Linggo, Disyembre 27, 2009

SNATCHER

Damang dama ni Allen ang bawat dampi ng sinturon ng kanyang ama sa kung saan saang bahagi ng kanyang katawan. Naghalong palahaw at ingay ng bawat hagupit ang maririnig sa buong kabahayan.

“Walanghiya ka! Kanino ka ba nagmana? Napakabobo mo!” sigaw ni Mang Cardo sabay ulos ng sinturon sa kanyang anak. “Paano ka tutungtong ng high school kung ganyan ang ipapakita mong marka?” dugtong nya at isang malakas na hataw na naman ang pinakawalan. Hindi nya alam kung saan lumatay ang sinturon basta’t ang alam nya ay nilalamon sya ng galit.

“Tama na po itay! Hindi na po ako uulit!!” halos pabulong na hikbi ni Allen habang sinasalo ng kanyang braso ang hagupit na iyon.

Nasa sulok sya ng munti nilang kubo. Nakaupo. Halos halikan ang sariling tuhod upang maiiwas ang mukha sa bawat hambalos na lumalatay sa kanyang katawan. Walang magawa kundi maghintay kung kailan magsasawa ang ama.

“Tama na Cardo, baka kung ano pa ang mangyari sa bata” mahinahong pagpigil ni Aling Myrna sa kanyang asawa. Hawak ang kamay ng asawa. Ngunit tila wala itong naririnig. Nilason ng alak ang kanyang isipan.

Si Daniel, ang nakatatandang kapatid ni Allen ay awang-awa habang pinapanood ang kanyang kapatid. Gusto nyang pigilan ang ama ngunit alam nyang wala namang mangyayari kung gagawin nya iyon. Baka lalo lamang umigting ang galit nito. Paano nya ipapaliwanag na sadyang magkaiba ang utak nilang magkapatid. Mula sa mababang paaralan ay nangunguna ito sa klase, at hanggang ngayong matatapos na sya sa high school ay ganun pa rin ang kanyang kalagayan. Di tulad ng kanyang kapatid. Hindi man lang nito nakuhang pumasa sa lahat ng aralin. Ngunit kitang kita naman nya ang pagpupursigi nito sa kabila ng kahinaan ng utak. At iyon ang hinanakit niya sa kanyang ama. Hindi nito nakikita ang bunso nitong anak kung paano isubsob ang sarili sa pag-aaral. Lagi itong ikinukumpara sa kanya. Minsan, naiinis din sya sa kanyang kapatid kung bakit hindi nito makuha ang kanyang itinuturo ngunit naiintindihan nya ito. At sa bawat ulos ng sinturon, pakiramdam nya ay siya ang nasasaktan. Ang bawat latay sa katawan ng kapatid ay kurot sa kanyang dibdib.
“Tama na ‘yan itay!” hindi napigilan ni Daniel ang sarili.



CHAPTER 1


“Magnanakaw! Saklolo!” sigaw ni Elaine mula sa di kalayuan. Nasa gitna sya ng mataong kalye ng palengke ng Rosario. Ala-singko ng hapon, halos magsiksikan ang mga mamimili. Araw kasi ng Linggo noon, natapat pa na araw ng sweldo. Habol ang hininga at pilit sinusundan ang isang lalaki na pilit namang kumakawala sa paningin ng lahat. Bitbit ang pouch na nakuha nya sa babaeng kanina’y naglalakad lamang at ngayo’y humahabol na sa kanya. Karamihan sa mga namimili roon ay nakatingin lamang at tila naaaliw sa nasasaksihang eksena. Wala ni isa man lang maglakas loob na tumulong sa biktimang iyon. Marahil sanay na sila sa ganoong sitwasyon dahil halos araw-araw ay nangyayari ito.

“Pulis! Tulong! Snatcher!” halos paiyak nyang sigaw. “Parang awa nyo na!” tumigil sya sa tapat ng tindahan ng tinapa. Hindi na napansin ang masangsang na amoy at dumi ng paligid nya. Habol ang hininga. Magkahalong lungkot at pagod ang nadama nya. Nawalan na sya ng pag-asa. Wala na. Ang pouch na naglalaman ng perang hindi naman talaga sa kanya. Cellphone ATM card at Employment ID nya, sa isang iglap ay naglaho na. Tumingin sya sa paligid, parang walang nangyari. Wala man lang pumapansin sa kanya.

“Naku neneng, bago ka lang siguro dito ano? Ganito talaga dito, hindi mo na mababawi yun.” Tinig ng isang babae mula sa likod ng bilaong puno ng panindang tinapa. Medyo may edad na ito at mukhang hindi nasasayaran ng suklay ang kanyang buhok.

“Ang gawin mo, pumunta ka na lang dun sa pulis isteysyon. Tawid ka lang dun sa may kanto. Katabi ng tindahan ng bisikleta. Dun, may tutulong sayo.” Dagdag pa nya sabay hithit sa sigarilyong nakaipit sa dalawang daliri ng kanyang kamay. Ngunit tiningnan lamang nya ito at lumakad na tila walang narinig. Hindi nya alam kung susundin nya ito. Ang mga tao sa paligid ay nakatingin lang sa kanya at ang iba’y nakangiti pa. Patuloy lang syang naglakad habang nakatingin sa kawalan. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan nya ang nangyari. Bakit nangyari yon? Ano ang gagawin nya? Hindi nya alam kung may dapat bang sisihin sa nangyari.

“Miss byutipul, gusto mo, ihatid na lang kita? Dadaan muna tayo sa langit! Hahaha!!! Mula sa grupo ng mga lalaki sa kabilang kalsada. Apat na kalalakihan iyon. Tambay. Nakaupo sa gilid ng lumang waiting shed na puro bakas ng poster ng mga nangampanya nung nakaraang eleksyon. Payat na lalaki ang nagsalita. Naka-sandong pula at may panyong nakatali sa may ulunan.

“Pare naman, ninakawan na nga yung chicks, inaasar mo pa?” sagot ng isang lalaking naka-t-shirt na asul. Puro taghiyawat ang mukha at may kaitiman ang kulay. “Miss! Wag ka maniwala sa kulukoy na ito! Ako na ang bahala sa iyo! Mas maliligayahan ka sa akin!” dagdag pa nya sabay nagpakawala ng napakalakas na tawa na ginaya rin ng iba pang kasama nito.

“Mga Bastos!” sigaw niya at halos patakbong lumayo. Nangingilid ang kanyang luha. Hindi maalis sa isipan ang lalaking umagaw ng kanyang pouch. Ang lalaking iyon, hinding hindi ko malilimutan ang mukha ng lalaking iyon. Sa isip isip nya. Sa susunod na makita nya ang lalaking iyon, tiyak na makikilala nya ito. Kung kaya nyang patayin, gagawin nya. Galit na galit sya. Nalagay sya sa kahihiyan at takot. Buti na lamang at may laman ang bulsa ng kanyang slacks na pantalon at sapat iyon para makauwi sya ng bahay.

Wala syang balak na magpunta sa lugar na iyon dahil kilalang kilala nga iyon sa lahat ng baryo sa kanila. Galing sya sa pinsan nya sa Malabon para maningil sana ng mga pautang ng nanay nya. Uso kasi sa kanila ang pautangan at malaki ang patubo kaya ginawa na rin nilang negosyo ito. Kahit ilang beses na nyang tinutulan iyon dahil mahirap nga pag araw ng singilan, hindi pa rin sapat na dahilan para ipatigil ng kanyang ina iyon. Tutal, malaki din naman ang kinikita nila, at nakatulong iyon sa pag-aaral ng kanyang kapatid. Buhat kasi ng iwanan sila ng kanilang ama at sumama ito sa iba, natuto na silang mamuhay ng walang inaasahan. Nakapagtapos siya ng kursong Accounting sa pagtutulungan nilang mag-iina. Nagtatrabaho sya sa umaga at sa gabi naman nag-aaral. Ngayon ay nagtatrabaho sya sa isang bangko na hindi kalayuan sa kanilang tahanan at tumutulong sya sa pagpapa-aral sa kanyang kapatid. Si Aling Lucy naman ay aktibo sa pagiging ahente ng PRO-FRIENDS. Ahensya ng mga binebentang subdivision. Malaki-laki rin ang nagiging kumisyon nya. Isa sya sa may pinakamatas na benta nung nakaraang taon.

“Ikaw na muna ang maningil bukas sa Malabon ha Len? Sasamahan ko si Mareng Delma sa Tagaytay, baka may makuha din akong buyer dun.” Si Aling Lucy, nanay ni Elaine. Kahit may edad na ay bakas pa rin ang kagandahan ng mukha. May kaputian at makinis ang balat. Balingkinitan pa rin ang katawan. Hindi kasi nagpapabaya sa sarili. Ang kanyang maamong mukha ay bagay na bagay sa kanyang tuwid na buhok na hanggang bewang. Hindi mo aakalaing 46 na ito. Nakapagtataka nga at iniwan ito ni Mang Abner sa kabila ng kagandahan at kabaitan nito.

“Bukas na yung binyag ng anak ni Judy diba? Ninang ako dun, hindi ko pwedeng palampasin yun. Utusan nyo na lang si Ed.” Tugon ni Elaine habang nagliligpit ng pinagkainan nilang mag-iina.

“Naku, alam mo naman yang kapatid mo. Bago pa makauwi yan e, kung saan saan muna magsusu-suot. Baka ubos na ang pera pagdating dito sa bahay.”

“Hindi rin ako pwede.”

“Sa umaga naman ang binyag ah, edi pagkatapos nun, dumiretso ka na sa pinsan mo.”

“Eh, Ilan ba ang sisingilin ko dun?” nakasimangot nyang tanong.

“Dalawa lang, Si Aling Elvira at yung boarder sa tapat nya. Si Agnes, yung nagtatrabao sa EPZA. Ano, ikaw na ang bahala ha?” Sagot ni Aling Lucy.

“May magagawa pa ba ako?”

“Ay naku, ang dalaga ko, napakabait talaga. Kelan kaya ako magkakaapo?” may lambing sa tinig ni Aling Lucy.

“Nay naman, beinte singko pa lang ako. Saka hindi pa tapos sa pag-aaral si Ed, apo na agad ang nasa isip nyo. Saka, paano naman napunta ang usapan dun?” Pangangatuwiran nya.

“E kasi naman anak, ang tagal ko nang hinihintay na may ipakilala ka ulit sa akin. Kaso hanggang ngayon, wala parin. Aminin mo nga sa akin, babae na ba ang hanap mo ngayon?” nakangiting tanong ni Aling Lucy.

“Hay naku, eto na naman tayo. Ilang beses ko nang sinabi sa inyo na hindi ako naghahanap dahil alam kong kusang dumadating yun. At hindi rin ako tibo noh?!.” Tugon niya. Nahuhugas na siya ngayon ng mga plato habang si Aling Lucy naman ay naghahanda ng mga paplantsahin nya. Si Ed naman ay nanonood ng T.V. at hindi iniintindi ang usapan ng mag-ina. Finals na kasi ng PBA ngayon at naglalaro ang paborito nyang team. Ang San Miguel. Idolo nya kasi si Danny Ildefonso. Sa tuwing may liga nga sa kanila, number 10 din ang ginagamit nyang numero.

“Sya sige. Babae na kung babae. Pero asan na ang Prince Charming mo? Madami naman nanliligaw sayo ah! Bakit hindi mo subukang sagutin ang isa sa kanila? Matagal tagal na rin naman yung paghihiwalay nyo ni Michael.” Sambit ni Aling lucy. Bakas na ang kaseryosohan sa kanyang mukha.

“Nay naman, wag nyo na ngang ipaalala yun. Ayoko ng ulit ulitin nyo pa yung usapan na yan. Sinabi ko na naman sa inyo yun ah!” Tila nagtatampong tugon ni Elaine. Nakasimangot na sya ngayon. Hindi lang nakikita ng ina dahil nakatalikod ito sa kanya. Pero alam ni Aling Lucy iyon.

“Pasensya ka na anak, gusto ko lang naman kasi makita kang masaya ulit e. Nami-miss ko rin yung makitang excited ka tuwing papasok dahil alam mong may susundo sayo. Saka yung mga kwento mo pagkatapos na date nyo.” Bawi nya.

Lumingon lang ito sa ina. Walang reaksyon. Tila iniisip kung ano ang sasabihin. Gusto nyang dugtungan ang usapang iyon ngunit wala na syang maisip na isasagot.

Si Micheal. Oo. Ang lalaking iyon. Sya ang dahilan kung bakit nawalan na sya ng tiwala sa mga kalalakihan. Nadagdagan pa nung iwanan sila ng kanilang ama.
Dalawampu’t isang taon sya noon, bagong pasok sa RCBC, FCIE branch. Lunes ng umaga. Pumasok ang isang lalaki sa kanilang bangko. Matangkad, matipuno ang pangangatawan. Bagay na bagay ang tangos ng kanyang ilong sa mapungay nyang mga mata. Maamo ang kanyang mukha at disenteng disente kung tingnan. Medyo may kaputian at halatang may kaya sa buhay. Dumiretso ito sa desk nya matapos tumalikod sa gwardiya. Sinita kasi sya nito ng makitang duma-dial sa cellphone. Bawal daw kasi yun doon sa loob. Hindi na sya nakipagtalo pa at humingi pa ng paumanhin. Nagtinginan sina Tina at Laura at nakangiti ito nang makitang papalapit kay Elaine ang lalaki. Alam nilang pareho ang kahulugan ng tingin na iyon. Ganoon sila sa tuwing may papasok na “gwapo” sa loob ng bangko. Tapos, maya mayang lunch break ay pag-uusapan nila yun.

“Excuse me ma’am, nagpadala po kasi ng pera yung sister ko from abroad through RCBC. Kukunin ko lang po sana.” Magalang nyang panimula.

“Ok. Do you have the reference number Sir?” nakangiting sagot naman ni Elaine.

“Kailangan po ba yun? Sabi kasi nya, magdala lang daw ako ng 2 valid ID’s at makukuha ko na iyon.” Katwiran ng lalaki.

“I’m sorry Sir, kailangan po namin nung reference number para makita namin sa system yung account nyo.”

“Ganun po ba? Sige, babalik na lang ako after 10 minutes. I have to call her now. Lalabas muna ako, bawal kasi dito ang cellphone e.”

“Ok, no problem.”

Napatingin sya kay Tina ng tumalikod ang lalaki, kumindat ito sa kanya, alam na nya kung ano ang ibig sabihin nito. Si Laura ay nakatingin din sa kanya. Nakingiti silang pareho. Tiningnan nya lang ito na parang nagtatanong, ngunit nakangiti rin sya.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang lalaki tuluy-tuloy na ito kay Elaine, dahil wala namang tao doon sa table nya.

“Ma’am, I’m back.” Nakangiting sabi nito na ginantihan din ng ngiti ni Elaine. “Hindi po alam nung sister ko kung saan makikita yung reference number. 5am pa lang sa Dubai, sarado pa po yung bank dun kaya hindi sya makapag-inquire. Ipinatatanong po nya kung ano yung telephone number nyo dito para sya po ang kakausap sa inyo.” Paliwanag nya.

“I’m sorry Sir, pero hindi po kami nagta-transact ng any account through phone. Wala po ba yung resibo sa kanya? I believe it’s in there. Pakihanap na lang po.”si Elaine habang nakatingin sa mga mata ng lalaki. Gwapo nga ito, sa isip-isip nya.

“Ah, ok. Excuse again, I’ll be back later” nawala na ang ngiti sa labi ng lalaki at mabilis na tumalikod.

Hindi na sya tumingin kina tina at Laura dahil alam na nya kung ano ang reaksyon nito. Idinako na lang nya ang mga mata sa computer at ipinagpatuloy ang ginagawa nya kanina bago pa dumating ang lalaki.

Ilang sandali pa at muling dumating ang lalaki, pawisan ito, marahil ay hindi sanay sa init kaya pinagpawisan sa labas. Nagmamadaling lumapit kay Elaine. Nagkatinginan sila ngunit walang reaksyon ang mukha niya.

“Miss, hindi daw nya alam kung saan ang reference number dun baka pwedeng kausapin nyo na lang sya.” Halos humihingal na sabi ng lalaki. Nakatitig ito at halos walang kurap na nagsalita.

“I’m sorry Sir, pero hindi po talaga pwede.” Malumanay na sagot ni Ellaine.

“Ano pala ang gusto mong gawin ko?” Medyo mataas ang boses ng lalaki. “Kanina pa ako pabalik-balik dito. Mukha ba akong magnanakaw at pag-iinteresan ko ba yung kaunting perang kukunin ko?” dugtong pa nya. Namumula ang mukha ng lalaki.

“Sir, hindi naman po sa ganun kaso...”

“Kaso ano? Napag-utusan lang ako ha? Nag-half day ako sa trabaho para ayusin lang ‘to. Ngayon, malapit ng mag-alas dose, wala pa ring nangyayari. Anong klaseng --.”

“TIIIIT...TIIIIT” naputol ang salita ng lalaki dahil sa tunog na iyon na nagmumula sa kanyang bulsa. Ang cellphone nya. Hinugot nya iyon at dali-daling tiningnan. May text na natanggap.

Lumapit ang guard sa kanya.

“Sir pasensya na po, bawal po kasi..”

“Alam ko! Maghintay ka! I-o-off ko na nga!” putol nya sa sinasabi ng guard dahil alam nyang iyon ang sadya sa kanya. Halos pasigaw iyon. Namumula pa rin ang mukha ng lalaki. Binasa nya ang text at medyo nabago ang mood ng mukha nya. Tumingin sya kay Elaine. Parang natatakot ang itsura ng dalaga. Hindi pa kasi sya sanay sa ganoong sitwasyon. Isang linggo pa lang syang nagtatrabaho dun matapos syang mag-graduate ng kolehiyo.

“Paki-try daw kung tama itong number.” Medyo kalmado ang tinig na iyon kumpara kanina. “6731170. From Angeline Venales.” Dugtong niya.

Dali daling nag-type si Elaine sa computer. Matapos ang ilang saglit, “Ok po. Bale 24, 435 pesos. Pa-fill up na lang po nito, may check na po yung mga dapat nyong sagutan.” Kaswal nyang salita habang inaabot ang mga piraso ng papel.

Parang napahiyang inabot iyon ng lalaki ang mga papel at hindi man lamang sya tumingin sa kaharap. Binasa nya ito at sinagutan ang na tila nagmamadali, habang abala si Elaine sa pagbibilang ng pera. Paminsan-minsan nyang sinusulyapan ang dalaga. Matapos magsulat, iniabot nya iyon kay Elaine at ginantihan naman nya ito ng pag-abot ng pera. Parehong kaswal ang kanilang mga mukha. Hindi pa rin tumitingin ang lalaki sa kanya. Kapwa sila tahimik.

“Thank you Sir,” si Elaine ang bumasag sa katahimikang iyon. Tumango lang ang lalaki at sumulyap ng bahagya sa kanya bago tuluyang tumalikod at lumabas.

“Grabe yung guy kanina ano?” ani Laura sabay kagat sa mansanas na hawak nya. Lunch time na iyon at doon na lang sila kumakain sa mismong office. Nagpapabili na lang sila ng pagkain kay Mang Nestor, ang kanilang janitor. Sarado ang bangko nila mula alas dose hanggang ala-una ng hapon. Si Judy naman, ang isa pa sa staff nila, ay sa labas minsan kumakain kasabay ang asawa nito. Malapit lang kasi ang pinapasukang kumpanya nito sa bangko nila Judy. Maintenance ito sa Mitsuba company sa loob ng FCIE. “Sayang ang kagwapuhan nya, ang sungit naman pala.” Dugtong niya habang nginunguya ang kinagat na mansanas. Magkakatabi silang tatlo, Si Laura sa kanan at si Tina naman sa may bandang kaliwa. Napagigitnaan si Elaine. Parang walang syang narinig.

“Naku, kahit topakin yun, manligaw lang sya sa akin, hindi ko na sya pahihirapan.” Ani Tina sabay sipsip ng juice na nasa plastic na baso. “Laglag ang panty ko sa kanya e, hahaha.” Dagdag pa niya habang ibinababa ang basong hawak nya. Dinampot nya ang kutsarang plastik at akmang sasalok ng kanin ng mapansin nya ang walang kibong si Elaine. Tiningnan nya si Laura na nakatingin rin sa kanya. Itinuro nya si Elaine sa pamamagitan ng nguso. Agad namang nakuha ni Laura ang ibig sabihin ng kaibigan.

“Hoy!” sabay nilang tinapik sa balikat ang dalaga.

“Ano bang nangyayari sayo?” si Laura.

“Aha! Alam ko na! It’s about that guy ano? Uuuyyy, love at first fight. Ahihihi” panunudyo ni Tina.

Love at fist fight. Parang tama nga siguro, naisip nya. Kahit medyo nagkainitan sila ng lalaking iyon, hindi nawala ang paghanga nya rito. Paulit-ulti nyang nakikita ang mukha nito. Ang mga ngiti na parang dumudayan sa kanya. Sayang, hindi man lamang nito nakuhang magpakilala sa kanya.

Natapos ang tanghalian ng puno ng panunukso ng dalawa. Wala naman syang maitugon dahil tama naman ang kanilang sinasabi. Ang totoo, gusto nyang ikwento sa kaibigan ang nararamdaman ngunit inabot lang sya ng hiya.

Naging abala ang buong mahapon, mabilis na lumipas ang oras, alas 5:00 na ng hapon. Hindi na nahintay nina Laura at Tina si Elaine. May tinapos pa kasi itong isang papeles. Tutal, magkaiba naman ng direksyon ang kanilang bahay kay Elaine. Sa Dasma kasi siya, at sa Manggahan naman ang dalawa. Nagmamadaling niligpit ni Elaine ang kanyang mga gamit at mabilis na lumabas ng bangko. Mataas pa ang araw sa labas, doon na sya sa gilid ng bangko dumaan papuntang waiting shed. Maraming nag-aabang ng sasakyan, oras din kasi iyon ng labasan ng mga empleyado sa FCIE. Marami rin namang nakapilang jeep na biyaheng Dasmariñas na minsan ay nagiging sanhi rin ng trapiko. Doon kasi ito pumipila sa mismong tapat ng waiting shed sa gilid lang ng kalsada. Gitgitan din ang mga sasakyan, trapik pa rin. Sa di kalayuan ay sari-saring paninda ang makikita, fishball, balot, mga softdrink at yung kwek kwek. Halos pinagkakaguluhan iyon ng mga kalalakihan. Papalapit na sya ng waiting shed ng may tumawag ng kanyang atensyon.

“Elaine! Elaine!” pamilyar ang tinig na iyon na nagmumula sa kanyang likuran. Lumingon sya at tila napako sa kanyang pagkakatayo ng makita ang kung sino iyon. Tama ang kanyang hinala, ang lalaki kaninang umaga. Nagmamadali iyong lumapit sa kanya. Nakangiti. Hindi malaman ni Elaine kung gagantihan ito ng ngiti. Kaswal ang mukha nya.

“Elaine right? Yun kasi ang nabasa ko sa name tag mo.” Bungad ng lalaki. Hindi pa rin nagsasalita si Elaine, hindi kasi nya inaasahan na makikita nya ang lalaking iyon.

“I’m Michael. Michael Venales.” Wika nya sabay abot ng kanang kamay kay Elaine.

“Please to meet you.” Nakangiti nyang inabot ang kamay na iyon.

“ Sorry dun sa nangyari kanina. Medyo uminit ang ulo ko. Ang kulit kasi ni ate, ang liit daw na bagay, hindi ko pa masolusyunan. Inistorbo ko pa daw sya sa pagtulog nya.” Paliwanag ng lalaki.

