Linggo, Disyembre 27, 2009

BIENTIRADOR

UNANG TAGPO:

Sa tapat ng isang club sa Pasay, nakahandusay si Bien. Duguan ito ng makita ng dumaang chicks. Lumapit ito at nagtangkang dumamay. Kahit nanlalabo ang paningin ni Bien ay pinilit niyang titigan ang mga hita nito. biglang nanikip ang kanyang pantalon. Nagwawala si incredible hulk sa loob nito.

CHICK: Ay! Papang macho gwapito!!!...(saglit na tumigil).. Anong nangyari sayo pre? (boses lalaki)
BIEN: wala ka sa ayus ah! Akala ko babae ka! Leche! (muling lumuwag ang pantalon)
CHICK: ayaw mo bang tulungan kita? Ano bang nangyari?
BIEN: naholdap ako. Mga babae pa naman. Tapos sinaksak ako nang hindi ko binigay ang gusto nila
CHICK: dapat kasi ibinigay mo na lang. ano ba yun?
BIEN: ang puri ko! wala sila sa ayus ha? Walang pwedeng makatikim sa akin ng hindi ko gusto.
CHICK: ay ganun ba? Dapat tumawag ka sa pulis
BIEN: Piso na lang load ko. nagtext na lang ako.
CHICK: nagreply naman?
BIEN: Oo. Eto oh. (iniabot ang celfone) “hu u? how did u get my #?”
CHICK: naku, ang mga pulis talaga!!! Imbyerna. O sige, dalhin na lang kita sa ospital. Come to mama!
BIEN: Umayos ka ha? Humanda sila. Maghihiganti ako!!!


IKALAWANG TAGPO:

Sa loob ng club, magkakasabay na nagsasayaw ang mga totoong chicks. Sina Louie, Jeanifer, Janice, Ivy, Jonie, Aira.

LOUIE: Ano ba itong ginagawa natin?
JEAN: Edi nagsasayaw. Ano pa sa tingin mo?
JANICE: Eh, bakit naman tayo nagsasayaw?
IVY: Haller! Ano ba ang papel natin dito?
JONIE: Edi dancer!
AIRA: wag na nga kayong daldal ng daldal jan. sayaw na!

Patuloy ang kanilang pagsasayaw ng mapansin ang costumer sa sulok. Ang bisayang labandero. Gabi-gabi sya doon. Dahil sa tapat lang ng club ang bahay nya. Pinagkakaguluhan siya ng iba pang dancer doon. Kahit walang appeal ay kapansin-pansin ito.. Dahil sya lang ang nag-iisang costumer doon.

LOUIE: hoy! Nakikita nyo ba yung costumer na nakikita ko?
IVY: Haller! Obyus ba? Parang meron pang ibang tao dito. Jologs!
JEAN: gusto nyo magpaligsahan tayo?
JANICE: kung sino ang pipiliin nya sa atin?
JEAN: hindi noh? Itsura nya. Hmp! Magpaligsahan tayo sa pagalingan ng pagsayaw.
AIRA: ayan na naman kayo. Feeling marurunong talaga.
JONIE: basta ako, di na kailangan pang itanong dahil kitang-kita na!
JEAN: ano, game ba kayo, o naduduwag kayo sa hamon ko? yung lalaking iyon ang magiging judge.
LOUIE: call ako!
IVY: ako rin!
JANICE: Go!
AIRA: mapapahiya lang kayo. Game!
JONIE: Kahit sino pa ang judge, alaman na yan!

JEAN: psst! Hoy! Halika nga dito!
BISAYA: Ako ba ang tenatawag nyo?
IVY: Haller! May ibang tao ba dyan?
BISAYA: Ay ako nga. (lumapit ito sa kanila) baket?
AIRA: sabihin mo nga sa amin kung sino ang pinakamagaling sumayaw!
LOUIE: at kung sino ang mapipili mo, pwede mong ilabas.
BISAYA: Talaga? Sege!
JOINE: Hit it on, Mr. DJ

(Unchained melody – april boy regino version)

Naghihiyawan habang gumigiling ang mga dancer. Hindi naman mapakali ang bisaya sa upuan. Nawili sa pinapanood. Nang biglang may sumigaw sa labas.

SUNOOOGG!!! At may kasama pang tilaok ng manok at kahol ng aso.


LOUIE: Sunog daw takbooo!!
AIRA, JONIE, IVY, JANICE, JEAN: eeeeeehhhh!!!!! (sabay-sabay.)
BISAYA: nako ang mga senampay ko!!!

Sabay-sabay silang tumakbo palabas ng club. Nagsasayaw pa rin ang mga dancer habang tumatakbo.




IKATLONG TAGPO:

Nagising si Bien dahil sa sakit sa kanyang tiyan. Nasa loob na siya ng ospital. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Nakatalikod ang nurse sa kanya habang inaayos ang sugat. Kitang kita niya ang tambok ng pwet nito. natutukso siyang pisilin iyon. Iginalaw niya ang kamay at akmang hihipo sa halos nakatuwad na nurse.
Hindi na makontrol ni Bien ang sarili. Nanginginig na ito kaya’t bigla niyang hinawakan ang pwet ng nurse. Pinisil iyon (with matching pakit pa at kagat sa labi!)

NURSE: Aaay!!! Ang naughty mo naman sir! (hindi na humarap ang nurse)
BIEN: pasensya ka na ha? Ang sexy mo kasi eh. Ayus na ayos! He he he.
NURSE: Ok lang sir. Matagal na rin akong hindi nahahawakan dyan. Mga 40 years na rin. (biglang humarap ang nurse. Kamukha ni Elvira!)
BIEN: Nyaaahhh!!!! L-lola? Este, matsonda ka na pala? Wala sa ayus ah!
NURSE: keep on coming sir! (kindat and dila sa labi)
BIEN: Waaahhh!! Saklolo!!!!
Biglang nawala ang sakit ng mga sugat ni Bien. Napatakbo siya palabas ng ospital. Hinabol naman siya ng nurse. Nasalubong niya ang Indyanong guard. (kamukha ni Yoga.) kumakain ito ng pharata (ewan ko kung saan sya nakabili nun) nagtago si Bien sa likod nito.

GUARD: Hey! What’s happening here pare?
BIEN: Help me pare, this…this…this… ay yawa! Ano ba inglis nun? (parating na ang nurse)
NURSE: Guard! Gib dat man tu mi. his may peysyent. Ran awey peysyent.
GUARD: Aha! Your running away ha? Leave it to me nurse! I will handle this. (itinapon ang pharata)
NURSE: (Natigilan) magkikita pa tayo papa! (tumalikod ito na nanghihinayang.)
BIEN: Tenk yu! Tenk yu!
Napatingin ang guard na kamukha ni Yoga kay Bien. Napatitig sa mukha nito pababa at saglit na tumigil ang paningin sa may @#$ ni Bien. Napakagat labi ito.
GUARD: Ok. Common, I’ll take you to another room.
BIEN: ok. (at nauna siyang lumakad)
GUARD: Turn right at the corner. (sumunod naman si Bien)
Pagliko nila sa may hallway ay biglang naramdaman ni Bien ang pagkurot sa kanyang pwet. Nagulat siya at napalingon. Ang guard ay nakangiti sa kanya at kumindat. Akmang dadakma sa #$%@ ni Bien ngunit nakaiwas ito. takbo na naman si Bien.

GUARD: Hey! Come back! I’m good at s*x! Common.
BIEN: Aaaaahhh!!!

Nakarating siya sa labas. Saktong may taksing papadating. Pinara niya iyon at mabilis siyang sumakay pagtigil nito.

DRIVER: San tayo brod?
BIEN: Kahit saan! Hinahabol ako! Takbo naaa!!
Bumaba ang driver at tumakbong papalayo.
BIEN: Hoy! San ka pupunta?
DRIVER: Sabi mo, takbo?!!
BIEN: Ay yawa! Drive!!! (muling pumasok ang driver at pinaharurot ang taksi)

Kumuha ng bisikleta ang guard at hinabol ang taksi. Tuloy-tuloy na humarurot ang taksi. Lumiko sa kanan. Sa kaliwa. Paikot-ikot. Hanggang sa madaanan nila ang nasusunog na building sa tapat ng club. Nagkakagulo ang mga tao. pumara ang mga dancers ngunit hindi ito tinigilan ng taksi. Nang biglang humarang sa daan ang bisayang labandero. Bitbit ang damit na isinampay niya. Napilitang itigil ito ng driver. Biglang binuksan ng isang dancer ang pinto at mabilis nagsakayan ang anim na dancers. Nagsasayaw pa rin sila.(bahala na kayo kung paano napagkasya yun.)
DJ: Hoy! Sama ako (at tumalon sa ibabaw ng taksi)
BISAYA: Ako ren! (tumalon din ito sa ibabaw. Bitbit pa rin ang mga isinampay na damit)
Humarurot bigla ang taksi. Mabilis na mabilis ang takbo nito.
DRIVER: Mga Pu#@$# nyo!!! Pag nasira ang taksi ko, babayaran nyo to ha?
BIEN: Ano ba kayo? Wala bang ibang taksi? Wala kayo sa ayus ah! Tirahin ko kayo eh!
IVY: Haller! Kung meron ba, sa tingin mo sasakay kami dito? Jologs!
DANCERS: (sabay-sabay) oo nga! (nagsasayaw pa rin.)

Sa di kalayuan ay hindi napansin ng driver ang bangin. Mabilis ang takbo ng sasakyan. Nagkakagulo ang mga pasahero. Ang dalawang tao sa ibabaw ng taksi (DJ at ang bisaya) ay hindi rin nakita iyon dahil nagto-tong its sila habang nagkakape. Walang nagbigay alam sa driver. Palapit na sila ng palapit. Nang biglang..
WAAAAAHHHHH!!!!! (sabay-sabay silang lahat)
Nahulog ang taksi sa bangin. Nagpagulong gulong ito.



IKAAPAT NA TAGPO:

Nagising ang buong cast sa isang kakaibang lugar. Ubod ng liwanag. Walang kahit isang buiding. At sa di kalayua’y nakita nila ang malaking gate. Sa harap noon ay may isang mahabang pila.

BIEN: Nasaan na tayo?
DRIVER: P$#@& ina! Mali sana ang hinala ko.
IVY: Haller! Edi magtanong tayo! Ayun oh! Ang daming tao.
Lumakad sila papalapit sa nakapilang mga tao. iba’t ibang lahi ang nakapila. Nagtataka pa rin ang buong cast. Naghahanap ng matatanungan na kalahi nila. Nang biglang may tumawag sa bandang likuran. Isang Lalaki. Pinoy. Nagsasayaw ito habang nakapila. Macho Dancer. Si Freddie.
FREDDIE: Hoy! Mga jologs! May pila po! bawal sumingit! (napalingon lahat)
BISAYA: Dong, nasaan kami? Anong logar to?
FREDDIE: Ha? Hindi nyo alam?
AIRA: Magtatanong ba kami kung alam namin?
DANCERS: Oo nga! (nagsasayaw pa rin)
FREDDIE: You are in heaven, man! At papunta tayo lahat kay San Pedro. Eto ang pila.
CAST: Heaven???!!!
DRIVER: P@#$%%# ina!!! Sabi ko na nga ba, patay na tayong lahat eh.
BIEN: Wala sa ayus to! Tara kausapin natin si San Pedro, baka pwede pa tayong bumalik!
LAHAT: oo nga!
FREDDIE: Sama ako! (at sabay-sabay silang tumakbo papunta sa gate)
IBANG LAHI 1: Hey! There’s a line in here.
IBANG LAHI 2: Filipini too much problem!
IBANG LAHI 3: kaliwali filipini!!!


