Linggo, Disyembre 27, 2009

KADENA

PANIMULA

Tahimik ang gabi. Tanging ang liwanag lamang ng bilog na buwan ang nagbibigay ng kulay sa madilim na kapaligiran. Walang sinumang nalalakad sa baku-bakong kalye ng Sta. Isabela. Tila umaawit ang hangin habang nagpapaikot-ikot ito sa kapaligiran. Sa tuwing titigil ang malakas na pag-ihip ay mapapalitan ito ng nakabibinging katahimikan.

Mula sa tabing ilog sa may bandang ilaya, ang dulo ng Sta. Isabela, isang kakaibang ingay ang bumasag sa katahimikan ng gabi. Tila isang mahabang kadenang hinihila ng marahan. Bawat pagsayad nito sa baku-bakong lupa ay nagbibigay ng kakaibang tunog. Ang pagsagi sa mabatong bahagi ay nagbibigay ng nakakikilabot na ingay. Kasunod niyon ang pag-alulong ng mga aso sa bawat bakuran ng mga kubo sa buong baranggay. Patuloy ang paghatid ng takot ng hinihilang kadena. Mula sa tabing ilog ay umakyat ang tunog patungo sa kalye ng nayon. Lalong lumalakas ang alulong ng mga aso sa tuwing dadaan ang marahang tunog na iyon sa tapat ng kani-kanilang bahay. Dalawang minuto ang pagitan ng paghila ng kadena at pagtahimik niyon. Sapat lamang iyon para patunayang nakatali iyon sa paa ng kung sino man at naglalakad sa kahabaan ng Sta. Isabela.

Sa di kalayuan, isang lalaki ang mabilis na naglalakad sa gitna ng kadiliman. Isa siyang residente ng Sta. Isabela kaya’t hindi lingid sa kaalaman niya ang tungkol sa kakila-kilabot na pangyayari sa kanilang bayan. Ang halos gabi-gabing pagkakaroon ng krimen sanhi ng pinaniniwalaang multo ng bayan. Tinawag nila itong si “Kadena” Ang lahat ay pinayuhang wag nang magpaabot ng dilim upang maiwasan ang ganitong pangyayari, ngunit dahil sa mahirap ang biyahe mula sa bayan hanggang sa kanilang lugar ay hindi naiwasang gabihin ang lalaki. Patuloy siya sa mabilis na paglalakad hanggang sa nito ang tunog ng kadena sa kanyang likuran. Biglang tumayo ang kanyang balahibo at bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Saglit siyang tumigil ay nakiramdam. Ngunit nawala ang tunog na iyon. Nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki ngunit sa kanyang paghakbang ay muling tumunog ang kadena. Ngayo’y mas malakas ang tunog nito, mas malapit sa kinatatayuan niya. Lalo niyang binilisan ang paglalakad hanggang sa matagpuan na lamang ang sariling tumatakbo. Ngunit hindi nawala ang tunog na iyon sa likuran niya. Nataranta ang lalaki at sa sobrang pagmamadali ay nadapa ito at sumubsob sa lupa. Marahan siyang tumayo at unti-unting lumingon sa likuran. Dahn-dahan niyang tiningnan ang humahabol sa kanya at..

PSK!

Sa isang iglap lamang ay gumulong ang duguang ulo nito sa lupa.









CHAPTER 1

BEEP! BEEP! BEEP!

Lalong nataranta si Pia ng marinig niya ang businang iyon mula sa labas ng kanyang bahay.

“Nandyan na sila.” Nakangiting sabi ni Mrs. Currie habang papalapit ito sa nagkakandarapang anak.

“Oo nga eh,” sagot ng dalaga nang hindi man lang tumitingin sa kausap. Patuloy ang paglagay ng gamit sa malaking bag.

Lumapit ang ina at tinulungan siya, “Kanina pa kasi kita minamadali, talagang mabagal ka kumilos.”

Nang matapos na ay mabilis niyang sinara ang zipper ng bag, “Bye Ma,” humalik ito sa pisngi ng ina at patakbong lumabas ng bahay.

“Bye! Mag-ingat ka lagi ha?” pahabol nito.

“Opo!” halos pahinang sabi ni Pia at tuluyan na siyang iniluwa ng pinto.


“Grabe, ten years!” sigaw ni Aira. Isa sa mga barkada ni Pia na kanina pa naiinip sa kahihintay sa dalaga.

“Eto na nga eh!” sagot ng dalaga habang papasok sa Van ni Lloyd.

“O pano, wala nang nakalimutan?” tanong ni Lloyd na sya ring driver ng van nang maisara na ang pinto niyon. Saglit na natigilan si Pia at nag-isip.

“Wala na.”

“Ok, fine! Tara lets! Woohoo!!!” sigaw ng binata at sabay sabay namang nagsigawan din ang lima pang sakay ng van na excited sa kanilang lakad.

Si Gary ang may pakana niyon. Napadaan kasi sila sa Sta. Isabela ng minsang magkaroon sila ng family outing. Sa Sta. Cruz sila nagtungo dati at hot spring din ang kanilang pinuntahan. Katabing bayan iyon ng Sta. Isabela. Nagkataong nasiraan ang kanilang sasakyan sa tapat ng bayang iyon bandang hapon nang pauwi na sila at napansin niya ang magandang Spring sa di kalayuan. Marami ang naliligo doon at mas maganda sa napuntahan nila kaya nagkainteres siyang balikan ito at isama ang buong barkada. Ngayon na ang katuparan ng kanilang plano. Sem break. Maaga silang umalis para magtungo roon. Kinabukasan na sila babalik o kung kaya ay ialng araw pa dahil tiyak daw na mag-eenjoy sila doon at mag-i-stay pa ng matagal. Naroon na rin sa kanyang isipan ang makaporma kay Wendy na matagal tagal na rin niyang nililigawan pero hanggang ngayon ay hindi pa niya sigurado kung ano ang lagay niya sa dalaga. kasama rin ang magnobyo na sina Aira at Jester.At syempre, hindi makukumpleto ang barkada kung wala ang isa pang nagliligawan na sina Lloyd at Pia na hanggang ngayon ay wala pa ring resulta. Para kay Pia kasi, ang kaibigan ay kaibigan at ang boyfriend ay boyfriend. Hindi pwedeng maging sila ni Lloyd dahil kaibigan lang talaga ang turing niya sa binata. ang isa pa, hindi rin niya gusto ang pagiging mayabang ni Lloyd. Naging close lang sila dahil sa bestfriend nyang si Aira na kaibigan din ni Lloyd.

Maingay ang loob ng van dahil sa lakas ng tunog ng stereo nito. Dito sila nagkakaisa. Sa music. Lahat sila ay tagahanga ng My Chemical Romance. Sabay sabay pa nilang kinakanta ang “Dead” habang paindak-indak pa ang mga ito. Enjoy na enjoy ang lahat ng biglang…

SKREEETCHHH!!!

Halos tumilapon sila Pia sa malakas pagprenong iyon.

“Anong nangyari?” tanong ni Gary kay Lloyd. Nasa kanya ang atensyon ng lahat.

Saglit na pinatay ni Lloyd ang stereo. Binuksan niya ang bintana at sinilip ang bandang unahan. “Walang hiyang pusa yon, gusto na yatang magpakamatay.” Sabi niya ng makitang tumatakbong papalayo ang tumawid na pusang itim. Sinundan ng tingin iyon ng lahat ng sakay ng van.

“Akala ko naman kung ano na.” ani Gary habang inaayos ang pag-upo.

“Pusang itim?” si Aira. “Sabi ng matatanda…”

“Hon, wag mo nang ituloy.” Sagot ni Jester na nasa tabi ni Aira. “Hanggang ngayon ba naman naniniwala ka sa kasabihan?”

“Pero-”

“Ssshh… wag kang mag-alala.” Pinutol niya ang sinasabi ng dalaga. “I’m always here beside you.” at inakbayan niya ang girlfriend.

“Aira, ang taong naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili.” Singit naman ni Wendy na nasa bandang unahan ng magnobyo. Katabi nito sa Gary na nagpumilit na maupo doon.

“Oo nga naman Aira, listen to the expert.” Ani Gary.

“Wushuuu! Sipsip!” sagot ni aira sabay batok kay Gary.

“Sound please!” sigaw ni Jester. Muli namang binuksan ni Lloyd ang stereo at muling umalingawngaw ang musika.



CHAPTER 2

Alas syete ng umaga. Kumpol-kumpol ang mga taong nakikiusyoso habang ang mga pulis naman ay abala sa pag-aasikaso sa bangkay na nakaratay sa tabing daanan. Nakahiwalay ang ulo nito sa katawan. May kumukuha ng picture para sa imbestigasyon at ang ilan ay tila pinag-aaralang mabuti ang mga nangyari. Maya-maya pa ay isang owner type jeep ang pumarada sa tabi niyon. Isang lalaki ang bumaba mula roon at isa isang nagtabihan ang mga usisero at binigyan ng daan ang taong paparating.

Sinalubong siya ng isang pulis, “Good morning po kapitan” bati nito.

Tumango lang ang Kapitan, “Anong nangyari dito?”

“Isa na naman pong lalaki ang pinatay. Natagpuan siya dito kaninang madaling araw.” Sagot ng pulis.

“May suspect na ba?”

“Ayon sa imbestigasyon, ang patalim na ginamit at ang istilo ng pagpatay ay katulad din noong mga nakaraang biktima. Malaki po ang posibilidad na ang tinatawag nilang kadena ang may kagagawan ng lahat”

Umiling-iling ang kapitan. “At hanggang ngayon ay wala man lang kayong clue kung sino ang may kagagawan ng lahat?”

Tumahimik ang pulis.

“Paano mo matutugis ang isang multo?” sigaw ng isang matanda sa di kalayuan. Kapwa napalingon ang kapitan ang pulis sa papalapit ng lalaki. “Paano nyo mapapatay ang taong patay na?” muling tanong nito. ngayo’y malapit na sa kanila ang matanda.

“Multo?” natatawang tanong ng Kapitan. “At uso pa ang multo sa panahon ngayon?” tanong niya. Tumahimik ang matanda. “tatang naman, hanggang ngayon ba naman eh, naniniwala pa kayo sa ganyan?”

Matalim ang tingin ng matanda. “Kapitan, huwag mong gawing biro ang sitwasyon”

“Tatang naman, meron bang multong pumapatay ng tao? ang alam ko ay nagpaparamdam lang ang mga iyon.”

“Mawalang galang na nga po, Tatang,” anang pulis. “Pero, ginagawa po namin ang lahat ng aming makakaya para itigil na ang paniniwala ng buong bayan sa tinatawag nyong multo.”

“At saka tatang,” si Kapitan. “Salamat sa impormasyon ninyo pero eto ang sasabihin ko sa inyo.” Saglit na tumigil at tumingin sa lahat. “Wala pong multo.” Malakas na pagkakasabi niya patukoy sa mga taong naroon. “Isa pong serial killer ang may kagagawan nito.”

Nagbulung-bulungan ang lahat. Alam ng kapitan, kahit anong sabihin niya, ang kanilang barrio ay nabubuhay sa makalumang paniniwala. Wala ni isa sa kanila ang maniniwala sa kanya.

“Alam ko pong mahirap paniwalaan pero positibo po ako, hindi po totoong may gumagalang multo sa Sta. Isabela!”

Isang lalaki ang lumapit sa kanila “kung talagang hindi multo yan, bakit walang bakas na naiiwan? Bakit hanggang ngayon ay wala pa ring suspect na maituro?”

Nagkatinginan ang Kapitan at ang pulis. Kapwa walang makuhang salita na pwedeng isagot sa katanungang iyon.

“Oo nga!”

“Oo nga!”

“Tama yun!”

Sabi ng ilang mga taong naroon.

“Kaya nga, hinihingi ko pa ang kooperasyon nyo. Bilang kapitan ng baranggay na ito. humihingi po ako ng dispensa sa may kabagalang pagkilos ng ating pulisya.” Saglit na tiningnan ang katabing pulis. “Pero ipinangangako ko po sa inyong lahat, ako na po mismo ang gagawa ng paraan para mahuli na itong serial killer. At para patunayan na rin sa inyo na hindi totoo ang lahat ng sinasabi nyo, Sisimulan mamayang gabi ang pagroronda namin sa buong baranggay.” Paliwanag ng kapitan.

Katahimikan.

“Sana nga may mangyari.” Sabi ng isang may-edad na babae. “Pagod na rin kaming magtago. Gusto naman naming makalabas ng gabi.”

Tiningnan lang iyon ng kapitan at muling bumalik ang atensyon sa pulis.



MAG-A-ALAS NWEBE ng umaga ng marating nila Pia ang Sta. Isabela Hot Spring. Tuloy-tuloy na sila sa gate ng Spring at lahat ay excited na nag-check-in. Paglabas ng van, damang dama nila ang malamig na simoy ng hangin. Bahagya pang nainggit si Gary ng makitang magkaakbay na bumaba sina Aira at Jester.

“Picture, picture!” sigaw ni Pia na hawak ang digital camera at itinapat sa mga kaibigang bumaba sa van. Sya kasi ang malapit sa pinto kaya sya ang naunang bumaba. Nag-pose naman ang mga ito na nakaharap sa dalaga.

“Oy, teka, pahabol ako!” sigaw ni Lloyd habang tumatakbo mula sa harapan ng van.

“Say sex..” biro ni Gary.

“I love it!” sagot naman ni Jester.

Click!

“Ay ang daya naman, hindi pa ako nakakaabot,” reklamo ni Lloyd. “isa pa.”

Click!

“O ayan!” nakangiting sabi ni Pia.

“Naku naman, hindi pa nga nakaka-pose eh.”

“Sus! Mamaya na ulit. Sayang ang memory. 1 GB lang ‘to.”

“Ang daya naman!” nagtatampong sabi ni Lloyd at humarap na sya sa van para tulungan ang ibang kaibigan na mag-unload ng mga dalahin. Sumunod na rin si Pia sa kanila habang patuloy ang pagkuha ng picture sa magagandang view sa paligid.

Isang simpleng cottage ang ni-rent ng anim na kabataan. Sapat na iyon para sa kanila. Naghahanda ng pagkain sina Gary habang si Pia naman ay isa-isang nire-review ang mga pictures na kinuhan niya kanina. Manghang-mangha siya sa ganda ng paligid. Ang green environment at ang magandang spring. Napangiti rin siya ng makita niya ang picture na kinuha niya kanina sa tapat ng van. Ang kanyang barkada habang bumababa dito. Una kasi niyang nakita si Lloyd na nakangiwi ang mukha dahil sa paghabol kanina. Kalahati lamang ng katawan niya ang nakuhanan. Mula ulo hanggang bewang at kitang-kita ang nakatutuwang ekpresyon ng kanyang mukha. Ibinaling niya ang paningin sa iba pang kaibigan na naroon. Sa bandang itaas ng picture ay may kakaiba siyang nakita. Ngayon lamang siya nakaranas ng ganoon. Nagtaka ang dalaga kaya’t inilagay niya sa full ang zoom ng kamera at…

EEEHHHHH!!!!

Nagulat ang lahat sa sigaw na iyon ni Pia. Namumutla ito at halos mabitiwan ang camera. Sigurado siya sa kanyang nakita. Si Gary. Walang ulo!









CHAPTER 3

EEEEHHHH!!!!

Patakbong naglapitan ang buong barkada. Gulat na gulat sila sa sigaw na iyon ni Pia.

“Bakit, anong nangyari?” alalang tanong ni Lloyd. Nauna siyang nakalapit sa dalaga. Napayakap si Pia kay Lloyd at ibinigay ang camera sa kanya. Humagulgol ito ng iyak habang inuusisa niya ang laman ng camerang iyion. Nagkumpulan silang lahat at nasa camera ang atensyon.

“Anong meron?” tanong ni Jester at kinuha ang camera sa kamay ni Lloyd. Matamang tiningnan iyon habang ang lahat ay curious sa nangyayari.

“Y-yung picture kanina…sa may van. Tingnan nyo.” Sabi ni Pia.

May kalabuan ang picture kaya hindi makuha ng iba kung ano ang naroon. Pinindot ni jester ang zoom out at pinaliit ang picture. Unti-unti, lumilinaw ang larawan. Dahan-dahang lumiliwanag ang anyo. Ang aura ng isang lalaki. Naka-green na t-shirt. Ngunit kakaiba nga iyon. Gulat ang lahat ng makitang wala itong ulo!

“Shit! Ano ‘to?” malakas na sabi ni Wendy.

“Bakit ganyan yan? Anong nangyari?” si Aira.

Napatingin sila kay Gary.

“Ha ha ha!” malakas na tawa ni Gary. “Ang galing naman, paano mo nagawa ‘to Pia?” dugtong pa niya.

“Hindi ko alam, kusa na lang yan.” Sagot ng dalaga. “Natatakot ako.”

“Sus! Ano naman ang nakakatakot dun?” dugtong ni Jester.

“Paano mo naman ipapaliwanag yan?” Si Aira.

“Honey, lahat naman ng mga gadgets, nagma-malfunction diba?” depensa ni Jester.

“Pero, bakit yan lang?” si Wendy.

Lumapit si Gary. “anong yan lang? tingnan mo nga si Lloyd oh!” at kinuha ang camera sa kamay ni Jester. “Walang paa. Ha ha ha!”