“Ok lang yun, normal lang naman sa atin yung magalit paminsan-minsan. Pero natakot din ako kanina ha?” may ngiting sabi ni Elaine.

“Sa sitwasyon ako nagalit. Hindi sayo. By the way, may pupuntahan ka ba ngayon? I want to ask you for a dinner e, would you accept it as my apology?” tanong ng lalaki.

“Ha? I’m sorry Michael, pero hinihintay na ako sa bahay e. Next time na lang siguro.” Nabigla sya sa tugon na iyon. Next time? Ang ibig bang sabihin ay umaasa sya na may susunod pa? Napakatanga mo Elaine, baka kung ano pa isipin nya sayo.

“Ok. Next time. Promise ha? Pero siguro naman ok lang kung ihahatid kita sa inyo ngayon?” nakangiti si Michael. Tila excited na naghihintay ng sagot ng dalaga.

“Sige na naman oh. As an acceptance to my peace offering.” Dugtong nya.
Natigilan si Elaine, hindi matantya kung anong isasagot. Papayag ba sya o hindi? Ano naman kaya ang sasabihin ng kanyang inay kung makitang may naghatid sa kanyang lalaki? Bahala na.

“Sige, pero ngayon lang ‘to ha?” at hanggang dun lang sa may kanto. Hindi na dun sa mismong tapat ng bahay namin, ok?”

“Ok. Lika, dun kasi ako nag-park sa may tapat ng RCBC. Hirap humanap ng parking eh. Dami kasing susundo ngayon.”

“Ok.” Sumunod lang si Elaine. Hindi nya inaasahan na may sasakyan si Michael.

Sa loob ng gray na Toyota Corolla, naging kaswal ang usapan nila. Maraming tanong si Michael na sinagot naman ni Elaine. Hindi pumayag si Michael na hindi nya maihatid si elaine hanggang sa tapat ng bahay nila. Pinaunlakan naman niyon ng dalaga at pinakilala pa niya ito sa kanyang ina.

Naging maganda ang takbo ng mga sumunod na araw sa buhay ni Elaine, madalas syang sinusundo ni Michael. 7:00 ng umaga ang pasok nito hanggang 7:00 ng gabi sa loob ng 4 na araw sa isang linggo. Two weeks na ganun at 2 weeks din na paggabi. Hindi rin kalayuan ang trabaho nya sa RCBC. Doon lang ito sa may Manggahan. Intel Technology Corporation. Technician ito sa Logistics Department. CV4. Naging boto rin ang kanyang ina sa binata ganun din ang mga kaibigan nya. Lalo na nang ibalita nyang boyfriend na nya si Michael. Madalas itong kasama sa mga gimik ng makakaibigan. Madalas na ring dumadalaw sa bahay si Michael. Tatlong araw kasi sa isang linggo ang kanyang pahinga kaya magaan ang schedule nito. Hindi nawawalan ng pasalubong ito sa tuwing dadalaw sa bahay nila na sya namang dahilan din ng pagkakasundo nila ni Ed. Ang bunsong kapatid ni Elaine. Sa loob ng apat na buwan, naging masaya ang kanilang relasyon hanggang sa dumating ang hindi inaasahan ni Elaine...

Limang sunod-sunod na araw na hindi nagpakita si Michael. Unang beses itong nangyari sa kanila. Dati naman, hindi makakalimot na tumawag si Michael kung hindi ito makakabisita sa kanya. At kung hindi man sila nagkikita, halos hindi naman tumitigil ang cellphone ni Elaine sa kaka tunog at halos buong maghapon syang tumatanggap ng text messages mula sa lalaki. Hindi tulad ngayon. Limang araw na naka-off ang cellphone ni Michael. Nag-aalala na si Elaine kaya’t sinubukan nyang tumawag sa trabaho nito. Unang beses nyang ginawa iyon. Bilin kasi ni Michael ay kung sakaling gusto nya itong makausap, sa cell na lang ito tumawag o kaya ay magpa-miscall para sya ang tawagan ng binata. Madalas daw kasi itong wala sa pwesto nya at nag-aayos ng mga Stock Picker o kaya ay ng Electronic Pallet Jock. Linggo ng umaga.

“QA department, this is Marites, Good Morning!” tinig mula sa kabilang linya ng telepono.

“Good morning! Can I speak to Mr. Michael Venales, pls?” sagot ni Elaine. Nakahiga sya sa kanyang kama. Yakap ang malaking teddy bear na bigay sa kanya ni Michael. Tila sabik syang marinig ang boses ng kanyang minamahal. Ilang oras lang ang naitulog nya kagabi. Nag-aalala sya baka kung ano na ang nangyari dito.

“Is this his wife?” tanong ng babae sa kabilang linya.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Elaine sa tanong na iyon. Wife? May asawa na si Michael at alam ng lahat iyon? Hindi sya makapaniwala. Waring sinasadya ng babae sa kabilang linya ang sitwasyon na iyon. Maaaring alam ng lahat na may ibang babae si Michael bukod sa tunay niyang asawa. At sya iyon. Kerida sya ni Michael. Ang taong minahal nya ng lubos. Ang taong sa simula pa lamang ng makita nya ay inibig nya. Bumalik ang mga nakaraan sa kanila ni Michael. Kaya pala kahit isang beses ay hindi man lamang sya niyaya nito sa kanilang bahay para ipakilala man lamang sa kanyang pamilya. Nahihiya lang syang magyaya dito ngunit pinananabikan nya ang pagkakataong iyon. Kaya pala pinagbabawalan sya nitong tumawag sa kanyang trabaho. Ngunit baka nagkakamali lang sya. Huminga sya ng malalim upang mabawasan ang bigat ng kalooban. Pilit nyang itinago sa kausap ang sakit na kanyang nararamdaman. Kailangan nyang makasiguro kung tama nga ang kanyang narinig.

“Hah..hi-hinde...amm...hipag nya ito.” Pautal nyang sagot at waring iniisip ang susunod na sasabihin.

“Ok..just a minute ma’am, i will transfer you.” Magalang na sagot nito.

Hindi maisip ni Elaine kung ano ang kanyang sasabihin. Habang hinihintay nya ang pagkakataong makausap ang kanyang kasintahan. Tila hindi nya naririnig ang masayang musika mula sa telepono habang inililipat sa kabilang linya. Naririnig nya ang tibok ng kanyang dibdib. Bumibilis. Naninikip iyon at tila nahihirapan syang huminga. Pakiramdam nya ay sasabog iyon. Nanginginig ang kanyang buong katawan.

“Hello Jen...kami na lang ng ate mo ang magdadala dyan sa inyo ng--”

“Hayup ka!” pinutol nya ang salita ng lalaki. Alam nyang si Michael iyon.

“Sino ‘to? Elaine? Ikaw ba yan?” tanong ng lalaki. Halata sa tinig nito ang matinding kaba.

“Minahal kita Michael...Tapos, ito pa ang igaganti mo sa akin? Hayup ka!!!” Nanginginig ang kanyang boses.
TUUUUTTT!!!!
“Elaine, let me explain! Hello?” Habol ng lalaki. Ngunit wala na. Putol na ang linya. Marami pang gustong sabihin si Elaine ngunit hindi na nya ito kayang kausapin pa. Naninikip ang kanyang dibdib. Tapos na ang lahat. Ayaw na nyang makita pa ang lalaki. Ilang beses syang tinwagan ni Michael ngunit hindi nya ito pinapansin hanggang tuluyan na itong mabura sa kanyang puso. Iyon na ang huling pag-uusap ng dalawa.













CHAPTER 2

Linggo ng umaga. Ginising si Elaine ng malakas na tunog ng Cellphone nya. Yun kasi ang ginagamit nya bilang alarm clock. Inilalagay nya sa tabi ng lampshape sa ibabaw ng mesita. Nasa tabi iyon ng kanyang kama kaya’t madali nya itong kunin. Inabot nya iyon at pinindot. Bigla itong nanahimik. Bagamat alam nyang alas siyete na ng umaga, tiningnan pa rin nya ang wall clock na nakasabit sa dingding ng kwarto nya sa may bandang harapan. Bumangon sya at dumiretso sa banyo. Kanina pa kasi nya gustong umihi pero tinatamad syang bumangon dahil sa antok. Dapat kasi ay tanghali na syang gigising dahil day off nya ngayon. Halos anim na araw kasing maaga sya kung gumising. Alas-8 kasi ng umaga ang pasok nya hanggang alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes. Tuwing Sabado naman ay alas-8 hanggang alas dose lang ng tanghali. Kailangan nyang gumising na maaga dahil masyadong matrapik sa may Pala-Pala. Buhat kasi nang itayo ang Robinson, naging abala na ang kalyeng iyon. Doon na rin kasi nakaparada ang mga sasakyan na papuntang EPZA. Sa kabilang kalye naman ang paradahan ng mga FX at Van na papuntang Batangas at mga kalapit lugar nito. Sa may bandang Tagaytay ang daan nito. Mas lalong naging trapik nung nagkaroon ng SM sa lugar ding iyon. Naging abala ang daanan. Nagkaroon na rin ng sari-saring tindahan sa tabi ng kalsada. Kahit na pinalapad yung kalsada ay hindi sapat para maiwasan ang trapiko.

Pagkagaling sa banyo, dumaan sya sa kwarto ng ina. Wala nang tao doon. Maaga nga pala itong umalis. Parang naalimpungatan sya kanina nung magpaalam ito sa kanya. Hindi nya alam kung panaginip ba iyon o totoo. Ang kabilang kwarto ay kay Ed. Naka-sarado pa ito. Alam nyang mamaya pang tanghali magigising ang kanyang kapatid. Patagalan silang bumangon tuwing araw na Linggo dahil yun naman ay araw ng kanilang pahinga.
Marahan syang bumaba sa hagdan. Sa kusina ang tungo nya. Dumaan sya sa munti nilang sala. Nilibot ng kanyang paningin. Malinis iyon. Maayos ang mint green na cover ng kanilang sofa. Madalas kasing magulo iyon dahil nakahiga doon si Ed sa tuwing manonood ng telebisyon. Nakataas ang isang paa sa may sandalan na tila nagre-relax. Ang mesitang salamin sa gitna nito ay walang bahid ng dumi at halos kumikinang sa tuwing tatamaan ito ng liwanag. Maaayos na nakalagay ang flower base sa gitna nito. Ang Tukador na kinalalagyan ng TV sa harapan ay maayos din. Pati ang aquarium sa may bandang gilid nito ay tila di nasasayaran ng anumang alikabok. Maagang naglinis ang kanyang ina.

Narating nya ang kusina. Sa mesa agad ang gawi nya. Tiningnan kung akong ang tinatakpang pagkain doon. Iniangat nya iyon. Tocino at pritong itlog, sunny side up. Nilingon nya sa gawing kanan ang kalan. May nakalagay na kawali. Alam nya, sinangag iyon. Tama nga ang naamoy nya. Nagluto na pala ang kanyang ina ng almusal. Ngunit alam nyang tanghalian na ito dahil tanghali na kung gumising ang makapatid. Wala na syang balak kumain. Tutal, kainan naman ang pupuntahan nya. Kinuha na lang niya ang paborito nyang tasa sa lalagyang katabi ng kalan. Kape na lang. Sa isip nya. Matapos magtimpla ng kape, dumiretso sya sa sala, at umupo sa sofa. Inilapag sa mesita ang tasa. Kinuha ang remote ng component at pinindot iyon. Umalingawngaw ang tunoog nito. FM station. Saktong sakto. Si Balahura at Balasubas. Aliw na aliw sya sa programang iyon. Kahit na tila below the belt ang jokes ay nakakatuwa pa rin. Nasa nakikinig naman ang diperensya. Tiningnan nya ang oras. 7:20. Maaga pa naman. Sinadya nyang agahan ang set ng alarm upang makapa-relax muna sya bago maligo. Alas diyes pa naman ang binyagan. Tutal malapit lang naman ito sa kanila at wala ring gaanong trapik pag linggo ng umaga. Mula tanghali pa hanggang hapon ang trapik dahil sa mga magpupunta sa magkalapit na mall. Kahit sa Dasma nakatira sila Judy ay doon pa rin sa simbahan ng Trece Martirez gaganapin ang binyagan. Masyado daw kasing mahigpit ang simbahan ng Dasmariñas. Kung anu-anong papeles daw ang hinihingi. Pati ang mga ninong at ninang ay hinihingian ng baptismal record. Kung anu-anong seminar pa ang dapat na attend-an kaya napagpasyahan na lang ng mag-asawa na sa ibang lugar na lang, tutal, meron naman silang sasakyan. Doon na lang sila magkikita kita sa simbahan ng mga ninong at ninang.

8:30 ng umaga. Katatapos lang maligo ni Elaine ng marinig ang kanyang cellphone. Tiningnan nya kung sino ang tumatawag. Ang kanyang ina. Ipinaala lang sa kanya ang pagpunta nya sa Malabon para maningil ng kanilang pautang. Tulad ng napagkasunduan, matapos ang binyagan, doon na sya didiretso sa kanyang pinsan sa Malabon.

Gabi pa lang ay nakahanda na ang isusuot ni Elaine kaya madali na syang nakapagbihis. Simple lang iyon ngunit nagiging sopistikadang tingnan dahil likhang maganda si Elaine. Bilugan ang kanyang mata at mapungay na tulad ng kanyang ina na may mahahabang pilikmata. Matangos ang ilong nito. Malalim ang mga biloy na lalong nagbibigay ng kulay tuwing sya ay ngingiti. Tuwid at itim na itim ang hanggang balikat nitong buhok. Makinis ang maputi nitong kutis. Ang taas na 5’5” ay nakuha nya sa kanyang ina na noong kabataan nito ay laging laman ng Reyna Elena at may ilang beses na ring nanalo sa mga beauty contest na ginaganap sa kanilang baranggay. Ngunit hindi ganoon si Elaine. Bagamat maraming kumuha sa kanya sa mga ganitong paligsahan ay lagi itong tumatanggi. Mahiyain ito. Suot na nya ang kanyang damit na gagamitin sa binyagan. Itim na slacks pants na fit sa kanyang mga hita ang pang-ibaba. Sa itaas naman ay white long sleeve na polo na itinaas nya hanggan siko. May maliit na shawl sa bandang leeg nya na animo’y isang kwintas. Simple lang ngunit bakas na bakas ang kaseksihan ng dalaga. Lalong lumitaw ang kagandahan nito sa manipis na make-up. Aakalain mong isang artista sa pelikula. Kaya naman maraming manliligaw dito ngunit hindi naman nya ito pinapansin.

Sa di kalayuan ay natanaw nya si Tina. Palinga-linga ito at waring naghahanap ng kakilala. Nakatayo sya sa may pintuan ng simbahan sa may gilid na daanan. Ang main entrance kasi ay puno ng tao may dala ng kanya-kanyang camera at videocam. May kasal kasi nung araw iyon. Tiningnan niya ang oras. 9:45 pa lang. Masyado pang maaga para sa binyagan. Kinawayan nya ang kaibigan at ngumiti ito nang makita syang papalapit dito. Maya-maya lang ay dumating din si Laura na tila sya ang ikakasal. Naka-white dress ito na lampas tuhod. Bulaklakin ang design nito na pinarisan din ng white high heeled shoes. Nagkatinginan sina Elaine at Tina ng makita ang kaibigan. Nakangiti sa isa’t isa. Nagkakaintindihan sila ngunit hindi na nila pinuna ito dahil ayaw nilang masaktan ang kaibigan. Hindi naman ganoon kapangit si Laura. Maputi ito tulad ng kanyang mga kaibigan. May taas na 5’2” at medyo may kapayatan. Makapal lagi ang make-up upang itago ang mga taghiyawat nito sa pisngi. Hindi masyadong matangos ang ilong. Makapal ang labi at matulis iyon. Kung paghahambingin ang tatlong magkakaibigan, sya ng weakest link ‘ika nga.
Ang tabi ng simbahan ay may dalawang palapag na bulwagan. Sa ikalawang palapag isinasapit ang seminar na ginaganap bago ang binyag. Napagkasunduan ng magkakaibigan na mauna na doon upang makapagreserba na ng upuan. Kanina pa kasi sumusigaw ang isang babaeng medyo may edad na. Tinatawag ang mga magulang ng batang bibinyagan at sinasabing umakyat na para makapaghanda sa seminar.

Masikip na ang bulwagang iyon. Siksikan. Mabuti na lamang at bukas ang paligid nito kayat nakakapasok ang hangin. Tanging pader na lampas beywang ang harang dito. Doon sila sa may tapat ng whiteboard naupo. Magandang pwesto iyon para sa kanila. Maya-maya lang ay nakita ni kinawayan ni Laura ang paparating na sina Judy at ang pamilya nito. Pinaupo nila ito sa puting plastik na upuan na inihanda nila para sa inanak at bagong kumare.

“Kanina pa kumakalam ang sikmura ko.” Bulong ni Tina kay Laura habang nakatayo sila sa likuran ni Judy. “Sana matapos na ‘to” dugtong nya.

“Wag naman. Ang daming gwapo e. Sarap mag-sight seeing.” Nakangiting sagot ni Laura ng hindi man lamang tumitingin sa kausap upang hindi halatang wala ang isipan sa seminar. Lumilibot ang paningin nito at tila siyang-siya sa nakikita.

“Ano ba kayo? Wag nga kayong maingay dyan, konting tiis na lang, matatapos na ‘to” saway ni Elaine sa dalawang kaibigan.

Halos dalawang oras din ang inilagi nila sa simbahan. Bukod pa kasi sa seminar at mismong binyag, tumagal pa sila roon para sa kuhanan ng litrato.Inip na inip si Tina kaya’t laking pasasalamat nito ng matapos ang binyagan. Ang lahat ay tumuloy sa tahanan nila Judy. May nakalaang dalawang van para sa mga ninong at ninang.

May kaliitan ang bahay na iyon ni Judy, sa Mary Cris Subdivision, parte pa rin ng Dasmariñas. Dalawampung minuto mula sa simbahan ng Trece Martirez. Mabuti na lamang at bakante pa ang katabing unit nito at iyon ang ginamit na lugar para lutuin ang mga pagkain. Sa labas ng bahay ay nagtayo ng tolda. Isang malaking mesa ang nasa gitna nito na binalutan ng puting mantel at mga upuang plastik ang nakapaligid. Bagamat may kasikipan, umaapaw naman ang pagkaing nakahain doon. Hindi malaman ni Tina kung ano ang uunahing kainin sa kanyang harapan.

“Elaine, sama ka sa amin mamaya, pagkatapos nito. Nood tayo ng sine.” Pasimpleng bulong ni Laura kay Elaine.

“Oo nga. Palabas na yung pelikula ni John Llyod at Bea Alonzo.” Dugtong ni Tina. “Saka sale daw ngayon sa SM, tingnan din natin baka may magustuhan tayo.”

“Naku, inuutusan ako ng inay sa Malabon. Gusto nyo, samahan nyo muna ako dun.” Si Elaine.

“Tapos babalik tayo sa Dasma? Hindi kaya tayo mahilo kaka-byahe nun? Saka ubos pa ang oras natin” Sagot ni Tina.

“Ganito na lang.” Si Laura matapos sumubo ng isang kutsarang kanin na nilagyan ng piraso ng baboy. “Manonood muna kami ng sine tapos ikaw naman, pupunta sa Malabon. Sumunod ka na lang sa amin mamaya. Sabay sabay tayong mamili.” wika nya na sinasabayan ng pagnguya.

“O sige, text ko na lang kayo kung nasaan na ako.”

CHAPTER 3


“Tita Susan! Tao po! ” Si Elaine. Sa labas ng may di kalakihang bahay sa Malabon. 3:30 ng hapon. Dumiretso na sya doon pagkagaling kila Judy. Mag-aalas tres na sila naghiwa-hiwalay. Medyo natagalan sila dahil sa haba ng kanilang kwentuhan. Minsan lang kasi sila magkasama-sama sa araw ng kanilang day-off. Sa opisina naman, tuwing lunch break lang sila nag-uusap.
“Ate Elaine!” sambit ni Maureen, ang pinsan ni Elaine habang nakadungaw sa bintanang salamin na tila may rehas na bakal. “Sandali lang.” Sabi nito at biglang nawala ang imahe sa bintana. Tumuloy ito sa may pintuan para pagbuksan ang pinsan.

“Lika pasok ka. Wala si Mama e. Maupo ka muna.” Wika nya kay Elaine habang papasok ito sa kanilang bahay. Itinuro ang sofa na nakasandal sa pader. Sa may tapat ng bintana. Tuloy tuloy si Elaine doon at naupo. Sanay na sya doon dahil madalas na niya itong napupuntahan. Ang Tita Susan nya lang at ang anak nitong si Maureen ang pinakamalapit nilang kamag-anak. Ang iba kasi ay nasa probinsya at ang iba ay hindi nya alam kung saan nakatira. Close silang magpinsan dahil minsan nang naalagaan ni Elaine si Maureen nung bata pa ito. Anim na taon ang tanda niya rito. Kapitbahay nila ito nung nasa Malabon pa sila nakatira. Nangungupahan lang sila noon kaya’t nagkahiwalay sila nang makabili ang ama nito ng bahay sa Cityhomes Subdivision sa Dasma na naipon mula sa Kuwait.

“Teka, bibili lang muna ako meryenda sa labas.” Wika ni Maureen habang papasok sa kwarto para kumuha ng pera.
“Hindi wag na Mau. Kagagaling ko lang sa kainan. Binyag kasi nung anak ng kasamahan ko sa trabaho.” Paliwanag niya sa pinsan. Hindi na nito tinuloy ang pagpunta sa kwarto sa sinabing iyon ni Elaine. Pumunta ito sa tabi nya at naupo. Dinampot ang remote control at binuksan ang TV. “Saglit lang din ako, maniningil lang ako dyan sa kabila.” Dugtong ni Elaine.

“Ah..oo..tumawag nga sa akin si Tita kanina. Samahan nga daw kita. Kaya ang ginawa ko, ako na lang ang naningil. Teka kukunin ko lang saglit.” Muling tumayo si Mau at sa pagkakataong ito ay tumuloy na sya sa kwarto.

Ang inay talaga. Sa isip isip nya habang nakatutok ang paningin sa telebisyon sa kanyang harapan. Tungkol sa showbiz tsismis ang palabas kaya parang hindi sya masyadong interesado. Kinuha nya ang remote at inilipat sa music video ang palabas. Yun kasi ang paborito nyang panoorin. Maya maya ay lumabas na ang pinsan. Bitbit ang perang nasingil nya at muling tumabi sa kanya.
“Eto. Bale dalawang libo yan. Kay Ate Agnes lang. Si Aling Elvie, baka next week pa daw. Hindi pa daw kasi nagpapadala yung asawa nya. Naku, pero nung isang araw, nag-grocery sa SM. Hmp!” may pagka-irita ang boses na iyon ng kanyang pinsan. Habang inaabot sa kanya ang perang iyon.

“Salamat ha? Nakakahiya naman, naabala pa kita.” Wika ni Elaine habang inilalagay nya iyon sa maliit nyang pouch.

“Sus! Eto naman parang hindi kakilala kung magsalita.” Panunudyong sambit ni Maureen. Kinuha ang unan na nasa gilid ng sofa. Niyapos niya iyon at tumingin sa telebisyon.

“Wow! Gustong-gusto ko yang kantang yan. Pakilaksan nga ate.” Parang batang sabi Maureen at umayos pa ng upo na parang aliw na aliw sa palabas. Sinasabayan nya ng pagkanta niyon. Isang matandang lalaki na tila hinubog sa clay ang nasa screen .Pinagalaw iyon bilang isang animation. Naglalakad ito habang tumutugtog ang bandang Keane sa background. Kaawa-awang tingnan ang lalaking iyon na bagay din sa kantang isinasadula nito.