IKALIMANG TAGPO:

Sa wakas ay narating nila ang gate. Ngunit nakasara iyon. May nakita silang isang intsik sa tabi at tinanong nila ito.

BIEN: Bay! Nakakaintindi ka ng tagalog?
INTSIK: Oo naman. Aken nanay piripino. Aken tatay intsik. Baket?
BIEN: Itatanong ko sana kung nandyan si San Pedro.
INTSIK: Ah! Oo. Sya andyan sa loob. Makbubukas gate maya after 2 hours.
BIEN: Ano? Wala sa ayus ah!
JEAN: mawalang galang na po! Ano naman ang ginagawa nyo rito? Bakit hindi kayo nakapila.
INTSIK: Hindi mo ba kita? Sarado pa ang gate. Ako tinda tinda muna dito sa tapat. Gusto mo bili?
DRIVER: P#$% ina!!! bibigwasan ko ‘tong tsekwa na to eh!
DJ: Puso mo pre! Hinay-hinay lang.
BIEN: hindi pwede ito! Tao po! Tao po! (kinatok ang gate.)
Biglang bumukas ng bahagya iyon at iniluwa ang isang matandang lalaki. Mahaba ang bigote at medyo tisoy. Si San Pedro.

SAN PEDRO: Ano ba? Sino ba yang nang-iistorbo? Ke aga-aga eh!
BIEN: Pasensya na po! Makikiusap lang po ako kung pwedeng bumalik muna kami sa lupa.
SAN PEDRO: Ano kamo?
BIEN: Sabi ko, Makikiusap lang po ako kung pwedeng bumalik muna kami sa lupa??? (Halos pasigaw)
SAN PEDRO: teka lang (tinanggal ang iPod sa tenga) ano nga ulit yun?
BIEN: Titirahin ko na ‘to eh! Sabi ko, Makikiusap lang po ako kung pwedeng bumalik muna kami sa lupa???
SAN PEDRO: Ah, yun bah? Hindi mo ba nakikita? (itinuro ang sign sa pinto)
“SORRY! WE’RE CLOSED office hours 8:00am – 5:00pm”

AIRA: Father sige na po! Baka pwedeng makiuna na kami. (nagsasayaw pa rin)
LOUIE: Oo nga po father, pls?! madami pa akong kailangang gawin sa mundo.
JONIE: Ako rin! Gusto ko munang mag-asawa..huhuhu
JANICE: ako rin po father. Magpapa-sexy muna ako bago matsuge.
BISAYA: Ako din po. May naewan pa akong labahen don.
FREDDIE: Ako rin, dami pang gustong manood ng performance ko. (nagsasayaw pa rin)
SAN PEDRO: unang-una, hindi ako si father, ako si Saint Peter, ok? Ikalawa, sigurado ba kayong nasa listahan na kayo?
IVY: Goodness! Kaya nga kami nandito para magtanong! Deym!
SAN PEDRO: Ah ok! Teka, ipakukuha ko lang yung book. Sandali lang at ite-text ko si Angel Miguel. (kinuha ang N92) naku wala na pala akong load. Haay! Expired na ang unlimited text ko.
INTSIK: ako melon load! Makkano ba iyo gusto?
SAN PEDRO: pasa load lang 5.
INTSIK: ok!
Natapos ang pagdutdot ni San Pedro sa cell at after ilang minuto, dumating si Miguel dala ang book. Isa-isa niyang tinanong ang buong pangalan nila at address pati ang parents name.
SAN PEDRO: well guys! Sorry, wala ang mga pangalan nyo rito! Hind nyo pa oras!
CAST: Talaga po? Yehey!
SAN PEDRO: Nakikita nyo ba ang pintong iyon? Dun ang daan pabalik sa lupa.
CAST: tenkyu po!!! (sabay-sabay tumalikod)
SAN PEDRO: Sandali lang! (lumingon lahat sila) kailangan nyo munang pirmahan itong release paper nyo! Kailangan ko rin kayong kunan ng litrato para mai-upload ko sa friendster.





Natapos din ang pakikipagtagpo nila kay San Pedro. On the way na sila sa pinto. Ng bigla silang napatigil sa pagtawag ng isang babae.
BABAE: Bien! (lahat ay napalingon)
BIEN: (tila binuhusan ng malamig na tubig sa pagkabigla) Ruffa Mae? (At tumakbo sya papalapit dito)
BABAE/RUFFA: Ako nga Bien, kamusta ka na? ang tagal kitang hinintay (embrace)
BIEN: Patawarin mo ako (drama mode) (may background sound “because of you”)
RUFFA: Bien, kalimutan na nating lahat ang nakaraan.
BIEN: Anong ginagawa mo rito? P-patay ka na? bakit?
RUFFA: Huhuhuhu!!! Nasunog yung bahay na ipinundar mo Bien. Waaahhh!!! (tulo ang luha lumobo ang sipon..eeewww!!!) at hindi lang ako ang biktima. Pati si Kathy. Ang anak mo!!!
BIEN: (Gulat na gulat) M-may anak tayo?
KATHY: (mula sa likod ng ina) Itay? Ikaw ang itay ko? (embrace)
BIEN: Totoo ba to? Hindi ako makapaniwala. Anak? Ilang taon ka na?
KATHY: twenty one po!
BIEN: Ikaw nga ang anak ko!!!
BISAYA: Tika, tika lang, senget lang ako…elang taon ka na ba Bien?
BIEN: Trenta, bakit? May angal?
BISAYA: Ebeg sabehen, nagkaanak ka nung 9 yers old ka? Oh my God! I cannot handol dis!!! (hinimatay)
KATHY: Itay, alam ko kung saan kayo pupunta. Isama nyo na ako!
BIEN: Oo anak, itatakas kita dito. Tara!
KATHY: Ang inay?
RUFFA: Oks na ako dito Kath, gusto ko nang makita ang idol ko… si Sadam Hussein! Magpapa-autograph lang ako. Mag-iingat kayo.
KATHY: Opo inay. Misyu. Mwah!
RUFFA: Ok. Text-text na lang! babush!!!
DRIVER: Hoy! Mga P#$%# ina! Bilisan nyo! Ang daming kaartehan!




IKAANIM NA TAGPO:


Isang nakasisilaw na liwanag ang nasa kabila ng pintong iyon. Sa isang iglap ay biglang nagdilim. Pagdilat ng kanilang mga mata ay nasa bangin muli sila.
DJ: Waaaahhhh!!!! Buhay ako! Huhuhu!!!
BIEN: Anak?! Anak?! Huhuhu!!!
IVY: Jologs! Wala dito ang anak mo. Dito ba sya namatay? Huhuhu!!!
JEAN: Oo nga! E bakit ka naman umiiyak? Huhuhu!
IVY: Naipit ako ng pinto eh! Huhuhu ikaw, bakit umiiyak ka rin?
JEAN: nasira ang damit ko!!! ang mahal pa naman nito!!!
BISAYA: waaaaahhhh!!!
AIRA: Ano naman ang drama mo jan? huhuhu
BISAYA: Ang mga nelabhan ko. nadomehan…waaaahhh!!!
LOUIE: Hoy Aira Ano naman iniiyak–iyak mo jan?
AIRA: Wala. Umiiyak sila lahat eh, magpapahuli ba ako sa uso?
LOUIE: Ako rin…waaahhhh!!!!

Nagulat ang lahat sa isang ingay mula sa itaas ng bangin.

PULIS: Mga pulis kami!!! Taas ang mga kamay!!!
DRIVER: P#%$^ ina! Mga pulis! Takbo! (takbuhan sila lahat. Nagsasayaw pa rin ang mga dancer habang tumatakbo)
BISAYA: Tika, baket tayo tomatakbo? (bitbit pa rin ang mga nilabhan)
JONIE: Oo nga! Bakit nga ba?
DRIVER: P@#$% ina! Wag na kayong magtanong! Damay-damay na to!!!
CAST: HUWAAATTT!!!!
BIEN: ano ibig mo sabihin pare?
DRIVER: Hindi ako taxi driver. Ano ako, cheap??! Holdaper ako ng bangko!!! At yung taxi, kinarnap ko lng.
BIEN: Ah Ganun? Tirahin na ‘to!!!
CAST: Oo nga!! Saktan na yan!!!
DRIVER: Sige subukan nyo kung sawa na kayo sa buhay nyo!!! P@#$@# ina!! Ano ha???!!!
DJ: Joke lang brad! Cool ka lang! tropa tayo!
BIEN: Hindi pwede!!! (patuloy pa rin ang takbo nilang lahat)
Sa di kalayuan ay may nasalubong sila. Isang taong nagbibisikleta. Ang Gwardiya!
GUARD: Hey! There you are! Come back!
BIEN: Oh my God! Takbo ng mabilis!!! Sige Friends na tayong lahat!!! Damay-damay na ‘to!!!
GUARD: Hey! Come back here!!!
JANICE: Ano naman atraso mo dun?
BIEN: Mahabang story. Takbo na lang muna tayo!
AIRA: Make it short na lang. kakaboring kasi yung puro takbo lang. dapat may nagkukwento. Palipas oras lang.
BIEN: Tumigil ka na! baka tirahin kita dyan eh!
AIRA: Ay! Ang taray naman! Hmp!

Napasok nila ang gubat. Madilim at liblib iyon. Kasunod ang dalawang pulis na nagtyagang humabol sa kanila until the end.
DRIVER: Dito tayo sa may damuhan! Dapa lahat! (nagdapaan naman lahat)
Paparating ang pulis.

PULIS1: Mabuti pa siguro, itigil na natin ang paghahabol.
PULIS2: Hindi pwede! Nandito lang yun!
PULIS1: Madilim eh, hindi natin sila makikita.
Biglang may narinig silang ubo. Si Ivy. Napaubo.
PULIS2: Ayun! May narinig ako doon! Dito ka lang, back-up-an mo na lang ako!
Dahan-dahan lumapit sa may makapal na damo.
IVY: Miyaw! Miyaw!
PULIS2: Pusa lang pala! (at lumakad pabalik sa kasama pero natapakan ang kamay ng driver)
DRIVER: Aray!
PULIS2: Ano yun? (hinanap ang pinagmulan ng ingay)
DRIVER: Aso ako! P@#$@ ina! Kagatin kita dyan eh!
PULIS2: Aso lang pala! (At lumapit sa kasamang pulis)
PULIS2: Halika na! wala nang tao dito. Puro hayop na eh. Siguradong nilapa na sila nun! Hahaha!!!
PULIS1: Sabi ko naman kasi sayo eh!
PULIS2: Hindi man natin nahuli, patay naman sila sa wild animals. Wahahaha! Mautak yata ‘to! (nag-apir pa ang mga hinayupak!)
Nakaalis na ang dalawang pulis. Xempre, as expected, takbo ulit ang buong cast. Hanggang sa marating nila ang isang simbahan sa pusod ng gubat. (may pusod ba ang gubat?)