“Iba naman yan.” Si Pia. Naupo na ito sa mesa. “hindi naman sya talaga kumasya sa picture kasi humabol lang sya.” Dugtong pa nito. “Mabuti pa siguro guys, umuwi na lang tayo. Natatakot na talaga ako.”

“O c’mon Pia, don’t spoil the party with this stupid crap!” sagot ni Lloyd. “Nag-malfunction lang ang camera kaya ganyan.”

“Saka, bakit kayo matatakot? Nandito naman kami.” Dugtong ni Gary.

“Simula pa lang kanina, sa byahe, may tumawid na pusang itim. Tapos-”

“Pia, stop it!” si Gary. “It doesn’t make any sense. Wag mo i-connect ang pangyayari kanina sa nangyari ngayon.” Dugtong pa nito.

“Hon, parang tama yata si Pia.” Si Aira at tumingin ito sa kasintahan. “Mabuti pa siguro, sa ibang araw na lang tayo bumalik dito.”

“Honey naman,” si Jester. Umakbay ito sa dalaga. “Hangga’t nandito ako, hindi kita pababayaan. Don’t worry ok? And besides, nandito na tayo. Ia-atras pa ba natin ‘to?”

“Oo nga naman. Let’s just enjoy this outing ok?” sagot ni Lloyd.

“Ganito na lang guys-” si Gary. “Kung sino ang favor na umuwi na tayo ngayon, raise your hand.”

Katahimikan.

Maya-maya ay itinaas ni Pia ang kanyang kamay. Kapwa nila nilibot ng paningin ang isa’t isa at nakita rin nilang tumaas ng kamay si Aira. Tiningnan ito ng masama ni Jester.

“Meron pa?” tanong ni Gary. “Ok, that means, dalawa lang ang favor na uuwi tayo. 2 out of 6. meaning, carried na. the final decision is… let’s stay and enjoy the party.”

“Oo nga! Let’s rock n’ roll!!!!” Tumayo si Lloyd at ini-on ang cd player at umalingawngaw ang tugtog ng My Chemical Romance na “The End”. Bumalik sa kanya-kanyang gawain ang lahat maliban kay Pia na tila tulala pa rin. Lumapit sa kanya si Aira.

“Siguro nga, tama sila. It’s just a coincidence. Nag-malfunction nga lang yang camera mo.” Sabi ng dalaga. “Tara na, let’s enjoy na lang, I’m sure, hindi naman nila tayo pababayaan di ba?” hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at ngumiti ito sa kanya.


Matapos ang mahabang pag-aayos ay sabay-sabay silang nag-lunch. Mag-a-alas dose na ng tanghali iyon. Bagamat hindi pa naluluto ang lahat na iihawin ay sinimulan na nilang kumain. Ininit na lang nila ang dala nilang pagkain. May mga kaldero naman doon sa cottage at kalan na de kahoy.
“Akala ko ba, maraming naliligo dito? Bakit tayo lang ang tao?” bungad ni Wendy. Tila napahiya si Gary.

“Maghintay lang kayo guys, baka mamaya pa yung iba.” Sabi ni Gary. “Saka, hindi naman kasi weekend ngayon. Normal day lang.” dugtong pa niya.

“Ayaw nyo nun? Solo natin ang spring, kahit maghubo’t hubad tayo, walang makikialam. Hahaha!” ani Lloyd.

“Ang bastos mo naman!” si Pia.

“Joke lang. eto naman oh!”

Ilang saglit pa’y may dumating na Pajero.

“Guys, here comes company!” sigaw ni Gary at lahat ay napatingin sa gawing iyon.

Mula sa Pajero ay bumaba sa magkabilang pinto ang isang lalaki at isang babae. Tila kaedad lang nila ang mga iyon. Sa bandang likuran naman ay bumaba ang isang payat na lalaki na mas bata. kapansin-pansin ang malaking salamin niyon sa mata. Mukhang nerd. Bitbit pa ang PSP nito. Tumingin ang bagong dating sa kinaroroonan ng barkada at kumaway naman si Gary nung magtama ang kanilang paningin. Kumaway din ang lalaki at lumakad papalapit sa kanila.

“Akala ko, walang tao ngayon.” Sabi ng lalaki habang lumalapit sa kanila. “I’m Fred, college student at iyon naman si Mai, gf ko at yun naman yung kapatid nya. Chaperon. Ayaw payagan si Mai kung wala yung kapatid.” At ngumiti ito sa kanila.

“Mabuti pa siguro, share na lang kayo dito sa cottage namin, tutal tatlo lang naman kayo. Kasya na kayo dito.” Si Lloyd.

“Oo nga! The more, the merrier!” si Jester.

Saglit na nag-isip ang lalaki . “Magandang idea nga yan, teka, tatanungin ko lang si Mai.” Tumalikod ito at bumalik sa sasakyan. Nag-usap ang magkasintahan at maya-maya lang ay naglalakad na ang tatlo papalapit sa kanila.

“Mga ‘tol! Si Mai at ang brother nya, si Biboy,” si Fred.

“Hi,” si Jester. “eto naman sina, Wendy, Pia, at ang honey ko, si Aira. And the guys, Lloyd, Gary and yours truly, Jester.”

“Nice to meet you guys. Hindi ba nakakahiya kung dito na rin kami? Wala kasing masyadong tao.” si Mai.

“No problem! Kausapin nyo na lang yung tao dun sa entrance.” Si Pia.
“Oo nga pala, teka, pupuntahan ko. Biboy, pakitulungan na lang si ate mong kunin yung mga gamit. Konti lang naman yun, ako na ang bahala sa mabibigat.” Utos nito habang lumalakad papalayo.


MAYA-MAYA LANG ay nakalublob na ang katawan nila sa spring maliban kay Biboy na nakaupo lang sa isang tabi at naglalaro ng Psp. Enjoy na enjoy ang lahat. Kapwa may bitbit na beer bilang bonding nila sa bagong kaibigan.

Umahon si Fred sa tubig, “Teka lang, kukunin ko yung videocam.” Sabi niya. Saglit siyang nagpunta sa cottage at pagbalik ay bitbit na ang cam.”Smile!” sabi niya habang nililibot ang paligid. Kamakaway naman bawat daanan ng cam. “Kawawa naman ako…wala sa scene.”

“Akin na, kukunan kita” umahon si Gary at kinuha ang cam.

“Salamat pare.” At muling lumusong si Fred sa tubig at tumabi sa girlfriend.

Sinimulang ilibot ni Gary ang cam. Sinimulan niya kay Biboy. “Eto ang sobrang enjoy na si Biboy.” Aniya nang matapat sa bata ang cam. Nagtawanan naman ang mga nasa tubig. Muling iginalaw ni Gary ang cam.

“Dito naman!” sigaw ni Fred. “Para ipapanood ko sa parents nya. Para naman hindi na magduda.” Dugtong niya at nagtawanan muli ang lahat. Pinindot muna ni Gary ang pause. “Dapat magkalayo kayo para kunwari ay hindi kayo masyadong close. hahaha” at naglayo nga ang dalawa. Muling ni-record ni Gary ang paligid. Unti-unti niyang ifinocus sa magsyota. Una ay si Mai ang nakita at habang iniuurong niya ang cam ay unti-unting nakikita si Fred na kumakaway.

Itinutok ni Gary sa magkasintahan ang video habang nakangiti ang mga ito. maya-maya lang ay may napansin siyang parang usok sa gitna ng dalawa. Tiningnan niya sina Mai at Fred ngunit wala namang usok sa pagitan nila. Pinunasan niya ang screen ng cam ngunit hindi nawala iyon. Ititigil muna sana niya ang pagre-record nang biglang nabuo ang usok at nag-hugis tao. biglang bumilis ang tibok ng puso ni Gary. Kinusot ang mga mata at muling tiningnan ang screen. Ngayo’y malinaw na ang kanyang nakikita. Isang babaeng nakaputi ang nakaupo sa pagitan ng magkasintahan. Hindi lang makita ang mukha nito dahil natatakpan ng makapal na buhok ang mukha nito. nanginig ang tuhod ni Gary. Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya pwedeng ipaalam ito dahil tiyak na matatakot ang lahat at magkayayaang umuwi. Masasayang ang plano niyang diskartehan si Wendy. Patay malisya lang siya ngunit ang totoo’y hindi na niya makayanan ang nakikita. Mabilis ang tibok ng kanyang dibdib. Nangangatog ang kanyang mga tuhod. Tiningnan niya ang dalawa, wala namang babae sa gitna nila. Pagtingin niyang muli sa screen ng cam ay nakita niyang may kutsilyo ang babae at akmang sasaksakin si Fred.

“HUWAAAAAAGGGGG!!!!”







CHAPTER 4


“HUWAAAAAAGGGGG!!!!”

At sa sobrang takot ay naihagis ni Gary ang videocam. Mabuti na lamang at sa may damuhan ito bumagsak kaya’t bahagya lang itong gumulong at hindi nasira. Saglit na natulala si Gary. Napatingin ang lahat sa kanya.

“What’s the problem?” takang tanong ni Fred. Tumingin si Gary sa lahat at pilit na kinalma ang sarili.

“Ha? Ah..eh…w-wala. Wala naman.” Tarantang sagot nito. “P-Pakiramdam ko kasi, uminit ung cam. P-parang napaso ako.” dugtong niya.

“Ha Ha Ha!” si Lloyd. “Pare naman, hindi mo pa nga nauubos ang isang bote mo, lasing ka na agad?”

“Ang hina mo pala sa beer!” pag-sang-ayon ni Jester at nagtawanan lahat.

Umahon muli si Fred at kinuha ang cam, “Mainit-init nga,” sabi nito. Bahagyang naibsan ang kaba ni Gary. “Tingnan ko nga ang mga nakuhanan mo.” At pinindot niya ang playback. Muling kinabahan si Gary.

“H-huwag na pare, sa bahay mo na lang panoorin.” Si Gary.

Ngumiti si Fred, “Bakit naman?”

“Ha? I-itutuloy ko na lang ang pagkuha sa inyo. Para surprise!”

“Sandali lang.”

“Pare-”

Wala nang nagawa si Gary. Inusisa na lamang niya ang screen. Lumabas dito ang video na ginawa niya kanina. Matamang pinanonood iyon ni Fred. Nasimula kay Biboy, hanggang sa unti-unting nakiktia sa screen si Mai. Nangingiti pa ng bahagya si Fred samantalang nanginginig ang tuhod ni Gary sa kaiisip tungkol sa masasaksihan ng kaibigan. ipinikit na lamang niya ang kanyang mata.

“Ok naman pala eh! Malinaw.” Sabi ni Fred. Nagtaka si Gary.

“Patingin nga..” kinuha niya ang cam at pinanood muli. Nagulat siya dahil nawala ang babaeng nakita niya kanina. Wala ito sa eksena. “Malinaw nga. Maganda kasi ang cam mo eh.” Pilit na ngiti ang kanyang pinakawalan. “O pano, kunan ko na ulit kayo?”

“Huwag na” binawi ni Fred ang cam. “Enjoy na lang ulit tayo sa tubig.”

“Hoy! Kayong dalawa, wala na ba kayong planong maligo?” sigaw ni Pia.

“Nandyan na po!” sigaw ni Gary sabay talon sa tubig. Inilapag lang ni Fred ang cam sa may damuhan at sumunod na ring tumalon sa tubig.

“Ikaw Biboy, hindi ka ba maliligo?” si Fred. Tumingin lang ang batang lalaki sa kanya at umiling. Muli nitong tinutukan ang paglalaro ng psp. “Ang weird talaga ng utol mo noh? Imagine, kayang nyang mabuhay ng wala man lang happenings at adventure?” sabi niya kay Mai.

“Ewan ko ba dyan. May sariling mundo ata. Kuntento na sa pagmumukmok sa isang sulok. Minsan nga ay kung anu-anong sinasabi, hindi namin maintindihan.” Sagot naman ni Mai.

“Mabuti pa siguro eh-” hindi na itinuloy ni Fred ang pagsasalita. Hinawakan niya ang kasintahan sa kamay at kinindatan ito. hinila niyang papalayo sa mga bagong kaibigan.

“Guys,” sabi ni Fred sa lahat. “Maiwan na muna namin kayo. May pag-uusapan lang kami sandali.” At kumindat pa ito.

“No problem!” sagot ni Jester.

Sa may likod ng malaking bato dinala ni Fred ang kasintahan. Medyo tago ang lugar na iyon dahil natatakpan ng malalaking punong kahoy. Lumublob sila sa tubig na hanggang dibdib at humarap siya kay Mai. Ngumiti siya at sabay siniil ng halik ang kasintahan.

“Fred, baka may makakita sa atin!” sabi Mai habang palinga-linga sa paligid.

“Ano ba? Nandun silang lahat sa kabila, don’t worry, walang makakakita sa atin dito.” At muling siniil ng halik ang nobya. Lumaban na rin ito ng halikan sa kanya.Dahan-dahan niyang tinanggal ang pang-itaas ng two-piece nito at wala nang nagawa si Mai kundi ang magpaubaya.

Samantala, inggit na inggit naman si Gary sa magkasintahang sina Jester at Aira. Mismong sa harapan kasi nila ay naghahalikan ang mga ito na parang walang tao sa paligid nila. Tiningnan ni Garry sina Lloyd at Pia at natatawa ito sa dalawa na parang nasa korte na nagtatalo. Silang dalawa na lang ni Wendy ang naroon kaya’t ito na ang pagkakataon niya para dumiskarte sa dalaga.

“Amm..W-wendy-” Tila nag-aalangang sabi ni Gary.

Tumingin ang dalaga sa kanya, “Yes?”

“I- Ilang taon na rin tayong magkaibigan diba?”
“Yap!”

“What if-” naputol ang sinasabi ni Gary ng makitang masama ang tingin ng dalaga. “Don’t stare at me like that please?”

“What? I didn’t mean anything.”

“Pero-”

“Ano nga yung sinasabi mo?”

Bumilis ang tibok ng puso ni Gary. “Am….what I want to say is-”

“Is what?”

“Paano kung-” hindi ito makatingin sa dalaga. “What if, I ask more than friendship? I mean,” nagkibit balikat, “you know… like-”

“Girlfriend?”

Tumango ang binata. “Just asking.”

“C’mon Gary, napag-usapan na natin ‘to di ba? At alam mo na ang isasagot ko.” matigas na tinig ni Wendy. Kahit na ganoon ang sinasabi niya, ang kanyang pakiramdam ay taliwas sa mga salitang iyon. Ang totoo, matagal na niyang “crush” si Gary. Natutuwa lang ito dahil kahit may pagkakataon na ay napaka-torpe nito. gusto lang niya munang pahirapan ng konti ang binata ngunit plano na rin niyang sagutin ito mamaya.

“Please Wendy, I-” saglit na natigilan.

“What?” lihim na nangiti ang dalaga.

“I love you!”

“Gary please! Listen to me-”

“No! You listen to me!” seryoso ang binata. ngayon lang nakita ni Wendy na ganito si Gary. Nagtama ang kanilang mga mata at humanga siya sa maamong mukha ng binata. parang sa tingin niya ay bibigay na sya. “Look Wendy, I’ve been in love with you for so long. I like being with you and I hate each time I’m not with you. Mamatay ako kapag nawala ka. Tandaan mo yan!” dugtong nito. bigla syang natigilan. Hindi malaman kung bakit nya nasabi iyon. Marahil ay dala ng alak. Isang boteng alak.

Natigilan si Wendy. Nagulat siya sa inasal ng bainata. Lalo siyang napahanga rito ngunit hindi pa siya handang sagutin ito. Kahit alam niyang pambobola lang iyon ay parang musika iyon sa kanyang pandinig. “Gary-” sabi nya, “Kung talagang seryoso ka, bigyan mo pa ako ng time para mag-isip.”

“Time? Wala nang time Wendy!”

“What do you mean?”

Saglit na tumigil si Gary, “I mean, after this, hindi ko na alam…basta!”

“Just give me time ok?”

Tumango ang binata at tumayo. Umahon ito sa tubig ngunit hindi sigurado kung saan pupunta. Lumakad ito papunta sa cottage nang nakita niya ang videocam sa lapag. Bumalik sa kanyang alaala ang nakita niya kanina. Ang babaeng nasa pagitan nila Fred at Mai. Bigla siyang kinabahan. Alam niyang hindi dahil sa alak iyon. Matinong-matino ang kanyang isip nang makita niya iyon. Kinuha niya ang cam at ini-on iyon. Naghanap ng mauupuan at wala sa isip na tumabi kay Biboy na hanggang ngayon ay naglalaro ng PSP. Muli niyang pinanood ang nai-record niya kanina at katulad ng dati, wala na ang babae sa video. Normal lang itong nag-play.

“Nakita ko rin yun!” parang wala sa sariling sinabi ni Biboy. Nakatingin ito sa Psp.

Lumingon si Gary sa bata. ‘Maaring kinakausap lang nito ang sarili niya’ sa isip niya. Dahil tila enjoy na enjoy ito sa paglalaro.

“Yung nakita mong babae, nakita ko rin!” muling sabi ni Biboy.

Muling kinabahan si Gary. Tumingin ito kay Biboy. “S-sinong kausap mo dyan?” pilit na kinakalma ang sarili.