“Gusto mo rin pala yan? Favorite ko rin yan eh. Saka yung kanta nilang Somewhere only we know.” Sabi ni Elaine habang nilalaksan ang volume ng TV.

“Oo nga. Magaganda ang kanta ng bandang yan. Nakaka-iyak kasi ang boses ni Tom Chaplin. Gusto ko naman yung This is the last time. Napanood ko kasi nung kantahin nila ng live yun e. Ang galing!.” Pagmamalaki ni Maureen sa pinsan.

Nagkakaisa talaga sila sa musika mula pa noong mga bata pa sila kaya lalo silang malapit sa isa’t isa. Madalas na hiramin ni Maureen ang mga cassette tapes ng pinsan dahil hindi pa nito kayang bumili para sa sarili. Ngunit ngayong nauso na ang CD at medyo nakaka-angat angat na sa buhay, bumibili na ito ng para sa sarili nya. Tutal, uso na rin naman ang pirated CD sa lugar nila, marami rami na rin ang naipon nito bilang koleksyon at pinapatugtog nilang dalawa ito sa tuwing dumadalaw sya sa kanila habang walang humpay na kwentuhan ang magpinsan.

Natigil ang kanilang usapan sa tunog ng cellphone ni Elaine. Kinuha nya iyon sa pouch, at binasa ang message. Mula kay Tina iyon.
San n u? Lpit n mtpos muvi. Kta n lng tau s tpt ng mosimo.

“Oo nga pala. May usapan kami ni Tina. Pa’no Mau, alis na ako. Sensya na sa abala ha? Salamat ulit.” Tumayo na si Elaine at inayos ang sarili.
“Wala yun ‘te. Sige ingat ka na lang. Dun ka na sa may EPZA sumakay meron nang diretsong SM dun. Malayo kasi kung lalakarin mo sa terminal dito tapos hanggang sa may Pala-pala lang. Maglalakad ka pa.” May pag-aalalang wika ni Maureen.

“Sige salamat na lang ulit. Bye” habang papalabas si Elaine.

“Ingat!” pahabol pa sa pinsan. Hanggang sa tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin.

Hindi naman naghintay ng matagal si Elaine. Ilang minuto lang ay sakay na sya ng jeep na biyaheng Noveleta. Doon sya sa may bandang gitna umupo. Sa bakante sa bandang kanan nya at sa bandang kaliwa naman ay isang matandang babae. Tumingin ito sa kanya at nag-aatubiling nagtanong.
“Ineng, malayo pa ba ang Rosario dito? Ngayon lang kasi ako nakapasyal sa lugar na ito. Magkikita daw kami ng anak ko sa may palengke.” Malungkot na paliwanag ng matanda.

Tiningnan ito ni Elaine. Kinilatis ang sinseridad. Mukhang totoo naman ang sinasabi ng matanda. Kaawa awa ang anyo nito. Suot ay lumang t-shirt na may naka-imprentang Boysen sa may gawing dibdib. Manipis iyon tanda ng kalumaan. Ang pang-ibaba naman ay paldang cotton na waring matagal nang hindi nalalabhan. Bulaklakin ang disenyo nito at iba’ibang kulay na kupas na sa kalumaan. At may isang paris na tsinelas na luma na rin. Bitbit ng matanda ay isang pirasong papel. Listahan marahil. O di kaya’y sketch ng lugar na pupuntahan.

“Dun din ako bababa. Sabay na lang kayo sa akin.” Aniya.

Ang totoo, medyo may kalayuan ito sa EPZA. Mga 10 minuto pa ang itatakbo ng jeep kung walang trapik. Ngunit dahil naawa sya sa matanda, sasamahan na lamang nya ito sa Rosario. Tutal meron din namang masasakyan agad sa kanyang pagbalik.

“Salamat Ineng.” Nakangiting sagot ng ale.

“San po ba kayo sa banda?” muli nyang tanong.

“Sa may likod daw ng palengke. Malapit sa may park. Hinihintay ako ng anak ko dun. Galing kasi sa trabaho nya sa EPZA.”

“Alam ko po yun. Sige ihahatid ko muna kayo.”

“Salamat ulit iha. Nakakahiya man e, kakapalan ko na rin ang mukha ko dahil talagang hindi ko alam yun.”

Sa may harapan sila ng palengke bumaba tapat ng McDonald’s . Malapit na iyon sa park. Ihahatid nya lang ang matanda at aalis na rin sya. Inalalayan pa niya iyon sa pagbaba. Sa may gilid sila dumaan. Maluwag doon. Tumawid sila papuntang park.

“Dito ko na lang po kayo iiwan lola.” Sabi niya habang inaalalayang umupo sa isa sa mga upuan sa gilid ng basketball court. “madali nyo nang makikita ang anak nyo dito dahil tanaw na tanaw ang entrance.”

“Maraming salamat ulit, neng” sagot na matanda.
Lumakad na patungo sa waiting shed si Elaine. Medyo matao na ang lugar na iyon. Maya-maya ay may nakisabay sa kanyang lalaki, tumingin ito sa kanya at ngumiti. Mataas ito, moreno, may kalaparana ng katawan. Naka-sando lang ito. Marahil ay taga-doon lang din iyon. Pansin nya ang mga pasa sa mukha nito at sa gilid ng kanyang paningin, napansin nya ang iba’t ibang galos sa mga braso. Nailang siya sa tagpong iyon. Hindi sya sanay sa ganung sitwasyon. Mukhang mabait nga ito ngunit hindi pa rin ito sapat para suklian nya ng ngiti. Tiningnan lamang nya ito at binilisan nya ang kanyang paglakad. Naramdaman nyang sumusunod pa rin sa kanya ito. Lilingunin sana nya ito ng biglang inagaw ng lalaking iyon ang bitbit nyang pouch.

“E bakit naman kasi nagpunta ka pa dun? Alam mo naman ang lugar na iyon!” si Aling Lucy. Habang nakayakap sa anak. Nag-alala ito ng maikwento ni Elaine ang pangyayari. “Buti na lang at hindi ka nasaktan.” Aniya habang pinakakalma si Elaine. Tahimik lang ang dalaga. Waring tulala. Ang kaninang pinipigilang luha, ngayo’y inilabas lahat sa balikat ng kanyang ina. Nakaupo sila sa sofa. Si Ed naman ay nasa kabilang upuan. Nakatinging sa kanila na waring nakikiramay.

“Hayaan mo na yun ‘te. Makakarma rin yun. Kung sino man sya.” Sabi niya.

“Ipagpasa-Diyos na lang natin yun anak. Maliit na halaga lang naman yun. Baka kailangang kailangan lang talaga nya iyon.” Dagdag pa ng ina.

Paulit ulit na tumatatak sa isip nya ang mukha ng lalaking iyon. Hinding hindi nya malilimutan iyon. Hinding hindi.






CHAPTER 4


“Labintatlong taon Cardo! Labingtatlong taon!” patuloy ang pag-agos ng luha sa mata ni Aling Myrna. Nakaupo sya sa harap ng mesa ng kanilang munting kubo. Tinatakpan ng mga palad ang mukha.

“Natuto syang umalis, matuto syang bumalik!” si Mang Cardo, nakaharap sa may pinto. Nakasandal ang balikat sa may gilid noon. Suot ang manipis na damit at lumang pantalon na maong. Puro bahid ng natuyong putik. Kagagaling lamang nya sa bukid. Alas-singko ng hapon, nadatnan nya ang asawang umiiyak at tila walang lakas na nakaupo sa mesa.

“Bawat araw na dumadaan, pakiramdam ko’y unti-unti akong pinapatay ng sakit Cardo, napakasakit. Lalo pa ngayon na kaarawan ng anak ko. Hindi ka pa rin ba nakokonsensya?” patuloy ang paghagulgol ni Aling Myrna.

“Ano ba ang gusto mong gawin? Hanapin sya at lumuhod ako sa harap nya? Kung gusto nya talagang umuwi, sana noon pa.” Ani Mang Cardo. Medyo mataas na ang kanyang tinig.

“Ikaw ang ama, intindihin mo na sana ang anak mo. Kung hindi ka lang naging malupit sa kanya-“
Hindi na natapos ang sinasabi ni Aling Myrna. Habol ang hininga, namimilipit sa sakit ng dibdib. “Cardo-“ mahinang sambit niya. Hawak ang dibdib, akmang tatayo ngunit hindi nito nakayanan. Tuluyan itong bumagsak.

Nagulat si Mang Cardo sa sitwasyong iyon. Noon nya lamang nasaksihan iyon sa kanyang asawa. Patakbo nyang nilapitan ito. Namumutla ang kanyang mukha.

“Myrna! Myrna! Sumagot ka! Myrna!” kinuha ng kanyang braso buhat sa pagkakahiga sa sahig. Nakasandal sa kanyang dibdib ang asawa. Tinatapik nito ang pisngi ng asawa. Pinipilit gisingin ngunit walang nangyayari. Binuhat nya ito at tumakbong palabas.

“Mga kapitbahay! Tulong!”

Gabi na nang makarating si Daniel sa kanilang bahay. Nabalitaan kasi nito ang nangyari sa ina mula sa isang nagmalasakit na kapitbahay, si Mang Nestor, kaya’t dali-dali syang umuwi sa kanilang tahanan. Tahimik iyon. Walang katao-tao. Marahil nasa ospital pa ang kanyang mga magulang. Nagmamadali syang umalis upang pumunta sa ospital na binanggit ng kapitbahay. Bihira na lamang syang umuwi buhat ng madestino sya sa bayan. Mula ng magkaroon ito ng pamilya ay umupa sya ng isang maliit na kwarto doon dahil na rin may kalayuan ang kanyang tinitirahan sa kanyang trabaho. Ngunit naging masaklap ang nangyari sa kanyang pamilya kaya’t ngayon ay nag-iisa na lamang sya sa buhay. Nasanay narin sya na nag-iisa kaya’t hindi na sya umalis sa tinitirhan nito. Tuwing linggo na lamang sya umuuwi. Nag-aabot ng pera sa ina. Laging kinukumusta ang lumayas na kapatid. Si Allen. Tandang tanda nya ang araw na iyon.

“Kuya, hindi muna ako uuwi, siguradong bugbog na naman ako sa itay mamaya. Ano ba ang gagawin ko?” si Allen. Habang naglalakad silang pauwi ng kapatid mula sa eskwela. Suot ang lumang uniform na ginamit pa ng kanyang kapatid nung nakaraang taon. Nakasabit sa likod ang lumang bag.

“Hindi ka uuwi? Saan ka naman pupunta? Bakit naman kasi hindi ka na naman nag-aral e. Isinagot mo ba yung mga itinuro ko?” nag-aalalang tanong ng kapatid.

“Hindi ko kasi natandaan e. Lagot ako nito kay itay.” May takot ang tinig nito.

“Tanggapin mo na lang. Wala kang pupuntahan. Tutulungan kitang magpaliwanag sa itay.” Sagot ni Daniel. Pilit nyang binibigyan ng lakas ng loob ang kapatid.

“Natatakot ako kuya.” Halos bumabagal ang paghakbang nito habang lumalapit sa kanilang tahanan. Tanaw na nila ang mga halaman sa kahoy na bakod ng kanilang bakuran. Ang munting kubo ay yari sa pawid. Maliit lamang ito ngunit kaaya-ayang tingnan. Napaligiran ito ng kakwate, at halamang gumamela na nagbibigay ng kulay dahil sa kulay pink at pulang bulaklak nito. May kalayuan sa mga kapitbahay. Ganoon talaga sa kanilang baryo kaya’t tahimik ito.

Napatigil si Allen sa paglalakad ng makitang lumabas ng bahay ang ama. Hindi man nya lubos na makita, alam nyang may hawak itong alak. Nasanay na rin itong uminom matapos ang mahabang trabaho sa maghapon. Umupo ito sa mahabang upuan na nasa harapan ng kubo sa may tabi ng pintuan. Waring may hinihintay. Nakagawian na nitong magpahinga sa upuan na iyon pagkagaling sa bukid. Sariwa kasi ang hangin sa pwestong iyon.

“Kuya, ikaw na lang ang umuwi. Maya-maya na ako.” May takot sa tinig na iyon ni Allen.

“Lika na...” hinila nyang ang kapatid. Napilitan na rin itong sumunod sa kanya.

“Tama na ‘yan itay!” hindi napigilan ni Daniel ang sarili. Halos madurog ang puso nya sa nasasaksihan. Ang mga latay sa binti at mga braso ng kapatid ay tila gumuguhit din sa kanyang katawan. Nagmamakaawa ang kanyang kapatid ngunit bingi ang kanyang ama sa mga palahaw na iyon. Ang kanyang ina ay wala ring magawa sa nangyayari. Higit na makapangyarihan ang kanyang ama. Ang kaisa-isa nyang kapatid. Ang tanging kaibigan na nakapagpasaya sa kanya at nagpatawa sa kanya na hindi niya naranasan sa ibang tao. Ang taong nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na ngayo’y nababalot ng takot. Ang taong nagturo sa kanya kung paano magsikap sa kabila ng kahinaan. Ang pinakamatalik nyang kaibigan. Ngayo’y tila isang basang sisiw na nakaupo sa sulok na kanilang tahanan. Naghihintay kung kailan mapagod ang ama sa pag-ulos dito.

“Bakit? Kakampihan mo pa ang gunggong na ito? Gusto ring sumali?” tanong ng ama na waring nagliliyab ang mga mata. “Halika dito” sabay hila sa kanya at hinapit na isang ulos ng sinturon. Tumama iyon sa bandang likod ng kanyang hita. Amoy nya ang alak sa hininga ng ama.

“Umalis ka na Allen. Bilis!” Sigaw nito sa kapatid.

Dali-daling tumalilis si Allen. Patakbong tinungo ang pinto. Ngunit nagulat ito ng may humablot sa kanyang buhok.

“Saan ka pupunta?” ang kanyang ama. Hinila nito ang kanyang buhok at malakas syang inihagis sa tabi ng kanyang kapatid. Sadsad sya sa sahig. Itinaas nito ang kanyang kamay at akmang hahampasin si Allen ng biglang tumayo si Daniel at yumapos sa ama.

“Bitiwan mo ako kundi, masasaktan ka lalo sa akin!” sigaw ng ama.

“Takbo, Allen! Takbo!” sigaw nya sa kapatid.

Sukat noon ay tumakbong papalabas ang kapatid. Lumabas ng pinto hanggang sa tuluyan na itong lamunin ng kadiliman. Umiiyak itong lumingon sa kanyang tahanan. Narinig pa nya ang huling sinabi ng ama.

“Sige! Lumayas ka! At wag na wag ka nang magpapakita dito kahit kailan!” umalingawngaw iyon sa buong paligid. Nagpabalik balik ito sa kanyang pandinig habang lumuluhang palayo sa kanilang tahanan.

“Eto na po tayo boss!” tinig mula sa drayber ng traysikel. Bumalik sa kasalukuyan ang isipan ni Daniel. Maingat syang bumaba at dumukot ng pera sa bulsa. Iniabot ang singkwenta pesos sa lalaki.

“Naku wag na po boss, malapit lang naman yung tinakbo natin.” Tanggi ng drayber at nagkamot pa ng ulo kahit halata namang hindi makati iyon.
“Naku, sige na tanggapin mo na ito, ikaw din, hindi na ulit ako sasakay dyan.” Paliwanag ni Daniel habang iniaabot sa lalaki ang pera. Nahihiya man ay tinanggap nito ang alok ni Daniel. Nagpasalamat ito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

Wala pang malay ang kanyang inay ng datnan nya ito sa ospital. Ang kanyang itay ay nakaupo sa tabi ng kanyang ina. Tumingin ito ng malungkot na tingin ng magtama ang kanilang mata sa kanyang pagpasok. Hindi nya ito pinansin. Simula nang umalis si Allen, nagkaroon sya ng malaking sama ng loob sa ama. Dahilan din iyon upang magtrabaho sya habang nag-aaral. Nagtapos siya ng kolehiyo ng hindi umaasa sa ama. Ilang beses na syang nilapitan nito ngunit hindi nya ito kinakausap. Hanggang ngayon ay damang-dama nya ang lungkot ng pagkawala ng kanyang kapatid.

“Dumaan lang ako para kumustahin ang inay.” Kaswal nyang wika sa ama. Habang papalapit sa walang malay na ina. “Hindi rin ako magtatagal.”

“Maayos na naman daw sya sabi ng –“

“Nakausap ko na ang ang doktor nya.” Pinutol nya ang sinasabi ng ama. Ang kanyang paningin ay nakatuon sa ina. Inilapag ang kamay sa noo nito at hinaplos papunta sa buhok.

“Wag kang mag-alala inay, hahanapin ko si Allen.” Bulong niya dito at marahang hinalikan sa noo. Nakatingin sa kanya ang ama na parang may nais pang sabihin ngunit napipigilan lamang ng pagsisisi sa sarili. Nais nyang yakapin ito. Matagal din syang nanabik sa kanyang anak. Matagal na nyang pinagsisihan ang nangyari. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, umaasa pa rin itong makakasamang muli ang mga anak.

Dinukot ni Daniel ang kanyang pitaka. Kinuha ang may ilang lilibuhin at inilapag iyon sa tabi ng ina.

“Pagkasyahin nyo na muna ito. Magpapadala na lang ako sa susunod na araw. Nagbigay ako ng deposito sa ospital. Alam kong may matitira pa doon. Idagdag nyo na lang na panggastos nyo.” Sukat noon ay tumalikod sya sa ama at humakbang patungo sa pinto.
“Sya nga pala.” Muli niyang nilingon ang ama. “Nagpadestino ako sa Maynila. Nakatanggap ako ng liham mula kay Allen nung nakaraang linggo. Tatlong araw mula ngayon, doon na ako idedestino. Pakisabi na lang sa inay.” At muli itong tumalikod. Iniwang nag-iisip ang ama. Nais pa niyang magtanong ngunit nawala na sa paningin nya ang kanyang anak kasunod ng pagsara ng pintuan ng kwarto.

Ang liham na binigay ni Mang Domeng ay nagbigay ng pag-asa sa kanya. Bagama’t puno iyon ng hinanakit at paghihirap, masaya na rin sya na malamang buhay ang kapatid. Matagal nyang inasam na magkaroon ng balita sa kapatid ngunit sya’y laging bigo. Hindi nya lubos na kakilala ang taong iyon dahil sa kabilang baryo ito nakatira. Nagpakilala lang itong Mang Domeng nung araw na ihatid nya ang sulat mula sa kapatid. Pilit nyang inusisa si Mang Domeng tungkol sa kalagayan ng kapatid ngunit wala itong binanggit kahit anong impormasyon. Narito ang nilalaman ng sulat:

Mahal kong Kuya,

Ilang taon na rin ang nakalipas nang huli tayong magkita. Hinding-hindi ko malilimutan ang gabing iyon. Salamat sa pagmamalasakit mo sa akin. Hindi ko ninais na mapalayo sa’yo ngunit dala ng pagmamalupit ng itay ay kinaya ko ang lahat.
Sa ngayon, nandito ako sa isang sulok ng Maynila. Malaki ang pasasalamat ko kay Mang Domeng nang pasakayin nya ako sa kanyang jeep habang papunta sya sa maynila para magdeliber ng mga gulay nung gabing umalis ako ng bahay. Ikinuwento ko ang lahat ng pangyayari sa akin at sinabi ko sa kanyang huwag magbabanggit ng kahit na ano sa inyo.Kaya’t sana ay huwag nyo na syang usisain pa. Ayaw kong mag-alala kayo ng husto sa akin.
Nang makarating ako sa Maynila, tumulong ako kila Mang Domeng kapalit ng konting pera. Naawa siguro sa akin kaya pumayag ng ganoon, Ngunit ng malaman kong pabalik na sila sa ating baryo ay tumakas ako. Kung saan saan ako napadpad. Marami din palang katulad ko dito sa Maynila.Sumama ako sa kanila. Kung saan saan kami nakarating. Naranasan kong hindi kumain ng isang araw dahil hindi ko kaya ang ginagawa nilang pagnanakaw. Umalis ulit ako at sumama sa grupo ng namamalimos sa may simbahan. At doon ko nakilala si Nanay Precy. Nagtitinda sya ng sampagita doon at kinupkop nya ako kapalit ng pagtatrabaho ko sa kanya. Naaalala nya daw kasi sa akin ang nasira nyang anak. Mabait sya sa akin. Apat kaming naging ampon nya pero kahit laging gipit, naidadaos naman namin ang maghapon na hindi masyadong gutom. Limang taon din akong nakitira sa kanila Paikot-ikot sa labas ng simbahan.. Nagpaalam ako sa kanila nang makilala ko si Ruby. Nahulog ang loob ko sa kanya at ganun din sya sa akin. Labing pitong taon ako noon. Dahil sa pagmamahal ko sa kanya, hindi ko na pinansin ang kasamaang ginagawa namin. Miyembro sya sa isang samahan at isinali nya ako doon. Natutunan kong magnakaw. Manghablot ng kung anu-anong gamit sa kung kani-kaninong estrangherong naglalakad sa kalye. Minsan na rin akong nahuli at nakulong. Katakot-takot na hirap ang inabot ko doon. Ilang beses din akong nabugbog sa loob ng selda. Pero hindi ako lumaban. Nang makita ng mga pulis na maganda ang recoord ko ay pinalaya ako. Bumalik ako sa dati kong grupo dahil wala naman akong ibang matutuluyan. Nahiya na akong bumalik kay Nanay Precy. At isa pa, mahal ko talaga si Ruby.
Akala ko ay matatahimik na ang buhay ko noon. Hindi pala. Kinailangan naming bumalik sa aming gawain para mabuhay. Sabi nila, mas maigi daw mabuhay nang lumalaban kaysa mamatay ng walang ginagawang paraan para magtagal sa mundo. Pero kuya, mali pala iyon. At huli na nang mapatunayan ko iyon.
Natuto akong humawak ng baril dahil kay Dondon. Ang lider ng aming grupo. Natuto rin akong gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Marami kaming ginawa na hindi ko man masikmura, ay natutunan ko ring lunukin. Pero ito ang sasabihin ko sa iyo kuya, kahit isang beses ay hindi ko ginamit iyon para pumatay ng tao. Hindi pa ako nakakapatay. Isinusumpa ko.Hindi pa.
Bumalik ako sa lugar ni Mang Domeng. Matanda na sya pero ganun pa rin ang ginagawa nya sa buhay, kaya naisipan kong magpadala ng sulat sa iyo.
Kumusta ka na nga pala? Alam ko, maganda ang trabaho mo ngayon. Masaya ako para sa iyo. Sila inay at itay, kumusta na? Teka, bat pa ba ako nagtatanong? Hindi naman ako naghihintay ng sagot sa sulat kong ito.
Nagmamahal,
Allen

Ang pag-asang naglaho sa matagal na panahon ay napunan sa liham na ito ng kanyang kapatid. Subalit ang pag-aalala ay hindi maialis sa isipan. , kahit isang beses ay hindi ko ginamit iyon para pumatay ng tao. Hindi pa ako nakakapatay. Isinusumpa ko.Hindi pa.Ang linyang iyon ang nagpabagabag sa kanyang loob. Waring may lihim na pumapailaim dito. Kilala nya ang si Allen. Ano kaya ang ibig sabihing iyon ng kapatid? Isang palaisipang hindi naalis sa kanyang isipan.








CHAPTER 5


Masayang masayang pumasok sa pinto ng bangko si Laura. Habol hininga ito at hingal na hingal na tila hinahabol ng aso. Agad nyang tinungo ang dalawang kaibigan na nagku-kwentuhan sa may desk ni Elaine. Nakaupo si Elaine doon at si Tina naman ay nakatayo sa harap nito at nakasandal ang puwitan sa mesa na halos nakaupo na.