IVY: so creepy naman dyan, balik na lang tayo!
BIEN: Sige, magpakulong ka doon.
BISAYA: Baka may wakwak deto
DRIVER: Sige! Ang ayaw pumasok, wag pumasok! Tapos!
DJ: Tao po! Tao po!
JONIE: Wala atang tao eh!
JANICE: Ayan may doorbell. Gamitin nyo!
BISAYA: (Itinapat ang bibig sa doorbell.) Hello! Mic test! Hello! Tao po! Tao po!
DRIVER: P@#$ ina! Hindi ganyan! Kutusan kita eh!
BISAYA: Ay hende ba? (kinuha ang doorbell at ipinukpok sa pinto) Tao po!
BIEN: Tirahin ko na kaya tong bisayang ‘to! (biglang bumukas ang pinto)
BISAYA: Waw! Epektib pala yun! (Lumabas ang isang pari)

PARI: Yo! Mga peeps musta na u all? (smiling mode pa)
JEAN: Father, pwede po ba kaming magpalipas ng gabi dito? (sumasayaw pa rin)
AIRA: Oo nga po! Nakakatakot kasi sa gubat eh!
PARI: Yun lang bah? Walang problema mga repapeeps! Carry lang! Get in! (pumasok sila isa isa)
JANICE: Huwaw! Ang laki pala nito sa loob.
PARI: Gusto nyo ba ng kape? Sandali lang at ipagtitimpla ko kayo. Maupo lang kayo dyan.



Nililibot ng paningin ng buong cast ang loob ng simbahan. Luma na iyon at parang nakakatakot kung titingnan. Tumuntong si Freddie sa upuan at doon muling nagsayaw.
FREDDIE: Malapit na ang show ko. kailangan ko na magpraktis
JEAN: gusto mo, Sali ka na lang sa contest namin? Ano, girls, ituloy na natin? Asan na si Bisaya?
BISAYA: hay nako, wala na ako sa mod. Aym gadam tayrd!
AIRA: Paano ba yan? So walang winner?
LOUIE: (lumapit kay bisaya habang nagsasayaw) Ayaw mo ba kaming mailabas?
BISAYA: (biglang nanginig ang tuhod) sege na nga! Pero jenggol mona ako. Saan kaya ang banyo?
BIEN: problema mo na yun! Umihi ka na lang dyan sa tabi tabi!
BISAYA: ayoko nga! Tika lang mag jenggol lang ako doon. (at umalis na nga papunta sa sulok at pumasok sa pinto dala pa rin ang nilabhan nya.)
JANICE: Sleep muna ako. Kailangan ko na ng beauty rest. (nakahiga sa mahabang upuan ng simbahan. Sabay pikit and in just one second, tulog na. kumekembot pa rin.)
PARI: (mula sa pinto sa likod ng imahe ni Mama Mary) eto na ang kape nyo! Pasensya na kung natagalan
BIEN: Naku, nakakahiya naman po father. Napakalaking utang na loob namin ito sa inyo.
PARI: Watdapak! Wala yun! Matagal na rin naman ako naghahanap ng makakasama dito.
DRIVER: Father, ikaw lang ba mag-isa dito?
JONIE: Gumalang ka naman kay father. (nag-split pa sabay kembot)
DRIVER: P@#$% ina! bat ba nakikialam ka? Sawa ka na ba sa buhay mo?
JONIE: Sorry, suggestion lang naman.
PARI: Tama na yan. Anyway, just to answer ur deym question, meron akong mga tropapeeps, kaso, wala pa sila dito. It’s too early pa eh. Maya-maya lang jamming na yung mga iyon dito. Bueno, maiwan ko na muna kayo at may inaasikaso pa ako. Feel at home na lang kayo dito.
IVY: Domo arigatu gusaimsu, father
PARI: Dou Itashimashite!
IVY: Huwaw! Naka-relate pala kayo father!
PARI: Op corse! Tagal ko nang pari noh? (kindat bago tumalikod at tuloy tuloy na sa loob)
FREDDIE: Asan na ba yung bisayang yun? Sasali ako sa contest nyo. Ako muna ang proxy nyang tulog na yan.
AIRA: wait na lang. baka naligaw. Let’s get to know each other na lang.
Ayun, nagpakilala isa isa, hi, hello! Inuman ng kape, nag-tumbling, split, nag-inuman, sumuka, nangaroling, tinapos ang task na binigay ni Big Brother, at kung anu-ano pa just to get each other’s trust!





IKAPITONG TAGPO:

Napasok ni Bisaya ang isang madilim na hallway. Puputok na ang pantog niya bago makita ang hinahanap. Sa wakas! Tentenenen!!! Ang CR! Patakbo niyang nilapitan ang bowl. Ibinaba ang mga nilabhan at inilabas ang t_t_ na kasinlaki ng poste!!! Huwaw!!! (joke lang. kalahating dangkal lang talaga!) at nagpasabog!
BISAYA: (kumakanta) doncha wesh yor boypren was hot like me.(kumembot kembot pa. talsikan ang ihi sa pader at sa pantalon pero dedma lang.)
Biglang lumitaw sa bandang likuran niya ang babaeng nakaputi. Mahaba ang buhok. Nakasayad sa lupa.masama ang tingin sa bisaya. At nang matapos nang umihi ay tumalikod na ito.
BISAYA: Sus Ginoo! Nagolat naman ako sayo. Sore ha? Ledes rom pala ang napasok ko.
Hindi umiimik ang babae.
BISAYA: Kasama ka ni father dito? Ang pote naman ng soot mo. Anong sabon ang gamet mo?
Dedma pa rin ang girlalu
BISAYA: baket ba ayaw mo magsaleta? Pepe ka ba? Sabe ko, anong sabon ang gamet mo.
GIRL: Tide Ultra!
BISAYA: Huwaw! Saka ang haba ng her mo. Rebond yan ‘day?
GIRL: Shinampoo ko lang!
BISAYA: Bakit masama ang tengen mo? Galet ka ba? Nag-sore na nga ako ah
GIRL: Pwede ba? White lady ako! Matakot ka naman noh? Heller!!! Ang shunga naman netoh!
BISAYA: weeeh!! magbinuang pa ka sa ako? Ka-gwapa man nimo.
(Biglang lumutang sa hangin ang babae)
BISAYA: HUH? Wayt lede nga! Waaaaahhh!!! (at nagtatakbo palabas. Pero bumalik sandali at pinulot ang mga nilabhan niya bago muling tumakbo palabas.)

BISAYA: Wayt ledeeee!!!!
Nagulat ang buong cast.
DJ: Ano daw?
BIEN: Dede daw bay!
IVY: Hmp! Ang korni nyo naman! White lady raw!
BIEN: Ah ok!
BISAYA: (humahangos) waaaaahhhh! May wyt lede sa toilit!
DRIVER: P@###$ inang ‘to! Ang tanda tanda na, naniniwala pa sa multo! Kutusan kita dyan eh!
BISAYA: Tinuod lagi bay! Gwapa man sya!
JONIE: hay naku! Pwede ba? Tigilan na yan at parang kinikilabutan na ako!
LOUIE: Baka naman totoo! Natatakot ako!
DRIVER: Isa ka pa! pag-untugin ko kayo dyan eh! Mabuti pa, itulog nyo na lang yan!
BISAYA: tinuod naman ah!
DRIVER: Isa pa! sawa ka na ba sa buhay mo?
BISAYA: Matutulog na nga!

Nahiga na ang lahat, kanya kanyang pwesto tahimik ang paligid, maya-maya’y naramdaman ni Bien na may gumagapang sa kanyang binti. Kakaibang kiliti.
BIEN: syet! Makakatikim ata ako (ngingiti ngiti pa ito)
Pataas ng pataas sa kanyang t_t_
BIEN: tirahan na ito! (biglang bumangon) aaaahhhhhhh!!!!!! (nagising lahat ng cast!) putol na kamay!!!!
Bumangon sabay sabay at inihagis ni Bien kay Bisaya.
BISAYA: Aaaahhh!!! Unsa man ini dong???!!!
DANCERS: EEEEHHHHH!!!
Inihagis ni Bisaya sa Driver at inihagis naman ito sa malayo. Gumapang naman ang kamay palayo.
PARI: Anong sound epek yan? Bat ang ingay? (lumabas mula sa pinto)
FREDDIE: M-may putol na kamay
PARI: Putol na kamay? Deym! Are you kiddin me? Asshole?
DJ: (nanginginig)T-totoo po! Nandun oh! (sabay turo sa sulok)
PARI: weeeh!! Di nga?! Bangag ata kayo eh! Tumira siguro kayo ng katol noh?
BISAYA: Saka may wyt lede dun sa toilit.
PARI: wow! Hyper! Lakas tama ka tsong!
BISYA: Tinuod father.
Biglang dumaan ang white lady sa kanilang harapan. Lumulutang ito. ang mahabang buhok ay sumasayaw sa hangin. Nagtilian ang mga dancers. Sigawan.
DANCERS: Eeeehhh!!! Eeeeehhhhhh!!!! I love you Piolo! Juday! Eeeehhhh!!!!! Jolens forever!!!
Biglang tumigil ang white lady. Sumabit ang buhok sa may upuan.
LADY: awts! It hurts you know? (sabay hila sa buhok)
PARI: Sya ba ang tinutukoy nyo?
BISAYA: Sya yon! O deba tinuod?!
Gulat ang lahat. Hindi makapaniwala.
PARI: Well, u know it na pala, so, hindi ko na ililihim pa. (lumakad papalapit sa cast) white lady nga sya. Yun lang.
Gimbal ang lahat. Napapaurong habang lumalapit ang pari sa kanila.
PARI: At ako naman ay isang…(tenenenentenen!!!) pari!!! (yehey! Palakpakan sound epek)
FREDDIE: Anong konek?
PARI: Hindi basta pari! Isang makapangyarihang pari!!! Bwahahahaha!!! (may echo pa! at biglang lumutang ito mula sa kinatatayuan.) at ang kamay na nakita nyo ay sa akin (biglang lumipad ang kamay at kumabit sa braso ng pari.)
DRIVER: P@##$ ina, takbo naaaa!!!! (sabay sabay na tumakbo papunta sa pinto. Ngunit biglang nagsara iyon.)
BISAYA: Naku, naewan ko pa naman yong dorbel sa labas. Paano na to?
PARI: hindi na kayo makakaalis! Bwahahahaha!!!!
Nanginig sa takot ang lahat…(nagsasayaw pa rin ang mga dancers. Pati si Freddie)
DJ: Wala kaming atraso sayo. Palabasin mo na kami. (napaihi sa pantalon)
PARI: makalalabas kayo, sa isang kundisyon!
CAST: kundisyon! Disyon! Syon! (ay hindi sabay sabay…again again!)
CAST: KUNDISYON??!!! (ayan sabay na!)
PARI: Oo. Dapat ay may maiiwan na isang tao dito at magbabantay sa aming puntod kapag nagpapahinga kami sa pagsikat ng araw.
CAST: HUWATTTT???!!!!
PARI: korek! So, nakapili na ako sa inyo. Yun ay walang iba kundi siya. (itinuro si Bien sabay kindat at nag-flying kiss) pero, unfair naman sa kanya iyon, kaya, kayo na ang pipili. I-vote out ninyo kung sino ang gusto nyong maiwan dito. Maghihintay ako! You have 15 minutes! Timer starts….now!!!!