“Bulag ka ba? Sino bang ibang kasama ko?” sabi ni Biboy. Hindi man lang iniaalis ang mata sa PSP.

“A-ano naman ang ibig mong sabihin?” tanong muli ni Gary.

“Huwag ka nang magkaila. Nakita mo rin sya noh?” saglit na tumigil. “Yung babaeng may kutsilyo sa gitna nila ate at kuya kanina.” Seryoso si Biboy.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Gary. Hindi malaman ang susunod na sasabihin. “A-anong babae? Wala naman akong nakita.” Sagot nito.

Bumuntong hininga si Biboy. “Hindi ka dapat natatakot sa kanya. Habang natatakot ka, lalong lalapit sa’yo yun. At kapag nakita nyang takot na takot ka na talaga… papatayin ka nya!”

“Ano bang pinagsasabi mo?” tumayo siya “Nerd!” pahabol na sabi niya. Lumakad siya at ibinalik ang cam kung saan niya ito nakuha. Hindi pa rin maalis sa isipan ang nakita niya kanina at ang sinabi ni Biboy. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarinig siya ng ungol. Luminga-linga siya sa paligid at napansin niyang walang tao. nilibot ng mata ang paligid at hinanap kung saan naggagaling ang ungol na iyon. Nakita niya ang malaking bato at tiyak siyang sa likod niyon nanggagaling ang ingay. Dahn-dahan siyang lumapit doon habang palinga-linga sa paligid at tinitiyak na walang nakakakita sa kanya.

Mula sa likod ng malaking bato ay unti-unti niyang sinilip ang nasa kabila niyon. Kakaiba ang kutob niya. Ingat na ingat niyang itinaas ang ulo at sinilip ang pinagmumulan ng ingay. Sa isang iglap ay nakita nga niya iyon. Napangiti siya nang makita niya si Mai na nakahubad at labas na labas ang dibdib nito habang hinahalikan ni Fred. Nanginig ang tuhod niya sa nakikita. Tuwang-tuwa siya sa kanyang nakikita. Muli niyang tiningnan ang paligid upang matiyak na walang nakakakita sa kanya. Nakakahiya kapag nahuli siyang naninilip sa magkasintahan.
Dahil nakita niyang nakapikit ang dalawa ay lumakas ang loob niyang itaas ng tuluyan ang ulo at tingnan ng maigi ang magkasintahan. Dahan-dahan siyang tumayo at tiningnang maigi ang dalawa.

Bigla’y mula sa sulok ng kanyang paningin ay namataan niya ang tila puting tela di kalayuan sa magkasintahan. Saglit niya itong nilingon at muntik na syang matumba sa kinatatayuan ng makita kung ano ito. ang babaeng nakita niya kanina! Nakalutang ito sa hangin at hawak ang kutsilyo. Kapansin-pansin ang mahabang buhok nito na nakasayad sa lupa. Napatingin siya sa bandang paa nito at nakita niyang naka-kadena ito. Papalapit ito sa dalawa. Nagtataka siya kung bakit hindi naririnig ng dalawa ang malakas na tunog ng kadena na tumatama sa mga bato habang papalapit ang babae sa kanila. Hindi malaman ni Gary ang gagawin. Ilang dipa na lamang ang layo ng babae sa dalawa. Pabilis- ng pabilis ang tibok ng puso ni Gary. Nataranta siya at hindi malaman ang kanyang gagawin. Muli siyang umupo at nagtago sa likod ng malaking bato. Saglit na naghintay kung may sisigaw ba. Ngunit halos ilang minuto na siyang nakaupo ay wala siyang naririnig kundi ang ungol ng dalawa. Marahil ay guni-guni lamang niya iyon. Muli syang tumayo upang tingan ang dalawa. Ngunit halos lumuwa ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. Ang babaeng nakaputi ay nasa harapan na niya!




















CHAPTER 5

Pakiramdam ni Gary ay humiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawan ng makita ang babaeng nakaputi sa harapan niya. Biglang nanigas ang buong katawan at hindi malaman kung anong gagawin. Bigla’y napaatras siya at tumalikod.

“AAAAAHHHHH!!!!”

Malakas na sigaw niya sabay takbong papalayo at halos magkandarapa sa pagmamadali. Malayo-layo na ang kanyang natakbo ng biglang-

BLAG!

Sabay ba napasadsad sina Lloyd at Gary sa damuhan matapos magkabanggaan. Bahagyang nabawasan ang panginginig ng katawan ni Gary ng makita ang kaibigan.

“A-anong nangyayari sayo?” tanong ni Lloyd habang tumatayo. Pinagpag ang mga braso at muling tumingin kay Gary.

“P-pare, mabuti pa nga siguro, umuwi na tayo.” Nangangatog na sagot ng binata.

“What?! Are you crazy? Ano bang nangyayari?” sarkastikong sagot ni Lloyd.

“Anong problema dito?” sabay na napalingon sina Lloyd at Gary ng marinig ang tinig na iyon. Naroon sa bandang likuran sina Jester at Aira, kasunod na rin sina Pia at Wendy. “May problema ba?”

“Ay naku, ask him” sagot ni Lloyd at itinuro ng nguso si Gary.

“Ano yun Gary?” si Pia.

Hindi malaman ni Gary kung ano ang sasabihin sa kaibigan. saglit na nag-isip. “A-ano kasi…” pautal niyang sabi. “H-hindi yata magandang mag-stay pa tayo dito. Napaka-unsafe ng place. Masyadong mabato, baka kung mapaano pa tayo.” Dugtong niya. Hindi siya sigurado kung paniniwalaan iyon ng mga kaibigan kaya’t hinintay niya ang reaksyon ng mga ito.

“That’s bullshit!” si Jester. “Ano naman ang nakain mo at naisip mo yan? Di ba ikaw pa nga ang nagpupumilit kanina na mag-stay tayo dito?”

Lumapit si Wendy kay Gary, “Ba’t parang namumutla ka? Something wrong?”

“Hey guys!” tinig mula sa di kalayuan. Paparating sina Fred at Mai. “What’s up? We heard a scream kanina. Anong nangyari?”

Lahat ay napatingin kay Gary. Lalong namutla ito at lumakas ang kabog ng dibdib. Hindi malaman kung sasabihin ba ang katotohanan o itatago na lang ito.

“A-ano kasi-” panimula niya. “Kanina, naglalakad-lakad ako doon” at itinuro ang tila gubat na lugar. Hindi niya sinabi ang katotohanang sa may batuhan siya nagpunta dahil malalaman nila Fred na sumilip siya doon. “Then, I saw a snake!” tila nabunutan siya ng tinik ng makaisip siya ng dahilan. “Ang laking ahas talaga!” dugtong pa niya.

“And that scares you?” tatawa-tawang tanong ni Wendy.

“So what kung takot ako sa ahas?” depensa ng binata.

“At kaya ka nagyayayang umuwi dahil sa ahas na iyon?” sabi ni Lloyd. Nagbigay pa ito ng tila nakakaasar na ngiti.

“S-sorry guys. Takot talaga ako sa ahas.”

“But I thought you said, unsafe dahil maraming bato?” si Aira. Muling kinabahan si Gary.

“Mabato? You mean-” si Fred. Tumingin ito kay Gary. “You’re peeking on us?”

Biglang natahimik si Gary. Hindi na malaman ang susunod pang sasabihin. Nakatungo ito at hindi makatingin sa lahat. Hiyang-hiya siya.

“So that explains it!” sabi ni Mai. “Baka kung anong ahas ang nakita mo!” nakangiti ito. Nagtawanan naman ang lahat na lalong nagpamula ng pisngi ni Gary.

“Ok! back to the water!” sigaw ni Lloyd.

“Mabuti pa siguro, mag-merienda na muna tayo!” si Jester.

“Good idea! Tara!” pag-sang-ayon ni Aira.

Muling binalikan ng lahat ang cottage at nilantakan ang inihaw na bangus na pinarisan ng malamig na beer. Marami ring mga chips ang binuksan at inilapag sa mesa. Naging tampulan ng biruan si Gary na tila nagiging kalmado na ngayon sa kabila ng hindi maalis na takot sa dibdib.

“Teka, si Biboy nga pala?” biglang tanong ni Gary.

“Uy! Iniiba ang usapan!” pabirong sabi ni Wendy at sabay-sabay na nagtawanan ang lahat.

“Naku! Hayaan mo na yun. I’m sure, nakatutok na naman ang pagmumukha nun sa PSP nya.” Sabi ni Mai.

Nilibot ni Gary ang paligid at nakita sa di kalayuan si Biboy. Naroon pa rin siya sa dati niyang pwesto. Sa sulok ng spring. Naglalaro ng psp. Tumayo si Gary at lumapit sa bata. Nang makarating ay umupo ito sa tabi ni Biboy.

“B-Biboy-” hindi malaman ni Gary kung paano uumpisahan. “Tungkol dun sa babae kanina….” Saglit na tumigil, “Toto ba yung sinasabi mo?”

Tumingin saglit si Biboy sa binata. seryoso ang mukha nito at muling ibinalik ang paningin sa paglalaro. “Katulad ka rin nila.” Sabi nito.

“Na ano?”

“Ang tingin nila sa akin ay autistic. May sariling mundo. Baliw!” seryoso ang mukha ni Biboy. “Walang naniniwala sa akin.”

“Anong ibig mong sabihin?” takang tanong ng binata.

Itinigil ni Biboy ang paglalaro at saglit na sumulyap sa may cottage bago tumingin kay Gary. “Isang beses, kausap ko si Neth, yung pinsan ko sa probinsya. Gusto niyang makipaglaro sa akin kaya pumayag ako. tapos, nung ikinuwento ko kila mommy ang lahat, pinagalitan niya ako.”

“Bakit naman?”

“Dahil matagal na daw patay si Neth!” malakas ang tinig ni Biboy. Kinilabutan si Gary sa narinig. “Tapos-” patuloy ni Biboy, “Isang beses pa, kinukumusta ni lola sina daddy. Sabi nya, sabihin ko daw sa kanilang mahal na mahal sila ni lola pero nung sinabi ko sa kanila yun, nagalit na naman sila dahil patay na rin daw si lola.”

Katahimikan.

“Isa ka rin sa kanila!” binasag ni Biboy ang katahimikan.

“No!” sabi ni Gary. “I believe you Biboy. I do!”

Natigilan si Biboy. Tumingin siya sa kausap. “Talaga?”

Tumango si Gary. “Tungkol naman dun sa babae kanina, kilala mo ba sya?”

Biglang nagbago ang mukha ni Biboy, tila natakot sa narinig.

“Biboy?”

“H-hindi ko sya kilala.”

“Pero nakita mo sya di ba?”

Tumango si Biboy. “Pero sabi sa akin kanina ni Monmon-” saglit na natigilan. “Masama daw sya. Kahit si Monmon ay takot sa kanya.”

“Sinong Monmon?”

“Nakilala ko kanina dito. Namatay daw sya rito nung nakaraang taon. Nalunod sya sa ilog.”

“Nakita mo sya?” tanong ng binata at tumango si Biboy bilang pag-sang ayon. “Nasaan na sya ngayon?”

“Nandyan sa tabi mo.”




CHAPTER 6


Biglang nagtayuan ang balahibo ni Gary. Hindi malaman kung ano ang kanyang nararamdaman nang mga oras na iyon.

“S-Sabihin mong nagbibiro ka lang, Biboy.”

Tumingin si Biboy, “Totoo ang sinasabi ko.”

Umurong ng bahagya si Gary at dumikit kay Biboy. “S-sigurado ka?”

Ngumiti si Biboy. “Wag kang matakot. Hindi ka nya gagalawin.”

Saglit na tumigil si Gary at kinalma ang sarili. “Sino nga pala yung babaeng nakikita ko? Nakikita natin? Bakit ko sya nakikita?”

Biglang nalungkot ang mukha ni Biboy. “Kailangan mo nang makaalis sa lugar na ito.” seryosong sabi ng bata.

“Ha? B-bakit?”

“Ang babaeng iyon ay nagpapakita lamang sa susunod niyang biktima. Hindi mo dapat siya tiningnan sa mga mata.”

“Ano naman kung titingnan ko sya?”

“Kapag nagtama ang inyong paningin, hindi ka na niya titigilan hangga’t hindi ka namamatay. Kahit saang sulok ka pa ng mundo magtago.”

Muling bumilis ang tibok ng dibdib ni Gary. Pinipilit niyang huwag maniwala sa sinasabi ni Biboy ngunit tila may bumubulong sa kanya na totoo ang mga iyon. Naalala niya. Kitang-kita niya ang nanlilisik nitong mga mata. Kung paano ito tumingin sa kanya. “A-anong dapat kong gawin?”

“Tumingin ka ba sa mata nya?”

“Ha? A..eh… hindi naman…” sagot ni Gary. “kung sakaling mapatingin ako sa mata nya, paano naman ako makakaligtas?”

Umiling si Biboy. “Wala nang pag-asa!” Tumayo ito at lumakad patungo sa cottage. Nang makarating ay kinuha ang isang pack ng Pillows choco chips.

“Kailangan na nating umuwi kung gusto nyo pang mabuhay.” Sabi nito ng walang reaksyon ang mukha at tumuloy sa paglalakad patungo sa sasakyan.

“Ano daw sabi nun?” tanong ni Jester kay Mai.

“Don’t bother. He is always like that.” Sagot ng dalaga.

“Pathetic!” mahinang sabi ni Fred.

“Watch your words, kapatid ko sya.” Matigas na sabi ng dalaga.

“Ooops! Sorry! I didn’t mean it!”


Tinitigang maigi ni Pia ang batang naglalakad patungo sa Pajero. Bitbit ang psp nito at ang chips sa kabilang kamay. Isang inosenteng bata ngunit kakaiba ang naramdaman ng dalaga. Kinabahan siya at di maintindihan ang naramdaman.

“Hoy ano ba?!” nagulat si Pia sa pagtapik sa kanyang balikat. Tiningnan niya kung sino iyon. Si Aira. Nakangiti ito sa kanya. “Bat nakatulala ka dyan?”

“Ha? W-wala, may naalala lang ako.” sagot ng dalaga.

“Tinatanong kita kung anong plano mo mamayang gabi?”

“Plano? Meron ba dapat? Edi night swimming!”

Ngumiti si Aira. “Fred and Mai wanna have a private time with each other. Me and Jester din ganun. Niyaya naman ni Gary si Wendy na maglalakad-lakad kung saan saan. So that means, ikaw at si Lloyd na lang ang natitira. What’s your plan?”

Kumunot ang noo ng dalaga. “Ang ibig sabihin pala, kanya kanya tayo dito?” tanong niya. “Edi magsi-uwian na lang tayo.” Napatingin ang lahat kay Pia.

Lumapit si Lloyd sa dalaga. “Pia, it’s not what you think, ok? it’s just-”

“Stop it! no need to explain, I understand.” Ani Pia.

Umakbay si Aira sa dalaga “C’mon Pia, saglit lang naman yun… hindi naman magdamag.” Sabi nito, ngunit hindi umimik si Pia. “Pia please!”

“I said I understand ok?”

“Do you mean it?”

Tumango ang dalaga, “Ako na lang ang magbabantay kay Biboy.” Sabi pa niya.

Nagkibit-balikat si Aira. “Ok!”


“Mawalang galang na po!” sabay-sabay na napatingin ang lahat sa tinig na iyon. Isang matipunong lalaki ang naroon kasunod ang ilan pang mga kalalakihan.

“Ano pong kailangan nila?” si Lloyd.

“Ako po si Capt. Noel Scada. Ang kapitan po ng baranggay na ito.” nakangiti ito sa kanila.

“Magandang hapon po kapitan, may problema po ba?” muling tanong ni Lloyd.

“Kasi po eh, mag-aalas sais na po. Gusto lang po naming sabihin na mag-impake na kayo at isasara na po itong resort.”

“Isasara? Pero hanggang bukas ang binayaran namin dito.” Sagot ni Lloyd.

Nagtaka ang kapitan “Bayad? Libre po ang resort na ito. yung cottage lang po ang may bayad. Saka, wala po yung nagbabantay ngayong araw.”

“Ho? Pero meron pong naniningil kanina dyan sa may gate.”

Napaisip ang kapitan, “Naku, sino na naman kaya ang may kagagawan nito. nakakahiya tuloy sa mga dayo.”

“Pwede po ba kaming mag-stay hanggang bukas?” si Jester.

“Naku, pasensya na po, pero ipinag-utos ko na po na hanggang alas siyete lang po pwedeng lumabas ang kahit na sino sa Brgy, Sta. Isabela.”

“7 pm? Grabe ang aga naman!” si Aira.

“Yun po ang patakaran namin dito, pasensya na po.” Magalang na sagot ng kapitan.

“Ano pong dahilan?” si Pia.

Tumingin sa kanya ang kapitan. “Basta, inuulit ko, hanggang alas-sais lang po kayo dito. Magandang araw sa inyo.” Ngumiti ang kapitan at tumalikod. Sinenyasan niya ang mga brgy. Tanod at sabay-sabay na silang umalis.





CHAPTER 7


“O paano yan, we have to pack up na guys!” sabi ni Pia ng makaalis sina kapitan. Tahimik ang lahat na tila ba nag-iisip.