“Oy, Ms. Laura Madrigal, ano naman po ang nangyari sa inyo at halos nilipad mo na ata papunta dito.” Pansin ni Tina kay Laura. Nakakunot ang noo nito. Nakatingin lang si Elaine at tila hinihintay ang sagot sa kaibigan.

“Guess what?” sagot naman ni Laura. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa pisngi.

“Pahulain pa ba kami? Ano nga, mag-aalas-otso na oh” ani Tina.

“May textmate ako!” buong pagmamayabang na sabi ni Laura sa dalawang kaibigan.

“So?” sabay na sagot ni Tina at Elaine.

“Tinawagan pa nya ako kagabi! Ang tagal naming nag-usap.” Kinikilig nyang sabi.

“So?” muli na namang sagot ng dalawa. Parehong nakangiti at waring nanunudyo.

“Hmp! Ewan ko sa inyo! Alam ko, inggit lang kayo dahil mas maganda ako sa inyo! Dyan na nga kayo!” nakasimangot na si Laura ngayon at dumiretso sa kanyang desk. Hindi naman sya galit. Alam nyang binibiro lang sya ng mga iyon. Sanay na sya. Nagtungo na rin si Tina sa kanyang upuan. Nag-ayos ng sarili at naghanda sa unang araw ng trabaho.

Naging abala ang magkakaibigan. Ngunit sa kabila nito, masayang masaya si Laura. Halos hindi na nya mahintay na dumating ang lunch break para ikwento sa dalawa ang tungkol sa kanyang bagong pag-ibig. May ngiti sa kanyang labi sa bawat pagkilos at kitang kita ang kinang sa kanyang mga mata.

Sa wakas! Dumating din ang kanyang hinihintay. Alas dose ng tanghali. Nagmamadali nyang inayos ang mesa ni Elaine. Pansamantalang inalis ang mga nakakalat na papel doon at inilagay sa katabing mesa nito.
“Ang ganda talaga ng boses nya! Biruin mo, tinawagan pa talaga ako.” Bungad niya pagkasimula ng kanilang pagkain. Nakikinig lamang ang dalawa sa kanya. Alam nilang hindi ito titigil hangga’t hindi nito nailalabas ang tuwang nararamdaman niya. Masaya na rin sila para sa kaibigan. Ito kasi ang unang pagkakataong nakita nilang ganoong kasaya ito.

“Paano mo naman nakilala yun?” usisa ni Tina.

“Bigla na lang nagtext kahapon habang naglalaba ako. Hindi nga ako nakareply kasi wala akong load. After ng tatlong text, tumawag sya.” Buong pagmamalaking pahayag ni Laura.

“Ano naman ang pinag-usapan nyo?” si Elaine.

“Getting to know each other. At day, umabot ng ilang minuto yun. Daming tanong. Pati ba naman mga friends ko, kinilatis. Tapos, syempre, naikwento ko kayo. Pero akin lang sya ha? Hay! This is love. Trulalu!” sabay na nagtawanan ang tatlo.

“In-love ka na agad sa kanya? E hindi mo pa nga nakikita yun? Paano kung si Mang Nestor pala yun?” ika ni Tina at sabay na naghagalpakan ng tawa ang dalawa.

“Grabe ka naman! Kilala ko naman ang boses ni Mang Nestor. Saka maganda talaga ang boses nya. Nahuhulog talaga ako!” nakangiting si Laura. “At alam nyo ba?” tiningnan nya ang magkaibigan at tila sinusuri kung talagang nakikinig. “Next Sunday, magkikita kami sa SM Bacoor.” Napatayo sya ng sabihin nya iyon.

“Talaga?” si Tina.

“Talagang talaga.”

“Ano nga ulit ang pangalan nya?” tanong ni Elaine.

“Danny lang ang pakilala nya sa akin e. Ang daya nga. Samantalang ako, pati middle name ko, sinabi ko sa kanya. Pati nga kumpletong pangalan ninyong dalawa, alam nya e.”

“Grabe naman ‘to! Ikwento ba?! Binenta mo na pala kami sa lalaking yun.” Ani Tina.

“Hindi naman. Puro good things nga ang sinabi ko tungkol sa inyo e. Pero sabi ko, ako ang pinakamaganda sa ating tatlo.” Tawanan ulit. “At hindi ako kinakabahan na maagaw ni Elaine yun.” Dugtong nya.

“Bakit naman?” tanong ni Tina.

“E paano, wala syang cellphone.” Napuno ng tawanan ang buong opisina nila.

“Kaya wag na wag mo kaming ipapakilala dun at baka bigla kang iwan nun. Hahahaha!” May halong panunukso sa tinig na iyon ni Tina.

Bawat araw ng dumaan, bawat lunch break ng magkakaibigan, walang ibang bukang bibig si Laura kundi ang kanyang minamahal na hindi pa man nito nakikita ay pinaglaanan nya ng damdamin. Excited syang dumating ang araw ng Linggo. Ang araw ng kanilang pagkikita.










CHAPTER 6



Halos mabali ang leeg ni Laura sa katitingin sa mga nagdaraan sa kanyang harapan. Sampung minuto ng syang palinga-linga doon. Hindi pa sya pumapasok sa loob ng SM Bacoor. Ang usapan kasi ay sa labas lang sila magkikita. Sa may tabi ng ATM machine. Alas onse impunto. Naka-itim daw na t-shirt ang katagpo kaya naman halos lahat ng nakaitim ay inuusisa nya. Sumisimangot sya sa tuwing nakikita nya ay matanda at mga pangit sa kanyang paningin. At kapag gwapo naman ay abot tenga ang ngiti.

Alas onse y media na. Wala pa rin ang lalaki. Hindi naman ito sumasagot sa mga text ng dalaga. Tinatawagan rin niya ngunit naka-off ang cellphone nito. Inip na inip na si Laura. Hindi na maipinta ang kanyang mukha. Mainit sa labas. Halos malusaw na ang kanyang make-up sa sunud sunod na tulo ng kanyang pawis. Ngunit wala pa syang balak umuwi. Kung sakali mang hindi ito dumating, sya na lamang mag-isa ang kakain at manood sine.

“Miss, ikaw ba si Laura?” tinig na isang lalaki mula sa kanyang likuran.

Nagulat ang dalaga. Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Pakiramdam nya ay tumayo ang kanyang buhok sa likuran. Tila nanlamig ang buo nyang katawan. Magkahalong excitement at curiosity ang nararamdaman. Dahan-dahan syang lumingon at halos mawalan ng ulirat sa nasaksihan.

Gwapo ang lalaki. Tantya niya’y six-footer ito at bagay na bagay ang morenong kulay nito sa malapad na mga balikat. Kitang kita ang hubog ng pangangatawan sa suot nyang black undershirt. Matangos ang ilong at mapupungay ang kanyang mata. Hindi malaman ang sasabihin ni Laura. Parang natulala sa nakita. Hindi sya makapaniwala.

“O..oo..oo ako nga...and...I believe you are...Danny... Am I ryt?” pautal-utal na sagot nya. Parang tumatalon ang ang kanyang puso.

“Sorry kung late ako ha? Traffic kasi. Tapos hindi rin ako makatawag sayo kasi low batt ang cellphone ko. Hindi ko pala nai-charge kagabi.” Paliwanag ni Danny.

“Ok lang yun. Kadarating ko lang naman din e.” Sagot niya.


Hindi maiwasan ni Laura na sumulyap sa mukha ni Danny. Jackpot ako! Ang naiisip nya. Sa bawat pagsubo ng kanyang pagkain ay nagpapakita sya ng simpleng ngiti. At kapag wala nang laman ang bibig ay hindi maawat sa pagsasalita. Sari-saring kwento ang lumalabas sa kanyang bibig. At bilang pahinga ay susubo muli at ngingiti kay Danny. Tahimik lang ang lalaki. Mabibilang lamang ang mga salitang sinasabi niya. Marahil ay hindi lamang siya makapagsalita dahil sa kadaldalan ng kasama. Mas lalo pang lumakas ang boses ng dalaga nang makitang marami nang nakapaligid sa kanila. Nais yatang ipagmalaki ang kanyang kasama. Tingin naman ng tingin ang mga taong malapit sa kanilang mesa. Pakiramdam ni Laura ay naiinggit ito sa kanya. Sa Kenny Roger’s Roaster kasi sila kumain kahit na siksikan na dito at mahaba ang pila. Paborito kasi ni Laura ang Roasted chicken doon at muffins. Hindi na sila nakapanood ng sine dahil nagmamadali daw si Danny. Bagamat malungkot si Laura, naging maayos naman ang pamamaalam ng dalawa. Tutal, may ibang araw pa naman. Nagprisinta si Laura na isama ang mga kaibigan sa susunod nilang pagkikita ngunit hindi ito sinang-ayunan ng binata. Tama na daw yung silang dalawa na lang muna ang nagkikita. Dadating din daw ang panahon na makikipagkilala ito sa kanila. Parang lumilipad sa alapaap ang pakiramdam ni Laura. Kung panaginip lang ito, ayoko nang magising. Hanggang sa pag-uwi ay di pa rin maalis sa isipan ang lalaki. Napakaganda ng kanyang araw. Buong maghapon. At sa kanyang pagtulog ay may bahid ng ngiti ang kanyang mga labi.

Bidang bida na naman si Laura sa kwentuhan ng magkakaibigan. Sinadya nyang agahan ang pagpasok dahil alam nyang nandun na ang mga kaibigan sa oras na iyon. Pagpasok pa lamang nito sa pintuan ay nagsimula na siyang magmalaki. Alas siyete y media pa lamang iyon kaya’t laking gulat nina Elaine at Tina nang makitang papasok si Laura. Kadalasan kasi ay mag-aalas otso na ito dumadating kaya’t bihira na nilang makakwentuhan ito sa umaga.

“Ang gwapo ‘day! Ang gwapo nya!” napuno ang buong opisina ng boses ni Laura. Nakatayo sya sa harapan ng habang sila naman ay nakaupo at parehong nakasandal sa mesa.

“Talaga? Ano ang itsura?” usisa ni Tina.

“Basta ang gwapo! Basketball player ata yun. Ang tangkad tapos ang macho syet!” kinikilig nyang sagot.

“Tapos, anong ginawa nyo? Saan kayo nagpunta?” si Elaine, tila sabik sa kasagutan.

“Hello? Kumain lang kami noh? Hindi naman nya ako makukuha sa unang pagkikita pa lang.” Biro nya sabay tawa ng malakas. Napapatingin sa kanila ang gwardiya sa may pinto. Ngingisi ngisi lang ito at iiling-iling.

“Ikaw talaga. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin e.” Sabay kurot sa may bandang tagiliran ng kaibigan.

“Asus! Kunwari ka pa.” Gumanti naman ito ng kurot kay Elaine. “Sa susunod na linggo daw ulit, magkikita kami. Ano, ha? Inggit kayo noh?” at namewang pa ito at itinaas ang isang kilay. Sabay na nagtawanan ang magkakaibigan.

“And sad to say-“ umikot ito na tila isang modelo at muling humarap sa dalawa. “Ako....at ako lang...ang gusto nya. Ayaw daw muna nya kayong makita...gusto akong solohin. Ay! Nakakaloka!” at muli na namang napuno ng tawanan ang buong opisina.

























CHAPTER 7


Sa table ng bagong opisina ni Capt. Murillo, nakalatag ang iba’t ibang papel na naglalaman ng mga kasong hindi pa nareresolba sa ilang bahagi ng kamaynilaan. Pinag-aaralan nya ang bawat detalye niyon. Murder, homicide, at sari-saring kaso. Bawat pahina ay inuusisa. Lahat ng mga ebidenysa at kwento ng mga saksi.

Si Capt. Murillo, matangkad, matipuno ang pangangatawan, maliksi at sopistikado kung kumilos. Isang pulis probinsya na dahil sa ganda ng record ay napagbigyang manungkulan sa Maynila. Tapat at deboto sa kanyang tungkulin. Maraming kaso na rin ang nahawakan nito. Nagkaroon pa siya ng special award mula sa pangulo sa pagkakalutas ng kaso ng isang pulitiko. Walang takot rin niyang tinumba ang isang sindikato na nag-aangkat ng ipinagbabawal na gamot mula sa ibang bansa. Kaya’t sa edad na tatlumpu ay mabilis na tumaas ang kanyang ranggo

Ang takot ay nawala sa kanyang dibdib mula nang minsang madatnan nya ang kanyang mag-ina. Walang buhay at naliligo sa sariling dugo ang kanyang asawa. Walang saplot sa katawan at nakatali ang mga kamay. Ang kanyang limang buwang gulang na anak naman ay nasa duyan. Nakatakip ng unan at wala na ring buhay. Halos mabaliw siya sa tagpong iyon. Simula noon, ipinangako nya sa sarili na uubusin nya lahat ng masasama na makakasagupa nya. Ang takot ay nilamon ng galit. Hindi na nya alam kung ano pa ang ibig sabihin ng salitang iyon.

Tinawag ang kanyang pansin ng isang kaso ng hold-up and murder na nasa bandang gitna niyon. Isang grupo ng kabataan ang gumawa noon. Nakalagay doon ang litrato ng isang lalaki. Isa sa kanila ay nahuli at kasalukuyang nakakulong. Pinaghahanap pa ang apat sa mga kasama nito.

Dali-dali nyang inangat ang telepono sa kanyang harapan, saglit na nag-dial. “SP03 Leaño, report to my office ASAP.” Aniya.

“Yes, sir!” sagot ng nasa kabilang linya ng telepono.

Ilang minuto lang ang lumipas ay kumatok na ito sa kanyang pintuan. Pinapasok nya ito, sumaludo sa kanya at binigyan nya ng pahintulot na maupo.

“I need information about this case.” Sabi nya habang inaabot sa kausap ang ilang papel. “Alam mo ba ang istorya ng kasong ito?”

“Yes sir, ang pagkakaalam ko po, two weeks ago, isang grupo ng kabataan ang nanloob sa bangko sa Pasig. Apat na lalaki at isang babae.”

“Isang babae?”

“Opo. Armado ang mga ito bukod dun sa isa na nasa labas at nagsisilbing look out.” Tumigil pansamantala ang lalaki. “baguhan lang siguro ang mga iyon kaya’t nataranta ng marinig ang alarm. Isa kasi sa mga empleyado ay nakapindot noon. Sa takot, ay nagpaputok ang isa doon at tinamaan ang isang sibilyan. Sa ulo ang tama nito. Dead on arrival. Isa-isang nagtakbuhan at naghiwa-hiwalay ang mga iyon. Nadakip yung isa sa kanila at sya ang gagawing daan para ma-solve ang kaso.” Paliwanag nya.

“Na-identify ba ang mga pangalan ng suspect?”

“Negative sir. Wala pong exact name na ibinigay ng nadakip tungkol sa mga kasama nito.”

“Ok. Samahan mo ako sa taong iyon. I need to get those names.”

“Roger sir” tumayo ito at muling sumaludo sa kapitan at tuluyan nang lumabas ng opisina at iniwang nag-iisip si Capt. Murillo. Unang kasong hahawakan ko sa Maynila. Sana ay magtagumpay ako. Sa isip ng kapitan. May kakaiba syang nararamdaman sa kasong iyon. Hindi nya ito maaaring palagpasin.














CHAPTER 8


Naging malapit sa isa’t isa sina Laura at Danny. Lahat ng impormasyon sa buhay ni Laura ay naikwento na nya sa lalaki. Kataka-takang hindi naging ganoon ka-open sa kanya ito. Kapag nagtatanong ang dalaga tungkol sa background ng buhay nito, madalas ay iniiba nito ang usapan. Kung minsan naman ay sinasabi nitong may panahon para sa bagay na iyon. Habang tumatagal ay nahuhulog na ang loob nito sa binata. Ilang Linggo na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin ito nakikila ng mga kaibigan ni Laura. Maraming tanong ang binata tungkol kila Tina at Elaine na malugod naman tinutugon ni Laura. Kahit ang pinakamaliit na detalye sa buhay ng mga kaibigan ay naikwento nya rito. Hiningi pa ni Danny ang cellphone number ng dalawa. Bagamat nag-aalangan ay napilitan ding ibigay ni Laura dahil sa paliwanag ng lalaki na gusto din niyang maging kaibigan ang taong malapit sa buhay ng dalaga. Tanging kay Tina lamang ang naibigay ni Laura dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin bumibili ng bagong cellphone si Elaine mula ng ma-snatch ito sa may Rosario. Hindi naman nakuhang tumawag o magtext man lang ang lalaki kay Tina kahit na si Laura pa mismo ang nag-uudyok dito. Pinipilit din ni Laura na isama nya ang mga kaibigan minsan sa kanilang pamamasyal ngunit tinututulan ito ng lalaki.

Kaswal lang kung mamasyal ang dalawa. Si Laura lamang ang madalas na nagsasalita. Hindi rin sila masyadong magkadikit sa tuwing naglalakad na tila ba ay hindi sila magkakilala. Hindi naman pinapansin iyon ng dalaga dahil alam nyang hindi pa ganoon kalalim ang kanilang pagkakakilala kahit na pinananabikan nitong mahawakan man lamang ang kamay ng lalaki. Hindi rin sila nagpupunta sa malalayong lugar. Madalas ay sa Tagaytay lamang sila namamasyal. Misan sa People’s Park o minsan naman ay sa Piknik Groove. Kumakain lang sila at nag-uusap. Hindi rin nagtatagal iyon. Hindi pa umaabot ng isang oras ay nagpapaalam na agad ang lalaki. Tumatanggi rin itong magpakuha ng litrato sa cellphone ni Laura. Weirdo ang tawag ng mga kaibigan ni Laura kay Danny dahil parang takot itong makisalamuha sa mga malapit sa kanya. Lagi naman itong ipinagtatanggol ng dalaga. Minsan ay nagtataka nga ang dalaga sa ganoong asal ni Danny ngunit dahil sa pumapaibabaw ang nararamdaman niya, bulag na sya sa kung ano mang lihim mayroon ang binata. Basta’t alam nyang masaya sya sa piling nito.




CHAPTER 9


“Allen...Allen-“ mahinang usal ni Aling Lucy. Nagkakamalay na ito. Nakahiga sa malambot na higaan ng ospital. Unti-unting minumulat ang matamlay na mga mata. Ang mahinhing bulong nito ay nagpukaw sa atensyon ng asawa na nakasubsob ang ulo sa tabi ng asawa. Ang mga braso nito ay naka-ekis na nagsilbing unan nito. Nakasampay ang kanyang katawan sa higaan at nakaupo sya sa upuang kahoy.

“Lucy.” Iniangat ni Mang Cardo ang ulo, waring naalimpungatan sa boses na iyon. Tuluyan na itong tumayo. Hinawakan ang kamay ng asawa na hanggang ngayon ay wala pa ring lakas. Sinuklay ng kaliwang kamay ang buhok ni Aling Lucy.

“Asawa ko...” may ngiti sa mga mata ni Mang Cardo, bagamat malungkot sa sinapit ng asawa, masaya na rin sya at nakakabawi na ito ng lakas.

“Ang anak ko...nahihirapan ang anak ko...Allen...” Pilit na sinasambit ni Aling Lucy sa kabila ng hirap sa paghabol ng hininga.

“Ssshhh...wag ka na muna magsalita, magpahinga ka na lang muna. Wag ka na muna mag-isip ng kung anu-ano.” Marahang dinampi ni Mang Cardo ang pisngi ng asawa. Ibinaling sa kanya ang paningin. Nagtama ang kanilang mga mata. Pawang malungkot ang mga matang iyon.

“Gus...Gusto kong...makita si Allen,....Cardo....Gus...to kong...maki...ta... ang...ang.. anak ko.” Pautal na sabi ni Aling Lucy.

“Wag ka na masyadong mag-alala...” bahagya syang ngumiti. “Sumulat si Allen kay Daniel. Nasa Maynila daw ito.” Hinigpitan ang pagkapit sa asawa. “Papunta na doon si Daniel para sunduin si Allen kaya sa ngayon, magpahinga ka na muna.”

“Talagahh..” at muling ipinikit ni Aling Lucy ang mga mata. Nakahawak pa rin ang mga kamay ni Mang Cardo sa kamay ng asawa.

“Lucy...kung alam mo lang kung gaano ko pinagsisihan ang nagawa ko sa anak ko noon..” pabulong nya itong sinasabi sa asawa. “kung alam mo lang kung gaano kasakit na magdusa ang aking anak dahil sa kahibangan ko..” unti-unting namumula ang paligid ng kanyang mga mata. “Matagal kong pinagsisihan ang lahat...kung maibabalik ko lang sana ang panahon...pupunuan ko ang mga pagkukulang ko sa kanila at sa iyo...” tuluyan nang tumulo ang luha ni Mang Cardo. “Hindi ko alam kung paano..hindi ko alam..”





CHAPTER 10


Madilim ang paligid. Tanging ang mababang ilaw lamang sa gitna ng kwarto ang nagsisilbing liwanag. Halos sumayad iyon sa ulo ni Dondon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Mariin. Muli itong idinilat. Malabo pa rin ang kanyang paligid dahil sa pagkakapiring sa kanya kanina. Nakaupo na sya ngayon sa harap ng mesa. Umuuga-uga pa sa bandang ulunan nya ang ilaw na nakabitin. Sa kabilang gilid ng mesa ay may nakaupong lalaki. Nakatingin ito sa kanya. Seryoso ang mukha nito. Alam nyang meron ding tao sa bandang tagiliran nya. Maya –maya pa’y naramdaman nya ang mainit na ihip sa kanyang tenga. Kasunod noon ay ang mabahong amoy ng sigarilyo. Nahilam sya sa usok niyon.

“Gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo.” Anang lalaki sa kanyang harapan. “Ilan kayong pumasok sa loob ng bangko?” mahinahon ang boses ng lalaki ngunit halata ang galit sa tono nito.

“ Apat po.” Sagot ni Dondon.

“Apat? Ilan kayo sa grupo nyo?” muling tanong nito.

“Lima po. Naiwan po sa labas yung isa. Sya po ung tagatingin kung may dadarating na pulis.”

“Sige, ikwento mo ang buong pangyayari sa loob ng bangko. Makikinig ako. Gusto ko yung totoo!” matigas ang boses nito.

Katahimikan.

“Wala ka bang narinig?” ang lalaki sa bandang tagiliran ang bumasag ng katahimikang iyon.

Bumaba ng tingin ang lalaki. Tila tinitingnan ang tuhod nito.

“Sa pinto pa lang, hinarang na kami ng dalawang gwardiya.” Simula nya. “inunahan namin sila. Hinampas ng baril sa may likuran hanggang makatulog ito.” Umayos ng upo ang lalaki. Nakatungo pa rin ito. “nauna akong pumasok. Sabi ko, itaas nila ang mga kamay nila. Tapos, sumunod na yung tatlo pa. Pinadapa namin silang lahat. Maya-maya, tumunog yung alarm. Nataranta ang mga kasama ko. Tapos, bigla ko na lang narinig na may pumutok. Tapos nung lingunin ko iyon, nakita ko, isang lalaki ang nakabulagta at duguan. Tapos, biglang nagtakbuhan ang mga kasama ko, parang natulala ako kaya hindi na ako nakatakbo. Eto ako ngayon.” At huminga ng malalim ang lalaki.

“Sinu-sino ang mga kasama mo?” tumayo na ang lalaking nasa harapan niya.

“Hindi ko po kilala.”

“Hindi kilala?!” At hinampas nya ang ibabaw ng mesa. Umingay iyon. Napapikit ng sandali si Dondon. Nagulat ito.