JEAN: Dapat contest para fair! Oks lang ba father?
PARI: Well, kantuting op it, magandang idea yan!
FREDDIE: Sige, pagalingan sumayaw!
LOUIE: pagalingan kumanta!
DJ: Break Dance mga tol!!
JONIE: Palosebo!
JANICE: Basketball!
IVY: Jack en poy na lang!
AIRA: Luksong tinik!
BISAYA: Swemeng! Kahit walang swemeng pol!
DRIVER: P@#$% INA! Patayan na lang! ano ha?
BIEN: SANDALI!!! Dahil ako ang bida dito, sa akin ang pinakamagandang desisyon!
BISAYA: Ano naman na-esep mo!
BIEN: Pabilisan tumakbo!!!
CAST: weeehhh!!! Boooo!!!! Wala wenta!!! Ibagsak!!! Gloria Resign!!!!
PARI: Time is up! Kailangan na ng desisyon nyo!
AIRA: Grabe ang bilis naman, akala ko ba 15 minutes?
PARI: Gusto mo ikaw na lang maiwan? Wag ka ngang epal! ANO??? Sino magrereklamo? (tahimik) ano na ang desisyon?
BIEN: karera po father! Ang mahuli, sya ang maiiwan.
CAST: weeeh!!! Epal!!!!boooo!!!
PARI: tahimik!!!! Bueno, simulan na ang contest na ito!
BIEN: father naman, masyadong masikip dito. Pwede pong pakibuksan yung pinto? Para mas malaki ang space?
PARI: (nag-isip) ok! As you wish! (biglang bumukas ang pinto) Ako na ang bibilang….isa….dalawa….tatlo!!!! takboooo!!!!
Unahan silang tumakbo papalabas. Takbo!!! (background music “What I’ve done – linkin park”) palayo ng palayo ng palayo. Hangaang sa lamunin sila ng dilim. At mawala sa paningin ng pari.





IKAWALONG TAGPO

Malayo na ang narating ng buong cast. Ilang ilog na ang tinawid nila at ilang bundok na ang inakyat hanggang sa marating nila ang isang simpleng nayon isang umaga. Payak na nayon lang iyon. Simpleng bukirin at simple lamang ang mga tao.

DJ: Gutom na ako
BISAYA: Ano ba etong nangyayare sa aten?
DRIVER: Wag na kayong magreklamo jan!
BIEN: kailangan nating makahanap ng makakainan
IVY: haller! Wala naman tayong pera noh?
JONIE: At ayaw ko namang rumonda dito.
AIRA: syempre naman noh? Ang babaho kaya nila.
JANICE: Sobra ka naman, wala ka naman sa India. Pinas pa rin ito.

SAKLOLOOOO!!!!!
Narinig nila mula sa kinatatayuan.

BISAYA: Unsa man ‘to?
BIEN: Boses ng babae yun ah!
FREDDIE: Nangangailangan ng tulong! Asan kaya yun?
DANCERS: Ayun oh! (sabay turo sa tabi ng lupang daanan. May bangin doon, nakasabit ang babae.)
BESAYA: Mahoholog yung babae!!! Tolongan naten.
DRIVER: Kayo na lang!
BISAYA: Hmp! Ako na lang!
BIEN: Tara tulungan natin (pinuntahan ng dalawa ang babae)
BISAYA: Mess, hawak ka sa kamay ko (iniabot ang kamay, kinuha naman ng girlash at hinila ang sarili pataas)
Kaso, medyo mabigat ata ang babae kaya ayun, ang bisaya ang nahulog sa bangin. Buti na lang at nakakapit siya sa binti ng babae.
BABAE: Ano ba? Wala ka namang kwenta! Hindi ka na nga nakatulong, nakaperwisyo ka pa.
BISAYA: wag ka bebetaw! Ayoko pa mamatay!
Biglang may humila sa kamay ng babae. Pataas. At ilang saglit lang, ligtas na ang dalawa. At ang hero,……si Bien!

BABAE: Maraming salamat sa inyo.
BIEN: Wala yun! Hehehe (nakatingin sa babae, putcha ang ganda! Super sexy pa!)
FREDDIE: Asan na yung nangangailangan ng tulong? Asan na?
BISAYA: Tapos na! julugs!
BABAE: Ako nga pala si Marianne.
BIEN: Marianne? Ang gandang pangalan. Kumain ka siguro ng asukal kanina noh?
BABAE: Ha? Bakit mo naman nasabi yan?
BIEN: Ang tamis kasi ng ngiti mo. (smile mode ulit ang girlalu) Anyway, ako nga pala si Bien at ito naman si…
BISAYA: Daved.
BIEN: At ayun yung mga kasama ko.
FREEDIE: Ako naman si Fred. (sabay giling. Music “ice ice baby”)
MARIANNE: Mga dayuhan kayo? Saan naman ang punta ninyo?
BIEN: Naligaw nga kami eh. Wala kaming mapuntahan. Pauwi na sana kami sa Maynila.
MARIANNE: Ganun ba? Edi dun na muna kayo tumuloy sa amin.
BISAYA: May pagkaen ba don? Gotom na kame. (at bigla siyang siniko ni Bien)
MARIANNE: walang problema. Tara!
FREDDIE: Yosh!
Sama-sama silang nagpunta sa bahay ng babae. Isang maliit na kubo lang iyon. Wala pang linya ng kuryente. Hindi pa sementado ang lupa. Ipinakilala silang lahat sa lola ni Marianne. Matanda na ito at medyo uugo-ugod na.

MARIANNE: Sya yung nagpalaki sa akin mula ng mamatay ang aking mga magulang. (kaway mode si lola)
LOLA: maghahanda na muna ako ng makakain nyo.
BIEN: Tulungan na po namin kayo
LOLA: Naku wag na iho! Maupo na lang kayo dyan.
MARIANNE: kaugalian kasi dito sa probinsya namin ba pagsilbihan ang mga bisita. (pa-cute) bakit nga pala kayo napadpad dito?
DJ: Mahabang istorya. But to make it short, galing kami sa simbahan dun sa gubat at nagtatakbo papunta rito.
MARIANNE: Simbahan sa gubat? Sigurado kayo?
AIRA: Oo naman noh? Mukha ba syang nagbibiro?
MARIANNE: Nakapasok kayo?
BISAYA: Yap! At may molto.
MARIANNE: Swerte nyo! Maraming naghahangad na pasukin iyon pero kahit anong gawin nila ay hindi nila mabuksan iyon. May nagpasabog na nga ng bomba dun pero matibay talaga.
BISAYA: dapat kase gomamet sela ng dorbel
BIEN: Bakit naman nila gustong pasukin yun?
MARIANNE: Sabi kasi nila, noong unang panahon (flashback! Black and white screen) walang pari sa lugar na iyon. Tapos isang araw, may dumating na dayuhan at nagpakilalang pari. Malugod namang tinanggap iyon ng mga tao at naging masaya ang nayon. Kaso nung nagtagal, kung anu-ano na ang hinihingi ng pari. Bukod sa abuloy na ibinibigay tuwing linggo ay humingi rin ito sa mataas na opsiyal ng laptop at PSP. Nagpatayo din ito ng isa pang kapilya sa kabilang nayon at ganun din ang ginawa. Puro hingi na lang. pinuno ng ilaw ang kapilya. Patay-sindi. Ang mga choir ay puro babaeng seksi at naghuhubad habang kumakanta. Paraan daw iyon ng pari para maengganya ang mga kalalakihan na hindi nagsisimba. Nagkaroon din ng tindahan ng alak sa loob para imbes na tumamabay sa labas, doon na lang sa loob ng simbahan. Parang nagduda ata ang mga tao kaya inimbestigahan nila ito. at matapos ang 20 taong pag-aaral, natuklasan nilang hindi ito pari. Isang magnanakaw. At pati ang anak ng mayor ay ginawa nitong asawa at doon sila sa simbahan tumira. Maraming ginto pala ang nanakaw nito sa syudad at nakatago ito sa loob ng simbahan. Kaya’t nagalit ang mga tao. sinugod nila ang simbahan bitbit ang mga sulo, tangke at jetfighters. Pero hindi lumabas ang pari sa lob ng simbahan. 100 taon na ang lumipas pero hanggang ngayon, hindi pa sila lumalabas. Marami nga ang nagdududa na baka patay na sila. Pero hinala lang naman iyon. At di nagtagal, meron daw nagpapakitang babaeng nakaputi sa bayang iyon at sa takot ng mga taga-roon, nilisan nila ang bayang iyon. Kaya nandito silang lahat. At iyon ang mga ninuno ko. (balik sa future. Colored screen ulit) At yan ang storya ng….(natigilan ng makitang tulog ang buong cast)

LOLA: ready na ang pagkain nyo! (biglang bangon ang lahat at unahang nagpunta sa mesa)
BIEN: Wow! Ang bilis naman lola!
LOLA: Syempre, pressure cooker ang gamit ko para madaling lumambot ang karne.
LOUIE: Kain na po tayo.
LOLA: Sige lang apo. On diet ako.
BIEN: Marianne, halika na! dito ka na sa tabi ko.
MARIANNE: oo ba, walang problema.
LOLA: O paano, maiwan ko muna kayo mga apo. Aalis muna ako
JANICE: Ho? Saan kayo pupunta?
LOLA: may ka-eyeball kasi ako ngayong alas onse. Malapit na, sige alis na muna ako. Ayang, ikaw na ang bahala sa kanila ha?
MARIANNE: Opo lola.
Kainang umaatikabo. Kwentuhang walang humpay. Alas sais ng hapon natapos kumain ang lahat. Tulong-tulong na silang naglinis ng pinagkainan. Balik sa salas at kwento na naman.

MARIANNE: magtatagal pala kayo rito at maghahanap ng trabaho?
BIEN: Yun na nga muna ang plano namin.
MARIANNE: Madali lang yan, kayong mga lalaki, dun kayo sa bukid. At kayong mga babae, ipapakilala ko kayo sa kaibigan ko. dun sa may karinderia sya nagtatrabaho. Si Glen. Bukas na bukas din ay magsisimula na kayo.
BIEN: Maraming salamat sa tulong mo.
MARIANNE: Tumatanaw lang ako ng utang na loob.
BIEN: Bukas na bukas din ay susunduin ko ang aking anak.
MARIANNE: M-may anak ka na? (SADNESS…music “kaibigan lang pala”)
FREDDIE: Amm…matutulog na kami. Maiwan na muna namin kayo.
BISAYA: saan kame hehega?
MARIANNE: Ah…eh…(nataranta. sadness) pasok kayo dyan sa kwarto. Left side, may elevator dun, sa Mezzanine.
DJ: ok thanks, maiwan na namin kayo dyan. (Alisan na lahat. Naiwan sina Bien at Marianne)
MARIANNE: M-may anak ka na pala?
BIEN: Ah….oo…pero patay na ang nanay niya.
MARIANNE: ahhh…so, biyudo ka na pala (smile na sya)
BIEN: Oo..at bukas kukunin ko sya.
MARIANNE: Sige, Gudlak!(tumahimik)
BIEN: Marianne…
MARIANNE: Bien? (papalapit ang mukha ni Bien sa mukha ni Marianne)
Dahan-dahang naglapat ang kanilang mga labi.
Dear Xerex,
(xxx…xxx…xxx…xxx. “pro adolts onli.”)