“Wait!” si Lloyd. “We can still hang out here! Sayang naman ang punta natin dito. Kung kailan nag-eenjoy na tayong lahat.” Dugtong pa niya.

“But you heard the guy!” matigas na sabi ni Pia.

“Pia,” si Jester. “May point si Lloyd. Nag-star pa lang ang party. Bakit pa tayo aalis?” bahagyang lumapit ito sa dalaga. “Let’s have fun. That’s why we are here.”

“Pero isasara na daw ito ng 6pm. It’s 5:15 already. Kailangan na nating mag-impake.”

“I think tama si Pia, hon” si Aira. “Hindi natin kabisado ang place na ito. Saka, baka magalit yung may-ari nito.”

“May-ari?” matigas na tinig ni Lloyd. “Hindi nyo ba narinig yung sinabi nung Guy?” tanong niya at tumingin sa lahat ng naroon. “This is a free resort at wala yung nagbabantay ngayong araw. That means, walang magpapaalis sa atin dito.”

Lumapit sa kanila si Wendy. “Guys, I think we should have our decision right away. It’s almost six.”

Bahagyang lumayo si Jester. “Ganito na lang. botohan ulit.” Sabi niya. “Yung mga gustong umalis na tayo ngayon, taas ang kamay.”

Nilibot nila ang paningin, nagtaas ng kamay si Pia. Sumunod sina Aira at Wendy.

“So far, we have three. In favor of leaving. Anyone?” muling nilibot ang paningin at wala nang nagtaas ng kamay. “Okay. Three out of eight-”

“Wait!” si Gary. “I’m favor of leaving this spring.”

“What?!” gulat na sabi ni Lloyd. “Are you insane? Ikaw ang nagplano nito di ba? Ano naman ang nakain mo at magyayaya kang umuwi ngayon?”

Saglit na natahimik si Gary. “Ah..I’m not saying na uuwi tayo.” Sabi niya. “Maraming place na pwede nating puntahan. Like disco bar or-” saglit na nag-isip “Anywhere.”

Katahimikan.

“So guys,” si Jester ang bumasag ng katahimikang iyon. “It’s four out of eight. Now what?”
Walang nakapagsalita. Lahat ay kapwa nakikiramdam.

“It’s five out of eight!” Napalingon ang lahat sa pinagmumulan ng tinig na iyon. Si Biboy. “I’m favor of leaving. Do I have the right?”

Nagkatinginan ang lahat.

“Ok!” si Pia. “I think that will count.” Nakangiti ang dalaga.

Lumapit si Jester kay Gary “It’s your fault dude!” matigas ang tinig nito.

“Ok, let’s pack up!” si Lloyd.

“San naman tayo pupunta?” tanong ni Fred.

“Wag nating sirain ang gabi natin. Mag-disco tayo!” sagot ni Lloyd. “May alam akong place.” At nagpakawala ito ng pilyong ngiti.

Bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Gary. Bagamat alam niyang masama ang loob sa kanya ni Jester, alam niyang masisiyahan ito sa susunod nilang pupuntahan. Alam niyang gusto lang masolo ng binata ang kanyang nobya.

Kahit na nagtulong tulong sila sa pagliligpit ay inabot pa rin sila ng alas syete. Inayos din kasi nila ang kanilang mga sarili. Kailangang nilang pumorma ng maayos para sa susunod nilang pupuntahan. Handa na ang lahat para sa pag-alis.

“Ok, guys! Ituloy ang ligaya!” sabi ni Lloyd at binuksan ang car stereo. Muling silang nilukob ng malakas na tugtog ng My Chemical Romance habang patuloy ang kanilang pag-alis. Sa Kanilang likuran naman ay nakasunod ang pajero na lulan sina Fred, Mai at Biboy. May kabilisan nilang binabaybay ang madilim at mabatong daan ng Sta. Isabela.

Ngunit hindi pa sila gaanong nakalalayo ay biglang tumigil ang van ni Lloyd. Muli niya itong inistart ngunit hindi gumagana ang makina nito. Paulit-ulit niyang pinihit ang susian ng sasakyan ngunit hindi ito nabubuhay.

“What happened?” tanong ni Pia nang i-off ni Lloyd ang stereo. Tumigil rin sa likuran ang pajero at bumaba si Fred para makiusyoso.

“Ewan ko, ayaw na mag-start eh.” Sagot ni Lloyd.

“Check the gasoline.” Si Fred.

“Ok naman. Marami pa.”

“Fuck! Now what?!” si Jester.

“Try natin itulak.” Ani Gary.

Maya-maya lang ay sama-samang nagtutulak ng van ang lahat habang si Lloyd naman ay nasa driver’s seat. Ilang hakbang na rin ang nagagawa nila ngunit talagang walang nangyayari. Hindi gumagana ang makina hanggang sa matapat sila sa isang kubo.

Mula sa di kalayuan ay nakita nilang nagliwanag iyon ng kaunti. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Gary lalo na nang makita nilang papalapit sa kanila ang isang matanda. Napakapit ng mahigpit si Wendy kay Gary. Kahit takot ang binata ay nagkaroon ito ng kaunting lakas ng loob.

“Mga apo…dayuhan ba kayo dito?” tanong ng matanda habang papalapit ito. Bitbit ang isang sulo na nagsisilbing liwanag.

“O-opo.” Sagot ni Jester. “Pauwi na po sana kami kaso, nagloko ang sasakyan namin eh.”

“Ganun ba?” sagot ng matanda. “Naku, maigi pa’y tumuloy na muna kayo sa kubo at dito na kayo magpalipas ng gabi. masyadong delikado dito.”

Nagkatinginan ang lahat.

“Wag na po tatang.” Sagot ni Lloyd na bumaba na sa van. “Ok lang po kami.”

“Hindi apo!” matigas na tinig ng matanda. “Hindi nyo alam kung anong lugar ito. Lubhang mapanganib para sa inyong mga dayuhan.”

Kinabahan si Pia sa sinabing iyon ng matanda. “Mabuti pa siguro, sumunod na lang tayo sa kanya.” Bulong ni Pia. Muling nagtinginan ang lahat na tila nagtatanong.

Nagbugtong-hininga si Lloyd, “Tara!”









CHAPTER 8


“Siring! Siring!” sigaw ng matanda habang papalapit sa maliit na kubo. Saglit na bumukas ang bintana doon at sumilip ang isang matandang babae. “Maghanda ka ng kape at may mga bisita tayo.” Dugtong ng matanda at muling sumara ang bintana.

Nagsiksikan ang mga panauhin sa maliit na kubo. Nakaupo sila sa sahig na kawayan na may mababang silong.

“M-mabuti pa siguro’y mauna na lang kami, tutal, hindi naman sira ang sasakyan namin.” Sabi ni Fred ng makaayos na sila ng pag-upo.

“Iho, lubahang mapanaganib ang maglakbay ngayong gabi.” sagot ng matanda. “Mabuti at hindi kayo nakita ni Kapitan kundi’y ikukulong kayo doon sa baranggay hall at bukas na kayo palalayain.”

“Ikukulong? Bakit naman ho?” tanong ni Pia.

“Mahigpit kasing ipinagbabawal ang paglabas sa gabi.”

“Bakit naman po?”

Tumingin ang matanda sa lahat, “Bago ang lahat, ako nga pala si Igme. Tawagin nyo na lang akong Tata Igme. At ang aking maybahay na si Nana Ising” nakangiting sabi nito. “Bweno-“ patuloy niya. “Tungkol dun sa itinatanong nyo kung bakit mahigpit si Kapitan-”

“Eto na ang kape nyo” sabi ni Nana Ising habang papalapit at bitbit ang isang lumang tray na may mga tasang iba’t iba ang disenyo. “Pasensya na kayo’t kulang ang tasa eh. Ipagtitimpla ko na lang ulit yung iba pagkaubos nito.”

“Ok lang po Nana Ising,” si Aira. “Hati-hati na lang po kami.” At inabot ang tray mula sa matanda. Naupo si Nana Ising sa tabi ng asawa.

“Nakita nga po pala kami ni kapitan kanina sa resort. Sya nga po ang nagpauwi sa amin. Balak sana naming mga-night swimming.” Si Jester.

“Ganun ba iho? Delikado naman kasi talaga dito.” Si Tatang.

“Bakit nga po pala?” si Wendy.

“Nagsimula lang naman iyon ng magkaroon ng sunod-sunod na krimen dito sa Sta. Isabela, dalawang taon na ang nakakaraan. ” panimula nito. “Putol ang ulo ng mga biktima at iisa lang ang sandatang ginamit ayon sa pulisya.”

“May gumagalang serial killer dito? Bakit hindi po yata namin nababalitaan? Hindi man lang nadya-dyaryo o tv.” Tanong ni Gary.

“Sadyang inilihim ito ni kapitan dahil ayaw nyang maging pangit ang tingin ng ibang tao sa Sta. Isabela.” Si Nana Ising.

“Wala po bang suspect dito?” si Lloyd.

Umiling si Tata Igme. “Walang paghihinalaan dahil wala naman talagang dapat paghinalaan. Walang huhulihin dahil walang dapat hulihin. Mahirap patayin ang matagal nang patay. ”

Nagtaka ang lahat. “A-Ano pong ibig nyong sabihin?” si Pia.

“Isang multo!” ani Nana Ising.

Natawa ng bahagya si Lloyd. “Multo? At kailan pa pumatay ng tao ang isang multo?”

Seryoso ang mukha ni Tatang “Iho-” mahinang sabi nito. “Sa panahon ngayon, mahirap nang paniwalaan ang ganitong kwento, pero nasa sa iyo kung gusto mong maniwala o hindi.”

“Papaano nyo naman nasisigurong multo nga ang pumapatay? May ebidensya ba?” si Jester.

“Wala. Pero may nakakita.” sabii Tatang. “At ako yun!”

“Nakita nyo?” si Pia.

Tumango ang matanda. “Hindi ko alam pero, simula nung magkaroon ng krimen dito, kakaiba na ang naging kutob ko kaya sinubukan kong pakiramdaman ang mga nangyayari.”

“Ano pong ginawa nyo?” seryosong tanong ni Fred na tila kinilabutan sa naririnig bagamat ayaw pa rin nitong maniwala.

“Gabi-gabi kong inaabangan habang nakasilip dito sa maliit na butas ng kubo.” At itinuro niya ang butas. “kapag kakagat ang dilim, magsisimulang maglakad ang babaeng ito mula doon sa ilog-“

“Babae?” tanong ni Pia.

“Oo, mula sa ilog ay babaybayin niya ang buong kalsada ng pabalik-balik. Mabagal ang kanyang paglalakad at maingay ang kadenang nakalagay sa kanyang paa. Mula noon ay sinabihan ko na ang mga kapitbahay tungkol sa aking nakikita at pinag-ingat ko na rin ang mga ito sa tuwing sasapit ang gabi. ang iba’y naniniwala ngunit ang iba’y nagtatawa lang pero hindi na rin sila lumalabas ng bahay tuwing gabi.”

“Sabi nila,” si Pia, “Ang mga multo daw ay mga kaluluwang hindi matahimik dahil mayroon daw mensaheng hindi nito nasabi bago mamatay. Meron namang bumabalik para maghiganti. Totoo po ba ito?”

“Tama ka iha, tiyak naming iisa lang ang babaeng iyon. At ito na ang takdang panahon ng kanyang paghihiganti.”

“Kilala nyo siya?”

“Iilan lamang kaming naniniwala sa sumpa ni Larina.”

“Larina?”

Tumango ang matanda. “Isa siyang tinatawag na special child na pinalaki sa kalupitan ng kanyang mga magulang hanggang sa magdalaga ito.”

Halos sabay-sabay na napatingin ang lahat kay Biboy na ngayo’y tahimik na nakikinig sa kwento ng matanda.

“Ano pong klaseng special child?”

“Ayon sa kwento, marami daw nakikitang kakaiba ang batang iyon. Maraming sinasabing salita na hindi naiintindihan ng kahit na sino. Lagi daw may kinakausap at minsan nama’y tulala. Kaya naman galit na galit ang kanyang ama dahil sa kalagayan ng anak. Lalo pa itong nagalit nang minsan daw ay nagsabi itong malapit nang mamatay ang kanyang mga magulang.” Saglit na tumigil si Tatang. “At nang mga sumunod na araw, nakita nilang patay ang alaga nilang aso. Putol ang ulo nito. nang makita ng mga magulang si Larina ay hawak nito ang putol na ulo ng aso. Nakangiti pa daw ang dalaga nang pagalitan siya ng kanyang ama. Pero laking gulat nila nang makita ang loob ng kwarto ng dalaga. puro ulo ng pusa at manok. At ang sabi pa ng dalaga, pinatay nya daw ito dahil nakatingin sa mga mata nya. Tapos ng lapitan niya ay natatakot naman. Dahil doon, ikinulong nila sa kwarto si Larina at itinali ng kadena na parang isang hayop. Kahit anong pagmamakaawa daw ng dalaga ay hindi nila ito pinakawalan.Tapos isang araw, nabalitaan na lamang na patay na ang kanyang mga magulang. Putol ang ulo nito ngunit si Larina ay naroon lamang sa kanyang upuan at nakakadena. Hawak nito ang isang kutsilyo at nakangiti. Sa takot ng mga kapitbahay ay sinunog nila ang bahay. Naroon si Larina. Buhay na buhay. Tuwang tuwa pa daw ito habang nasusunog at sumisigaw na hindi sya titigil sa kanyang ginagawa hanggang sa tuluyan nang maging abo ang katawan nito.”

Katahimikan.

“Ano pong gagawin para matigil na si Larina?” tanong ni Pia.

Nagbuntung-hininga ang matanda. “Kung alam ko lang, ako na mismo ang gagawa.”

“Naku tatang, pasensya na pero, hindi pa rin ako naniniwala sa kwento nyo eh” pagmamayabang ni Lloyd. “Sorry po.”

“Katulad ng sinabi ko, nasa sa iyo kung gusto mong maniwala o hindi. Pero sinasabi ko sa inyo, dito na kayo magpalipas ng gabi.” sabi ng matanda. “Pagpasensyahan nyo nga lang at maliit ang aming kubo.”

“Ayos lang po sa amin” sabi ni Pia.


MALALIM NA ANG GABI. Sama-samang natulog ang magkakaibigan sa sahig. Tahimik ang paligid Dahan-dahang bumangon si Fred at tiniyak na tulog na ang lahat. Unti-unti niyang ginising ang kasintahan.

“Bakit?” tanong ni Mai ng magising sa pagtapik ni Fred.

“Sssshhh…” aalis na tayo dito.

“Ano?” pabulong na tanong ng dalaga.

“Hindi naman sira ang sasakyan natin diba?”

“Nasisiraan ka na ba? Baka nandyan si Larina”

Napangiti si Fred. “And you’re expecting me to believe that crap? Tara na! akong bahala sa’yo.” At hinalikan niya ang kasintahan.

“Teka, gigisingin ko si Biboy.”





CHAPTER 9


“Bakit ba?” pupungas-pungas na tanong ni Biboy ng gisingin siya ng kanyang ate.

“Sssshhh! Wag kang maingay, uuwi na tayo!” bulong ni Mai sa kapatid.

“Ano? Ayaw! Tako ako!”

Nagtinginan sina Mai at Freddie. Sumimangot ang binata.

“Sige na, akong bahala sa’yo wag kang matakot.” Bulong ni Freddie.

Saglit na nag-isip ang bata. Tapos ay tumayo ito ng marahan. Inalalayan ito ng kapatid at dahan-dahan silang nagtungo sa pinto. Marahang binuksan ni Freddie ang pinto at bahagya pa syang lumingon sa loob ng bahay upang tiyakin na walang nakakakita sa kanila. Naunang naglakad si Freddie at kasunod naman si Mai. Nasa hulihan si Biboy at kapwa sila maingat na naglalakad dahil sa mabatong daanan ang kanilang tinatahak.

Biglang napatingin si Biboy sa direksyon ng kanilang sasakyan at sa isang iglap ay natulala ito. Napatigil sa paglalakad at biglang nanginig ang buong katawan. Tumungo ito at pumikit. Napansin ni Mai na nawala ang ingay ng yabag sa likuran niya kaya nilingon niya ito. Nagtaka siya ng makitang nakatulala ang kapatid at hindi gumagalaw kaya’t binalikan niya ito.

“Tara na! bilisan mo!” pabulong niyang sabi at hinawakan niya ang kamay nito at hinila ngunit hindi ito umaalis sa pwesto.

“Nandyan sya!” bulong nito. “Nandyan si Larina!” sabi nito.

Kinabahan si Mai. Alam niya ang tinutukoy ng kapatid. Subalit nanaig sa kanya ang pagiging ate at nagdalawang isip siya kung paniniwalaan ang wirdong kapatid. Dahil noon pa ma’y mahirap paniwalaan ang mga sinasabi nito. Saglit siyang nag-isip. Hindi man niya aminin ay natatakot na rin siya sa kanilang gagawin. Ngayo’y nahati ang kanyang desisyon. Tila nakikita niya sa reaksyon ng kapatid ang sinseridad nito sa sinasabi ngunit ayaw naman niyang magalit ang kanyang nobyo.