“Totoo po. Hindi ko po talaga kilala yun.”

“kasama mong mang hold-up, hindi mo kilala?” inilapit nito ang mukha kay Dondon. “Ginagago mo ba ako?!” Mataas na ang boses nito.

“Hindi ko naman po talaga kilala yun. Alam ko lang po ang mga palayaw nila. Yun lang po ang pakilala nila sa akin. Nagkita-kita kami minsan sa ilalim ng Caruncho Complex. Pare-pareho kaming naglayas. Hanggang sa maisipan naming gumawa ng ganoon kasi, wala na kaming makain” Panangatwiran ng lalaki. Medyo malakas ang boses nito ngunit nanginginig iyon. Natatakot.

“Saan naman kayo kumuha ng baril?” tanong ng isang lalaki sa bandang tagiliran nya.

“Hiniram lang po namin dun sa isa kong kabarkada. Marami po syang alam na madidiskartehan dun.” Mababa na ang tinig nito.

“Nakita mo ba kung sino ang pumatay sa biktima?” muling tanong ng lalaki sa kanyang harapan. Sumulyap ng bahagya si Dondon.

“Opo. Si Allen po.”

“Allen? Akala ko ba hindi mo kilala ang mga kasama mo? E bakit may Allen?”

Katahimikan.

“Si Allen po ang pinakahuling sumali sa grupo namin. Una, ako, tapos si Benok, tapos si Ruby. Tapos, si Askal, at huli nga si Allen. Ipinakilala sya sa amin ni Ruby.”

“Alam mo ba kung saan matatagpuan kahit isa sa kanila?” tanong ng nasa tagiliran nya at muli itong nagbuga ng usok sa may buhok nya.

“Hindi po. Basta nagkikita kita na lang kami dun sa may ilalim ng rotating restaurant” nakapikit nyang sagot. May luha sa kanyang mata. Dala iyon ng usok sa kanyang mukha.

“Alam mo ba kung ano ang gagawin ko sayo kapag hindi ka magsasabi ng totoo?”

“Opo. Alam ko po. Kaya nga po ako nagsasabi ng totoo.” Nanginginig na ang boses nito. Tila iiyak.

“Magaling. Ngayon, tatanungin ulit kita....Saan namin matatagpuan ang kahit isa sa kanila?” pataas ang boses na iyon.

“Hindi ko po talaga alam.”

Nagtinginan ang dalawang lalaki sa paligid ni Dondon. Nakita nyang tumango ang tao sa kanyang harapan. Tila sumenyas sa kasama. Maya-maya ay narinig niya ang pagkasa ng baril sa bandang tagiliran nya.

“Saan!?”

Nagbutil-butil ang pawis ni Dondon. Nanginginig ang kanyang katawan. Alam nyang anumang oras mula ngayon ay kaya syang patayin ng mga ito.

“Si Benok...yun lang po ang alam ko...taga San Miguel kanan po sya...papasok sa may eskinita sa gilid ng Mary’s bakery...kilala po siya doon...yun lang po talaga ang alam ko...parang awa nyo na..yun lang po talaga..” naghalo ang luha at pawis sa kanyang mukha.

“Ayun naman pala bata, marunong ka naman palang kumanta, pinatagal mo pa?” anang lalaki sa may bandang gilid nya. Alam nyang nakangiti iyon. “Paano na kapitan, ano na ang gagawin ko sa batang ito?” patukoy sa kasamang lalaki na nasa harapan ng mesa. Parang binuhusan ng yelo si Dondon sa narinig nyang iyon. Ito na ang huling araw nya sa mundo. Bukas, hindi nya makikita pa ang sikat ng araw. Nanginginig ang buo nyang katawan sa kabila ng init sa loob ng kwartong iyon.

“Sige, ibalik mo na lang sa selda nya. Kailangan pa natin yan.” Sagot ng kapitan.

Biglang nabawasan ang kaba sa dibdib ni Dondon. Nagpasalamat sya habang itinatayo ng isang lalaki at tuluyan na syang inilabas ng kwarto papunta sa kanyang selda.


CHAPTER 11

Laking gulat ni Laura nang marinig nya ang tunog na iyon. Text message. Dali dali nyang kinapa ang cellphone sa ilalim ng kanyang kama. Sa isang iglap ay nawala ang antok nya at tila hindi galing sa pagkakatulog. Sadya nyang nilalakasan ang ringtone ng kanyang cellphone tuwing araw ng Linggo dahil mayroon syang inaabangan doon. Nakangiti pa ito at tila sabik na basahin ang nilalaman ng mensahe doon.

‘Senxa n s abala. Pede b tau mgkita ngyn? W8 kt pknk grv 9am.’

Parang kinuryente ang buong katawan ni Laura sa mensaheng iyon buhat kay Danny. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naunang nagtext ito sa kanya at umagang umaga pa. Hindi nya lubos maisip ang dahilan ngunit parang alapaap ang kanyang pakiramdam. Tumingin sya sa malaking orasan na nakasabit sa kanilang dingding. Alas syete singko ng umaga. May halos dalawang oras pa para magkita sila. Mahigit isang oras ang biyahe mula Manggahan hanggang Tagaytay. May apatnaput limang minuto pa sya para mag-ayos. Shit! Kailangan kong magmadali! Wika nya sa sarili. Patakbo nyang tinungo ang dresser. Binuksan iyon, isa isang tiningnan ang laman niyon. Ano na naman kaya ang isusuot ko? Nilakbay ng tingin ang mga naka-hanger na damit doon. Kinuha ang body fit nyang blouse na kulay pink. Itinapat sa kanyang katawan tila sinusukat iyon, tiningnan ang sarili sa salamin na nasa tabing pinto ng dresser. Saglit na tiningnan ang sarili. Nagusot ang kanyang mukha at inihagis sa kama ang damit na iyon. Muling binalikan ang drawer. Yellow body fit na ¾ ang sleeve. Muling itinapat sa dibdib, tumingin sa salamin. Ito na! Ang ganda mo talaga Laura! at inilapag nya ng marahan sa kama. Kinuha nya ang towel na nakasabit sa likod ng pintuan ng kwarto nya at patakbong tinungo ang bathroom.

Alas-siyete y medya ng umaga. Nagkakandarapang isinusuot ang black boots nya. Nakaupo sya sa may kama ng muling tumunog ang kanyang cellphone. Naku ayan na! Bulong nya sa sarili. Sigurado syang si Danny na iyon. Kinuha nya ang cellphone at binasa ang mensahe doon. Si Tina.

Asan u now? Nid 2 c u.

Pinindot niya ang cellphone, nagreply sya.

D pwd ngyn my lkd me.

Message sent.

Muli nyang binalikan ang boots niya ngunit ilang segundo lang ang nakakalipas, muli na namang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi na text iyon kundi tawag na talaga. Muli nya itong dinampot. Si Tina.

“Hello Tina, may lakad nga ako ngayon, nagmamadali na nga ako e.” Bungad nya sa kaibigan.
“Yun na nga ang dahilan kaya ako tumawag. Nagtext si Danny mo sa akin kanina, kung pwede ko daw sya puntahan sa Tagaytay, emergency lang daw. Sumabay na daw ako sa’yo. Ngaun ko lang nabasa kasi kagigising ko lang.” Sagot ng nasa kabilang linya.

Napatigil si Laura. Napaisip.

Katahimikan.

“Hello?” si Tina.

“Ah..ano pa ang sabi nya? Wala naman syang nabanggit na isama kita. Sigurado ka ba?” Nagtatakang sagot ni Laura.

“Lau naman, aaksayahin ko ba naman ang load ko para lokohin ka lang? Gusto mo, i-forward ko sa’yo yung text nya?”

“Wag na...baka emergency nga yun, pa’no, bihis na ako, pupunta ka ba?” tanong niya, hindi pa rin nawawala ang pagtataka.
“Saan ba yun? Susunod na lang ako.”
“Sa Piknik Grove. Text ka na kung pag nandun ka na.”
“Ok. Sige, see you later, bye.”
“Bye.”

Saglit na natigilan si Laura. Nakatingin sa kawalan. Nang bigla syang mapatingin sa orasan. Naku bahala na nga mamaya! Dali dali nya itinuloy ang pagsusuot ng boots. Lumapit sa tapat ng salamin. Ang kanyang excitement ay hindi na katulad ng kanina. Kasama si Tina. Si Elaine kaya? Marahil ay may problema nga ang binata. May problema ang kanyang minamahal. Ilang ikot pa ang ginawa nito sa harap ng salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto. Hindi na nya iniligpit ang kanyang kama. Iniwan nyang magulo ang kanyang kwarto. Tiyak na pagagalitan sya ng kanyang ate kapag nakita ito ngunit alam nyang hindi naman ito basta basta pumapasok sa kanyang kwarto.




CHAPTER 12


“Tao po!!! Tao po!!!” Si Capt. Murillo, nakasuot ng sibilyan. Itim na T-shirt ang pang itaas at maong naman ang pang ibaba. Nakasuksok ang baril nito sa may tagiliran. Nasa tapat sya ng pinto ng maliit at tagpi tagping bahay sa San Miguel.

Bumukas iyon at lumabas ang isang payat na lalaki. Sa tantiya niya ay nasa edad beinte dos lamang ito. Nakahubad ng pang itaas at naka-maong na shorts. Bakas sa mukha ang pagtataka.

“Ano pong kilangan nila?” tanong nito.

“Dito ba nakatira si Benok?”

“H-Hindi po...hindi ko po sya kilala.”

“Sabi kasi nung tindera dyan sa may-“

“Benok, sino yan?” naputol ang salita ni Capt. Murillo sa tinig na iyon ng isang babae mula sa loob ng bahay. Nagkatinginan sila ng lalaki at nabigla sya ng itulak sya nito ng ubod lakas. Nawalan ng panimbang ang kapitan at muntik na itong mabuwal. Dali dali namang tumakbong papalayo ang lalaki. Mabilis naman itong sinundan ng Kapitan. Nakita niyang lumiko ito sa may kanan ng eskinita. Magkakadikit ang mga bahay dito at ang pagitan ng daanan ay halos isang dipa lamang. Nilingon ng lalaki kung gaano na siya kalayo sa humahabol sa kanya. 20 metro, tantiya nya. Mabilis at maliksi rin ang kapitan. Muli syang lumiko sa kaliwa papunta sa bakanteng lote sa likuran. Tuloy tuloy lamang sya sa pagtakbo. Malapit na siya sa isang bakod. Sementado iyon at may pitong talampakan ang taas. Tumalon siya at inabot ang dulo niyon. Binuhat ang sarili at gumapang paakyat. Itinaas ang isang paa at ipinatong sa itaas ng bakod. Kalahating katawan nya ay nakadapa sa dulo ng bakod. Tiningnan ang humahabol sa kanya. Medyo malapit na ito. Tumalon siya papunta sa kabilang bakod. Paupo syang bumagsak. Muli syang tumayo at tumakbo papalayo hanggang sa marating nya ang kalsada. Tumawid sya sa kabila noon at muling pumasok sa isang eskinita. Hindi pa sya gaanong nakakalayo ay narinig nya ang isang malakas na putok ng baril.

BANG!!!

Narinig nyang nagsigawan ang ilan sa mga taong nadaanan niya. Ang mga nasa harapan niya ay nagpasukan sa kani-kaniyang bahay. Tumigil sya. Pinakiramdaman kung mayroong sakit sa parte ng katawan. Wala. Alam nyang sa oras na gumalaw pa siya at nagtangkang tumakbo ay paglalamayan sya. Tila napako sa pagkakatayo. Dahan dahang itinaas ang kamay at tumalikod. Humarap sa kapitan. Nakatigil iyon. May hawak na baril sa kamay at nakatutok sa itaas. Warning shot.





































CHAPTER 13


Alas nwebe diyes na ng pumasok si Laura sa Piknik Groove. Mula sa di kalayuan ay natanaw nya ang kanyang minamahal. Sa unang pagkakataon ay una itong dumating sa lugar na napagkasunduan nila. Nakaupo sa mesa ng cottage nakatapak sa upuan niyon. Naka-itim na t-shirt at maong na pantalon. Nakatalikod ito at nakatingin sa bundok na nasa gitna ng karagatan. Sa unang pagkakataon, nakita nya itong may dalang backpack. Tila malalim ang iniisip. Nagmamadali syang lumapit dito. Nang malapit na nyang marating ang kinalalagyan nito ay bigla itong lumingon. Nagtama ang kanilang paningin. Bahagya itong ngumiti sa kanya. Ang gwapo talaga! Sa isip nya.

“Pasensya ka ha? Ang tagal kasing umalis nung bus papunta rito e.” Bungad ni Laura.

“Wala yun. Ako nga dapat ang humingi ng dispensa kasi biglaan kitang pinapunta rito.” Bumaba ito sa kinauupuan. Pinagpag ang tinapakan. “Salamat sa pagdating mo ha?”

“Naku ito naman, wala yun.” Nakangiting sagot ni Laura. “Biglaan nga ung text mo. May problema ba?” dugtong niya.

“Ha? A..e...kumain ka na ba? Halika, eto o, bumili na ako dun sa may Olivares ng makakain.” Nagkunwaring abala sa pag-aayos ng mesa.

“Tulungan na kita.”


Ilang supot ng Mc Donald’s ang nakalatag sa mesa. Isa-isa nilang inilabas iyon. Bukod bukod na ito sa pamamagitan ng styropor.

“Mukhang marami ito ah. Are we expecting company?” tanong ng dalaga.

“Di ba sinabi ko, darating ang araw at magpapakilala na ako sa mga kaibigan mo?” tumingin ito at ngumiti sa kanya. “Ito na ang araw na iyon.”

Ngumiti ang dalaga. Ngayon ay alam na nya kung bakit inanyayahan ni Danny si Tina.

“Paano naman si Elaine?”

Natigilan ang lalaki. Waring nakakita ng multo. Tumingin ito sa kanya.

“Oo nga pala. Paano kaya natin sya mapapapunta dito?”

“Simple lang. Tatawagan ko si Ed. Yung kapatid nya. Wait lang ha?’

Hindi na nakapag-react ang lalaki dahil biglang tumalikod ang kausap at lumakad papalayo. Nakita nyang dina-dial ang cellphone at ilang saglit pa ay may kausap na ito. Ilang minuto pa ay nakangiti itong lumapit sa binata.

“Ok na po. Kaso hapon pa daw sya makakarating. Nagsimba daw silang mag-iina sa Baclaran. Dito na daw sya didiretso.”

“Ganun ba? Sige halika na! Kain na tayo.” Yaya sa kanya ng lalaki.

“Good! Gutom na nga rin ako. Wala ka bang balak ibaba yang bag mo?”

Umiling lamang ito at ngumiti.


Nagsimula na silang kumain ng muling tumunog ang cellphone ni Laura. Dinukot nya ito sa kanyang bag at sinuri.

D2 n ko g8. san u?

Text mula kay Tina. Muling nag-dial ang babae. Tinawagan si Tina at itinuro ang kanilang lokasyon. Hindi pa sila tapos mag-usap ay nakita na niya ito sa may itaas ng hagdan pababa sa kanilang cottage. Kinawayan nya ito at sinenyasan na lumapit sa kanila.

“Tina this is Danny. Danny, si Tina.” Bungad ni Laura ng marating ng kaibigan ang cottage.

“Hi Tina” Matipid na sagot ng lalaki sabay abot sa kamay nito.

“Hello, please to meet you.” Nakangiting sagot ng dalaga. At nakipag-kamay ito. “Ikaw pala si Danny,” ibinaba nya ang kanyang kamay. “Lagi ka ngang ikinukwento sa amin ni Lau. Gwapo ka nga.” Sabay kindat kay Laura.

“Wala akong sinabing ganun ha?” Si Laura. Magkahalong galit at ngiti sa mukha nito.

“Halika, saluhan mo na kaming kumain. Tamang tama ang dating mo, kauumpisa lang namin.” Si Danny. Inilapag nya sa tapat ni Tina ang pagkain at sinenyasang umupo.
“Bakit wala si Elaine?” tanong nito habang binubuksan ang styropor.

“Mamaya pa daw. Nasa Baclaran pa.” Sagot ni Laura.

“Ok. So, ano bang problema at biglaan yata kayong nagpatawag ng meeting. Ikakasal na ba kayo?”

Biglang namula ang mukha ni Laura. Tila napahiya sa sinabing iyon ng kaibigan.

“Ha? H-hindi. Actually, gusto lang kayong makilala ni Danny” sagot ni Laura at kinagat ang hawak na fried chicken leg. “At last!” ngumunguyang dugtong nito. Pilit itinago ang pagkapahiya. Tahimik lang ang lalaki. Waring nakikiramdam sa magiging reaksyon ni Tina.

“Ah..Ok.”

“Pasensya na kayo kung naabala kayo ha? Ang totoo, meron talaga akong gustong sabihin sa inyo.” Nakatungo ang lalaki. Tuloy-tuloy sa pagkain. Kinabahan si Laura. Parang excited.

“Laura, aking Laura,” hawak hawak ni Danny ang kamay ni Laura. “Sa harapan ng mga kaibigan mo, sasabihin ko kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita Laura.” Nakangiti lang si Laura. Papalapit ang mukha ng lalaki sa kanya. Hahalikan sya nito. Ilang dangkal na lang. Magdadampi na ang kanilang mga labi. Pumikit si Laura.

“Hoy! Laura. Bakit natulala ka dyan? Ano naman ang iniisip mo?” si Tina. Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Laura.

“H-ha? Ah..e... si Elaine. Sana maaga syang dumating.” Waring napahiya. Tumingin sya sa binata. Tapos na itong kumain. Ganun din sya. Nakatingin ang binata sa mesa ngunit tila wala doon ang isip.

“Ano naman yung gusto mong sabihin sa amin? Mukhang napakahalaga naman ata. May problema ba?” tanong ni Tina kay Danny.

Tumingin sa kanya ang binata. Tumango. Walang ekspresyon ang mukha Tumayo ito, tumalikod sa kanila. Nasa likod pa rin ang bag.

“Gusto ko lang makilala nyo ako.”

CHAPTER 14


Inip na inip si Elaine sa kanyang byahe. Inabot kasi sila ng hapon dahil sa dami ng tao sa Baclaran. Kumain pa sila sa Max. Treat daw ito ng kanilang inay dahil nakakuha na naman ng malaking kumisyon. Namili pa ito ng ilang mga gamit sa bahay. Inalok pa nito si Elaine na bumili ng bagong cellphone ngunit tinanggihan ito ng dalaga. Hindi pa naman daw niya masyadong kailangan ito. Sa susunod na sweldo na lang daw niya.

Bus na biyaheng Tagaytay ang sinakyan nila. Hindi iyon airconditioned. Bihira lang kasing dumaan ang airconditioned bus doon kaya iyon na lang ang sinakyan nila. Nagmamadali kasi si Elaine. Bababa na lang sina Ed ang kanyang inay sa Dasma bayan, at didiretso na sya sa Tagaytay. Ilang oras din kasi ang biyahe mula doon kaya matatagalan pa si Elaine kung byaheng Dasmariñas ang sasakyan nila.

Nasa gitna sya ng upuan ng bus. Sa kanan nya ay si Ed na nakatingin sa labas ng bintana. Sa kaliwa nya ay ang kanyang inay na nakahilig sa kanyang balikat. Tulog ito. Ramdam ni Elaine ang bigat ng ulo nito ngunit hindi nya ito pinapansin. Gusto na nyang marating ang mga kaibigan. Bihira lang kasi ang oras na magkikita kita sila at mamasyal. Panay ang sulyap nya sa relo nya sa braso. Tumingin sya sa labas. Alas dos kwarenta na, nasa Bacoor pa lang sila. Hindi na nya pansin ang pangangalay ng kanyang balikat. Baka umalis na ang mga kaibigan. Baka iniwan na sya. Siguradong maiinip iyon. Alas nuebe y medya pa nung tumawag ito sa kanya. Hapon na, wala pa rin sya doon. Pinakikiramdaman din niya ang cellphone ng kapatid. Siguradong magte-text iyon. Ngunit wala pa rin.

Bumibilis ang takbo ng bus. Hindi nya namalayan na lumiko na pala ito papasok ng Dasma bayan. Ginising nya ang kanyang inay at pinaghanda para sa pagbaba nito. Pagtapat sa simbahan, bumaba na sila. Naiwan si Elaine sa bus at kumaway pa ito sa ina at bumulong sa hangin ng salitang “mahal ko kayo” nung paalis na ang bus. Bitbit nito ang cellphone ng kapatid. Hiniram muna nya ito sakaling hindi sila magkita ng kaibigan. Parang kinabahan si Aling Lucy sa tagpong iyon. Nais nyang pigilan ang anak. May pamahiin kasi sa kanilang pamilya na kapag ganoon, maaaring maaksidente ang taong umalis o maaari ring mamatay.






CHAPTER 15


Nasa loob na naman ng madilim na kwarto si Capt. Murillo. Ngunit sa pagkakataong ito, si Benok na ang nasa harapan niya. Takot na takot ito. Sa kabila ng kadiliman, kitang kita ang pamumutla nito. Nasa likod nya si SP03 Leaño. Katulad ng dati, may sigarilyong nakapasak sa kanyang bibig.

“Alam mo na siguro kung bakit ka nandito ngayon?” bungad ni SPO3 sabay buga ng usok sa mukha ni Benok. Halos maubo ito ngunit pinigilan nya.

“Wag nyo po akong sasaktan, magsasabi po ako ng totoo.” Nanginginig ang boses nito.

“Good. Sige, umpisahan mo na. Sino ang nagplano ng lahat?” si Capt. Murillo. Walang reaksyon sa mukha nito.

“S-Si...Dondon po.” Pautal niyang sinabi. “Isa-isa nya po kaming hinikayat na gawin iyon. Tutal naman daw ay mayroon na kaming mga armas. Sayang naman daw kung hindi namin gagamitin.”

“Alam mo ba kung sino ang pumatay sa biktima ng kagaguhan nyo?” muling tanong ng kapitan. Galit na ito.

“H-hindi po. Nasa labas po ako. Ang sabi po kasi ni Dondon, harangin ko daw lahat ng papasok sa loob ng bangko. Maya-maya, narinig kong may pumutok sa loob. Tapos nung nakita kong nagtatakbuhan silang palabas, tumakbo na rin ako.” Paliwanag ni Benok.

“Alam mo ba kung saan matatagpuan ang iba nyo pang kasama?” tanong ni SPO3.

“Si Askal lang po ang kilala ko. Taga Pinagbuhatan po. Kahit saang bahagi po ng lugar na iyon ay kilala sya kaya’t hindi sya mahirap hanapin.”

“Ayos naman pala ito kapitan e, madaling pakantahin.” At tumawa pa ng malakas si SPO3.

“Lima kayo diba? Asan na yung dalawa pa?”

“Si Ruby po yung kilala ko. Yung isa, hindi ko masyadong kilala. Bihira lang din kasi akong makipagkita sa kanila noon pa.”
“Niloloko mo ba ako!?”
“H-Hindi po. Totoo po lahat ng sinasabi ko. Totoo pong lahat. Maniwala po kayo.” Nanginginig si Benok.






































CHAPTER 16


“Makilala?” nagtatakang tanong ni Laura. Humarap sya sa dalawang dalaga at tumango.

“Alam kong kamumuhian nyo ako kapag nalaman nyo nang maaga kung sino talaga ako.” Malungkot ang tinig na iyon ni Danny.

“Danny, hindi kita maintindihan.” Si Laura.

“At alam kong kapag sinabi ko sa inyo ngayon, hindi nyo na ako kakausapin pa. Pero handa na ako. Tatanggapin ko nang lahat.”

Katahimikan.