IKA-SIYAM NA TAGPO


Maagang umalis si Bien upang sunduin ang anak (syempre alam nya kung saan makikita yun)
MARIANNE: Bien, maxado pang maaga para umalis.
BEIN: Kailangan eh. Para maaga rin akong makabalik.
MARIANNE: Siguraduhin lang Bien ha? Kung hindi, walang kikilalaning ama ito (itinuro ang tyan)
BIEN: Buntis ka? Talaga? (tumango si Marianne) Tatay na ulit akooo!!! Yahoo.com!!!! (muling humalik sa labi ng babae) alis na ako. Babalik agad ako.
MARIANNE: Ingat ka Bien ha?
BIEN: Yahooooo!!!!
DJ: Anong ingay yun? (hikab) sunod-sunod na naglabasan ang cast.
MARIANNE: wala. Umalis na si Bien. Susundin daw yung anak nya.
BISAYA: Parang meron ako nareneg na bontes
JONIE: Oo nga. Ako rin!
FREDDIE: Ako nga, kagabi ko pa naririnig yung ungol eh!
JANICE: Ako rin narinig ko yung kanta ni April Boy!
AIRA: Ay naku, wala akong narinig!
IVY: Haller!.....wala lang….haller lang!
JEAN: Nasan nga pala si lola?
MARIANNE: ah! Nandun, naghahanda ng almusal saka pang pananghalian.
DJ: Anong menu
MARIANNE: Ewan ko, kinakatay pa nya yung baboy eh.
FREDDIE: tulungan natin.
LOLA: (Mula sa likuran) wag na apo! Tapos na, lulutin ko na lang maya-maya, ire-reply ko lang itong ka-chat ko at sobrang kulit.
MARIANNE: Maigi pa ay maghanda na kayo para sa bagong trabaho. Girls, maya-maya ay ipapakilala ko kayo kay Glen. Ok?
DANCERS: Aprub!
BISAYA: kamosta naman po yung ka-eyeball nyo kahapon?
LOLA: Ay naku, hindi ako nag-enjoy! Kebata-bata eh…tsansingero!!! Damuhong bata iyon!
DJ: Bakit lola, ilang taon na po ba?
LOLA: disinwebe! (tumalikod) mabuti pa’y magkape na muna kayo at magpandesal. Nakahain na lahat sa mesa.
DJ: Tenkyu po!
MARIANNE: Tara na!
Kainan ulit.
Natapos ang almusal at kanya kanya na silang umalis sa mesa. Biglang may tinig silang narinig.
“Housmates, hindi pa kumpleto ang task na dapat nyong gawin.”
BISAYA: Huh? Se koya?
DJ: A-anong task po yun?
“Kailangan nyong iligpit ang mga pinagkainan at hugasan ito ng maayos bago maligo sa ilog.”
AIRA: Ang OA naman!
JONIE: Sssshhh!! Hayaan mo na! baka ma-vote out ka pa!
JANICE: Ok po!

Ligpit, ligpit, linis…walis…hugas…nagpagulong-gulong, dumapa, tumihaya, ipinasa kay Taulava, itinira…(tumunog ang buzzer!) pasok!!!

Liguan mode na, matapos ang walang kwentang task ni Big Brother. Dahil walang pang poso sa lugar na iyon, ang ilog ang nagsisilbing liguan, labahan, at kuhaan ng inumin. Malinis na malinis kasi iyon. Sabay-sabay na silang naligo doon.
BISAYA: Huwaw! Des es paradays!!! Deto masarap maglaba!
LOUIE: Wow! Hanep! Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa buong buhay ko!
DANCERS: oo nga!!! The best!!!

“La la rin la la rin la rin!!!” (tunog mula sa likod ng malaking bato)

DJ: wow! Ano yun? Ang ganda ng boses!!!
FREDDIE: Napapasayaw na naman ako!!!(kembot to the max)
DANCERS: Kami rin!!!!
Dahan-dahang nilapitan ni Bisaya ang kinaroroonan ng tinig.Bigla sa kung saan ay lumipad ang tabo sa kanyang mukha
MAMBOBOSOOOO!!!! Eeeeeehhhh!!!!!
Boses mula sa likod ng bato. Boses lalaki ito.
BISAYA: Aguy! Aguy! Dili day! Dili day! (napatigil) Huh? Lalaki ka?
LALAKI: Excuse me! Binabastos mo ba ako? I’m a girl, trap in a man’s body ok??!
MARIANNE: Glen?
LALAKI/GLEN: Ayang? Kilala mo na itong bosero na ito?
MARIANNE: Oo.Bisita ko sya. At eto yung mga kasama nila.
GLEN: Sigurado ka?
MARIANNE: Oo. Pasensya ka na ha? Nagustuhan nya kasi yung boses mo.
GLEN: Talaga? Ahihihi!!! Nahiya naman ako (sabay takip sa mukha)
“La la rin la la rin”
BISAYA: Tika, baket may tonog pa rin? (patakbong tinungo ang likuran ng bato) ay yawa! Karaoke pala yun!
GLEN: hehehe…sort of…soundtrip tol!
MARIANNE: Amm…glen..
GLEN: G….for short.
MARIANNE: ok…G…ikaw sana ang pupuntahan namin mamaya eh,.may sadya sana kami sa iyo.
GLEN: Ay, walang problema, basta ikaw! Ano naman yun?
MARIANNE: kasi, naghahanap ng trabaho itong mga babae. Baka may maibibigay ka.
GLEN: Ganun ba? (nag-isip)
Nag-isip..
Nag-iisip pa rin
Nakapaglaba na ang bisaya… nag-surf na si Freddie… nag-chinese garter na ang mga dancers! Nakapag-mahjong na si Marianne. Nabasa na ng DJ ang apat na libro ni Dan Brown.
Nag-iisip pa rin si Glen.
GLEN: Ok! (biglang sabi nito matapos ang mahabang pag-iisip) patingin nga ng mga body nyo? (sinipat) ikot nga (sunod naman ang dancers)…kembot…ammmm…sige..punta kayo mamaya sa karinderya ko. bibigyan ko kayo ng trabaho.
MARIANNE: Talaga? Salamat!
GLEN: Wag ka muna magpasalamat! Pag-iisipan ko pa! (tumalikod)

Malalim ang iniisip ng Driver. Malayo sa kinaroonan nila. Nakatingin sa malayo. Napansin iyon ni Jonie. Nilapitan niya ito.

JONIE: Simula nung dumating ka rito, wala ka pang dialogue, may problema ba? (pero dedma sya.)
JONIE: Hello! May kausap ba ako? (dedma pa rin)
DRIVER: (tumingin muna kay Jonie) wala naman.
JONIE: E bat ang tahimik mo?
DRIVER: Wala. Parang naguilty lang ako. (drama mode)
JONIE: Bakit naman?
DRIVER: Sinisisi ko kasi ang sarili ko. kung hindi dahil sa akin, siguro, nasa magandang kalagayan kayo.
JONIE: Wag ka naman ganyan. hindi ka naman namin sinisisi. Saka, kung wala kami dito, wala na rin kaming tutuluyan. Nasunog na yung club diba?
(tahimik)
DRIVER: Talaga?
JONIE: Oo. (tiningnan ni jonie ang driver. Gwapo pala ito sa malapitan. Nagulat siya ng mahuling nakatingin siya rito.)
DRIVER: Jonie…..(seryoso ang mukha nito. nagtama ang kanilang mga mata)
JONIE: Yes? (kilig to the pwet!...music: “Ipagpatawad mo – version ni mahal”)
DRIVER: Alam mo bang….meron sa mga mata mo na nagsasabi sa akin kung gaano kasaya ang buhay? (ang lalim!)
JONIE: Ahihihi (namula ang mukha.) talaga? (lumapit ang mukha nito sa driver.)
DRIVER: Oo…(hinawakan sa pisngi…pataas) ayan oh! May muta ka!!!
JONIE: Ay! Ganun ba? Akala ko, ikaw lang, ako rin pala.



IKASAMPUNG TAGPO

Matapos sumakay sa kalabaw, maglakbay sa bus at LRT, nakarating si Bien sa Maynila. Napadaan siya sa isang munisipyo. Napatigil siya ng mapansin ang mga ads doon.

BIEN: Grabe! Ang dami na talagang masasamang tao sa Pinas! Ang daming wanted!(bulong niya sa sarili at nalungkot sa nabasa) tsk! tsk! tsk! (binasa ulit ang naka-post)



WANTED: YAYA
WANTED: HARDINERO
WANTED: TINDERO

Pero nagulat siya sa mga sumunod na nabasa. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig!

WANTED: DRIVER
WANTED: DANCERS
WANTED: DJ sa CLUB
WANTED: LABANDERO preferably bisaya!

BIEN: Anak ng …. Wala sa ayus to ah! Pinaghahanap na kami ng pulisya! Kalat na sa buong Maynila. Kailangang masabihan ko silang lahat!
Parang magnanakaw na naglakad si Bien. Umiiwas na mga tumingin sa kanya. Malapit na siya sa lugar na pupuntahan ng may tumawag sa kanya. Ang nakabisikletang gwardiya.
GUARD: Hey! There you are! Come back here!
BIEN: watdapak! (takbo!)
GUARD: Hey wait!
Takbo to the max si Bien at habol naman ang indyanong gwardya. Walang kasawa-sawa. Nakita ni Bien ang overpass at umakyat siya doon. Sumunod pa rin ang gwardiya dala ang bisikleta. Habang umaakyat sa hagdan si Bien ay nakita niya ang isang drum. Itinulak niya iyon at gumulong pababa. Naiwasan naman iyon ng gwardya. Maya-maya ay nadaanan ni Bien ang isa pang drum ng basura at itinulak nya again at gumulong pababa. Naiwasan na naman ng guard. Nang malapit na siya sa dulo ay nakita niya ang isang matandang uugod-ugod at nakatungkod. Itinulak niya iyon at gumulong pababa. Sapul ang gwardiya. Bumagsak ito pababa kasabay ng matanda.
BIEN: Yesss!!!! (sabay split)
Start walking na naman si Bien. Look left, then right and….TAWID! at nang malapit na sya sa kabilang side ng kalsada ay biglang may humaharurot na jeep. BEEP!!! BEEP!!! Whew! Muntik na. Buti at nakaiwas ito sa kanya. Pero ang masaklap, bumangga ito sa pader. Wasak na wasak. Talsikan ang ibang pasahero. Nataranta si Bein sa nakita. Mga duguang pasahero. Nagkalat sa kalsada. Ang iba ay hindi na gumagalaw. Nakita niya sa di kalayuan ang isang lalaki na medyo may buhay pa at gumagapang papalapit sa driver.Wala na rin yatang buhay ang driver. Patuloy na gumagapang ang lalaking iyon at nang makalapit ay nagsalita.