“Ayaw ko talaga ate,” pagmamakaawa ni Biboy. Tila kinurot naman ang puso ni Mai. Naawa ito sa kapatid. Nilingon niya ang kasintahan at nakita niyang papalapit na ito sa sasakyan. Ni hindi man lamang nito nililingon ang nasa likuran niya. Ang kanyang kasintahan at si Biboy.

Bagamat nagdadalawang isip ay tinanong ni Mai ang kapatid. “Nasaan na si Larina?”

Dahan-dahang iniangat ni Biboy ang kanyang ulo at unti-unting iminulat ang nakapikit na mata. “Nasa tabi ng pajero.” At muling ipinikit ang mata.

“Tingnan mo kung anong ginagawa.”

“Ayokong tingnan! Baka ako ang isunod!”

Kinilabutan si Mai. Muli niyang tiningnan ang kasintahan, malapit na ito sa pajero. Tumigil ang binata at lumingon sa likod. Nang makitang malayo ang mga kasama ay sinenyasan niya ito na bilisan ang paglalakad. Hindi malaman ni Mai ang gagawin. Umiling na lang ito sa kasintahan. Biglang naging seryoso ang mukha ni Freddie at lumakad pabalik patungo sa dalawang kasama. Tila lumuwag ang pakiramdam ni Mai ng makitang papalapit sa kanila ang kasintahan.

“What is wrong with you?” galit na tanong ni Freddie kay Mai.

“Bukas na lang tayo umalis.” Si Mai.

“What? Are you out of your mind?”

“Please Fred, bukas na lang.”

Saglit na nag-isip ang binata, “Ok, give me one fucking reason to back up”

Nag-isip si Mai. Tiningnan ang kapatid. “I-it’s not safe.” Mahina niyang sabi.

“What? What do you mean?” mataas ang boses nito.

Muling tiningnan ni Biboy ang pajero. “Papalapit sya sa atin!” sabi niya.

“Fred, let’s go! Please!” at hinila ni Mai ang kapatid pabalik sa kubo ngunit nahawakan ni Freddie ang kanyang braso at pinigilan ito.

“Ah ganun! At naniniwala ka pala sa kumag na ito! How Pathetic!” matigas na tinig ng binata.

“There’s no time to explain Fred, let’s go!” pagmamakaawa ni Mai.

“Pumili ka! Ako o yang baliw mong kapatid?” hindi pa rin binibitiwan ni Fred ang kasintahan.

“How dare you!” Pwersang inalis ni Mai ang pagkakahawak ng kasintahan, at nang makawala ito’y isang malakas na sampal ang pinakawalan nito at tumama sa pisngi ng lalaki.

“Malapit na sya!” muling sabi ni Biboy at lalong nanginig ang buong katawan nito. Ngunit biglang nawala sa paningin ni Biboy si Larina.

“Ok! that’s it!” sabi ni Freddie. “Magsama kayo ng kapatid mong baliw!” tumalikod ito at mabilis na tinungo ang sasakyan.

Hinilang pabalik ni Mai ang kapatid ngunit tila tulala ito at hindi na makakilos. Sa pagmamadali ay kinalong niya ito. Ito ang unang beses sa buong buhay ni Biboy na kalungin siya ng kanyang ate. Tulala pa rin ang bata. Mabilis na nilakad ni Mai pabalik ang kubo habang kalong ang tulala pa ring kapatid. Nang makarating ay malakas ang pagkakabukas niya ng pinto dahilan ng paggising ng ilan sa kanilang kasama. Pinaupo niya ang tulalang kapatid sa sahig at mahinang sinampal sampal ito.

“Biboy, biboy!” sabi niya,

“Anong nangyari?” takang tanong ni Pia habang bumabangon ito. ngunit hindi siya pinansin ni Mai.

“Biboy please!” alalang sabi ni Mai.

Unti-unting gumalaw ang ulo ni Biboy. Tumingin ito sa kapatid at ngumiti. “Salamat ate!” sabi niya.

Napangiti si Mai. Tila nabunutan ng tinik sa dibdib ng makitang ayos na ang kapatid. Niyakap niya ito.

“Sana noon mo pa ginawa sa akin to!” bulong ni Biboy.

“Anong ibig mong sabihin?” takang tanong ni Mai.

Saglit na nag-isip si Biboy nang bitiwan ng kapatid sa pagkakayakap. Ngumiti ito.”Akala ko kasi, hindi mo ako mahal.”

“Ano ka ba? Bat ganyan ang iniisip mo?” ginusot ni Mai ang buhok ng kapatid. “Pwede ba namang hindi, eh kapatid kita.”

Tumingin si Biboy sa kapatid. “Alam mo, ang saya saya ko” ngumiti ito. “Ngayon ko lang nalaman na may nagmamahal pala sa akin bukod kay lola at sa pinsan ko.” biglang nalungkot ang mukha nito. “Kaya lang, huli na.”

Nagtaka si Mai, “A-Anong ibig mong sabihin?” bumilis ang tibok ng kanyang dibdib.

“Ate-” biglang tumulo ang luha ni Biboy. “Ako ang isusunod ni Larina.”

Pakiramdam ni Mai ay humiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawan niya sa sinabing iyon ni Biboy. “Ano bang ibig mong sabihin? Wag ka ngang magsalita ng ganyan!” mataas na tinig ni Mai.

Tuluyan nang umiyak si Biboy, “Nakita ko si Larina, nakatingin sa akin! Napatingin ako sa mata nya! Ako ang susunod! Mamamatay na ako!” malakas na sabi ni Biboy.

Niyakap ni Mai ang kapatid. “Ssshhh… hindi kita pababayaan. Wag kang matakot”

“Ano ba talagang nangyari?” mataas na tinig ni Pia. Nagulat ang mga tao sa paligid. Nagbangunan ang mga ito.


Samantala, narating na ni Freddie ang pajero. Dinukot niya ang susi sa bulsa ng pantalon ng bigla siyang makarinig ng ungol. Tila mahinang paghikbi. Tumayo ang kanyang balahibo. Dahan-dahan siyang lumingon sa likod ngunit wala siyang nakita. Ipinagpatuloy niya ang pagkuha ng susi at ng madukot niya ay mabilis niyang isinuksok iyon sa susian ng pinto ng pajero ngunit hindi niya mailagay iyon. Muli niyang narinig ang hikbi. Sa pagkakataong ito’y bigla niyang nilingon ang likuran at nagulat siya sa kanyang nakita. Halos mapatalon siya. Biglang nanginig ang buo niyang katawan. Ipinagpatuloy niya ang pagsuksok ng susi ngunit tila hindi pumapasok iyon dahil sa panginginig ng kanyang kamay. Dahil sa sobrang taranta ay napatakbo ito papunta sa kubo ngunit dahil sa baku-bako ang daan ay natisod ito at bumagsak sa lupa. Dahan-dahan siyang bumangon ngunit nakita niya sa harapan ang mga paa. Nakatali ang isang paa nito ng kadena. Duguan. Unti-unti niyang iniangat ang kanyang ulo. Nakita niyang nasa likuran ang kamay ng babae sa harap niya. Itinaas niya ang tingin at halos maubusan siya ng hininga sa nakita. Ang nasa harap nya ay walang ulo! Pinilit niyang tumayo ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Maya-maya ay mula sa likuran unti-unting inilalagay ng babae sa harapan ang kanyang kamay. Ilang saglit pa\y nakita ni Freddie ang dulo ng kamay niyon. May hawak ito. at nanlaki ang mga mata ng binata ng makita kung anong hawak nito. itinapat pa sa kanya ito. Ang kanyang sariling ulo!

Hawak ng babae ang sariling ulo. Nakabitin ito. ang dulo ng buhok ang kinakapitan ng babae. Ng tingnan ito ni Freddie ay lalo itong natulala. Duguan ang mukha nito at matalim ang tingin. Gustong sumigaw ni Freddie at humingi ng tulong ngunit hindi niya alam kung paano. Naparalisa ang kanyang katawan sa sobrang takot. Unti-unti namang iniaangat ng babae ang kamay at inilagay ang ulo sa ibabaw ng leeg. Pagkabitaw ay naging maayos ito. Mula sa isang kamay ay naroon ang kutsilyo. Mabilis niyang iniangat ito at tinagpas ang leeg ni Freddie. Ilang saglit pa’y gumulong ito sa lupa.





CHAPTER 10


“Ano ba talagang nangyari?” mataas na tinig ni Pia. Nagulat ang mga tao sa paligid. Nagbangunan ang mga ito.

“Bakit, anong meron?” pupungas-pungas sa tanong ni Wendy.

Nilibot ng tingin ni Mai ang paligid. Lahat ay nakatingin sa kanya at naghihintay ng sagot.

“Nandun sa labas si Fred,” panimula niya.

“Ano? Bakit?” si Pia.

“G-gusto nya kasing umuwi.” Sagot ni Mai. “Tutal, hindi naman daw sira yung sasakyan nya, mauna na lang daw kami kaya dahan-dahan kaming umalis.” Patuloy niya.

“Ano?!” napasigaw si Wendy.

“Nasaan na si Fred?” si Lloyd.

“N-Nandun sa labas.”

“Papatayin na siya ni Larina.” Nanginginig na sabi ni Biboy. “Papalapit na sya kay Kuya kanina. Tapos, isusunod nya ako!” takot na takot na tinig ni Biboy.

“Ssshhh..wag ka nang matakot, nandito lang si ate,” sabi ni Mai at niyakap niya ang kapatid.

“Bakit naman kasi hindi kayo naghintay hanggang bukas?” tanong ni Pia.

“Pinilit lang kami ni Freddie. Ayaw ko namang magalit sya sa akin kaya sinunod ko sya.”

“Pero alam mong mapanganib!”

“Mabuti pa’y sundan ko sya.” Sabi ni Jester.

“Wag!” sigaw ni Biboy. “Nandyan na si Larina!”

“Puro na lang Larina! Larina! Larina! Nabibingi na ako!” mataas na tinig ni Jester.

“Hon, please, don’t do it. kahit para sa akin lang.” pagmamakawa ni Aira sa kasintahan. Saglit na nag-isip si Jester at unti-unting kumalma ang pakiramdam nito. “Ok, para sa iyo hon, but please don’t expect me to believe this shit ok?” at umupo ito sa tabi ng kasintahan.

Katahimikan.

“Nasaan nga pala sila Tatang?” tanong ni Wendy. Halos sabay-sabay silang tumingin sa paligid at naghanap.

“Hindi nyo na sila makikita.” Sabi ni Biboy. Nagtinginan lahat sa kanila.

“Anong ibig mong sabihin?” si Mai.

“Matagal na silang patay. Narito lang sila para pigilan tayo.” Paliwanag ng bata.

“Bullshit!” si Jester. “At nasaan ang proof mo?”

“Hon, please,” ani Aira.

Nilibot ni Biboy ang paligid at nakita niya sa may dingding ang isang picture frame na luma. “Ayun!” at itinuro niya ito. sabay namang nagtinginan ang lahat. Tumayo si Jester at inabot iyon. Tiningnan niya itong mabuti. Muntik na niya itong mabitiwan sa pagkabigla. Naroon ang larawan ng mag-asawa. Bagamat may kabataan pa ito ay halata sa kanilang mukha na sila nga iyon. At sa bandang sulok ng larawan ay may nakasulat na numero. 1942!

Halos tulala si Jester habang iniaabot iyon kay Lloyd. Ganoon din ang reaksyon ng lahat. Labis na pagkagulat ang kanilang naramdaman.

Katahimikan.

“Kung matagal na silang patay-” si Pia, “Bakit hindi nila pigilan si Larina?”

“Hindi nila kaya” mabilis na sagot ni Biboy. “Lubhang makapangyarihan si Larina kaya’t tanging ang pag-iwas lamang ang maitutulong nila sa bibiktimahin nito.”

Lahat ay napaisip sa sinabi ni Biboy. Nagtayuan ang kanilang balahibo at kapwa bumilis ang tibok ng dibdib.

“Kung ganon, Bakit hindi na sila nagpapakita?” kabadong tanong ni Pia.

“Isang beses lang sila maaring magpakita sa sinuman. Kaya’t kailangan nilang piliin ang tamang pagkakataon. At iyon ang ginawa nila sa atin.” Sagot ni Biboy.

“Kung ganon, n-nasaan na sila?” takot na tanong ni Wendy.

“Nandito lang sila.” Si Biboy. “Katabi ni Jester.”

Bigla’y napatayo si Jester at mabilis na lumipat sa kabilang tabi ni Aira. “Wag kang magbiro ng ganyan.” sabi nito.

“Hindi ako nagbibiro. Nakatingin sila sa’yo at nakangiti.” Saglit na tumigil si Biboy at unti-unting nalungkot ang mukha at tuluyan nang umiyak. Humagulgol ito.

“Bakit?” alalang tanong ni Mia sa kapatid.

“S-sabi ni Lola, p-patay na si Kuya Fred.”

“Ano??!!!!”

Magkahalong lungkot at takot ang naramdaman ng lahat.

“Anong gagawin natin ngayon?” takot sa tinig ni Wendy.

“Hintayin na lang nating mag-umaga.” Si Lloyd. “Huwag na kayong matakot.” Pagpapakalma niya

“Paano kung pumasok siya rito?” si Pia. “Anong gagawin natin?”

“Isusunod na niya ako..isususnod na niya ako!” takot na sabi ni Biboy at muli siyang niyakap ng kapatid.

VRRRRRMMMM!!!

Tunog ng isang sasakyan mula sa labas. Ilang saglit pa’y tumigil ito at muling tumahimik ito. Nagtaka ang lahat ang nagkatinginan sila.

“May tao sa labas? May dumating” sabi ni Gary na tila nagkaroon ng pag-asa.

“Biboy? Patay na ba talaga si Kuya mo?” tanong ni Mai. Tumango si Biboy. “S-sino yung nasa labas?”

“H-hindi ko alam” sagot ni Biboy at lalong sumiksik sa kanyang kapatid.

“Silipin nyo nga” sabi ni Pia.

Nagkatinginan sila Jester, Gary at Lloyd. Kapwa nakiramdam kung sino sa kanila ang titingin. Napansin iyon ni Wendy.

“Ako na nga! Mga duwag! Kanina, ang tatapang nyo,” sabi ng dalaga at pumwesto ito sa may dingding at naghanap ng butas.

Lumapit si Gary. “Ako na Wendy.” Sabi niya sa dalaga at nagpaunlak naman ito.

Dahan-dahang nilapit ni Gary ang mata sa butas upang tingnan ang labas ngunit wala siyang makita. Tanging kadiliman lamang ang kanyang natatanaw. Lalo niyang idinikit ang mukha sa dingding upang umayos ang paningin.

Unti-unti, natutuklasan niyang hindi kadiliman ang kanyang nakikita. Bilang namanhid ang buo niyang katawan. Bumilis ng bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Ang kadilimang tumatakip sa butas kanina ay ang mata ni Larina! Ang itim ng mata nito. Nakasilip ito sa kanila. Natuklasan lamang ni Gary na mga mata ito ng unti-unti itong lumalayo. Mula sa itim na itim ay nakita niya ang pula sa pailigid nito. habang lumalayo ito ay nabubuo ang aura ng isang babae. Bigla’y nawalan ng ulirat si Gary. Bumagsak ito sa sahig.

























CHAPTER 11


“Gary!” halos sabay-sabay nilang naisigaw ng makita bumagsak ang lalaki. Bahagyang nasalo ni Lloyd ang bandang ulunan nito.

Lumapit si Wendy at tinapik-tapik ang pisngi ng binata, “Gary! Gary! Gumising ka! Gary!” ngunit wala pa ring malay ito.

TOK! TOK! TOK!

Nagulat ang lahat sa malakas na katok na iyon sa pinto. Nagkatinginan ang lahat at nakiramdam kung may tao sa labas.

“May tao ba dito? Buksan nyo ang pinto!” tila nagmamakaawang tinig mula sa labas. “Si Kapitan ‘to! Buksan nyo naman! Parang awa nyo na!”

Tumayo si Lloyd at nagtungo sa pinto. “Paano kami nakasisigurong ikaw nga si kapitan?”

“Parang awa nyo na! ”

Dahan-dahang binuksan ni Lloyd ang pinto at sinilip ng bahagya kung sino ang nasa labas. Bagamat kinakabahan ay naglakas-loob na rin siyang gawin iyon. Unti-unting nabubuo sa kanyang paningin ang takot na takot na kapitan. Nang makatiyak ay binuksan niya ng tuluyan ang pinto at pinapasok ang panauhin. Nilibot ng kapitan ng tingin ang paligid bago tuluyang pumasok sa loob ng kubo.

“A-anong nangyari?” takang tanong ni Lloyd.

Tumingin ang kapitan sa lahat. “H-hindi ko alam pero, isa-isang naubos ang mga tanod.” Simula niya. “Nag-roronda kami kanina bago kumagat ang dilim. Tapos, maya-maya lang ay isa-isang nauubos ang aking mga tauhan. Tapos, nung balikan namin ay-” saglit na tumigil, “P-patay na sila. Putol ang mga ulo. Nasalisihan kami ng serial killer! Isa syang expert na mamamatay tao kaya’t nagkanya-kanya kaming takbo.”

“Kapitan, hindi po serial killer.”