“Galing ako sa isang malayong probinsya.” Binasag ni Danny ang katahimikang iyon. “Bata pa lang ako, namulat na ako sa kalupitan ng aking ama. Bobo daw kasi ako. Di tulad ng kuya kong laging nangunguna sa eskwela.” Naupo si Danny sa mesa. Tumingin sa malayo. “Hindi naman ako naiinggit kay kuya dahil napakabait nya sa akin. Alam kong mahal na mahal nya ako... Nung minsang pauwi kami mula sa eskwela, katatapos lang ng exam noon, at alam kong gugulpihin na naman ako ng itay dahil bagsak nga ako, nagpaalam ako kay kuya na aalis ako at pupunta kung saan, na sya namang tinutulan nya. Wala akong nagawa noon, pag-uwi namin sa bahay, katulad ng inaasahan ko, galit na galit ang itay at binugbog nga ako. Buti na lang at tinulungan ako ni kuyang makatakas sa kanya.”

Natulala sina Tina at Laura. Nakatingin sa lalaki. Bagamat nakatalikod ito sa kanila, dama nila ang sinseridad sa sinasabi nito. Si Laura, tila hindi makapaniwala. Sa ilang linggo nilang pagsasama, ngayon nya lamang nakitang ganito ang kanyang minamahal.

“Napadpad ako sa maynila at napasama ako sa masasamang tao. Magnanakaw, mandurukot, adik, lahat ng iyon, ay naging ako. Nakulong pa ako dahil sa kanila pero nagpakabait naman ako kaya nakalaya din. At doon nagsimula ang kalbaryo sa buhay ko. Dahil sa babae, Muli akong sumali sa dati kong grupo. Wala kasi akong matatakbuhan at napamahal na sa akin ang babaeng iyon.”

Tila kinurot ang puso ni Laura, nakaramdam ng konting selos.

“Muli kaming gumawa ng bagay na labag man sa loob ko’y itinuloy ko pa rin. Ngunit mas matindi ang ginawa namin ngayon.” Tumigil sa pagsasalita ang lalaki. Waring nakikiramdam kung ano ang reaksyon ng kausap.

“Ano naman ginawa nyo?” usisa ni Tina.

Isa-isa niyang tiningnan ang dalawa. “Nangholdap ng bangko.!”

Natulala ang dalawa. Parang nakakita ng multo. Hindi makatingin si Danny sa dalawa. Nahihiya ito.

“At ginawa nyo nga?” si Laura.

“Mas malala pa doon.” Muling sagot ni Danny.

“Malala? Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Tina. Kapwa naghihintay ng kasagutan ang magkaibigan.

“Sinubukan naming pasukin ang isang bangko sa Pasig. At dahil mga baguhan, lubos lubos ang takot namin. Sa bawat kaluskos ay nanginginig ang aming mga kamay. Lalo na nang marinig namin ang malakas na alarm. Nataranta kami. Nakita ko ang isa kong kasamang tinutukan ang taong pumindot ng alarm na iyon. Ayaw kong gawin nya iyon kaya’t pinigilan ko sya. Nag-agawan kami ng baril hanggang sa maiputok ito sa isa sa mga nakadapa doon. Hindi ko na alam ang nangyari. Naramdaman ko na lang na tumatakbo ako kasama ang babaeng minamahal ko.”

“Kasama nyo yung babae sa pangho-hold-up?” tanong muli ni Tina. Tahimik lang si Laura.

“Oo. May kakilala syang taga-doon sa Rosario kaya doon kami napadpad nung tumakas kami. Malayo iyon at walang nakakaalam kung sino kami at ano ang ginawa namin. Ngunit matapos ang ilang araw, iniwan nya ako doon. Nawala syang parang bula. Hindi man lamang nagpaalam. Hanggang ngayon, hindi pa rin sya bumabalik.”

“E paano mo naman nakuha yung number ko?” tanong ni Laura.

“Iyan ang dahilan kung bakit ako umiiwas sa mga kaibigan mo. Iyan din ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa harapan nyo.”

“Ang gulo yata. Paki-explain naman.” Si Tina.

Isang bugtong hininga ang pinakawalan ni Danny. Malalim iyon. Hindi nya malaman kung paano nya sasabihin ang lahat.

“Mula ng iwan ako ng babaeng iyon....Ruby ang pangalan nya...mula ng iwan nya ako, nahiya na akong makituloy sa kakilala nyang iyon. Sumali ako sa fraternity. Meron kasi silang sikretong lugar para sa mga miyembro.”

“Tapos?”

“Sabi nila hindi daw ako makakasali hangga’t hindi ko nalalampasan ang pagsubok nila. Initiation daw iyon.”

“At ginawa mo rin?” si Tina

“Oo.”

“At ano naman ang ipinagawa sa’yo?” tanong ni Laura.

“Walang sawa nilang hinahampas ang buong katawan ko habang nakapiring ang mga mata ko. Halos hindi ko makayanan iyon pero tiniis ko iyon.”

“At nakasali ka na?” si Tina muli.

“Hindi pa. Isang huling pagsubok pa.”

“Ano naman yun?” si Laura.

“Kailangan ko raw mang –snatch ng bag dun sa may palengke. Kapag nagawa ko iyon, pasok na ako.”

Tila alam na ni Laura ang mga susunod pang sasabihin ng lalaki. Naririnig niya ang tibok ng kanyang dibdib. Lumalakas iyon. Pinilit nyang kalmahin ang sarili at pinakinggan ang lahat ng sasabihin pa nito.

“So, what’s your point?” muling tanong ni Tina.

“Simple lang.” Kinuha nya ang backpack, ibinaba sa mesa, binuksan at kinuha ang laman noon. Isang may di kalakihang pouch. Itinaas niya iyon at ipinakita sa dalawa.“Si Miss Elaine Hernandez....ang biktima!”

Bingo! Tama ang nasa isip ni Laura. Tama ang hinala nya.

“At kaya mo nalaman ang number ni Laura ay dahil sa cellphone ni Elaine?” tanong ni Tina na halos hindi makapaniwala. Tahimik lang si Laura. Hindi alam ang sasabihin.

“Pasensya ka na Laura. Bumili ako ng sariling sim card. At ito...” dinukot ang cellphone sa bulsa. “...ay pag-aari ni Elaine. At dahil ikaw ang nag-reply sa tatlong taong tinext ko..” tumingin ito kay Laura na nakatungo lang ngayon “...ikaw na ang kinaibigan ko. Pasensya ka na talaga Laura....I’m Sorry.” Halos pabulong nyang sinabi. Malungkot ang mukha nito.

“So ibig mong sabihin, kaya mo tine-text si Laura, ay para mapalapit ka kay Elaine?” Tanong ni Tina. Tumango lamang ang lalaki.

“Hindi lang iyon. Gusto ko kasi patunayan sa inyo na hindi talaga ako masama.” Paliwanag ng lalaki.

“Niloko mo ako! Niloko mo ako!” mataas ang tinig ni Laura. Nabigla ang lalaki. Tila napahiya.

“I’m sorry....sorry talaga.”

“So, wala kang planong bumalik sa probinsya nyo? Sa kuya mo. Ano nga ba ang pangalan nya?” si Tina. Pilit binago ang usapan ng mapansing naiba ang reaksyon ng kaibigan.

“Mag-iipon pa ako ng pera. Pero hindi sa pamamagitan ng paggawa ng masama. Hindi ko alam pero pipilitin ko. Para naman hindi nakakahiya kay Kuya Daniel.” Mahinahon pa rin ang lalaki.

“Kuya Daniel? Tapos ikaw si Danny? Ang weird naman ng pangalan nyo.”

Katahimikan.

“Ang totoo..” binasag ng lalaki ang katahimikang iyon. “.hindi talaga Danny ang pangalan ko....kinuha ko lang yun sa pangalan ni kuya..” tumingin sya sa dalawa, hinihintay ang reaksyon “..ako si Allen.”








CHAPTER 17


Malungkot na balita ang natanggap ni Capt. Murillo ng umagang iyon. Ang lalaking tinutukoy ni Benok, si Askal, ay natagpuang patay sa ilog na sa may Pinagbuhatan. Ayon sa nakasaksi, dalawang lalaki ang gumawa noon, dakong alas-tres ng madaling araw. Tiyak na kakilala lamang ni Askal ang mga iyon dahil magkausap pa sila ng matagal at nang di kalaunan ay narinig nyang nagsisigawan ang mga ito hanggang sa bumunot ang isa ng baril at pinaputukan ang biktima. Nagtulong pa ang dalawang buhatin ang bangkay at itinapon sa ilog. Droga raw marahil ang pangunahing motibo.

Ang pag-asa ng kapitan na madakip ang iba pang miyembro ng grupo ay nabawasan. Tanging si Ruby at Allen na lamang ang natitira. Isang palaisipan sa kanya kung saan matatagpuan ang mga iyon. Wala pang linaw ang kaso. Hindi pa malaman kung sino ang pumatay sa biktimang iyon. Pakiramdam ng kapitan ay hindi nagsasabi ng totoo si Dondon. Kailangan nyang marinig ang panig ng natitira pang saksi. Ngunit saan nya makikita iyon?

KRRRIIINNGG!!!

Naputol ang kanyang pag-iisip sa tunog na iyon. Kinuha nya ang telepono. Iniangat iyon at itinapat sa kanyang tenga.

“This is Capt. Murillo speaking-“

“Kapitan, nandito ang isa sa mga miyembro ng gang sa hold-up and murder case. Gusto daw sumuko.” Tila nabuhayan ng loob ang kapitan sa narinig nyang iyon mula sa kabilang linya ng telepono.

“Ok. I’ll be there in five minutes.” Sagot nito at ibinaba na nya ang telepono. Nagmamadali syang lumabas at tila nabuo ang pag-asang kanina lamang ay naglaho. Ang tanging kasagutan sa kanyang hinala. Si Allen...siya ang huling pag-asa.

Ilang minuto pa ang lumipas, kaharap na nya ang taong iyon. Ngunit hindi si Allen. Isang batang babae. Morena ito, matangos ang ilong, kaakit-akit ang itsura nito. Mahirap isiping nakagawa ito ng ganoon. Si Ruby.





CHAPTER 18


“Allen?” sabay na sambit ng magkaibigan.

“Oo. At ngayong alam nyo na kung ano at sino ako, tinatanggap ko ang kamuhian nyo ako. Laura, inuulit ko, patawarin mo ako sa mga nagawa ko. Hindi kita niloko. Ginawa ko lang ang alam kong nararapat.”

Nais magsalita ni Laura ngunit walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. Hindi nya alam kung ano at kung paano nya ipaliliwanag ang nararamdaman.

“Tina, bilang una’t huling pagkikita natin...gusto kong malaman mo-“

Naputol ang salitang iyon sa tunog ng cellphone ni Laura. Dali-dali nyang kinuha iyon. Ang numero ay sa kapatid ni Elaine.

“Hello?” tinig ni Laura.

“Hello, Lau, si Elaine ‘to. Andyan pa ba kayo? Paparating na ako.”

“S-Sige...h-hintayin ka namin dito. Dito kami sa may bandang ibaba. Dun sa pwesto natin last year, remember?”

“Ah...Ok....sige..malapit na ako. Bye!”

“bye!”


Nagkatinginan ang tatlo ng ibaba ni Laura ang cellphone. Pareho ang kanilang iniisip. Paano nila ipapaliwanag ang lahat kay Elaine. Hindi pa nabanggit ni Laura kay Elaine na makikipagtagpo sila kay Danny. Surprise daw ang pagkikita-kita nila. Hindi alam na mayroong ibang kasama.

Tahimik ang paligid. Tanging malamig na ihip ng hangin lamang ang maririnig. Nanunuot iyon sa katawan. Pawang malalim ang iniisip ng bawat isa. Nagpapakiramdaman. Ilang minuto ang lumipas, wala paring usapan. Hindi malaman kung ano ang gagawin.

Pasado alas singko ng hapon, sa di kalayuan, isang tinig ang gumulat sa kanila.

“Laura! Tina!” si Elaine. Nasa dulo ng hagdan pababa sa kanila. Sabay lumingon ang magkaibigan. Pawang nagulat ngunit nakuha pa ring ngumiti. Nagkatinginan ang dalawa. Si Allen any hindi lumingon. Waring inihahanda ang sarili sa magaganap na rebelasyon. Palapit na si Elaine.

Ilang saglit pa ay nasa harapan na nila ang dalaga. Nakangiti ito.

“So, what a surprise!” bungad nito. Nakangiti pa rin ang dalawa. Ngunit halatang pilit na ngiti lamang ito.

“Ok lang kayo?” sabay tumango ang dalawa. Itinuro ni Laura si Allen sa pamamagitan ng nguso.

“Ah... kasama nyo pala sya...im sorry..” patukoy nito kay Allen na tila walang naririnig. Waring napahiya si Elaine sa inasal nya. Hindi nya kasi alam na kasama nila ang lalaking iyon dahil medyo malayo ang distansya nito sa kanila.
Unti-unting humarap ang lalaki. Namumutla ang kanyang mukha. Tumingin kay Elaine at pinilit ngumiti.

Tila nakakita ng multo si Elaine. Parang pamilyar sa kanya ang mukha nito. Tama nga kaya ang hinala nya?

“Ah..e..Elaine, meet Allen...kaibigan ko.” Si Laura. Tila nag-aalangan sa binitiwang salita.

“And i believe meron kayong dapat pag-usapan...”si Tina.

Muling ngumiti si Allen. Napako si Elaine sa kinatatayuan. Bumalik na sa kanyang alaala ang itsura ng lalaking iyon. Ngunit nagdadalwang isip. Hinihiling na sana ay mali ang nakikita nya. Kinuha ni Allen ang pouch at iniabot kay Elaine.

“Elaine...magpapaliwanag ako.” Mahinahon nyang sinabi.

“Ikaw nga...ikaw yun! At kaibigan nyo ang lalaking ito?” humarap sa dalawang kaibigan. Umatras sya ng ilang hakbang. “So after all those times, naglolokohan lang pala tayo!” tumaas na ang tinig na iyon. “Plano nyo palang lahat ito?!”

“Elaine, magpapaliwanag ako!” bawi ni Laura.

“Anong klaseng kaibigan kayo? Simula ngayon, wala na kayong kilalang Elaine!” tumalikod ito at tumakbong papalayo.

“Elaine wait!” habol ni Tina, ngunit wala wala na ito. Hindi nila malaman kung bakit tila hindi makagalaw ang kanilang mga paa.

“Elaine!” sigaw ni Allen habang hinahabol ang dalaga ngunit tila wala itong naririnig. Tumatakbo pa rin ito. Paakyat sa hagdanan. Sumusunod si Allen. Humabol na rin ang dalawang magkaibigan. Ilang saglit pa ay narating na ni Elaine ang gate. Paglabas nito ay tumawid at dali-daling pumara ng jeep. Hindi pa sya sigurado kung saan sya pupunta basta ang nais nya ay makalayo. Nasa gate na rin si Allen, nakita nyang pasakay ang dalaga sa jeep kayat dali dali syang tumawid. Unti-unting umaandar na ito kaya’t tinakbo nya at naabot ang estribo nito. Nakasampa sya habang umaandar ang jeep.

Natulala si Elaine. Nagulat sa pangyayari. Nais nyang sumigaw. Nais nyang malaman ng lahat na ang lalaking iyon ay isang snatcher ngunit hindi sya sanay sa eskandalo. Hindi nya alam ang susunod nyang hakbang.

Umupo ang lalaki sa kanyang tabi. Halos mapuno iyon. Maliit lang ang jeep na iyon. Waluhan. Si Allen ang nagpuno sa bahaging iyon ng upuan samantalang sa kabila ay may ilan pang bakante. Bumulong ang lalaki kay Elaine.

“Ipapaliwanag ko sa’yo ang lahat. Walang kinalaman dito ang mga kaibigan mo. Parang awa mo na, maniwala ka.” Mahinahon iyon kaya’t tila isang kaswal na usapan lamang. Hindi pa rin umiimik si Elaine. Naguguluhan sa nangyayari. Patuloy pa rin sa pagpapaliwanag ang lalaki ngunit walang naririnig ang dalaga. Bumabalik ang alaala nung araw ng Linggong iyon. Ang araw na hindi niya malilimutan. Tapos nang magpaliwanag ang lalaki ngunit walang naintindihan si Elaine. Bingi sya sa lahat ng sinasabi niAllen.

Malayu-layo na ang narating ng jeep. Hindi nila alam kung saan ang tungo nito. Dumidilim na rin ang kalangitan, hudyat ng paglubog ng haring araw. Hindi rin nila namalayan na puno na ng pasahero ang sasakyan. Wala ang isip sa paligid. Kapwa na sila tahimik.

“Para!” sigaw ni Elaine ngunit tila hindi narinig iyon ng driver.

“Mama, para po!” lalong humarurot ang jeep. Kinabahan si Elaine. Tumingin siya kay Allen na tila nagtataka rin.

“Walang bababa!”sigaw ng lalaki na nakaupo sa dulong upuan ng jeep. Malapit iyon sa may pinto. Dumukot iyon sa may beywang. Nanlaki ang mga mata ni Elaine sa nakitang iyon. Baril. Ang katapat nito ay ganun din ang ginawa. Bumunot din ng baril. Pati ang nasa unahan na katabi ng driver dumukot sa kanyang bag. M-16 iyon. Tumawa ng malakas ang driver at nagtawanan din ang tatlong kasamahan nito.

“Tingnan natin kung ano ang sasabihin ni Governor dito. Hahaha!!” sambit pa niya.

Ang mga pasahero ay binalot ng takot. May iba pang sumigaw ngunit tinutukan iyon ng baril at binantaan na sa oras na may marinig pa silang ingay ay papatayin nila.

Nawala ang iniisip ni Elaine tungkol sa snatcher. Nanginginig ang buo nyang katawan. Si Allen naman ay tahimik lamang at hinihintay ang susunod na mangyayari. Ang iba pang pasahero ay nagdadasal. Mayroong umiiyak. Mayroon ding tahimik lamang tulad ni Allen.

Madilim na ang paligid. Mga puno lamang ang naaaninag sa daan. Walang kabahayan.

“Kung kailangan nyo ng pera, ibibigay na namin, wag nyo lang kaming sasaktan.” Anang isang may edad na lalaki. Yakap nito ang asawang umiiyak.

“Ulol! Kainin mo ang pera mo. Aanuhin ko yang barya mo?” sigaw ng isang lalaki sa tabi ng driver at muling tumawa ng malakas at nagtawanan din ang mga kasama nito. “Mas malaki ang kita namin dito.” At muli na namang nagtawanan.

Ilang minuto matapos iyon ay nag-ring ang cellphone ng katabi ng driver. Kinuha niya iyon sa bulsa. Si boss.

“Boss, okey na itong mga hostage natin.....ano?....opo....opo.....tapos?.....ok po.....” seryoso ang mukha ng lalaki. Tumingin ang driver dito na nagtataka.

“Ano daw yun?” tanong nito. Sinenyasan syang ilapit ang tenga at ibubulong ito.

“Hindi daw naniniwala ang gobernador. Patayin daw natin ang ilan sa bihag.” Bulong nito. Ngunit tila dinig ng lahat ng hostage yun. Ang iba’y nagdasal. Ang iba’y umiyak...

“Sige itigil mo ang sasakyan.” Utos ng lalaki. At dahan dahan nga itong tumigil.





CHAPTER 19


Si General Mariano. Isang matipuno at makisig na lalaki. Sa edad na limampu’t dalawa ay matikas pa rina ang pangangatawan. Maamo ang mukha nito at sopistikado ang bawat kilos at pananalita. Kaharap nya ngayon si Capt. Murillo. Ipinatawag nya ito kanina matapos makita ang isa pang miyembro ng gang na may kasong hold-up & murder.

“Capt. Murillo, I heard that the case that you were trying to solve is nearly finished am I right?” bungad nito matapos sang-ayunan ang pagsaludo nito kanina. Nakatayo lamang ito sa kanyang harapan.

“Yes, General, isang tao na lang ang hinahanap ko sa ngayon.” Sagot nito.

“Good. So yung exact killer na lang ang hinahanap natin?”

“Actually Sir, I don’t believe na si Allen nga ang tunay na pumatay sa taong iyon base sa kwento ni Ruby. Yung last na member na sumuko.” Matigas ang tinig ng kapitan.

“Pero umamin na ang lider daw ng grupo.”

“But I can see the lie in his face sir.”

“Lie?”

“I’m certain sir. Nagsisinungaling si Dondon.”

Ngumiti ito, lumakad paikot sa nakatayong kapitan.

“Very well, Captain, hindi iyan ang sadya ko sa’yo ngayon....what I want is...for you to give that small case to someone else...meron ako ibibigay sa iyo na bagong kaso dahil alam kong ikaw ang matinik pagdating sa ganyang bagay....leave that junk to small timer...what do you say?” nakangiti pa rin ito.

“Sir, I prefer na tapusin muna ang kasong ito before I jump to the next case.” Nagtaas ng kilay ang heneral sa tinurang iyon ng kapitan.

“Ibig bang sabihin ay, tinatanggihan mo ako?”

“No Sir, I am accepting your order. But I have to finish my current case. Wala akong nakikitang dahilan para iwanan ang kasong ito.”

Natigilan ang Heneral.

“Ok. Goodluck na lang sa kaso mo. Malutas mo sana bago maubos ang lahat ng miyembro.”

“Permission to leave sir.” At sumaludo ito sa heneral bago tuluyang umalis matapos bigyan ng pahintulot.


































CHAPTER 20


Madilim ang paligid. Ang lahat ay nakahelera ng patayo sa harap ng apat na lalaki. animo’y isang eksena sa isang firing squad. Nag-iiyakan pa rin ang iba rito at nagmamakaawang wag silang saktan. Labing apat na pasahero ang nakalinya roon. Ang tatlong pares, mga mag-aasawa ay magkahawak ang kamay.

“Sige! Lahat ng mag-asawa, pumunta dito sa gawing ito.” Utos ng isang lalaki sabay turo sa gawing kanan niya. Walang gumalaw. “Bilis!” at nagpaputok ito ng baril paitaas. Sukat noon ay dali daling naglipatan ang mga magkakapareha. Tatlong pares ang naroon. Naiwan ang walong tao kasama sila Allen at Elaine. Hinawakan ni Allen ang kamay ng dalaga at hinila papunta sa mga mag-asawa ngunit nagmatigas si Elaine. Napansin ito ng isa sa mga armadong lalaki.

“Hoy ikaw lalaki!” patukoy nito kay Allen. “Bakit mo hinihila si Miss byutipul?” lumapit ito at inilapit ang mukha sa babae. Bahagyang inamoy “pwede kong tikman ito. Hahahaha!” nangilabot si Elaine. Hindi nya masisikmura ang iniisip nyang iyon. Tumulo ang luha. Hindi pa rin bumibitiw si Allen. Muling hinila ng binata ang babae at sa pagkakataong ito’y sumama na sa kanya at nagtungo sa pwesto ng mga mag-aasawa.

“Asawa mo ba talaga ito?” tanong kay Elaine at tumango lang si Elaine bilang kasagutan.

“Pare, kaduda-duda yata. Putunayan nga natin. Hahaha!” sagot ng isang armado sa likuran nito. At nagtawanan ang apat na lalaki.

“Sige! Igme! Teryo! Kayo na ang bahala sa natitirang iyan. Alam nyo na ang gagawin. Manood lang kami ng sine. Hahaha” anang isang lalaki.

“Ayos! Ako na ang bahala dito. Matagal na rin akong hindi kumakalabit ng gatilyo. Hahaha!!” sagot ng lalaki.


Sa may damuhan dinala sina Elaine at Allen. Hindi malaman ni Elaine kung ano ang dahilan ng panginginig ng buong katawan. Dahil ba sa lamig ng paligid o sa takot na nararamdaman.

“Sige, kung talagang mag-asawa kayo, hubaran mo ang asawa mo. Hahaha!” patukoy ito kay Elaine. Ngunit hindi ito kumikilos. Umiiyak lamang ito.

“Huhubaran mo ang asawa mo o ako ang maghuhubad sayo gamit ang bala ng baril ko?” sabay tutok ng 45 sa sentido ni Elaine.

Nangingig at umiiyak si Elaine habang ibinababa ang pantalon ni Allen. Ito ang unang pagkakataong ginawa niya ito sa buong buhay nya. Tinulungan sya ni Allen na gawin iyon hanggang sa lumantad ang kanyang ari.

“Hahaha! Bakit nanlalambot yan?” itinuro pa ng isang lalaki ang ari ni Allen.

“Ngayon lalaki, ikaw naman ang gumawa niyan sa asawa mo. Hahaha!” naupo ang lalaki tatlong hakbang mula sa kanila. Ang isa naman ay nakatutok ang baril kay Allen.

Dahan dahang dinukot ni Allen ang pang-ilalim ni Elaine. Nakapalda lang ito at hindi na nya hinubad iyon. Napansin ito ng lalaking nakaupo.

“Hoy! Ba’t panty lang ang tinanggal mo? Gusto ko pati yung palda. Hahaha!”

“Pasensya na mga ‘tol, gusto ko kasi ako lang ang makakakita sa asawa ko e.” Katuwiran ni Allen.

“Sige na hayaan mo na. Sige pahigain mo na ang asawa mo at patungan mo. Yan ang hinihintay ko!”

Hindi kumikibo si Elaine. Tuloy tuloy ang pag-iyak nito. ayaw kumilos. Hindi alam ni Allen kung ano ang gagawin.

“Teka pare, malambot pa si birdie ni lalake e.” Anang isang armado.

“Oo nga ano? Sige! Babae! Hawakan mo yan at patayuin mo.” Sagot ng isa. Habang nakatutok ang baril.

Sa di kalayuan ay naririnig nila ang putok ng baril at sigawan at pagmamakaawa ng ilan sa mga pasahero kanina. Nagtatawanan pa ang mga tao doon na animo’y mga demonyo. Samantala, hindi pa rin kumikilos si Elaine.

“Narinig mo yun? Gusto mong ikaw ang isunod namin dun?” sabay tutok ng baril sa itaas at nagpaputok. Nataranta si Elaine at dali daling hinawakan ang ari ni Allen. Ilang saglit pa ay nabuhay ito.

“Tama na yan! Showtime na!”

“Sige, babae, higa!” at itinutok muli sa sentido ni Elaine ang baril kaya’t dali dali itong humiga. Pagkatapos ay sinenyasan nito si Allen na pumatong sa dalaga. Atubili naman itong sinunod ni Allen. Dahan dahan itong pumatong sa dalaga. Tuwang tuwa ang dalawang armado sa pangyayari. Si Elaine ay umiiyak pa rin. Naghalong takot at sakit dahil virgin pa ito. Hanggang sa matapos ang lahat.






































CHAPTER 21


Hindi na namalayan ni Elaine ang lahat ng pangyayari. Natulala na lamang siya, nagising na lamang sya sa loob ng isang maliit na kubo. Nakatali ang mga kamay. Magkakaharap ang iba pang kasama nito. Apat na pares silang lahat. Halos lahat ay umiiyak maliban kay Allen na walang reaksyon ang mukha.

“Kamusta ka na? Sorry sa nangyari.” Ani Allen.

Muling naalala ni Elaine ang pangyayaring iyon. Biglang tumulo ang kanyang luha. Dama pa niya ang pananakit ng ibabang bahagi ng kanyang katawan.

“Bigla ka na lang nawalan ng malay kanina, akala ko kung napaano ka na.” pag-aalala ni Allen.

“Asan na yung...yung iba?” naalala ni Elaine na marami sila sa jeep kanina.

“Pinatay nilang lahat....Lahat lahat.” Sagot ng isang may edad na babae at tuluyang humagulgol at sumandal sa asawa.

“Kailangan nating makatakas dito. Mamatay tayong lahat.” Pabulong na sabi ni Allen.

“Paano? May mga baril sila at nakatali tayo. Suicide yun.” Anang isang lalaki sa may bandang kaliwa. Halos kasing edad lang ito ni Allen. Katabi nito ang asawa na nagdarasal.

“Papatayin din naman tayo. Lumaban na tayo. Kailangan mag-isip tayo ng paraan.” Anang isa pang lalaki.

“Naku huwag na. Sabi nung isang lalaki, pag naibigay daw ni gobernador yung ransom, palalayain tayo. Hintayin na lang natin yun.” Sabi ng isa pang babae.

Naririnig pa nilang nagkakasiyahan ang mga tao sa labas. Marahil ay nag-iinom ito. Tawanan, asaran, at kung anu-anong kwentuhan pa ang naririnig nila.
Lumipas ang ilang oras, tahimik na ang lahat. Nakatulog dahil malalim na rin ang gabi. Si Allen lamang tanging gising nung oras na iyon. Pinakiramdaman ang paligid. Walang kumikilos. Tanging huni lamang ng kuliglig ang kanyang naririnig. Ito na ang pagkakataong kanyang hinihintay. Maingat niyang ginising si Elaine at hindi naman sya nahirapang gawin iyon. Mababaw lang ang tulog ng dalaga.

“Tatanggalin ko ang tali sa kamay mo” bulong niya sa dalaga. Ang kamay nila ay pawang sa likuran nakatali. Tiningnan iyon ni Elaine at tumango. Tumalikod siya dito. Magkatalikuran sila. Ilang saglit pa ay naramdaman ni Elaine na lumuluwag ang pagkakatali sa kanyang kamay hanggang sa tuluyan na itong matanggal. Maingat nyang hinarap ang kamay ni Allen. Tinanggal nya ang pagkakatali niyon. Hindi halos siya gumagawa ng anumang kaluskos.
Maya-maya pa ay nakalas na ito at malaya nang naigalaw ni Allen ang kanyang kamay. Gigisingin sana ni Elaine ang iba pang kasama ngunit pinigilan ito ng binata. Nagtatanong ang mga mata ng dalaga.

“Mahihirapan tayo kapag lahat tayo ay tatakas.” Bulong nito sa kanya. Walang nagawa si Elaine kundi sumunod sa lalaki. Dahan dahan syang tumayo. Ramdam pa rin niya ang pananakit ng katawan ngunit tiniis niya iyon.

Maliit lamang ang kubong iyon. Isang kwarto lamang. Ang sahig ay lupa. Naroon nakahiga ang mga hostage. Walang butas ang kubong iyon kahit maliit na bintana man lamang. Tanging pintuan lamang ang lagusan palabas. Sa labas naman ay naroon ang tatlong lalaki. Nakahandusay sa tabi ng puno. Tulug-na tulog. Ang isang lalaki ay nakaharang sa may pinto nakahiga sa mahabang upuan nakabalabag sa pintuan. Kailangan pang hakbangan ito upang makalabas sila.

Dahan dahan silang humakbang, naghawak sila ng kamay. Hindi dapat sila makagawa ng anumang kaluskos na magiging dahilan ng paggising ng mga bantay. Nagulat si elaine ng makita ang isang lalaking natutulog sa mahabang upuan na nakaharang sa pinto. Halos hanggang bewang ang taas niyon at imposible syang makatalon sa ibabaw noon. Ang isang kamay nito ay nakayakap sa baril samantalang ang isa ay nakalaylay at nakasayad sa sahig. Kapwa sila natigilan. Napakalakas ng tibok ng dibdib ni Elaine. Naririnig nya ito. Tumingin siya kay Allen. Tahimik ito at nag-iisip. Kung kukunin nya ang baril, tiyak na magigising ito at gagawa ng ingay. Patay silang lahat. Kung hahakbang siya rito, malamang na sasayad ang bahagi ng kanyang katawan at magigising ito. Hindi rin sya pwedeng tumalon dahil mababa ang pinto. Tatama ang ulo nya sa dulo niyon. Sinuyod nya ang buong paligid. Nakakita sya ng munting awang sa ilalim ng upuan. Susubukan niyang lumusot doon.

Dahan dahang gumapang si Allen sa ilalim ng upuan. Saktong sakto lamang ang kanyang katawan sa awang na iyon kaya’t isang pagkakamali lang ay magigising ito. Si Elaine naman ay nanonood lamang. Kinakabahan. Kalahating katawan na ng binata ang nakalabas. Unti-unti. Dahan dahan. Hindi nya pansin ang galos sa mga braso dahil sa mga bato sa ibaba. malapit nang makalabas ang buo nyang katawan ng bigla niyang nasipa ang kamay nito sa kayang pagtayo. Halos mawalan ng ulirat si Elaine ng makita nyang gumalaw iyon. Mabilis na tumakbo sa gilid ng kubo si Allen para magtago. Dahan dahang sinilip. Tulog pa rin. Naiba lang ang posisyon. Ngayon ay nakataas na ang dalawang kamay nito at nakayakap sa baril. Mas madali na para kay Elaine ang gumapang sa ilalim noon. Sumenyas si Allen sa dalaga. Agad namang nakuha nito ang ibig sabihin ng binata. Dahan dahan syang dumapa. Masakit iyon. Matigas ang batu-batong sahig, dagdag pa ang pananakit ng kanyang katawan dahil sa nangyari sa kanila ni Allen. Inalalayan sya ng binata. Nang malapit na syang makalabas ay hinila sya paitaas ng binata. Patayo. Hanggang sa magdikit ang kanilang mga dibdib. Nakayakap siya kay Allen. Dama nya ang kanyang kaligtasan sa piling nito. Nagtama ang kanilang paningin. Noon napansin ni Elaine ang itsura ng binata. Gwapo iyon. Bumalik sa kanyang alaala ang pangyayari sa Tagaytay. Ang kanyang kaibigan kasama ang snatcher. Pinaglaruan sya ng mga ito. Marahil ay binayaran ng kanyang kaibigan ang taong iyon upang paglaruan sya. Nagbalik ang galit sa mukha nito. Tiningnan nya ng masama at itinulak nya ang binata.

Inilagay ng binata ang hintuturo sa tapat ng kanyang labi. “ssshhh” mahinang bulong nito.

Nagbalik ang isip ni Elaine sa pagtakas nila. Namalayan na lamang nyang hinihila sya ni Allen palayo. Tumatakbo na sila sa gitna ng madilim na gubat. Halu-halong sakit ang kanyang naramdaman. Ang buo niyang katawan, ang mga sugat sa braso at ang mga hampas ng kahoy sa kanya ngunit patuloy siya sa pagtakbo.


















CHAPTER 22

Halos himatayin sa sobrang kalungkutan na nadarama si Aling Lucy. Ilang libong Pilipino ang nakasaksi ng Hostage drama na naka-ere kanina sa iba’t ibang istasyon sa telebisyon. Ang eksena ay sa loob ng jeep. Ipinahahayag dito na pinatay na ang ilan sa mga pasahero at sa oras na hindi ibigay ang hinihinging ransom ay papatayin din ang mga natitirang iyon. Isa-isang kinuhanan ng video ang mga biktima sa pamamagitan ng cellphone camera. Ipinadala ito sa media sa pamamagitan ng MMS. Kitang kita rito ang walong natitirang pasahero ng nasabing jeep. Isa na rito si Elaine na nakita ni Aling Lucy na natutulog at nakasandal sa dibdib ng isang lalake. Si Allen. Nagtatawanan pa ang mga armadong kalalakihan habang ginagawa iyon.

Iba’t ibang tawag ang natanggap ni Aling Lucy nung oras na iyon. Tawag ng pakikiramay. Sinisisi rin ni Laura ang sarili dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi magkakaganito ang kaibigan. Naalala ni Aling Lucy ang masamang pangitain na naganap nung bumaba ng bus ang dalaga at nagpaalam sa kanya.

Alas-tres na ng madaling araw ay hindi pa rin natutulog si Aling Lucy. Umiiyak pa rin ito. Naroon din sina Tina at Laura na dumating kani-kanina lamang. Hindi rin daw ito mapakali sa nangyayari sa kaibigan. Nagdadasal ang mga ito. Si Ed ay nanatiling matatag. Bagamat malungkot sa sinapit ng kapatid ay hindi nya ipinakita ito sa ina dahil baka lalo lang itong bumigay. Siya ang nag-asikaso sa mga kaibigan ni Elaine.

Ilang saglit pa ay nag-ring ang telepono.

Si Ed ang sumagot noon. Tumawag ang kanilang ama.


“Kapitan, kailangan po daw kayong makausap ni Ruby.” Mula sa kabilang linya ng telepono. Mula iyon sa isang lihim na lugar kung saan itinatago ang mga saksi sa krimen. Doon muna inilagi si Ruby.

“Sige, ibigay mo sa kanya.” Sagot ng kapitan.

“Hello, kapitan, buksan nyo po ang TV nyo ngayon.” Tinig ni Ruby.

“Bakit anong meron?” usisa nito.

“Basta buksan nyo bilis. Channel 7.”

Nagtatakang binuksan ng kapitan ang telebisyon. ang eksena ay ang hostage drama. Nagtataka ang kapitan kung bakit kaya tinanong niya ang dalaga.

“Hostage? Alam ko na ‘to. Pinag-aaralan na ang kasong ito.”

“Kapitan, nakita nyo ba ang lalaking naka-itim na t-shirt?”

“Oo. Yung asawa nung natutulog na babae? Bakit?”

“Sya po si Allen. Yung nobyo ko. At hindi nya asawa yun.sigurado ako.”

Natulala ang kapitan. Saglit na natigilan. Ang lalaking iyon. Sya ang susi sa kasong kinakaharap nya. Pakiramdam nya ay inosente ito sa pagpatay sa isa sa mga naroon sa bangko. Naniniwala sya sa testimonya ni Ruby. Muli nya itong tiningnan ngunit wala na ito sa eksena.

“Kilala mo ba yung babaeng kasama nya?” muli nyang binalikan si Ruby

“Hindi po. Pero sigurado akong si Allen yung nasa TV. Siguradong sigurado po.”

“Sige salamat sa impormasyon.”

“walang anuman po.” at ibinaba na nito ang telepono.

Saglit na nag-isip ng paraan ang kapitan, ngunit tila walang paraan na pumapasok sa kanyang utak. Nasa panganib si Allen. Ang huling suspect sa kaso. Ang sagot sa kanyang mga katanungan. Kailangan nya itong makausap. Kailangang buhay ito. Hindi dapat na mamatay sa kamay ng mga bandidong iyon. Ngunit hindi sya pwedeng makialam doon. Tiyak na sa distritong iyon hahawakan ang kaso.

Naging palaisipan iyon kay Capt. Murillo, sinusubaybayan nya ang report ng media tungkol sa kasong iyon. Madaling araw na ay hindi pa rin ito makatulog. Nag-iisip. Nag-aalala.

Halos mapatayo sya sa desisyong pumasok sa kanyang isip. Ito na lang ang tanging paraan. Mag-isa nyang pupuntahan ang lugar na iyon. Hindi na kailangan ng pahintulot ng nakakataas. Buo na ang pasya nya. Pupuntahan nya si Allen.




CHAPTER 23


Halos malayu-layo na rin ang naitakbo nila Allen at Elaine ngunit tila wala silang paroroonan. Puro damo at puno ang nasa harapan nila. Saglit silang tumigil para magpahinga. Awang awa si Allen sa dalaga. Alam nya ang nararamdaman nito ngunit wala naman syang magawa.

“Siguro naman, hindi na nila tayo maabutan dito. Malayo na tayo sa kanila.” Si Allen.

“Kailangan nating makalabas dito. Kailangan nating makapagsumbong sa pulis.”

“Sapat na ang makatakas tayo dito. Uuwi na tayo pagkatapos nun.”

“Pero may mga kasama tayong naiwan doon.”

“Edi magpunta ka. Basta pag nakatakas tayo, hindi na ako magpapakita pa sa iyo.”

Katahimikan.

“Teka, teka teka...alam ko na kung bakit ayaw mong magpunta tayo sa pulis....Mr. Snatcher!” Ipinatong pa ni Elaine ang kamao sa kanyang bewang. Hindi na kumibo si Allen. Muling nagsimulang lumakad.

“Hoy! Mr. Snatcher! San ka pupunta? Kinakausap pa kita.” Humahabol si Elaine sa lalaki.

Tumigil ang lalaki at humarap sa kanya. Tiningnan nya ang dalaga “Ako si Allen.” Muling tumalikod at naglakad.

“E ano naman ngayon kung ikaw si Allen? Snatcher ka pa rin. Ang sarap sarap ng lakad ko, pa-sing sing pa ako tapos eto ka, biglang dadaan sa tabi ko tapos-“ natigil ang kanyang salita sa biglang pagharap sa kanya ng lalaki. seryoso ang mukha nito.

“Sige mag-ingay ka pa, kundi iiwanan na kita.” Sabi nito.

“Aba! Sinong tinakot mo? Edi iwanan mo ako!” tumigil sa paglalakad ang dalaga.

“Talaga ha? Sige.” Sabi ng binata at nagmamadaling umalis. Halos patakbo ito hanggang sa lamunin ng dilim. Tumingin sa paligid si Elaine. Puno at sari saring dahon na lang ang nasa kanyang harapan. Nanginig ang buo nyang katawan.

“Hoy Allen! Teka! Nagbibiro lang ako! Allen! Sige na hindi na ako mag-iingay!” at humabol syang patakbo sa binata ngunit wala na ito. Mas lalong binilisan ni Elaine ang paglalakad ngunit wala na ang lalaki. Nanlaki ang kanyang mga mata ng biglang maramdaman nya ang kamay sa kanyang bibig. Nakatakip iyon ng madiin at pilit pinatitigil ang kanyang pagsasalita. Ang isa pang kamay ay nakapulupot sa kanyang bewang. Napasandal sya sa dibdib niyon. Lihim syang natuwa. Si Allen. Sa isip nya. Unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak sa kanya niyon. Tumalikod sya. Laking gulat nya ng malamang hindi si Allen! Isang lalaki at may kasamang isang babae. Hindi nya alam ang pangalan nito pero kilala nya. Kasama sila sa pasaherong na-hostage ng mga bandido.

“Hwag kang maingay!” bulong ng lalaki. halos kasing edad nya ito. Tumingin sya sa kasama nitong babae. Ang asawa nya. Nakaharang ang hintuturo nito sa kanyang kamay.

“Nagising ako nung makita kong tatakas kayo. Hindi ko naman kayo pwedeng tawagin dahil baka magising ang mga iyon. Kaya sumunod na lang kami sa inyo.” Paliwanag ng lalaki.

“Mabuti naman kung ganoon.” Sagot ni Elaine.

“Hindi mabuti. Pag-alis namin, nakita kong nagising ang isa sa kanila. Nung lingunin ko, pumasok iyon sa loob, tapos lumabas ulit at ginising ang mga kasama nya.” Sabing muli ng lalaki.

“Malamang hinahanap na tayo ngayon.” Dugtong ng asawa nito.

Kinabahan si Elaine. Hindi nya alam kung bakit ang pakiramdam nya ay nasa panganib sya mula ng mawala sa kanyang paningin si Allen. Asan na kaya sya?











CHAPTER 25


Binabaybay ni Capt. Murillo ang kahabaan ng Aguinaldo Highway. Handa na sya kung ano man ang mangyayari. Buo ang loob nyang harapin ang lahat. Si Allen. Ang mga bandido. At ang media.nagkakagulo na kasi ang mga tao tungkol sa kasong iyon. Nag-utos na rin ang Goberndor ng search and rescue unit. Sari-saring mga reporter na rin ang nagnanais na mag-cover niyon. Habang daan ay iniisip nya kung paano haharapin si Allen. Tiyak na kalaban ang magiging tingin nito sa kanya. Dapat ay maging maingat sya sa bawat kilos nya. Inosente si Allen. Inosente ito.

Narating nya ang Olivarez. Mula doon ay sunud-sunod na ang mga van ng sari-saring istasyon ng telebisyon at radyo. Naghihintay ng bagong kwento sa kabanata ng hostage na iyon. Nilampasan nya ang lahat ng iyon. Hindi sya nagpahalata sa kanyang balak. Kailangang marating nya iyon ng walang naghihinala sa kanyang plano.

Madilim ang paligid, nilagpasan nya ang lahat ng mga tao doon. Hindi na gaanong malayo ang lugar na pupuntahan nya. Nararamdaman nya. Malapit na ito. Kinausap muna nya si SPO3 Leaño bago nya gawin ang plano nya. Siya rin ang naging daan upang matunton nya ang lugar na iyon.






















CHAPTER 26


“Nakita nyo ba si Allen?” nagbabakasakaling tanong ni Elaine sa mag-asawa.

“yung asawa mo? Oo nakita namin. Akala ko, alam mo na babalik sya doon?” sagot ng lalaki.

“Babalik? Ano ibig nyong sabihin?

“Nakasalubong namin sya. Papunta nga sya dito, tapos nung magkita kami, sabi nya, samahan ka daw namin na makalabas dahil may babalikan sya doon. Akala ko nga, pinayagan mo sya.”

Nangilabot ang buong katawan ni Elaine. Babalik sa kubo? bakit?

“Tara na! Maghanap tayo ng daan palabas dito. Siguradong hinahanap na tayo nung mga bandidong iyon.” Yaya ng lalaki.

Natulala man si Elaine ay hindi na ito nakatanggi pa. Bigla ang pag-aalala nya kay Allen. Pakiramdam nya ay kulang ang kanyang pagtakas kung wala ang lalaki sa kanyang tabi. Nais niyang sundan at alamin kung nasa mabuti itong kalagayan ngunit huli na. Binabaybay na nila ang kadiliman ng kagubatan.

“Sa oras na makakita tayo ng makatutulong sa atin, sa pulis na agad tayo dumiretso.” Anang babae.

“Pero si Allen...” hindi malaman ni Elaine ang sasabihin.

“Ano ba ang nakain ng asawa mo at iniwanan ka nya rito?” tanong ng babae.

“H-Ha?..a..e...hindi nga sya nagpaalam sa akin e....humanda sa akin yun pag nagkita kami...hmp!”

“Yun e, kung magkikita pa kayo.” Anang lalaki.

“Hon, naman, wag ka naman mag-isip ng ganyan.” Saway ng asawa nito.

“Magpakatotoo na tayo. Delikado ang ginawa nya. Pagkakataon na nyang tumakas, hindi pa itinuloy.”

“baka naman may dahilan sya?”

“Kung meron man, sana ipinaubaya na nya sa kinauukulan.”

Nanatiling tahimik si Elaine. Lumilipad ang kanyang isipan. Hindi man nya naiintindihan ang pangyayari ay nag-aalala sya sa lalaki. Tila nabubura sa kanyang alaala ang galit kay Allen. Maaaring may dahilan nga kung bakit ninakawan sya nito at nakapagtataka ring tinangkang ibalik ng lalaki ang kanyang gamit. Maaaring nakonsensya ito. Hindi sya tunay na masamang tao. Nagsisisi sya ngayon kung bakit hindi nya pinakinggan ang paliwanag nito kahit nakikita nya ang sinseridad sa mga mata nito.


Sa di kalayuan ay may natanaw silang daan. Sementado ito. Pababa sa kanilang kinatatayuan. Tama! Ito ang kalsada. Narating nila ang daanan pauwi. At ang maganda pa dito ay may natanaw silang papalapit na sasakyan, hindi gaanong mabilis ang takbo nito. mababa ang ilaw at tila may hinahanap. Tila nabunutan ng tinik ang mga ito.

“Ayun! Baka pwede nating hingian ng tulong!” anang babae.

“Huwag tayong pakasiguro. Baka kasama nila yan at hinahanap tayo.” Ang asawa nito. Habang patuloy ang pagbaba sa tabi ng bundok. Nakayuko silang lahat at tila magnanakaw na nag-aabang ng pagkakataon.

Huminto ang sasakyan ilang metro mula sa kanilang kinatayuan. Owner-type jeep iyon. Bumaba ang isang lalaki. Sa tulong ng malalamlam na ilaw ng sasakyan ay napansin nila ang hawak nito. Hugis ng isang baril. Nakita pa nilang ikinasa ito ng lalaki at tuluyan nang lumakad paakyat sa bundok. Kinabahan sila at nagtago sa likod ng puno, dumungaw na muli ang lalaking kasama ni Elaine. Napansin nitong nag-iisa ang lalaki mula sa sasakyan.

“Wala nang tao sa sasakyan. Nag-iisa sya, pag nakalayo sya, tatakbo tayo papalapit doon at gagamitin natin ang sasakyan nya. Hintayin nyo ang senyas ko.” Bulong ng lalaki at tumango lang ang dalawang babae.

Katahimikan. Nagmasid ang mga ito hanggang sa lamunin ng kadiliman ang lalaki.

“Tara na!” bulong muli ng lalaki at patakbo ngunit maingat na tinungo ang kinalalagyan ng sasakyan. Hanggang sa makalapit sila dito. Mabilis na sumakay ang mga ito.

“Taas ang mga kamay!” tinig mula sa kadiliman. Papalapit ang anyong ito sa kanila. Nasisinagan ng liwanag ng buwan ang aura nito. nakatutok ang baril sa kanila. Nabigla ang tatlo sa pangyayari. Ang buong akala nila ay nakalayo na ang lalaki. nakikiramdam lang pala ito. Waring alam na may tao sa kanyang paligid. Kinilabutan ang mga ito.

“Walang kikilos! Pulis ako!” sabi pa nito.

Tila nabunutan ng tinik ang tatlo. Pulis. Maaring ligtas na sila. O baka nagpapanggap lamang ito. Lumapit ang lalaki. tiningnan isa-isa ang nakasakay sa kanyang sasakyan. Waring nakilala ang mga ito. Ibinaba ang kanyang baril.

“Sino kayo?” tanong nito.

“Mamang pulis, kinidnap po kami ng apat ng kalalakihan. Nandun pa po sa bundok yung mga kasama namin.” Anang isang babae.

“Totoo po iyon, nakatakas lang po kami sa kanila.” Patunay ng asawa nito.

“Ako si Capt. Murillo. Kayo nga ang sadya ko rito. Ilan pa ang natitira doon? Alam nyo ba kung saan ang kuta nila?” Pakilala nito sa sarili.

Ako si Manny at ito naman ang asawa ko, si Rita. Sya naman si –“ tiningnan ng lalaki si Elaine na nasa likurang upuan ng sasakyan, tila nagtatanong ito.

“Elaine...Elaine Hernandez.” At nagbitaw ng isang matipid na ngiti.

“Nakatakas na rin yung asawa nya kaso, bumalik ulit doon, ewan ko ba kung bakit.” Ani Rita.

Tahimik lang si Elaine.

“Mabuti pa ay sumunod na ako doon at baka kung mapaano pa ang asawa mo.” Anang kapitan.

“Sasama ako. Nag-aalala na ako kay Allen.” Habol ni Elaine.

Tila natigilan ang kapitan ng marinig ang pangalan na iyon.

“Allen ba kamo? Asawa mo si Allen?” tanong nito.

“O-opo..hindi po..” naguguluhang sagot ng dalaga. Nagkatinginan lamang sina Manny at Rita. Nagtataka. Maging ang kapitan ay ganun din.

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong nito.

Walang nagawa ang dalaga kundi ikwento ang lahat ng pangyayari mula nang magkita ang dalawa sa Rosario hanggang sa pangyayari nitong umaga. Gulat na gulat ang lahat sa rebelasyong ito. Ngunit mas kagulat-gulat ang reaksyon nila ng ikwento rin ng kapitan ang tungkol kay Allen. Ang kasong kinakaharap nito at ang pagiging inosente nya. Ang pag-uusap nila ay pinutol ng isang malakas na putok ng baril mula sa di kalayuan.

“Paano, mabuti pa ay ikaw na ang magdala nitong sasakyan. Humingi kayo ng tulong. Susunod ako doon.” Patukoy ng kapitan kay Manny.

“Sasama ako.” Pagpiprisinta ni Elaine ngunit hindi ito sinang-ayunan ng kapitan.

“Sige po, Kapitan, mag-iingat kayo.” Sagot naman ni Manny at tuluyan nang lumayo ang kapitan.

Bago pa umadar ang sasakyan ay nakiusap si Elaine sa mag-asawa na iwanan na lamang siya sa lugar na iyon. Bagamat tumanggi ang mag-asawa at wala itong nagawa. Nagpumilit ang dalaga at nakababa na ito.
























CHAPTER 27

Binabaybay ni Allen ang kadiliman ng paligid. Kaninang magkasama sila ni Elaine, naramdaman nyang may sumusunod sa kanila ngunit hindi nya ipinaalam iyon sa dalaga dahil baka matakot pa ito. Nagtago ito sa kadiliman upang protektahan ang dalaga. Kung may lalapit man dito, pwede nyang sugurin ito mula sa kinalalagyan nya. Ngunit ng mapansin nyang ang mga taong iyon ay ang mga kasama nyang bihag, nilapitan nya iyon at inihabilin si Elaine sa kanila. Gagawin nya ang lahat ng kanyang makakaya upang mailigtas ang iba pa nilang kasama. Bahala na. Hindi man siya makaharap sa mga pulis, sa pamamagitan nito ay mabibigyan nya ng kasiyahan ang dalaga.

Dahan dahan at buong pag-iingat nyang nilapitan ang lugar na iyon. Ilang hakbang mula sa kaniyang kinalalagyan ay naramdaman nya ang kaluskos. Tumigil sya panandali. Yumuko at nanatiling tahimik. Inikot ang paningin. Hinanap ang kinaroroonan ng kaluskos na iyon. Tama ang kanyang nararamdaman. Isa sa mga bandido. Papalapit sa kinaroroonan nya. Naglakad syang nakayuko. Dahan-dahan. Iniiwasang makagawa ng anumang ingay. Sasalubungin nya ito.

Umikot sya sa bandang likuran ng lalaki. Tahimik. At bigla nya itong sinunggaban. Hinawakan sa magkabilang pisngi at buong pwersang inikot ang leeg. Dinig nya ang pagkabali niyon. Tulad ng napapanood nya sa sine. Hindi na ito nakakilos. Sa isang igalap ay bumulagta ito sa kanyang harapan. Nanginig ang buo nyang katawan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapatay sya. Maraming ulit na syang nakipag-away ngunit ito ang unang beses na nakagawa sya ng ganoon.

Kinuha niya ang baril ng lalaki. Kalibre 38 iyon. Sapat na iyon para sa mga kalaban. Tatlo na lang ang natitirang kalaban nito. Muli syang lumakad pasulong. Palapit sa kinaroronan ng kanyang ililigtas. Muli, maingat na paghakbang. Hinahawi ang matataas na talahib sa kanyang harapan hanggang sa matanaw nya ang munting kubo. Nakita nya ang dalawang nagbabantay. Nakatalikod sa kubo. Palibot-libot ang tingin. Hinananap nya ang isa pang lalaki. Wala ito. Patuloy sya sa paglalakad ng biglang.

BANG!

Gimbala ang kanyang katawan sa putok na iyon. Nilingon nya sa gawing kanan. Ang isa sa mga lalaki. Nakaharap sa kanya. Malayo ito kaya siguro hindi tumama sa kanyang sentido. Sumablay iyon. Agad syang yumuko. Napatingin sya sa munting kubo, waring nagkagulo ang dalawang bantay. Ang taong nagpaputok ng baril ay nawala sa kanyang paningin. Kapwa sila nagtago. Nakayuko, dahan dahan syang lumakad pa-kaliwa. Tanaw pa rin nya ang dalawang bantay na nagtago na sa loob ng kubo. Bumilis ang kanyang paglakad habang hinahanap ang isang lalaki. hanggang sa makita nya ang bahagi ng katawan nito. nagtatago sa likod ng malaking puno. Ang kamay na may hawak na baril ay nakalabas. Nakatutok sa direksyon nya. Hinintay nya itong sumilip para asintahin sya. Iyon ang pagkakataon para matamaan nya ito. Inihanda nya ang dalang baril at itinutok sa direksyon na iyon. Inihanda ang daliri sa gatilyo at nang makakuha ng pagkakataon ay ipinaputok iyon. Sinabayan din ito ng putok ng lalaki. Halos sabay silang nagtago. Walang tinamaan. Gumulong siya papunta sa kabilang puno. Nakita nya ang lalaki, dumungaw ito sa direksyon nya kanina. Isa. Dalawa. At yumuko ito habang nagpalit ng lugar. Lilipat ito sa kabilang puno. Ito na ang pagkakataon nya. Itinutok nya ang baril sa taong iyon. Kinalabit ang gatilyo. BANG! Sapul ang lalaki. Nakita nyang namilipit ito sa sakit hanggang tuluyan nang bumagsak sa lupa. Muli niyang ibinaling ang paningin sa kubo. Tahimik ito. Tila walang tao. Sa di kalayuan ay umalingawngaw ang mga sirena. Mga pulis. May paparating na mga pulis. Mas lalong dadami ang kanyang kaaway. Sakali mang hindi sya mapatay ng mga bandido, tiyak na mga pulis naman ang papatay sa kanya. Umikot siya sa likuran ng kubo. Marahang humakbang papalapit doon. Narinig nya ang kaluskos mula sa loob. Ang yabag ng mga hakbang ay palabas ng kubo. Papalapit sa kinaroronan nya. Marahan iyon. Tumakbo sya pabalik sa kagubatan. Sa likod ng mga damo at naglalakihang puno. Ngunit huli na iyon. Narinig nya ang sunod sunod na putok. Tumalon sya padapa sa damuhan. Nakapagtago siya doon. Ramdam nya ang pagkapunit ng binti. Masakit iyon at ang init na dumaloy mula doon. Tiningnan nya ito. Tinamaan sya. Hindi nya alam kung gaano kalaki ang sugat ngunit namimilipit sya sa sakit. Nilingon nya ang kubo at nakita nya ang dulo ng baril ng lalaki. Nakatago iyon sa gilid ng kubo. Gumapang sya palayo. Naghanap ng magandang anggulo. Hindi na nya ininda ang sakit ng binti. Nakakita sya ng putol na kahoy. Halos sinlaki ng kanyang braso. Dinampot nya iyon at inihagis sa kinaroroonan nya kanina. Lumabas ng kaunti ang lalaki at nagpaputok ng sunod sunod. Pagkakataon nya iyon. Itinutok nya ang baril sa lalaki at pinaputok iyon. Tatlong sunod. Ngunit mabilis ang lalaki. nakatakbo iyon. Ngunit alam nyang tinamaan iyon dahil nakita nyang iika-ika sa kanyang pagtakbo. Palayo sa kabilang dako ng kagubatan. Palayo sa kubo. Nilamon ng kadiliman.

Nakiramdam siya. Pinag-aaralan ang sitwasyon. May isang kalaban pa sa loob ng kubo. Ang isa naman ay naglaho sa kadiliman. Ilang minuto na ang lumilipas. Tahimik pa rin. Kumikirot ang kanyang binti. Pinunit nya ang laylayan ng kanyang damit at itinali sa kanyang binti upang mabawasan ang pagdaloy ng dugo. Lumipat sya ng pwesto. Gumapang sya hanggang sa matanaw nya ang pinto ng kubo. Waring sinuwerte pa sya at nakita nya ang isang lalaki na nagtatago sa likod na puno. Nakaupo ito, nakaladlad ang mga paa. Tama nga sya. Tinamaan nya ito. Sa may gawing hita. Nakita nyang tumayo iyon, pabalik sa kubo. Tumingin muna sa magkabilang direksyon at nagmamadaling tumakbo hanggang sa makapasok sa loob ng kubo. Muli syang kumilos. Tumapat sa harap ng pinto. Itinutok ang baril doon. Sinumang lumabas doon ay tiyak na sapul sa kanya. Naghintay sya ng ilang saglit. Lumiliwanag na. Malapit ng sumikat ang araw. Madali na syang makikita mula sa kintatayuan nya. Kailangan nyang lumipat. Akmang tatayo sya ng makarinig ng putok. Sumadsad sya sa tabi. Hindi sya tinamaan nakita nyang biglang lumabas ang isang tao. Pinaputukan nya iyon. Dalawa. Nakita nyang humandusay ito sa tapat ng kubo. Gumapang sya muli sa gilid. Nag-iisa na lamang ang lalaki sa loob ng kubo. Pinakiramdaman nya ang kilos niyon ngunit wala syang narinig anumang kaluskos. Unti-unti syang lumapit. Bahala na. Sa isip nya. Palapit sya ng palapit. Nakatutok ang kanyang baril sa kanyang harapan. Nang malapit na sya sa pinto ay biglang may humampas sa kanyang kamay. Matigas na bagay iyon at namilipit sya sa sakit. Tumilapon ang kanyang baril. Naramdaman nyang muli ang bagay ng iyon sa kanyang likuran. Sadsad sya sa lupa. Lumapit ang lalaki, hawak ang kanyang baril. M16. wala na palang bala ito. Akmang ipapalo ito sa kanya ng bigla nyang pinakawalan ng malakas na sipa sa bandang tyan. Napaatras ang lalaki at agad namang tumayo si Allen. Muling hinampas ng lalaki si allen ngunit nakayuko ito sabay unday ng malakas na suntok sa tagiliran at sinundan pa ng isa sa bandang panga. Napaatras ito. Sinugod ito ni Allen at akmang susuntukin ngunit naunahan ito. Naipalo ang baril sa may bandang binti ni Allen. Masakit iyon dahil sa sugat na natamo kanina. Napaluhod sya. Napatingin ang lalaki sa baril ni Allen na tumilapon. Itinapon nya ang hawak na M16 at nagpunta sa kinaroroonan ng baril ni Allenn. Napansin iyon ni Allen kaya’t sinunggaban nya ang lalaki. Niyakap nya ang bandang tuhod nito. napansin nya ang sugat sa hita nito kaya’t pinisil nya iyon. Napaluhod sa sakit ang lalaki at inundayan ng isang malakas na suntok si Allen ngunit hindi ito bumitaw. Muli nyang pinisil ang sugat na iyon at dumapa na ang lalaki. naabot ng kamay nito ang walang balang M16 at inihampas sa ulo ni Allen. Ramdam ni Allen ang sakit niyon. Dumaloy kaagad ang dugo mula sa kanyang noo. Napabitiw sya. Halos sabay silang bumangon, kapwa namimilipit sa sakit. Muling hinampas ng lalaki si Allen ngunit nasalo nya iyon. Kapwa nila hawak ang baril. Nahihilam si Allen sa sariling dugo. Iniangat nya ang kanyang tuhod at malakas na pinatama iyon sa sugatang hita ng lalaki. napaluhod iyon. Hinatak nya ang baril. Napunta ito sa kanya. Ihinampas nya iyon sa nakaluhod na lalaki at tinamaan iyon sa balikat. Sumadsad ito padapa. Malapit sa baril ni Allen. Dali-dali nitong inabot ang baril. Huli na nang mapansin iyon ni Allen. Tila napako sya sa pagkakatayo. Nakatutok ang baril sa kanya. Unti-unting tumayo ang lalaki. napangiti ito. Tulala si Allen. Katapusan nya na. Bumalik sa kanyang alaala ang kanyang kabataan. Ang kalupitan ng kanyang ama. Ang mabait nitong kapatid at ang butihin nyang ina. Ang masayang alaala nila ni Ruby at ang lihim na pag-ibig nito kay Elaine. Si Elaine. Ang bago nyang pag-ibig.

BANG!

Isang malakas na putok na lubos na ikinagulat ni Allen. Tiningnan ang sarili. Pinakiramdaman kung saan tumama ang balang iyon. Masakit ang kanyang binti. Pati ang kanyang ulo ay nagdudugo. Ngunit alam nyang hindi doon tumama ang balang iyon. Tumingin sya sa lalaking kaharap. Nakabulagta na ito. Di kalayuan sa kanyang harapan ay nakita nya ang aura ng dalawang tao, bagamat halos sumikat na ang araw ay malabo pa rin sa kanyang paningin.

“Wag kang mag-alala Allen. Pulis ako.” Narinig nyang sabi nito.

Nabigla sya. Dinampot nya ang baril na hawak ng lalaking nakahandusay sa kanyang harapan. Tumakbo syang papasok sa kubo. Nakita nya doon ang iba pang bihag. Nakatali pa rin. Nakatingin ang mga ito sa kanya ngunit hindi nya ito pinapansin. Nasa isip nya ang pulis na nasa labas. Hindi nya alam kung susuko sya.

“Allen, wag ka nang mag-alala. Gagaan ang kaso mo.” Tinig ng isang babae. Kilala nya iyon. Si Elaine.

Dumungaw ito sa mula sa pinto. Natanaw nya ang isang lalaki at isang babae. Papalapit ito sa kanya ng biglang napukaw ang kanilang atensyon mula sa di kalayuan sa bandang gilid nito.

“Mga pulis kami. Sumuko na kayo! Ilabas nyo na ang bihag! Napapaligiran na namin kayo!” mula sa isang lalaki gamit ang mega-phone. Muli syang dumungaw mula sa pinto. Dumami na ang tao. May napansin pa syang mga media. Nakatutok ang camera sa kinalalagyan nya. Nagulat din si Capt. Murillo sa biglaang pangyayari. Lumapit sya sa lalaking may hawak ng megaphone.

“Sir, I am Capt. Murillo, I believe the situation is under control. Tapos na ang hostage case.” Paliwanag nito.

“Armado pa rin ang lalaki sa loob. Bakit wala pang lumalabas?” tanong nito.

“I can handle the situation Sir, let me get over it.”

“I’m sorry but this case is my case. I won’t allow you to do that.”

“But Sir please!”

“Negative. Don’t worry, walang masasaktan.”

“Sir, please, walang magpapaputok. Hindi sya ang hostage taker. He has another case but it was mine.”

“Okay. Don’t worry Captain.”


“Inuulit ko. Bitiwan mo ang baril mo, lumabas ka dito at hindi ka namin sasaktan.” Muling sabi ng lalaki gamit ang megaphone.

“Allen, makinig ka! Bababa ang sintensya mo, sumuko ka lang.” Muling sigaw ni Elaine. Ang lahat ng atensyon ay nasa kubong iyon.

Unti unting lumabas si Allen sa kubo. Nakataas ang kamay ngunit hindi pa nito binibitiwan ang baril. Nakaharap sya sa mga tao. Nakangiti si Capt. Murillo, tama nga Allen, ganyan nga.

“Ibaba mo ang baril mo.”

Nilibot ng kanyang mata ang paligid. Hinanap si Elaine, ngunit wala syang makita. Nanlalabo ang kanyang paningin. Naririnig nya ang tibok ng kanyang puso. Buo na ang loob nya, susuko sya. Para kay Elaine. At upang magkaroon pa sya ng pag-asang makita ang kanyang mga magulang. Ang kanyang kapatid. At magbagong buhay.

Sa di kalayuan, isa sa mga bandido ay agaw buhay. Bitbit ang baril, unti-unti syang kumilos. Nasaksihan ang pangyayari. Nakita nya si Allen. Itinutok ang baril sa kanya at bago pa lagutan ng hininga ay kinalabit ang gatilyo.

BANG!

Tinamaan si Allen sa balikat. Nabigla siya. Napuno ng galit ang isipan. Nais nyang sumuko ngunit bakit pinaputukan sya? Wala ba syang pag-asang magbago?

“HUWAAAAAGGGG!” sigaw ni Capt. Murillo nang makitang itinutok ni Allen sa mga pulis ang baril. Pinaputok nya iyon at tinamaan ang isa sa mga pulis. Tumatakbong palapit si ang kapitan kay Allen. At nagpaputok ang mga pulis. Umalingawngaw ang ilang putok ng baril.

“HOLD YOUR FIRE! HOLD YOURE FIRE!” mula sa taong naka megaphone. Tumahimik ang paligid.

Hindi malaman ni Allen ang magiging reaksyon nya ng makita ang lalaki sa kanyang harapan. Duguan ito. Ang balang nagmula sa baril ng mga pulis para kay Allen ay sinalo ng lalaking ito. Nagtama ang kanilang paningin bago tuluyang ipikit nito ang mga mata at unti-unting bumagsak ito sa kinatatayuan. Nakadapa. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang katawan. Nanlambot ang kanyang tuhod. Napaluhod siya sa harapan ng lalaking iyon. Pamilyar ang mukha nito. umagos ang luha sa kanyang mga mata. Si Kapitan Murillo. Nasa kanyang harapan. Nilapitan niya ito. Itinihaya. Muling tiningnan ang mukha nito. Hinawakan nya ang pisngi. Marahang dumilat ang Kapitan. Ngumiti sa kanya. Dumaloy ang dugo mula sa bibig nito. Agaw buhay. Naghihingalo. Ngunit pinilit pa ring magsalita.

“H-Hini..hin..tay...kahh...ng...ng..i-inay...” at nalagot ang hininga nito sa kanyang mga braso.

“KUUUYAAAAA!!!!” Ang tanging naisigaw ni Allen.




-WAKAS-


EPILOGUE


Binigyan ng papugay sa kanyang libing si Capt. Daniel Murillo. At ang kasong hinahawakan nya ay nagkaroon ng kasagutan. Sa pamamagitan ni SP03 Leaño, napatunayang inosente si Allen Murillo sa pagkakapatay sa biktima ng hold-up and murder case. Si Ruby ay nasa ilalim pa rin ng witness protection program. Nadagdagan ang kaso ni Dondon. Ang Lider ng grupo. Pamangkin pala ito ni General Mariano. Lumayas sa kanilang bahay dahil sa pagrerebelde ng malamang may kabit ang kanyang ama na Kapatid ng Heneral.
Naging normal ang araw nina Tina at Laura. Muling nagbalik ang asawa ni Aling Lucy sa kanya at tinanggap niya iyon. Matagal na daw niya gustong bumalik, nawalan lamang sya ng lakas ng loob. Ngunit ng mabalitaang nasa panganib ang anak, wala na itong inaksaya pang panahon. Nakatapos ng pag-aaral si Ed.
Namatay ang ina ni Allen ng mabalitaan ang nangyari sa mga anak. Muli itong inatake sa puso. Sukat noon, sa di makayanang sitwasyon, nagpakamatay din ang asawa nito. Si Mang Cardo. Ang asawa ni Aling Myrna.
Si Elaine, linggo linggong dumadalaw sa selda ni Allen, lalong naging malapit ang kanyang loob sa binata na nagsimula sa awa hanggang sa mabuo ang isang pag-ibig., hinihintay na lamang niya ang kanyang paglaya.
At si Allen, unti-unti nang nakakabalik sa dating isipan matapos ang ilang linggong pagkatulala nito nang malaman ang nagyari sa inay, sa kanyang kuya at sa kanyang itay. Nakakulong pa rin ngunit hindi na gaanong mabigat ang kanyang kaso. Ngayon ay aktibo sa pagsali sa mga gawang maka-Diyos. At dahil inspirado sa bagong pag-ibig, Si Elaine, lalo niyang pinagbubuti at pilit itinutuwid ang bagong buhay niya.

1 komento:

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    TumugonBurahin