LALAKI: Mamang…dri..ver….yung….suk…lih poh…ng.. ben..teh….aaarrrgghhh!!! (dedo!)

Na-guilty si Bien sa nangyari kaya kinuha niya yung 20 sa lalagyan ng driver at iniabot sa lalaki. At muli na naman siyang tumakbo papalayo.
Ilang hakbang na lamang ay nakita na ni Bien ang anak.
KAHTY: Itay! (yakap)
BIEN: Anak! Matagal kitang hinanap (drama mode) halika at sumama ka sa akin
KATHY: San po tau pupunta?
BIEN: Basta, kailangan nating lumayo. Pinaghahanap ako ng mga pulis.
KATHY: Epal ka naman eh. San nga?
BIEN: Wala ka sa ayus ah! Ano, sasama ka ba o hindi? (ipinakita ang tattoo!)
KATHY: (takot) Sasama na po!
BIEN: Tara! (takbo na naman!)
After 2 hours na pagtakbo…
KATHY: Tay, hindi man lang ba tayo sasakay?
BIEN: Pwede naman. Pagod ka na ba? Sige, magta-taxi tayo. (kaway sa taxi.)
Eto na yung taxi. Sakayan na!!!
KATHY: malayo pa ba tayo ‘tay?
BIEN: Para!!!! Eto na tayo!
KATHY: Tay hindi pa po umaandar!
BIEN: Anong magagawa ko? eh nandito na tayo? E kung lumampas tayo, maglalakad ka pa pabalik.
KATHY: huwat??!!! Itay, pier to ah!
BIEN: Kaya nga ako pumara kasi hindi kayang palanguyin ang taxi dito.
KATHY: So magbabarko pala tayo?
BIEN: Sino may sabi sayo? Talon na!!! (sabay talon sa dagat!)
SPLASH! SPLASH!
Magkasunod na nilangoy ng mag-ama ang dagat. Nang biglang…
PSSST!!!
Hinanap ng dalawa ang pinagmumulan ng tawag na iyon.
PSSST!!!
Nakita nila sa bandang likuran ang isang matandang lalaki at isang super gandang babae. Nakasakay ito sa maliit na bangka.
BABAE: San ang punta nyo? Sakay na kayo dito. (lumangoy papalapit ang mag-ama)
BIEN: Papunta lang kami sa kabilang pampang.
LALAKI: Tamang-tama, papunta rin kami dun. Sakay na kayo. (lumapit at sumakay ang mag-ama.)
BIEN: Ako si Bien, ito naman ang aking anak… si Kathy.
BABAE: Ako naman si Angel, at ito ang erpat ko…
LALAKI: tatay…hindi erpat! Sendo…Tata Sendo na lang ang itawag mo.
ANGEL: Pasensya ka na ha? Maxado kasing makaluma ang tatay ko. ayaw nya ng mga modern na salita. Pero mabait naman yan infairness. Thanks God!
SENDO: Ilang beses ko bang sasabihin na hindi totoong may Diyos?
ANGEL: Tay, magtatalo na naman ba tayo tungkol dito?
SENDO: Hindi mo kasi ako iginagalang eh..sinabi nang walang Diyos!
ANGEL: Meron!
SENDO: Wala!
ANGEL: Meron!
SENDO: Wala!
ANGEL: Meron!
SENDO: Wala!
ANGEL: Pera
SENDO: Bayong
ANGEL: Pera!
SENDO: Bayong! Ang kulit mo ah! (dinampot ang M16 at itinutok sa anak)

RAT-TAT-TAT-TAT-TAT!!!!! (slow motion: iniiwasan ng dalaga ang bala) RAT! (Sa kanan) TAT! (sa kaliwa) TAT! ( pababa) TAT! (pababa ng pababa) hanggang..Tik! tik! (ubos ang bala)

ANGEL: ako naman! (dinukot ang dalawang kalibre 45)

BANG! BANG! BANG! (ngunit sinalo lang iyon ng tatay nya)

BIEN: Pwede ba, magsitigil kayo??? (biglang huminto)
ANGEL/SENDO: Pwede! (at balik sa normal. Parang walang nangyari)
ANGEL: Pasensya ka na ha?
BIEN: Ayus lang yun. Naiintindihan ko.
(tahimik)
BIEN: Angel? Hindi mo ba ako nakikilala?
ANGEL: H-hindi…nagkita na ba tayo?
BIEN: Oo. Kagabi…sa panaginip ko. (sabay kindat)
ANGEL: (kilig to the max) ikaw naman….so bolero….baka magalit ang nanay nang anak mo.
KAHTY: Dedshu na sya ever..as in namayapa na.
ANGEL: Ay sori…
SENDO: O paano, malayo pa ang ating lalakbayin. Kumapit lang kayo ng mabuti at aalis na tayo.
ANGEL: Ok boss. (biglang harurot ng bangka)
SENDO: tatay! Hindi boss.
ANGEL: Sorry tay! Hmp!
Simple lang ang lumang bangkang iyon. Halos tatlong dipa lang ang haba at lumang motor lang ang nag papatakbo rito. Wala silang imikan habang naglalayag. Nang biglang may paparating na malaking barko. Hindi agad iyon nakita ni Mang Sendo dahil nanonood siya ng “Eat Bulaga” habang kumakain ng popcorn na barbeque flavor. Ang mag-ama naman ay abala sa paglilitson ng baboy. Si Angel lamang ang nakakita noon at napasigaw siya.
ANGEL: Darna!!!!
SENDO, BIEN, KAHTY: huh?! ADIK!
ANGEL: Joke lang! hehehe….ang totoo, may barkong paparating at babangga sa atin…ayun oh! nag-iilusyon lang ako. Peace out!
BIEN: Malapit na nga!! ayan naaa!!!
SENDO: oh! Pakingsyet!!! Tagooo!!! Dun sa compartment!!! (mabilis na nagtago sa compartment. Parating na ang barko at…)
CRAASSSHHHH!!!!!! (Dilim)


IKALABING ISANG TAGPO:

Halos sabay sabay na bumangon ang apat na pasahero ng bangkang iyon. Madilim ang paligid.

BIEN: Kathy, anak?
KATHY: Nandito lang ako.
ANGEL: tay?
SENDO: Dito lang me. Asan na u?
ANGEL: Over here. (Sa wakas, nagtagpo-tagpo na rin sila)
KATHY: Nasaan tayo?
BIEN: Hindi ko alam, Ayun, may liwanag dun. Tara! (lakad mode. Kapit-kamay parang EDSA 1)
SENDO: So hot naman here. Anong paking place kaya ito?
ANGEL: Tay, ikaw ba yan?
SENDO: hindi ba obyus? Boldyakan kita jan eh!
BIEN: Sssshhh!! Wag kayong maingay. May tao sa dulo.
Dahan-dahang naglakad ang apat hangang marating nila ang pinagmumulan ng ingay. Laking gulat nila ng makita ang dalawang nag-uusap. Mga demonyo!
DEMON1: Bwahahaha!!! Yun ba? Wala yun? Tinira ko na kahapon yun.
DEMON2: Bwahahaha!!! E yung sikat na model dati?
DEMON1: Bwahahaha!!! Wala. Tinira ko na rin yun nung isang araw pa!!
DEMON2: Bwahahaha!!! Bakit ba tawa tayo ng tawa?
DEMON1: Kasi nga, para malaman nilang demonyo tayo!!! Bwahahaha!!!!
DEMON2: E bakit Bwahahaha!!! Pwede naman hehehe o kaya hahahaha di ba?
DEMON1: Ganito kasi yan, pag hahaha, natutuwa, pag hehehe manyak, pag hihihi, pa-cute, pag hohoho, santa claus. Bad yun!! At pag huhuhu…iyak naman yun. Kaya bwahaha, ibig sabihin, super sama…which is applicable to both of us…Bwahahaha!
BIEN: ammm…ekskyusmi po! Mawalang galang na po! Pwede pong magtanong?
DEMON1: hu u?
BIEN: A-ako po si Bien. Anong lugar po ito? naligaw po ata kami.
DEMON2: Bwahaha!!! Hindi kayo naligaw, namatay kayo. Welcome to Hell. At kami ang day shift receptionist dito.
SENDO: Impyerno? That can’t be! I should be in heaven!
DEMON 1&2: Heaven? Bwahahaha!!!
DEMON 1: E hindi ka naman naniniwala sa Dios davah? Bwahahaha!!! Ikaw nga lang dapat ang nandito, kaso, damay-damay na yan!!! Bwahahaha!!!
SENDO: H-hindi ah! Naniniwala ako sa Dios.
DEMON2: Ayan! Nadagdagan pa ang kasalanan mo. SINUNGALING!!! Bwahahaha!!!
DEMON1: Kung gusto mo, eto, panoorin mo ang lahat ng kasalanan mo sa lupa. (kinuha ang remote control at pinindot)
Lumabas ang isang malaking screen sa may dingding. May palabas. Bold! Huwaw!
DEMON2: Anak ng demonyo naman oh! Sino bang huling gumamit netoh? (pinindot ang remote at nagpalit ng channel.)

Lumabas ang itsura ng isang lalaki. Si Tata Sendo. Bata pa. paiba-iba ang senaryo.may eksenang ni-reyp nya ng alaga nilang aso, baboy, baka pati manok. Sumisigaw pa ng “Who’s your daddy? Who’s your daddy??!!” Meron ding ninanakaw niya ang pustiso ng lola nya habang natutulog. Merong iniihian niya ang ulam na niluto ng nanay niya. Umabot ng tatlong oras ang palabas at hiyang-hiya si Tata Sendo sa napanood nila.