Nagtaka ang kapitan, “Anong ibig nyong sabihin?” tanong niya.

Lumapit si Pia sa kapitan, “S-si Larina. Isang killer ghost!”

“Multo? Larina?”

“Mahirap ipaliwanag pero, napatunayan na namin.” Si Jester. “Isang multo ang may kagagawan nito.”

Tila natulala ang kapitan. “Paano nyo nasisiguro?” mahinang tanong niya.

Pinaupo nila ang kapitan at ikinuwento ang lahat ng nangyari. Bagamat nahihirapang maniwala nito ay tila nakumbinsi rin siya dahil sa mga katibayan na ipinakita nila.

“A-ano naman ang dapat nating gawin?” tanong ng kapitan matapos ang pagsasalaysay.

“Yan ang hindi rin namin alam.” Si Lloyd.

“Uuunnghh” mahinang ungol ni Gary. Nagkakamalay na ito.

“Gary!” si Wendy. At inalalayan niyang bumangon ang binata. “Anong nangyari?”

Tumingin si Gary sa paligid. “S-si Larina. N-nakita ko sya. Nakatingin sya sa atin!”

Kapwa nagulat ang lahat.

“Ano bang dapat nating gawin?” tanong ni Wendy.

“Isa lang ang paraan!” sigaw ni Biboy at nagtinginan ang lahat sa kanya.

Lumapit ang kapitan, “Ano yun? Sabihin mo.”

“Kung gusto nyong matigil na ang lahat ng ito, sabi ni tatang-,” tiningnan niyang isa-isa ang lahat. “Kailangang makuha ang katawan ni Larina at ilibing sa loob ng simbahan ng Sta. Isabela bago sumikat ang araw.” Patuloy ni Biboy. “Ito lang ang tanging paraan para tuluyan nang matapos ang lahat.”

“Pero bakit hindi na lang ipagpabukas? Hindi naman sya lumalabas kapag maliwanag di ba?” si Mai.

Tumingin si Biboy sa kawalan tila may kinakausap ito at muli, tumingin sa kanyang kapatid.“Kailangang magkasama ang ligaw na kaluluwa ni Larina sa kanyang katawan bago ito ilagay sa simbahan. Kapag ginawa mo ito sa umaga, maiiwan ang kaluluwa ni Larina na pagala-gala sa Sta Isabela at mauubos ang mga tao rito.”

“Maiiwan ang kaluluwa?”

“Nabubuhay lamang si Larina kapag nagsama ang kanyang kaluluwa at ang kanyang katawan. At ito ay nangyayari pag kagat ng dilim. Sa umaga ay pagala-gala lang ito sa kung saan saan ngunit wala siyang kakayahang manakit dahil isang ordinaryong multo lamang siya. Samantalang ang kanyang katawan ay nakabaon lamang sa lupa. Kung kukunin nyo ito habang gumagala ang kaluluwa ni Larina, wala nang babalikang katawan ang kaluluwa kapag kagat ng dilim, at maghahanap ito ng masasaniban. Lalong magiging mapanganib. Pero kapag ang katawan ni Larina ay kasama ng kaluluwa, kapag kinuha ito at ibinaon sa simabahan, mananatili siyang nakakulong doon at hindi na muling makakagambala pa.”

“Nabubuhay si Larina kapag gabi? Ang gulo naman!”

“Hindi sya nabubuhay. Isa pa rin syang kaluluwa pero may kakayahan siyang mahawakan ang sinong gugustuhin niya, di tulad ng isang ordinaryong multo na tila isang hangin lamang. Mananatili pa rin ang katawan sa ilalim ng lupa habang ang kaluluwa naman ay gumagala. Ang kanilang sumpa lamang ang napag-iisa pag kagat ng dilim.”

“Paano mo naman nalaman yan?” tila nagdududang tanong ng kapitan.

“Basta maniwala kayo sa akin!”

“Kapitan, palagay ko eh tama ang sinasabi ni Biboy.” Sabi ni Mai.

“Ganun din ako!”

“Ako rin!”

“Me too!”


Sunod-sunod na sabi ng lahat. Tiningnan ng kapitan ang bawat isa at nakumbinsi na ring tama ang sinasabi ni Biboy.

“Kailangang planuhin kung ano ang nararapat nating gawin para matahimik ang Sta. Isabela.” Sabi niya. “Hihingiin ko sana ang tulong ninyo. Maaari ba?”

Katahimikan.

“I’m in!” unang nagsalita si Pia.

“Ako rin!”

“Ako rin!”

Lahat sila ay nagtaas ng kamay at nag-volunteer.

“Anong una nating gagawin?” tanong ni Wendy.

Nag-isip ang kapitan. “Alam ko kung saan maaaring matagpuan ang katawan ni Larina kung pagbabasehan ang mga kwento na sa mismong kwarto niya namatay si Larina. Sa banda doon.” At itinuro niya ang gawing likuran ng kubo.

“Paano natin makukuha iyon?” si Gary.

“Kung kaya nating linlangin si Larina ay gagawin natin.”

“Linlangin?” si Lloyd.

“Oo.” Sagot ng kapitan. “Gary, dahil ikaw ang nakakita sa mga mata ni Larina, ikaw ang susunod nyang pakay.”

“A-anong gagawin ko?”

“Tumakbo ka papalayo sa lugar na iyon at magpahabol ka kay Larina.”

“A-Anooo????”

“Yun lang ang paraan!”

“Pero-”

“Yun lang ang tanging paraan!” matigas na tinig ng kapitan. “Bibilisan namin ang paghuhukay para makuha agad namin ang kanyang mga buto. Kapag nagawa na namin iyon ay tutulungan ka na namin!”

“Imposibleng makatakas kay Larina.” Pag-aalala ni Wendy.

“Sasamahan ko sya!” matigas na tinig ni Jester.

“Ako rin!” si Lloyd. “Kayo-” nakatingin sa mga babae at sa kapitan. “Samahan nyo si Kapitan na maghukay.”

Tumingin si Gary kina Lloyd at Jester. “S-salamat.”





CHAPTER 12


“Ok.. ganito ang plano.” Sabi ng kapitan at naglapitan ang lahat sa kanya. “Kayong tatlo” sabi niya kina Jester, Lloyd at Gary. “Mauna kayong tumakbo papunta doon” at itinuro ang baku-bakong kalsada. “Kayo nang bahala kung saan kayo pupunta basta wag kayong lalabas ng Sta. Isabela.” Tumango ang tatlo. “At kayong tatlo naman, dito tayo. Bilisan nyo ang pagtakbo. Dadaan muna tayo sa may resort para kumuha ng mga panghukay. Meron dun sa bodega. At malapit na rin doon ang dating kinatatayuan ng bahay ni Larina.” Dugtong ng kapitan. “At kayong dalawa,” sabi niya kila Mai at Biboy. “Maiwan na kayo dito. Mas ligtas kayo dito.” Tumango naman ang dalawa.

“Biboy, nasaan na si Larina ngayon?” tanong ni Lloyd.

“H-hindi ko po alam.”

“Alamin mo!”

“Lloyd, please, natatakot na sya.” Si Mai.

“Basta mauna na tayong lumabas. Susunod sa atin yun dahil ako ang susunod niyang pakay.” Sabi ni Gary. “Tara na!”

“Mag-iingat kayo. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para tulungan kayo.” Paalala ng kapitan.

“Ok. bibilang ako ng tatlo” si Gary “Isa….dalawa……”

“Teka,” si Aira. Lumapit ito kay Jester at siniil ng halik. “Mag-iingat ka. Ano man ang mangyari, tandaan mo.. mahal na mahal kita!” sabi niya matapos halikan.

“I love you too honey!” ganti ni Jester at muling siniil ng halik ang kasintahan.

Lumapit din si Gary kay Wendy. “W-Wendy” sabi niya “Whatever happen-”

Hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Gary ay bigla siyang hinalikan ni Wendy. Mainit na mga halik na matagal nang pinanabikan ni Gary.

“I’m the happiest man alive!” nakangiti niyang sabi ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

“Pia” sabi ni Lloyd. Tumingin sa kanya ang dalaga. “Mag-iingat ka.”

“Ikaw din!” sagot naman niya.

“O pano, game na!” si Gary. “Isa…..dalawa….tatlo!” mabilis niyang binuksan ang pinto ng kubo at halos sabay sabay ng tumakbo ang tatlong lalaki patungo sa direksyon ng sasakyan.

Tiningnan sila ng kapitan, “Tara na!” sabi niya ng makitang medyo malayo na ang mga ito. Sumunod naman sa kanya ang tatlong babae at patungo sila sa kabilang panig. Doon sila sa may likod nagdaan dahil iyon ang pinakamalapit ng daanan patungo sa spring.

Naunang tumakbo si Gary, kasunod si Lloyd at huli naman si Jester. Hindi naman malayo ang agwat nila. Halos magkakadikit pa rin habang tumatakbo. Malapit na sila sa sasakyan ng biglang matisod si Gary sa isang bato. Bumagsak ito sa lupa ngunit mabilis itong nakabangon. Timulungan siya ng dalawang kasama. Sabay-sabay nilang nilingon ang batong naging dahilan ng pagkadapa ni Gary. Nanlaki ang kanilang mga mata nang makita iyon. Lahat ay kinilabutan sa nasaksihan, tila umakyat ang kanilang dugo sa ulo. Hindi ito bato kundi……..ang ulo ni Freddie! Bahagya pa itong gumulong dahil sa pagkakasipa ni Gary. Nakita naman nila sa di kalayuan ang duguang katawan nito. Muli silang bumalik sa pagtakbo hanggang sa marating nila ang sasakyan. Isang red pick-up. Mabilis silang sumakay dito at isinara ang mga bintana. Nakasuksok na doon ang susi kaya’t mabilis na pinaharurot ito ni Lloyd. Sina Gary at Jester ay nasa likuran nakaupo.
Mabilis ang kanilang takbo sa baku-bakong daan. ilang saglit pa’y nakita nila sa di kalayuan ang isang aura ng babaeng nakaputi. Nakatayo ito sa gitna ng daan at tila hinihintay ang kanilang pagdating.

“Sagasaan mo!” sigaw ni Jester. Mas lalo namang pinaharurot ni Lloyd ang sasakyan hanggang sa lumapit sila sa babaeng iyon.

BLAG!

Malakas na tunog ng nagsalpukang sasakyan at katawan. Nag-minor si Lloyd.

“Wag mong bagalan.. tuloy-tuloy ka lang!” sigaw ni Gary at muling binilisan ni Lloyd ang pagpapaandar. Nilingon nila Jester at Gary ang likuran ng sasakyan at nakita pa nilang gumulong ang babae sa lupa.

Samantala, narating na ng kapitan at mga kasama nito ang bodega kung saan naroon ang mga gamit sa panghukay. Piko at pala ang dala nila at ngayo’y mabilis nilang tinatahak ang daan patungo sa dating bahay ni Larina. Nang marating nila iyon ay tumigil ang kapitan. Tinitigang maigi ang dating bahay na nakatayo sa kanilang harapan. Wala na ang dating simpleng bahay. naroon na lamang ang apat na poste na nagpapatayo nito. Halos hanggang tuhod na lang ang taas nito.

“Sa banda rito ang pinto…” sabi ni kapitan. “Tapos, papasok dito ang pinto ng kwarto.” Patuloy siya sa paglalakad. “Dito! Dito ang lugar kung saan nakalagay ang upuan ni Larina. Dito sya nakagapos ng kadena.”

“Teka, bakit alam nyo?”

Natahimik ang kapitan. Bumalik sa alaala ang nakaraan.

“Anong pangalan mo?” tanong ng isang batang lalaki sa isang batang babae. Nasa loob ito ng bakuran habang nasa labas naman ang lalaki. Hindi siya pinapansin ng babae. “Anong pangalan mo?” muling tanong ng lalaki.

Tumingin sa kanya ang babae. “Ako si Larina. Ikaw?” sagot nito.

“Ako si Noel. Maglaro naman tayo.” Sabi ng batang lalaki.

“Hindi pwede. Magagalit sya.”

“Sinong sya?”

“Si Larina.”

“Ha? Di ba ikaw si Larina?”

Tumingin sa kanya ang babae “Larina rin ang pangalan niya.”

“Sino?”

“Larinaaaa!!!” sigaw ng nanay ng bata. “Pumasok ka na dito sa loob.”

“Opo! Nandyan na po!” sagot naman ng bata “Mamamatay silang lahat” bulong nito at tumalikod ito sa kausap. Naiwang nag-iisa si Noel sa labas ng kahoy na bakod na nagtataka.

Kinabukasan, muling nakita ni Noel ang batang babae at nilapitan niya ito. “Larina!” nakangiting bati niya.

“S-sino ka?” matapang na sagot ng bata.

“Ako si Noel. Hindi mo na ba ako natatandaan?”

“Umalis ka sa harapan ko!”

“Ha? Bakit?”

“Muerte, todos, cabeza, inciso!!!” sigaw ng babae.

“Ano?”

“MUERTE! MUERTE!” sigaw ng babae at mula sa likod ay inilabas ang isang malaking kutsilyo. Akmang sasaksakin si Noel-

“Larina!” mula sa likod ay dumating ang kanyang ama. Hinawakan ang kamay ng babae at kinuha ang kutsilyo. Tumingin sa batang lalaki. “Pasensya ka na. M-may sakit kasi siya.”

“Ok lang po.”

Inalalayan ng lalaki ang anak papasok ng bahay.

Hindi na muling nagbalik pa si Noel sa bahay na iyon dahil sa takot at kaguluhan ng isip. Hindi na rin niya nakikitang lumalabas ang bata hanggang sa magbinata na ito. Minsang napadaan itong muli sa bahay na iyon ay narinig niyang sumisigaw ang mga magulang nito. At kinabukasan, nabalitaan na lang niyang patay na ang mga ito. Pugot ang mga ulo.


“Kapitan?” muling bumalik sa kasalukuyan ang isip ng Kapitan dahil sa tinig na iyon ni Wendy. “Are you ok?”

“Ha? Ah eh.. oo.. iniisip ko lang kung saan banda rito natin huhukayin.” Sagot nito.

“Nagtataka lang ako….” si Pia.

“Bakit?” si Kapitan.

“Ano pa ang mahuhukay natin kung-” saglit na tumigil. “Sinunog nga ang katawan ni Larina?”






CHAPTER 13

“O bakit ka huminto?” takang tanong ni Gary ng maramdamang tumigil sa pagmamaneho si Lloyd.

“Kanto na ito. paglampas natin dito, hindi na ito Sta. Isabela. Ang bilin ni Kapitan ay wag tayong lalabas ng bayan diba?” sagot ni Lloyd.

“E anong gagawin natin? Maghihintay ng kamatayan natin dito?” si Jester.

“Humingi kaya tayo ng tulong sa iba?” si Lloyd.

“Kanino?”

“Kahit kanino dyan.”

“Sa tingin mo, may maniniwala sa atin?”

“Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan?”

Muling pinaandar ni Lloyd ang sasakyan. “So, lalabas tayo ng bayan?”

“Wag!” si Gary. “Baka matagalan tayo at baka pumunta si Larina kila Wendy.”

“Tama si Gary.” Si Jester.

“Edi babalik na lang tayo at katukin natin ang mga bahay bahay.” sabi ni Lloyd at nag-U-turn agad ito.

Muling pinaharurot ni Lloyd ang sasakyan habang tinitingnan nila isa isa ang mga kabahayan. Madilim ang paligid. Tanging ang sinag ng buwan lamang ang nagsisilbing liwanag. Maging ang mga bahay na nadadaanan nila ay walang mga ilaw. May kalayuan ang mga ito sa baku-bakong kalsada kaya’t kailangan pang sadyain ang mga ito. Malalayo din ang agwat ng bawat bahay kaya’t kailangan pang sadyain isa-isa ang mga ito.

“Hindi mo ba ihihinto?” tanong ni Gary.

“Wala pa namang pwedeng puntahan ah!”

“Lahat yan, pwede.”

“Ang lalayo eh!”

“Basta, itigil mo muna.”

Nag-menor si Lloyd at Tuluyan niyang itinigil ang sasakyan sa tapat ng isang may kalakihang bahay. Nilibot muna nila ang paligid at sinigurong wala si Larina bago lumabas ng sasakyan. Napansin niya ang flashlight sa may tabing upuan at dinampot niya iyon. Sinubukang buksan at umilaw iyon.

“Tara!” yaya niya kina Jester at Gary at sumunod naman ito. dahan-dahan nilang tinungo ang harapan ng bahay.

TOK! TOK! TOK!

“Tao po!” kinatok ni Lloyd ang pinto ngunit tila walang tao sa loob.

“Tao po!” si Gary. “Wala yatang tao. dun naman tayo sa isang bahay.”

“Tara!” at akmang papalais na sila ng biglang may narinig silang kaluskos mula sa loob ng bahay. sabay-sabay silang napatigil at nagkatinginan. Muli nilang hinarap ang bahay at pinakiramdamang mabuti.

Umiling si Lloyd. “Tara na!” at muli silang bumalik sa sasakyan.

“Narinig ko yun pare” si Jester habang isinasara ang pinto. Nakaupo na sya sa tabi ni Gary sa likuran ng pick-up.

“Alam ko” sabi ni Lloyd. “May tao sa loob pero sadyang ayaw nilang lumabas.”

“Naiintindihan ko rin naman sila.” Sabi ni Gary. “Kahit naman ako, kung may balitang pumapatay sa lugar namin, hindi ko rin basta basta bubuksan ang pinto kung may kakatok ng dis oras ng gabi.”

Tiningnan ni Jester ang wristwatch nya. “Shit! Alas kwatro na!”

“Umaga na pala. Maya-maya lang, sisikat na ang araw.” Si Lloyd.

“Ano na kaya ang nangyari sa kanila? Nahukay na kaya nila? Puntahan kaya natin?” si Lloyd.

“Wag na muna. Baka sumunod si Larina.”

“Anong gagawin natin ngayon?” si Lloyd.

“Magpapaikot-ikot na lang tayo hanggang mag-umaga.” Sagot ni Jester.

“Mabuti pa nga. Tara na!” sang-ayon naman ni Gary.

Pinihit ni Lloyd ang susi upang buhayin ang makina. Umingay ito ngunit hindi nag-start. Tumingin siya sa mga kaibigan at muling pinihit ang susi. Muli’y umingay lang ito. paulit-ulit niyang ginawa iyon ngunit ayaw mag-start ng sasakyan. “Shit!” pabulong niyang sabi.

“What the fuck!” napasigaw si Jester. “Dapat pala hindi na tayo tumigil!”

“Itulak natin!” sabi ni Lloyd.

Nagkatinginan sina Jester at Gary. “Hell no!” sabay nilang sabi.

“C’mon guys! That’s the only way! Tara!” sabi ni Lloyd at dinampot niya ang flashlight.

“Hindi ka ba marunong mag-troubleshoot nyan?” tanong ni Gary.

Nag-isip si Lloyd. “Sige, try natin. Bilis!”

Muli nilang nilibot ng tingin ang paligid at nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Iniabot ni Lloyd kay Jester ang flashlight habang tinutulungan ni Gary itong iangat ang hood ng sasakyan.

“Ilawan mo ‘to!” sabi ni Lloyd at itinuro ang isang bahagi ng makina. Mabilis namang inilipat ni Jester ang ilaw doon .

“Bilisan mo naman dyan.” Sabi ni Gary habang palinga-linga sa paligid na tulad ng isang sundalong nakikiramdam sa kaaway.

“I’m doing my best. Magbantay ka lang dyan.” Sagot ni Lloyd.

Muling pinagmasdan ni Gary ang kadiliman ng paligid. Natatanaw niya ang mga puno sa bukid sa di kalayuan. Nakikita rin niya ang pagsayaw sa ihip ng hangin ng mga palay doon. Ganoon din sa kabilang bahagi ng kalsada. Palipat-lipat ang kanyang tingin sa magkabilang bahagi ng daan. “Hindi pa ba tapos?” nanginginig na tanong ni Gary.

“Wag ka ngang mag-apura dyan! Natataranta na rin ako eh!”

“Wag mong intindihin yan. Mag-concentrate ka sa ginagawa mo.” Sabi ni Jester kay Lloyd.

“Ang kulit eh!”

Katahimikan.

“Guys?” sabi ni Gary habang kinakalabit si Lloyd.

“Sandali lang matatapos na, ano ba?” saway ni Lloyd.

“Guys.” Muli’y kinalabit niya si Lloyd.

“Ano ba, wag ka ngang makulit!” galit na tinig ni Jester.

“Guys, parating na sya.” Nanginginig ang boses ni Gary habang nakatitig sa bandang likuran nila. Saglit na natigilan ang dalawa at bigla’y narinig nila ang kadenang bumabangga sa mga bato. Mahina iyon. ang ibig sabihin ay may kalayuan sa kinatatayuan nila.

“Bilis!” sabi ni Jester at biglang nataranta si Lloyd.

“Tapos na!” sabi niya at sabay sabay silang nagtakbuhan papasok ng sasakyan matapos isara ang hood. Nanginginig ang kamay ni lloyd habang iniikot niya ang susi na nakasuksok. Sa isang ikot ay umingay ito ngunit hindi pa rin nag-start. “Damn it!” sigaw niya. “C’mon!” at muli niyang inikot ang susian.

Samantala’y halos tumalon naman ang puso nila Gary at Jester sa sobrang kaba habang pinanonood si Lloyd.

“Mag-start ka naman please!” malakas na tinig ni Gary. Kinuha niya kay Jester ang flashlight at itinutok iyon sa tapat ng windshield kung saan nakita niyang nakatayo si Larina. Nagtaka siya. “N-nawala sya.” Mahinang sabi niya. Inilibot ang liwanag ng flashlight sa paligid at hinanap si Larina ngunit wala ito. Lalo siyang kinabahan.

VRRRM!!!

Bigla’y nag-start ang makina ng sasakyan. Halos mapalundag sa tuwa si Lloyd. Iniangat niya ang kanyang mukha at tumignin sa harapan. Lumiwanag ang ilaw ng pick-up.

Ngunit lahat sila ay nagulat at tila natulala sa kanilang nakita. Nasa harapan ng sasakyan si Larina.




CHAPTER 14


“Dito! Dito natin huhukayin.” Matigas na tinig ng kapitan.

Nagkatinginan ang tatlong dalaga. Kapwa nagtataka. May kalayuan kasi sa bahay ang lupang itinuturo ng kapitan.

“Kapitan, kung dito yung bahay, bakit-”

“Basta! Wala na tayong panahon. Bilis!” utos niya. At sabay-sabay na nagsunuran ang mga dalaga. sinimulan nila ang paghuhukay sa kabila ng kanilang pagtataka.

Walang imik ang kapitan habang naghuhukay. Muling bumabalik ang alaala ng kahapon.

(flashback)

“Tulungan mo ako.” mahinang sabi ni Larina kay Noel nang minsang mapadaan ito sa tapat ng bahay na iyon. nag-aalangan man ay lumapit ito sa dalaga. Nasa likuran ang kamay niya at malungkot ang mukha nito.

“A-anong problema mo?” tanong niya sa dalaga.

Unti-unting tumulo ang kanyang luha. Biglang bumakas ang takot sa mukha. “Papatayin nya ang mga magulang ko. Papatayin nya.”

“Ha? Nino?” takang tanong ni Noel. Sa isip niya ay may diperensya talaga sa utak ang kausap.

“Ni Larina. Papatayin nya sila.”

“Ano? Hindi kita maintindihan. Sino ka ba talaga?”

“Parang awa mo na. Tulungan mo ako!” at inilagay ng dalaga sa harapan ang mga kamay. Duguan iyon.

Biglang natakot si Noel. “A-anong nangyari dyan?”

“Hindi ako ang may kagagawan nito. Hindi!” at tuluyan nang humagulgol ang babae. “Tulungan mo ako! si Larina ang-” Biglang naputol ang sinasabi ni Larina. Biglang naging seryoso ang mukha nito. tiningnan ng matalim si Noel. “Anong ginagawa mo dito pogi?” tanong nito sa kanya at nagbigay ito ng pilyang ngiti.

EEEEEEEEEEEE!!!!!!

Bigla’y nakarining siya ng sigaw mula sa loob ng bahay. Ang ina ni Larina.

“Larinaaaaa!!!” malakas na tawag ng ama ng dalaga.

Biglang tumakbo si Noel sa takot. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman. Gulong-gulo ang kanyang isip at mayroon sa kanyang dibdib na nagsasabing totoo ang sinasabi ng dalaga. Ngunit mas lamang ang paniniwalang may sakit nga ito sa isip.

Kinabukasan, hindi maalis sa isip ni Noel ang nangyari. Hindi rin niya alam kung dapat niyang sabihin sa kanyang ama na syang kapitan ng barangay na iyon. Hanggang sa kumagat ang dilim.

“Kapitan! Kapitan!” humahangos na sigaw ni Erning. Isang magsasaka sa Sta. Isabela. Isa rin sa mga tanod ng kapitan. Nagulat si Kapitan Scada sa pagdating ng kapitbahay niyang iyon.

“Bakit? Anong anong nangyari at humahangos ka?” tanong ng kapitan.

“May nangyari po sa ilaya. Isang krimen!” habol-hininga niyang sabi.

“Ano?”

“Opo. Sa bahay nung mayaman.”

“Sige! Halika, puntahan natin.” Sabi niya. Tumingin ito sa binatilyong anak. “Sumama ka sa amin para malaman mo ang tungkulin ng itay mo. Ikaw ang papalit sa akin.” Sabi nito at tuluyang lumabas ng bahay.

Nagtayuan ang balahibo ni Noel sa balitang iyon sa kanyang ama. Kilala nya ang tinutukoy ni Mang Erning. Ang bahay ni Larina. Ang tinatawag na bahay ng mayaman dahil sa bayan na iyon, sila nga ang may pinakamagandang bahay. Bagamat yari sa kahoy ay malinis at pinturado iyon at talagang kaaya-ayang tingan.

Mabilis siyang sumunod sa kanyang itay at sumakay sa pick-up nila. Sa bandang likuran siya sumakay.

“Ano ang nangyari?” usisa ng kapitan kay Erning habang nagmamaneho ito.

“Pinatay daw yung magulang nung mayaman.”

“Pinatay? Nino?”

“Nung anak nilang dalaga.”

“Ha? S-si Larina?”

“Opo kapitan. Pero ang nakapagtataka, nakagapos pa ng kadena ang paa nya. Tapos yung magulang nya ay malayo sa kanya. Pero nagawa nitong putulin ang mga ulo nito.”

“Nakagapos? Paano nya nagawa iyon?”

“Yun nga po ang ipinagtataka namin eh.”

Ilang sandali pa’y narating nila ang bahay. Maraming tao ang nag-uumpukan doon. Tuloy-tuloy na pumasok ang kapitan kasunod si Noel. Bumulaga sa kanila ang dalawang mga ulo na malapit sa may pinto. Tinakpan nila ang kanilang mga ilong dahil sa malansang amoy sa loob. Pagtingin nila sa bandang gilid ay naroon ang mga katawan ng patay. Bigla’y narinig nila mula sa kwarto ang tinig ng isang dalaga. Isang malakas at tuloy tuloy na pagtawa iyon. Dahan-dahang lumapit ang kapitan at saglit na lumingon sa mga taong nasa labas. Nang marating ang pinto ay unti-unti niyang binuksan iyon hanggang sa malanghap nila ang napakalansang amoy. Halos masuka ang kapitan sa amoy na iyon. Nang nangalahati na ang pagkakabukas ay nakita nila ang mga putol na ulo ng mga hayop. Biglang kinilabutan ang kapitan. Lalong lumakas ang pagtawa ng dalaga sa loob ng kwarto.

Itinuloy ni kapitan ang pagbukas ng pinto hanggang sa mabungaran nito ang isang dalagang nakaupo sa silya sa gitna ng kwarto. Ang damit na pantulog ay nababalutan ng mga dugo. Sa kamay ng dalaga ay may isang kutsilyo. Duguan iyon. Ang isang paa nito’y nakatali ng kadena at ang kabilang dulo ng kadena ay nakapako sa dingding. Biglang tumigil sa pagtawa ang dalaga. lahat sila ay nagtaka kung ano ang nangyari. Biglang umamo ang mukha ng babae.

“Patayin nyo na ako!” pagmamakaawa niya. “Parang awa nyo na. Patayin nyo na ako!”

Lalapit sana ang kapitan sa dalaga ng biglang nagsigawan ang mga tao sa labas.

“Patayin na yan! Kampon ng demonyo!”

“Sunugin!”

“Patayin!”

“Huwag ng hayaang dumami pa ang mabibiktima nya!”

Napahinto ang kapitan at lumabas siya ng bahay. Humarap siya sa mga tao. “Kabayan,” panimula niya. “Hindi siguro nararapat na gawaran natin ng ganitong parusa ang babaeng ito. Bigyan pa natin sya ng-”

HAHAHAHA

Isang malakas na tawa mula sa loob ng bahay. “Akala nyo, mapapatay nyo ako ng ganung kadali? Hahaha!” sabi pa nito. “Mapapatay nyo ako ngayon, pero babalik at babalik ako!” sabi nito at biglang tumahimik.

Mula sa labas ay muling nagsigawan ang mga tao.

“Sunugin!”

“Sunugin!”

“Kapitan, iginagalang ka namin pero sana, wag ka nang makialam kung ayaw mong madamay.” Sigaw ng isa.

“Maghunus-dili kayo. Hindi dapat-”

Natigil ang sinasabi ng kapitan ng biglang may naghagis ng gasera sa bahay. Nagliyab agad ang gilid niyon. Sinundan pa ng isa pang gasera at mga sulo hanggang sa wala nang magawa ang kapitan.

“Tumawag kayo ng bumbero! Bilis!”

Ngunit walang nakinig sa kapitan kaya’t dali-dali niyang tinungo ang sasakyan at bigla itong pinaharurot.

Samantala, mula sa kinatatayuan ni Noel ay kita-kita niya si Larina. Ang maamong mukha nito ay nakangiti sa kanya sa kabila ng kalungkutan ng mukha. Unti-unting lumalaki ang apoy at nakikita niyang nasusunog ang upuan ng dalaga ngunit hindi man lang ito tumatayo.

Biglang binalot ng awa ang binatilyo at tiningnan niya ang mga tao. Abala ang mga ito sa paghahagis ng apoy. Palihim na tumakbo si Noel patungo sa likod bahay. Nang marating iyon ay kumuha siya ng kahoy at inihampas niya sa nasusunog na dingding. Mabilis siyang gumawa ng butas doon patungo sa kwarto ni Larina. Unti-unti nang tinutupok ng apoy ang bahay kaya’t nahirapang makapasok si Noel. Nilakihan niya ang butas at muli niyang sinubukang pumasok at sa pagkakataong iyon ay narating niya ang kwarto. Kinuha niya si Larina na nawalan ng malay dahil marahil sa usok at itinakbo niya sa may likod bahay. Dinala niya sa may matataas na maisan at doon niya inilapag.

“Larina! Larina!” sabi niya habang mahinang tinatapik ang pisngi ng dalaga ngunit hindi ito nagkakamalay. Pinisil niya ng daliri ang ilong ng dalaga at hinipan ang bibig nito. ilang ulit niyang ginawa iyon hanggang sa biglang magkamalay ang dalaga.

“Larina!” at napayakap si Noel sa dalaga.

“B-Bakit mo ako iniligtas? Sana ay hinayaan mo na akong masunog!” malungkot at nanghihinang sabi ng dalaga.

“Pwede ka pang magbagong buhay.”

“Hindi mo naiintindihan. Hindi sya titigil hangga’t buhay ako.” nanghihinang sabi niya. “Saksakin mo ako dito” at itinuro ang dibdib nito. Biglang naghina si Larina. Unti-unting naghahabol ng hininga. Tumingin siya sa mga mata ni Noel at nakiusap. “Pa-ta-yin mo na a-ko! patayin-” bigla’y nawalan ng malay ang dalaga. Dinama niya ang pulso nito at wala nang tibok iyon. Patay na ang dalaga. Bigla siyang nataranta. Hindi niya alam ang gagawin. Natakot siyang baka magalit ang taong bayan kapag nalaman nila ang ginawa niya. Tiningnan niya ang paligid at bigla’y tumakbong palihim at iniwanan ang patay na katawan ni Larina.

Tupok na ang kabahayan ng dumating ang kapitan. Huli na ang lahat. Iniutos na lamang niya na ilihim ang lahat ng iyon. palabasin na lang na nasunog ang bahay.

Madaling araw.

Tahimik na ang lahat ngunit si Noel ay hindi mapalagay ang loob. Maaring may makakita kay Larina. Natakot siya. Tumayo siya at dahan-dahang lumabas ng bahay. Nagtatakbo siya papunta sa ilaya at nakarating sa spring. Kumuha siya ng piko at pala bago nagtungo sa kinaroroonan ni Larina.

Nang marating ay palihim siyang naghukay sa likod bahay. Inilibing niya doon si Larina hanggang abutin siya ng liwanag. Tapos ay ibinalik niya ang mga gamit bago umuwi ng bahay. Ilang araw siyang umiyak sa mga pangyayaring iyon.






CHAPTER 15

“AAAAAHHHHHHHH!!!!!!” sabay-sabay na sigaw nila Jester, Lloyd at Gary ng makita si Larina sa kanilang harapan.

“Wag nyong tingnan! Wag nyong tingan!” sigaw ni Gary at sabay na pumikit ang dalawa. “Sagasaan mo na!” dugtong pa niya.

Mabilis na kumambyo si Llyod at pinaharurot ang sasakyan kahit na nakapikit. Naramdaman niya ang pagbunggo nila sa katawan ni Larina ngunit patuloy siya sa pagda-drive.

“Wala na” sabi ni Gary nang makalayo sila at dumilat na ang dalawa. Patuloy sila sa pag-arangkada. Nilingon ni Gary si Larina at nakita niyang wala na nga ito.

“San na tayo ngayon?” tanong ni Jester.

“Kahit saan basta lumayo lang tayo kay Larina.” Sagot ni Lloyd.

“Tiyak na hindi tayo titigilan nun.” Sabi ni Gary. “Sana ay hindi niya tayo-”

KLANG!

Naputol ang sinasabi ni Gary sa malakas na tunog na iyon mula sa bubong ng sasakyan. Sabay-sabay nilang tiningnan at nakita nila ang bahagyang paglubog na parang pinalakol. Bahagyang nayupi iyon.

KLANG!

Isa pang malakas na paghamapas at bahagya nang nabubutas ang bahaging iyon ng sasakyan. Binalot ng takot ang lahat. Kapwa namumutla at nanginginig ang mga katawan. Mabilis na inikot ni Lloyd sa kanan ang manibela at biglang binawi sa kaliwa. Paulit-ulit niyang ginawa iyon at nagpa-ekis ekis ang takbo ng sasakyan.

KLANG!

Hindi iniinda ni Larina ang pa-ekis ekis na takbo ng sasakyan. Tila hindi ito bumibitiw sa itaas.

KLANG!

Isa pang malakas na paghampas ay tuluyan nang nahiwa ang bubong. Inilusot ni Larina ang kamay sa butas na iyon at inunday ang kutsilyo sa kanila. Mabilis namang nakayuko ang tatlo.

SSKKEERTTTTCCHHH!!!

Biglang umalingawngaw ang malakas na preno ng sasakyan. Itinigil ni Lloyd ito dahil iniisip niyang tatalsik si Larina. Nagtagumpay naman siya. Biglang nawala sa bubungan ang babae. Saglit siyang natigilan.

Ngunit hindi inaasahan nila Gary at Jester ang biglaang pagpreno kaya’t hindi sila nakapaghanda. Halos tumalsik si Jester sa lakas ng impact ngunit sa kabutihang palad ay nagawa niyang kontrolin ang sarili at naiharang niya ang braso upang ang mabawasan ang impact. Samantalang si Gary, dahil nakatingin ito sa itaas ay tumama ang ulo nito sa likod ng upuan na nasa harapan niya. Nawalan ito ng malay sa sobrang lakas ng pagbangga.

“Gary! Gary!” si Jester habang tinatapik sa pisngi ang binata. Walang malay na nakasandal si Gary sa may pinto sa kanyang tabi.

“Gary!” sabi ni Lloyd. Palinga-linga siya sa paligid at hinahanap kung nasaan na si Larina. Wala ito.

“Paandarin mo na lang ulit.” Sabi Jester. Muling umupo si Lloyd sa driver’s seat, ngunit bago pa niya mapaandar ay biglang bumukas ang pinto sa gilid ni Gary. Dahil nakasandal dito ang binata, nahulog ang bandang ulunan nito. mabuti na lamang at nahawakan siya ni Jester at nahila ang damit kaya hindi natuluyan ang pagbagsak nito. Ngunit nakalaylay pa rin ang ulo nito sa labas.

“Bilisan mo naaa!!!” sigaw ni Jester at mabilis na kumambyo si Lloyd at pinaandar ang sasakyan. Ngunit nagulat siya ng makitang naroon na naman si Larina sa harap. At sa pagkakataong ito, napatingin siya sa naagnas na mukha ni Larina. Napatingin siya sa nanlilisik na mga mata nito. Bigla niyang binawi ang tingin at pumikit siya bago tuluyang pinaharurot ang sasakyan. Mabilis ang kanyang pag-arangkada. Ngunit sa kasamaang palad ay nawalan ng kontrol sa manibela ang binata at napunta ito sa gilid at tuloy-tuloy sa pag-arangkada hanggang sa-

BLAG!

Bumangga ang sasakyan sa malaking puno.


SAMANTALA, isa pang pagpala sa lupa ay naramdaman na ng kapitan na tila may tinatamaan na siyang bahagi ng katawan ng tao. Ibinaba niya ang pala at hinukay sa pamamagitan ng kamay ang lupa. Tinulungan siya ng tatlong kasama hanggang sa bumungad sa kanila ang katawan ni Larina.

Lahat ay nagtaka dahil sa loob ng mahabang panahon ng pagkakalibing, wala man lang ni isang bahagi ng katawan ang naagnas. Buong buo ang katawan nito na narumihan lamang ng lupa. Tulong-tulong nilang inialis ang katawan sa lupa. Pinagmasdang maigi ng kapitan si Larina at halata ang pigil na pagluha nito. Matapos noon ay binuhat niya si Larina.

“Tara na!” sabi niya at sabay-sabay silang tumakbo.

“Saan po ba ang simabahan?” tanong ni Pia.

“Sa kabilang ibayo. Mas mapapabilis kung doon tayo sa may bukid dadaan.” Sagot ng kapitan.

BEEP! BEEP!

Nagulat sila sa businang iyon ng sasakyan. Saglit silang tumigil at tiningnan iyon. Dumungaw mula doon si Mai at kinawayan sila.

“Mabuti at naisipan mong sumunod.” Sabi ng kapitan ng maisakay na lahat. Katabi niya si Larina na nasa bandang pinto ng sasakyan. Sa kabila naman niya ay nagsiksikan ang tatlong babae. Nasa unahan naman si Biboy.

“Si Biboy ang may sabi. Inutusan daw siya ni Tatang.” Sagot ni Mai.

Tiningnan ni Kapitan ang oras. “Alas-singko na. Malapit nang sumikat ang araw. Bilisan natin!” sabi niya at lalong pinaharurot ni Mai ang sasakyan.

“Kailangang patayin si Larina.” sabi ni Biboy. Nagbago ang boses nito. Naging boses ng matanda.

“B-biboy?” pag-aalalang tanong ni Mai.

“Wag kang mag-alala, ginamit ko ang katawan ng bata upang tulungan kayo.” Sabi ng bata.

“T-tatang, ikaw ba yan?” si Wendy.

“Ako nga. Kailangan nating patayin si Larina.” sabing muli ng matanda.

“Ano pong ibig nyong sabihin?” takang tanong ng kapitan.

Inilagay ni Biboy ang hintuturo sa harap ng labi. “Sssshhh”

Katahimikan.

Biglang nagulat ang kapitan. “T-tumitibok ang puso ni Larina.”

“ANOOOO???!!!” sabay-sabay na sabi ng lahat.

Ngumiti si Biboy. “Ang katawan ni Larina ang tanging lakas at kahinaan ng isa pang Larina. Ang kaluluwa.”

“Katawan? Kaluluwa?” takang tanong ni Pia.

“Ipinanganak si Larina na may kakambal na sumpa. Ang masamang kaluluwa nito. Pumapasok ito sa kanyang katawan kung kailan nito naisin at nagagawa niya ang lahat ng gusto niyang gawin. At habang nakakapasok ang kaluluwa sa katawan ay patuloy na titibok ang puso niya kahit patay na ang kanyang katawan. Iyon ay dahil sa kapangyarihan ng pinagsamang mga puso ng kambal. Ang pagsasama ng katawan at kaluluwa.”

“A-anong dapat nating gawin para maitigil na ‘to?” tanong ng kapitan.

Saglit na tumigil si Biboy. “Tapusin ang pagtibok ng kanyang puso. Saksakin ito bago sumikat ang araw at ilibing sa simabahan.” Sagot ni Biboy. “May pinto sa gilid ng altar. Buksan ninyo iyon at bumaba kayo doon. Makikita nyo ang libingan ng mga pari. Marami nang nakahandang hukay doon para sa mga susunod pang pari. Gamitin ninyo ang isa roon.”

Tiningnan ng kapitan ang maamong mukha ng dalaga. Naawa ito sa kanya.

“May kutsilyo dyan sa likod.” Sabi ni Mai at bahagyang tumayo si Pia at kinapa ang bandang likuran hanggang sa makuha niya ang kutsilyo. Iniabot niya iyon sa kapitan.

“Eto na tayo.” Sabi ni Mai. Sama-samang nagpunta ang lahat sa loob ng simbahan.

“Nawa’y magtagumpay kayo.” Sabi ni biboy at biglang nakatulog ito. kinalong na lamang ni Mai ang kapatid papasok sa simbahan.

“Dito!” sabi ni Pia ng makita ang pintong sinasabi ng matanda. Mabilis na tinungo ng kapitan iyon habang bitbit si Larina. “Sasamahan pa ba namin kayo?” tanong niya sa kapitan at umiling ito. “Goodluck kapitan.” At tumango sa kanya ang lalaki.

Ilang sandali pa’y nakahiga na si Larina sa hinukay na lupa. Itinaas ng kapitan ang kamay na may hawak na kutsilyo at akmang sasaksakin ang dalaga…..ngunit tumigil siya. Parang hindi niya kayang gawin. Tumulo ang kanyang luha ng hindi niya namamalayan. Hinawakan niya ang pisngi ng dalaga.

SAMANTALA, Gulat na gulat sina Jester at Lloyd sa pagkakabangga ng sasakyan nila sa puno. Muntik nang gumulong pababa ang walang malay na si Gary. Mabuti na lamang at napigilan nito ni Jester. Muling kumambyo si Lloyd at pilit na pinaatras ang sasakyan ngunit hindi ito umaandar. Binuksan niya bintana ng sasakyan at sinilip iyon. Nakita niyang na-stock sa may kalaliman ang gulong kaya’t hindi nito makuhang umandar. “Shit!” sabi niya.

“Anong nangyari?” si Jester.

“Kanal!” sagot ni Lloyd.

“Pano na yan?”

“Tumakbo na tayo! Walang ibang paraan!”

“Paano si Gary?”

Saglit na tumigil si Lloyd. Nag-isip. “Pilitin nating gisingin.” Sabi niya at tumabi siya kay Jester. Kapwa sila nasa paanan ni Gary habang nakalaylay pa rin ang ulo ng binata sa labas ng sasakyan. Bukas lahat ng pinto ng sasakyan maliban sa kabilang side ng driver’s seat.

Biglang lumitaw si Larina sa kabilang side ng sasakyan. Nasa ulunan ni Gary. Nakangiti ito sa kanila. Tila nag-akyatan ang kanilang mga dugo sa kanilang ulo nang makita nila ang babae. Kitang-kita nila ng iangat nito ang kamay na may hawak na kutsilyo at itinutok iyon kay Gary. Akmang itataga ng babae ang kutsilyo kay Gary-

“Hila!” sigaw ni Jester at sabay nilang hinila ang paanan ni Gary. Umurong iyon papalapit sa kanila at papalayo kay Larina, dahilan upang sumablay ang pagtaga nito.


SA KABILANG DAKO,

“Kapitan! Ano na ang nangyari?” sigaw ni Wendy sa may pintuan. Naiwan kasi sila doon at ang kapitan lamang ang bumaba para patayin si Larina at ilibing.

Nagulat ang kapitan sa sigaw niyang iyon at biglang naalala ang mga taong kasama niya. Sina Lloyd, Jester at Gary na ibinubuwis ang buhay para sa katahimikan ng Sta. Isabela. Muli niyang tiningnan ang dalaga sa kanyang harapan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at muling itinaas ang kamay.


MULING ITINAAS NI Larina ang kanyang kamay at itinutok iyon kay Gary. Nagkatinginan sina Lloyd at Jester. Sabay silang tumango na tila nagkaintindihan. Bago pa ibaba ni Larina ang kamay upang pugutan ng ulo si Gary ay sabay na hinila ng dalawa ang paanan ni Gary ng ubod lakas at hindi na nila ito binitiwan hanggang makalabas ito ng sasakyan. Patuloy pa rin ang kanilang paghila at halos patakbo silang lumayo at hila-hila si Gary. Kinaladkad nila ito.

“TIK-TILAOOOKKK!!!”

Sa di kalayuan ay naririnig nila ang tilaok ng manok. Tiningnan nila ang langit. Malapit nang sumilay ang araw.

Muli nilang tiningnan ang kinaroroonan ni Larina ngunit nagulat sila dahil wala ito doon. Nagkatinginan sila at parehong nagtaka. Pagharap nila, halos sabay silang himatayin ng makitang naroon si Larina. Nakangiti pa rin ito. iniangat nito ang mga kamay at akmang tatagpasin ang kanilang mga ulo ng biglang sabay silang tumakbo sa magkaibang direksyon. Nabitawan nila si Gary.

Sabay silang tumigil at balak sana nilang balikan si Gary ngunit nawalan na sila ng pag-asa ng makita ito. Naroon si Larina. Nakangiti. Nakataas ang kamay at akmang pupugutan ng ulo si Gary. Biglang nagising si Gary at dahan-dahang iminulat ang mata.


TSUG! Masakit man sa loob ng kapitan ay naitusok niya ang kutsilyo sa puso ni Larina. ilang saglit pa’y tumigil na ang tibok ng puso niyon. Pinagmasdan niyang mabuti ang dalaga at patuloy ang kanyang pagluha. Simula pagkabata ay hinahangaan niya ito. umabot siya sa kanyang edad ng hindi man lamang tumingin sa ibang babae. Maliban kay Larina.

Samantala, Inip na inip na ang apat na babae habang hinihintay ang kapitan. Sumikat na ang araw. Ang sinag nito’y pumasok sa mga siwang ng simbahan. Nagbigay ng kaunting liwanag doon.

“Mabuti pa siguro’y puntahan natin. Kanina pa sya doon!” sabi ni Pia.

“Mabuti pa nga! Tara!” sagot ni Aira.

“Maiwan na kami dito ni Mai.” Si Wendy. “Nag-aalala ako kina Gary. Tiyak na dito sila pupunta.” Patuloy niya.

“Ok!” sagot ni Pia at magkasama silang bumaba sa libingan.

“Kapitan?” sabi ni Aira habang dahan-dahang naglalakad papalapit sa bakanteng hukay. Patuloy sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ito.

Nagulat ang dalawa sa nakita. Naroon si Larina. Nakahiga. At naroon din ang kapitan, katabi ni Larina. Nakahiga rin ito. Nagtayuan ang kanilang balahibo ng mapansin ang duguang braso ng kapitan. Naglaslas ito ng pulso. Nagpakamatay ito sa tabi ni Larina.


Samantala, sa pinto ng simbahan, nakaabang si Wendy. Malayo ang tingin niya.

“Wendy!” tinig mula sa kalayuan. Tingingnan niya ang pinanggagalingan niyon at bigla’y natuwa siya ng makita si Gary. Papalapit ito sa kanya. Sinalubong niya ito at niyakap.

“Akala ko kung napaano ka na.” alalang sabi ni Wendy. Ngumiti lang ang binata.

“Mahal na mahal kita Wendy!” bulong ni Gary.

“Mahal na mahal din kita Gary.” Sabi niya ng hindi bumibitiw sa nobyo. “Nasaan na sila Lloyd?.” Tanong niya.

“Paparating na yun. Mabagal maglakad eh!” sagot ni Gary at humiwalay sa pagkakayakap. “Teka lang-” at tumalikod ang binata papasok ng simbahan.

“Saan ka pupunta?”

Humarap ang binata at kumindat sa kanya. Ngumiti ito at muling tumalikod sa kanya.

“Wendy!” tinig mula sa likod ni Wendy. Nilingon niya iyon at nakitang tumatakbong papalapit sina Jester at Lloyd.

Ngumiti ang dalaga sa kanila. “Bat ngayon lang kayo? Iba na talaga pag tumatanda. Mabagal na maglakad” biro niya.

Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Seryoso ang mukha nila.

“Wendy-” si Lloyd. “S-si Gary-” pautal niyang sinabi. “P-patay na si Gary!” at bigla’y lumuha si Lloyd. “I’m sorry! Ginawa na namin lahat!”

Ngumiti si Wendy. “What are you talking about?” Tumingin siya sa likod at sinilip ang loob ng simbahan. “Gary’s here! Nauna pa sya sa inyo.”

“No Wendy!” si Jester. “Iniwan namin si Gary doon para humingi ng tulong. Pinatay sya ni Larina.” umiyak na rin si Jester.

“Wag nyo nga akong gawing tanga!” tumalikod ito at pumasok sa simbahan. “Gary! Gary!” sigaw niya ngunit wala doon ang binata. “Mai, nasaan si Gary? San sya nagpunta? Pumasok sya dito diba?”

Nagtaka si Mai. “Gary? Pumasok ba sya rito? Kanina pa ako dito pero hindi ko sya nakikita.”

“Wendy please! We’re sorry!” at niyakap ni Lloyd ang dalaga.

“Hindi pa sya patay! Sabihin nyo…he’s not dead!” at umagos ang luha ng dalaga.

“NOOOOOOOOOOO!!!!!”


-WAKAS-








PAHABOL

Isang taon ang nakalilipas buhat ng mangyari ang nakalulungkot ng trahedya. Lumabas si Pia mula sa banyo pagkatapos maligo. Nakatapis lamang siya ng tuwalya at ang ang kanyang buhok at pinuluputan din ng towel. Dumiretso siya sa harap ng salamin upang maglagay ng toner sa mukha ng biglang may narinig siyang mahinang pagtawa. Saglit siyang tumigil at pinakiramdaman iyon. Ngunit bigla’y nawala ang tunog. Bumalik siya sa kanyang ginagawa ng biglang bumalik ang mahinang pagtawa. Muli siyang tumigil at bigla niyang nilingon ang likuran. Nilibot ng tingin ang paligid ngunit wala siyang nakitang anuman o sinoman. Pagtingin niya sa salamin, muntik na siyang mawalan ng ulirat sa nakita. Sa imahe nya sa salamin, nasa likod niya si Larina!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento