyak siyang para sa kanya ang laman ng tulang ito.

“Iminulat ng sinag ng araw,
Mga matang binalot ng lungkot
Napawi ang galit at ang poot
Nang sa’yong ngiti, ako’y nasilaw.

Ngunit pighati ang aking dulot
Ang puso mo’y aking nasugatan
Di ko man nais na ika’y saktan
Puso’y nag-alab, at nakalimot

Ngayong ika’y kapiling kong muli
Tulad ng araw, ako ang tanglaw
At ang gabay sa dilim ng gabi.

Kasabay ng pag-ikot ng mundo
Sa bawat hakbang, ako ang gabay
Lakas ng bisig ang alay sa’yo! ”


Matapos ang ilang ulit na pagbabasa ay palinga-linga ang dalaga at inaasahang matatanaw si Derwyn, ngunit wala ito hanggang sa umabot ang oras ng pagpasok. Bakante pa rin ang upuan ni Derwyn nang pumasok si Jeri sa unang subject. ‘Tiyak na napuyat muli ito sa bar na pinapasukan, kawawang Derwyn.’ Sa isip niya.

Natapos ang klase ng wala man lamang naintindihan si Jeri. Hindi niya alam kung naiinis siya kay Derwyn dahil sa sobrang loyal nito sa trabaho o naiinis siya sa bar na pinapasukan nito dahil walang konsiderasyon sa katulad ni Derwyn na working student. Hindi namalayan ni Jeri na tapos na ang ikalawang klase nila. Kasunod na ang Filipino bago mag-lunch break. Kahit ito ang paboritong subject ni Jeri ay tila wala sya sa mood ngayong araw na ito.

“Ms. Corpuz?” tawag ni Mr. Agustin ngunit tila walang naririnig ang dalaga. “Ms. Jearaine Corpuz!” mas malakas na tinig ng propesor saka lamang tila nagising mula sa pagkakahimbing ang dalaga.

Biglang napatayo si Jeri, “Y-Yes Sir. I’m sorry, sir, Can you repeat the question?” Sagot nito at sabay-sabay na nagtawanan ang mga estudyante.

“Tahimik!” sigaw ni Mr. Agustin. Muling tumingin kay Jeri na ngayon ay nakatayo na. “Binibining Corpuz, wala pa akong itinatanong, tinawag ko lang ang pangalan mo dahil napansin kong malayo ang nililipad ng isip mo.”

“Sorry po,” at umupo ang dalaga.

“Baka may nami-miss?!” sigaw ni Francis.

“UUUYYYY!!!” tila isang speech choir na boses ng mga estudyante ang kasunod niyon na dahilan ng pamumula ng pisngi ng dalaga.

Muling sumigaw si Francis, “Paano naman si-” naputol ang sigaw niyang iyon ng mapatingin siya kay Luther na seryoso ang mukha. Bigla itong nanahimik.

“Tama na yan!” saway ni Mr. Agustin, “May bad news ako para sa inyong lahat.” At biglang sumeryoso ang mga estudyante, nag-aabang ng susunod na sasabihin ng propesor. “Bukas-“ patuloy nito. “Ay a-attend ako ng meeting ng Filipino Teacher’s Organization. Ang ibig sabihin, wala ako bukas dito at-“

“Yahoo!!!” nagsigawan at nagpalakpakan ang mga estudyante.

“Tahimik! Aba! Akala ko pa naman bad news sa inyo!” si Mr. Agustin.

“Good news na good news! Hahaha!” sigaw ni Francis at kinulong ng malakas na tawanan ang buong klase.

Inilagay ng propesor ang kamay sa bewang, “Good news ha? Sige, sa Huwebes, magdala kayo ng manila paper, may long quiz, back to back!” pasigaw na sabi nito, “Imbyerna! Hmp!” at umismid pa ito.

“Sir naman, di na mabiro. Joke lang ho!” sigaw ng isang estudyante.

“Tse! Walang joke joke joke!” matapang na sabi nito. “Jukjukin nyo ang mukha nyo! Maghanda kayo!” at natahimik ang buong klase. “O ano, good news diba?”

“Taray naman ni sir, sorry na” sigaw ng isa.

“Oo nga, sorry” halos sabay-sabay na sabi ng estudyante.

Sa kabila ng pag-iingay ng mga kaklase ay tahimik pa rin si Jeri. Maging si Luther ay tila walang pakialam sa mga sinasabi ng mga kaklase. Pasulyap-sulyap lamang ito kay Jeri na nakaupo sa bandang harapan. Maya-maya lang ay natapos na ang klase. Nilapitan niya si Jeri na ngayo’y kausap ni Rose.

“Hi! Sabay ulit kayong magla-lunch?” tanong nito sa dalawa. “Makiksabay na rin ako!”

Si Rose ang unang sumagot “Ewan ko nga, tinatanong ko pa ‘to” at itinuro ng nguso si Jeri.

“Guys, sorry ha? Hindi muna ako makakasabay sa inyo ngayon, may aasikasuhin pa ako eh, bukas na lang siguro.” Si Jeri.

“Gusto mo, samahan kita?” alok ni Luther.

“No, thanks. I can manage.” Sagot ng dalaga at tumingin sa dalawa, “excuse me” bago tumalikod at lumakad palayo. Nagkatinginan sina Luther at Rose na tila nagtatanong sa isa’t isa.

SA RESTAURANT, mag-isang kumakain si Jeri. Ang totoo’y wala siyang aasikasuhin. Gusto nya lang mapag-isa sa oras na ito. Palinga-linga siya sa pinto at umaasang darating si Derwyn.
Ngunit matatapos na siyang kumain ay wala ni anino ng binata. ‘Ano kaya ang nangyari sa lalaking ‘yon?’ tanong nito sa sarili. Kung sakaling napuyat lang iyon sa pinapasukan niya, dapat ay narito na sya ngayon. Malapit na ulit magsimula ang susunod na klase. Lumabas ng restaurant si Jeri at nagtungo sa room, umaasang naroon na ang kaibigan.

“Anong balita kay Derwyn?” nagulat si Jeri sa tinig na iyon mula sa kanyang likuran. Si Rose. Nakaupo na siya sa kanyang pwesto ngunit wala pa ang kanilang propesor.

“Ha? Ewan ko, kayo ang magkasama kahapon di ba?” si Jeri.

“Oo nga, pero wala naman syang nabanggit na hindi sya papasok ngayon. Saka after lunch kahapon, hindi ko na sya nakita. Hindi mo na sya nakausap?” tanong ni Rose at umiling lang si Jeri. “Ang weird nun.”

“May problema lang siguro.”

“Meron nga.”

“Ha? May alam ka tungkol sa kanya?”

“Wala. Ang manhid mo lang.”

Naguluhan si Jeri sa sinabi ni Rose “Anong ibig mong sabihin?” sasagot sana si Rose ngunit dumating na ang teacher nila sa Calculus.

Wala si Derwyn. Ito ang nasa isip ni Jeri buong maghapon. Hanggang sa mag-uwian, umaasa pa rin siyang magpapakita ang binata. Ngayong gabi, habang nakahiga sa kama, bitbit ni Jeri ang picture nila ni Derwyn sa zoo. Bumabalik sa kanyang alaala ang lahat ng pangyayari doon. ‘Teka, bat ko ba iniisip ang mokong na ‘yun?’ tanong nito sa sarili. ‘isang araw lang naman syang wala. Saka, sino ba sya? Nami-miss ko kaya sya? Siguro Oo… kasi nasanay na akong laging nasa tabi si Derwyn kapag nasa skul. Nami-miss ko nga ang friend ko.’ Muli niyang ibinalik ang picture sa ilalim ng unan at ipinikit na ang kanyang mata. ‘Pero bakit lagi na lang akong nag-aalala sa tuwing wala sya?’

MIYERKULES.

“Ren! Anak, hindi ka ba papasok? Tanghali na ah!” ginising si Jeri ng tinig na iyon ng kanyang ina. tumingin siya sa orasan. 7:00am.

“Naku! Nakalimutan ko palang i-set yung alarm kagabi! Late na ako.” Nagmamadali siyang bumangon. Hindi na niya napansin ang kanyang inay at tuloy-tuloy siya sa banyo at mabilis na naligo. Matapos magbihis ay patakbong lumabas ng bahay. mabuti na lamang ay eksaktong may paparating na jeep at pinara niya iyon.

Kasisimula pa lamang ng klase ng dumating si Jeri. Tamang-tama lang, ika nga. Nilibot niya ng tingin ang buong klase at napansin niyang wala na naman si Derwyn. Muli na namang bumalik ang kanyang pag-aalala sa kaibigan ngunit sa pagkakataong ito’y hindi na lubusan ang dahil itinuon niya ang atensyon sa pag-aaral.

“Huwag mong sabihing may gagawin ka pa rin ngayon?” sabi ni Luther kay Jeri. Tapos na ang Filipino subject at oras na ang pananghalian.

“Ha? W-wala na.”

“Good. Sabay na tayong mag-lunch?” sabi ng binata at tumango naman si Jeri. “Tara na!”

“Teka, si Rose?”

“Susunod na daw. Dadaan lang muna sa library.”

“Ok.”


“Malungkot ka ata.” Sabi ni Luther habang naglalakad sila papalabas ng school.

“Hindi naman” pinilit ngumiti ng dalaga.

“Miss mo na sya noh?”

Kumunot ang noo ng dalaga, “Sino?”

Ngumiti si Luther. “Si Derwyn. Sino pa?”

“Nye! Bat ko naman sya mami-miss? Ano bang meron?”

Nagkibit balikat lang si Luther, “Just a guess.”

“Hello! Hindi ko naman sya kaano-ano. Saka, care ko ba kung wala sya.”

“Ows?”

“Luther ha? Wag mo nga akong intrigahin!”

“Sorry na po! Hindi na po!”

Katahimikan.

“Jeri-” bungad ni Luther. “What if-” bahagyang natigilan, “ligawan ka ni Derwyn?”

“Ako? Liligawan ni Derwyn? Hahaha hindi nya gagawin yun. Friend lang ang turingan namin noh? Walang tablahan.”

Napangiti si Luther. “Talaga?”

“Oo naman, bakit mo naman naitanong?”

“Wala lang.” sagot ni Luther. “E paano naman kung-”

“Kung ano?”

Huminga ng malalim si Luther. “Kung ako ang manligaw sa’yo?”

Bahagyang natigilan si Jeri. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. Hindi niya alam ang isasagot doon. Biglang nabawi ang kanyang pag-iisip, “Ikaw?” tanong niya sa binata. “Tse!” at ngumiti ito.

“Ay! Ano naman ang ibig sabihin nun?”

“Edi Tse!”

“Busted agad?”

Tumingin si Jeri sa kay Luther. “Siguro.”

“Ang labo naman!”

“Kung ano ano naman kasi ang pumapasok sa isip mo eh. Pwede bang ibang tanong na lang?”

“Ok, sige.” Bahagyang tumigil si Luther. “Pwede ba kitang ligawan?” ngumiti ito sa dalaga. “O, ibang tanong na yan ha?”

“Pwede ba, Mr. Eleutherio Montano, huwag mo na akong isali sa listahan ng mga binola mo at bobolahin pa lang?”

Humarap si Luther sa dalaga at humarang sa nilalakaran niyon at huminto. Napatigil din sa paglalakad si Jeri. “Hindi kita binobola. Totoong gusto kitang ligawan. Cross my heart” at nag-drawing pa ng krus sa pamamagitan ng daliri sa tapat ng dibdib.

Ngumiti ang dalaga, “Ang korni mo talaga!”

“Ano na? pwede ba?”

Saglit na nag-isip, “Edi manligaw ka. Ewan ko lang kung sasagutin kita.”

“Ano bang dapat kong gawin? First time ko kasing magligaw eh.”

“Asus! Ang yabang naman. Sobrang kapal!”

“Totoo yun!”

“Tse!” at muling tumuloy sa paglalakad ang dalaga.


SA MAY malapit sa pintuan ang pwesto nila Jeri at Luther. Meron na kasing nakaupo sa dating pwesto nila. Umorder na sila ng kani-kaniyang pagkain bago muling bumalik sa pagku-kwentuhan.

“Akala ko ba susunod si Rose, ba’t wala pa sya?” si Jeri.

“Darating din yun, wag kang mainip” sagot ni Luther, “ayaw mo bang dalawa lang tayo? Parang date na rin” nakangiti ang binata.

“Naku Eleutherio, pwede ba?”

“Bakit Jearaine Corpuz?”

“Tse!”

“Wala kang ibang sinasabi kundi ‘tse’” maktol ni Luther. “Nakakain ba yun?”

“E sa yun ang gusto kong sabihin, nagrereklamo ka?”

“Hindi naman kaya lang-”

Naputol ang pagsasalitang iyon ni Luther ng dumating ang order nila. Sinigang na baboy at kanin ang kay Jeri at Paksiw na pata naman ang kay Luther. Sinimulan na nila ang pagkain.

“Wow! Ang sarap talaga ng luto dito noh?” si Luther matapos sumubo ng pagkain.

“Sinabi mo pa.”

Kumuha ng isang kutsarang ulam si Luther, “Try mo ‘tong pata oh, masarap talaga” at akmang isusubo sa dalaga. “Ah!” at ngumanga pa si Luther na tila magsusubo sa isang bata.

“Hoy! Magtigil ka nga dyan! Nakakahiya ka!” saway ni Jeri.

“Sige na oh! Dali!” at mas malapit na ngayon ang kutsara sa mukha ni Jeri.

“Ayoko nga!”

“Isa lang.” pangungulit ni Luther. Hindi pa rin nito inaalis ang kutsara sa harapan ng dalaga na tila isang pain sa bingwit na naghihintay ng biktima.

Samantala, nagmamadaling tinungo ni Derwyn ang school at plano niyang dumiretso na lang sa restaurant dahil tiyak na naroon si Jeri. Nais nya lamang sabihin dito na medyo matatagalan ang kanyang pagkawala. Magpapaalam na rin siya sa mga propesor at hihingi ng dispensa sa kanila. Sabik na sabik na rin siyang makita ang dalaga at kung magkakaroon siya ng lakas ng loob ngayon ay sasabihin na niya ang nararamdaman dito bago pa siya maunahan ng kung sino pa. Lalo na Luther. Bitbit ang bulaklak na binili niya para sa dalaga ay halos liparin niya ang daan patungo sa restaurant.

Malapit na siya sa pupuntahan niya nang mapansin niya mula sa di kalayuan ang pamilyar na mga mukha. Tanaw mula sa kanyang kinatatayuan ang pwesto nina Jeri at Luther na nasa bungad lamang ng restaurant. Tila sasabog ang kanyang dibdib sa nasasaksihan. Kitang-kita ng dalawang mata niya ang lambingan ng dalawa. Ang akmang pagsubo ni Luther ng pagkain kay Jeri. Saglit siyang natigilan at pinagmasdang maigi ang nakangiting si Jeri. Tila mauubusan siya ng hininga. Hindi niya makayanan ang nakikita kaya’t mabilis siyang tumalikod. Ngunit hindi niya namalayan ang isang tao sa kanyang likuran kaya’t nabangga niya ito at nalaglag ang bitbit nitong bulaklak.

“Ouch! Ano ba?” tinig ng isang babae. Napatingin ito sa taong bumangga sa kanya at, “D-Derwyn?” tanong nito ngunit tiningnan lang siya ng binata at tuloy-tuloy nang lumakad papalayo. Nagtakang pinulot ng dalaga ang bulaklak.

Samantala, patuloy pa rin ang pangungulit ni Luther kay Jeri.

“Sige na, isa lang..please? Tikman mo lang.” si Luther.

“Luther tama na please? Ayoko talaga. Ikaw na ang kumain nyan,” sabi ni Jeri. “Sige titikman ko pero ako ang kukuha dyan sa bowl, ok?”

Inilapag ni Luther ang kutsara “KJ mo talaga, para isa lang eh.”

“Ayoko nga eh, wag ka ngang makulit!”

“Ok, sorry na!”

Biglang dumating si Rose at dumiretso na sa pag-upo.

“Aba, at buhay ka pa pala!” sabi ni Jeri.

“Sorry ha? Napadaan lang ako dun kay Mariane. Alam nyo naman yun. Sobrang daldal.” Sabi nito habang inaayos ang sarili sa pag-upo. “Oo nga pala Jeri.” Tumingin ito sa dalaga. “Nakita ko si Derwyn sa labas, galing ba sya rito?”

Tila nagulat ang dalaga. “S-si Derwyn? Sigurado ka?”

“Oo. Nabangga pa nga niya ako, may bitbit pang bulaklak. Eto oh,” at iniabot ang bulaklak kay Jeri. ”Nalaglag yan nung nagkabanggaan kami. Ikaw na ang magsoli sa kanya. Hindi ba talaga kayo nagkita?”

Hindi na sinagot ni Jeri ang tanong na iyon ni Rose at dali-dali siyang tumayo at lumabas ng restaurant bitbit ang bulaklak. Nilinga-linga ang paligid at tiningnan ang mga taong naglalakad doon ngunit wala si Derwyn. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Tila sasabog ang kanyang dibdib sa mga oras na iyon. Matagal tagal din niyang sinuyod ng paningin ang paligid ngunit wala talaga ni anino ni Derwyn. Tumalikod na siya at akmang babalik sa loob ng restaurant ng biglang may tumawag sa kanya.

“Excuse me miss” malaking boses mula sa kanyang likuran. Tinig ng isang lalaki.

Lumingon siya at tiningnan kung sino iyon. Dalawang lalaki ang nasa harap niya. Kapwa malalaki ang katawan at tantiya niya’y nasa edad kwarenta na ang mga ito. “A-ako po ba ang tinatawag nyo?” tanong ni Jeri.

“Opo. Itatanong lang po sana namin kung may kilala kayong Mr. Derwyn Molino. Dito daw kasi sya nag-aaral.” Sabi ng isang lalaki.

“Ha? O-opo. Bakit po?“ sagot ng dalaga.

“Nandyan po ba siya ngayon?” tanong ng isa pang lalaki.

“Ho? Kahapon pa siya hindi pumapasok eh, ano pong kailangan nila?”

“Wala naman, may itatanong lang sana kami sa kanya.” Sabi ng isa at namewang pa ito. biglang nanlaki ang mga mata ni Jeri at lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ng makita ang baril sa bewang ng mga ito.

“A-ano pong kailangan nyo sa kanya?” muling tanong ng dalaga ngunit hindi na sumagot ang dalawa at sabay na tumalikod. Naiwang nanginginig ang mga tuhod ni Jeri.

“Sino yung mga yun?” tinig mula sa likuran niya. Si Rose.

“Ewan ko, hinahanap si Derwyn eh,”

“Mukhang mga pulis. Bakit daw?”

“Ayaw ngang sabihin eh. Ano kayang problema ni Derwyn?” alalang tanong ni Jeri ngunit nagkibit-balikat lang si Rose.

“Tara na sa loob at kumain na tayo.” At nauna ng lumakad si Rose.

Tila wala sa sariling sumunod si Jeri. Nang makarating sa loob ay bigla na lang itong sumalampak sa upuan at tinitigan ang pagkain. Napansin ito ng dalawa.

“Hoy! Ano nang nangyari sayo?” tanong ni Luther.

“Ha? W-wala. May naisip lang ako.”

“Kasi ano eh-” naputol ang sasabihin ni Rose ng maramdaman niya ang lihim na pagsipa ni Jeri sa kanyang paa. Nakuha naman nito ang ibig sabihin ng dalaga. “Kasi lumamig na yung sabaw ng ulam nya” patuloy nito.

“Teka at ipapainit ko” akmang tatawag ng waitress si Luther ngunit pinigilan ito ng dalaga.

“Wag na. uubusin ko na lang.”

“Sure ka ha?” at tumango naman ang dalaga. itinuloy na nila ang pagkain ng hindi man lang muling nagkwento si Jeri. Mabuti na lamang at nariyan si Rose at siya na ang dumaladl ng dumaldal.


WALANG pumasok sa isip ni Jeri sa buong afternoon class niya. Nag-aalala siya kay Derwyn. Tiyak na nasa panganib ito kaya’t hindi nagpapakita sa kanila. Ngayong pauwi na sya at mag-isang naglalakad, ito pa rin ang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip. Ang pag-aalala niya kay Derwyn. Dumidilim ang langit, tiyak na bubuhos ang ulan. Wala pa naman siyang dalang payong kaya’t mas lalong mabilis ang kanyang paglalakad. Bitbit pa rin ang bulaklak ng lumabas ng gate, nakatungong naglalakad si Jeri nang biglang may tumawag sa kanya.

“Jeri!” pamilyar ang tinig na iyon kaya’t dali-dali siyang lumingon. Tama ang hinala niya. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nakatayo sa di kalayuan ang isang lalaki. Tila malungkot ang mukha nito ngunit may halong pananabik.

“D-Derwyn!”







CHAPTER 15


“D-Derwyn!” magkahalong lungkot at pananabik ang nadama ng dalaga ng mga oras na iyon. Lumapit sa kanya ang binata. parang gusto niyang yakapin ito.

“Mukhang uulan. May payong ka ba?” umiling ang dalaga. Napatingin si Derwyn sa hawak na bulaklak ni Jeri, “Nakuha mo pala”

“Ibinigay sa akin ni Rose, nakabangga mo raw kanina.”

“Mabuti naman at napunta sa iyo. Para talaga sa iyo yan.”

“Talaga? S-Salamat” muling tiningnan ng dalaga iyon. “Bakit naman hindi mo pa ibinigay kanina? Nandun ka na rin lang.”

Nataranta ang binata at tila hindi malaman ang sasabihin, “Ha? Ah eh, T-tinawag kasi ako nung kaibigan ko bigla kaya nagmamadali akong umalis. Pasensya ka na ha?”

Tumingin ang dalaga sa mga mata ni Derwyn, “Okay lang.” sabi nito “Bakit nga pala two days ka nang wala? May porblema ba?”

Natahimik bigla si Derwyn. “Wala naman” mahinang sabi nito.

“May naghahanap sa iyo kanina, mga pulis yata. Sino yun? May nakaaway ka ba? May nagawa ka bang kasalanan?”

Pilit ang ngiti ng binata, “Ah, yun ba?” sabi nito. “Wala yun. Basta, wag kang mag-alala, im not in trouble. Okay lang ako. Kailangan ko lang munang magpahinga ng mga ilang araw.”

“Ilang araw?” takang tanong ng dalaga, “Ibig sabihin, hindi ka pa rin papasok?”

Umiling ang binata, “Nagpaalam na ako sa kanila. Ayaw pa nga sana akong payagan eh, pero ok na. Napakiusapan ko na.”

“Ano ba talagang nangyayari? Sabihin mo naman sa akin please?”

“I’m sorry, pero hindi pa sa ngayon. Mahabang kwento. Nagmamadali ako. Basta wag kang mag-alala, okay lang talaga ako.” At ngumiti si Derwyn. “At sya nga pala Jeri,” natigilan ng bahagya, lumakas ang kabog ng dibdib ng binata. kailangan na niyang sabihin ang kanyang nararamdaman sa dalaga kahit hindi ito ang tamang lugar.

“Ano yun?” si Jeri.

‘Bahala na’ sabi ni Derwyn sa sarili. “Jeri-” saglit na natigilan. “Ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon.” Seryoso ang mukha ni Derwyn. “M-mahal kita Jeri.”

Ngumiti ang dalaga “Syempre mahal din kita, kaibigan kita eh.”

“Hindi bilang kaibigan Jeri. Mahal kita bilang-”

“Derwyn. Wag mong sirain ang pagkakaibigan natin. Hindi ka ba masaya ng ganito tayo?”

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Derwyn. “Dahil ba sa kanya?”

“Sino?”

“Si Luther?” sabi ng binata. “Naiintidihan ko.”

“Teka, anong kinalaman ni Luther?” takang tanong ng dalaga. “Hindi ganun yun-”

Biglang napatingin si Derwyn sa pamilyar na sasakyang paparating. “I have to go.” Tila isang magnanakaw itong umatras. “Goodluck sa inyo. Ayokong makita kang sasaktan ka niya.” At mabilis itong tumalikod papalayo.

“Teka Derwyn-” malayo na ito sa kanya at nakita niyang tumawid ito sa kalsada. Nawala na ito sa paningin niya ng mapasama sa mga taong naglalakad doon. Hindi malaman ni Jeri ang nararamdaman. Tila bumagal ang pagtibok ng puso. Hindi niya namalayan ang pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi. ‘Bakit ganito? Anong nangyayari sa akin? Ano ‘tong nararamdaman ko? Tama ba yung ginawa ko?’ tanong niya sa sarili. Unti-unting pumatak ang ulan. Hindi ito alintana ng dalaga. Napako ito sa kinatatayuan hanggang sa tuluyan nang lumakas ang pagbuhos ng ulan at itinago ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ng dalaga.

“Jeri!” nagulat ang dalaga sa sigaw na iyon. Napatingin siya sa pinagmumulan ng tinig. Si Luther. Nakasakay sa kanyang kotse at nakatapat sa kinatatayuan niya. Nakita niyang bumaba iyon at lumapit sa kanya. “Is there something wrong?” tanong nito habang papalapit.

Umiling ang dalaga. “I’m fine.”

“No! hindi ka ok. Tingnan mo yang mukha mo oh! Saka basang-basa ka na. Pauwi ka na ba?” tumango ang dalaga “Tara, hatid na kita.” At inalalayan ito si Jeri papasok ng sasakyan.

Samantala, sa di kalayuan, lihim pinagmamasdan ni Mr. Suarez sina Luther at Jeri. Nang makitang sumakay na ang dalaga sa kotse ni Luther ay tumalikod na ito at lumakad papalayo.


“Anong nangyari? Bat basang-basa kayo?” alalang tanong ni Aling Vergie nang makita ang itsura nila Jeri pagdating nito sa bahay.

“Bigla po kasi kaming inabutan ng ulan habang papunta sa kotse” sagot ni Luther. Tahimik lamang si Jeri. “Aalis na rin po ako” dugtong ni Luther.

“Hindi ka na muna ba tutuloy iho?”

“Hindi na po. Basang-basa rin po ako. Kailangan ko na pong magbihis. Sige po alis na po ako.”

“O sige, mag-ingat ka na lang.” sabi ni Align Vergie. Tuloy-tuloy na sa kwarto si Jeri. “Kumain ka na ba anak?” pahabol na tanong ni Aling Vergie at umiling ang dalaga. “Sige, bumaba ka kaagad pagkatapos mong magbihis at ihahanda ko na ang hapunan.”

Ilang saglit pa’y bumaba na si Jeri para maghapunan. Hindi siya nagkwento sa kanyang inay tungkol sa pangyayari. Hindi naman din siya kinulit nito dahil kilala niya ang kanyang anak. kapag hindi nito kaya ang problema ay ito na ang kusang nagsasabi sa ina. Matapos kumain ay muling umakyat sa kwarto ang dalaga at humiga sa kama.

EXCUSE ME PO! MAY TEXT MESSAGE KA!

Nagulat si Jeri sa tunog na iyon ng cellphone niya. Dali-dali niyang kinuha iyon sa bag at binasa ang nilalaman niyon. Mula kay Mr. Suarez.

NAKITA KITANG UMIIYAK KANINA. MAY GINAWA BA SYANG MASAMA SA’YO?

Dali-dali niyang ni-reply iyon. “Wala po. Depressed lang po.” Message sent.

Ilang sandali lang ay muling tumunog iyon.

IN-LOVE KA BA IHA?

Paulit-ulit niyang binasa iyon at nakikita niya ang mukha ni Derwyn sa bawat sulok ng kwarto. Siguro nga. In-love sya. Ewan lang. hindi talaga siya sigurado. “Siguro po. Kanina lang kami nagkita pero nami-miss ko na sya ngayon.” message sent.

Muling tumunog ang cellphone matapos ang ilang saglit.

GOOD! SANA AY HINDI KA NIYA SAKSAKTAN. I’M HAPPY FOR YOU.

“Salamat po.” Message sent.

HUWEBES.

TTTUUUUUUUUTTT!!!

Ginising si Jeri ng malakas na tunog ng alarm. Nasilaw siya pagmulat ng kanyang mata. Mataas na ang sikat ng araw. ‘Naku, tanghali na!’ sa isip niya. Mabilis siyang bumangon ngunit masakit ang mga kasukasuan niya kaya’t napabalik siya sa paghiga. Biglang nalaglag ang isang mamasa-masang towel sa mula sa kanyang noo. Saka lamang bumalik sa kanyang alaala. ‘tama, mataas nga pala ang lagnat ko kaninang madaling araw.’ Sa isip niya. Naalala pa niya ang pagpapainom sa kanya ng gamot ng kanyang inay.

“Gising ka na pala.” Tinig mula sa pinto ng kanyang kwarto. Si Aling Vergie habang papasok bitbit ang tray na may lamang pagkain. “Kamusta na ang pakiramdam mo? Kumain ka muna’t nang makainom na ulit ng gamot. Teka’t may tatapusin lang ako.” At muling lumabas ng kwarto matapos mailagay ang pagkain sa mesita.

Tiningnan ni Jeri ang orasan sa mesita. Alas onse na pala. ‘isinet pala ni inay ang alarm sa oras ng pag-inom ko ng gamot.’sa isip niya. Marahan siyang bumangon. Kumakalam na rin ang sikmura niya. Inabot niya ang pagkaing inilagay ng kanyang ina at iniayos iyon sa mesita.

“Don’t you wish your girlfriend was hot like me” tunog ng cellphone ni Jeri. Kinuha niya iyon sa tabi ng kanyang unan.

“Yes Luther.” Sabi niya ng makita ang nakasulat doon.

“Jeri, anong nangyari sa’yo? Bat hindi ka pumasok ngayon?” sagot ni Luther sa kabilang linya.

“Masama ang pakiramdam ko eh. Taas ng lagnat ko kagabi.”

“Ayan, bakit naman kasi nagpaulan kahapon eh. Ano bang nakain mo? May problema ka ba?”

“Wala naman. Na-miss ko lang siguro yung ulan.” Napangiti pa ang dalaga.

“Dalawin kita dyan mamaya ha? Oks lang?”

“Aba, nasa sa iyo yun.”

“Ok. I’ll be there. Get well soon.” Sabi ng binata. “Huwag mo nang uulitin yan.”

“Ang alin?”

“Ang pagpapa-miss mo. Ako ang nahihirapan eh.”

“Korni. Sige na, bye na.”

“Ok, sige, hintayin mo ako ha? Wag kang aalis dyan.”

“Hello? As if naman na makakaalis ako! Sige na bye na talaga.”

“Bye lang?”

“Ano pala ang gusto mo?”

“Wala. Bye nga lang. sige na po. Bye ulit.” Saglit na tumigil. “Miss you” at kinansel na nito ang tawag.

Iiling-iling na ibinaba ni Jeri ang cellphone at inumpisahan ang pagkain. Maya-maya’y pumasok si Aling Vergie at iniabot ang gamot sa kanya at muling nagpaalam dahil may ginagawa pa ito sa sala. Kaunti lang ang nakain ni Jeri. Iba kasi ang panlasa nya. Matapos inumin ang gamot ay muli siyang bumalik sa higaan at muling nakatulog.

“Ren, may bisita ka.” Mahinang tawag ni Aling Vergie. Alas singko na ng hapon. Dahan-dahang iminulat ni Jeri ang kanyang mata. Ang marahang pagmulat na iyon ay napalitan ng biglang paggising at halos mapabangon sa pagkabigla ng makita sa may likuran ng ina ang nakangiting si Luther.

“Hi Jeri! Kumusta na ang pakiramdam mo?” bati ni Luther.

“Kanina ka pa?” biglang naitanong ng dalaga.

“Kadarating ko lang.”

“Dun na sana sya maghihintay sa sala” si Aling Vergie. “Kaso, pinapasok ko na dito dahil alam kong hindi ka makakalabas ngayon.” Dugtong nito. “Pa’no, maiwan ko muna kayo ha? At talagang minamadali ko ng yung ginagawa ko. ipapasa ko na kasi yun bukas eh.”

“Ok lang po.” Si Luther. At tuluyan nang lumabas ng kwarto ito. Lumapit si Luther sa dalaga at hinipo ang noo nito. “Ok na ang temperature mo.”

Ngumiti ang dalaga. “Kelan ka pa naging nurse?”

“Ngayon lang. at ikaw ang unang pasyente ko.” ngumiti ito. “Para sa’yo nga pala.” At iniabot ang bitbit nitong bulaklak at isang balot na prutas na sari-sari ang laman. Inilapag niya iyon sa mesita. “Kainin mong lahat yan para gumaling ka kaagad.”

“Kaainin kong lahat? kinakain na ba ang flowers ngayon?”

Tumawa ang binata “Oo nga pala. korni ka rin!” Sabi ni Luther.

"Nahawa lang ako sa'yo!"

"Sya nga pala Jeri-"

“Ano yun?”

“Nagpaalam na ako sa inay mo.”

“Nagpaalam?” tumango ang binata. “Hindi ko ma-gets.”

Ngumiti si Luther “Nagpaalam na ako sa inay mo na liligawan kita.”

“Ano?!” halos napasigaw si Jeri sa pagkabigla. “Luther naman…nakakahiya!”

“Ano naman ang nakakahiya dun? Mabuti nga at alam nya eh.”

“Pero-”

“Sssshhhh.. wag ka nang magsalita. Nasabi ko na eh”

“Hay naku, Eleutherio Montano!!!!”

Hindi na nagtagal pa si Luther doon. Matapos ang pikikipagkwentuhan ay nagpaalam na rin ito. Niyaya pa ni Aling Vergie na doon na ito maghapunan ngunit tumanggi ito dahil may kailangan pa siyang gawin sa bahay.

BIYERNES ng umaga. Nauna pang nagising si Jeri kaysa sa alarm clock niya. Pinakiramdamang mabuti kung maayos na ang kalagayan niya. Nawala na ang sakit ng katawan niya. Maayos na rin naman ang pakiramdama niya. Bumangon siya at inihanda ang damit na isusuot sa pagpasok bago tumuloy sa banyo at naligo. Matapos maligo ay narinig niyang tumunog ang alarm clock. Masyado pang maaga para pumasok. Wala syang balak na tumambay muna sa cafeteria dahil wala din naman doon si Derwyn. Ang dahilan ng pagtambay niya tuwing umaga. Nagbihis muna siya ng pambahay at nagpunta sa sala. Tamang-tama naman na inihahanda ni Aling Vergie ang almusal.

“O! bakit naligo ka? Kagagaling mo lang sa trangkaso ah!” gulat na sabi ni Aling Vergie.

“Ayos na po ang pakiramdam ko nay.”

“Kahit na. dapat ipinahinga mo pa rin ang sarili mo.”

“Wag na kayong mag-alala nay, ok lang ako.”

“Naku, bahala ka, ikaw din naman ang mahihirapan.”

Umupo si Jeri sa harap ng mesa at tinulungan ang inay sa pag-ayos doon. Tapos ay sabay na silang kumain. Maaga rin kasi ang alis ng ina papunta sa opisina para ihatid ang mga papeles ng kliyente nya. Matapos kumain ay sabay na silang nagbihis at umalis.

Malapit nang magsimula ang klase nang dumating si Jeri. Nakita niyang papasok ang propesor sa room at sinundan niya ito. pagpasok niya sa pintuan ay nilibot niya ng tingin ang buong room. Nagulat siya nang makita ang hindi niya inaasahan. Naroon si Derwyn.




CHAPTER 16


Dali-dali siyang pumasok at umupo sa tabi ni Derwyn.

“O! bat nandito ka?” bungad ng dalaga. nagkibit balikat lamang si Derwyn habang nakangiti sa dalaga. Muli sana siyang magtatanong ngunit nagsalita na ang propesor nila.

Hanggang sa sumunod na subject ay hindi nakapag-usap ang dalawa. Ngunit sa kabila niyon ay masaya si Jeri dahil nakita naman niya si Derwyn na masigla at tila wala nang pag-aalala. Paulit-ulit kasi niyang sinusulyapan ng palihim ang binata. Sa paningin niya ay lalong naging gwapo ito. Tila tumaba ng bahagya sa loob ng ilang araw na hindi nila pagkikita. Hanggang sa dumating ang huling subject nila sa umaga. Ang Filipino. Ngayon na kasi ang deadline ng Soneta. Hindi na nag-alala si Jeri dahil matagal na namang natapos ang sa kanila ni Luther.

“Anong araw na ngayon?” tanong ni Mr. Agustin na tila elementary students ang kausap.

“Friday!” sabay sabay na sagot ng mga estudyante.

“At anong deadline ngayon?”

“Soneta!”

“Magaling!” nakangiti ito. “Ganito ang gagawin natin, bubunot ako dito” at itinaas ang mga class card nila na hawak ng propesor. “at kung sino ang mabunot ko, tatayo dito sa harapan, kukunin ang partner niya at ire-recite ng lalaki sa babae ang ginawang soneta.“ tila kinikilig na sabi nito. “Dapat nakaluhod yung guy ha?”

“Sir talaga, basta luhuran…” sigaw ni Francis at nagtawanan ang buong klase.

“Tahimik!” sigaw ng propesor.

“Dapat yung babae ang luluhod sa harap ng lalake!” Sigaw ng isang istudyante at lalong lumakas ang tawanan sa loob ng classroom.

“Tahimik! Umpisahan na natin.” At tila isang playing card na binalasa ang mga classcard. Tapos ay bumunot ng isa. “Una, ay sina” saglit na tumigil, “Francis and his partner.”

“Uuyyyy!!!” hiyawan ang lahat. “Go Roxanne, Go!” sigaw pa ng isa na lalong nagpalakas ng hiyawan. Tumayo ang dalawa na parehong namumula ang mga pisngi at nagtungo sa harapan. “Luhod daw Roxanne!” sigaw pa ng isa at nagtawanang muli.

“Ehem!” panimula ni Francis na halatang nilalabanan ang panginginig ng katawan. Saglit na nanahimik ang kwarto. “Ang iyong matang kaakit-akit.” Panimula niya at biglang pinuno ng hiyawan ang buong kwarto.

“Tahimik!” sigaw ni Mr. Agustin. “hayaan muna nating tapusin nya yung soneta bago kayo mag-ingay, ok?” at muling binalot ng katahimikan ang paligid.

Muling nagsimula si Francis.

“Ang iyong matang kaakit-akit,
At ang nakasisilaw na ngiti
Na kapag sa akin ay bumati
Umaga ko’y nagiging marikit

Mula paggising hanggang pag-idlip
Mukha mo ang nasa isipan ko
Ikaw ang nag-iisa sa puso
Umasa kang di ipagpapalit.

Dahil ikaw ang tunay kong mahal
Wala nang iba kundi ikaw lang
Pag-ibig ko sa’yo’y magtatagal

Habang buhay kitang iibigin
Dala ko ito hanggang pagpanaw
Ako sana ay mahalin mo rin.”

“Woohoo!” sigaw ng isang estudyante. “Kiss! Kiss! Kiss!” tila nasa loob ng sabungan na nagsisigawan ang lahat. Hiyang-hiya naman ang dalawa sa harapan.

“Magaling!” sabi ni Mr. Agustin. “Bibigyan ko kayo ng-” saglit na tumigil. “1.75”

“Ang labo naman!” si Francis. “Ang hirap kayang gawin netoh”

“Isang reklamo pa, gagawin kong tres yan!” si Mr. Agustin. At tahimik na naupo ang dalawa.

“Ang susunod…” at muling binalasa ang class card. “Sina Raymond at ang partner nya.” Tahimik lang ang klase ng tawagin ang mga pangalang iyon. Si Raymond kasi ay isang bading na medyo may kakapalan ang mukha at ang partner naman niyang si Jhing ay tahimik at tila walang kakilala. Hindi rin sila gaanong nakagawa ni Raymond kaya’t kinakabahan si Jhing ng mga oras na iyon. Sabay na nagtungo sa harapan ang dalawa at biglang lumuhod si Raymond sa harapan ni Jhing.

“Dapat si Francis ang partner ni Raymond!” sigaw ng isa at muling nagtawanan ang lahat.

“Tse!” sigaw ng bading. “for your information, ako lang ang gumawa ng sonnet na ‘to!” at umismid ito kay Jhing. “Simulan ko na,”

“Ang puso ko’y tumitibok-tibok
Lumalagablab ang katawan ko
Kapag ako ay lumapit sa’yo
Biglang naninigas ang nipples ko

Kapag nakikita ko ang bukol,
Na nagwawala sa iyong harapan-”

Naputol ang sinasabing iyon ni Raymond ng biglang mapuno ng malakas na tawanan ang paligid. Matagal –tagal iyon. Iiling-iling lamang si Mr. Agustin.

“Teka! Patapusin nyo muna ako!” sigaw ni Raymond at muling nagpatuloy.

Kapag nakikita ko ang bukol,
Na nagwawala sa iyong harapan,
Naglalaway na’t gusto kong tikman
Dahil -”

Lalong lumakas ang tawanan ng mga estudyante.

“Tama na!” pigil ni Mr. Agustin. “Akin na nga yang kopya mo!” at kinuha ang papel na hawak ni Raymond. “Hindi ganito ang soneta!” at pinunit iyon. “Tres!” at nahihiyang bumalik sa pwesto ang dalawa. “susunod…” muling binalasa ang cards at bumunot ng isa. Biglang nagbago ang mukha ng propesor at tila naging excited ito. “Sina Luther at ang kanyang partner.”

“UUUUYY!!!” napuno ng sigaw ang paligid. Tumayo ang dalawa at halos sabay na nagtungo sa harapan. Saglit na napatingin si Jeri kay Derwyn at nakita nitong nakangiti ang binata. Lalong naghiyawan ang lahat ng biglang lumuhod sa harapan si Luther.

“Okay, simulan na!” sabik na sabi ni Mr. Agustin.

“Ehem” panimula ni Luther. Tumingin siya kay Jeri. Mata sa mata. Nagulat na lamang ang dalaga ng biglang hawakan ni Luther ang kanyang kamay. Lalong napuno ng hiyawan sa loob. Wala nang nagawa ang dalaga at hinayaan na lang niya iyon. Tutal ay wala namang malisya para sa kanya iyon. Alam niyang gusto lang ni Luther na pakiligin ang buong klase. Muli siyang tumingin kay Derwyn at tila nasisiyahan ito sa nakikita. ‘Ano ba Derwyn? Bat hindi ka nagseselos?’ sabi niya sa sarili. At itinuloy na ni Luther ang pagsasalita.

“Iminulat ng sinag ng araw,
Mga matang binalot ng lungkot
Napawi ang galit at ang poot
Nang sa’yong ngiti, ako’y nasilaw.

Ngunit pighati ang aking dulot
Ang puso mo’y aking nasugatan
Di ko man nais na ika’y saktan
Puso’y nag-alab, at nakalimot

Ngayong ika’y kapiling kong muli
Tulad ng araw, ako ang tanglaw
At ang gabay sa dilim ng gabi.

Kasabay ng pag-ikot ng mundo
Sa bawat hakbang, ako ang gabay
Lakas ng bisig ang alay sa’yo!”

Tumayo na si Luther ngunit patuloy pa rin ang hiyawan ng klase. Maging si Mr. Agustin ay kinikilig din. Kumindat ito sa dalaga at ginantihan naman sya nito ng ngiting tila nagtatanong at muli silang bumalik sa upuan.

“Uno!” sigaw ni Mr. Agustin. “Sa ngayon, kayo ang pinakamataas na marka.” At muling binalasa ang cards. “Ang susunod ay sina-” saglit na tumigil “Mark at Eunice!” at nagpalakpakan ang lahat. Muli, sabay silang nagtungo at ini-recite ang sonetang ginawa nila.

“1.75!” sigaw ng propesor matapos magsalita ni Mark. “Ang susunod, ay sina” tumingin sa paligid, “Derwyn at ang parter nya,” at tumayo ang dalawa.

Lumapit si Rose kay Derwyn at binulungan ito. “Derwyn, hindi pa tapos itong sa atin. Ikaw na ang bahala ha?” at iniabot ang papel sa binata. “Sorry ha? Hindi ko alam kung anong ilalagay eh. It’s about your feelings kasi di’ba?”

Nagkunot-noo si Derwyn “Ano? Naku, pa’no na yan?” dahil nasa harapan lang si Jeri ay narinig niya iyon.

“Ano na?” si Mr. Agustin.

Pumwesto na ang dalawa at nagsimula si Derwyn.

“Ngiti mo’y aking pinagmamasdan,
Nakabibinging tibok ng dibdib
Ang susi sa pusong nakapinid
Ay lumuluha at nasasaktan.

Paralisado kong labi’y sawi
Di masabi ang laman ng isip
Natatanaw hanggang panaginip
Damdaming aking ikinukubli.

Ikaw ang kulay ng aking buhay
Mundo ko’y umiikot lang sa’yo
Handog sa’yong pag-ibig ay tunay.

Nakatingin si Jeri kay Derwyn at damang dama nito ang sinasabi ng binata. alam nyang para sa kanya ang tulang iyon. Ang lihim na pagmamahal nito noong ginagawa pa nito ang sonetang iyon. Ngunit ngayong nasabi na ng binata sa kanya ang nararamdaman, lalong lumalim ang pagtingin ni Jeri kay Derwyn. Ngunit tila hindi niya iyon matanggap sa sarili kahit alam nyang mahal niya si Derwyn. Ito ang nagiging dahilan ng kirot sa kanyang puso. Naisip niya, sa oras na sabihin muli sa kanya ni Derwyn na mahal sya nito, sasagutin na niya ang binata.

Saglit na tumigil si Derwyn at nag-isip. Tatlong linya na lamang ang kulang sa soneta. Tumingin siya kay Jeri at muling nagpatuloy.

Puso’y nasaktan, ng piliin sya,
Ngunit ito’y akin nang natanggap
Pag-ibig ko’y kalilimutan na.”

Natigilan si Jeri sa huling sinabing iyon ni Derwyn. ‘Anong ibig nyang sabihin?’ sa isip niya. Tumayo na at bumalik sa upuan ang dalawa. Nag-iisip pa rin si Jeri. Tila isang isang stranger na ang katabi niya ngayon. Hindi na nya kilala si Derwyn. Dahil ba sa na-busted nya ito? O dahil ang inaakala nito’y sila na ni Luther. Muling nagtawag ang propesor ng susunod na magbabahagi ng soneta ngunit tila hindi na narinig iyon ni Jeri. Nabingi siya sa pag-iisip hanggang sa natapos na ang klase.

“Sabay-sabay ulit tayong apat?” tanong ni Rose nang makitang tumayo na sina Jeri at Derwyn. Papalapit naman sa kanila si Luther.

“Ha? Kayo na lang tatlo” sabi ni Derwyn. “Half day lang ako ngayon eh. Pauwi na rin ako” dugtong nito. nagulat si Jeri sa sinabing iyon ng binata.

“Hi guys! Lunch na tayo? Treat ko ulit!” masayang bati ni Luther. Ngumiti naman ang tatlo sa kanya.

“Sorry bro, pauwi na ako eh. Next time na lang ulit ako sasabay sa inyo.” At tinapik ni Derwyn ang balikat ni Luther. Tumango naman ito sa kanya. Tumingin siya kay Jeri at Rose “Mauna na ako.” At lumakad palabas.

“O pano, tara na!” si Luther.

“Go! Go! Go!” sabi naman ni Rose.

“Hintayin nyo na lang ako. Susunod ako. May kukunin lang ako sa library” at mabilis na umalis si Jeri. Tumango lang ang dalawa sa kanya.

Nang makalabas ng classroom ay tiningnan niya ang paligid at hinanap si Derwyn. Nakita naman agad niya ito at patakbong nilapitan “Derwyn!” at tumigil ang binata. “Ano bang nangyayari sayo?” tumingin sa kanya ang binata ngunit walang lumabas sa kanyang bibig. “Ikaw pa ba yung Derwyn na nakilala ko?”

“Jeri-” mahinang sabi ng binata “Ako pa rin si Derwyn. Ang kaibigan mo. Ang-” saglit na tumigil ang binata. “Meron akong gustong aminin sa’yo. And I trust you not to tell it to anyone ok?”

“So, may problema ka nga.” Tanong ng dalaga at tumango lang si Derwyn.

“Free ka ba sa Sunday?”

“Ok lang.”

“Sige, magkita tayo sa-“ saglit na nag-isip ang binata. “Zoo! Ok lang kaya sayo?”

“Sige! Sa elephant cage?”

Tumango si Derwyn,“3pm.” At ngumiti ito bago tumalikod. Nakatingin si Jari dito habang papalayo nang mapansin ng dalaga na bukas ang backpack nito.

“Derwyn sandali!” at huminto ang binata. “Bukas ang bag mo. Teka at isasara ko” at pumwesto sa likuran si Jeri at akmang isasara iyon. Nagulat siya sa kanyang nakita. “M-may cellphone ka pala?”

Gulat na gulat si Derwyn. “H-ha?” biglang namutla ito. “O-oo. Kabibili ko lang. second hand.”

“Ay ganun? Bigay mo naman number mo sa akin”

“A e, wala pa akong sim eh. Kunin ko na lang number mo. Tawagan kita kapag nagka-sim na ako.” At kinuha ang pen at itinutok iyon sa palad.

“09211291583….” Sabi ng dalaga habang isinusulat ni Derwyn sa palad ang numerong iyon.

“Sige. Tawagan na lang kita” ngumiti ang binata at tuluyan nang umalis. Naiwang nag-iisip si Jeri. ‘Nung isang araw, may naghahanap na pulis sa kanya. Ilang araw syang nawala, tapos ngayon, may bago siyang cell. At alam niya, mamahalin iyon. N95 na black. 8GB iyon. Hindi kaya-’

“Jeri!” tinig mula sa likuran niya. Si Luther.

Lumingon si Jeri. “O, sabi ko, susunod na ako.”

“Pinauna ko na si Rose. Sasamahan na lang kita.”

“Ha? Ang totoo, papunta na ako sa inyo. Nagbago na kasi ang isip ko. mamaya na lang ako pupunta sa library.”

“Edi mas mabuti. Tara na!”

Katulad nung dati, si Luther pa rin ang sumagot ng pagkain nila kaya naman enjoy na enjoy si Rose. At matapos nilang mananghalian ay nagpaalam na si Rose at pupunta daw ito sa kaibigan. Niyaya na lang ni Luther si Jeri dun sa ground kung saan nila tinapos yung soneta at sumama naman ang dalaga rito.

“Oo nga pala Luther,” panimula ni Jeri. Kapwa sila nakaupo sa lilim ng puno.

“Kamusta na nga pala yung frat mo?”

Tumingin si Luther sa dalaga. “Wala na.”

“Anong wala na?”

“Tinalikuran ko na sila.”

Kumunot ang noo ng dalaga. “Tinalikuran? Bakit naman?”

“Wala lang. Ayoko na!” kalmadong sagot ng binata.

“Ganun lang kadali para sa iyo yun?”

Saglit na nag-isip si Luther. “Syempre, may dahilan”

“At ano naman yun?”

“Hindi ano…” tumingin ito sa dalaga. “Sino?”

“Ha? Sino naman?”

Ngumiti si Luther. “Basta, isang babae,” tumingin sa malayo, “ang babaeng una kong napagbuhatan ng kamay. Ang tanging babaeng nakatikim ng sampal ni Luther.” Natahimik si Jeri. Tila pinag-aaralan ang sinseridad ng kausap. “Jeri-” patuloy ni Luther.

“Bakit?”

“Alam mo naman na nanliligaw ako sa’yo diba?” hindi sumagot ang dalaga. “Pwede bang-” natigilan bigla si Luther.

“Pwedeng ano?” si Jeri.

“Pwedeng hingiin ko na ang sagot mo?”

“ANO??!!” halos napasigaw sa pagkabigla si Jeri. “Seryoso ka ba?” tumango ang binata.”Ilang araw pa lang Eleutherio.”

“Ganun din naman yun eh, bakit naman pagtatagalin pa.” katuwiran ni Luther.

“Hindi ganun kadali yun Luther,”

“Pero Jeri-”

“No!”

Katahimikan.

Muling tumingin sa may kalayuan si Luther. “Binago ko ang sarili ko para sa’yo. Tinalikuran ko ang kalokohan para lang mapalapit sa’yo.” Saglit na tumigil at tumingin sa dalaga. “ang pagbabago kong ito ay para sa iyo, Jeri,”

Saglit na nag-isip ang dalaga. “Luther,” sabi nito. “Kung totoo man ang sinasabi mo, im happy for you. Para sa iyo din yan” Tumingin ito sa binata. “Pero kung love ang pag-uusapan, hindi ganun kadali yun.”

“Please Jeri mahal kita”

“Luther, kung totoo nga yang nararamdaman mo, makakapaghintay ka.”

“Ano bang problema dun? Doon din naman tayo papunta diba? Kung sasagutin mo ako sa susunod, o kung babastedin mo man, ganun din naman yun kung ngayon mo gagawin diba?” paliwanag ni Luther, “Bakit hindi natin i-try? Kung magwo-work ang relasyon natin, good! Pero kung hindi-”

“Kung hindi ano? Break? Bakit ka ba nagmamadali?”

Saglit na natigilan si Luther. “I-Im sorry. Kasi ano-” nag-isip ito sandali “Ayaw ko nang may iba pang aali-aligid sa’yo.”

“I’m sorry Luther, I’m not yet ready for a commitment.” Tumayo ang dalaga at walang paalam na lumakad itong palayo. Naiwan si Luther na nakaupo at nag-iisip.







CHAPTER 17

Palabas na ng gate ng school si Jeri ay si Derwyn pa rin ang nasa isip nito.
Tila excited ang dalaga sa kanilang muling pagkikita sa Linggo. Nais niyang linawin ang lahat-lahat sa binata. Ang pagiging kakaiba nito nung mga nagdaang araw. Anong problema ang gumugulo sa isipan nito. bigla niyang naalala ang bar na pinapasukan ng binata. ang Kristen’s bar dun sa kabilang kanto. ‘Puntahan ko kaya?’ tanong niya sa sarili.

‘Nay, gagabihin po ako ng uwi. May pupuntahan lang ako’ message sent.

Isang text lang ang kailangan upang hindi na mag-alala si Aling Vergie kung gabihin man ang anak. napagpasyahan kasi ni Jeri na puntahan ang bar na pinapasukan ni Derwyn upang kamustahin ang binata. mabilis niyang binabaybay ang daan patungo roon. At nang marating niya ang kabilang kanto, bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Biglang pinasok ng pag-aalangan ang kanyang isipan. ‘Itutuloy ko ba o hindi?’ tanong niya sa sarili. Sandaling tumigil at nag-isip habang tinitingnan ang patay sinding ilaw sa labas ng bar. Hinintay kasi muna niyang dumilim ang paligid bago magpunta sa bar na iyon pata tiyak na naroon na ang binata. Huminga siya ng malalim, ‘bahala na’ at tumuloy sa pagpunta doon.

Pinagpapawisan ng malamig at nanginginig ang tuhod na tinanong ni Jeri ang guard na naroon. “Boss, nandyan na po ba si Derwyn?” tanong niya doon.

Kumunot ang noo ng gwardiya. “Derwyn? Sino yun?”

“Ah, y-yung nagpa-part time po dito.”

“Part time? Pwede bang mag-part time dito? Eh bar ‘to?”

“Bago lang po siya. Derwyn po.”

“Sandali lang ha?” at pumasok ang gwardiya sa loob ng bar, at ilang saglit pa’y muling lumabas ito. “Wala namang Derwyn dito. Sigurado ka bang dito sya nagtatrabaho?”

Biglang nalito si Jeri “A-eh s-sorry po… hindi nga po yata dito. Salamat na lang po.” At tumalikod si Jeri. Lalong nadagdagan ang kaguluhan ng isip ng dalaga. ‘Hindi totoong nagtatrabaho si Derwyn sa bar?’ paulit-ulit itong umiikot sa kanyang isip.

Habang naglalakad siya sa madilim na daan, napatingin siya sa isang pamilyar na sasakyan na tumigil sa may tapat ng isang bahay sa Home City subdivision. Saglit siyang tumigil at siniguro ang pag-aalinlangan. Tama siya. Sasakyan nga ni Luther iyon. Nasiguro niya iyon ng makitang bumaba ang binata. napangiti si Jeri. Tatawagin sana niya ang binata ngunit nagulat siya ng ipagbukas ni Luther ang likurang pinto ng sasakyan at lumabas ang dalawang babae. Kapwa nakasuot ng miniskirt at kahit may kadiliman ay halata ang kakapalan ng make-up nito. biglang naghanap ng matataguan si Jeri dahil ayaw niyang makita siya ni Luther. Sinundan niya ng tingin si Luther habang nakatago siya sa likod ng poste. Kitang-kita niyang inakbayan ng binata ang dalawang babae at humalik pa sa pisngi niya ang isa. Pumasok sila sa loob ng madilim na bakanteng unit. Palihim niyang sinundan ang mga iyon. Nang masiguro niyang nasa loob na sila ay nagpunta siya sa may likuran niyon. Dinig niya ang lakas ng tibok ng kanyang dibdib ng mga oras na iyon. Nang makarating sa likuran ay naghanap ng butas si Jeri na maaari niyang silipan upang makita ang nasa loob ng unit. Sa may bandang sulok, nakakita si Jeri ng butas. Luminga-linga muna siya sa paligid at sinigurong siya lamang ang tao doon at walang nakakakita sa kanya. Dahan-dahan siyang sumilip doon at pilit na tinitingnan ang nasa loob noon.

Bagamat hindi niya makita ang nangyayari sa loob ay dinig niya ang bawat paghampas mula sa salas niyon. Sa bandang kwarto kasi siya nakapwesto. Tanging lumang kama lamang ang nakikita niya. Rinig niya ang bawat sigaw ng isang tao na hindi niya alam kung sino. Dinig din niya daing ng kalalakihan sa bawat paghampas. Muli siyang tumingin sa paligid at patuloy pa rin ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Maya-maya pa’y nakita niyang pumasok ang dalawang binatilyo na naka-underwear lang. kasunod si Luther.

“Handa na ba kayo sa huling pagsubok?” sabi ni Luther.

”OPO” sigaw naman ng dalawang binatilyo. Tapos ay pumasok ang isang kasama ni Luther. Pamilyar ang mukha nito. si Keno. Piniringan niya ang dalawang binatilyo at pinaghubad ng saplot. Kasunod noon ay pinapasok ni Luther ang dalawang babaeng kasama nito at halos lumuwa ang mata ni Jeri sa nakita. Mula nung lumabas sina Keno at Luther, hindi na muling tiningnan pa ni Jeri ang sumunod na pangyayari. Sapat na ang nakita niya upang patunayang niloloko lamang siya ni Luther. Hindi nito tinalikuran ang frat niya. Ngunit ang tanong niya ay kung bakit niya nagawang magsinungaling sa dalaga. maingat siyang lumakad pabalik sa harap ng unit at tutuloy na sa pag-alis ng marinig niyang nag-uusap sina Keno at Luther sa loob ng unit, sa may bandang sala. Saglit siyang tumigil at idinikit ang tenga sa dingding upang pinakinggan niya ang usapan nila.

“Oo nga pala, kamusta naman ang lagay ng pustahan natin?” tila masayang boses ni Keno. “Mukhang naaamoy ko na ang 10,000 pesos ko ah!”

“Maghintay ka lang, malapit na.” tinig ni Luther.

“Hoy Luther, ang usapan natin ay two weeks lang, remember. In two weeks, kailangan mong mapasagot ang Jeri na iyon at kung makakagawa ka ng sex video nyo ay dadagdagan ko pa ng 5,000 ang pusta di ba?” sabi ni Keno. “TWO WEEKS! Ibig sabihin, 5 days na lang ang natitira sayo.”

“Basta malapit na. ihanda mo na ang pera mo.” Tila may pagmamayabang na tinig ni Luther.

“Hahaha. Over confidence ha?” si Keno. “Eh, balita ko nga, nagpunta ka pa daw dun sa pintor na kilala ng daddy mo para ipa-pinta ang mukha ni Jeri eh….ang weird.” Tatawa-tawang patuloy nito. “Ano naman ang ginawa mo sa painting na yun? Sabi, hindi pa daw natatapos eh, kinuha mo na. hahaha. Anong klaseng diskarte naman yun? Saka magkano na ang puhunan mo?”

“Hoy!” sabi ni Luther. “Wala ka nang pakialam kung ano ang gagawin ko ha? Basta ihanda mo na ang pera mo at ilang araw na lang eh, lalabas na sa internet ang St. Ruiz sex scandal ok?!.” Matigas na tinig ni Luther.

Halos maputol ang hininga ni Jeri habang nakikinig sa usapang iyon. Tila sasabog ang kanyang dibdib. Hindi na niya narinig ang mga sumunod pang usapan ng dalawa. Tila inilipad siya sa kadiliman ng alapaap. Parang gusto niyang patayin si Luther ng mga oras na iyon. Mabuti na lamang at napigilan niya ang sarili. Unti-unting dumaloy ang luha sa kanyang pisngi at patakbo siyang lumayo sa lugar na iyon.

Nang makarating sa bahay ay tuluy-tuloy siya sa kwarto. Napansin iyon ni Aling Vergie na nanonood ng tv at sinundan niya ang anak.

“Anong problema Ren?” nag-aalalang tanong nito habang lumalapit sa anak na nakaupo sa may gilid ng kama. Tinabihan niya ito.

“Inay” Yumakap si Jeri sa ina at tuluyang humagulgol.


SABADO. Mag-aalas-dose na ng tanghali ay hindi pa rin bumabangon si Jeri. Kanina pa siya gising pero parang tinatamad siyang kumilos. Paulit ulit niyang naririnig ang usapan nila Keno at Luther kagabi. Ngayo’y muling nagbalik ang alaala nung una nilang pagkikita ni Luther hanggang sa maalala niya ang araw na pinagbuhatan siya ng kamay ng binata. Halos nalimutan niya si Derwyn ng biglang…

‘EXCUSE ME PO! MAY TEXT MESSAGE KA! ‘

Dali-dali niyang tiningnan kung kanino galing iyon. ‘Sana ay kay Derwyn.’ Sa isip niya. Ngunit tulad ng dati, si Mr. Suarez.

‘KAMUSTA KA NA IHA?’

‘mabuti naman po.’ Mesasge sent.

‘IM PLANNING TO MEET YOU. OK LANG BA SA’YO?’

Biglang napabangon si Jeri sa sumunod text na iyon ni Mr. Suarez. Halos nataranta siya sa pag-reply. ‘Of course. Kelan po?’ message sent. At excited na inaabangan ang reply ng ka-text. Makikipagkita na si Mr. Suarez sa kanya. Ang taong tumulong sa kanyang pag-aaral. Ano kayang itsura nya? Nakita ko na kaya siya? Sunod-sunod na tanong nito sa sarili. Nalimutan na niya ang tungkol kay Luther.

‘BUKAS NG HAPON. MAY APPOINTMENT KASI AKO SA UMAGA. THEN, BUSY NA AKO ON THE NEXT FEW DAYS. THEN MAGTA-TRAVEL PA AKO ABROAD. NO OTHER TIME. SANA MAGKITA TAYO BEFORE I GO.’

Biglang napaisip si Jeri. Naalala niya ang usapan nila ni Derwyn bukas ng alas tres. Bukas din ang available time ni Mr. Suarez. Paano na yan? Hindi niya maaaring hindi siputin si Derwyn dahil pakiramdam niya ay ‘down na down’ ito sa ngayon. Hindi rin siya pwedeng tumanggi kay Mr. Suarez dahil simula pa lang noong una ay gusto na niya itong makita at ito na nga ang hinihintay niyang pagkakataon at wala nang ibang araw pa.

‘Saan po ba tayo magmi-meet?’ message sent.

‘IT’S UP TO YOU. BASTA FROM 2-5 PM LANG AKO AVAILABLE. MY APOLOGY FOR THE INCONVENIENCE.’

Paulit-ulit niyang binasa ng text na iyon. Lumilipad ang isip ng dalaga. Sana ay mag-text si Derwyn para mai-adjust nila ang oras ng pagkikita nila. May katagalan din niyang pinag-isipan iyon. Hanggang sa sumagi sa kanyang isipan ang isang ideya.

‘Pwede ko po bang isama ang friend ko? pasensya na po.’ Message sent.

Ilang saglit pa, ‘I’LL BE HAPPY TO SEE YOU WITH SOMEONE ELSE. OK, DEAL. SAAN NAMAN? YOU CHOOSE THE PLACE.’

Binasa muna ni Jeri ang reply niya ng nakangiti. ‘Manila Zoo? 4pm. hehehe’ message sent.

‘HAHAHA. THAT WOULD BE NICE. REMINDS ME OF SOMEONE I KNEW. OK. SEE YOU TOMORROW!’

‘k, tnx’ message sent.

Nakangiti na ngayon si Jeri. Panandaliang nawala ang galit niya kay Luther. ‘Ako na lang ang bahalang magpaliwanag kay Derwyn.’ Sabi nya sa sarili. Tutal naman ay 4pm pa ang usapan nila ni Mr. Suarez, may isang oras pa para ipaliwanag niya ang lahat kay Derwyn. Biglang pumasok ang kanyang inay.

“O, nakangiti ka na ngayon ah!” bungad nito.

“May good news ako nay.” Excited na sabi ni Jeri.

Ngumiti na rin si Aling Vergie. “Ano yun?”

Tiningnan niya ang ina. “Magkikita kami ni Mr. Suarez bukas!”

“Talaga? Sasama ako, teka’t ipapa-cancel ko lang yung appointment ko.”

“Wag na ‘nay!”

“Ha? Bakit naman? Para naman personal ko na rin siyang pasalamatan.”

“Sa ibang araw na lang po.”

“Hmmm…I smell something fishy.” At kinurot ni Aling Vergie sa tagiliran ang anak.

“Nay naman.”

“O sige, pero sa susunod, ako na ang kasama mo ha?” at tumango ang dalaga.


LINGGO NG UMAGA. Maagang nagsimba ang mag-ina. Si Jeri na lang ang umuwing mag-isa dahil tumuloy na ang ina sa lakad nito. Pagdating ni Jeri sa bahay ay nagbihis agad ito ng pambahay at muling tiningnan ang mga damit na naka-hanger. ‘ano kayang isusuot ko mamaya?’
Hindi lamang siya excited sa pagkikita nila ni Mr. Suarez. Pati na rin kay Derwyn. Malamang, ito na ang panahon para sagutin niya ang binata sa oras na muling aminin nito ang nararamdaman. Halos lahat ng mga damit ay sinubukan ni Jeri at halos dalawang oras din siyang nagpaikot-ikot sa harap ng salamin. Kung nandito lang ang kanyang inay ay siguradong aasarin sya nito. Matapos ang mahabang pag-iisip ay nakapili na ang dalaga. tiningnan niya ang orasan. Mag-aala-una na. Hindi pa naman siya nagugutom dahil dumaan sila kanina ng kanyang inay sa Mc Donald’s bago naghiwalay. Muli siyang pumasok sa CR at naligong muli.

MAG-AALAS TRES. Nakatayo si Jeri sa tapat ng elephant cage. Palinga-linga siya at halos mabali ang leeg sa kakatingin sa may gate. Sa may tabi lang kasi ng gate ang pwesto niya. Tamang-tama lang upang makita niya ang mga paparating doon.

“Ang aga mo yata!” tinig mula sa kanyang likuran. Si Derwyn. Napangiti siya at nilingon ang binata. nakangiti ito sa kanya. Pakiramdam ni Jeri ay malalaglag ang kanyang puso nang makita ang kaharap. Simpleng polo-shirt lang at jeans ang suot nito pero litaw na litaw ang kagwapuahan.

“Hindi kita nakitang pumasok ah!”

“Kanina pa ako dito eh.”

“Eh, ikaw naman pala ang mas maaga.”

“Excited lang. tara dun tayo.” At itinuro ang mga cottage sa tapat nila.

“Derwyn…” saglit na natigilang ang dalaga. “M-May sasabihin sana ako sa’yo”

“Kaya nga nandito tayo para mag-usap di ba? Kaya nga halika na dun.” At hinawakan ni Derwyn ang kamay ng dalaga at hinila patungo sa kanyang direksyon. Pakiramdam ni Jeri ay lumulutang siya sa pagdampi ng kamay na iyon ni Derwyn. Sana ay wag nang matapos pa ang sandaling iyon.

Umupo sila sa may cottage, “Anong gusto mong kainin?” tanong ng binata.

“Busog pa ako, thanks na lang.” kahit ang totoo’y hindi pa siya nananaghalian.

“Hindi pwede yun. Kahit snack lang. teka.” At tumayo si Derwyn. Ilang sandali lang ay bumalik ito bitbit ang siopo, drinks at ilan pang chichirya.

“Derwyn-” panimula ni Jeri, “gusto ko sanang-”

Naputol ang sasabihin ni Jeri nang makitang wala ang atensyon ni Derwyn sa kanya at palinga-linga ito hanggang sa mag-lock ang tingin nito sa isang lugar. Tiningnan ni Jeri ang tinitingnan ni Derwyn at bahagya siyang napangiti ng makita iyon. Ang nagtitinda ng lobo. Nagkatinginan ang dalawa at kapwa sila ngumiti.

“Sandali lang ha?” nagpaalam si Derwyn at tumayo. Tumango naman ang dalaga bilang pag-sang-ayon. Alam na niya ang gagawin ng binata.

Maraming tao sa loob ng zoo ngayon. Naaliw siya habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa tapat niya. Matagal-tagal din niyang tiningnan ang mga iyon ng biglang…

EXCUSE ME PO! MAY TEXT MESSAGE KA!

Nagulat si Jeri sa tunog na iyon ng kanyang cellphone. Siguradong si Mr. Suarez ito. ‘Naku, hindi ko pa nasasabi kay Derwyn ang tungkol sa kanya.’ Nilingon niya ang kinaroroonan ng binata. hindi na niya maabot ng tanaw. Nawala ito sa kanyang paningin dahil sa mga punong nakaharang doon. Binasa niya ang text.

‘WHERE ARE YOU? IM HERE NA. SORRY AT NAPAAGA.’

Nataranta si Jeri. Naku! Nasan na ba si Derwyn? Nag-reply siya. ‘San ka na po?’ message sent.

‘PARKING LOT. RED PAJERO.’

Tumayo siya. Muling nilibot ng tingin ang paligid. Lumakad ng kaunti. At nakita niya si Derwyn sa di kalayuan. Bitbit na nito ang pulang lobo. Hindi na nakuhang hinatayin pa ni Jeri ang paglapit ng binata. mabilis niyang pinuntahan iyon. Nakangiti ito sa kanya ng magkalapit sila.

“Derwyn, I have to tell you something…”

“Go ahead.”

“Later….wag kang mabibigla ha? Just wait for me. May pupuntahan lang ako sa labas ok?” at lumakad nang papalabas ang dalaga.

“Teka, san ka pupunta?”

“Basta, wait for me.” At naiwang nakatayo si Derwyn.


Sa labas ng Zoo, isa-isang tiningnan ni Jeri ng mga naka-park na sasakyan. May mga nakikita siyang pulang sasakyan ngunit wala pang pajero. Patuloy siya sa paglalakad ng matanaw niya sa bandang kaliwa ang bagung-bagong red pajero. Ilang hakbang pa ang layo nito sa sasakyan. Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Ito na marahil ang sasakyan ni Mr. Suarez. Kinuha niya ang cellphone at dinial niya ang number. Nag-ring ito. isang ring…. Dalawa… tatlo… apat…. Hanggang sa maputol ito nang walang sumasagot. Dahan-dahan niyang nilapitan ang sasakyan. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto sa may Driver’s seat. Nanginginig ang buo niyang katawan ngunit hindi niya alam kung bakit. Dinig din niya ang tibok ng kanyang dibdbi. Ito na marahil si Mr. Suarez. Ito na ang oras. Tila napako sa kinatatayuan si Jeri ng dahan-dahang lumalabas sa sasakyan ang isang lalaki. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino iyon. Isang may edad na lalaki. Disenteng-disente ang suot nito. naka-coat and tie pa. At ang ikinagulat niya ay nang makita niya ang mukha nito, nakangiti sa kanya…..si Atty. Matt Legaspi!





CHAPTER 18


Si Atty. Matt Legaspi. Ang bogadong nag-ayos lahat ng papeles niya sa school. Ang taong nagpunta sa kanila upang papirmahin ng kasunduan mula kay Mr. Suarez. Siya rin pala mismo si Mr. Suarez?

“O iha, im glad to see you again!” nakangiting bati ni ng Atty. habang papalapit ito sa kanya. Nang magkalapit sila ay iniabot niya ang kamay sa dalaga at kinuha naman iyon ni Jeri at kinamayan siya. “So, nagkita na kayo?”

“Ha? Nagkita nino?” takang tanong ng dalaga.

“Don’t’ you wish your girlfriend was hot like me”

Nagulat ang dalaga sa ring na iyon ng kanyang cellphone. Dali-dali niyang kinuha ito at nagtaka siya nang makita ang number na nakalagay doon. Si Mr. Suarez. Tiningnan niya si atty. wala itong hawak na cellphone. Sinagot niya ang phone…

“Hello?” sabi niya.

“Si Mr. Suarez ang hanap mo diba?” tanong mula sa kabilang linya. Tila kilala ni Jeri ang tinig na iyon. “Pwes, tumingin ka sa likuran mo.”

Nilingon ni Jeri ang kanyang likuran at nagulat siya sa kanyang nakita. Hindi siya makapaniwala. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Dala ng kasiyahan, isang matinding kasiyahan. Si Mr. Suarez. Ngayo’y nasa harapan niya. Nakangiti. Gwapong-gwapo sa suot na plain polo shirt at simpleng jeans at bitbit ang pulang lobong binili niya kanina.

“D-Derwyn?!” sabi ni Jeri. Kausap parin niya ito sa cellphone habang nakatingin sa binata.

“Surprised?” sabi ni Derwyn sa cellphone. Ibinaba ni Jeri ang phone at patakbong pinuntahan si Derwyn. Sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang napayakap si Jeri sa binata. Hindi alam ni Jeri kung bakit ngunit iyon ang sinasabi sa kanya ng kanyang puso. Lumipad ang lobong bitbit ni Derwyn. “I’m sorry Jeri!” bulong ng binata.

“It’s ok. I just need an explanation.” Bulong ng dalaga.

“Can I ask you for a dinner?. I would like to answer all your questions. Iha.” Nakangiting tanong ng binata at tumango ang dalaga.

Sakay ng Red Pajero, binabaybay nila ang daan patungo sa Aristocrat Restaurant sa Malate. Si Derwyn ang nagda-drive katabi nito si Jeri na hanggang ngayo’y hindi makapaniwala. Si Atty. Legaspi naman ay pinauna na nila, tutal ay may sarili naman itong sasakyan. Pinapirma lang nito si Jeri ng bagong kasunduan na maari niyang tapusin ang kanyang kurso kahit mababa lamang ang kanyang grade. Habang nasa sasakyan ay maraming tanong si Jeri ngunit hindi ito sinasagot ng binata. maghintay lamang daw na ipaliwanag nito ang lahat lahat sa dalaga.

Isang romantic dinner ang ibinigay ni Derwyn. Spare ribs, chicken barbecue with java rice and relish na pinarisan ng shake ang inorder nito.

“Siguro naman wala ka nang excuse ngayon.” Bungad ni Jeri habang kapwa sila naghihintay ng order. “kaya pala sanay na sanay ka dun sa tokyo tokyo ha?” patuloy niya. “Pero alam mo, until now, di pa rin ako makapaniwala na ikaw….si Derwyn Molino, ay si Mr. Suarez.” Nakangiti si Jeri. “Ano bang nakain mo at bakit ako pa ang napili mo?”

“Okay, sisimulan ko na ang kwento.” Sabi ni Derwyn. “Ang totoo nyan, hindi sa pagmamayabang ha? Kami ang may ari ng Hacienda Molino sa Cebu. Isa iyon sa pinakamalaking Hacienda sa buong Cebu.” Saglit na tumigil. “First year high school ako noon, ng makilala ko si Mara.” Patuloy niya. “Matalik na magkaibigan at magkasosyo sa negosyo sina Papa at ang father nya. Maganda naman si Mara, mabait, at palakaibigan. At nung second year high shool ako, dun ko nalaman na ipagkakasundo pala kaming dalawa ni Mara at ipakakasal pagdating ng tamang panahon.”

“At ayaw mo naman sa kanya?” putol ng dalaga.

“Hindi naman sa ganun. Pero hindi ganun ang nararamdaman ko sa kanya. At ganun din siya sa akin. At higit sa lahat, meron siyang boyfriend nung panahon na ‘yon at lagi niyang kinukwento iyon sa akin. Basta, kaibigan lang talaga ang turingan namin. Kaya ang ginawa ko, pinakiusapan kong maigi si Papa na huwag ituloy ang binabalak. Kaso, matigas talaga sya. Dapat daw ay utak ang gamitin ko at hindi puso. Kaya, ayun… lumayas ako sa amin at napadpad ako sa Maynila. Hinanap ko si Aunt Merly, ang kapatid ni Papa at ikinuwento ko sa kanya ang sitwasyon. Mabait naman sa akin si Auntie kaya ang sabi nya, dun daw ako mag-aral sa malayo. Yung hindi ako makikita ni Papa at ililihim namin iyon. Hindi nya sasabihin kay papa na nagpunta ako sa kanya.”

“At napadpad ka rito?” tanong ni Jeri at tumango ang binata.

“Mag-isa akong namuhay dito. Lahat ng hingiin ko kay Aunt Merly ay ibinibigay niya. Palibhasa ay Balo na at may mga asawa na ang anak nya, at malaki rin ang negosyo niya. Sinabi ko rin na babayaran ko naman sya sa tamang panahon. Dito ko ipinagpatuloy ang high school.“ saglit na tumigil, “Nung mag-isa ako, wala akong magawa kundi magbasa ng magbasa, hanggang sa nakahiligan ko ang mga tula, kaya nung nagkaroon ng pagkakataon, sumali ako sa competition noon.”

“Dun ba yun sa sinalihan ko rin? Second year high school ako nun. Fourth year ka na noh?” si Jeri.

“Oo. At dun nagsimula ang paghanga ko sa’yo.” Lihim na kinilig ang dalaga. “Sinabi ko sa sarili ko, maganda ang magiging future mo gamit ang tulang iyan. You can be a good writer. Then inalam ko na lahat ng tungkol sayo. Sa tulong ni Auntie, nakuha ko lahat ng mga impormasyon mo at siya na rin ang nag-suggest na pagsamahin tayo sa iisang school. I was studying BSECE nung nag-graduate ka ng high shool. Then nung malaman ko yung course mo, nag-switch ako para maging classmate kita.”

“Stalker ka pala.” Nakangiting sabi ni Jeri.

Maya-maya lang ay dumating na ang pagkain nila at sinimulan na nilang kumain.

“So, ano ba talagang plano mo?” tanong ni Jeri sabay subo ng hiniwang piraso ng chicken.

“Ang totoo nyan-” nalungkot ang mukha ni Derwyn, “All my plans failed.”

“What do you mean?”

“Naalala mo yung sinasabi mong pulis na naghahanap sa akin noon?”

“Ah. Oo, kilala mo yun?”

“Inutusan ni Papa iyon na hanapin ako. Detective ata yung mga iyon. Nabalitaan ni Auntie iyon kaya pinatago niya ako,”

“Kaya ilang araw kang absent?” tumango si Derwyn.

“Kaya nga minadali kong pasagutin kita dahil ang gusto ko, sa oras na malaman kong mahal mo rin ako, pakaksalan agad kita. Kaso-”

“Derwyn, I’m sorry, hindi kasi ganun kadali para sa kin ang love eh.”

“Yap! I know, dun nga ako pumalpak. at isa pa, magaling yung naghanap sa akin dahil nakita agad nila ako. Kaya si Aunt Merly na rin ang nagsabi sa akin na sundin ko na raw ang Papa, tutal naman daw ay bigo ako sa’yo.”

“So, anong ginawa mo?”

Katahimikan.

“I-” halos hindi mabanggit ni Derwyn. “I agreed with my father’s offer.”

“What?!”

“Ikakasal na ako sa Tuesday.”

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Jeri. Pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang dibdib. Pinipigilan niya ang pagpatak ng luha. Napakasakit para sa kanya ang balitang narinig.

“Kamusta na nga pala kayo ni Luther?” iniba ni Derwyn ang usapan.

“Si Luther, ang hayop na iyon!” Bigla’y tumulo ang luha ni Jeri. Nagkaroon siya ng dahilan para umiyak ngayon.

“Bakit, anong ginawa nya sa’yo?” alalang tanong ni Derwyn.

“Hindi pala totoo yung ipinapakita nyang kabaitan. Pinagpupustahan lang pala nila ako!” at lalong humagulgol ang dalaga. ngunit ang totoong dahilan niyon ay ang sakit dulot ng paglayo ng kanyang minamahal. Kumuha ng tubig si Derwyn at ipinainom iyon sa dalaga.

“Don’t worry, makakarma din yun.” Alalang sabi ng binata at niyakap niya si Jeri. Matagal sila sa posisyong iyon. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Jeri. “Tama na yan, tahan na.” dama ni Jeri ang sinseridad ni Derwyn ngunit masakit pa rin dito ang desisyon ng binata.

Matapos mailabas ang sama ng loob ay muling naging normal ang usapan. Marahil nga ay hindi sila ang para sa isa’t isa. Masakit man ay kailangan niyang tanggapin.

“Kailang nga ulit yung kasal mo?” tanong ni Jeri.

“This Tuesday. Minadali na ng Papa dahil baka tumakas daw ulit ako.” sagot ng binata. “Sorry ha? Hindi ko na kayo maiimbitahan, maliit na salo salo lang kasi. Parang family gathering lang. after kasi ng kasal, flight na agad papuntang U.S. para sa honeymoon. Doon na rin daw namin ipagpapatuloy ang pag-aaral namin.”

Kumikirot ang dibdib ni Jeri habang pinakikinggan iyon. “Ok lang din kay Mara?”

“Wala na rin syang magawa. Break na rin sila ng boyfriend nya. Ang totoo nyan, I told her all about you. And she felt guilty nung marinig nya yung story.”

“Anong oras naman yung wedding?”

“10am, sa St. Mary’s church then, simple lunch lang, kasi 12pm ang flight namin.”

“At kailan ka naman babalik dito?”

“Matatagalan pa siguro.” Malungkot na sabi ni Derwyn. “Sya nga pala, yung tungkol sa school mo-”

“Derwyn, ok lang, I can go back to my former school.”

“No! paid in full na iyon hanggang sa pag-graduate mo. At kung meron pang babayaran, si Auntie na ang bahala.”

“What?! Derwyn, nakakahiya naman”

“Sssshhh… no need to worry. Sasama lang ang loob ko kung tatanggihan mo.”

Nag-isip ang dalaga. “Ok, thanks na lang.”

“And one more thing,”

“Yes?”

“Yung red pajero…” saglit na tumigil si Derwyn, “Gift ko sa’yo yan!”

Nanlaki ang mata ni Jeri “ANO???!!” pasigaw niyang sabi.

“I said, that car is yours. Sorry ha, nagamit ko na.”

“No way! Sobra-sobra na yan Derwyn. Hindi ko na talaga matatanggap yan.”

“Well, I guess I have to deliver it in your house. Kung ayaw mo, edi sa mother mo na lang.”

“Derwyn naman.”

“Please accept it as a gift. As a friend. As a sign of appreciation.”

Natigilang si Jeri. Tumingin ito kay Derwyn, “What else can I say?” iiling-iling ang dalaga.


Matapos ang dinner ay inihatid na ni Derwyn si Jeri sa bahay. Ipinakilala nito ang binata sa kanyang ina at ikinuwento ang lahat. Paulit-ulit na pasasalamat ang ibinigay ni Aling Vergie sa binata at binasbasan pa ito para sa kanyang kasal. Halos maluha ito sa tuwa lalo na nang makita ang sasakyang ibinigay ni Derwyn. Hindi na masyadong natagalan si Derwyn. Nagpaalam na rin ito sa kanila at inihatid na ni Jeri ang binata sa labas habang nagliligpit naman si Aling Vergie sa kusina. Doon na lamang nila hihintayin ang sundo ni Derwyn na tinawagan niya kanina.

“Well I guess, this is goodbye” panimula ni Jeri. Tahimik ang paligid. Malamig ang simoy ng hangin at tanging ang sinag lamang ng buwan at kinang ng mga bituin ang nagsisilbing liwanag.

“No Jeri, goodbye means, were not going to see each other.” Malungkot na sabi ni Derwyn. “This is just the beginning…ilang araw na lang, ibang Derwyn na ang makikilala mo.”

“Magpapakabait ka ha?” tila tumitigil ang tibok ng puso ni Jeri. Lalo nang makita niyang tumulo ang luha ni Derwyn. “Umiiyak ka?” tanong niya.

Ngumiti ang binata. “Hinde. Na-ano lang….ammm-”

“D-Derwyn-”

Natama ang kanilang paningin. Magkaharap sila ngayon. Kinuha ni Derwyn ang mga kamay ng dalaga. pinisil niya iyon. “Jeri, tandaan mo ‘to, kahit ano pa ang mangyari, kahit ilang beses man akong ikasal…. Ikaw lang ang laman ng puso ko.” at muling tumulo ang luha ni Derwyn. “Mahal na mahal kita”

Dama ni Jeri ang pagiging totoo sa mga salitang iyon ni Derwyn. “Mahal din kita Derwyn” at dumaloy din ang luha sa pisngi ni Jeri. Tila nagulat ang binata sa sinabing iyon ni Jeri. Unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha. Tila may kung anong magnet ang humihila sa kanilang mga labi. Kapwa sila napapikit habang unti-unting naglalapit ang kanilang mga labi. Kapwa mabilis ang tibok ng kanilang dibdib. Dahan-dahang lumalapit, kapwa nila nararamdaman ang kanilang hininga.

“PERO WAG MAG-ALALA…DI NA KITA GAGAMBALAHIN”

Kapwa sila nagulat sa ring ng cellphone ni Derwyn. Sabay silang napamulat at bigla’y naglayo. Kinuha ni Derwyn ang phone sa bulsa,

“Hello-”

“Sir, nandito na po ako sa tapat ng malaking tindahan, saan po ba kayo?” mula sa kabilang linya. Ang driver nila Derwyn. Malapit lamang ang tindahan na iyon at nang lingunin niya ay nakita agad niya ang sasakyan.

Kumaway si Derwyn, “Diretso ka lang, nakikita mo ba ako?”

“Ok, sir,” at nag-hang na ito.

Muling tumingin si Derwyn sa dalaga. “O, Pano, kita na lang tayo sa susunod.” Tumango ang dalaga at tumalikod na si Derwyn, pinagmamasdan ito ni Jeri hanggang sa sumakay na ito sa kotse. Kumaway pa ito bago tuluyang humarurot ang sasakyan. Naiwang lumuluha si Jeri.


LUNES. Unang araw ng eskwela ngunit matamlay si Jeri. Nami-miss niya si Derwyn. Wala sa isip niya ang pag-aaral sa ngayon.

“Hi Jeri!” tinig ni Luther. Last subject na nila para sa umagang iyon. “Sabay tayong mag-lunch!” ngunit hindi siya pinansin ng dalaga. “Jeri?”

“I’m not in the mood Luther, pls!” matigas na tinig ng dalaga.

“Why? Anong problema? May maitutulong ba ako?”

Hindi na sumagot ang dalaga. mabilis siyang lumakad patungo palabas. Sinundan naman siya ni Luther. “Ano bang problema mo?”

“Wala! Basta wag na wag ka nang lalapit sa akin, ok?”

“Bakit ba?”

“Gusto mong malaman? Ha? Gusto mong malaman?” sabi ni Jeri. “Pwes, unang una, hindi ako laruan na pwedeng pagpustahan at pangalawa, kahit anong gawin mo, wala kang pag-asa sa akin! Maliwanag ba?” nagulat si Luther sa sinabi ng dalaga. natulala ito.

“Sino naman ang may sabi sayo nyan?” tanong nito ngunit hindi na siya pinakinggan ng dalaga at mabilis itong naglakad. ‘humanda ka sa akin Keno, kung inaakala mong magtatagumpay ka, pwes, nagkakamali ka.’ sa isip ni Luther.

HAPON, ORAS NA NG UWIAN. Malungkot na naglalakad si Jeri papunta sa waiting shed. Madilim na ang paligid. Tinapos kasi nila ni Rose ang project nila kaya ginabi siya. Lumilipad ang kanyang isip ng biglang may tumawag sa kanya.

“Jeri!” tinig mula sa kalsada. Si Luther. Sakay ng kotse niya. “Hatid na kita.” Ngunit hindi ito pinansin ng dalaga. binilisan niya ang paglalakad. Sumunod naman ang kotse sa kanya. “Sige na naman oh!” nagmamakaawang tinig nito. ngunit hindi pa rin siya pinapansin ng dalaga. maya-maya lang ay narinig niyang bumukas ang pinto ng kotse at muling sumara iyon, at ilang saglit pa ay nasa likuran na niya si Luther. Naramdaman niya ang mahigpit na paghawak nito sa kanyang braso. “Sinabi nang ihahatid na kita eh!”

“Bitiwan mo ako! nasasaktan ako!” sigaw ni Jeri. Naamoy niya si Luther. Amoy alak ito.

Ngunit dahil sa mas malakas ang binata ay nagawa nitong buhatin si Jeri at naisakay sa sasakyan bago tuluyang humararurot.

“Pagsisihan mo ito Luther!” sigaw ni Jeri habang pilit na binubuksan ang pinto ngunit naka- central lock iyon.

“Talaga? Edi magsisisis na ako ngayon pa lang” nakangiting sabi ni Luther.

“Hayop ka! Walang hiya!” at paulit-ulit na sinusuntok niya ang binata ngunit tila wala lang sa kanya ito.

“Wag kang mag-alala. Masisiyahan ka naman sa akin. hahaha” malakas ang tawa nito. “Akala mo ba, sa pera ako interesado kaya ako pumayag sa pustahan na ‘yon? HINDE! Gustung-gusto ko ang katawan mo, Jeri! hahaha”

“Hayop ka talaga!”

Sa tapat ng bakanteng unit, kinaladkad ni Luther si Jeri papasok sa loob. Nakatakip ang kamay ng binata sa bibig ni Jeri. Kahit anong pagpupumiglas ay hindi makawala si Jeri. Idiniretso na niya ang dalaga sa kwarto. Nakahanda doon ang isang video cam at nakatutok iyon sa kama. Itinulak niya si Jeri sa kama at ini-on ang cam.





CHAPTER 19


Napasubsob sa kama si Jeri sa malakas na pagkakatulak ni Luther. Dali-daling hinubad ni Luther ang kanyang t-shirt at lumapit ito sa dalaga. Tiningnan muna saglit ang mesa kung saan nakapatong ang cam at sinigurong naka-on ito bago muling itinuloy ang binabalak. Nakaupo si Jeri sa kama at umiiyak. Habang lumalapit si Luther ay paatras ng paatras ang dalaga hanggang sa wala nang lugar at bumangga ang likod niya sa pader.

“Parang awa mo na Luther, wag mong gawin sa akin ‘to!”

Ngumiti lang si Luther, “Wag kang mag-alala, paliligayahin kita.”

“Luther please.” Pagmamakaawa ng dalaga ngunit tila bingi na ang binata. Biglang hinablot ang magkabilang braso ni Jeri at nang maghiwalay ang mga iyon ay mabilis na hinawakan ang bandang leeg ng blouse nito at buong pwersang hinila iyon. Agad itong napunit at nagtalsikan ang mga butones nito. “Luther waaaaggg!!!” sigaw ni Jeri.

“Sige! Sumigaw ka hangga’t gusto mo! Tingnan natin kung may makakarinig sa’yo!” matigas na sabi ni Luther. Wala nang nagawa si Jeri. Saglit na tumigil si Luther at tinitigan ang dalaga na tila humahanga sa kaputian ng dibdib nito kahit na nakasuot ang bra nito. pilit namang tinatakpan iyon ng dalaga ng kanyang kamay.

“S-sige… papayag ako… pero alisin mo na ang video.” Mahinang tinig ni Jeri.

Tiningnan ni Luther si Jeri, waring sinisiguro kung seryoso nga ito. Napangiti siya. “Ok.” Sagot ng binata at tumayo ito upang i-off ang cam. Nang matapos ay muli itong humarap sa dalaga ngunit huli na para iwasan pa ang malakas na pagsipa ni Jeri sa may private part nito. Namilipit sa sakit si Luther. Ito na ang pagkakataon para makatakas si Jeri. Mabilis niyang tinungo ang pinto at inabot ang knob. Ngunit hindi pa niya nahahawakan ang knob niyon ay nagulat siya sa biglang paghablot ni Luther sa kanyang buhok. Naghanap siya ng makakapitan ngunit wala siyang nakapa at hinila na siya ni Luther. Bumagsak siya sa sahig habang iniinda pa rin ni Luther ang sakit na ibinigay ni Jeri. Kapwa sila ngayon namimilipit. Pinilit bumangon ni Jeri at tiningnan muli si Luther. Papalapit ang lalaki sa kanya at hinila ang kanyang braso. Mabilis siyang napatayo. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Jeri at muli siyang bumagsak sa kama.

“Iisahan mo pa ako ha?” galit na tinig ni Luther at muling lumapit kay Jeri.

Nilibot ni Jeri ang paligid at naghanap ng maari nitong ipanlaban kay Luther ngunit wala siyang nakitang naroon kundi ang cam na nakapatong sa mesita. Papalapit na sa kanya ang binata. nang makalapit na’y biglang hinila ang kanyang isang paa at napalapit siyang bigla sa binata. Nagpupumiglas si Jeri at hirap na hinahawakan ni Luther ang dalaga. Bigla’y buong pwersa niyang itinulak si Luther at saglit itong natumba. Muling nakakita ng pagkakataon si Jeri at mabilis itong tumayo at bumaba sa kama. Papalapit sa kanya si Luther ng biglang tinawag ang kanyang pansin ng video cam sa ibabaw ng mesa. Mabilis niyang dinampot iyon at ibinato sa papalapit na si Luther. Tinamaan iyon sa bandang noo at kahit may kadiliman ay nakita ni Jeri na nagdugo ang noo niyon. Saglit na napatigil si Luther at namilipit sa sakit. Tumakbo si Jeri sa may pinto at hinawakan ang knob niyon at inikot. Bumukas iyon. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at patungo siya sa pinaka-main door. Kasunod niya ang namimilipit na si Luther. Nang makarating si Jeri sa pinto ay inikot niya ang knob, ngunit naka-lock iyon.

“Hahaha akala mo ay matatakasan mo ako?” sabi ni Luther habang hawak nito ang ulo. Bigla’y sumunggab sa kanya ito. mabuti na lamang ay naiwasan niya ang paglusob na iyon. Tumakbo siya sa bandang sulok ng sala. Dahan-dahan siyang umaatras habang papalapit sa kanya si Luther. Naghahanap ang kanyang mga kamay ng pangdepensa. Bigla’y muling sumunggab sa kanya si Luther at muli siyang nakaiwas. Sa pagkakataong ito’y napunta siya sa lugar kung saan ginagawa ang hazing. Nakita niya agad ang paddle na nakasandal sa pader. Hindi siya nagpahalata kay Luther at dahan dahan siyang umatras patungo sa paddle na iyon. Muli na namang sumunggab si Luther at mabilis na umiwas ang dalaga at tinungo nito ang paddle. Mabilis niyang kinuha iyon at buong pwersang inihampas kay Luther. Tinamaan ito sa likod. Isang hampas pa at tumamang iyon sa tagiliran. Ang isa pa’y sa bandang ulo nito. bumagsak si Luther sa sahig. Tiningnang maigi ni Jeri ang binata na namimilipit sa sahig. Lumapit si Jeri sa pinto at buong lakas na hinampas ang knob. Paulit ulit iyon. Hindi na niya ininda ang sakit ng kanyang kamay. Unti-unting bumabangon si Luther. Saglit nagpahinga at bumawi ng lakas. Tiningnan ng masama si Jeri. Nanginginig ang tuhod ng dalaga at malakas ang kabog ng dibdib ngunit patuloy pa rin ito sa paghampas sa knob. Papalapit na si Luther. Dahan-dahan. Salit-salitan ang tingin ni Jeri sa pinto at sa lalaki hanggang sa

BLAG!

Tumilapon ang knob ng pinto. Nagtagumpay si Jeri. Papalapit naman si Luther. Hindi na nagdalawang isip pa si Jeri na buksan ang pinto. Ibinaba niya ang paddle at hinawakan niya ang butas ng pinto at hinila. Ngunit kasabay niyon ay nahablot din ni Luther ang kanyang buhok at pilit siyang hinihila papasok. Biglang nabuksan ng tuluyan ang pinto. Hinawakan ni Jeri ang braso ni Luther at kinagat iyon hanggang sa mabitiwan siya nito. Ng makabitiw ay tumakbong papalayo ang dalaga.

“SAKLOLO! SAKLOLO!” sigaw niya habang tumatakbo. Hanggang sa makasalubong niya ang ilang mga tanod. Itinuro ng dalaga si Luther ngunit nakasakay na ito sa kotse at humarurot. Dumaan pa ito sa harapan nila ngunit walang nagawa ang mga tanod.


MALUNGKOT NA UMUWI ang mag-ina mula sa presinto. Ipinatawag kasi si Aling Vergie habang nasa presinto si Jeri at ipinapa-blotter si Luther. Alalang-alala ito sa anak at hindi mapigilan ang pag-iyak. Naibsan lamang ang kalooban ng makitang nasa maayos na kalagayan si Jeri. Sa tulong ng mga tanod, dinala si Jeri sa presintong iyon. Pinahiram din iyo ng vest na nagsilbing kapalit sa napunit na damit.

Pagdating sa bahay, halos magdamag na nag-usap ang mag-ina. Doon na rin natulog si Aling Vergie sa kwarto ni Jeri at magkatabi sila. Madaling araw na’y hindi pa rin dinadalaw ng antok si Jeri. Tiningnan niya ang kanyang inay na katabi nya, tulog na ito. bumangon siya at kinuha ang notebook ng mga tula, isa-isang binuklat iyon at binasa. Napako ang tingin niya sa huling tula na ginawa niya. Ang tula para kay Derwyn. Habang binabasa niya iyon ay bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasayang pangyayari sa kanilang dalawa. Ang una nilang pagkikita,

“Welcome sa St. Ruiz University!” tinig ng isang lalaki mula sa kanyang likuran. Nagulat pa sya ng bahagya at nilingon kung sino iyon. Isang pamilyar na mukha ang bumulaga sa kanya. Isang lalaking may manipis na pangangatawan ngunit disente ang itsura at may kaakit-akit na mukha. Nakangiti ito sa kanya.
Tila gulat niyang nasabi, “Ikaw yung…”

“Ako nga. Naaalala mo pa pala ako.” Putol ng lalaki sa sasabihin nya. Lumapit ito sa kanya, “I’m Derwyn. Derwyn Molino” at iniabot nito ang kamay sa dalaga.

“Kanina pa kita tinitingnan, nahihiya lang akong lumapit sa’yo”
Kinamayan naman ito ni Jeri. “Im Jea….”

“Jearaine Corpus right?”

“So kilala mo pa rin pala ako? Ilang taon na rin yun ah!”

“Of course! Malilimutan ko ba yung grand prize winner ng Poetry making competition?”

“That was three years ago. Nene pa ako. hahaha,”

“Pero tulad ng sinabi ko sa iyo noon, ako parin ang number one fan mo!”

“Naku! Bolero ka pa rin. Oo nga pala… dito ka rin pala nag-aaral?”

“Yap! At papunta na nga ako sa first subject ko. English 101. Youre a transferee right?”

“Opo! At classmate pala kita! ”

“Talaga? What a coincidence. Tara na.”


Ang mga ngiting hindi niya napansin noon ay hinahanap hanap niya ngayon. Bumalik ang alaala ng zoo. Ang unang date nila ni Derwyn. Ang paghahabulan nila, ang pamamangka, at higit sa lahat, ang red balloon. Tiningnan niya ang bandang sulok ng kwarto. Naroon pa rin ang baloon, bagamat wala na itong hangin. Kinuha niya ang picture nila sa ilalim ng kanyang unan at muling bumalik sa may bintana. Tinitigan niya iyon at bahagyang hinaplos ang mukha ni Derwyn.

“Jeri, tandaan mo ‘to, kahit ano pa ang mangyari, kahit ilang beses man akong ikasal…. Ikaw lang ang laman ng puso ko.” ….“Mahal na mahal kita”

Paulit-ulit nyang naririnig sa hangin ang mga salitang binitiwan ni Derwyn kagabi. Ang malungkot na mukha nito ay nakikita niya sa paligid. Dahan-dahang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi.

“This Tuesday….10am, sa St. Mary’s church then, simple lunch lang, kasi 12pm ang flight namin.”

Bukas, ikakasal na si Derwyn sa babaeng hindi nito tunay na mahal. Magsasama sila habang buhay sa iisang bubong. Kailangan niyang tanggapin iyon ngunit nahihirapan siya. Muling bumalik sa paghiga ang dalaga at ipinikit ang mga mata.


MARTES.

Ginising si Jeri ng kanyang ina sa dahilang may bisita raw ito. si Kathy, ang bestfriend ng dalaga. tiningnan niya ng orasan, alas sais y medya pa lang. masyadong maaga para bisitahin siya ng kaiabigan. Dali-dali siyang nagtungo sa banyo at nag-ayos ng sarili bago bumaba.

“Bes” tila nag-aalalang bungad ng kaibigan ng umupo si Jeri sa kanyang tabi, “Nabalitaan ko yung nangyari sa yo kagabi kaya ako nagpunta. Kagabi pa dapat ako dito kaso, ayaw akong palabasin nila daddy kasi delikado daw. Kamusta ka na?” patuloy nito.

“Ok na ako, naka-blotter na yung hayup na yun at pinaghahanap na ng pulis.”

“Ano na daw ang development?”

“Wala pa akong balita eh. Bahala na ang batas sa kanya. Ipagpapasa-Diyos ko na lang din yon.”

Katahimikan.

“Bes-“ si Jeri. “May mas malaking problema ako eh,”

“Ha? Ano yun?”

Ikinuwento ni Jeri ang lahat lahat tungkol kay Mr. Suarez at kay Derwyn. Mula sa umpisa hanggang sa pangyayari nung isang gabi. Tahimik lang na nakikinig ang kaibigan nito. maging si Aling Vergie ay umupo na rin sa kanilang harapan at nakinig sa kwento ng anak. maluha-luha pa ang dalaga habang nagsasalita ito tungkol sa pagpapakasal ni Derwyn.

“In-love ka talaga bes!” sabi ni Kathy matapos ang kwento ni Jeri. “At love na love ka rin niya.”

“Pero wala. Nasayang lang.” si Jeri.

“Aba! Edi ipaglaban mo! Pigilan mo yung kasal nila.”

“Ano ka ba? Edi nagmukha naman akong tanga nun!”

Biglang nagsalita si Aling Vergie “Ren, hindi katangahan ang pagbibigay ng katarungan sa nararamdaman. Kailangan mo rin itong ipaglaban kahit ano pang sabihin ng mga tao.”

“A-Anong ibig nyong sabihin?” takang tanong ni Jeri.

“Subukan mong tanungin sa huling pagkakataon ang lalaking minamahal mo.” Si Aling Vergie. “Kung tunay na pagmamahal ang nasa puso nya, tatalikuran niya ang marangyang buhay kapalit ng pagmamahal.” Patuloy nito.

“Anong gagawin ko?”

“Pigilan mo nga yung kasal nila.” Sagot ni Kathy.

“Paano? 10 am ang kasal nila mamaya. Mag-a-alas siyete na”

“O edi meron ka pang tatlong oras. Isang oras lang naman ang biyahe mula dito hanggang St. Mary’s ah!”

Tumingin si Jeri sa dalawang kausap “Seryoso ba kayo?” at sabay na tumango iyon. “Paano ako pupunta?”

“Hello! Edi gamitin natin yung pajero nyo!”

Nagtaka si Aling Vergie “Sinong driver?”

“Katherine Oribe at your service.” At sumaludo pa si Kathy sa dalawa. “Ano, tara na! akin na yung susi.”

“Teka magbibihis ako.” si Jeri.

“Wag na iha. Magtatagal pa” si Aling Vergie.

“Tara na ‘nay” yaya niya sa kanyang ina.

“Kayo na lang Ren, ipagdadasal ko na lamang kayo.”

“Tara na bilis!” sabi ni Kathy nang iabot ni Aling Vergie ang susi.


7:30am, mabilis na binabaybay nina Jeri at Kathy ang daan patungo sa St. Mary’s Church. Halos paliparin ni Kathy ang pajero. Kahit hindi masyadong kabisado ni Kathy ay tuloy-tuloy pa rin sila. Bata pa kasi si Kathy nung huling makapunta rito. Kapwa sila kabado.

BEEP! BEEP!

“Shit! Bakit naman dito pa tayo dumaan?” halos napasigaw si Kathy ng maipit sila sa traffic.

BEEP! BEEP!

Sunud-sunod na busina ang pinakawalan ng dalaga ngunit wala naman itong nagawa. Tiningnan lang sila ng masama ng driver sa unahan nila. Narinig pa nilang sumigaw ito ng “paliparin mo yang sasakyan mo!”

Unti-unting umuusad ang sasakyan. Inip na inip ang dalawa.

“Ok lang yan, maaga pa naman.” Sabi ni Jeri upang pakalmahin ang kaibigan.

“Maaga pa? malayo pa tayo noh?!” iritang sabi ni Kathy. Bigla’y umandar ang sasakyan sa unahan. Pabils ng pabilis. Napapangiti na si Kathy ngunit biglang huminto iyon. Isa na namang stop light. “Shit talaga!” muling sabi ni Kathy.

8:15am, malayu-layo na rin ang nalalakbay ng dalawa. Maluwag ang daanan sa lugar na iyon ngunit hindi pa rin kalmado si Kathy. Mas kinakabahan pa ito kaysa kay Jeri na ngayo’y tahimik lamang sa tabi at nakatingin sa bintana. Naroon na sana sila sa oras na ito kung hindi lang sila na-traffic kanina. Tiningnan ni Kathy ang relo at tila gusto niya itong patigilin.

“Malapit-lapit na tayo.” Sabi nito. “Maghanda ka na”

“Kaya ko kaya, bes?” tanong ni Jeri.

“Aba! Dapat kayanin mo! Walang ibang pwedeng gumawa nyan.”

“Paano kung dedmahin nya ako at ipagtabuyan?”

Saglit na napaisip si Kathy, “At least nag-try tayo diba?” sagot nito. “Saka, wag ka ngang mag-isip ng ganyan. think postive ok?” at tumango ang dalaga.

“Anong sasabihin ko kay Derwyn?” muling tanong ni Jeri.

“Naku naman! Edi tanungin mo sya kung papayag ba syang sumama na lang sa iyo.”

“Ako ang magyayaya sa kanya?”

“Hay naku, bahala ka na. basta ang mahalaga, matigil ang kasal. Para naman may time pa si Derwyn na makapag-isip.” Sabi ni Kathy at napatingin ito sa indicator. “Naku! Paubos na pala ang gasolina! Kailangan nating maghanap ng gasoline station.”

“I’m sure, marami dito nyan.”

Sa di kalayuan ay natanaw ni Kathy ang isang gasoline station. Pinaharurot niya ang sasakayan patungo roon.

“300 lang po!” sabi nito sa gasoline boy.

“Sorry ha? Hindi ako nakapagdala ng cash.” Sabi ni Jeri.

“Walang problema. Buti na lang at may dala ako.”

“Babayaran na lang kita mamaya pag-uwi.”

“Aba dapat lang. sayang din yun.” Maya maya ay bumalik ang gasoline boy. “Pogi, san ba ang simbahan dito?”

“Diretso lang po dyan. Tapos kaliwa sa pangalawang kanto.” Sabi ng lalaki.

“Ok, salamat.”


9:10am. Narating nila ang simbahan. Nag-park sila sa tapat niyon. Hindi nila masyadong tanaw ang loob niyon. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Jeri.

“Itutuloy ko ba bes? Kinakabahan ako!”

“Alangan ba namang umatras ka pa!”

“Samahan mo naman ako.”

Saglit na nag-isip ang dalaga. “Pero ikaw ang sisigaw ha?”

“Anong isisigaw ko?”

“Ganito, ITIGIL ANG KASAL!” sigaw ni Kathy.

“Hoy ano ka ba? Baka may makarinig.”

Biglang tumunog ang kampana. Hundyat na magsisimula na ang kasal. Nagkatinginan ang magkaibigan.

“Akal ko ba, alas diyes? Alas nuebe pa lang ah?!”

“Talagang minamadali nila ah!” Tiningnan nila ang simbahan. Tila nagkakagulo ang mga tao doon. “Tara na?”

“Teka, hintayin muna nating makapasok lahat.” Si Kathy.

Nang makapasok na ay patakbo nilang tinungo ang pinto ng simbahan. Nang makarating sila doon ay huminga ng malalim si Jeri at-

“ITIGIL ANG KASAL!”

Malakas na sigaw nito. lahat ng nasa loob ay napatingin sa pinto ng simbahan kung saan nakatayo ang dalawa. Gulat na gulat lahat lalo na ang dalawang ikakasal. Sabay itong lumingon kina Jeri at Kathy.

Ngunit nanlaki ang mga mata ng dalawa sa nakita. Hindi si Derwyn ang groom. Isang maitim at may edad na lalaki. “Anong problema?” tanong nito. Nagkatinginan ang magkaibigan at sabay silang tumingin sa labas. Nabasa nila ang karatula.

“Welcome to St. Francis’ Church”









CHAPTER 20

“Welcome to St. Francis Church”

Tila binuhusan ng malamig na tubig ang magkaibigan sa kahihiyan. Sabay nilang nilingon ang ikakasal na kapwa nagtataka. Nakasimangot na ang bride.

“Ayan! Hanggang dito hina-hunting ka ng mga babae mo. Hayup ka!” galit na sabi ng bride sabay hampas ng bulaklak sa groom.

“Hindi ko kilala yang mga yan. Promise!” sagot naman ng lalaki habang iniilagan iyon.

“Ah..eh… hindi po pala” Si Kathy. “TULOY ANG KASAL!” sigaw nito. “Joke! Joke! Joke!” sabay hila kay Jeri at tumakbo silang papalayo. Mabilis nilang tinungo ang sasakyan at sumakay agad doon.

“Nakakahiya” si Jeri matapos umupo sa tabi ni Kathy.

“Sus! Wag mo nang intindihin yun!” sagot naman ng kaibigan at muling pinaharurot ang sasakyan. Muling binaybay ang kahabaan ng daan. “Saan ba ang daan?” nalilitong tanong ni Kathy ng makitang maraming kalye ang kanilang nadadaanan.

“Teka, itigil mo muna at magtatanong ako.” si Jeri. Saglit na itinigil ang sasakyan nang makita ang isang matandang babaeng naglalakad. “Ale, pwede pong magtanong?” tumigil ang babae at tumango. “Saan po ba yung St. Mary’s church?”

Saglit na nag-isip ang babae. “Ah, dun sa kabila.” Sabi nito. “paglabas nyo sa kantong iyan,” at itinuro ang dulo ng daan, “kakanan kayo tapos, may one way na kalsada dun, dire-diretso lang tapos, kakanan ulit kayo sa may tindahan ng bigas.”

“Salamat po!”

Hindi na kailangan pang magtanong ni Kathy. Mabilis niyan pinaharurot ang sasakyan, tila nasa isang drag racing event. Tahimik lang si Jeri at hinihiling na sana’y tumigil ang oras. Muli niyang sinilip ang wristwatch. 9:20am. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kasal. Pagdating sa dulo ng kalsada ay mabilis na kumanan ang sasakyan at halos tumilapon si Jeri sa kinauupuan.

“Baka naman sa ospital ang punta natin bes.” Si Jeri.

“Tumahimik ka na lang dyan. Anong oras na ba?” tanong nito.

“9:20”

“Shit!”

Mas lalo pang binilisan ng ang pagpapatakbo ni Kathy, hindi nila napansin ang tindahan ng bigas at dire-diretso pa rin ito.

“Kath, lampas na ata!” si Jeri nang tila tinawag ang pansin ng mga naka-display na bigas. Biglang huminto ang sasakyan at sumigaw ang mga gulong nito na animo’y may nasagasaan. Ang lahat ng nasa paligid ay naglingunan sa pulang pajerong iyon. Medyo may kalayuan din ang nailampas nila kaya’t dali daling naghanda si Kathy para mag-U turn.

“Naku naman! One way lang pala ‘to!” muling tiningnan ni Kathy ang daan sa kanilang harapan. May kahabaan din ang one way na iyon. Alam niya, kailangan nilang umikot sa kabila para marating muli ang tindahan ng bigas. “Anong klaseng daanan ba ‘to?” reklamo niya habang pinahaharurot muli ang sasakyan. Nang marating ang dulo niyon ay muling kumaliwa ito at dumaan sa kabila upang mapasok ang dinaanan nila kanina.

9:30am. Muli nilang napasok ang one way route, ngunit sa pagkakataong ito’y hindi na masyadong binilisan ni Kathy ang pagmamaneho. Inalalayan niya lang ang takbo.

“Ayun yung tindahan!” sigaw ni Jeri nang makita sa di kalayuan ang tindahan. “kakanan daw tayo dun.” Dugtong niya. Mabilis naman itong sinunod ni Kathy at mabilis niyang kinabig ang manibela at kumanan. Ngunit hindi nito napansin ang malaking trak na nakaharang sa daan. Naroon rin ang ilang kalalakihan na nag-a-unload ng mga sako ng bigas mula sa malaking trak. Mabuti na lamang at mabilis na natapakan ni Kathy ang break. Muling umalingawngaw ang maingay ng tunog ng preno at gulong. Halos isang dangkal na lamang ang layo ng pajero sa trak. Tila tumalon ang kaluluwa ng dalawa sa sobrang gulat. Mabilis ang paghinga nila ng magkatinginan. Saglit nilang hinintay na umalis ang trak bago sumulong ngunit tila walang kaubusan ang laman niyon.

BEEP! BEEP! BEEP! BEEP!

Sunod-sunod na busina ni Kathy. Ngunit nakatingin lamang ang mga lalaki doon. Ang iba ay tatawa-tawa lamang. Nakita nila ang isang lalaki na sumenyas. Hudyat na mag-overtake sila.

“Overtake ka na lang daw bes” bulong ni Jeri.” Ngunit dahil sa sobrang lapit nila sa trak ay hindi nito kayang lampasan iyon kaya’t mabilis niyang iniatras ang sasakyan upang makakuha ng bwelo ng biglang..

BLAG!

Kasunod ng malakas na busina ng sasakyan sa bandang likuran ng dalawa.

Sabay na napatingin sina Jeri at Kathy sa likuran at nakita nila ang isang kotse na nakadikit sa sasakyan nila.

“Shit! May naatrasan pa ako!” sabi ni Kathy at binuksan nito ang pinto at lumabas patungo sa likuran ng pajero. Bumaba rin sa kabilang side si Jeri at nakita niyang naroon na ang driver ng kotse at iniinspeksyon ang sasakyan niya na naatrasan nila Kathy.

“Putcha! Hindi ka ba marunong mag-drive?” sabi ng lalaki kay Kathy nang makalapit ito.

“Naku pasensya na, nagmamadali lang talaga kami. Emergency lang po.” Paliwanag ni Kathy.

“Di bale, babayaran namin yung damage.” Dugtong ni Jeri.

“Aba natural! Alangan namang takasan nyo pa ako dito?” sabi ng lalaki. “Anak ng- tingnan mo, basag ang headlight! Shit naman oh!” Nagkukumpulan na ang mga tao sa paligid na nakiki-usyoso.

“Sorry talaga. Hindi ko naman talaga sinasadya.” Muling sabi ni Kathy.

“Dapat siguro bumalik ka sa driving school,” galit na sabi ng lalaki. “hindi ka pa pwede sa mga highway.” Dugtong pa nito. Nagbulung-bulungan ang mga tao sa paligid. “Tatawag ako ng pulis.”

“Pasensya ka na talaga, hindi ko talaga napansin.” Si Kathy.

“Maibabalik ba ng sorry mo yang basag na headlight ko?!”

Tiningnan ni Jeri ang orasan. 9:35 na. Kailangan na nilang umalis. Ngunit paano? Hindi niya maaaring iwanan ang kaibigan. “ah..eh.. mamang ano, ibibigay na lang po namin ang information namin at kunin ko na rin po yung number nyo. Kailangan na po talaga naming umalis. Emergency lang talaga.”

“Anong aalis? Walang aalis! Sino bang naperwisyo?” galit pa rin ang lalaki.

Lumapit na bahagya si Jeri sa lalaki, “Sinabi nang sorry eh!”

PAK!

At isang malakas na suntok sa pisngi ang ibinigay nito. namilipit sa sakit ang lalaki samantalang nagpalakpakan ang mga nanonood. Ang iba’y naghihiyawan pa.

“Makakarating ‘to sa nakatataas! Tandaan nyo ‘yan!” sabi ng lalaki habang hawak ang pisngi. Muling lumapit si Jeri sa lalaki upang sundan ng isa pang suntok ngunit pumorma ang lalaki at naghanda rin para sumuntok sa dalaga.

“Sige, sa oras na saktan mo yan, kami ang makakalaban mo.” Sigaw ng isang lalaki sa likuran, isa sa mga nag-a-unload ng bigas.

“Oo nga, subukan mo lang.” dugtong naman ng isa. At halos lahat ay sumang-ayon. Tiningnan nila Jeri ang paligid at nginitian ang mga tao doon. Lumapit sa kanya si Kathy.

“Paano yan bes, hindi natin pwedeng iwanan ‘to” sabi ni Kathy at itinuro ang lalaki. ”Mabuti pa siguro, mauna ka na lang, may tricycle naman ata dito.”

“Ok ka lang dito bes?” pag-aalala ni Jeri.

“Wag kang mag-alala. Marami akong kakampi” at itinuro ang mga tao sa paligid. Kumindat pa ito sa kaibigan.

“O sige, mauna na ako. sumunod ka na lang.” tumango ang kaibigan at tumalikod na si Jeri. Lumakad itong papalayo. Pagdating sa kanto ay naghintay ito ng tricycle. Isang minuto…dalawa…..tatlo, hanggang sa maglimang minuto ay wala pa siyang nasasakyan. May mga dumadaan ngunit may sakay ang mga ito. muli niyang tiningnan ang oras. 9:45 na. kinse minutos na lang ang natitirang oras. Muling tiningnan ang kalsada. Walang tricycle. ‘Anong gagawin ko? Kailangang makarating ako dun.’ At humanda ang dalaga, mabilis siyang lumakad. Pabilis ng pabilis, hanggang maging takbo. Takbo ng takbo, hindi ininda ang pagod na nararamdaman. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at nag-dial. Tatawagan niya si Derwyn. Habang tumatakbo ay nakatutok sa tenga ang cellphone. Nabuhayan ng loob ang dalaga ng mag-ring iyon. Sunud-sunod ngunit biglang namatay.

“The number you dialled is either unattended or…..”

Hindi na tinapos pa ni Jeri iyon at muling ibinalik sa bulsa ang cellphone. Hindi na niya namalayan kung gaano katagal na siyang naglalakad-takbo, hanggang sa.

KLEMBANG! KLEMBANG!

Umalingawngaw ang malakas na tunog ng kampana ng simbahan, malapit na sya roon. Tiningnan niya ang oras at nagulat pa ito. 10:05. biglang nataranta ang dalaga at muling binilisan ang pagtakbo. Ngunit sa may bandang kanto ay may crossing at hindi niya alam kung saan ang daan. sinilip niyang isa-isa ang mga iyon, walang bakas ng simabahan. Lumapit siya sa sari-sari store at nagtanong.

“Ale, san po ang papuntang simbahan?” tanong niya.

“Diretsuhin mo lang yan.” At itinuro ang daan.

“Salamat po!” at muling tumakbo ang dalaga. takbo nang takbo. Hindi inalintana ang pawis na dumadaloy sa buong katawan. Hingal na hingal na ito at pagod na pagod ngunit hindi pa rin ito tumitigil. Hanggang sa matanaw niya ang tuktok ng simbahan. Lalo siyang nagkaroon ng lakas ng makita niya iyon. Habang tumatakbo ay unti-unting nabubuo sa kanyang paningin ang simbahang iyon. Tiningnan niya ang oras. 10:15. Halos mawalan na ng pag-asa ang dalaga. tumigil siya sandali ng makita niya ang pinto ng simbahan mula sa kinatatayuan niya. Nakita niyang naglalabasan ang mga tao doon. Mukhang sosyal ang mga iyon at halatang mayayaman. Isa isa itong nagsakayan sa kani-kanilang mga sasakyan. Muli siyang tumakbo papalapit sa simbahan habang nakakasalubong niya ang mga magagarang sasakyan na palabas naman ng simbahan. Nang makarating siya sa simabahan ay nilibot niya ng tingin ang loob nito. wala nang tao. ‘Sana ay maling simbahan ang napuntahan niya.’ Sana ay hind natuloy ang kasal. Tiningnan niya ang harapan niyon at nakita niya ang karatula.

DERWYN and MARA NUPTIAL

Nakita niyang nililigpit iyon ng dalawang binatilyo. Bigla siyang napaupo. Biglang tumulo ang luha nito ng hindi niya namamalayan. Tapos na ang kasal. Nahuli siya. Hindi niya napigilan iyon. Biglang may narinig siyang tunog ng sasakyan sa labas. ‘Si Derwyn.’ Bulong niya at patakbo niyang tinungo ang labasan ngunit lalo lamang siyang nanlumo ng makita ang pulang pajero na naka tigil. Lumabas mula doon si Kathy at patakbong tinungo ang kaibigan.

“Kamusta? Anong nangyari?” tanong nito kay Jeri. Hindi na nakapagsalita pa si Jeri at humagulgol ito. niyakap siya ni Kathy at inalalayan papasok sa sasakyan.

“May paraan pa.” sabi ni Kathy nang makasakay sila at biglang kumambyo. Nagtaka si Jeri. “Sa airport.” At biglang humarurot ito.

“Tama na bes.” Pigil ni Jeri.

“Huwag kang susuko bes,”

“Huwag na. Kahit magkita kami sa airport o kung saan man, wala tayong magagawa. Kasal na sila.”

Biglang nagminor si Kathy, tama si Jeri. Kahit anong mangyari ay batas ang makakalaban nila. Sa mata ng tao at sa mata ng Diyos, walang karapatan si Jeri na angkinin si Derwyn.

“I’m sorry bes.” Sabi ni Kathy at tumango naman ang dalaga at muling umiyak.

Hindi na kailangan pang itanong ni Aling Vergie ang nangyari sa anak nang makita niya itong umiiyak na bumaba sa sasakyan at inaalalayan n kaibigan. awang awa ito kay Jeri. Sinalubong niya ito at tinulungan hanggang sa makapasok ng bahay at maiupo sa sofa. Kumuha siya ng tubig at ipinainom sa anak.

“Nagluto ako ng pananghalian, kumain na muna kayo.” Si Aling Vergie. “Teka’t ipaghahain ko kayo” at tumayo ito’t nagtungo sa kusina.

“Ok lang yan bes,” mahinang sabi ni Kathy, “Hindi talaga kayo ang para sa isa’t isa”

“Alam ko.” sagot ni Jeri, “Kasalanan ko rin naman. Kung sinagot ko kaagad siya noon, hindi sana ako masasaktan ng ganito.”

“Pero tama lang naman ang ginawa mo.” At niyakap muli ito ang kaibigan “Hindi basta-basta ang isang relasyon.”






CHAPTER 21



Halos isang linggo rin ang nakalipas ngunit hindi pa rin nawawala sa isip ni Jeri si Derwyn. Itinuon na lamang niya ang isip sa pag-aaral bilang pagtanaw ng utang na loob sa binata. Bagamat malungkot, kailangan niyang labanan iyon para na rin sa kanyang sarili.

LUNES.

Ginising ng malakas na alarm si Jeri. Tinignan niya ang orasan at siniguro kung tama ba ang oras niyon. 5:45am. Hindi nga ito nagsisinungaling. Gusto mang bumangon ni Jeri ay tila hinihigop siya ng kanyang higaan. Inabot niya ang alarm clock at binago ang oras ng alarm. 6:00am. At muli siyang pumikit.

Ilang sandali lang ay muli naman itong tumunog na tila ba isang minuto lang ang nakalilipas. Walang nagawa si Jeri kundi bumangon upang ayusin ang sarili. Papunta siya sa banyo ng makita niya sa sulok ang pulang lobo na ngayo’y halos wala nang hangin. Muling nanumbalik ang alaala ni Derwyn. ‘Hay naku Derwyn, kailan ka ba maalis sa isip ko?’ bulong niya sa sarili. Tumuloy na siya upang maligo.

Matapos maligo hindi na muna siya nagbihis. Habang nakatapis pa ng towel ay inayos niya ang higaan at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita niya ang picture nila ni Derwyn sa zoo. Kinuha niya iyon at tinitigan habang nakaupo sa gilid ng kama. Bahagyang hinaplos ang pisngi ni Derwyn at muling dumaloy ang luha sa pisngi nito. tumuloy siyang humiga at nabasa ng buhok nito ang bedsheet. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at muling ibinalik ang alaala ni Derwyn. Ang senaryo sa cafeteria na nagpapaganda ng kanyang umaga, ang pagsasama sa pananghalian at pagsabay nila sa pag-uwi. Saka lamang niya naisip na hindi pala ito totoong umuuwi kundi nagtatago lamang kung saan dahil pagsapit ng gabi ay ite-text siya nito. bahagya siyang napangiti.

“Ren, Ren, iha, magbihis ka na ng pambahay at basang basa na yang higaan mo.” Biglang nagising si Jeri sa tinig na iyon ng ina. nagulat siya at biglang tiningnan ang orasan. 9:15am. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. “akala ko hindi kapapasok kaya hindi kita chineck dito.” Sabi ni Aling Vergie. “kung alam ko lang na papasok ka, ginising sana kita kanina pa.”

Bumangon si Jeri at saglit na nag-isip. “Hindi na muna ako papasok nay.”

“Walang problema Ren, magbihis ka na muna at mag-almusal ka na.” sabi ni Aling Vergie at lumabas na ito ng kwarto.

“Opo.”


Ilang saglit pa’y nasa hapag kainan na si Jeri. Nagtaka ang ina dahil bihis na bihis ito.

“May lakad ka ‘nak?” tanong nito.

“Mamamasyal lang po muna ako.”

“Ganun ba? Wag ka lang magpapagabi ha? Mahirap na.”

“Opo.”

“Kumain ka na muna ng magkalamaN ang tiyan mo bago ka bumiyahe.”

Matapos kumain ay nagpaalam na si Jeri sa ina at tuloy tuloy na itong lumabas. Napadaan siya sa red pajero at bahagya siyang nalungkot. Tumuloy na siya sa labasan at naghintay ng jeep.

Ilang minuto pa ay nasa entrance na siya ng zoo. Wala siyang ibang pupuntahan kundi ito. Ang unang date niya kasama ang lalaking pinakamamahal niya. Napaka-memorable ng lugar na ito sa dalaga. mula sa kanyang ama hanggang ngayon. Tumuloy siya sa elephant cage at tiningnan ang kinatatayuan dati ni Derwyn. Tila nakikita pa niya ang binata na naroon. Nakangiti at gustong makipaglaro sa kanya. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang tulay sa ibabaw ng mga namamangka. Hindi masyadong matao roon at iilan lang ang namamangka. Tumigil siya saglit sa gitna ng tulay at tiningnan ang isang bangka na may sakay na magkasintahan. Masaya ang mga ito at tila naglalaro pa. tulad nila noon ni Derwyn.

Si Derwyn. Malamang ngayon ay natutulog na ito katabi ng babaeng hindi nito tunay na minamahal. Malamang ay katulad niyang lumuluha at nasasaktan. O kaya nama’y nalimutan na siya sa napakadaling oras. Hindi pa sigurado si Jeri kung saan siya patungo sa ngayon. Napakasakit ng pangyayaring iyon. Nakatitig siya sa magkasintahan na namamangka ng biglang may tinig sa kanyang likuran.

“Samahan mo naman akong mamangka.”

Nagulat ang dalaga sa tinig na iyon. Kilala niya kung sino iyon. Mabilis siyang humarap sa kinaroronan ng tinig at tama ang kanyang hinala. Isang gwapong lalaki na may hawak na pulang lobo. Si Derwyn.

“D-Derwyn?” hindi makapaniwala ang dalaga. “Ba’t nandito ka?”

Ngumiti ito sa kanya “Maaga akong pumasok kanina e, wala ka naman, sayang, first day ko pa naman.” Sabi niya. “kaya pinuntahan kita sa bahay ninyo. Sabi ng mommy mo, namasyal ka daw kaya nagbakasakali akong narito ka.” Paliwanag nito.

“What I mean is.. bat nandito ka? Sa Pinas.” Nalilitong sabi ni Jeri. “Asan na si Mara?”

Binigyan ng pilyong ngiti ni Derwyn si Jeri. “And you believed na natuloy nga ang kasal?”

“Oo naman. I was there.”

“What?”

“W-wala. Sabi ko lang-”

“Ssshhh… hindi natuloy ang kasal”

“Ha?”

Kinuha ni Derwyn ang braso ni Jeri at itinali ang red baloon doon. “The night before the wedding,” sabi niya, “nag-usap kami ni Mara. Ikaw ang napag-usapan namin. I told her everything than happened. And she felt guilty kaya gumawa kami ng plano.”

“And?”

“Ayun, napag-usapan namin na siya lang ang a-attend sa wedding, at sa harap ng mga tao at ng pari, sasabihin niya na hindi ako makakarating. So, iniwan kong lahat sa bahay pati ang cellphone ko at nagpunta ako sa bahay ni Aunt Merly. Alam ko kasing wala sya dun dahil a-attend nga sya ng kasal ko. buti na lang at may spare key ako ng house nya kaya nag-stay muna ako dun. I tried to contact you kaso, hindi ko kabisado ang number mo. I’m sorry for that.”

“So anong nangyari kay Mara at sa mga parents nyo?”

“Well, Mara was very happy dahil naging malaya sya. It was our dad’s plan anyway. Tutol nga si Mama dahil hindi na raw tayo nabubuhay sa nakaraang panahon. Kaya tinulungan niya akong ipaliwanag kay papa ang lahat. And I think it went well kaya eto ako ngayon.”

“Meaning, tuloy pa rin ang pag-aaral mo sa St. Ruiz?”

“Yap!” at lumapit ang binata kay Jeri. Kinuha niya ang mga kamay niyon, “Ayoko kasing pagsisihan ng habambuhay ang pagkawala mo sa akin.”

Lumakas ang kabog ng puso ni Jeri. “Bakit ka naman magsisisi?” nakangiting tanong niya.

“Dahil ikaw, Ms. Jearaine Corpuz, ang kaisa-isang laman ng puso ko.” tumingin ang binata sa kaya. Mata sa mata. “mahal na mahal kita Jeri.” Unti-unting lumapit ang mukha ng binata sa kanyang mukha.

Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ni Jeri, “I love you too, Derwyn” mahinang sabi nito at ipinikit niya ang kanyang mata. Unti-unting naglapat ang kanilang mga labi sa unang pagkakataon. Humigpit ang yakap nila sa isa’t isa. Tila lumulutang ang pakiramdam nila sa mga oras na iyon.

“I love you very much” bulong ni Derwyn ng maghiwalay ang kanilang mga labi. “Samahan mo akong mamangka?” biglang tanong ng binata.

Itinulak ni Jeri ng bahagya si Derwyn, “Kung mahuhuli mo ako. beh!” at biglang tumakbo itong papalayo.

“Hoy, teka, paano kung hindi kita mahuli?” pahabol na tanong ni Derwyn.

Tumawa ang dalaga. “Edi titigil ako!” at lalong binilisan ang pagtakbo.


-WAKAS-