DEMON1: Ano ngayon, sabihin mo kung dapat ka nga sa langit. Bwahahaha!!!!(tahimik)
DEMON2: Bwahahaha!!! Wag kang mag-alala, masaya dito…laging may concert…nandito kaya ang sari-saring banda na sikat sa mundo mo noon. Nandito rin ang mga idol mong politician… At saka eto pa…(click ang remote)
Nagsasayawan ng hubo’t hubad ang mga seksing babae. (pumalo ang mga junior nila sa pantalon)
BIEN: Wala sa ayus ah! Bakit walang butas yung p_k_ nila?
DEMON1: Aba natural! Kung may butas yan, edi heaven na!!! Bwahahaha!!!!
DEMON2: Ano, papasok na ba kayo? Bwahahaha!!!
KATHY: Itay, natatakot ako!!! Ayoko dito.
BIEN: Ano naman ang dapat naming gawin para hindi kami mapunta sa loob?
DEMON1: Wala!!! Bwahahaha!!! Pero kung magpapakabait kayo sa loob…pwede siguro!
DEMON2: Kung bukal sa loob nyo, pumasok na lang kayo diretso sa loob. Kung nag-dadalawang isip pa kayo, ayun ang upuan oh! Relax muna kayo (click the remote again….lumakas ang aircon)
DEMON1: Sige, maupo na muna kayo sa waiting area habang hinahanda ko ang papers nyo. Ifa-fax ko rin kay San Pedro ang requisition sheet nyo para may pagkakataon kayong magbago dito at pumunta sa kanya.
SENDO: Bien…
BIEN: ho?
SENDO: Ikaw na ang bahala sa anak ko.
ANGEL: Anong ibig mong sabihin tay?
SENDO: napag-isip-isip ko, ito nga siguro ang kapalaran ko. dito na lang ako.
ANGEL: Pero itay…
SENDO: Sige na anak…sa tingin ko ay mag-eenjoy ako dito! (ngumiti ng kakaiba…kumislap pa ang ngipin) o papasok na ako! Maiwan ko na kayo dito…baka nandito si John Lennon. (walk-out at pumasok sa pinto)
DEMON1: Good choice! Bwahahaha! Kayo! Ayaw nyo pang pumasok? (dedma)
KATHY: Tay, anong gagawin natin? (dedma)
Biglang tumunog ang alarm clock.
DEMON2: Oooopppss!!! Break time na….tara lets.
DEMON1: O pano, maiwan muna namin kayo ha? Balik na lang kami mamaya. Kung maisipan nyong pumasok, sige, welcome kayo jan. dedmahin nyo na lang yung security guard sa loob, sabihin nyo, wala pa kayong I.D. GUDLUCK! (walk-out ang dalawa)

Lumipas ang isang oras. Dalawa. Tatlo. Hindi pa rin bumabalik ang dalawang demon. Nakatulog na si Kathy sa may upuan.
BIEN: Angel…
ANGEL: Bien…
BEIN: Kung sakaling ito na ang huli nating pagkikita, lagi mong tatandaan…. Na sa saglit nating pagkakakilala…..Minahal na kita… aylabyu todo-todo, walang break, walang preno, mabangga man sa poste ng Meralco, ikaw pa rin ang mahal ko!!! Mwah! Mwah!
ANGEL: Bien….(tahimik)
BIEN: (papalapit ang mukha kay Angel) labsyu!!!!
ANGEL: Huwag Bien…(umiwas…pero tuloy-tuloy si Bien at lumapat ang labi nito sa tenga ng dalaga)
BIEN: I’m sorry…
ANGEL: (tumingin sa lalaki.) ok lang..
BIEN: Jok! Jok! Jok! (biglang siniil ng halik ang labi)
ANGEL: hmpt! (Pumapalag…pero tuloy pa rin si Bien…itinutulak nya pero wala syang nagawa)
Biglang tumigil si Bien. Lumayo ang mukha sa dalaga.
ANGEL: O bakit ka tumigil.
BIEN: Ha? Akala ko kasi….
ANGEL: Nag-iinarte lang ako…feeling virgin ba… game na ulit! (torrid kissing ulit…labi sa labi….dila sa dila….labi sa ilong…dila sa ilong….umiiikot pa sa loob ng butas)
Ilang saglit lang ay kapwa na sila hubo’t hubad (ooopps!! Wag na nating alamin ang nangyayari..close the curtain)
Teka pasilip lang…(nasa sahig sila..yun lang)
Pasilip nga ulit..(nasa ilalim si Bien at sa ibabaw si Angel….umiikot na parang elisi…ang bilis….huwaw!!! tago ulit)
Isang oras ang lumipas.
Isang silip pa nga!!! (si Bein naman sa ibabaw….umiikot na parang elisi..sumisigaw pa “woohoo!!! Say my name!!! say my name!!!”) ang tagal naman…
Dalawang oras ang lumipas….
Silip mode ulit…(sumisigaw pareho…”malapit na ako!!!....ako rin!!! Ayan naaa!!!!!woohoo!!! heaven!!!”)
Biglang lumiwanag ang paligid…nakakasilaw…nagulat ang dalawa. Dali-daling nagbihis. Dumating ang dalawang demon.
DEMON1: Anong ginawa nyo? Bakit lumiwanag ang impyerno? Aaahhh!! Nakakasilaw!!!
DEMON2: Palayasin na yang mga yan dito!!! Bilis, tawagan mo si San Pedro!!
DEMON1: Oo teka lang (kinuha ang 3310)
“sorry, your balance is not enough to make this call please reload etc….”
DEMON1: Putcha! Wala na ako load.
DEMON2: WALA KANG KWENTA! (kinuha ang talk and text cellphone at idinial)
“tuuut..tuuut..tuuut”
(dial again)
Tuuut…tuuut…tuuut..
DEMON2: Naku wala akong signal!
DEMON1: Hinayupak naman kasi yang cell mo eh…akyat ka dun sa bubong…(lumabas ito)
DEMON2: (dutdot cell..nasa bubongan na.) bilisan mo…
“The number you dialed is out of coverage area.”
DEMON2: Anak ng….(bumaba at bumalik sa reception area)
DEMON1: O ano na?
DEMON2: Hindi ko makontak! Bwisit!
DEMON1: Anong gagawin natin?
DEMON2: Ibalik na lang natin sa lupa yang mga yan…
DEMON1: Ha? S-sige…ngayon na…nasisilaw na ako!!! (pinindot ang isa pang remote)
(dilim)



IKALABING DALAWANG TAGPO:

Ilang buwan nang hindi bumabalik si Bien. Hindi nakapagtrabaho ang mga lalaki sa bukid. Na-cheap-an kasi ang Driver kaya nag-apply na lang itong driver sa bayan. At natanggap naman ito. Driver ng kalabaw. Tuwing sabado ay nakikipagkarera ito sa mga kapwa driver. Malaki ang pustahan. At dahil naging expert na ang Driver ay lagi itong nananalo kaya ngayon, nakabili na siya ng sariling sasakyan. Kalabaw. Ang DJ naman ay natanggap din sa karinderya ni G bilang (ano pa kaya?) edi DJ. Ang Bisaya naman ay tumatangap ng labada sa buong baryo at enjoy na enjoy maglaba sa ilog.
Samantala, ang mga dancers ay tinanggap sa karinderya sa kundisyong magsasayaw sila sa entablado pag gabi. Pati si Freddie na isang waiter ng ngayon ay ganun din.

G: Bossing, gusto mo ng chicks? (nasa pinto ng karinderia)
COSTUMER: Depende. Ok ba naman sila?
G: Oks na oks bossing, gusto nyong pumili? Pasok lang sa loob…mamaya na yung showdown.
COSTUMER: Talaga? Huwaw! (enter sa karinderya)
G: Psst! Pogi!!!! Oo ikaw! Gusto mo ng ligaya?
POGI: Tse! Hindi ako pumapatol sa jokla.
G: Ang yabang mo naman! Hindi naman ako! Ayun oh! (itinuro sa loob ang mga nagsasayaw)
POGI: (nag-isip.) hindi ko type! (biglang dumaan si Freddie.) Ay ang Gwapo!!! Sya ang type ko ‘day!!! Fafaaaa!!! Eeeehhhh!!!! (pumasok sa loob)
G: Anak ng teteng kabaro pala!(kamot-ulo) Psst!! Papa! Gusto mo ng ligaya?

Ay! Hindi ko pala naikwento….si Jonie pala ay hindi na dancer…isa na siyang dakilang maybahay. Ganito ang nangyari…(flashback)

Isang hapon, pagkagaling ng mga dancers sa interview para sa job offer ni G, tahimik na nag-iisip ang Driver. Nakadungaw sa bintana. Napansin ito ni Jonie. Nilapitan niya at niyayang maglakad-lakad sa may tabing ilog at sumama naman ito.

JONIE: Tahimik ka na naman…may problema ba? (naglalakad sa tabing ilog..music: “Angels brought me here”)
DRIVER: (tumingin) wala naman..(dumampot ng bato at inihagis sa ilog…tumalon-talon ito sa tubig na parang palaka bago tuluyang lumubog.)
JONIE: Weeehh!!! Epal!!! Meron kaya!! Ano nga yun? Sabihin mo sa akin. Secret lang natin to promise!
DRIVER: (nag-isip) sige pero promise secret lang ha? (muling dumampot ng bato at inihagis sa ilog…talon-talon again bago lumubog.)
JONIE: Oo naman…ano yun?
DRIVER: Ano kasi…ano….
JONIE: Ano yun?
DRIVER: A-ayaw ko sanang magtrabaho ka. (muling dumampot ng bato at ihinagis…tumalbog sa tubig at tinamaan sa ulo ang namamangka laglag sa tubig.)
JONIE: Huwat??!!! A-ano lang ang gagawin ko? magmukmok dito? Tapos wala man lang akong kinikita.
DRIVER: ako na ang magtatrabaho para sa iyo (serious mode)
JONIE: (namula ang mukha) S-seryoso ka?
DRIVER: Tingnan mo nga ang mukha ko…mukha ba akong nagbibiro (kumindat-kindat at inilabas ang dila at dinilaan ang ilong)
JONIE: P-pero…bakit mo gagawin yun?
DRIVER: Kasi…
JONIE: Kasi ano?
DRIVER: Kasi ano eh…(muling dumampot ng bato pero tumunog ang bato..KOKAK! KOKAK! At inihagis iyon sa ilog)
JONIE: Ano nga yun?
DRIVER: P!@#@# ina ka, mahal na kasi kita eh!!! Gusto ko ako lang ang sasayawan mo P@#@$@ ina mo!!!
JONIE: (tumigil sila sa paglalakad) totoo?
DRIVER: Peksman!
JONIE: Pwera bawi, isang basong ihi?!!
DRIVER: Oo!
JONIE: Aylabyutu!!! (yumakap at humalik sa driver biglang tumalon sa ilog ang dalawa habang naghahalikan. Tumambling –tambling pa ito sa ere at kapwa hubad na ang katawan pagbagsak sa tubig.)
(CENSORED)
Balik sa karinderya.

G: Ano may napili ka na boss?
LALAKI: Gusto ko yun. (itinuro si Aira)
G: Aira! Halika!
AIRA: (lumapit) Bakit po mamasan?
G: (Pabulong) ikaw na ang bahala sa kanya. Madatung yan!
AIRA: ok (umupo sa tabi ng lalaki)
LALAKI: Anong pangalan mo? (humawak sa kamay ni Aira)
AIRA: Aristocrata Imaculada Rafaela Armelinda…Aira for short (iniwas ang kamay)
LALAKI: Pwede bang..(lumapit at bumulong)
AIRA: (Biglang tumayo) Anong akala mo sa akin! Tse!!!
LALAKI: ang arte mo ah! Bleh! Bleh!
G: (lumapit) Bakit, anong kaguluhan to?
LALAKI: Akala ko ba, oks yan? E bakit ayaw nya? Pakipot!
G: (lumapit kay Aira.) Ano ka ba? Di ba sabi ko ikaw na ang bahala?
AIRA: Hoy! Bababeng may buntot sa harap!! Dancer ako pero hindi ako pokpok noh? (sabay talikod)
G: Aba! At nagmamalaki ka na ngayon…samantalang noon, nagmamakaawa pa kayong lumapit sa akin.
Ng biglang…
WEEEWWW!! WEEEWW!!!
“Mga pulis kami!!!! Raid ito!!!”
Eehhhhh!!! Nagkagulo ang lahat sa loob. Takbuhan ang dancers sa likuran at nag-exit kasama ang DJ at si Freddie.
PULIS1: Ayun! May tumatakas sa likuran!
PULIS2: Habulin sila!!!



IKA-LABING TATLONG TAGPO:

Nagising sila Bien isang ospital. Magkakatabi ang kanilang mga kama.

NURSE: Gising na sila!! Yehey! Doktor! Doktor! Gising na sila
BIEN: A-anong nagyari?
ANGEL: Nasaan kami?
KATHY: wala akong masabi. Pa-cute na lang. (nag-beautiful eyes)
NURSE: tatlong buwan kayong comatose.
BIEN: Tatlong buwan? E saglit lang naman tayo sa impyerno ah!
NURSE: A-anong impyerno?
ANGEL: Ah…wala nurse!
DOKTOR: (Papasok sa room) Well, well, well, gising na pala ang mga pasyente ko. (Duling ito.)
ANGEL: Paano po kami napunta dito?
DOKTOR: Well, dinala kayo ni Capt. Baby boy dito. Kapitan siya sa isa pang barko. Tumakas kasi yung barkong nakabangga sa inyo. Bale, Hit and run. Sad to say, hindi naka-survive ang father mo. Wag kang mabibigla (sabay smile!)
KATHY: Paano ang bill namin dito?
DOKTOR: Don’t worry, may sumagot na sa bill nyo. At oo nga pala. Ligtas ang baby mo.
KATHY: B-buntis ako?
DOKTOR: Gaga! Sa iyo ba ako nakatingin?
BIEN: Ako ang buntis?
NURSE: Wag naman ako dok, wala pa akong nabalitaang nabuntis ng vibrator!
DOKTOR: Mga tanga! Siya ang buntis! (itinuro si Angel!)
KATHY: M-may kapatid na ako? (tahimik si Angel)
BIEN: Narinig mo Angel? Magkaka-baby tayo!!!
DOKTOR: Pero…pero…pero…I’m sorry sir! Hindi ikaw ang ama. Hindi magkapareho ang DNA ninyo ng bata.
BIEN: Huwat! Angel, ano to?
DOKTOR: At ang nagbayad ng bill nyo rito ay ang hinihinalang ama ng dinadala ni Angel…
BIEN/KATHY: Sino?
DOKTOR: Si Cogie Domingo!
BIEN: Huwat???!!! You broke my heart Angel. Totoo ba ito? (hindi umimik ang dalaga) ano, totoo ba ito??
Sumagot ka!! Totoo ba?
ANGEL: Ano ka ba? Silence means yes! Ang tanga mo naman!
BIEN: Wala ka sa ayus! (bumangon at inalis ang dextrose) dyan ka na!
TOK! TOK! TOK!
Binuksan ng doktor ang pinto. Bumungad ang isa pang nurse.
NURSE2: Sir, may naghahanap ho sa inyo sa labas.
BIEN: huh? Sino daw?
NURSE2: Hindi ho nagpakilala. Basta Indyano sya at may dalang bisikleta.
BIEN: Oh my God! (hinila si Kathy at nagtatakbong palabas.)
GUARD: Hey! Long time no see!!! Come to papa!
BIEN: (umatras at tumakbong palayo) nanay ko pooo!!!

Takbo palabas ng ospital. Walang humpay na takbuhan. Umaga, tanghali, gabi….at umaga ulit…umiinom lang ng tubig dahil may nag-aabot sa kanila habang tumatakbo. Malapit na sa finish line. Naka-abang ang mga tao. at nang sumayad sa dibdib ni Bien ang tali ay nagpalakpakan ang mga fans. Takbo pa rin… hanggang sa marating nila ang gubat….


IKALABING-APAT NA TAGPO:

Takbuhan papalabas ang mga dancers…hinahabol ng pulis. Biglang dumaan ang Driver na nakasakay sa kalabaw nakaangkas si Jonie sa Likuran. Buntis ito.
DRIVER: Sakay na dalii!!! (iniabot ang kamay at nagsakayan lahat. Si Freddie, ang DJ at ang dancers)
Takbo ang kalabaw at dumaan sa may ilog. Nandoon ang bisaya. Naglalaba. Tumigil saglit ang kalabaw. Uminom sa ilog.
BISAYA: Anong kagolohan to?
DJ: Hinahabol kami ng pulis!
BISAYA: Ha? Tika sama ako! (kinuha ang nilalabhan at tumalon sa kalabaw…biglang humarurot ito…150km/hr)

Nakarating sila sa gubat at nakita nila si Bien at ang anak nito.

JONIE: Sila Bien!
DRIVER: Sakay na Bien! (Iniabot ang kamay at sumakay ang mag-ama)

Papunta ito sa lumang simbahan. Tumigil ang kalabaw sa sobrang pagod.

BISAYA: oh my God! Deto na naman tayo.
LOUIE: Ayoko nang pumasok dyan!
JANICE: Ako rin!
AIRA: Mas lalo naman ako!

WEEEEWWW!!!! Sirena ng sasakyan ng pulis.

DRIVER: P@#$@ ina! nandyan na ang mga pulis.
JONIE: Pero..
DRIVER: pasok sa loob!!!
BISAYA: (dinampot ang dorbel at kinatok ang pinto) Tao po!! (bumukas iyon.)
DJ: Makikituloy lang po!!!

WEEEWWWW!!! Papalapit na ang mga pulis. Lahat ay nakapasok na at biglang sumara ang pinto.
(tahimik)

PULIS1: Kayong lahat ng nasa loob…magsilabas kayo ng nakataas ang kamay!
(tahimik)
PULIS1: inuulit ko! lahat ng nasa loob, magsilabas kayo ng nakataas ang kamay!
JONIE: Anong gagawin natin?
DRIVER: Basta hindi tayo susuko.
JONIE: Sumuko ka na…para sa anak natin!
DJ: Sumuko na kaya tayo?
BIEN: Siguro mas maganda ngang sumuko na lang tayo.
KATHY: Itay! Huhuhu
BIEN: wag ka nang umiyak anak!
KATHY: Itay! HUHUHU
BIEN: Bakit ba iyak ka pa ng iyak dyan?
KATHY: Tinatapakan mo yung paa ko!! huhuhu!!!
JEAN: Ay ang korni! Tara suko na lang tayo!
DRIVER: Hindi! Magkamatayan na!
PULIS1: bibilang ako ng tatlo…pag hindi pa kayo lumabas, mapipilitan akong daanin sa dahas. Pasasabugin ko ang simbahan.
Natakot ang buong cast.
JANICE: Sumuko na kasi tayo!
PULIS1: Isa!
AIRA: Tara na!
PULIS1: Dalawa!
DRIVER: (Nag-isip) Sige…alang-alang sa iyo..(tumingin kay Jonie) at sa magiging anak natin….susuko na tayo! (lumapit sa pinto at binuksan pero ayaw bumukas) P!@#!@ ina!!! ayaw mabuksan!
BISAYA: nandon yung dorbel sa labas.
PULIS1: Tatlo!! Men…….Fire!!!!

BOOM! RATATATAT!!! BANG!! BANG!!! MIYAW!!!! AW! AW! AW!
After 5 hours ng pagpapaputok, hindi nasira ang simbahan.

PARI: Anong ingay ba ito? (hikab) huh? Kayo na naman?
FREDDIE: Father, Papatayin kami ng mga pulis sa labas.
PARI: So? Care ko? Go!
PULIS1: Ano, susuko na ba kayo?
(tahimik)
PULIS: men…fire!!!

RATATAT!!! BOOM!!! TARAT TARAT!!! BOOM TARAT TARAT!! TARARAT TARARAT! BOOM! BOOM! BOOM!

PARI: huh? Binobomba tayo! Suko na!!! suko na ako!!! (Lumabas ang pari at ang wyt lady nang hindi binubuksan ang pinto. Tumagos sa pinto. Nakataas ang kamay)
PULIS: Men…posasan yan!
Hinuli ang pari at ang wyt lady. Naghintay ang cast sa mangyayari. Pinakiramdaman ang nangyayari sa labas. Isang oras. Dalawa. 24 hours. 2 days….one week….tahimik pa rin..

After 5 months….

BIEN: Wala na sigurong tao! (Lumapit sa pinto at binuksan) hahaha!!! Wala na ngang tao!!! At nabuksan ko ang pinto!!!
BISAYA: Kahet walang dorbel?
DJ: Ligtas na tayo!!!
DANCERS: yehey!!!!



Lalabas na sana sila nang biglang umilaw ang nasa likuran nila.

BIEN: Wat da pak!
JEAN: Ano yun?
DRIVER: Teka lalapitan ko. (lumapit sa ilaw)
JONIE: Mag-iingat ka!
DRIVER: GINTOOOO!!!! MARAMING GINTOOOO!!! (takbuhan palapit ang buong cast)
SABAY-SABAY: Ginto nga!!! Mayaman na tayooo!!! Woohooo!!!!



- END -







EPILOGUE:

Nagkanya-kanyang landas na ang buong cast. Malungkot na paalaman ang nangyari. Kanya-kanyang teritoryo at probinsya. Ang Bisaya ay umuwi sa Cebu. Nagpatayo siya ng maraming laundry shop. Ang DJ ay nagpatayo rin ng maraming club sa Pasay. Pero mga legal na iyon. Ang mga DANCERS maliban kay Jonie ay mga artista na. nagsimula nung madiskubre sila ni Vic Sotto habang sumasayaw sa Baclaran. Si Freddie ay nagtayo ng dancing schools pero suma-sideline pa rin sa pagsasayaw sa mga gaybar dahil hilig nya talaga ito. Si San Pedro, busy sa bago niyang ka-textmate….ang dalawang Demon receptionist ay kasama ni Tata Sendo (ama ni Angel) at nanonood ng concert. Si Ruffa (legal wife) ay muling nakapag-asawa sa heaven….si Saddam Hussein…si Angel (lucky wife) ay ikinasal na kay Cogie. Si Marianne(sexy wife) naman ay hindi talaga buntis. Nalamigan lang pala ang sikmura kaya nagsusuka. False alarm. Nandun at nag-aalaga sa kanyang lola na ngayon ay nagdadalang tao. Tinakbuhan ito ng nakabuntis sa kanya. Ang Driver at si Jonie ay tahimik na namumuhay sa California. May anak na sila. Si Glen….ayun, sya ang nagsasayaw sa entablado ngayon. Ang pari at ang Wyt lady ay pagala-gala sa Maynila. Nakatakas kasi ito sa kulungan at pinaghahanap ng pulisya. Bumalik sa pag-aaral si Kathy. College na ito. at ang kanyang ama….si Bien…busy sa pangangampanya…...bilang presidente ng pilipinas…

MR. PRESIDENTTT!!!!! Napalingon si Bien sa tawag na iyon….
COME TO PAPA!!! Ang gwardiyang naka-bisikleta!!!

Takbooooooo!!!!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento